Ang Balak na Walang-hanggan ng Panginoon

Kabanata 28

Bakit tayo nilalang ng Diyos? Nagkaroon ba Siya ng layunin mula sa umpisa? Hindi ba alam na lahat ay magrerebelde laban sa Kanya? Hindi ba Niya nakinita ang kalalabasan ng ating rebelyon, lahat ng paghihirap at kalungkutang pinasan ng sangkatauhan mula noon? Kung gayon ay bakit Niya nilalang ang sinuman noong una pa man?

Sinasagot ng Biblia ang mga katanungang ito para sa atin. Sinasabi nito na bago pa man likhain ng Diyos sina Adan at Eva, alam Niya na sila at lahat ng susunod sa kanila ay magkakasala. Kamangha-manghang nakabuo na Siya ng plano upang tubusin ang nagkasalang sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesus.

Isinulat ng Pablo ang tungkol sa plano ng Diyos bago paglikha,

Diyos, na nagligtas at tumawag sa atin para sa isang banal na gawain. Ginawa Niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin, kundi ayon sa Kanyang layunin at kagandahang-loob. Sa simula pa, ito ayu ibinigay na Niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus (2 Tim. 1:8b-9, idinagdag ang pagdidiin).

Ang pagpapala ng Diyos ay ibinigay sa atin kay Cristo mula sa simula pa, hindi lang hanggang magpakailanman. Ipinakikita nito na ang mapagpakasakit na kamatayan ni Jesus ay isang bagay na binalak ng Diyos mula sa malayong nakaraan.

Gayundin, isinulat ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Efeso:

Ito’y alinsunod sa Kanyang layunin bago pa man likhain ang sanlinutan. Tinupad Niya ang layuning ito sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. (Efe. 3:11, idinagdag ang pagdidiin).

Hindi karagdagang-isip lamang ang pagkamatay ni Jesus sa krus, isang planong dagliang isinagawa upang ayusin ang nakaligtaan ng Diyos.

Hindi lang sa nagkaroon ng walang-hanggang layunin ang Diyos sa pagbibigay sa ating ng Kanyang pagpapala mula sa magpakailanman, kundi alam na rin Niya noong nakalipas na walang-hanggan kung sino ang pipiliing tumanggap ng Kanyang pagpapala, at isinulat pa Niya ang kanilang pangalan sa isang libro:

Sasamba sa Kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito’y iniingatan ng Korderong pinatay [si Jesus] (Pah. 13:8, idinagdag ang pagdidiin).

Hindi ikinagulat ng Diyos ang pagkahulog ni Adan sa pagkakasala. Ni ang pagkahulog mo, o ang pagkahulog ko. Alam ng Diyos na magkakasala tayo, at alam din Niya kung sino ag magsisi at manampalataya sa Panginoong Jesus.

Ang Susunod na Tanong (The Next Question)

Kung noon pa ay alam na ng Diyos na ang ilan ay mananampalataya kay Jesus at tatanggihan Siya ng iba, bakit Siya lumikha ng mga taong alam Niyang tatanggi sa Kanya? Bakit hindi na lang lumikha ng mga taong alam Niyang magsisisi at manampalataya kay Jesus?

Ang sagot sa tanong na iyan ay higit na mahirap intindihin, nguni’t hindi imposible.

Una, kailangang intindihin natin na nilikha tayo ng Diyos na may sariling kapasyahan. Ibig sabihin, lahat tayo ay may pribilehiyong magpasya para sa ating sarili kung manunungkulan tayo sa Diyos o hindi. Ang ating mga pasya upang sumunod o sumuway, magsisi o hindi magsisi, ay hindi unang pinagpasyahan ng Diyos. Ang mga ito ay kapasyahan natin.

Dahil dito, bawa’t isa sa atin ay kailangang bigyan ng pagsubok. Siyempre, noon pa ay alam na ng Diyos ang ating gagawin, nguni’t kailangan nating gumawa ng isang bagay sa takdang panahon upang una Niyang malaman.

Bilang halimbawa, alam ng Diyos ang kalalabasan ng larong football bago laruin ito, nguni’t kailangang may mga larong football na lalaruing may kalalabasan kung unang aalamin ng Diyos ang kalalabasan. Hindi unang malalaman ng Diyos (at hindi Niya magagawang alamin) ang kalalabasan ng mga larong football na kailanman ay hindi nilalaro dahil walang kalalabasang dapat malaman.

Gayundin, unang malalaman lang ng Diyos ang mga pasya ng malayang ahente ng magandang asal kung mabibigyan ang mga iyon ng pagkakataong magpasya at talaga namang pagpapasyahan nila. Kailangan silang subukin. Kaya hindi lumikha (at hindi makalilikha) ang Diyos ng mga tanging taong alam na Niyang magsisisi at mananampalataya kay Jesus.

Isa pang Tanong (Another Question)

Matatanong din, “Kung ang tanging nais ng Diyos ay mga taong masunurin, bakit Niya tayo nilikha na may kalayaang magpasya? Bakit hindi Siya lumikha ng lahing habambuhay na masunuring mga robot?”

Ang sagot ay dahil ang Diyos ay isang Ama. Nais Niyang magkaroon ng ama-anak na relasyon sa atin, at hindi magkakaroon ng ama-anak na relasyon sa mga robot. Ang pagnanais ng Diyos ay magkaroon ng walang-hanggang pamilya ng mga anak na pinili, sa pamamagitan ng sarili nilang pagpapasya, na mahalin Siya. Ayon sa Biblia, iyan ang Kanyang nakatalagang balak:

Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y Kanyang pinili upang maging anak Niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang Kanyang layunin at kalooban (Efe. 1:4b-5, idinagdag ang pagdidiin).

Kung gusto mong magkaroon ng idea kung gaanong kasiyahan ang makukuha ng Diyos mula sa mga robot, maglagay ka lang ng puppet sa iyong kamay at sabihan itong sabihin sa iyo na mahal ka niya. Malamang na hindi ka magkakaroon ng mainit na pakiramdam sa iyong puso! Sinasabi lang ng puppet na iyan ang iniuutos mong sabihin niya. Hindi ka niya talaga mahal.

Ang pagiging katangi-tangi ng pag-ibig ay dahil batay ito sa pagpili ng taong may malayang pagpapasya. Ang mga puppet at robot ay walang alam sa pag-ibig dahil hindi sila makapagpapasya ng anuman para sa kanilang sarili.

Dahil gusto ng Diyos ng isang pamilya ng mga anak na pipiliing mahalin at manungkulan sa Kanya mula sa kanilang sariling puso, kailangan Niyang lumikha ng mga malayang ahente ng magandang asal. Kinailangan ng pasyang iyan ang pagtanggap ng panganib na ilang malayang ahente ng magandang asal ay piliing hindi Siya mahalin at paglingkuran. At ang mga malayang ahente ng magandang asal na iyon, pagkatapos ng habambuhay na paglaban sa Diyos na nagbubunyag ng Kanyang sarili at inaakit ang lahat ng tao sa pamamagitan ng Kanyang nilikha, ang kanilang konsensya at ang magandang balita, ay kailangang humarap sa kanilang makatwirang kaparusahan, dahil napatunayang karapat-dapat sila sa galit ng Diyos.

Walang tao sa impiyerno ang makatwirang magturo na daliring nag-aakusa laban sa Diyos dahil naglaan Siya ng daan upang bawa’t tao ay makaligtas sa kaparusahan ng kanyang mga kasalanan.

Ibig ng Diyos na bawa’t tao ay maligtas (tingnan ang 1 Tim. 2:4; 2 Ped. 3:9), nguni’t bawa’t isa ay kailangang magpasya.

Biblikal na Katalagahan (Biblical Predestination)

Nguni’t paano ang mga pahayag sa Bagong Tipan na tumutukoy sa pagtatalaga sa atin ng Diyos, ang pagpili sa atin bago nangyari ang pundasyon ng?

Malungkot na ipinagpapalagay ng ilan na ispesipikong pinili ng Diyos ang tanging taong maliligtas at pinili ang mga naiwan upang magdusa, na ang naging batayan ng Kanyang pasya ay wala sa nagawa ng mga indibidwal na iyon. Ibig sabihin, sinasabing pinili ng Diyos kung sino ang maliligtas o magdurusa. Malinaw na inaalis ng ideang ito ang konsepto ng malayang pagpapasya at tunay na hindi ito itinuturo sa Biblia. Tingnan natin ang itinuturo ng Biblia tungkol sa pagtatalaga.

Totoo, itinuturo ng Biblia na pinili tayo ng Diyos, nguni’t kailangang linawin ang katotohanang ito. Mula sa pagkalalang ng mundo, pinili na ng Diyos ang mga taong noon pa man ay alam na Niyang magsisisi at maniniwala sa magandang balita sa pamamagitan ng Kanyang panghihila, nguni’t ayon sa kanilang sariling pasya. Basahin ang sinasabi ni apostol Pablo tungkol sa mga taong pinipili ng Diyos:

Hindi itinakwil ng Diyos ang Kanyang bayan na sa simula pa’y pinili na Niya. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? Dumaing siya sa Diyos laban sa Israel. Sinabi niya, “Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta at giniba ang iyong mga altar. Ako na lamang ang natitira, at gusto pa nila akong patayin!” Nguni’t ano ang sagot sa kanya ng Diyos? Nagtira ako ng pitong libong lalaking hindi sumamba sa diyus-diyosang si Baal.” Ganoon din sa kasalukuyan; mayroon pang nalalabing mga hinirang ng Diyos dahil sa Kanyang kagandahang-loob (Ro. 11:2-5, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na sinabi ng Diyos kay Elias na “nagtira Siya ng pitong libong lalaki,” nguni’t ang mga pitong libong lalaking iyon ay unang piniling hindi “sumamba sa diyus-diyosang si Baal.” Sinabi ni Pablo na gayundin, mayroong naiwang mananampalatayang Judio ayon sa pasya ng Diyos. Kaya masasabi natin na oo, pinili tayo ng Diyos, nguni’t pinili ng Diyos ang mga mismong naunang gumawa ng tamang pasya. Pinili ng Diyos na iligtas ang lahat ng naniniwala kay Jesus, at iyang ang Kanyang naging plano, bago pa man ang paglikha.

Ang Pagpili ng Diyos Ayon sa Kanyang kaalaman sa mula’t mula (God’s Foreknowledge)

Kaugnay dito, itinuturo rin ng Kasulatan na pinili rin ng Diyos ang lahat ng mga pipiliing gumawa ng tamang pasya. halimbawa, isinulat ni Pedro:

Sa mga hinirang ng Diyos na nasa ibang lalawigan…kayoy pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang kaalaman sa mula’t mula pa (1 Ped. 1:1-2a, idinagdag ang pagdidiin).

Pinili tayo ayon sa kaalaman ng Diyos sa mula’t mula pa. Sumulat din si Pablo tungkol sa mga mananampalatayang mula’t mula pa ay kilala na:

SWa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang magiging Kanya at ang mga ito’y pinili Niya upang maging tulad ng Kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid. Ang mga pinili Niya noon pang una ay kanyang tinawag ; at ang mga tinawag ay Kanya ring pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay Kanayang binahaginan ng Kanyang kaluwalhatian (Ro. 8:29-30).

Mula’t mula pa’y kilala na ng Diyos tayong pipiliing manampalataya kay Jesus, at itinalaga Niyang magiging kapareho tayo ng Kanyhang Anak, magiging napagbagong-buhay na nga anak ng Diyos sa Kanyang malaking pamilya. Sa pagtupad sa walang-hanggang plano, tinawag Niya tayo sa pamamagitan ng ebanghelyo, ginawa tayong matuwid at sa kalaunan ay pinapupurihan tayo sa Kanyang kaharian sa kinabukasan.

Isinulat ni Pablo sa isa pang sulat:

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban Niya tayo ng lahat ng pagpapalang espiritwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na Niya tayo upang maging Kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo’y maging banal at walang kapintasan sa harap Niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y Kanyang pinili upang maging anak Niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang Kanyang layunin at kalooban. Puirihin natin Siya dahil sa Kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng Kanyang minamahal na Anak! (Efe. 1:3-6, idinagdag ang pagdidiin).

Siya rin ang katotohanang idinudulog dito—Pinili tayo ng Diyos (na sa mula’t mula pa’y alam Niyang magsisisi at mananampalataya) bago pa nagawa ang pundasyon ng mundo upang maging banal Niyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Tulad ng nabanggit na, ang ilang pagbaluktot sa kahulugan ng nabanggit na kasulatan sa pamamagitan ng pagwawalambahala sa lath ng iba pang itinuturo ng Biblia, sa pang-angking talagang wala tayong kapasyahan sa ating kaligtasan—inaakalang ang pagpili ay lubos na nasa Diyos. Tinatawag nila itong doktrina ng “walang kundisyong pagpili,” ibig sabihin, isang pagpiling hindi batay sa pagtupad ng tanging kundisyon? Sa mga malayang bansa, pinipili natin ang mga kandidatong pulitiko batay sa mga kundisyong sa isip natin ay tinutupad nila. Pinipili natin ang ating asawa batay sa mga kundisyong tinutupad nila, mga katangiang taglay nila kaya’t sila’y kaibig-ibig. Bagama’t nais ng ilang teolohistang paniwalaan nating ang ipinapalagay sa kung sino ang ligtas at hindi ay isang “walang kundisyong pagpili,” na hindi batay sa anumang kundisyong natupad ng mga tao! Kung gayon, ang kaligtasan ng mga tao ay pagkakataon lang, mga kapritso ng isang mabagsik, di matuwid, mapagpanggap at hindi matalinong dambuhalang nagngangalang Diyos! Ang mismong pariralang, “walang kundisyong pagpili” ay salungat sa sarili, dahil ang mismong salitang pagpili ay nagpapahiwatig ng kundisyon. Kung ito ay isang “walang kundisyong pagpili,” hindi siya pagpili talaga; ito ay purong pagkakataon.

Ang Malaking Larawan (The Big Picture)

Nakikita na natin ang malaking larawan. Alam ng Diyos na magkakasala tayong lahat, nguni’t gumawa Siya ng plano upang tubusin tayo bago naipanganak ang isa man sa atin. Ibubunyag ng planong iyan ang Kanyang kagila-gilalas na pag-ibig at katarungan, dahil kakailanganing mamatay ng solong-solo Niyang Anak para sa ating mga kasalanan bilang kahalili natin. At hindi lamang itinalaga ng Diyos na tayong nagsisi at naniwala ay mapapatawad, kundi magiging tulad ng Kanyang Anak na si Jesus, na tulad ng sabi ni Pablo, “Hindi na ako ang nabubuhay ngayon, kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin” (Gal. 2:20).

Isang araw, tayong mga muling-ipinanganak na anak ng Diyos ay mabibigyan ng di masisirang katawan, at maninirahan tayo sa isang ganap na lipunan, naglilingkod, nagmamahal at nakikipagkapwa sa ating kahanga-hangang Amang nasa langit! Maninirahan tayo sa isang bagong lupa at sa Bagong Jerusalem. Lahat nang ito ay nangyari dahil sa mapagpakasakit na pagkamatay ni Jesus! Purihin ang Diyos dahil sa Kanyang nakatalagang plano!

Ang Buhay na Ito (This Present Life)

Sa sandaling maintindihan natin ang planong walang-hanggan ng Diyos, higit na maiintindihan natin ang buhay na ito. Unang-una, nagsisilbing pagsubok sa bawa’t tao ang buhay na ito. Ang pasya ng bawa’t tao ang nagtatakda kung matatamasa niya ang banal na pribilehiyo ng pagiging isa sa mga sariling anak ng Diyos na makikipanirahan sa Kanya magpakailanman. Ang mga nagpapakumbaba sa pamamagitan ng pagsuko sa pagdadala ng Diyos, at saka nagsisisi at naniniwala, ay maitataas (tingnan ang Lu. 18:14). Ang buhay na ito ay pangunahing pagsubok para sa buhay sa hinaharap.

Tinutulungan din tayo nito upang intindihin ang ilang hiwagang bumabalot sa buhay na ito. Halimbawa, marami ang nagtatanong, “Bakit pinapayagan si Satanas at ang kanyang mga kampon na tuksuhin ang mga tao?” o, “Nang pinaalis sa langit si Satanas, bakit siya pinayagang makapunta sa lupa?”

Makikita na nating ngayon na kahit si Satanas ay may nakatakdang banal na layunin sa plano ng Diyos. Unang-una, nagsisilbi si Satanas bilang panghaliling pasya para sa sangkatauhan. Kung ang tanging pipiliin ay ang paglilingkod kay Jesus, lahat-lahat ay maglilingkod kay Jesus gustuhin man nila o hindi.

Magiging tulad ng eleksiyon na lahat ay kinakailangang bumoto, nguni’t iisa lamang ang kandidato. Mapagkakaisahang iboto ng lahat ang kandidatong iyon, nguni’t kailanman ay hindi siya magkakaroon ng tiwala sa sarili na minamahal siya o nagugustuhan man lang ng sinuman sa bumoto sa kanya! Wala silang magagawa kundi iboto siya! Ganyan din ang magiging sitwasyon ng Diyos kung walang nakikipagkumpetensya sa Kanya sa puso ng mga tao.

Tingnan ito sa anggulong ito: Paano kung inilagay ng Diyos sina Adan at Eva sa isang hardin na walang ipinagbabawal? Kung magkagayon, sina Adan at Eva ay naging robot dahil sa kanilang kapaligiran. Hindi nila masabing, “Pinili naming sundin ang Diyos,” dahil mawawalan sila ng pagkakataong suwayin Siya.

Higit na mahalaga, hindi kailanman nasabi ng Diyos na, “Alam kong mahal ako nina Adan at Eva,” dahil walang pagkakataon sina Adan at Eva upang sumunod at patunayan ang kanilang pagmamahal sa Diyos. Kailangang bigyan ng Diyos ang mga malayang ahente ng magandang asal upang ay malalaman Niya kung nais nilang sundin Siya. Hindi tinutukso ng Diyos ang sinuman (tingnan ang San. 1:13), nguni’t sinusubok ang lahat (tingnan ang Awit 11:5; Kaw. 17:3). Isang paraan ng Kanyang pagsubok sa kanila ay payagan silang matukso ni Satanas, na siyang tumutupad ng isang banal na layunin sa Kanyang planong magpakailanman.

Isang Ganap na Halimbawa (A Perfect Example)

Mababasa natin sa Deuteronomio 13:1-3:

Kung sa inyo’y may lumitaw na propeta o nagbibigay ng kahulugan sa mga panaginip, at nagpakita siya ng kababalaghan o kaya’y nagkatotoo ang kanyang pahayag, subali’t hinihikayat kayong sumamba sa mga diyus-diyosang hindi naman ninyo kilala, huwag kayong makikinig sa kanya. Pagsubok lamang iyon ni Yahweh sa inyo kung talagang iniibig ninyo Siya nang buong puso’t kaluluwa (idinagdag ang pagdidiin).

Mukhang makatwiran na ipalagay na hindi ang Diyos ang nagbigay sa huwad na propetang iyon ng higit-sa-karaniwang kakayahan upang intindihin ang tanda o kababalaghan—marahil ay si Satanas. Nguni’t pinayagan ito ng Diyos at ginamit ang pagtukso ni Satanas bilang sarili Niyang pagsubok upang malaman kung ano ang nasa puso ng Kanyang bayan.

Ang prinsipyo ring ito ay inilarawan din sa Mga Hukom 2:21-3:8 nang payagan ng Diyos ang Israel na matukso ng nakapaligid na mga bansa upang malaman kung susunod nila Siya o hindi. Inakay rin ng Espiritu si Jesus sa ilang sa layuning tutuksuhin siya ng diyablo (tingnan ang Mt. 4:1) at kung gayon ay masubok ng Diyos. Kailangan Niyang mapatunayang walang sala, at ang tanging paraan upang mapatunayang walang pagkakasala ay sa pamamagitan ng tukso.

Hindi Karapat-dapat Angkinin Lahat ni Satanas ang Sisi (Satan Does Not Deserve All the Blame)

Naloko na ni Satanas ang malaking bilang ng tao sa mundo sa pamamagitan ng pagbulag sa kanilang isip sa katotohanan ng magandang balita, nguni’t dapat nating matanto na hindi basta mabulag ni Satanas ang sinuman. Malilinlang lamang niya ang mga pumapayag malinlang, ang mga taong tumatanggi sa katotohanan.

Inihayag ni Pablo na ang mga di mananampalataya ay “nawalan ng pang-unawa” (Efe. 4:18) at mangmang, nguni’t ibinunyag din niya ang pinag-ugatang dahilan ng kanilang pagkawala ng pang-unawa at kamangmangan:

Huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.sila’y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan (Efe. 4:17b-19, idinagdag ang pagdidiin).

Ang mga di ligtas ay hindi lamang walang suwerteng taong sa malas ay nalinlang ni Satanas. Bagkus, sila’y mga rebeldeng makasalanang kusang nagiging mangmang at nagnanais manatiling nalilinlang dahil matitigas ang kanilang ulo.

Walang tao ang kailangang manatiling nalilinlang, na pinatutunayan ng sarili ninyong buhay! Sa sandaling pinalambot mo ang iyong puso tungo sa Diyos, hindi maipagpapatuloy ni Satanas ang panlilinlang sa iyo.

Sa katapusan, igagapos si Satanas sa sanlibong-taong paghahari ni Cristo, at hindi na siya magkakaroon ng kapangyarihan kaninuman:

Sinunggaban niya [isang anghel] ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon. Ito’y inihagis ng anghel sa bangin na walang kasing-lalim, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hangga’t hindi natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos nito’y palalayhain siya sa loob ng maikling panahon (Pah. 20:2-3).

Pansinin na bago ibinilanggo si Satanas, “dinaya niya ang mga bansa,” nguni’t kapag nakagapos na siya hindi na siya makakapandaya. Nguni’t pagkapalaya sa kanya, muli niyang dadayain ang mga bansa:

Pagkatapos ng sanlibong taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito at isasama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay magiging sindami ng buhangin sa tabing-dagat. Kumalat sila sa buong mundo at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lunsod. Nguni’t umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas (Pah. 20:7-9, idinagdag ang pagdidiin).

Bakit palalayain ng Diyos si Satanas sa maikling panahong ito? Ang dahilan ay upang lalantad ang lahat ng namumuhi kay Cristo sa kanilang puso nguni’t nagkukunwang sumusunod sa Kanya. Sa gayon ay makatwirang mahatulan sila. Iyon ang magiging huling pagsubok.

Gayundin, pinapayagan si Satanas na manatili sa mungo ngayon—upang malantad ang mga namumuhi kay Cristo sa kanilang puso at sa huli ay mahatulan. Sa sandaling hindi na kailangan ng Diyos si Satanas upang tupdin ang mga banal na layunin Niya, ang mandaraya ay itatapon sa lawa ng apoy upang pahirapan doon magpakailanman (tingnan ang Pah. 20:10).

Paghahanda para sa Susunod na Mundo (Preparing For the Future World)

Kung nagsisi ka at naniwala sa magandang balita, nakapasa ka sa una at pinakamahalagang pagsubok sa buhay na ito. Nguni’t huwag mong isiping hindi ka patuloy na susubukan nang sa gayon ay malalaman ng Diyos ang pagpapatuloy ng iyong debosyon at katapatan sa Kanya. Iyon lamang “nagpapatuloy sa pananampalataya” ang ihaharap sa Diyos bilang “banal at walang sala” (Col. 1:22-23).

Sa kabila nito, malinaw mula sa Kasulatan na isang araw, lahat tayo’y haharap sa hukuman ng Diyos, kung saan isa-isa tayong magagantimpalaan ayon sa ating pagsunod sa lupa. Kaya sinusubukan pa rin tayo upang malaman kung karapat-dapat tayo sa mga natatanging gantimpala sa hinaharap sa kaharian ng Diyos.

Isinulat ni Pablo,

Nguni’t ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? Tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos. Sapagka’t nasusulat, “Sabi ng Panginoon, ‘Dahil Ako’y buhay, ang lahat ay luluhod sa harap Ko, at ang bawa’t dila’y magpupuri sa Diyos.’” Kaya, pananagutan natin sa Diyos ang mga bagay na ating ginagawa (Ro. 14:10-12, idinagdag ang pagdidiin).

Sapagka’t lahat tayo’y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating gawang mabuti o masama, nang tayo’y nabubuhay pa sa daigdig na ito (2 Cor. 5:10).

Kaya’t huwag kayong hahatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo’y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawa’t isa. Sa panahong iyon, bawa’t isa’y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal. (1 Cor. 4:5, idinagdag ang pagdidiin).

Ano ang mga Magiging Gantimpala? (What Will be the Rewards?)

Ano, talaga, ang mga magiging gantimpalang ibinibigay sa mga nagpapatunay ng kanilang pag-ibig at katapatan kay Jesus?

Binabanggit ng Kasulatan ang di-kukulang sa dalawang magkaibang gantimpala—parangal mula sa Diyos, at higit na maraming pagkakataon upang paglingkuran Siya. Kapwa ibinunyag ang mga ito sa talinhaga ni Jesus tungkol sa maharlika:

Kaya’t sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong lupain upang ito’y gawing hari, at pagkatapos nito, siya ay babalik. Subali’t bagao siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin at binigyan ang mga ito ng tig-iisang gintong salapi. Sinabi niya sa kanila, ipangalakal ninyo iyan hanggang sa aking pagbabalik. Nguni’t galit sa kanya ang kanyang mga nasasakupan, kaya’t nagsugo sila ng kinatawan upang sabihin sa kinauukulan, ‘Ayaw naming maghari sa amin ang taong iyon.” Gayunpaman ay ginawa rin siyang hari. “Nang makabalik na siya at nagsimulang maghari, ipinatawag niya ang mga aliping binigyan ng gintong salapi, upang malaman kung magkano ang tinubo ng bawa’t isa. Lumapit sa kanya ang una at ganito ang sinabi, ‘Panginoon, ang isang gintong salaping ibinigay ninyo ay tumubo ng sampu,’ ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Dahil naging tapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, pamamahalain kita sa sampung lunsod.’ Lumapit naman ang ikalawa at ang sabi, ‘Panginoon, ang gintong salaping iniwan ninyo sa akin ay tumubo ng lima.’ At sinabi niya sa alipin, ‘Mamahala ka sa limang lunsod.’ Lumapit ang isa pang alipin at ganito naman ang sinabi, ‘Panginoon, narito po ang inyong gintong salapi. Binalot ko po ito sa panyo at itinago. Natatakot po ako sa inyo dahil kayo’y napakahigpit; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo at inaani ang hindi ninyo itinanim.’ Sinagot siya ng hari, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan ay hahatulan kita. Alam mo palang ako’y mahigpit at sinasabi mo pang kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko itinanim. Bakit hindi mo na lamang idineposito sa bangko ang aking salapi? May tinubo sana iyan bago ako dumating.’ At sinabi niya sa mga naroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang gintong salapi at ibigay sa may sampu.’ ‘Panginoon, siya po ay mayroon nang sampung gintong salapi,’ sabi nila. ‘Sinasabi ko sa inyo, ang mayroon ay bibigyan pa, nguni’t ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa. tungkol naman sa mga kaaway kong ayaw na ako’y maghari sa kanila, dalhin ninyo sila rito at patayin sa harap ko!’” (Lu. 19:12-27).

Malinaw na sinasagisag si Jesus ng maharlika na umalis nguni’t bumalik din. Pagbalik ni Jesus kailangan nating ipagbigay-alam ang ginawa natin sa mga kaloob, kakayahan, ministeryo, at pagkakataong ibinigay Niya sa atin, na sinasagisag ng isang gintong salaping ibinigay sa bawa’t alipin sa kuwento. Kung naging matapat tayo, magagantimpalaan tayo ng parangal mula sa Kanya at mabibigyang ng kapangyarihang tulungan Siya sa pamamahala at maghari sa lupa (tingnan ang 2 Tim. 2:12; Pah. 2:26-27; 5:10; 20:6), na sinasagisag ng mga lunsod na ipinamahala sa bawa’t matapat na alipin sa talinhaga.

Ang Pagiging Makatwiran ng ating Darating na Paghatol (The Fairness of Our Future Judgment)

Isa pang talinhagang sinabi ni Jesus ang naglalarawan ng ganap na pagiging makatwiran ng ating darating na paghatol:

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ ‘Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya’t sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’ Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; nguni’t ang bawa’t isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nang magkagayo’y nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, ‘Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo an gaming upa?’ sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmamagandang-loob sa iba?’” at sinabi ni Jesus, “Ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli” (Mt. 20:1-16).

Hindi ituturo ni Jesus sa talinhagang ito na lahat ng naglilingkod sa Diyos ay makakatanggap ng parehong gantimpala sa huli, dahil hindi lang iyan hindi makatarungan, kundi sasalungat pa sa maraming kasulatan (tingnan, halimbawa, ang Lu. 19:12-27; 1 Cor. 3:8).

Bagkus, itinuturo ni Jesus na bawa’t isa sa mga naglilingkod sa Diyos ay magagantimpalaan, hindi ayon sa ginawa nila para sa Kanya, kundi ayon sa kung gaano ang ibinigay Niyang pagkakataon sa kanila. Ang isang-oras na manggagawa sa talinhaga ni Cristo ay nakapagtrabaho sana nang isang araw kung binigyan sila ng pagkakataon ng may-ari ng ubasan. Kaya iyong mga nagbigay ng lahat sa isang-oras na pagkakataong ibinigay sa kanila ay nagantimpalaan nang pareho rin sa mga nabigyang ng pagkakataong buong araw na magtrabaho.

Gayundin, nagbibigay ang Diyos ng iba-ibang pagkakataon sa bawa’t isa sa kanyang mga tagasilbi. Sa iba nagbibigay Siya ng dakilang pagkakataong manilbihan ang pagpalain ang libu-libong tao sa paggamit ng kahanga-hangang kaloob na ibinigay Niya sa kanila. Sa iba, ibinigay Niya ang higit na kaunting pagkakataon at kaloob, nguni’t makakatanggap sila ng parehong gantimpala sa huli kung pareho rin silang matapat sa paggamit ng kaloob na ibinigay ng Diyos sa kanila. [1]

Ang Kongklusyon (The Conclusion)

Wala nang higit na mahalaga sa pagsunod sa Diyos, at isang araw ay malalaman iyan ng lahat ng tao. Alam na iyan ng marurunong na tao at kumikilos na sila ayon dito!

Ang kongklusyong ito, kapag narinig na ang lahat, ay: matakot sa Diyos at sundin ang Kanyang mga utos, dahil angkop ito sa lahat ng tao. Dahil hahatulan ng Diyos ang bawa’t kilos, lahat ng nakatago, maging mabuti man o masama (Mang. 12:13-14).

Ang ministrong tagalikha-ng alagad ay sumusunod sa Diyos nang buong puso at ginagawa lahat ng kanyang magagawa upang hikayatin ang kanyang mga alagad na gayundin ang gawin!

Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa mahalagang paksang ito ng darating na paghatol sa atin, tingnan ang Mt. 6:1-6, 16-18; 10:41-42; 12:36-37; 19:28-29; 25:14-30; Lu. 12:2-3; 14:12-14; 16:10-13; 1 Cor. 3:5-15; 2 Tim. 2:12; 1 Pet. 1:17; Pah. 2:26-27; 5:10; 20:6.

 


[1] Hindi rin itinuturo ng talinhagang ito na ang mga nagsisi sa murang edad at naglingkod nang maraming taon ay magagantimpalaan nang pareho sa nagsisi sa huling taon ng kanilang buhay at matapat na naglingkod sa Diyos nang isang taon lamina. Hindi iyan makatarungan, at hindi nakabatay sa pagkakataong ibinigay ng Diyos sa bawa’t isa sa atin, dahil bawa’t isa ay binigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi sa buong buhay nila. Kung gayon, ang mga naglilingkod nang higit na matagal ay makakatanggap nang higit kaysa sa mga naglilingkod nang kakaunting panahon.

Ang Buhay na Walang-Hanggan

Kabanata 27

Alam ng karamihang Cristiano na kapag namatay ang mga tao, pupunta sila sa langit o sa impiyerno. Nguni’t hindi napagtatanto ng lahat na ang langit ay hindi ang huling hantungan ng lahat ng matuwid, at ang Hades ay hindi ang huling hantungan ng mga hindi matuwid.

Kapag namatay ang mga tagasunod ni Cristo, ang kanilang espiritu/kaluluwa ay dagliang pupunta sa langit kung saan naninirahan ang Diyos (tingnan ang 2 Cor. 5:6-8; Fil. 1:21-23; 1 Tes. 4:14). Nguni’t sa isang panahon sa hinaharap, lilikha ang Diyos ng isang bagong langit at lupa, at bababa ang Bagong Jerusalem mula sa langit patungo sa lupa (tingnan ang 2 Ped. 3:13; Pah. 21:1-2). Doon maninirahan ang mga matuwid magpakailanman.

Kapag namatay ang mga hindi matuwid, agad silang pupunta sa Hades, nguni’t ang Hades ay isang lugar na pansamantalang hintayan ng pagkabuhay muling kanilang katawan. Kapag dumating ang araw na iyon, haharap sila sa hukuman ng Diyos at itatapon sa lawang nagliliyab sa apoy at asero, na tinataguriang Gehenna sa Biblia. Titingnan natin ang lahat ng ito nang higit na masinsinan mula sa Biblia.

Kapag Namatay ang mga Hindi Matuwid (When the Unrighteous Die)

Upang higit na maintindaihan ang mangyayari sa mga hindi matuwid kapag namatay sila, kailangan nating pag-aralan ang salitang Hebreo sa Lumang Tipan at tatlong salitang Griyego sa Bagong Tipan. Bagama’t ang mga Hebreo at Griegong salita ay talagang naglalarawan ng tatlong iba-ibang lugar, kadalasang isinasalin sila bilang impiyerno sa ilang tanging salin sa Biblia, na nakakaligaw sa mga mambabasa.

Una, tingnan natin ang Hebreong salitang Sheol sa Lumang Tipan.

Binabanggit nang higit sa animnapung ulit ang salitang Sheol sa Lumang Tipan. Malinaw na nagtuturing ito sa pagkatapos-ng-kamatayang tirahan ng mga hindi matuwid. Halimbawa, nang si Korah at ang kanyang mga tagasunod ay nagrebelde laban kay Moises sa ilang, pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbukas sa lupa, na lumamon sa kanila at lahat ng kanilang ari-arian. Sinsabi ng Biblia na nahulog sila sa Sheol:

Silang lahat ay nalibing nang buhay (sa Sheol ) [1] . Muling nagsara ang lupa at hindi na sila nakita ng mga Israelita (Bil. 16:33, idinagdag ang pagdidiin).

Sa pagdaan ng panahon sa kasaysayan ng Israel, binalaan sila ng Diyos na ang Kanyang galit ay nag-apoy at nagliliyab sa Sheol:

Galit ko’y bubuga ng nag-aalab na poot, maglalagablab hanggang sa kalaliman ng daigdig ng mga patay. Lupa’t bunga nito apoy ang tutupok, sa mga saligan ng bundok siya ang susunog (Deut. 32:22, idinagdag ang pagdidiin).

Ipinahayag ni Haring David na,

Sa diagdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos (Awit 9:17, idinagdag ang pagdidiin).

At nanalangin siya laban sa mga hindi matuwid, at hinihinging,

Biglang kamatayan nawa ay dumating, ihuhulog ng buhay, sa daigdig ng mga patay; sa kanilang puso’t maging sa tahanan, yaong naghahari’y pawang kasamaan (Awit 55:15, idinagdag ang pagdidiin).

Binabalaan ang mga nagbibinata sa pakana ng mga puta, isinulat ni Marunong na Solomon,

Sa bahay niya’y nagmumula ang landas ng kasawian, tiyak na patungo sa malagim na kamatayan (Kaw. 7:27; 9:18, idinagdag ang pagdidiin).

Nagsulat si Solomon ng iba pang kawikaan na magpapaniwala sa atin na talagang ang mga hindi matuwid ang hahantong sa Sheol:

Sa mga marunong, ang daan ng buhay ay pataas, upang maiwasan ang daigdig ng mga patay (Kaw. 15:24, idinagdag ang pagdidiin).

Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay (Kaw. 23:14, idinagdag ang pagdidiin)

Sa pagtatapos, bilang babala sa paglalarawan ni Jesus sa impiyerno, mapanghulang nakipag-usap si Isaias sa hari ng Babilonia, na iniangat ang sarili nguni’t maitatapon sa Sheol:

Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito’y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa. Lahat sila ay magsasabi sa iyo: ‘Ikaw pala’y naging mahina ring tulad namin! At sinapit mo rin mo rin ang aming sinapit!’ Noo’y pinaparangalan ka ng tugtog ng alpa, ngayo’y narito ka na sa daigdig ng mga patay. Uod ang iyong hinihigan at uod rin ang iyong kinukumot.” O maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba’t sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’ Nguni’t anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay?Sa kalalimang walang hanggan? Pagmamasdan ka ng mga patay at magtatanong ang mga ito: ‘Hindi ba ang taong ito ang nagpayanig sa lupa, at nagpabagsak sa mga kaharian? Hindi ba’t winasak niya ang buong daigdig, at nilupig ang mga lunsod, ang taong ayaw palayain ang mga bilanggo? (Isa. 14:9-17, idinagdag ang pagdidiin).

Ang mga pahayag na ito sa Biblia at iba pang tulad nila na nagpapaniwala sa atin na ang Sheol ang lugar na pinagpapahirapan at kung saan ibinibilanggo ang mga hindi matuwid pagkatapos ng kanilang kamatayan. At mayroon pang karagdagang patunay.

Daigdig ng mga Patay (Hades)

Malinaw na ang Griegong salitang Bagong Tipan, Hades, ay tumutukoy sa Hebreong salita sa Lumang Tipan na Sheol. Sa pagpapatunay dito, ihahalintulad lang natin ang Awit 16:10 sa Mga Gawa 2:27 kung saan nasasaad:

Pagka’t di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas (Awit 16:10, idinagdag ang pagdidiin).

Sapagka’t hindi mo ako pababayaan sa daigdig ng mga patay, at hindi mo pahihintulutang mabulok ang iyong Banal na Lingkod (Gw. 2:27, idinagdag ang pagdidiin).

Dahil dito, interesante na sa sampung pagkakataong pagbanggit ng daigdig ng mga patay (Hades) [2] sa Bagong Tipan, laging negatibo ang pagturing dito at kadalasang bilang lugar ng pagpapahirap kung saan ang mga masama ay ibinibilanggo pagkatapos ng kamatayan (tingnan ang Mt. 11:23; 16:18; Lu. 10:15; 16:23; Gw. 2:27; 2:31; Pah. 1:18; 6:8; 20:13-14). Muli, lahat ng ito ay nagpapakitang ang Sheol/Hades ang naging at siyang tirahan ng mga namatay na hindi matuwid, isang lugar ng pagpapahirap.

Pumunta ba si Jesus sa Daigdig ng mga Patay [Sheol/Hades]? (Did Jesus Go to Sheol/Hades?)

Tingnan natin ang Awit 16:10 at ang pagbanggit dito ni Pedro na naitala sa Gw. 2:27, dalawang bersong nagpapakita na ang Sheol at Hades ay iisang lugar. Ayon sa sermon ni Pedro sa Pentecostes, hindi tinutukoy ni David sa Awit 16:10 ang kanyang sarili, kundi nanghuhulang tinutukoy si Cristo, dahil ang katawan ni David, di tulad ng kay Cristo, ay naagnas (tingnan ang Gw. 2:29-31). Dahil dito, mapagtatanto natin na sa katunayan ay si Jesus ang nakikipag-usap sa Kanyang Ama sa Awit 16:10, ipinpahayag ang Kanyang paniniwalang hindi pababayaan ng Kanyang Ama ang Kanyang kaluluwa sa Sheol o payagang maagnas ang Kanyang katawan.

Ipinaliliwanag ng ilan ang pahayag na ito ni Jesus bilang patunay na pumunta sa Sheol/Hades ang Kanyang kaluluwa sa tatlong araw na pagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Nguni’t katunayan, hindi iyan ipinahiwatig. Pansinin muli ang talagang sinabi ni Jesus sa Kanyang Ama:

Pagka’t di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas (Awit 16:10).

Hindi sinasabi ni Jesus sa Kanyang Ama, “Alam kong mananatili nang ilang araw ang aking kaluluwa sa Sheol/Hades, nguni’t naniniwala akong hindi Mo Ako pababayaan doon.” Bagkus, sinasabi Niya, “Naniniwala ako na kapag namatay Ako, hindi Ako maituturing na tulad ng hindi matuwid, na pababayaan ang aking kaluluwa sa Sheol/Hades. Ni hindi ako mananatili doon ng kahit isang sandali. Hindi, naniniwala Akong ang plano Mo ay buhayin Akong muli sa loob ng tatlong araw, at ni hindi mo papayagang maagnas ang aking katawan.”

Kailangan talaga ang paliwanag na ito. Nang sinabi ni Jesus, “Ni hindi Mo papayagang maagnas ang Iyong Banal na Lingkod,” hindi natin iyan ipinapakahulugan na ang katawan ni Jesus ay patuloy na naagnas nang tatlong araw hanggang muling nabuo ito sa Kanyang muling pagkabuhay. Bagkus, ipinapakahulugan natin ito na hindi kailanman nagkaroon ng anumang pagkaagnas mula kamatayan hanggang sa muli Niyang pagkabuhay.

Gayundin, ang Kanyang pahayag na ang Kanyang kaluluwa ay hindi mapababayaan sa Sheol/Hades ay hindi kailangang ipakahulugang naiwan Siya sa Sheol/Hades nang ilang araw nguni’t sa huli ay hindi pinabayaan. [3]

Bagkus, dapat ipakahulugang hindi dapat ituring ang Kanyang kaluluwa bilang hindi matuwid na pababayaan sa Sheol/Hades. Kailanman ay hindi mananatili doon ang Kanyang kaluluwa kahit isang sandali. Pansinin din na sinabi ni Jesus, “Hindi Mo pababayaan ang Aking kaluluwang pupunta sa Sheol,” at hindi, “Hindi Mo pababayaan ang Aking kaluluwa sa Sheol.”

Nasaan ang Kaluluwa ni Jesus sa Tatlong Araw na Iyon? (Where Was Jesus’ Soul During the Three Days?)

Tandaan na sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na mananatili Siya sa puso ng lupa nang tatlong araw at gabi (tingnan ang Mt. 12:40). Mukhang hindi nito tinutukoy ang Kanyang katawan na nasa libingan nang tatlong araw, dahil ang libingan ay hindi naman maituturing na nasa “puso ng lupa.” Bagkus, maaaring tinutukoy ni Jesus ang pagkasadlak ng Kanyang espiritu/kaluluwa sa kailaliman ng lupa. Kung gayon maipagpapalagay in naang Kanyang espiritu/kaluluwa ay wala sa langit sa pagitan ng Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Pinatotohanan ito ni Jesus sa muli Niyang pagkabuhay nang sabihin Niya kay Maria na hindi pa Siya nakaakyat sa Kanyang Ama (tingnan ang Jn. 20:17).

Isaisip na sinabi rin ni Jesus sa nagsisising magnanakaw sa krus na makakasama Niya siya sa Paraiso sa araw ding iyon (tingnan ang Lu. 23:43). Sa pagsasama-sama ng lahat ng katotohanang ito, alam natin na nanatili nang tatlong araw at gabi ang espiritu/kaluluwa ni Jesus sa puso ng lupa. Bahagi ng panahong iyon ay nasa isang lugar Siya na tinatawag Niyang “Paraiso,” na tunay namang hindi mukhang katanggap-tanggap na siya ring lugar ng pagpapahirap, ang tinatawag na Sheol/Hades!

Ang lahat nang ito ay nagpapaisip sa akin na marahil ay may lugar sa puso ng lupa maliban sa Sheol/Hades, isang lugar na tinatawag na Paraiso. Talagang pinagtitibay ang ideang ito ng isang kuwento ni Jesus tungkol sa dalawang taong namatay, isang hindi matuwid at isang matuwid, ang mayamang lalaki at si Lazaro. Basahin natin ang kuwento:

May isang mayamang laging nagdaramit ng mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng mga aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham sa langit bilang isang parangal. Namatay din ang mayaman at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayamang si Lazaro sa piling ni Abraham. Kaya’t sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako’y naghihirap sa apoy na ito.’ Nguni’t sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subali’t ngayong ay maligaya siya rito samantalang ikaw naman ay nagdurusa riyan. Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya’t ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito (Lu.16:19-26, idinagdag ang pagdidiin).

Siyempre, kapwa sina Lazaro at ang mayamang lalaki ay wala sa kani-kanilang mga katawan pagkamatay nila, nguni’t naglakbay sila sa kanya-kanyang lugar bilang espiritu/kaluluwa.

Nasaan si Lazaro? (Where Was Lazarus?)

Pansinin na natagpuan ng mayaman ang kanyang sarili sa Hades, nguni’t nakikita niya si Lazaro sa ibang lugar kapiling ni Abraham. katunayan, tinutukoy si Lazaro bilang nasa “piling ni Abraham,” hindi pangalan ng lugar kundi maaaring isang pagbanggit sa kaginhawahang natatanggap ni Lazaro mula kay Abraham pagdating niya sa lugar na iyon.

Gaano kalawak ang pagitan ng mayaman at ni Lazaro pagkamatay nila?

Sinasabi ng Biblia na nakita ng mayaman si Lazaro “sa malayo,” at ang sabi sa atin, may “malaking bangin” sa pagitan nila. Kaya matatantiya lamang ang pagitan nila. Nguni’t tila makatwirang ipagpalagay na hindi gaanong malaki ang pagitan nila tulad ng puso ng lupa at langit. Kung magkagayon, mukhang imposibleng nakita ng mayaman si Lazaro (maliban kung may banal na tulong), at hindi n asana binanggit ang pagkakaroon ng “malaking bangin” sa pagitan nila upang pigilan ang bawa’t isa na makarating sa kinaroroonan ng isa. Dagdag pa, “sumigaw” ang mayaman kay Abraham at sinagot naman siya ni Abraham. Mapapaisip tayo na lubhang malapit sila sa isa’t isa dahil nagkakarinigan sila sa pagitan ng “malaking bangin.”

Napapaniwala ako ng lahat nang ito na wala si Lazaro sa tinatawag nating langit, kundi sa isang hiwalay na pitak sa lupa. [4] Ito marahil ang tinutukoy ni Jesus na Paraiso sa nagsisising magnanakaw. Sa Paraisong ito sa puso ng lupa ang pinuntahan ng mga matuwid sa Lumang Tipan pagkatapos ng kanilang kamatayan. Ito ang pinuntahan ni Lazaro at dito rin pumunta sina Jesus at ang nagsising magnanakaw.

Malinaw na dito rin pumunta ang propetang Samuel pagkamatay niya. Mababasa natin sa 1 Samuel 28 na nang pinahintulutan ng Diyos ang espiritu ng namatay na propetang Samuel upang humarap at mapanghulang makipag-usap kay Saul, ang tagapamagitan ng Endor ay naglarawan kay Samuel bilang “isang banal na nilalang “na umaakyat mula sa lupa” (1 Sam. 28:13, idinagdag ang pagdidiin). Sinabi mismo ni Samuel kay Saul, “Bakit mo ako ginambala sa pag-aakyat sa akin?” (1 Sam. 28:15, idinagdag ang pagdidiin). Malinaw na ang espiritu/kaluluwa ni Samuel ay nasa Paraiso sa lupa.

Mukhang sinusuportahan ng Biblia ang katotohanang sa muling pagkabuhay ni Cristo, nawalan ng laman ang Paraiso, at iyong mga matuwid na taong namatay sa panahon ng Lumang Tipan ay umakyat sa langit kasama ni Jesus. Sinasabi ng Biblia na nang umakyat sa langit si Jesus mula sa ibabang bahagi ng lupa, “Nagdala Siya ng maraming bihag” (Efe. 4:8-9; Ps. 68:18). Ipinapalagay ko na ang mga bihag na iyon ay lahat ng nakatira sa Paraiso. Malamang na hindi pinalaya ni Jesus ang mga tao sa Sheol/Hades! [5]

Nangaral si Jesus sa mga Espiritu sa Bilangguan (Jesus Preached to Spirits in Prison)

Sinasabi rin sa atin ng Biblia na gumawa ng pahayag si Jesus sa isang grupo ng mga tao, mga espiritung walang katawan, sa isang panahon sa pagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Mababasa natin sa 1 Pedro 3:

Sapagka’t si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa espiritu. Sa kalagayang ito, nagpunta Siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. Sila ang mga espiritung ayaw sumunod nang sila’y matiyagang hinihintay ng Diyos noong panahon ni Noe, samantalang ginagawa nito ang malaking barko. Iilang tao, walo lamang, ang nakaligtas sa baha (1 Ped. 3:18-20).

Ang pahayag na ito sa Biblia ay tunay na naglalabas ng ilang tanong na hindi ko masagot. Bakit ispesipikong magpapahayag si Jesus sa ilang di sumusunod na taong namatay noong baha ni Noe? Ano ang sinabi Niya sa kanila? Anu’t ano pa man, mukhang sinusuportahan ng pahayag na ito ang katotohanang hindi ginugol ni Jesus sa Paraiso ang buong tatlong araw at gabi mula sa Kanyang kamatayan hanggang sa muli Niyang pagkabuhay.

Impiyerno (Gehenna)

Ngayon kapag namamatay ang katawan ng mga matuwid, ang kanilang mga espiritu/kaluluwa ay agad pupunta sa langit (tingnan ang 2 Cor. 5:6-8; Fil. 1:21-23; 1 Tes. 4:14).

Ang mga hindi matuwid ay pupunta pa rin sa Sheol/Hades kung saan sila ay pahihirapa at hintayin ang muling pagkabuhay ng kanilang mga katawan, ang huling paghatol sa kanila, at ang pagkatapon nila sa “lawa ng apoy,” isang lugar na hiwalay sa Sheol/Hades.

Inilalarawan ang lawa ng apoy na ito ng pangatlong salitang minsa’y isinasalin na impiyerno, ang Griegong salitang Gehenna. Nanggaling ang salitang ito mula sa pangalan ng tapunan ng basura sa labas ng Jerusalem sa lambak ng Hinnom, isang nabubulok na tambak na puno ng uod, at isang bahagi’y laging umuusok at nagliliyab sa apoy.

Nang binanggit ni Jesus ang Gehenna, sinabi Niyang ito’y isang lugar kung saan katawan ng mga tao ang itatapon. Halimbawa, sinabi Niya sa ebanghelyo ni Mateo:

Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno [Gehenna]….Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan nguni’t hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno[Gehenna] (Mt. 5:30, 10:28, idinagdag ang pagdidiin).

Ang Gehenna at Hades ay hindi maaaring iisang lugar dahil sinasabi ng Biblia na ang mga hindi matuwid ay ipinapadala sa daigdig ng mga patay [Hades] bilang espiritu/kaluluwang nawalan ng katawan. Pagkatapos lamang ng sanlibong-taong paghahari ni Cristo na bubuhaying-muli ang katawan ng mga hindi matuwid upang humarap sa paghatol ng Diyos at itatapon sila sa lawa ng apoy, o Gehenna (tingnan ang Pah. 20:5, 11-15). Dagdag pa, isang araw ang mismong daigdig ng mga patay [Hades] ay itatapon sa lawa ng apoy (tingnan ang Pah. 20:14), kaya maaaring ibang lugar ito sa lawa ng apoy.

Impiyerno (Tartaros)

Ang ikaapat na salitang kadalasang isinasaling impiyerno sa Biblia ay ang Griegong salitang tartaros. Minsan lang itong makikita sa Bagong Tipan:

Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sila’y itinapon sa impiyerno [tartaros] kung saan sila’y iginapos sa kadiliman upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom (2 Ped. 2:4).

Ang tartaros ay karaniwang ipinapalagay bilang natatanging bilangguan para sa tanging anghel na nagkasala; kung gayon, hindi ito Sheol/Hades o Gehenna. Binanggit din ni Judas ang mga anghel na ibinibilanggo:

Alalahanin din ninyo ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan at kapangyarihan, sa halip ay iniwan ang kanilang tahanan. Kaya’t sila’y ginapos ng Diyos ng di mapapatid na tanikala at ibinilanggo sa pusod ng kadiliman, hanggang sa sila’y hatulan sa dakilang Araw ng Paghuhukom (Ju. 1:6).

Mga Sindak ng Impiyerno (The Horrors of Hell)

Sa sandaling mamatay ang taong di nagsisisi, hindi na siya binibigyan ng karagdagang pagkakataon upang magsisi. Naitakda na ang kanyang kapalaran. Sinasabi ng Biblia, “Itinakda sa mga tao na sila’y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom” (Heb. 9:27).

Ang impiyerno ay walang hanggan, at ang mga nabilanggo ay walang pag-asang makatakas. Sa pagtukoy ng napipintong paghatol sa mga di matuwid, sinabi ni Jesus, “Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, nguni’t ang mga matuwid ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan” (Mt. 25:46, idinagdag ang pagdidiin). Ang kaparusahan para sa mga di matuwid sa impiyerno ay walang hanggan din tulad ng buhay na walang hanggan para sa mga matuwid.

Gayundin, isinulat ni Pablo:

Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. Kayo namang nagtitiis ay aaliwin Niyang kasama namin sa pagbabalik ng Panginoong Jesus mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel. Darating Siya sa gitna ng naglalagablab na apoy at paparusahan ang lahat ng hindi kumilala sa Diyos at hindi sumunod sa Magandang Balita na ating Panginoong Jesus. Ang parusa sa kanila ay walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila Niyang kapangyarihan (2 Tes. 1:6-9, idinagdag ang pagdidiin).

Ang impiyerno ay isang lugar ng di mailalarawang paghihirap dahil ito ay magiging walang-hanggang parusa. Habambuhay na nakabilanggo doon, in ng papasanin ng mga di matuwid ang kanilang walang-hanggang pagkakasala at titiisin ang galit ng Diyos sa isang di namamatay na apoy.

Inilarawan ni Jesus ang impiyerno bilang lugar ng “kadiliman sa labas,” kung saan mayroong “pagnanangis at pagngangalit ng ngipin,” at isang lugar na “hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi apoy na hindi namamatay” (Mt. 22:13; Mc. 9:44)., kailangan nating bigyang-babala ang mga tao sa lugar na iyan at sabihan tungkol sa kaligtasang idinudulot lamang kay Cristo!

Isang partikular na denominasyon ang nagtuturo ng konsepto ng purgatoryo, isang lugar kung saan ang mga mananampalataya ay magtitiis nang kaunting panahon upang matanggal ang kanilang kasalanan at kung gayon ay maging karapat-dapat sa langit. Nguni’t ang ideang ito ay hindi itinuturo saanman sa Biblia.

Ang mga Matuwid Pagkatapos ng Kamatayan (The Righteous After Death)

Kapag namatay ang isang mananampalataya, pumupunta agad ang kanyang espiritu sa langit upang makasama ang Panginoon. Lubhang nilinaw ni Pablo ang katotohanang ito nang sumulat siya tungkol sa sarili niyang kamatayan:

Sapagka’t para sa akin, si Cristo ang aking buhay at kahit kamatayan ay pakinabang. Nguni’t kapag ako’y mananatiling buhay, ito’y kapaki-pakinabang din sapagka’t ako’y makakagawa pa ng mabubuting bagay. Hindi ko malaman kung alin ang aking pipiliin. May pagtatalo sa loob ko; gusto ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling si Cristo, sapagka’t ito ang lalong mabuti para sa akin (Fil. 1:21-23, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na sinabi ni Pablo na gusto na niyang pumanaw at kung magkagayon, makakapiling na niya si Cristo. Hindi pupunta ang kanyang espiritu sa kawalang-malay, na naghihintay sa muling pagkabuyay (na tulad ng malungkot na palagay ng ilan).

Pansinin din na sinabi ni Pablo na para sa kanya, kahit kamatayan ay pakinabang. Magiging totoo lang iyan kung pupunta siya sa langit kapag siya ay namatay.

Inihayag din ni Pablo sa kanyang pangalawang sulat sa mga taga-Corinto na kung ang espiritu ng isang mananampalataya ay humiwalay sa kanyang katawan, siya ay “nasa tahanan kasama ang Panginoon”.

Kaya’t laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo’y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. Sapagka’t namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita. Malakas nga ang loob nating iwanan ang katawang ito na ating tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa piling ng Panginoon (2 Cor. 5:6-8).

Bilang karagdagang suporta, isinulat din ni Pablo:

Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa. Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay sa sumasampalataya kay Jesus upang isama sa Kanya (1 Tes. 4:13-14).

Kung dadalhin ni Jesus mula sa langit kasama Niya sa Kanyang pagbabalik “ang mga nakatulog,” maaaring nasa langit na sila ngayon kasama Niya.

Nakikini-kinitang Langit (Heaven Foreseen)

Ano ang itsura ng langit? Sa ating natatakdaang isip, kailanman ay hindi natin lubos na magagap ang lahat ng luwalhating naghihintay sa atin doon, at binibigyan lang tayo ng Biblia ng aninag. Ang pinaka-nakakagitlang katotohanan tungkol sa langit para sa mga mananampalataya ay ang makita natin ang ating Panginoon at Tagapagligtas, si Jesus, at ang Diyos na ating Ama nang harap-harapan. Titira tayo “sa tahanan ng Ama”.

Sa bahay ng Aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin Ko ba sa inyong pupunta Ako roon upang ipaghanda Ko kayo ng inyong matitirhan? At kapag naipaghanda Ko na kayo ng matitirhan, Ako’y babalik at isasama Ko kayo upang kayo’y makapiling Ko kung saan Ako naroroon (Jn. 14:2-3).

Kapag nakarating na tayo sa langit, maiintindihan natin ang maraming misteryong ngayon ay hindi maintindihan ng ating isip. Isinulat ni Pablo,

Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, nguni’t darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, nguni’t darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin (1 Cor. 13:12).

Binibigyan tayo ng libro ng Pahayag ng pinakamagandang larawan ng itsura ng langit. Inilalarawang lugar na maraming nangyayari, kahanga-hangang kagandahan, walang-hanggang pagkakaiba, at kasiyahang di maihayag, ang langit ay hindi lugar kung saan maghapong nakaupo sa ulap at tumutugtog ng alpa ang mga tao!

Minsang binigyan ng pangitain ng langit, unang napansin ni Juan ang trono ng Diyos, ang gitna ng sanlibutan:

At agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon. Ang anyo niya’s maningning na parang mahahalagang batong jasper at kornalina. May isang bahagharing nagniningning na parang sa palibot ng trono. Nakapaligid naman dito ang dalawampu’t apat pang trono na sa bawa’t isa’y may nakaupong isang pinuno na nakadamit ng puti at may koronang ginto sa ulo. Mula sa trono ay gumuguhit ang kidlat, kasabay ng mga ugong at mga kulog. Sa harap ng trono ay may pitong nagniningas na sulo; ito ang pitong espiritu ng Diyos. Sa harap ng trono ay may tila dagat na salamin na sinlinaw ng kristal. Sa apat na panig ng trono ay may apat na buhay na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod. Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng leon; katulad naman ng baka ang pangalawa; kamukha ng tao ang pangatlo; at katulad naman ng agilang lumilipad ang pang-apat. Ang bawa’t isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi, “Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng nakaraan, ng kasalukuyan, at siyang darating. ”Tuwing umaawit ng papuri, parangal at pasasalamat ang apat na buhay na nilalang sa nakaupo sa trono, na nabubuhay magpakailanman, ang dalawampu’t apat na pinuno naman ay nagpapatirapa sa harap ng trono at sinasamba ang nakaupo doon, ang nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabi, “Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan; sapagka’t ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila’y nilalang mo at pinapanatili” (Pah. 4:2-11).

Ginawa ni Juan ang makakaya upang ilarawan sa makalupang termino ang hindi maihahalintulad sa alinman sa mundo. Malinaw na walang paraan upang intindihin natin ang lahat ng nakita niya hangga’t hindi natin iyon mismong nakikita. Nguni’t talagang babasahing nakapagbibigay-inspirasyon.

Ang mga pahayag tungkol sa langit na nagbibigay ng lubos na inspirasyon ay makikita sa kabanata 21 at 22 ng Pahayag, kung saan inilarawan ni Juan ang Bagong Jerusalem, na kasalukuyang nasa langit nguni’t bababa sa lupa pagkatapos ng sanlibong-taong paghahari ni Cristo:

Napasailalim ako sa kapangyarihan ng Espiritu, at ako’y dinala ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal na Lunsod, na bumababa sa langit buhat sa Diyos.Nagliliwanag ito dahil sa kaluwalhatian ng Diyos; kumikislap na parang batong hiyas, gaya ng jasper, ng diamanteng sinlinaw ng kristal. Ang pader nito’y makapal, mataas at may labindalawang pinto, at sa bawa’t pinto ay may bantay na anghel….Anghel na nagsalita sa akin ay may hawak na gintong panukat upang sukatin ang lunsod, gayundin ang mga pinto at ang pader nito. Parisukat ang ayos ng lunsod, kung ano ang haba, ganoon din ang luwang. Sinukat ng anghel ang lunsod, at ang lumabas na sukat ng lunsod ay 2,400 kilometro ang haba at ang luwang, gayundin ang taas….Batong jasper ang pader at ang lunsod ay lantay na gintong kumikinang na parang kristal….Perlas ang labindalawang pinto, bawa’t pinto ay yari sa iisang perlas. Purong ginto ang lansangan ng lunsod at kumikinang na parang Kristal. Napansin ko na walang templo sa lunsod sapagka’t ang nagsisilbing templo roon ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero. Hindi na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang lunsod,sapagka’t ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag doon; ang Kordero naman ang siyang ilawan….Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito’y iba-iba bawa’t buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito. Wala roong makikitang anumang isinumpa ng Diyos. Makikita sa lunsod ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng kanyang mga lingkod. Makikita nila ang Kanyang mukha, at masusulat sa kanilang noo ang Kanyang pangalan. Doo’y wala nang gabi, kaya’t hindi na sila mangangailangan pa ng mga ilaw o ng liwanag ng araw, sapagka’t ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila, at maghahari sila magpakailanman ” (Pah. 21:10-22:5).

Bawa’t tagasunod ni Jesus makaaasam sa lahat ng himalang ito, basta’t magpatuloy siya sa pananampalataya. Walang dudang gugugulin natin ang unang ilang araw natin sa langit sa pagsasabing, “O, iyan pala ang sinisikap ilarawan ni Juan sa kanyang libro ng Pahayag!”

 


[1] Translator’s note: I added the word (Sheol) (not present in the Bible translation being used) because it is crucial to the document.

[2] Translator’s note: I have enclosed in parenthesis the word Hades (original of the translated phrase ).

[3] Ang mga naniniwala sa partikular na interpretasyong ito ay kailangang ding maniwala sa isa o dalawa pang teorya. Ang isa an gang teoryang ang Sheol/Hades ang pangalan para sa isang tirahan pagkamatay ng mga di-matuwid at matuwid na nahahati sa dalawa, isang lugar ng pagpapahirap at isang lugar ng paraisong pinuntahan ni Jesus. Ang isa pang teorya ay tiniis ni Jesus ang pahirap ng mga napahamak nang tatlong araw at gabi sa mga apoy ng Sheol/Hades habang tiniis Niya ang sukdulan ng kaparusahan ng kasalanan bilang kahalili natin. Kapwa teorya ay mahirap patunayan sa Kasulatan, at kapwa di kailangan kung kailanman ay hindi gumugol ng panahon si Jesus sa Sheol/Hades. Iyan ang ibig sabihin talaga ng Kanyang pahayag. Tungkol sa pangalawang teorya, hindi naranasan ni Jesus ang pahirap ng mga napahamak sa loob ng tatlong araw at gabi sa pagitan ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay-muli, dahil ang ating pagkatubos ay binili sa pamamagitan ng Kanyang paghihirapsa krus (tingnan ang Col. 1:22), hindi sa pamamagitan ng Kanyang sinasabing paghihirap sa Sheol/Hades.

[4] Pansinin din na bagama’t kapwa hiwalay sa kanilang katawan sina Lazaro at ang mayamang lalaki, sila ay may malay at nasa kanila ang lahat ng pandama gaya ng paningin, pandamdam at pandinig. Nararanasan nila ang sakit at kaginhawahan at naaalala ang nakaraang karanasan. Pinabubulaanan nito ang teoryang “tulog ng kaluluwa,”ang ideang pupunta sa kawalang-malay ang mga tao kapag namatay sila, at hinihintay ay pagbabalik-malay sa pagkabuhay na muli ng kanilang katawan.

[5] Ipinapalagay ng iba, at marahil tama sila, na ang mga bihag na natukoy na sa Efeso 4:8-9 ay tayong lahat na minsan ay naging bihag sa kasalanan, at ngayo’y napalaya ng muling pagkabuhay ni Cristo.

Pag-aayuno

Kabanata 26

Ang pag-aayuno ay boluntaryong gawain ng hindi pagkain o pag-inom sa isang tanging itinakdang panahon.

Itinatala ng Biblia ang maraming halimbawa ng mga taong nag-ayuno. Ang ilan ay hindi kumain ng lahat ng pagkain, at ang ilan ay iniwasan lamang ang pagkain ng natatanging pagkain sa panahon ng kanilang pag-aayuno. Ang halimbawa ng huli ay ang tatlong-linggong pag-aayuno ni Daniel, nang wala siyang kinaing “masarap na pagkain…karne o alak” (Dan. 10:3).

Mayroon ding ilang halimbawa sa Biblia ng mga taong kapwa nag-ayuno sa pagkain at tubig, nguni’t bihira ang uring ito ng ganap na pag-aayuno at dapat ituring na lubhang di pangkaraniwan kapag tumagal nang tatlong araw. Halimbawa, nang si Moises ay hindi kumain ni uminom ng anuman sa loob ng apatnapung araw, kasama niya Mismo ang Diyos, na pati mukha niya ay lumiwanag (tingnan ang Exo. 34:28-29). Agad siyang umulit ng apatnapung araw na pag-aayuno pagkatapos ng nauna (tingnan ang Deut. 9:9, 18). Ang dalawa niyang pag-aayuno ay napaka-di pangkaraniwan, at walang dapat magtangkang tularan dito si Moises. Imposible, maliban sa di pangkaraniwang pagtulong ng Diyos, para sa isang tao na mabuhay matapos ang ilang araw na walang tubig. Nakamamatay ang pagkawala ng tubig sa katawan. Nguni’t kung may pagkain, karamihan sa malulusog na tao ay mabubuhay sa loob ng ilang linggo.

Bakit Mag-ayuno? (Why Fast?)

Ang pangunahing layunin ng pag-aayuno ay makakuha ng mga benepisyong idinudulot ng pananalangin at paghanap sa Panginoon. Walang pagbabanggit ng pag-aayuno sa Biblia na hindi rin naglalaman ng panalangin, na nagsasabi sa atin na walang kabuluhan ang pag-aayunong walang panalangin. [1] Kapwa pagbanggit sa libro ng Mga Gawa, halimbawa, ay bumabanggit ng panalangin. Sa unang kaso (tingnan ang Gw. 13:1-3), ang mga propeta at guro sa Antioquia ay “naglilingkod sa Panginoon at nag-aayuno” lamang. Habang ginagawa nila ang mga ito, nakatanggap sila ng mapanghulang pahayag, at pagkatapos niyon ay ipinadala sana Pablo at Barnabas sa kanilang unang paglalakbay bilang misyunero. Sa pangalawang kaso, namimili sina Pablo at Barnabas ng mga pinuno sa mga bagong iglesia sa Galacia. Mababasa natin,

Sa bawa’t iglesia ay pumili sila ng mga matatandang mamumuno, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinagtitiwalaan (Gw.14:23).

Marahil sa pangalawang kasong ito, sinusunod nina Pablo at Barnabas ang halimbawa ni Jesus, habang magdamag Siyang nanalangin bago Niya pinili ang labindalawa (tingnan ang Lu. 6:12). Mga mahahalagang desisyon, tulad ng pagpili ng mga espiritwal na pinuno, ay kailangang ipanalangin hanggan sa ang isang tao’y nakatitiyak na inaakay siya ng Panginoon, at ang pag-aayuno ay nakapagdudulot ng karagdagang panahon sa panalangin upang mangyari iyon. Kung pinapupurihan ng Bagong Tipan ang pansamantalang pag-iwas sa relasyong sekswal ng mag-asawa upang dagdagan ang debosyon sa pananalangin (tingnan ang 1 Cor. 7:5), madali nating maintindihan ang gayunding layunin ng pag-aayuno. [2]

Kung gayon, kapag kailangan nating ipanalangin ang pag-aakay ng Diyos para sa mahahalagang pasya, nakakatulong ang pag-aayuno. Ang mga panalangin para sa iba pang pangangailangan ay maaaring gawin nang kaunting panahon. Halimbawa, hindi natin kailangang mag-ayuno upang manalangin ng Panalangin ng Panginoon. Higit na mahaba ang mga panalangin upang humingi ng pamamatnubay dahil nahihirapan tayong “alamin ang tinig ng Diyos sa ating puso,” dahil ang tinig ng Diyos ay kadalasang nakikipagkompetensya sa anumang maling pagnanais o motibasyon, o kakulangan ng debosyon sa ating kalooban. Ang pagkuha ng katiyakan sa pamamatnubay ay maaaring mangailangan ng mahabang panahon sa panalangin, at iyan ang isang pagkakataon na maaaring makatulong ang pag-aayuno. Siyempre, ang paggugol lang ng panalangin para sa anumang mabuting hangarin ay hindi maituturing na anupaman kundi nagdudulot ng benepisyong espiritwal. Dahil diyan, dapat nating ituring ang pag-aayuno bilang kahanga-hangang paraan tungo sa kalakasang espiritwal ang kagalingan—basta’t sinasamahan ng panalangin ang ating pag-aayuno. Mababasa natin sa libro ng Mga Gawa na nakapangako ang mga naunang apostol “sa panalangin at sa ministeryo ng salita (Gw. 6:4). Tunay na ibinubunyag niya sa atin ang bahagi ng lihim ng kanilang espiritwal na kapangyarihan at kagalingan.

Mga Maling Dahilan ng Pag-aayuno (Wrong Reasons to Fast)

Ngayon at naitatag natin ang ilang dahilan ng pag-aayuno ayon sa Biblia sa ilalim ng Bagong Kasunduan, kailangan din nating tingnan ang ilang dahilan sa pag-aayuno na hindi ayon sa Biblia.

Nag-aayuno ang ilang tao sa pag-asang madaragdagan ang pagkakataong sasagutin ng Diyos ang kanilang mga ipinapanalangin. Nguni’t sinabi sa atin ni Jesus na ang pangunahing paraan ng pagsagot sa panalangin ay pananampalataya, at hindi pag-aayuno (tingnan ang Mt. 21:22). Hindi paraan ng “pagputol ng kamay ng Diyos” ang pag-aayuno, o isang paraan ng pagsasabi sa Kanya, “Kailangan Mong sagutin ang aking panalangin, kung hindi mamamatay ako!” Hindi iyan pag-aayunong ayon sa Biblia—iyan ay isang hunger strike! Tandaan na nag-ayuno at nanalangin si David nang maraming araw upang mabuhay ang maysakit niyang anak kay Bathsheba, nguni’t namatay ang sanggol dahil dinidisiplina ng Diyos si David. Hindi pinalitan ng pag-aayuno ang kanyang sitwasyon. Hindi nananalangin nang may pananampalataya si David dahil wala siyang pinanghahawakang pangako. Katunayhan, nananalangin at nag-aayuno siya taliwas sa kalooban ng Diyos, na pinagtibay ng kinalabasan.

Hindi isang pangangailangan ang pag-aayuno sa pagkakaroon ng pagpapalakas. Walang halimbawa sa Bagong Tipan ang pag-aayuno upang magpalakas. Bagkus, sinunod lamang ng mga apostol si Jesus sa pamamagitan ng pangangaral ng magandang balita. Kung hindi tumutugon ang isang lunsod, sinunod uli nila si Jesus,ipinapagpag ang alikabok sa kanilang paa at naglalakbay sa susunod na lunsod (tingnan ang Lu.e 9:5; Acts 13:49-51). Hindi sila nanatili at nag-ayuno, tinatangkang “binubuwag ang espiritwal na mga muog,” naghihintay ng pagpapalakas. Nguni’t pagkasabi nito, idadagdag ko na ang pag-aayunong may kasamang panalangin ay tunay na makakatulong sa mga nangangaral ng ebanghelyo, ginagawa silang higit na malakas na daluyan ng pagpapalakas. Marami sa mga mga espiritwal na higante na nababasa natin sa kasaysayaan ng iglesia ay lalaki at babae na naging ugali ang pananalangin at pag-aayuno.

Ang pag-aayuno ay hindi paraan ng “pagpapababa ng laman,” dahil ang pagnanais na kumain ay tama at hindi-kasalanang kagustuhan, hindi tulad ng malinaw na “kagustuhan ng laman” na nakatala sa Mga Taga-Galacia 5:19-21. Sa kabilang dako, ang pag-aayuno ay isang gawain ng pagpipigil sa sarili, at ang kalakasang ito ay kailangan sa pagsunod sa Espiritu at hindi sa laman.

Ang pag-aayuno upang patunayan ang pagiging espiritwal o pag-aanunsyo ng debosyon sa Diyos ay pagsasayang ng oras at pagpapakita ng pagpapanggap. Ito ang dahilan kung bakit nag-ayuno ang mga Pariseo, at hinatulana sila ni Jesus dahil dito (tingnan ang Mt. 6:16; 23:5).

Nag-aayuno ang ilang tao upang matalo si Satanas. Nguni’t hindi iyan ayon sa Biblia. Ipinangangako ng Biblia na kung nilalabanan natin si Satanas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Salita ng Diyos, lalayo siya sa atin (tingnan ang San. 4:7; 1 Ped. 5:8-9). Hindi kinakailangan ang pag-aayuno.

Nguni’t hindi ba’t sinabi ni Jesus na ang ilang demonyo ay mapapaalis lamang sa pamamagitan ng “panalangin at pag-aayuno”?

Ginawa ang pahayag na iyan na naaayon sa pagpapalayas ng isang tanging demonyo sa isang tao, hindi tungkol sa isang mananampalatayang nangangailangang tumalo laban sa pagsalakay sa kanya ni Satanas, isang bagay na daranasin ng lahat ng mananampalataya.

Nguni’t hindi ba ipinapakita ng pahayag ni Jesus na higit na mapangingibabawan natin ang mga demonyo sa pamamagitan ng pag-aayuno?

Tandaan na nang marinig ni Jesus ang isang ulat na nabigong palabasin ng Kanyang mga alagad ang demonyo sa isang tanging bata, ang unang ginawa Niya ay ang ipamighati ang kakulangan nila ng pananampalataya (tingnan ang Mt. 17:17). Nang tanungin ng Kanyang mga alagad kung bakit sila nabigo, sumagot Siya na iyon ay dahil sa kaliitan ng kanilang pananampalataya (tingnan ang Mt. 17:20). Maaari rin siyang naglagay ng talababa, “Nguni’t ang uring ito ay hindi lalabas kung hindi gagamitan ng panalangin at pag-aayuno” (Matt. 17:21). Sinasabi kong maaaring idinagdag Niya ang mga salitang iyon bilang talababa dahil may patunay na ang partikular na pahayag ay maaaring hindi talaga isinama sa orihinal na Ebanghelyo ni Mateo. Sinasabi ng isang tala sa gilid ng aking Biblia (ang New American Standard Version, isang lubhang iginagalang na bersiyong Ingles) na marami sa mga orihinal na manuskrito ng Ebanghelyo ni Mateo ay hindi naglalaman ng partikular na pahayag na ito, ibig sabihin maaaring posible na kailanman ay hindi sinabi ni Jesus, “Nguni’t ang uring ito ay hindi lalabas kung hindi gagamitan ng panalangin at pag-aayuno.” May bentahe ang mga mananalita ng Ingles sa pagkakaroon ng maraming iba-ibang salin ang Biblia sa kanilang wika, samantalang maraming salin ng Biblia sa iba-ibang wika ay naisalin, hindi mula sa orihinal na Hebreo at Griegong manuskrito, kundi mula sa King James Version ng Biblia, isang saling higit na apat na raang taon na ngayon.

Sa kuwento ni Marcos ng parehong insidente, itinala ang sinabi ni Jesus bilang “Ang uring ito ay hindi mapapalabas ng anuman kundi panalangin” (Mc. 9:29), at itinala sa gilid ng Bibliang New American Standard Bible na maraming manuskrito ang nagdaragdag ng “at pag-aayuno” sa katapusan ng berso.

Kung talagang sinabi ni Jesus ang mga salitang iyon, mali pa rin tayo na ipagpalagay na kailangan ang pag-aayuno upang matagumpay na mapapalayas ng isang tao ang lahat ng demonyo. Kung ibinibigay ni Jesus sa isang tao ang kapangyarihan laban sa mga demonyo, na siyang ginawa Niya sa Kanyang labindalawang alagad (tingnan ang Mt. 10:1), kung gayon ay mayroon Siya nito, at hindi dinadagdagan ng pag-aayuno ang Kanyang kapangyarihan. Siyempre, ang pag-aayuno ay nakapagbibigay ng karagdagang panahon upang manalangin ang isang tao, kaya nadaragdagan ang espiritwal na pagamaramdamin at marahil ang kanyang pananampalataya sa kapangyarihan niyang dulot-ng-Diyos.

Gayudin tandaan na kung talagang ipinahayag ni Jesus ang naturang pangungusap, tungkol lamang ito sa isang uri ng demonyo. Bagama’t minsan nang nabigo ang mga alagad ni Jesus upang palabasin ang isang uri ng demonyo, matagumpay nilang napalayas ang maraming iba pang demonyo (tingnan ang Lu.10:17).

Sinasabi ng lahat nang ito na hindi natin kailangang mag-ayuno upang mapagtagumpayan ang mga pananalakay ni Satanas sa atin.

Sobrang Pagdidiin Tungkol sa Pag-aayuno (Overemphasis Regarding Fasting)

Sa malas ay ginawang relihiyon ng ilang Cristiano ang pag-aayuno, at binibigyan ito ng pinakamalaking bahagi ng kanilang Cristianong pamumuhay. Nguni’t ni isa tungkol sa pag-aayuno ay walang nakatala sa mga sulat sa Bagong Tipan. [3] Walang mga instruksiyong ibinibigay sa mga mananampalataya kung paano o kailan mag-ayuno. Walang ibinibigay na panghihikayat upang mag-ayuno. Ipinapakita nito sa atin na ang pag-aayuno ay hindi isang pangunahing aspekto ng pagsunod kay Jesus.

Sa Lumang Tipan, higit na binabanggit ang pag-aayuno. Kadalasang kaugnay ito ng mga panahon ng pagdadalamhati, tulad ng kapag may namatay o panahon ng pagsisisi o kasama ng taimtim na pananalangin sa panahon ng krisis, maging nasyunal o personal (tingnan ang Huk. 20:24-28; 1 Sam. 1:7-8; 7:1-6; 31:11-13; 2 Sam. 1:12; 12:15-23; 1 Ha. 21:20-29; 2 Cron. 20:1-3; Ez. 8:21-23; 10:1-6; Neh. 1:1-4; 9:1-2; Est. 4:1-3, 15-17; Awit 35:13-14; 69:10; Is. 58:1-7; Dan. 6:16-18; 9:1-3; Joel 1:13-14; 2:12-17; Jon. 3:4-10; Zech. 7:4-5). Naniniwala akong ang mga ito ay nananatiling balidong dahilan upang mag-ayuno ngayon.

Itinuturo rin ng Lumang Tipan na ang debosyon sa pag-aayuno nguni’t pagpapabaya sa pagsunod sa higit na mahahalagang utos, tulad ng pangangalaga sa mahihirap, ay hindi balanse (tingnan ang Is. 58:1-12; Zac. 7:1-14).

Tunay na hindi maaakusahan si Jesus sa lubos na pagsusulong sa pag-aayuno. Inakusahan Siya ng mga Pariseo sa hindi paggawa nito (tingnan ang Mt. 9:14-15). Binibiro Niya sila sa pag-aangat rito kaysa sa higit na mahahalagang espiritwal na bagay (tingnan ang Mt. 23:23; Lu.18:9-12).

Sa kabilang dako, binanggit din ni Jesus ang pag-aayuno sa Kanyang mga tagasunod sa Kanyang Sermon sa Bundok. Pinayuhan Niya silang mag-ayuno sa tamang kadahilanan, na nagpapakitang inasahan Niyang paminsan-minsan ay mag-ayuno ang Kanyang mga tagasunod. Ipinangako rin Niya sa kanila na gagantimpalaan sila ng Diyos dahil sa kanilang pag-aayuno. Siya mismo ay nag-ayuno rin sa natatanging paraan (tingnan ang Mt.17:21). At sinabi Niya na darating ang panahon na mag-aayuno ang Kanyang mga alagad, kapag nawala Siya sa kanilang piling (tingnan ang Lu. 5:34-35).

Gaano Katagal ang Pag-aayuno? (How Long Should One Fast?)

Tulad ng nasabi ko na, lahat ng apatnapung-araw na pag-aayunong naitala sa Biblia ay mauuring na higit-sa-karaniwan. Nakita na natin ang dalawang pag-aayuno ni Moises nang apatnapung araw sa piling ng Diyos. Nag-ayuno rin si Elias nang apatnapung araw, nguni’t bago iyon ay pinakain siya ng isang anghel (tingnan ang 1 Ha. 19:5-8). Mayroon ding mga elementong higit–sa-karaniwan sa apatnapung-araw na pag- aayuno ni Jesus. Inakay siya ng Espiritu Santo sa ilang sa paraang higit-sa-karaniwan. Nakaranas Siya ng mga higit-sa-karaniwang tukso mula kay Satanas nang malapit nang matapos ang Kanyang pag-aayuno. Dinalaw rin Siya ng mga anghel sa pagtatapos ng Kanyang pag-aayuno (tingnan ang Mt. 4:1-11). Ang mga pag-aayuno nang apatnapung araw ay hindi biblikal na pamantayan.

Kapag ang isang tao ay nagkukusang hindi kumain nang isang kainan sa panahon ng paghahanap sa Panginoon, nag-ayuno siya. Mali ang ideang nasusukat lang ang pag-aayuno sa pamamgitan ng mga araw.

Ang dalawang pag-aayunong nabanggit sa libro ng Mga Gawa na nakita na natin (tingnan ang Gw. 13:1-3; 14:23) ay malinaw na hindi mahahabang pag-aayuno. Maaaring isang-kainang pag-aayuno lang ang mga iyon.

Dahil ang pangunahing layunin ng pag-aayuno ay ang paghanap sa Panginoon, ang aking mga rekomendasyon ay mag-ayuno kayo sa haba ng panahong kailangan ninyo, hanggang nakuha na ninyo ang hinihiling sa Diyos.

Tandaan, ang pag-aayuno ay hindi pumipilit sa Diyos na makipag-usap sa inyo. Dinadagdagan lang ng pag-aayuno ang inyong pagiging maramdamin sa Espiritu Santo. Nakikipag-usap sa inyo ang Diyos mag-ayuno man kayo o hindi. Ang hamon sa atin ay ang pagbubukod ng Kanyang pag-akay sa ating sariling kagustuhan.

Ilang Praktikal na Payo (Some Practical Advice)

Karaniwang tinatablan ng pag-aayuno ang ating katawan sa iba-ibang paraan. Maaaring makaranas ng panghihina, pagkapagod, pananakit ng ulo, pagsusuka, pakiramdam na parang lumulutang, pananakit ng tiyan, at iba pa. Kung ang isang tao ay manginginom ng kape, tsaa o iba pang inuming may caffeine, ang ilan sa mga sintomas na ito ay ang pagkawala ng caffeine. Kung nakakaranas ng ganito, kailangang alisin na sa kinakain ang mga ito ilang araw bago simulan ang pag-aayuno. Kung regular o bahagyang regular ang pag-aayuno, matutuklasan ng isang tao na higit na madali ang mga sumusunod na pag-aayuno, bagama’t karaniwang makararanas siya ng kahinaan sa hindi bababa sa isa o dalawang linggo.

Kailangang tiyakin ng nag-aayuno ang pag-inom ng maraming malinis na tubig sa panahon ng kanyang pag-aayuno upang hindi matuyuan ang kanyang katawan.

Kailangang maingat at dahan-dahan ang pagputol sa ayuno, at mas mahaba ang ayuno, higit na maingat ang pagputol dito. Kung walang giniling ang tiyan sa loob ng tatlong araw, hindi mainam para sa isang tao na putulin ang pag-aayuno sa pamamagitan ng pagkain ng mga mahihirap gilingin. Dapat siyang magsimula sa mga pagkaing madaling gilingin at mga katas ng prutas. Mga mahahabang ayuno ay nangangailangan ng higit na mahabang panahon para sa digestive system upang muli itong makakain, bagama’t ang hindi pagkain nang minsan o dalawang kainan ay hindi nangangailangan ng natatanging panahon upang mag-break-in.

Kumbinsido ang ilan na ang maingat at katamtamang pag-aayuno ay tunay na isang paraan ng pangangalaga sa ating mga katawan, at isa ako sa mga iyon, dahil narinig ko ang ilang patotoo ng mga taong nagkasakit at napagaling habang nag-aayuno. Ipinagpapalagay na ang pag-aayuno ay isang paraan ng pagpapahinga at paglilinis ng katawan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang unang ayuno ay karaniwang pinakamahirap na mararanasan ng tao. Ang mga taong kailanman ay hindi nag-ayuno ang nangangailangan ng pinakamatinding paglilinis ng loob ng katawan.

Ang pisikal na pagkagutom sa panahon ng pag-aayuno ay karaniwang nawawala mula dalawa hanggang apat na araw ng pag-aayuno. Kapag babalik ang gutom (karaniwang pagkalipas ng ilang linggo ), iyan ay tanda na maingat nang tapusin ang inyong pag-aayuno, dahil iyan ang umpisa ng pagkagutom, kapag nagamit na ng katawan ang nakatagong taba at ngayon ay gumagamit na ng mahahalagang cell.

Sinasabi sa atin ng Biblia na nagutom si Jesus pagkatapos ng apatnapung araw ng pag-aayuno, at diyan Niya tinapos ang Kanyang pag-aayuno (tingnan ang Mt. 4:2).

 


[1] Nag-ayuno ako nang hanggang pitong araw na walang benepisyong nakuha, dahil lamang sa wala akong espiritwal na layunin at hindi ako naglaan ng karagdagang panahon sa panalangin.

[2] Ang King James Version ng 1 Corinto 7:5 ay nagpaparangal sa kapwa pahintulot ng mag-asawa na hindi magkaroon ng pagtatalik upang tumutok sa “pag-aayuno at pananalangin.” Karamihan sa modernong salin ng bersong ito ay hindi nagbabanggit ng pag-aayuno, kundi pananalangin lamang.

[3] Ang tanging eksepsyon ay ang pagbanggit ni Pablo sa pag-aayuno mg mag-asawa sa 1 Cor. 7:5, nguni’t sa sa mga Ingles na salin ng Biblia, makikita lang ito sa King James Version. Ang walang pahintulot na pag-aayuno ay Gw. 27:21, 33-34, 1 Cor. 4:11 at 2 Cor. 6:5; 11:27. Nguni’t ang mga pag-aayunong ito ay ginawa hindi sa layuning espiritwal kundi dahil sa mga panahon ng pagsubok o dahil walang pagkain.

Paghaharap, Pagpapatawad at Muling Pagkakasundo

Kabanata 24

Nang pinaag-aralan nating ang Sermon sa Bundok ni Jesus sa isang naunang kabanata, nalaman natin ang kahalagahan ng pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin. Kung hindi natin sila mapapatawad, taimtim na ipinangako ni Jesus na hindi tayo patatawarin ng Diyos (tingnan ang Mt. 6:14-15).

Ano ang ibig sabihin ng pagpapatawad ng iba? Tingnan natin ang itinuturo ng Biblia.

Ihinalintulad ni Jesus ang pagpapatawad sa pagbura sa utang ng iba (tingnan ang Mt. 18:23-35). Isipin ang pagkakautang ng isang tao sa iyo at pagkatapos ay pakakawalan ang taong iyon sa kanyang obligasyong bayaran ka. Sisirain mo ang dokumentong naglilista ng kanyang utang. Hindi mo na siya aasahang bayaran ka, at hindi ka na galit sa nakautang sa iyo. Iba na ang pagtingin mo sa kanya kaysa noong may utang pa siya sa iyo.

Maaari rin nating higit na maintindihan ang ibig sabihin ng pagpapatawad kung titingnan natin ang ibig sabihin ng mapatawad ng Diyos. Kapag pinatawad Niya tayo sa isang kasalanan, hindi na Niya tayo inoobligang panghawakan ang ating ginawang nakasama ng Kanyang loob. Hindi na Siya galit sa atin dahil sa kasalanang iyon. Hindi Niya tayo didisiplinahin o parurusahan dahil sa ating ginawa. Nakipagkasundu na tayo sa Kanya.

Gayundin, kung tunay na pinatawad ko ang isang tao, pinalalaya ko sa aking puso ang taong iyon, iigpawan ang pagnanais ng hustisya o paghihiganti sa pagpapakita ng habag. Hindi na ako galit sa taong iyon na nagkasala sa akin. Nagkasundo na kami. Kung may kinikimkim akong galit o sama ng loob sa isang tao, hindi ko pa siya napatawad.

Laging niloloko ng mga Cristiano ang kanilang sarili tungkol dito. Sinasabi nilang napatawad na nila ang isang tao, dahil alam nilang iyon ang dapat nilang gawin, nguni’t sa kanilang kaibuturan, may sama pa rin sila ng loob. Iniiwasan nilang makita ang nagkasala sa kanila dahil nagiging sanhi iyon ng muling pangingibabaw ng nakatagong galit. Alam ko ang aking sinasabi, dahil nagawa ko na iyan. Huwag nating lokohin ang ating sarili. Tandaan na ayaw ni Jesus na magalit tayo sa isang kapwa mananampalataya (tingnan ang Mt. 5:22).

Tatanungin ko kayo: Sino ang higit na madaling patawarin, ang nagkasalang humihingi ng patawad o ang nagkasalang hindi humihingi ng patawad? Siyempre, lahat tayo ay nagkakasundo na higit na madaling patawarin ang nagkasalang tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at hihingi ng kapatawaran. Katunayan, mukhang napakadaling patawarin ang isang taong hihingi ng patawad kaysa isang hindi hihingi ng patawad. Ang magpatawad sa isang taong hindi humihingi ng kapatawaran ay parang imposible.

Tingnan natin ito sa ibang anggulo. Kung ang pagtangging patawarin ang nagkasalang nagsisisi at ang pagtangging patawarin ang nagkasalang hindi nagsisisi ay kapwa mali, alin ang higit na malaking kasalanan? Palagay ko lahat tayo ay nagkakasundo na kung kapwa sila mali, ang pagtangging magpatawad sa nagkasalang nagsisisi ay higit na.

Isang Sorpresa mula sa Kasulatan (A Surprise from Scripture)

Dinadala ako ng lahat nang ito sa isa pang tanong: Inaasahan ba tayo ng Diyos na patawarin ang lahat ng nagkasala sa atin, kahit ang mga ayaw magpakumbaba, tanggapin ang kanilang kasalanan, at hihingi ng pagpapatawad?

Habang mariin nating pinag-aaralan ang Biblia, matutuklasan natin na ang sagot ay “Hindi.” Sa pagtataka ng maraming Cristiano, malinaw na ipinapahayag ng Biblia na, bagama’t inuutusan tayo na mahalin ang lahat, pati ang ating mga kaaway, hindi kinakailangang patawarin natin ang lahat.

Halimbawa, simple bang inaasahan tayo ni Jesus na patawarin ang kapwa mananampalataya na nagkasala sa atin? Hindi. Kung magkagayon, hindi sana Niya sinabi sa atin na sundin ang apat na hakbang sa pakikipagkasundo na inisa-isa sa Mateo 18:15-17, mga hakbang na nagtatapos sa pagtitiwalag kung hindi magsisi ang nagkasala:

Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. Nguni’t kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesia ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesia, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.

Malinaw na kung umabot na sa ikaapat na hakbang (pagtitiwalag), hindi naibigay ang pagpapatawad sa nagkasala, dahil ang pagpapatawad at pagtitiwalag ay hindi magkasundong kilos. Magmumukhang kakatwa kapag narinig nating sabihin ng isang tao, “pinatawad namin siya at pagkatapos ay itiniwalag,” dahil ang pagpapatawad ay nagreresulta sa pagkakasundo, hindi pagputol. (Ano ang iisipin mo kung sinabi ng Diyos, “Pinatawad kita, nguni’t wala na akong pakialam sa iyo mula ngayon”?) Sinabi ni Jesus sa atin na ituring ang itiniwalag na tao bilang “Hentil at maniningil ng buwis,” dalawang uri ng taong walang pakikipagkapwa sa mga Judio at kinamumuhian talaga ng mga Judio.

Sa apat na hakbang na binalangkas ni Jesus, hindi ipinagkakaloob ang pagpapatawad pagkatapos ang una, ikalawa at ikatlong hakbang hangga’t hindi nagsisisi ang nagkasala. Kung hindi siya nagsisi pagkatapos sa alinmang hakbang, dinadala siya sa susunod na hakbang, at itinuturing pa rin na di nagsisising nagkasala. Sa sandali lamang na ang nagkasala’y “makikinig sa iyo” (ibig sabihin, nagsisi), masasabing “napanalunan mo na ang iyong kapatid” (ibig sabihin, nakipagkasundo na).

Ang layunin ng paghaharap ay upang maipagkaloob ang pagpapatawad. Nguni’t ang pagpapatawad ay ipinpahayag sa sandaling nagsisi ang nagkasala. Kaya (1) hinaharap natin ang nagkasala sa pag-asang (2) magsisi siya upang (3) mapatawad natin.

Dahil sa lahat ng ito, masasabi natin nang may katiyakan na hindi tayo inaasahan ng Diyos na basta na lang patawarin ang kapwa mananampalataya na nagkasala sa atin at hindi nagsisisi pagkatapos ng paghaharap. Siyempre, hindi tayo binibigyan nito ng karapatang kasuklaman ang nagkasalang mananampalataya. Bagkus, hinaharap natin siya dahil mahal natin ang nagkasala at gusto natin siyang patawarin at muling makasundo.

Bagama’t pagkatapos ng pagsisikap na makipagkasundo sa pamamagitan ng tatlong hakbang na binalangkas ni Jesus, ang ikaapat na hakbang ay pumuputol sa relasyon bilang pagsunod kay Cristo. [1] Tulad ng hindi dapat nating pakikipagkapwa sa mga tinatawag na Cristianong nangangalunya, lasenggero, homosexual at iba pa (tingnan ang 1 Cor. 5:11), hindi tayo dapat makipagkapwa sa mga tinatawag na Cristianong tumatangging magsisi na pinagpasyahan ng buong katawan. Ang nasabing mga tao ay nagpapatunay na hindi sila tunay na tagasunod ni Cristo, at nagdadala sila ng kahihiyan sa Kanyang iglesia.

Ang halimbawa ng Diyos (God’s Example)

Sa higit na pagsusuri ng ating tungkuling magpatawad sa iba, maaari nating pagtakhan kung bakit inaasahan tayo ng Diyos na gumawa ng bagay na hindi Niya mismo ginagawa. Tunay na mahal ng Diyos ang mga taong nagkakasala at ibinibigay ang kanyang mga mahabaging kamay sa pag-aalok ng kapatawaran nila. Itinatanggi ang Kanyang galit at binibigyan Niya sila ng panahon upang magsisi. Nguni’t ang tunay nilang pagkapatawad ay batay sa kanilang pagsisisi. Hindi pinapatawad ng Diyos ang mga nagkasalang tao hangga’t hindi sila nagsisi. Kaya bakit natin iisiping higit ang inaasahan Niya sa atin?

Dahil sa lahat ng ito, hindi ba posible na ang pagkakasalang hindi pagpapatawad na napakabigat sa mata ng Diyos ay ispesipikong ang pagkakasala ng hindi pagpapatawad sa mga humihingi ng ating kapatawaran? Interesante na pagkatapos balangkasin ni Jesus ang apat na hakbang ng disiplina ng iglesia, tinanong ni Pedro,

“Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito (Mt. 18:21-22).

Inisip ba ni Pedro na inaasahan siya ni Jesus na patawarin ang isang hindi nagsisising kapatid nang daan-daang beses para sa daan-daang kasalanan samantalangang kasasabi lang ni Jesus na ituring ang di-nagsisising kapatid na tulad ng isang Hentil o maniningil ng buwis dahil sa isang kasalanan? Mukhang hindi. Muli, hindi mo ituturing ang isang tao bilang kasuklam-suklam kung napatawad mo na siya.

Isa pang tanong na dapat pupukaw sa ating isip ay: Kung inaasahan tayo ni Jesus na patawarin ang isang mananampalataya nang daan-daang beses para sa daan-daang kasalanan na hindi niya pinagsisisihan, upang panatilihin ang ating ugnayan, bakit Niya pinapayagang tapusin natin ang relasyon sa ating asawa para lamang sa isang kasalanan laban sa atin, ang pangangalunya, kung hindi magsisi ang ating asawa (tingnan ang Mt. 5:32)? [2] Parang pabagu-bago iyan.

Isang Pagpapalawig (An Elaboration)

Pagkasabi ni Jesus kay Pedro na patawarin niya ang kapatid nang apat na raan at siyamnapung beses, nagkuwento Siya ng isang talinghaga upang matulungang intindihin ni Pedro ang nais Niyang sabihin:

Sapagka’t ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. Dahil sa siya’y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya’y makabayad. Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya’t pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya. Nguni’t pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Nguni’t hindi siya pumayag. Sa halip, ito’y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. “Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari at isinumbong ang buong pangyayari. Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagka’t nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba’t dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ at sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid” (Mt. 18:23-35).

Pansinin na napatawad ang unang alipin dahil hiningi niya ito sa kanyang panginoon. At pansinin na mapagkumbabang humingi din ng kapatawaran sa unang alipin ang pangalawang alipin. Hindi ipinagkaloob ng unang alipin sa pangalawang alipin ang ipinagkaloob sa kanya at iyan ang lubhang ikinagalit ng kanyang panginoon. Dahil dito, naisip kaya ni Pedro na inaasahan siya ni Jesus na patawarin ang di nagsisising kapatid na kailanman ay hindi humingi ng patawad, isang bagay na hindi binigyan ng halimbawa ng talinhaga ni Jesus? Mukhang hindi, at parang higit pa, dahil kasasabi lang sa kanya ni Jesus na ituring ang isang di nagsisising kapatid, pagkatapos harapin, bilang isang Hentil at maniningil ng buwis.

Mukhang hindi pa naisip ni Pedro na inasahan siyang magpatawad sa hindi nagsisising kapatid kung titingnan ang kaparusahang ipinangako ni Jesus sa atin kapag hindi natin pinatawad mula sa puso ang ating mga kapatid. Ipinangako ni Jesus na ibalik lahat ng dati-nang-napatawad na utang at isuko tayo sa mga tagapagparusa hangga’t hindi natin mabayaran ang kailanman ay di natin kayang bayaran. Makatwirang kaparusahan ba iyan sa isang Cristianong hindi nagpapatawad ng isang kapatid, isang kapatid na hindi rin patatawarin ng Diyos? Kung ang isang kapatid ay nagkasala sa akin, nagkakasala siya sa Panginoon, at hindi siya pinapatawad ng Diyos hangga’t hindi siya nagsisisi. Makatwiran ba akong mapaparusahan ng Diyos sa hindi pagpapatawad sa isang taong hindi Niya pinapatawad?

Isang Paglalagom (A Synopsis)

Maikli at malinaw ang pagpapahayag ng mga salita ni Jesus sa Kanyang mga inaasahan sa pagpapatawad natin sa kapwa mananampalataya na nakatala sa Lu.17:3-4:

Kaya’t mag-ingat kayo! Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ kailangang patawarin mo siya” (idinagdag ang pagdidiin).

Gaano pa ito lilinaw? Inaasahan ni Jesus na patawarin natin ang kapwa mananampalataya kapag nagsisi sila. Kapag nanalangin tayo, “Patawarin mo kami sa aming mga utang para nang pagpapatawad naming sa nagkakautang sa amin,” hinihingi natin sa Diyos na gawin para sa atin ang ginawa natin para sa iba. Hindi natin maaasahang patawarin Niya tayo hangga’t hindi natin hinihingi. Kaya bakit natin iisiping inaasahan Niya tayong magpatawad sa mga hindi humihingi?

Muli, ang lahat nang ito’y hindi nagbibigay-karapatan sa atin upang magtanim ng sama ng loob laban sa kapatid kay Cristo na nagkasala sa atin. Inutusan tayong magmahalan. Kaya inutusan tayong harapin ang kapwa mananampalatayang nagkasala sa atin, upang magkaroon ng muling pagkakasundo sa kanya, at nang maipagkasundo siya sa Diyos na nagawan din niya ng kasalanan. Iyan ang gagawin ng pag-ibig. Nguni’t kadalasan, sinasabi ng mga Cristianong pinapatawad nila ang kapwa kapatid na mananampalataya, nguni’t pakana lamang ito upang maiwasan nila ang nagkasala sa lahat ng pagkakataon at laging binabanggit ang kanilang sama ng loob. Walang pagkakasundo.

Kapag nagkasala tayo, hinaharap tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu Santo sa atin dahil mahal Niya tayo at nais Niya tayong patawarin. Dapat natin Siyang tularan, may pagmamahal na harapin ang kapwa mananampalatayang nagkasala sa atin upang magkaroon ng pagsisisi, kapatawaran at pagkakasundo.

Lagi nang inasahan ng Diyos ang Kanyang mga tao na mahalin ang isa’t isa ng pag-ibig na tunay, isang pag-ibig na pumapayag sa galit, nguni’t isang pag-ibig na hindi isang utos:

Huwag kayong magtatanim ng galit sa inyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh (Lev. 19:17-18, idinagdag ang pagdidiin).

Isang Pagtutol (An Objection)

Nguni’t paano ang mga salita ni Jesus sa Marcos 11:25-26? Hindi ba nila ipinapakita na dapat nating patawarin ang lahat ng ginawa ng lahat humingi man sila ng kapatawaran o hindi?

Kapag kayo’y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.

Hindi hinahalinhan ng isang bersong ito ang lahat ng iba pang bersong nakita na natin tungkol sa paksa. Alam na natin na ang lubhang nakakalungkot sa Diyos ay ang pagtanggi nating magpatawad sa taong humihingi ng ating kapatawaran. Kaya isasaalang-alang natin ang katotohanang iyon sa pagpapaliwanag natin ng bersong ito. Idinidiin lang dito ni Jesus na kailangan nating patawarin ang iba kung nais nating patawarin tayo ng Diyos. Hindi Niya sinasabi sa atin ang higit na ispesipikong pamamaraan ng pagpaptawad at kung ano ang gagawin ninuman upang tanggapin ito sa iba. Pansinin na hindi rin sinasabi dito ni Jesus na kailangang humingi tayo ng tawad sa Diyos upang tanggapin iyon sa Kanya. Kung gayon, ipagwalambahala ba natin lahat ng itinuturo pa ng Biblia tungkol sa pagpapatawad ng Diyos na naipapahayag sa sandaling hiningi natin ito (tingnan ang Mt. 6:12; 1 Jn. 1:9)? Ipagpapalagay ba natin na hindi tayo kailangang humingi ng patawad sa Diyos kapag nagkasala tayo dahil hindi binabanggit ni Jesus dito? Iyan ay hindi mainam na palagay kung titingnan natin ang sinasabi ng Biblia. Hindi rin mainam na ipagwalambahala ang lahat ng iba pang itinuturo ng Biblia tungkol sa pagpapatawad natin sa iba batay sa kanilang paghingi dito.

Isa Pang Pagtutol (Another Objection)

Hindi ba’t ipinanalangin ni Jesus ang mga sundalong naghahati ng Kanyang damit, “Ama, patawarin mo sila sapagka’t hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa,” (Lu. 23:34)? Hindi ba nito ipinapakita na pinapatawad ng Diyos ang mga tao kahit hindi humihingi ng patawad?

Tama, nguni’t may hangganan. Ipinapakita nito na nahahabag ang Diyos sa mga walang alam, isang sukatan ng pagpapatawad. Dahil ganap na makatarungan ang Diyos, pinanghahawakan lamang ng Diyos ang tungkulin ng mga tao kung alam nilang sila’y nagkakasala.

Hindi tiniyak ng panalangin ni Jesus para sa mga sundalo ang lugar nila sa langit—tiniyak lamang nito na hindi sila nagkakasala dahil hinati-hati nila ang mga damit ng Anak ng Diyos, at dahil hindi nila nalalaman kung sino Siya. Itinuring nila Siya na isang karaniwang kriminal na parurusahan. Kaya nahabag ang Diyos sa isang gawaing dapat sana ay may tanging paghatol kung alam lang nila ang kanilang ginagawa.

Nguni’t ipinanalangin ba ni Jesus na patawarin ng Diyos ang sinupaman na naging sanhi ng Kanyang paghihirap? Hindi. Ang tungkol kay Judas, halimbawa, sinabi ni Jesus na mas mabuti pa sana kung hindi na siya ipinanganak (tingnan ang Mt. 26:24). Talagang hindi ipinanalangin ni Jesus na patatawarin ng Kanyang Ama si Judas. Mukhang ang kabaligtaran—kung titingnan natin ang Mga Awit 69 at 109 bilang mapanghulang panalangin ni Jesus, na siyang malinaw na ginawa ni Pedro (tingnan ang Gw.1:15-20). Ipinanalangin ni Jesus na mahatulan si Judas, isang taong nakakaalam ng kanyang kasalanan.

Tulad ng mga nagsisikap tularan si Cristo, kailangan nating magpakita ng habag sa mga hindi nakakaalam ng kanilang ginawa sa atin, tulad ng kaso ng mga di mananampalatayang gaya ng mga sundalong naghati-hati ng damit ni Jesus. Inaasahan tayo ni Jesus na ipakita sa mga hindi mananampalataya ang walang katulad na habag, minamahal ang ating mga kaaway, gumagawa ng mabuti sa mga nasusuklam sa atin, pinagpapala ang mga namumuhi sa atin at ipinapanalangin ang mga nang-aapi sa atin (tingnan ang Lu. 6:27-28). Dapat nating tangkaing tunawin ang kanilang pagkasuklam sa pamamagitan ng ating pag-ibig, iigpawan ng mabuting gawa ang kasamaan. Itinakda ang konseptong ito maging sa ilalim ng Kautusan ni Moises:

Kung nakita ninyong nakawala ang baka o asno ng inyong kaaway, hulihin ninyo ito at dalhin sa may-ari. Kapag nakita ninyong nakabuwal ang asno ng inyong kaaway dahil sa bigat ng dala, tulungan ninyo ang may-ari upang ibangon ang hayop (Exo. 23:4-5).

Kapag nagugutom ang inyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya’y nauuhaw. Sa gayo’y mailalagay mo siya sa kahihiyan at tatanggap ka pa ng gantimpala mula kay Yahweh (Kaw. 25:21-22).

Napakainteresante na bagam’t inutusan tayo ni Jesus na mahalin ang ating kaaway, gawan ng mabuti ang mga nasusuklam sa atin, pagpalain ang mga namumuhi sa atin at ipanalangin ang mga nang-aapi sa atin (tingnan ang Lu. 6:27-28), kailanman ay hindi Niya sinabi sa atin na patawarin natin sila. Talagang maiibig natin ang mga tao kahit hindi natin sila mapatawad—tulad rin ng pagmamahal ng Diyos sa kanila nang hindi sila pinapatawad. Hindi lang sa maiibig natin sila, kailangan natin silang ibigin, na siyang utos sa atin ng Diyos. At ang pag-ibig natin sa kanila ay dapat ipakita ng ating mga kilos.

Dahil lamang sa ipinanalangin ni Jesus na patawarin ng Kanyang Ama ang mga sundalong naghahati-hati sa Kanyang mga damit, hindi nito pinatutunayan na inaasahan tayo ng Diyos na ipagwalambahala ang lahat ng iba pang napag-aralan natin sa Biblia sa paksang ito at patawarin ang lahat ng nagkasala sa atin. Itinuturo lamang nito na kailangan nating kusang patawarin ang mga hindi nakakaalam ng kanilang kasalanan sa atin at kailangan nating magpakita ng di-pangkaraniwang habag sa mga di mananampalataya.

Paano si Jose? (What About Joseph?)

Kung minsan ay ginagamit na halimbawa si Jose, na magiliw na nagpatawad sa kanyang mga kapatid na nagbenta sa kanya sa pagkaalipin, kung paano natin dapat patawarin ang sinuman at lahat ng nagkakasala sa atin, maging hiningi man o hindi ang kapatawaran. Nguni’t iyan ba ang itinuturo sa atin ng Kuwento ni Jose?

Hindi. Hindi iyan.

Isinailalim ni Jose ang kanyang mga kapatid sa sunud-sunod na pagsubok sa loob ng isang tao upang pilitin silang magsisi. Ipinabilanggo pa niya ang isa sa mga iyon nang maraming buwan sa Egipto (tingnan ang Gen. 42:24). Nang sa wakas ay natanggap na ng kanyang mga kapatid ang kanilang pagkakasala (tingnan ang Gen. 42:21; 44:16), at nang inialay ng isa sa kanila ang sarili bilang pantubos sa kasalukuyang paboritong anak ng kanilang ama (tingnan ang Gen. 44:33), nalaman ni Jose na hindi na sila iyong dating mapag-inggit at makasariling taong nagbenta sa kanya sa pagkaalipin. Noon at noon lamang ibinunyag ni Jose ang katauhan niya at magsalita ng magiliw na salita sa mga nagkasala sa kanya. Kung agad-agad silang “pinatawad” ni Jose, marahil ay hindi sila kailanman nagsisi. At iyan ang isa sa mga kahinaan ng mensaheng “dagliang pagpapatawad sa lahat” na kung minsan ay itinuturo ngayon. Ang pagpapatawad sa ating mga kapatid na nagkasala sa atin na hindi natin hinaharap ay nagreresulta sa dalawang bagay: (1) isang huwad na pagpapatawad na hindi nagdudulot ng muling pagkakasundo, at (2) mga nagkasalang hindi nagsisisi kaya hindi lumalago ang espiritwal na pamumuhay.

Ang Pagsasagawa ng Mateo 18:15-17 (The Practice of Matthew 18:15-17)

Bagama’t ang apat na hakbang ng pagkakasundo na inilista ni Jesus ay lubhang madaling intindihin, katunayan ay mahirap silang gawin. Nang balangkasin ni Jesus ang apat na hakbang, ginawa Niya ito mula sa perspektibo ng kung si kapatid na A ay nakumbinsi, at totoo naman, na nagkasala sa kanya si kapatid na B. Nguni’t ang realidad ay maaaring nagkamali si kapatid na A. kaya isipin natin ang sitwasyon na lahat ng maaaring mangyari ay titingnan.

Kung si kapatid na A ay kumbinsidong nagkasala sa kanya si kapatid na B, tiyakin muna niyang hindi siya nagiging lubhang mapanuri, na naghahanap ng butil sa mata ni kapatid na B. Maraming maliliit na kasalanan ay dapat isantabi at magbigay ng habag (tingnan ang Mt. 7:3-5). Ngunit kung nakakaramdam si kapatid na A ng sama ng loob kay kapatid na B dahil sa isang mabigat na pagkakasala, kailangan niyang harapin ito.

Kailangang lihim na gawin ito, bilang pagsunod sa utos ni Jesus, ipinakikita ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapatid na B. Dapat, ang kanyang motibo ay pag-ibig at ang kanyang layunin ay muling pagkakasundo. Hindi niya dapat sabihan ang sinuman tungkol sa pagkakasala. “Ang pag-ibig ay pumapawi ng maraming kasalanan” (1 Ped. 4:8). Kung mahal natin ang isang tao, hindi natin ilalantad ang kanyang mga kasalanan; itatago natin ang mga ito.

Dapat malumanay ang kanyang paghaharap, na nagpapakita ng kanyang pagmamahal. Kailangang ang pagsabi niya ay ganito, “Kapatid na B, talagang pinahahalagahan ko ang ating relasyon. Nguni’t may nangyaring lumikha ng dingding sa puso ko laban sa iyo. Ayaw kong nariyan ang dingding, kaya kailangan kong sabihin sa iyo kung bakit pakiramdam ko’y nagkasala ka sa akin upang makapagkasundo tayo. At kung nakagawa ako ng anumang nagpalala sa problemang ito, gusto kong sabihin mo sa akin.” At saka mahinahong sabihin niya kay kapatid na B kung ano ang kasalanan nito.

Kadalasan, hindi pa nalaman ni kapatid na B na nagkasala siya kay kapatid na A, at sa sandaling nalaman niya ito, hihingi siya ng kapatawaran. Kung iyan ang mangyayari, kailangang patawarin agad ni kapatid na A si kapatid na B ang pagkakasundo ay nangyari.

Isa pang maaaring mangyari ay tatangkain ni kapatid na B na pangatwiranan ang kanyang kasalanan kay kapatid na A sa pagsasabing tinutugunan lamang niya ang isang bagay na ginawa ni kapatid na A sa kanya. Kung iyan ang kaso, dapat ay hinarap na ni kapatid na B si kapatid na A. Nguni’t mainam na ngayon ay mayroon nang pag-uusap at pag-asang magkakaroon ng pagkakasundo.

Sa ganitong mga kaso, dapat talakayin ng mga nasasaktan ang nangyari, tanggapin ang kaukulang kasalanan, at magbigay at tumanggap ng kapatawaran sa isa’t isa. Nangyari ang pagkakasundo.

Ang pangatlong eksena ay hindi magkasundo sina A at B. kung gayon, kailangan nila ng tulong, kaya tutuloy na sa pangalawang hakbang.

Pangalawang Hakbang (Step Two)

Pinakamainam kung sina kapatid na A at B ay kapwa nagkasundo kung sino ang sasama sa kanila upang tumulong sa pagpapasundo. Ang ideaI ay, sina kapatid na C at D ay dapat kilala at minamahal kapwa sina A at B, kung gayon, tinitiyak ang kawalan ng kinikilingan. At sina kapatid na C at D ay dapat masabihan tungkol sa alitan dahil sa pag-ibig at paggalang kina A at B.

Kung hindi nakikiisa si kapatid na B sa puntong ito, na kay kapatid na A ang paghahanap ng isa o dalawa pang maaaring makatulong.

Kung sina kapatid na C at D ay marunong, hindi nila hahatulan ang sinuman hangga’t hindi nila naririnig ang panig nina A at B. Sa sandaling naibigay na nina C at D ang kanilang hatol, sina A at B ay dapat pasakop sa kanilang pasya at humingi ng paumanhin at hakbang na gagawin ayon sa inirekomenda nilang hakbang o ng isa sa kanila.

Sina kapatid na C at D ay dapat magmukhang walang kinikilingan at huwag dagdagan ang panganib sa sarili sa pagrerekomendang kapwa kapatid na A at B ay kailangang magsisi kung katunayan ay isa lamang sa kanila ang kailangang gumawa ng ganito. Kailangan nilang malaman na kung ang isa kina A at B ay tumutol sa kanilang hatol, iaapila sa buong iglesia at ang kanilang mahinang hatol ay mabubunyag sa lahat. Ang tuksong itong haharapin nina C at D upang tangkaing panatilihin ang pakikipagkapwa kina A at B sa paglalagay sa alanganin sa katotohanan ay isang mahusay na dahilan kung bakit ang dalawang hatol ay higit na mainam kaysa isa, dahil mapapalakas nila ang isa’t isa sa katotohanan. Dagdag pa, higit na bibigat ang kanilang pasya sa harap nina A at B.

Pangatlong Hakbang (Step Three)

Kung hindi tatanggapin ng sinuman kina A o B ang hatol nina C at D, ihaharap ito sa buong iglesia. Ang pangatlong hakbang na ito ay hindi kailanman ginagawa sa mga iglesiang institusyunal—at may magandang dahilan—walang dudang magreresulta sa pagkakahati-hati habang may pinapanigan ang mga tao. Kailanman ay hindi naging intensyon ni Jesus na mas malaki ang mga lokal na iglesia sa kung ilan ang kakasya sa isang bahay. Ang mas maliit na pamilyang kongregasyong ito na nakakikilala at nagmamahal kina A at B ay ang intensyong paggaganapan ng ikatlong hakbang. Sa isang iglesiang institusyunal, dapat gawin ang ikatlong hakbang sa konteksto ng isang maliit na grupong binubuo ng mga taong kapwa nakakikilala at nagmamahal kina A at B. Kung sina A at B ay kapwa miyembro ng ibang lokal na katawan, ilan sa mga mahuhusay na miyembro sa kapwa katawan ang dapat magsilbi bilang katawang gagawa ng desisyon.

Sa sandaling nagawa na ng iglesia ang hatol, kailangang pasakop sina kapatid na A at B, na mulat sa kahihinatnan ng di-pagsunod. Dapat magawa ang mga paghingi ng paumanhin, maibigay ang pagpapatawad, at mangyari ang muling pagkakasundo.

Kung sinuman kina A o B ay tumangging humingi ng inirekomendang paumanhin, kailangan siyang palabasin sa iglesia at wala na sa mga tao sa iglesia ang makipagkapwa sa kanya. Kadalasan, sa puntong ito, ang isang di nagsisising tao ay kusa nang umalis, at maaaring matagal na niyang ginawa kung hindi niya naipilit ang kanyang gusto sa mga nakaraang hakbang. Ibinubunyag nito ang kakulangan niya ng pangako upang mahalin ang espiritwal niyang pamilya.

Isang Karaniwang Problema (A Common Problem)

Sa mga iglesiang institusyunal, karaniwang nilulutas ng mga tao ang hindi nila pagkakaunawaan sa pag-alis sa iglesia at pagpunta sa iba, kung saan ang pastor, na gustong palakihin ang kanyang kaharian ano man ang mangyari, at walang ugnayan sa iba pang pastor, at tinatanggap ang mga taong ito at aayunan sila habang nakikinig sa kanilang kuwento. Matagumpay na pinipigil ng padron na ito ang mga hakbang na iniutos ni Cristo. At karaniwan, lilipas lang ang ilang buwan o taon ay muling aalis ang nasaktang tao, na tinanggap sa kanilang iglesia ng nasabing mga pastor upang humanap ng ibang iglesia, dahil muling nasaktan.

Inasahan ni Jesus na ang mga iglesia ay lubhang maliit upang kakasya sa mga tahanan, at ang mga lokal na pastor/pinuno/tagapangasiwa ay tulung-tulong bilang isang katawan. Kung gayon ang pagpapatiwalag sa isang miyembro ng isang iglesia ay epektibong pagpapatiwalag sa lahat ng mga iglesia. Tungkulin ng bawa’t pastor/pinuno/tagapangasiwa na tanungin ang pumapasok na Cristiano tungkol sa kanilang nakaraang background sa iglesia at saka makipag-ugnayan sa pamunuan ng naturang iglesia upang malaman kung ang nasabing tao’y karapat-dapat tanggapin.

Ang Itinakda ng Diyos para sa isang Banal na iglesia (God’s Intention for a Holy Church)

Isa pang karaniwang problema sa mga iglesiang institusyunal ay kadalasang binubuo sila ng maraming taong dumadalo lamang para sa palabas, na walang pananagutan sa sinuman dahil ang kanilang pakikiugnay ay likas na pangsosyal lamang. Kung gayon, walang nakakaalam, lalo na ang mga pastor, kung paano sila namumuhay, at mga hindi banal na tao ay patuloy na nagdadala ng mantsa sa dinadaluhan nilang iglesia. Magkagayon, hinahatulan ng mga tagalabas ang mga taong kinikilala nilang Cristiano bilang hindi naiiba sa mga di nananampalataya.

Ito lamang ay sapat nang katibayan sa sinuman na ang istruktura ng institusyunal na iglesia ay hindi itinakda ng Diyos para sa Kanyang banal na iglesia. Ang mga walang kabanalan at mapagpanggap na tao ay laging nagtatago sa malalaking institusyunal na iglesia, na nagdadala na paninisi kay Cristo. Nguni’t sa nabasa natin sa Mateo 18:15-17, malinaw na itinakda ni Jesus na ang Kanyang iglesia ay bubuuin lamang ng banal na mga tao na nangangakong miyembro ng isang naglilinis-sa-sariling katawan. Titingnan ng mundo ang iglesia at makikita ang Kanyang malinis na nobya. Ngunit ngayon, makikita nila ang dakilang puta, isang walang-katapatan sa kanyang asawa.

Itong itinakdang-may-kabanalang naglilinis-sa-sariling aspekto ng iglesia ay nakikita nang harapin ni Pablo ang isang kritikal na sitwasyon sa iglesia sa Corinto. Ang isang natanggap na miyembro ng katawan ay katunayang nakikisama sa isang relasyon ng pangangalunya sa kanyang tiyahin:

Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit nga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan! At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana’y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag! Kahi’t wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya’t parang nariyan na rin ako. Ang gumagawa niyan ay hinatulan ko na sa pangalan ng ating Panginoong Jesus. Kapag kayo’y nagtipun-tipon, at ang espiritu ko ay nariyan, sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang mapahamak ang kanyang katawan, at nang sa gayo’y maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon….Sinabi ko sa aking sulat na huwag na kayong makisalamuha pa sa mga nakikiapid. Hindi ang mga makamundong nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagka’t para sila’y maiwasan kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito. Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila’y Cristiano nguni’t nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao. Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba’t ang mga nasa loob ng iglesia ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga ng kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao” (1 Cor. 5:1-5, 9-13).

Walang pangangailangan upang akayin ang tanging taong ito sa mga hakbang ng pakikipagkasundo dahil malinaw na hindi siya tunay na mananampalataya. Itinuring siya ni Pablo bilang “nasabing kapatid” at “masamang tao.” Dagdag pa, makaraan ang ilang berso, isinulat ni Pablo,

Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos (1 Cor. 6:9-10).

Malinaw na tama ang paniniwala ni Pablo na ang mga imoral, tulad ng lalaki sa iglesia ng Corinto, ay nagkakanulo ng kahuwaran ng kanilang pananampalataya. Ang mga naturang tao ay hindi dapat ituring na kapatid at akayin sa apat na hakbang ng pakikipagkasundo. Dapat silang itiwalag, “ibigay kay Satanas,” upang hindi palakasin ng iglesia ang kanilang panloloko-sa-sarili, at magkaroon ng pag-asang makita ang pangangailangan ng pagsisisi upang “maligtas sa araw ng Panginoong Jesus” (1 Cor. 5:5).

Sa mga malalaking iglesia sa buong mundo ngayon, minsan ay may daan-daang taong nagpapanggap na Cristiano, na sa biblikal na pamantayan ay di mananampalataya at dapat matiwalag. Malinaw na ipinakikita sa atin ng Biblia na may pananagutan ang iglesia upang alisin ang mga nasa loob nito ang mga di nagsisising nakikiapid, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, naglalasing at iba pa. Nguni’t ang mga taong ito, sa ilalim ng “pagpapala,” ay kadalasang inilalagay sa mga grupong sumusuporta kung saan nahihikayat sila ng ibang “mananampalatayang” may parehong problema. Insulto ito sa kapangyarihang nagpapabago-ng-buhay na ebanghelyo ni Jesu Cristo.

Mga nagkasalang Pinuno (Fallen Leaders)

Bilang pagtatapos, dapat bang dagliang ibalik sa kanyang katungkulan ang isang nagsising pinuno kung nakagawa siya ng malubhang kasalanan (tulad ng pangangalunya)? Bagama’t agad-agad na patatawarin ng Panginoon ang nagsising pinuno (at dapat, ng iglesia rin), nawala na ng nagkasalang pinuno ang tiwala ng mga taong kanyang pinaglilingkuran. Ang tiwala ay bagay na kailangang hanapin. Kung gayon, ang mga nagkasalang pinuno ay dapat magkusang umalis sa mga matataas na posisyon at pasakop sa espiritwal na pagkalinga hangga’t hindi nila mapapatunayan na sila’y mapagkakatiwalaan. Kailangan nilang magsimula uli. Ang mga hindi handang magpakumbabang magsilbi sa maliliit na paraan upang mabawi ang tiwala ay hindi dapat tingalain ninuman bilang pinuno sa katawan.

Bilang Paglalagom (In Summary)

Bilang ministrong tagalikha-ng-alagad na natawag upang “manisi, magalit, magpayo, sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo” (2 Tim. 4:2), huwag tayong lalayo sa ating tawag. Turuan natin ang ating mga alagad na tunay na magmahalan sa pamamagitan ng palagiang mahabaging pagpipigil, mahinahong paghaharap kung kinakailangan, karagdagang paghaharap sa tulong ng iba kung kinakailangan, at pagpapatawad kapag hiningi. Higit na mainam ito kaysa huwad na pagpapatawad na hindi nagdadala ng tunay na paghilom ng nasirang mga ugnayan. At magsikap tayong sundin ang Panginoon sa bawat aspekto upang panatilihing malinis at banal ang Kanyang iglesia, isang papuri sa Kanyang pangalan!

Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa paghaharap at disiplina sa iglesia, tingnan ang Ro. 16:17-18; 2 Cor. 13:1-3; Gal. 2:11-14; 2 Tes. 3:6, 14-15; 1 Tim. 1:19-20, 5:19-20; Tito 3:10-11; San. 5:19-20; 2 Jn. 10-11.

 


[1] Makatwirang kung nagsisi pagkatapos ang taong itiniwalag, inaasahan ni Jesus na patatawarin siya.

[2] Kung ang nangangalunyang asawa ay isang Cristiano, aakayin natin ang taong iyon sa tatlong hakbang na binalangkas ni Jesus para sapaghihiwalay. Kapag nagsisi ang asawang nangalunya, inaasahan tayong magpatawad ayon s autos ni Jesus.

Ang Disiplina ng Panginoon

Kabanata 25

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis Niyang pag-uusig ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. Hindi pa humahantong sa pag-aalay ng dugo ang pakikipaglaban ninyo sa kasalanan. Nalimutan na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob? “Anak ko, huwag mong balewalain ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag mong mamasamain kapag ikaw ay dinidisiplina Niya. Sapagka’t dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal Niya, at pinapalo ang itinuturing Niyang anak.” Tiisin ninyo ang lahat ng hirap bilang pagtutuwid ng isang ama, dahil ito’y nagpapakilalang kayo’y tinatanggap ng Diyos bilang tunay Niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidispilina ng kanyang ama? Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo’y mga anak sa labas. Hindi ba’t dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba’t upang tayo’y mabuhay, mas nararapat na tayo’y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo’y maging banal tulad Niya. Habang tayo’y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, nguni’t pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay. Dahil dito’y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga nangangalog na tuhod. Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling (Heb. 12:3-13).

Ayon sa inspiradong autor ng libro ng Hebreo, dinidisiplina ng ating Amang nasa langit ang lahat ng Kanyang anak. Kung hindi Niya tayo dinidisiplina, ipinapakitang hindi tayo isa sa Kanyang mga anak. Kung gayon, kailangan nating maging mulat at sensitibo sa Kanyang disiplina. Ilang taong nagsasabing sila’y Cristiano, na ang tuon lamang ay ang pagpapala at kabaitan ng Diyos, ay nagpapaliwanag na lahat ng negatibong pangyayari ay pananalakay ng demonyo at walang banal na layunin. Maaaring malaking kamalian ito kung tinatangka ng Diyos na dinadala sila sa pagsisisi sa pamamagitan ng Kanyang disiplina.

Dinidisiplina ng mga mabubuting makalupang magulang ang kanilang mga anak sa pag-asang matututo ang mga ito, uunlad, at magiging handa sa responsableng nasa gulang na buhay. Dinidisiplina rin tayo ng Diyos upang lalago tayo sa espiritwal na pamumuhay, maging makabuluhan sa paglilingkod sa Kanya, at handang humarap sa Kanyang paghatol. Dinidisiplina Niya tayo dahil mahal Niya tao, at dahil nais Niyang kabahagi tayo ng Kanyang kabanalan. Ang nagmamahal nating Ama sa langit ay nakatutok sa ating espiritwal na paglago. Sinasabi ng Biblia, “Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo” (Fil.1:6).

Walang bata ang nasisiyahan sa pagpalo ng kanyang mga magulang. Kapag dinidisiplina tayo ng Diyos, hindi “masaya, kundi malungkot” ang karanasan, na siyang nabasa natin. Nguni’t sa katapusan, higit na mabuti para sa atin dahil idinudulot ng disiplina “ang mapayapang bunga ng pagkamatuwid

Kailan at Paano Tayo Dinidisiplina ng Diyos? (When and How Does God Discipline Us?)

Tulad ng sinumang mabuting ama, dinidisiplina lamang ng Diyos ang Kanyang mga anak kapag sumusuway sila. Sa tuwing susuwayin natin Siya, nanganaganib tayong tumanggap ng Kanyang disiplina. Nguni’t napakamahabagin ng Panginoon, at karaniwang binibigyan Niya tayo ng sapat na panahon upang magsisi. Karaniwang dumarating ang Kanyang disiplina pagkatapos ng paulit-ulit na pagsuway at ang paulit-ulit Niyang babala.

Paano tayo dinidisiplina ng Diyos? Tulad ng natutuhan natin sa nakaraang kabanata, ang disiplina ng Diyos ay maaaring dumating bilang panghihina, pagkakasakit o maging pagkamatay na wala-sa-panahon:

Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at masasaktin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na. Kung sisiyasatin natin ang ating sarili, hindi tayo hahatulan ng Panginoon. Nguni’t hinahatulan tayo ng Panginoon dahil itinutuwid Niya tao, upang hindi tayo maparusahang kasama ng sanlibutan (1 Cor. 11:30-32).

Hindi natin dapat agad-agad na ipagpalagay na lahat ng karamdaman ay resulta ng disiplina ng Diyos (maiisip natin ang kaso ni Job). Nguni’t kung darating ang pagkakasakit, mainam na gumawa ng espiritwal na pagsusuri upang tingnan kung binuksan natin ang pinto sa pagdisiplina ng Diyos dahil sa pagsuway. Maiiwasan natin ang paghatol kung hahatulan natin ang ating mga sarili—ibig sabihin, tanggapin ang ating kasalanan at magsisi. Lohikal na ipagpalagay na magiging kandidato tayo sa paghilom kapag tayo’y nagsisi kung ang ating karamdaman ay sanhi ng disiplina ng Diyos.

Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, sinabi ni Pablo na tunay na maiiwasan nating maparusahan kasama ng sanlibutan. Ano ang ibig niyang sabihin? Sinabi ni Pablo na sa katunayan ang disiplina ng Diyos ang nagdadala sa atin sa pagsisisi upang sa wakas ay hindi tayo mapupunta sa impiyerno kasama ng sanlibutan. Mahirap itong tanggapin ng mga taong nag-aakalang opsyunal ang kabanalan para doon sa mga nasa daan panuntang langit. Nguni’t para sa mga nakabasa ng Sermon sa Bundok ni Jesus, alam nila na ang mga sumusonod sa Diyos ay papasok sa Kanyang kaharian (tingnan ang Mt. 7:21). Kaya, kung ipagpatuloy natin ang paggawa ng kasalanan at hindi magsisi, nanganganib tayong mawalan ng buhay na walang-hanggan. Purihin ang Diyos sa Kanyang disiplinang nag-aakay sa atin upang magsisi at nagliligtas sa atin sa impiyerno!

Si Satanas Bilang Instrumento ng Paghatol ng Diyos (Satan as a Tool of God’s Judgment)

Malinaw sa ilang berso sa Biblia na maaaring gamitin ng Diyos si Satanas para sa kanyang mga layunin sa pagdidisiplina. Halimbawa, sa talinhaga ng di nagpapatawad na alipin sa Mateo 18, sinabi ni Jesus na “nagngangalit” ang panginoon ng alipin nang malaman niyang ang pinatawad niyang alipin ay hindi nagpatawad na kamanggagawa niya. Pagkatapos niyan, isinuko niya ang hindi nagpatawad na alipin “sa mga magpapahirap sa kanya hangga’t hindi niya nabayaran lahat ng kanyang pagkakautang” (Mt.18:34). Tinapos ni Jesus ang talinhagang ito sa pamamagitan ng mga dakilang salita:

Gayundin ang gagawin sa inyo ng Aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid (Mt. 18:35).

Sino ang “mga nagpapahirap”? Mukhang ito ang demonyo at ang kanyang mga kasama. Maaaring isuko ng Diyos sa demonyo ang isa sa Kanyang mga sumusuway na anak upang magsisi ito. Ang paghihirap at kalamidad ay may nagagawa upang magsisi ang mga tao—na tulad ng natutuhan ng nawala at natagpuang anak (tingnan ang Lu.15:14-19).

Sa Lumang Tipan, makikita natin ang mga halimbawa ng paggamit ng Diyos kay Satanas o masasamang espiritu upang magdala ng disiplina o paghatol sa buhay ng mga taong nararapat makatanggap ng kanyang galit. Ang isang halimbawa ay matatagpuan sa ika-siyam na kabanata ng Mga Hukom, kung saan mababasa natin na “nagpadala ang Diyos ng espiritu ng hidwaan sa mga taga-Shekem at kay Abimelec” (Huk. 9:23) upang magdala ng paghatol sa kanila para sa mga kasamaang ginawa laban sa mga anak ni Gideon.

Sinasabi rin ng Biblia na “isang masamang espiritu” ang nagpahirap kay Haring Saul upang magsisi siya (1 Sam. 16:14). Nguni’t hindi kailanman nagsisi si Saul at kalaunan ay namatay siya sa giyera dahil sa kanyang pagrerebelde.

Sa dalawang halimbawang ito sa Lumang Tipan, sinasabi ng Biblia na ang mga masasamang espiritu ay “ipinadala mula sa Diyos.” Hindi ibig sabihin nito na may mga masasamang espiritu ang Diyos sa langit na naghihintay doon upang paglingkuran Siya. Malamang na pinapayagan lamang ng Diyos ang mga masasamang espiritu ni Satanas upang gumawa sila ng limitadong kasamaan sa pag-asang magsisi ang mga makasalanan dahil sa kanilang paghihirap.

Iba Pang Paraan ng Disipilina ng Diyos (Other Means of God’s Discipline)

Sa ilalim ng lumang kasunduan, makikita rin natin na madalas dinisiplina ng Diyos ang Kanyang mga tao sa pagpapahintulot ng mga kaguluhang tulad ng taggutom o banyagang kalabang gagapi sa kanila. Sa kalaunan ay magsisisi sila at ililigtas Niya sila sa kanilang mga kalaban. Kapag tumanggi silang magsisi pagkatapos ng matagal na pahirap at babala, sa katapusan ay pinahihintulutan Niya ang banyagang kapangyarihan upang tuluyang gapiin sila at paalisin sa kanilang bayan bilang patapon.

Sa ilalim ng bagong kasunduan, tunay na maaaring disiplinahin ng Diyos ang Kanyang sumusuway na anak sa pagpapahintulot ng mga paghihirap sa kanilang buhay, o kaya pahintulutan Niya ang kanilang mga kalaban upang saktan sila. Halimbawa, ang siniping pahayag sa umpisa ng kabanatang ito tungkol sa disiplina ng Diyos (Heb. 12:3-13) ay makikita sa konteksto ng mga mananampalatayang Hebreo na inaapi dahil sa kanilang pananampalataya. Nguni’t hindi lahat ng pang-aapi ay pinahihintulutan dahil sa di-pagsunod. Kailangang hiwalay na hatulan ang bawa’t kaso.

Ang Tamang Pagtugon sa Disiplina ng Diyos (Rightly Reacting to God’s Discipline)

Ayon sa pagpayong sinipi sa umpisa ng kabanatang ito, maaari tayong tumugon nang may kamalian sa disiplina ng Diyos sa isa sa dalawang paraan. Maaaring “huwag pansinin ang disiplina ng Panginoon” o maaaring “mawawalan tayo ng loob kapag napagalitan Niya tayo” (Heb. 12:5). Kung “binabalewa” natin ang disiplina ng Diyos, ibig sabihin ay hindi natin ito nakikilala, o hindi natin pinapansin ang babala nito. Ang mawalan ng loob dahil sa disiplina ng Diyos ay ang sumuko sa pagbibigay-aliw sa Kanya dahil ang akala natin ay napakabigat ng Kanyang disiplina. Mali pareho ang pagtugon. Dapat nating kilalanin na mahal tayo ng Diyos, at dinidisiplina Niya tayo para sa ating kabutihan. Kapag kinikilala natin ang kanyang mapagmahal na kamay na nagdidisiplina, dapat tayong magsisi at tanggapin ang Kanyang pagpapatawad.

Pagkatapos nating magsisi, kailangan nating asahan ang pagkawala ng disiplina ng Diyos. Nguni’t hindi tayo dapat umasang mapalaya sa kinalabasan ng ating kasalanan, bagama’t maaari nating hingin ang tulong at habag ng Panginoon. Tumutugon ang Diyos sa espiritung mapagkumbaba at nagsisisi (tingnan ang Isaias 66:2). Ipinangangako ng Biblia, “Ang Kanyang galit, ito’y panandalian, nguni’t panghabang-buhay ang Kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma’y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak” (Awit 30:5).

Pagkatapos ng Kanyang paghukom sa mga Israelita, ipinangako ng Diyos:

Sandaling panahon kitang iniwanan; nguni’t dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kakalingain. Sa tindi ng aking galit, sandal akong lumayo sa iyo, nguni’t ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas (Isa. 54:7-8).

Ang Diyos ay mabait at mahabagin!

Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa disiplina ng Diyos, tingnan ang 2 Cron. 6:24-31, 36-39; 7:13-14; Awit 73:14; 94:12-13; 106:40-46; 118:18; 119:67, 71; Jer. 2:29-30; 5:23-25; 14:12; 30:11; Hag. 1:2-13; 2:17; Gw. 5:1-11; Pah. 3:19.

Mga Sakramento

Kabanata 23

Dalawang sakramento lamang ang ibinigay ni Jesus sa iglesia: bautismo sa tubig (tingnan ang Mt. 28:19) at ang Banal na Hapunan (tingnan ang 1 Cor. 11:23-26). Pag-aralan muna natin ang bautismo sa tubig.

Sa ilalim ng bagong kasunduan, bawa’t mananampalataya ay dapat makaranas ng tatlong bautismo: Ang mga ito ay: bautismo sa katawan ni Cristo, bautismo sa tubig, at bautismo sa Espiritu Santo.

Kapag naipanganak muli ang isang tao, kusang nababautismuhan siya sa katawan ni Cristo. Ibig sabihin, magiging kasapi siya ng katawan ni Cristo, ang iglesia:

Tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan (1 Cor. 12:13; tingnan din ang Ro. 6:3; Efe. 1:22-23; Col. 1:18, 24).

Ang pagkabautismo sa Espiritu Santo ay isang karanasang susunod sa kaligtasan, at ang bautismong ito ay maaaring tanggapin at dapat tanggapin ng bawa’t mananampalataya.

Sa pagtatapos, bawa’t mananampalataya ay kailangang mabautismuhan sa tubig agad-agad pagkatapos niyang magsisi at manampalataya sa Panginoong Jesus. Ang bautismo ang dapat unang-unang pagpapakita ng pagsunod ng bagong mananampalataya:

At sinabi ni Jesus sa kanila, “Habang kayo’y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita. Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, nguni’t ang ayaw sumampalataya ay paparusahan” (Mc. 16:15-16, idinagdag ang pagdidiin).

Itinuring ng sinaunang iglesia na napakahalaga ang utos ni Jesus na bautismo. Halos walang eksepsyon, ang mga bagong kombertido ay nabautismuhan pagkatapos na pagkatapos ng kanilang kombersyon (tingnan ang Gw. 2:37-41; 8:12-16, 36-39; 9:17-19; 10:44-48; 16:31-33; 18:5-8; 19:1-5).

Ilang Di-Biblikal na Idea Tungkol sa Bautismo (Some Unscriptural Ideas About Baptism)

Binabautismuhan ng ilan ang bagong kombertido sa pagwisik ng ilang patak ng tubig. Tama ba ito? Ang pandiwang isinalin na bautismo (baptize) sa Bagong Tipan ay ang Griegong salitang baptizo, na literal na nangangahulugang “ilublob.” Kung gayon, ang mga nababautismuhan sa tubig ay dapat ilublob sa ilalim ng tubig At hindi simpleng wiwisikan ng ilang patak. Ang sagisag ng bautismong Cristiano, na pag-aaralan natin, ay sumusuporta rin sa idea ng paglublob.

Ginagawa ng ilan ang bautismo ng mga sanggol, nguni’t walang halimbawa sa Biblia ng bautismo ng mga sanggol. Nanggaling ang gawaing ito sa huwad na doktrina ng “bautismong pagpapabagong-buhay”—ang idea na ang isang tao ay muling ipinanganak sa sandaling nabautismuhan siya. Malinaw na itinuturo ng Biblia na dapat unang maniwala kay Jesus ang mga tao bago sila bautismuhan. Kung gayon, ang mga batang sapat na ang gulang upang magsisi at sumunod kay Jesus ay kwalipikado para sa bautismo, nguni’t hindi ang mga sanggol at maliliit na bata.

Itinuturo ng iba na, bagama’t naniniwala ang isang tao kay Jesus, hindi siya ligtas hangga’t hindi siya nabautismuhan sa tubig. Hindi iyan totoo ayon sa Biblia. Sa Mga Gawa 10:44-48 at 11:17, mababasa natin na ang mag-anak ni Cornelio ay naligtas at nabautismuhan sa Espiritu Santo bago nabautismuhan sa tubig ang sinuman sa kanila. Imposibleng mabautismuhan sa Espiritu Santo ang sinuman hangga’t hindi siya ligtas (tingnan ang Jn. 14:17).

Itinuturo ng ilan na hangga’t hindi nabautismuhan ang isang tao ayon sa kanilang partikular na pormula, hindi siya talaga ligtas. Walang itinatakda ang Biblia na ispesipikong ritwal na dapat sundin para sa tamang bautismo. Halimbawa, sinasabi ng ilan na ang isang mananampalataya ay hindi ligtas kung hindi siya mabautismuhan “sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Gw. 8:16). Ipinapakita ng mga taong ito ang parehong espiritung nagdomina sa mga Pariseo, sinasala ang mga niknik at lumulunok ng mga kamelyo. Napakalaking trahedya na pinag-aawayan ng mga Cristiano ang tamang salitang bibigkasin sa bautismo habang naghihintay ang mundo upang pakinggan ang magandang balita.

Ang Sagisag ng Bautismo ayon sa Biblia (The Scriptural Symbolism of Baptism)

Maraming bagay na nangyari na sa bagong mananampalataya ang sinasagisag ng bautismo sa tubig. Sa pinakapayak, sinasagisag nito na ipinaanod natin ang ating mga kasalanan, at ngayon ay malinis tayong haharap sa Diyos. Nang ipinadala si Ananias kay Pablo pagkatapos na pagkatapos ng kanyang kombersyon, sinabi nito sa kanya:

At ngayon, ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na, magpabautismo at manalangin ka sa kanyang pangalan upang mapatawad ka sa iyong mga kasalanan (Gw. 22:16, idinagdag ang pagdidiin).

Pangalawa, sinasagisag ng bautismo sa tubig ang ating pagkakakilanlan kasama ni Jesus sa Kanyang kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay. Mula sa ating muling pagkapanganak at inilagay sa katawan ni Cristo, itinuturing na tayo ng Diyos na “kay Cristo”. Dahil si Jesus ang ating kahalili, kinikilala ng Diyos na atin ang lahat ng ginawa ni Jesus. Kaya “kay Cristo, tayo ay namatay, nailibing, ang binuhay na muli mula sa mga patay upang mamuhay na mga bagong tao:

Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? Samakatuwid, tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay (Ro. 6:3-4).

Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama Niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa Kanya (Col. 2:12).

Bawa’t bagong mananampalataya ay dapat maturuan ng mga mahahalagang katotohang ito kapag nabautismuhan siya sa tubig, at dapat siyang bautismuhan agad pagkatapos niyang manampalataya kay Jesus.

Ang Banal na Hapunan (The Lord’s Supper)

Nagsimula ang Banal na Hapunan sa Piyesta ng Passover sa Lumang Tipan. Sa gabi ng pagligtas ng Diyos sa Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto, sinabihan Niya ang bawa’t mag-anak na kumatay ng isang-taong gulang na kordero at iwisik ang dugo sa balakiran at post eng pintuan ng kanilang mga bahay. Nang dumaan ang “anghel ng kamatayan sa bansa nang baging iyon, at pinatay ang mga anak na panganay sa Egipto, makikita niya ang dugo sa mga kabahayan ng Israelita, at “dadaan.”

Dagdag pa, ipagdiriwang ng mga Israelita ang piyesta nang gabing iyon sa pagkain ng kanilang korderong Passover at sa pagkain din ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Ito ay magiging permanenteng ordinansa para sa Israel, na ipinagdiriwang nang parehong panahon bawa’t taon (tingnan ang Exo. 12:1-28). Malinaw na ang korderong Passover ay sagisag ni Cristo, na tinatawag na “ating Passover” sa 1 Corinto 5:7.

Nang itinatag ni Jesus ang Banal na Hapunan, Siya at ang Kanyang mga alagad ay nagdiriwang ng Piyesta ng Passover. Naipako sa krus sa Piyesta ng Passover, tunay na tinutupad ang pagkatawag sa Kanya bilang “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan” (Jn. 1:29).

Ang tinapay na kinakain at ang juice na iniinom natin ay sagisag ng katawan ni Jesus, na pinaghati-hati para sa atin, at ang Kanyang dugo, na ibinuhos para sa kapatawaran ngating mga kasalanan:

Habang sila’y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinaghati-hati Niya iyon ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan.” Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay iyon sa kanila. Sinabi Niya, “Uminom kayong lahat nito sapagka’t ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami. Sinasabi ko sa inyo, hinding-hindi na ako iinom nitong alak na mula sa ubas hanggang sa araw na ako’y muling iinom na kasalo ninyo sa kaharian ng aking Ama” (Mt. 26:26-29).

Ganito ang pagsasabi ni apostol Pablo sa kuwento:

Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing Siya’y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.” Sapagka’t tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo angkamatayan ng Panginoon hanggang sa Kanyang muling pagparito (1 Cor. 11:23-26).

Kailan at Paano (When and How)

Hindi sinasabi sa atin ng Biblia kung gaano kadalas ang paglahok sa Banal na Hapunan, nguni’t malinaw na sa sinaunang iglesia, regular na ginagawa ito sa mga pagtitipon sa tahanan bilang buong hapunan (tingnan ang 1 Cor. 11:20-34). Dahil ang Banal na Hapunan ay nag-ugat sa Hapunan ng Passover, naging bahagi ito ng hapunan nang itinatag ni Jesus, at dahil kinain din bilang buong hapunan ng sinaunang iglesia, ganoon dapat ang pagganap nito ngayon. Gayumpaman, marami sa mga iglesia ang sumusunod sa “tradisyon ng mga tao.”

Kailangan nating tingnan ang Banal na Hapunan nang may kabanalan. Itinuro ni apostol Pablo ang malubhang kasalanan ang pakikilahok sa Banal na Hapunan sa isang hindi karapat-dapat na paraan:

Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Kaya’t dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa. Sapagka’t ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili. Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at masasakitin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na. kung sisiyasatin natin ang ating sarili, hindi tayo hahatulan ng Panginoon. Nguni’t hinahatulan tayo ng Panginoon dahil itinutuwid Niya tayo, upang hindi tayo maparusahang kasama ng sanlibutan (1 Cor. 11:27-32).

Pinapayuhan tayong siyasatin at hatulan ang ating sarili bago lumahok sa Banal na Hapunan, at kung makatuklas tayo ng anumang kasalanan, kailangan nating magsisi at ikumpisal ito. Kung hindi, maaari tayong “magkasala sa katawan at dugo ng Panginoon.”

Dahil namatay si Jesus at ibinuhos ang Kanyang dugo upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan, tunay na ayaw nating makilahok sa mga elemento, na sumasagisag sa Kanyang katawan at dugo, nang may nalalamang hindi naikumpisal na kasalanan. Kung gagawin natin iyan, makakain at maiinom natin ang paghatol sa ating sarili sa pamamagitan ng pagkakasakit at pagkamatay nang maaga, na tulad ng mga Cristiano sa Corinto. Ang paraan upang iwasan ang disiplina ng Diyos ay “hatulan ang ating sarili,” ibig sabihin, tanggapin at pagsisihan ang ating mga kasalanan.

Ang pangunahing kasalanan ng mga Cristiano sa Corinto ay ang kakulangan nila ng pag-ibig; nagtatalo at naglalaban-laban sila. Sa katunayan, ang kanilang pagkawala ng konsiderasyon ay naipakita pa sa Banal na Hapunan nang ang ilan ay kumain samantalang nagutom ang iba, at nalasing pa ang ilan sa kanila (tingnan ang 1 Cor. 11:20-22).

Ang kinakain nating tinapay ay sumasagisag sa katawan ni Cristo, na siya na ngayong iglesia. Lalahok tayo sa pagkain ng isang loaf, na sumasagisag ng ating pagkakaisa bilang isang katawan (tingnan ang 1 Cor. 10:17). Anong krimen ang makilahok sa pagkain ng sumasagisag sa isang katawan ni Cristo habang kasali sa laban at di-pagkakaunawaan ng mga kasapi ng katawang iyan! Bago tayo makilahok sa Banal na Hapunan, kailangan nating tiyakin na maganda ang pakikipag-ugnayan natin sa ating mga kapatid kay Cristo.

Kung Paano Magpaakay sa Espiritu

Kabanata 22

Ang ebanghelyo ni Juan ay nagtatala ng ilang pangako ni Jesus tungkol sa papel ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya. Basahin natin ang ilan dito:

Dadalangin ako sa Ama, upang bigyan kayo ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagka’t siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Nguni’t nakikilala ninyo siya, sapagka’t siya’y nasa inyo at siya’y mananatili sa inyo (Jn. 14:16-17).

Nguni’t ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa iyo (Jn. 14:26).

Subali’t dapat ninyong malaman ang katotohanan. Ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagka’t hindi paparito sa inyo ang Tagapagtanggol kung hindi ako aalis. Nguni’t kung wala na ako, isusugo ko siya sa inyo….Marami pa akong sasabihin sa inyo subali’t hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Nguni’t pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan Niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagka’t ang sasabihin Niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang Kanyang narinig; at ipahahayag Niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap. Pararangalan Niya ako sapagka’t tatanggapin ng Espiritu mula sa akin ang ipahahayag Niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay sa Akin, kaya Ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa Akin at ipahahayag Niya ito sa inyo (Jn. 16:7, 12-15).

Ipinangako ni Jesus sa kanyang mga alagad na mananahan sa kanila ang Espiritu Santo. Tutulungan din Niya sila, tuturuan, at babantayan at ipakikita ang mga mangyayari sa hinaharap. Bilang mga alagad ni Cristo ngayon, wala tayong dahilan upang ipagpalagay na hindi iyon gagawin ng Espiritu para sa atin.

Kamangha-manghang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na naaayon sa kanila kaya Siya aalis, kung hindi, hindi darating ang Espiritu Santo! Ipinakita niyan sa kanila na ang kanilang samahan sa Espiritu Santo ay magiging malapit din na tulad ng parang nariyan si Jesus na kasama nila sa lahat ng panahon. Kung hindi, hindi naaayon sa kanila na makakasama nila ang Banal na Espritu sa halip na si Jesus. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, lagi nating kasama si Jesus at nananahan Siya sa atin.

Sa anong mga paraan natin aasahahang akayin tayo ng Espiritu?

Ang Kanyang mismong pangalan, Banal na Espiritu, ay nagpapakita na ang Kanyang pangunahing papel sa pag-akay sa atin ay upang maging banal at masunurin sa Diyos. Kaya lahat ng patungkol sa kabanalan at ang pagganap sa kalooban ng Diyos sa lupa ay nasa lupain ng pagkalinga ng Espiritu Santo. Aakayin tayo upang sumunod lahat ng pangkalahatang utos pati na ang mga ispesipikong utos ni Cristo patungkol sa pambihirang ministeryo kung saan tayo tinawag ng Diyos. Kaya kung gusto mong paakay sa Espiritu tungkol sa iyong ispesipikong ministeryo, kailangan mo ring paakay sa Espiritu sa pangkalahatang kabanalan. Hindi mo maaangkin ang isa na wala ang isa pa. Napakaraming mga ministro ang naghahangad na paakay sa mga maningning na gawain at himala ng dakilang ministeryo, nguni’t ayaw maabala sa “higit na maliliit” na aspekto ng pangkalahatang kabanalan. Malaking kamalian iyan. Paano inakay ni Jesus ang kanyang mga alagad? Unang-una sa pagbibigay sa kanila ng pangkalahatang instruksiyon sa kabanalan. Ang mga ispesipikong pag-aakay Niya para sa kanilang ministeryal na tungkulin ay bihira kung tutuusin. Gayundin sa Espiritu Santong nananahan sa atin. Kaya kung gusto mong paakay sa Espiritu Santo, kailangan mo munang sundin ang Kanyang pag-aakay upang maging banal.

Isinulat ng apostol Pablo, “ Ang lahat ng pinapatnubayan ng espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos” (Ro. 8:14). Ang pagpapaakay natin sa Espiritu ang nagiging tanda na kabilang tayo sa mga anak ng Diyos. Kung gayon lahat ng anak ng Diyos ay inaakay ng Espiritu. Siyempre, nasa sa atin bilang malayang ahente ng asal, kung susundin natin ang pag-akay ng Espiritu.

Dahil sa lahat nang ito, walang Cristiano ang talagang kailangang maturuan kung paano akayin ng Espiritu Santo, dahil inaakay na ng Espiritu Santo ang bawa’t Cristiano. Sa kabilang dako, sinusubukan ni Satanas na ilihis ang mga anak ng Diyos, at taglay pa rin natin ang lumang kalikasan ng laman na nagtatangkaang akayin tayo kontra sa kalooban ng Diyos. Kaya kailangan ng mga mananampalataya upang pag-aralang limiin ang pag-akay ng Espiritu bukod sa iba pang mga pag-akay. Iyan ay isang prosesong patungo sa landas ng pag-unlad. Nguni’t ang batayang katotohanan ay ito: Lagi tayong aakayin ng Espiritu na naaayon sa Salita ng Diyos, at lagi Niya tayong aakayin upang gawin ang nararapat at kagiliw-giliw sa Diyos, kung ano ang magbibigay sa Kanya ng papuri (tingnan ang Jn. 16:14).

Ang Tinig ng Espiritu Santo (The Voice of the Holy Spirit)

Bagama’t sinasabi ng Biblia na kung minsan ay aakayin tayo ng Espiritu Santo sa kagila-gilalas na paraan, tulad ng mga pangitain, paghahayag ng mensaheng mula sa Diyos, o ang naririnig na tinig ng Diyos, ang higit na karaniwang paraan ng pakikipag-ugnayan ng Espiritu Santo sa ating mga espiritu ay sa pamamagitan ng mga “impresyon.” Ibig sabihin, kung nais ng Espiritung gumawa tayo ng isang bagay, “kukulitin” Niya tayo—sa ating espiritu—at mararamdaman natin ang pag-akay upang sumunod sa isang tanging direksiyon.

Matatawag natin ang tinig ng ating espiritu na “konsensya.” Alam ng lahat ng Cristiano kung ano ang tunog ng kanilang konsensya. Kung natutukso tayong magkasala, hindi natin maririnig ang malakas na boses sa ating kalooban at nagsasabing, “Huwag kang susuko sa tuksong iyan.” Bagkus, mararamdaman ang natin ang isang bagay sa ating katauhan na nilalabanan ang tukso. Ay kung talagang susuko tayo sa tukso, pagkatapos magkasala, hindi natin maririnig ang malakas na boses na nagsasabing, “Nagkasala ka! Nagkasala ka!” simpleng nararamdaman natin ang pag-uusig sa ating kalooban, inaakay na tayo upang magsisi at ikumpisal ang ating kasalanan.

Gayundin tuturuan tayo ng Espiritu at aakayin tayo sa pangkalahatang katotohanan at pagkakaintindi. Tuturuan Niya tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagliang pahayag (laging naaayon sa Biblia) sa ating kalooban. Ang mga pahayag na iyon ay maaaring gumugol ng sampung sandali upang ikuwento sa iba, nguni’t maaaring dalhin sila sa atin ng Espiritu Santo sa loob lamang ng ilang Segundo.

Ganyan din ang pag-akay ng Espiritu Santo sa mga gawain sa ministeryo. Kailangan lang nating gumawa ng mulat na pagsisikap upang maging sensitibo sa mga panloob na pag-akay at impresyon, at dahan-dahan tayong matututong (sa pamamagitan ng pagsubok at pagkakamali) sumunod sa Espiritu tungkol sa mga bagay ukol sa ministeryo. Kapag pinayagan natin ang ating mga isip (ang rasyunal o hindi rasyunal na pag-iisip) na pumigil sa ating mga puso (kung saan tayo inaakay ng Espiritu), malalaman nating nagkakamali tayo ukol sa kalooban ng Diyos.

Kung Paano Inakay ng Espiritu si Jesus (How the Spirit Led Jesus)

Si Jesus ay inakay ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng panloob na mga impresyon. Halimbawa, inilalarawan ng ebanghelyo ni Marcos ang talagang nangyari pagkabautismo ni Jesus Espiritu Santo sunod sa bautismo sa Kanya ni Juan:

Pagkatapos, sa kapangyarihan ng espiritu, si Jesus ay pumunta sa ilang (Mc. 1:12, idinagdag ang pagdidiin).

Hindi narinig ni Jesus ang malakas na boses o pangitain na nag-akay sa Kanya sa ilang—simpleng isinulong Siya upang pumunta. Ganyan ang karaniwang pag-akay ng Espiritu Santo sa atin. Mararamdaman natin ang paghila, ang pag-akay, ang pananalig, sa ating kalooban upang gumawa ng tanging bagay.

Nang sinabi ni Jesus sa paralisadong lalaking ibinaba sa bubong na napatawad na ang kanyang mga kasalanan, alam ni Jesus na ipinagpapalagay ng mga tagapagturo ng kautusan na naroon na Siya ay naglalapastangan. Paano Niya nalaman ang kanilang iniisip? Mababasa natin sa ebanghelyo ni Marcos:

Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya’t sinabi Niya agad, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan?” (Mc. 2:8, idinagdag ang pagdidiin).

Naramdaman ni Jesus sa Kanyang espiritu kung ano ang kanilang iniisip. Kung sensitibo tayo sa ating mga espiritu, malalaman din natin kung paano sagutin ang mga lumalaban sa gawain ng Diyos.

Ang Pag-akay ng Espiritu sa Ministeryo ni Pablo (The Spirit’s Leading in the Ministry of Paul)

Pagkatapos ng humigit-kumulang na dalawampung taong paninilbihan sa ministeryo, ganap nang natutuhan ni apostol Pablo kung paano sundin ang pag-akay ng Banal na Espirity. To some degree, ipinakita ng Espiritu sa kanya ang “mga mangyayari” kaalinsabay ng susunod niyang ministeryo. Halimbawa, habang tinatapos ni Pablo ang kanyang ministeryo sa Efeso, may kaunti siyang palagay sa landas na susundin ng kanyang buhay at ministeryo sa susunod na tatlong taon:

Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, sa patnubay ng Espiritu, nagpasya si Pablo na maglakbay sa Macedonia at Acaya papuntang Jerusalem. “Kailangan ko ring pumunta sa Roma pagkagaling sa Jerusalem,” sabi niya (Gw.19:21).

Pansinin na hindi binalak ni Pablo ang intensyong tatahaking direksiyon sa kanyang isip kundi sa kanyang espiritu. Ipinapakita niyan na inaakay siya ng Espiritu Santo sa kanyang espiritu upang pumunta muna sa Macedonia at Acaya (kapwa nasa Grecia sa modernong panahon), at saka sa Jerusalem, at panghuli, sa Roma. At iyan ang tunay na landas na sinunod niya. Kung may mapa ka sa iyong Biblia na nagpapakita ng ikatlong misyunerong paglalakbay ni Pablo at ang paglalakbay niya sa Roma, masusundan mo ang kanyang landas mula sa Efeso (kung saan niya binalak ang kanyang ruta sa kanyang espiritu) sa pamamagitan ng Macedonia at Acaya, patungong Jerusalem, at makaraan ang maraming taon, sa Roma.

Higit na eksakto, naglakbay si Pablo sa Mileto, sa pamamagitan ng Macedonia at Acaya, pagkatapos bumalik uli siya sa Macedonia, inikot ang Dagat ng Aegean, at saka naglakbay pababa sa baybayin ng Aegean ng Asya Menor. Sa paglalakbay na iyon huminto siya sa lunsod ng Mileto, tinawag ang mga pinuno ng iglesia ng kalapit na Efeso, at nagsalita ng pahayag na pamamaalam sa kanila na sinabing:

Ngayon, bilang pagsunod sa Espiritu Santo, ako’y pupunta sa Jerusalem at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Ang tanging nalalaman ko ay ito: sa bawa’t bayang dinaanan ko, ipinapahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin ay pagkabilanggo at kapighatian (Gw. 20:22-23, idinagdag ang pagdidiin).

Sinabi ni Pablo na “nagapos siya sa espiritu,” ibig sabihin nagkaroon siya ng pananalig sa kanyang espiritu na umaakay sa kanya sa Jerusalem. Wala siyang ganap na larawan kung ano ang mangyayari pagdating niya sa Jerusalem, nguni’t inihayag niya na bawa’t lunsod na hinintuan niya sa kanyang paglalakbay, ipinahayag ng Espiritu Santo na pagkabilanggo at kapighatian ang naghihintay sa kanya doon. Paano “ipinahayag ng Espiritu Santo” ang naghihintay na pagkabilanggo at kapighatian sa Jerusalem?

Dalawang Halimbawa (Two Examples)

Sa ikadalawampu’t isang kabanata ng Mga Gawa, makikita natin ang dalawang nakatalang insidente na sasagot sa tanong na iyan. Ang unang halimbawa ay nang dumating si Pablo sa Mediteraneong daungang lunsod ng Tiro:

Hinanap namin ang mga alagad na naroon at nakituloy kami sa loob ng pitong araw. Sa patnubay ng Espiritu, sinabi nila kay Pablo na huwag pumunta sa Jerusalem (Gw. 21:4).

Dahil sa isaang bersong ito, ipinagpapalagay ng ilang komentarista na sinuway ni Pablo ang Diyos sa pagtuloy sa Jerusalem. Nguni’t sa patnubay ng nakapaligid na impormasyong ibinigay sa atin sa libro ng Mga Gawa, hindi tamang gawin natin ang konklusyong iyan. Magiging malinaw ito sa pagpapatuloy ng kuwento.

Malinaw na ang mga alagad sa Tiro ay espiritwal na sensitibo at naisip ang kaguluhang naghihintay kay Pablo sa Jerusalem. Sumunod ay sinubukan nilang kumbinsihin siyang huwag tumuloy. Ang salin ni William sa Bagong Tipan ang nagpapatunay dito, dahil isinasalin niya ang parehong berso na ganito: “Dahil sa mga impresyong ibinigay ng Espiritu, tuluy-tuloy nilang pinayuhan si Pablo na huwag pumunta sa Jerusalem.”

Nguni’t hindi nagtagumpay ang mga alagad sa Tiro, dahil tumuloy din si Pablo sa paglalakbay sa Jerusalem sa kabila ng kanilang babala.

Itinuturo nito sa atin na kailangan nating maging lubhang maingat na hindi idagdag ang sarili nating interpretasyon sa mga pahayag na natatanggap natin sa ating mga espiritu. Lubhang nalalaman ni Pablo na kaguluhan ang naghihintay sa kanya sa Jerusalem, nguni’t alam din niya na kalooban ng Diyos na maglakbay siya doon kahit ganoon ang mangyayari. Kung may ibubunyag ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo, hindi iyan nangangahulugang ipagsabi natin, at kailangan din nating maging maingat na hindi idagdag ang sarili nating interpretasyon sa ibinunyag ng Espiritu.

Pagtigil sa Cesaria (Caesarea Stop Over)

Ang susunod na hintuan sa paglalakbay ni Pablo sa Jerusalem ay ang daungan sa Caesaria:

Makalipas ang ilang araw, dumating mula sa Judea ang isang propetang ang pangala’y Agabo. Pinuntahan niya kami, kinuha ang pamigkis ni Pablo at ginapos ang sariling paa at kamay. Sabi niya, “Ito ang sabi ng Espiritu Santo, ‘Ganito gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang may-ari ng pamigkis na ito, at siya’y ibibigay sa kamay ng mga Hentil’” (Gw. 21:10-11).

Narito ang isa pang halimbawa ng paghahayag ng Espiritu Santo kay Pablo na “mga pagkabilanggo at kapighatian” ang naghihintay sa kanya sa Jerusalem. Nguni’t pansinin na hindi sinabi ni Agabo na “Kung gayon, sinabi ng Panginoon, ‘Huwag kang pumunta sa Jerusalem!’” Hindi, inaakay ng Diyos si Pablo sa Jerusalem at simpleng inihahanda Niya ito sa pamamagitan ng mensahe mula sa Diyos ni Agabo tungkol sa mga kaguluhang daratnan niya doon. Pansinin rin na pinatotohanan laman ng mensahe ni Agabo ang ilang buwan nang alam ni Pablo sa kanyang espiritu. Kailanman ay hindi tayo dapat paakay sa propesiya. Kung hindi pinapatotohanan ng propesiya ang alam na natin, huwag natin itong susundin.

Ang propesiya ni Agabo ay ang maituturing nating “kagila-gilalas na pamamatnubay,” dahil inigpawan nito ang panloob lamang na impresyon sa espiritu ni Pablo. Kapag nagkakaloob ang Diyos ng “kagila-gilalas na pamamatnubay,” tulad ng pangitain o pagdinig sa malakas na boses, ito’y karaniwang dahil alam ng Diyos na ang ating tatahakin ay hindi magiging madali. Kakailanganin natin ang karagdagang katiyakang idudulot ng kagila-gilalas na pamamatnubay. Sa kaso ni Pablo, muntik-muntikan na siyang mapatay ng makapal na tao at manatili sa bilangguan nang maraming taon bago siya maglakbay sa Roma bilang isang bilanggo. Nguni’t dahil sa natanggap niyang kagila-gilalas na pamamatnubay, mapapanatili niya ang ganap na kapayapaan sa gitna ng lahat ng iyon, dahil alam niyang kaaya-aya ang kalalabasan.

Kung hindi ka makakatanggap ng kagila-gilalas na pamamatnubay, hindi ka dapat mabahala dahil kung kailangan mo ito, titiyakin ng Diyos na makukuha mo. Nguni’t dapat tayong laging magsikap na maging sensitibo sa panloob na testigo at paaakay tayo dito.

Sa Pagkakagapos at sa Kalooban ng Diyos (In Chains and in God’s Will)

Nang dumating si Pablo sa Jerusalem, sinunggaban siya at ikinulong. Muli nakatanggap siya ng kagila-gilalas na pamamatnubay sa hugis ng isang pangitain ni Jesus:

Kinagabihan, nagpakita ang Panginoon kay Pablo at sinabi sa kanya, “Lakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa Akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gagawin mo sa Roma” (Gw. 23:11).

Pansinin na hindi sinabi ni Jesus, “Ngayon Pablo, ano ang ginagawa mo rito? Binalaan kitang huwag pumunta sa Jerusalem!” Hindi, sa katunayan ay pinatotohanan ni Jesus ang pag-akay na naramdaman ni Pablo sa kanyang espiritu ilang buwan na ang nakaraan. Nasa gitna ng layunin ng Diyos sa Jerusalem si Pablo upang tumestigo para kay Jesus. Sa kalaunan ay ipapahayag rin ni Pablo si Cristo sa Roma.

Kailangan nating isaisip na bahagi ng orihinal na tawag ni Pablo ay ang tumestigo hindi lamang sa harap ng mga Judio at Hentil kundi pati rin sa harap ng mga hari (tingnan ang Gw. 9:15). Sa gitna ng pagkakabilanggo ni Pablo sa Jerusalem at nang sumunod ay sa Cesarea, nabigyan siya ng pagkakataon upang tumestigo sa harap ni Gobernador Felix, Porcius Festus, at Haring King Agripa, na “muntik nang nahimok” (Acts 26:28) na maniwala kay Jesus. Sa katapusan ay ipinadala si Pablo sa Roma upang tumestigo sa harap mismo ng Romanong Emperador na si Nero.

Sa Daan Papunta kay Nero (On the Way to See Nero)

Habang nakasakay sa barko patungong Italia, muli ay nakatanggap si Pablo ng pamamatnubay ng Diyos sa pagiging sensitibo sa kanyang espiritu. Habang pinag-iisipan ng kapitan ng barko at piloto kung saan sila mananatili sa taglamig sa isla ng Creta, nakatanggap si Pablo ng isang pahayag:

Mahabang panahon na kaming naglalakbay. Mapanganib na ang magpatuloy dahil nakaraan na ang Araw ng Pag-aayuno, kaya’t pinagpayuhan sila ni Pablo. Sabi niya, “Mga ginoo, sa tingin ko’y mapanganib na ang maglakbay mula ngayon, at maaaring mapinsala ang mga kargamento at ang barko, at nanganganib pati ang buhay natin” (Gw. 27:9-10, idinagdag ang pagdidiin).

Naramdaman ni Pablo ang malapit nang mangyari. Malinaw na ang kanyang persepsyon ay sa pamamagitan ng impresyong ibinigay ng Espiritu.

Sa malas, hindi nakinig ang kapitan kay Pablo at tinangkang abutin ang kanlungan. Nagbunga ito ng pagkaipit ng barko sa malupit na bagyo sa loob ng dalawang linggo. Sa hirap ng sitwasyon, sa ikalawang araw ay pinagtatapon ng mga tripulante ang kargamento, at sa ikatlong araw itinapon na pati ang mga kagamitan sa dagat. Makalipas ang ilang sandali, nakatanggap si Pablo ng karagdagang pamamatnubay:

Matagal naming di nakita ang araw at mga bituin, at hindi rin humuhupa ang napakalakas na bagyo, kaya’t nawalan na kami ng pag-asang makakaligtas pa. Dahil matagal nang hindi kumakain ang mga nasa barko, tumayo si Pablo at nagsalita, “Mga kasama, kung nakinig lamang kayo sa akin at di tayo umalis sa Creto, hindi sana natin inabot ang ganio. Ito ngayon ang payo ko, lakasan ninyo ang inyong loob sapagka’t walang mamamatay isa man sa inyo! Kaya nga lamang, mawawasak ang barko. Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na sinasamba ko at pinaglilingkuran. Sinabi niya sa akin, ‘huwag kang matakot, Pablo! Dapat kang humarap sa Emperador. Alang-alang sa iyo’y ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga kasama mong naglalakbay.’ Kaya tibayan ninyo ang inyong loob, mga kasama! Nananalig ako sa Diyos na mangyayari ang lahat ayon sa sinabi niya sa akin. Kaya lamang, mapapadpad tayo sa isang pulo” (Gw. 27:20-26).

Palagay ko’y malinaw kung bakit binigyan ng Diyos si Pablo ng higit na “kagila-gilalas na pamamatnubay” sa gitna ng kanyang kasalukuyang alanganing kalagayan. Sa kabila ng pahirap na iyon, haharapin ni Pablo ang suliranin ng pagkawasak ng barko. Pagkatapos niyon, matutuklaw siya ng makamandag na ahas (tingnan ang Gw. 27:41-28:5). Mainam ang masabihan ka ng anghel bago ang mga pangyayari na magiging OK ang lahat!

Ilang Payong Praktikal (Some Practical Advice)

Umpisahang tumingin sa iyong espiritu sa mga persepsyon at impresyong pag-aakay ng Espiritu Santo. Sa umpisa ay tiyak na magkakamali ka na inaakay ka ng Espiritu Santo nguni’t hindi, bagama’t karaniwan iyan. Huwag masiraan ng loob; ipagpatuloy mo lang.

Makakatulong din na gumugol ng panahon sa isang tahimik na lugar, nananalangin sa iba’t ibang wika, at pagbasa ng Biblia. Kapag nananalangin tayo sa iba’t ibang wika, ang nananalangin ay ang ating espiritu, at siyempre, magiging sensitibo tayo sa ating espiritu kung magkagayon. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagmumuni sa Salita ng Diyos, magiging higit rin tayong sensitibo sa ating espiritu dahil ang Salita ng Diyos ay pagkaing espiritwal.

Kapag inaakay ka ng Diyos sa isang tanging direksiyon, hindi mababawasan ang Kanyang pag-akay. Ibig sabihin niyan, dapat kang magpatuloy sa pananalangin tungkol sa mahahalagang pasya nang may katagalan upang matiyak na ang Diyos ang Siyang nag-aakay sa iyo at hindi ang sarili mong mga idea at emosyon. Kung wala kang kapayapaan sa iyong puso kapag nananalangin ka tungkol sa isang tanging direksiyon, huwag mong itutuloy iyan hangga’t hindi ka nagkakaroon ng kapayapaan. Kung inaakala mong nakatanggap ka ng kagila-gilalas na pamamatnubay, mahusay iyan, nguni’t huwag mong tangkaing “paniwalaan” na nakakita ka ng pangitain o nakarinig ng malakas na boses. Hindi ipinangako ng Diyos na akayin tayo sa ganoong paraan (bagama’t ginagawa Niya iyan minsan ayon sa Kanyang makapangyarihang kalooban). Subali’t maaari tayong laging magtiwala na aakayin Niya tayo sa pamamagitan ng panloob na saksi.

Bilang pagtatapos, huwag dagdagan ang sinabi ng Diyos sa iyo. Maaaring ibunyag ng Diyos ang isang ministeryong inihanda Niya sa iyo sa hinaharap, nguni’t maaari mong ipalagay na ang katuparan ay darating nang ilang linggo pero sa totoo ay ilang taon. Huwag magpalagay. Bahagyang nalaman ni Pablo ang kanyang hinaharap nguni’t hindi niya alam ang lahat, dahil hindi ibinunyag lahat ng Diyos. Nais ng Diyos na lagi tayong lumakad sa pananampalataya.

Ang Pamilyang Cristiano

Kabanata 21

Siyempre, ang Diyos ang nakaisip ng idea ng pamilya. Makatwiran, kung gayon, na makapaghahandog Siya sa atin ng kaisipan kung paano iiral ang mga pamilya at mabigyang-babala tayo ng mga panganib na nakasisira ng pamilya. Tunay na nabigyan tayo ng Panginoon ng maraming prinsipyo sa Kanyang Salita tungkol sa istruktura ng pamilya at ang papel na kailangang tuparin ng bawa’t kasapi nito. Kapag nasunod ang mga instruksiyong biblikal na ito, makakaranas ang mga pamilya ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos na tatamasahin nila. Kapag nasuway ang mga ito, pagkasira at sama ng loob ang ibubunga.

Ang Papel ng Bawa’t Asawa (The Role of Husband and Wife)

Dinisenyo ng Diyos ang pamilyang Cristiano na isang tanging istruktura. Dahil idinudulot ng framework na ito ang katatagan para sa buhay-pamilya, lubhang nagsisikap si Satanas upang sirain ang disenyong ito.

Una, hinirang ng Diyos ang asawang lalaki upang maging pinuno ng pamilya. Hindi siya binibigyan nito ng karapatang mag-domina sa kanyang asawa at mga anak. Tinawag ng Diyos ang mga asawang lalaki upang mahalin, pangalagaan, mag-alay, at pamunuan ang kanilang pamilya bilang pinuno. Intensyon din ng Diyos na ang mga asawang babae ay pasakop sa pamumuno ng kanilang asawa. Malinaw ito sa Biblia:

Mga babae, pasakop kayo sa sari-sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagka’t ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesia, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang asawa (Efe. 5:22-24).

Ang lalaki ay hindi espiritwal na ulo ng kanyang asawa—si Jesus ang gumaganap ng papel na iyan. Si Jesus ang espiritwal na ulo ng iglesia, at ang Cristianong babae ay ganap na miyembro ng iglesia na tulad rin ng kanyang asawa. Nguni’t sa pamilya, ang Cristianong lalaki ang ulo ng kanayang asawa at mga anak, at dapat silang pasakop sa kapangyarihan niyang dulot-ng-Diyos.

Gaano ang pagpapasakop ng babae sa lalaki? Dapat siyang pasakop sa lahat, tulad ng sinabi ni Pablo. Ang tanging eksepsyon ay kung aasahan ng lalaki na susuwayin niya ang Salita ng Diyos o kapag gumawa siya ng bagay na taliwas sa kanyang konsensya. Siyempre, kailanman ay walang Cristianong lalaki ang aasang gagawa ng anuman ang kanyang asawa upang suwayin ang salita ng Diyos o ang kanyang konsensya. Ang lalaki ay hindi panginoon ng kanyang asawa—si Jesus lamang ang may karapatang iyan sa kanyang buhay. Kung pipili siya ng susundin, kailangan niyang sundin si Jesus.

Kailangang tandaan ng mga lalaki na ang Diyos ay hindi kinakailangang “papanig sa kanya.” Minsan ay sinabi ng Diyos kay Abraham na gawin ang sinabi ng asawa niyang si Sara (tingnan ang Gen. 21:10-12). Itinatala rin ng Biblia na sinuway ni Abigail ang hangal niyang asawang si Nabal at dahil doon ay iniwasan ang malaking kapahamakan (tingnan ang 1 Sam. 25:2-38).

Ang Bilin ng Diyos sa mga Lalaki (God’s Word to Husbands)

Sa mga lalaki, ito ang sinasabi ng Diyos:

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesia. Inihandog Niya ang Kanyang buhay pata sa iglesia….Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito’y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesia. Tayo nga’y mga bahagi ng Kanyang katawan….Kaya’t kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang naman ninyo ang inyong asawa (Efe. 5:25, 28-30, 33).

Inuutusan ang mga lalaking magmahal sa kanilang asawa na tulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesia. Hindi ito maliit na tungkulin! Ang sinumang babae ay malugod na pasasakop sa sinumang magmamahal sa kanya nang tulad ng pagmamahal ni Jesus —na naglaan ng sariling buhay. Tulad ng pagmamahal ni Cristo sa sarili Niyang katawan, ang iglesia, gayundin naman, dapat niyang mahalin ang kanyang asawang “ kaisa” niya (Efe. 5:31). Kung ang Cristianong lalaki ay nagmamahal sa kanyang asawa na tulad ng inaasahan, maglalaan ito para sa kanya, aalagaan siya, igalang siya, tulungan siya, hikayatin siya, at gumugol ng panahon kasama siya. Kung nabigo siya sa tungkuling magmahal sa asawa, nasa panganib ang lalaki sa pagpigil ng sagot sa kanyang mga dalangin:

Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagka’t sila’y mahina, at tulad ninyo’y may karapatan din sila sa buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito, nang sa gayon ay walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin (1 Ped. 3:7, idinagdag ang pagdidiin).

Siyempre, kailanman ay walang relasyon na hindi nagkaroon ng di pagkakaunawaan. Nguni’t dahil sa pangako at ang paglago ng espiritu sa ating buhay, ang mag-asawa ay matututong mamuhay nang may pagkakaunawaan at danasin ang papalaking pagpapala ng Cristianong samahan. Sa pamamagitan ng di maiiwasang problemang uusbong sa lahat ng ugnayan, bawa’t kasama ay matututong lumago sa higit na pagpapaunlad sa pagiging tulad ni Cristo.

Para sa karagdagang pag-aaral sa mga tungkulin ng lalaki at babae, tingnan ang Gen. 2:15-25; Kaw. 19:13; 21:9, 19; 27:15-16; 31:10-31; 1 Cor. 11:3; 13:1-8; Col. 3:18-19; 1 Tim. 3:4-5; Tito 2:3-5; 1 Ped. 3:1-7.

Sex sa Ugnayan (Sex in Marriage)

Ang Diyos ang umimbento ng sex, at malinaw na nilikha Niya ito upang magbigay-kasiyahan at sa pagpaparami. Nguni’t tahasang inihahayag ng Biblia na ang mga relasyong sekswal ay mangyayari lamang sa mga nagsama dahil sa habambuhay na kasunduang kasalan.

Ang mga relasyong sekswal na nangyayari sa labas ng ugnayan ay maituturing na pakikiapid o pangangalunya. Inihayag ni apostol Pablo na ang mga gumagawa ng ganito ay hindi magmamana sa kaharian ng Diyos (tingnan ang 1 Cor. 6:9-11). Bagama’t maaaring matukso ang isang Cristiano at maaaring gumawa ng pakikiapid o pangangalunya, mararamdaman niya ang mabigat ng paghatol in kanyang espiritu na magiging sanhi ng pagsisisi.

Nagbigay rin si Pablo ng ilang ispesipikong instruksiyon tungkol sa tungkuling sekswal ng lalaki at babae:

Nguni’t para maiwasan ang pakikiapid, bawa’t lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. Sapagka’t hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Huwag ninyong ipagkait ang ingyong sarili sa isa’t isa, malibang pagkasunduan ninyong huwag munang magsiping upang maiukol ninyo ang panahon sa pananalangin. Nguni’t pagkatapos, magsiping na muli kayo upang hindi matukso si Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil (1 Cor. 7:2-5).

Nililinaw ng mga bersong ito na hindi dapat gamitin ang sex bilang “gantimpala” maging ng lalaki o babae dahil bawa’t isa ay walang kapangyarihan sa sarili niyang katawan. Dagdag pa, ang sex ay kaloob ng Diyos at hindi walang kabanalan o makasalanan basta’t nananatili ito sa ugnayan. Hinikayat ni Pablo ang mga Cristianong mag-asawa upang magkaroon ng relasyong sekswal. Gayundin, makikita natin ang payong ito sa mga lalaking Cristiano sa libro ng Kawikaan:

Kaya nga ba’t mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan. Mabait siya at mahindhin, babaing kaakit-akit, ligaya mo’y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib (Kaw. 5:18-19). [1]

Kung kapwa nasisiyahan ang mga mag-asawang Cristiano sa isang sekswal na ugnayan, dapat intindihin ng mga lalaki at babae na may malaking pagkakaiba ang sekswal na kalikasan ng lalaki at babae. Kung ikumpara, ang kalikasan ng lalaki ay higit na pisikal, samantalang ang sa babae ay emosyonal. Napupukaw ang mga lalaki sa pagtingin (tingnan ang Mt. 5:28), samantalang ang mga babae ay sa relasyon at paghawak (tingnan ang 1 Cor. 7:1). Naaakit ang mga lalaki sa mga babaing tumutugon sa kanilang pagtingin; nguni’t ang mga babae ay naaakit sa mga lalaking hinahangaan nila ang ibang katangian maliban sa sa anyong pisikal. Kung gayon sinisikap ng mga babaing marunong na laging magpaganda. At ang mga marunong na lalaki ay laging nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang asawa sa yakap at mga kilos ng pagka-maalalahanin at kaabaitan, sa halip na asahan ang kanilang mga asawang dagliang “ma turn-on” sa gabi.

Ang antas ng sekswal na pagnanais ng lalaki ay tumitindi sa pagdami ng tamod sa kanyang katawan, samantalang ang sa babae ay depende sa siklo ng kanyang regla. May kakayahan ang mga lalaki na mapukaw at makaranas na kasukdulan sa ilang Segundo o sandali; higit na matagal ang mga babae. Bagama’t sa ilang Segundo karaniwang mayroon nang pisikal na kahandaan ang lalaki sa pagtatalik, ang katawan ng babae ay hindi pa handa sa loob ng aabot na kalahating oras. Kaya ang marunong na lalaki ay ihahanda ang asawa sa pamamagitan ng pagyakap, paghalik at pagpukaw sa mga sensitibong bahagi ng katawan upang ihanda siya sa pagtatalik. Dagdag pa, kailangan niyang malaman na bagama’t may kakayahan siyang magkaroon ng iisang sexual climax, may kakayahan ang kanyang asawa sa higit pa. Kailangan niyang tiyakin na matanggap nito ang kanyang nais.

Mahalaga para sa mga Cristianong mag-asawa na matapat na pag-usapan ang kanilang pangangailangan at matutuhan ang sapat na kaalaman sa pagkakaiba ng mga kasarian. Sa pagdaan ng ilang buwan at taon ng komunikasyon, pagtuklas at praktis, ang mga relasyong sekswal ng mag-asawa ay magiging sanhi ng higit na pagpapala.

Mga Anak sa isang Pamilyang Cristiano (Children of a Christian Family)

Dapat maturuan ang mga anak na pasakop at sumunod sa kanilang Cristianong magulang. At kung gayon, mahahabang buhay at iba pang pagpapala ang ipinangagako sa kanila:

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagka’t ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa” (Efe. 6:1-3).

Ang mga Cristianong ama, bilang pinuno ng kanilang pamilya, ay binigyan ng pangunahing tungkulin sa pagpapalaki ng kanilang mga anak:

Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon (Efe. 6:4).

Pansinin na ang tungkulin ng ama ay may dalawang bahagi: palakihin ang anak sa disiplina at katuruan ng Panginoon. Tingnan muna natin ang pangangailangan ng pagdidisiplina sa mga anak.

Disiplina ng Anak (Child Discipline)

Ang anak na hindi nadisiplina ay lalaking makasarili at nagrerebelde sa kapangyarihan. Kailangang disiplinahin ang mga anak sa tuwing mapanghamong sinusuway nila ang mga tuntuning una nang naitatag ng kanilang magulan. Hindi marapat na parusahan ang mga anak sa mga pagkakamali o hindi pagtupad ng tunghilin. Bagkus, kailangan nilang harapin ang kalalabasan ng kanilang pagkakamali at hindi pagtupad ng tungkulin, upang sa gayon ay matulungan silang ihanda sa realidad ng totoong buhay.

Ang mga maliliit na bata ay dapat madisiplina sa pamamalo, na siyang isinasaad ng Salita ng Diyos. Siyempre, ang mga sanggol ay hindi dapat paluin. Hindi ibig sabihin nito na laging pagbibigyan ang mga sanggol. Katunayan, mula sa pagsilang kailangan na nilang malaman na ang ama at ina ang bahala. Maaari silang turuan sa napakaagang edad ng ibig sabihin ng “hindi” sa pagpigil sa kanila sa kanilang ginagawa o ng bagay na gagawin nila. Kapag naintindihan na nila ang ibig sabihin ng “hindi,” ang isang magaang palo sa puwit ay higit na makakatulong sa kanila sa mga sandaling hindi sila sumusunod. Kapag nagawa ito nang di pabagu-bago, maagang matutong maging masunurin ang mga bata.

Maitatatag din ng mga magulang ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng hindi pagpapayag sa maling gawain ng kanilang mga anak, tulad ng hindi agad pagbibigay sa kanilang gusto sa tuwing sila ay iiyak. Kung magkagayon, matututuhan ng mga bata ang pag-iyak upang makuha ang gusto. O, kung pagbibigyan ng mga magulang ang gusto ng mga anak sa tuwing nag-aalboroto ang mga ito, hinihikayat nila ang hindi magandang ugali ng mga ito. Gagantimpalaan lamang ng mga marunong na magulang ang tamang ugali ng kanilang mga anak.

Ang mga pagpalo ay hindi dapat nakasasakit ng katawan nguni’t kailangang maramdaman upang bahagyang iiyak ang bata. Kung magkagayon, matututuhan ng batang iugnay ang sakit sa hindi pagsunod. Pinatototohanan ito ng Biblia:

Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang…. Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, nguni’t sa pamamagitan ng palo, Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, nguni’t sa pamamagitan ng palo, sila’y matututo….Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamamatay. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay….Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; nguni’t ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan (Kaw. 13:24; 22:15; 23:13-14; 29:15).

Kapag simpleng ipinatupad ng mga magulang ang kanilang mga tuntunin, hindi nila kailangang takutin ang mga anak upang susunod ang mga ito. Kung mapanghamong sumusuway ang isang anak, kailangan siyang paluin. Kung tinatakot lang ng magulang ang di masunuring anak, pinatitindi lang nito ang di pagsunod ng anak. Ang resulta nito ay matututo ang bata na hindi mabahala sa pagiging masunurin hangga’t ang pananakot ng magulang ay magiging sukdulan. Pagkatapos paluin ang bata, dapat siyang yakapin at iparamdam ang pagmamahal ng magulang sa kanya.

Pagtuturo sa isang Bata (Train Up a Child)

Kailangang malaman ng mga Cristianong magulang na may tungkulin silang magturo sa kanilang mga anak, na mababasa natin sa Kaw. 22:6: “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan” (idinagdag ang pagdidiin).

Ang pagtuturo ay hindi lamang pagpaparusa sa di pagsunod, kundi gantimpala sa magandang gawi. Kailangan ng mga batang walang pabagu-bagong pinupuri ng kanilang magulang upang patibayin ang magandang ugali at kaaya-ayang katangian. Kailangan ng mga batang laging binibigyang-tiwala na sila ay minamahal, tinatanggap at pinahahalagahan ng kanilang magulang. Maipapakita ng mga magulang ang kanilang pag-ibig sa mga papuri, yakap at halik, at sa pamamagitan ng panahong ginugugol nila kasama ng mga anak.

Ang “pagturo” ay nangangahulugang “pasunurin.” Kung gayon, dapat ay hindi bigyan ng opsyon ng mga Cristianong magulang ang kanilang anak kung pupunta sila sa iglesia o mananalangin at anupaman. Hindi ganap na responsable ang mga bata upang malaman kung ano ang mabuti para sa kanila—kaya binigyan sila ng Diyos ng magulang. Sa mga magulang na gumugugol ng hirap at lakas upang ganap na maturuan ang kanilang mga anak, ipinangangako ng Diyos na hindi lalayo ang mga bata sa paggawa ng mabuti kapag tumanda sila, na mababasa natin sa Kaw. 22:6.

Kailangan ding bigyan ng nadaragdagang tungkulin ang mga bata habang sila’y tumatanda. Ang layunin ng epektibong pagpapalaki ng mga anak ay unti-unting ihanda ang anak para sa ganap na tungkulin ng isang taong nasa gulang. Habang tumatanda ang bata, kailangan siyang bigyan ng nadaragdagang kalayaang gumawa ang sarili niyang pasya. Gayundin, kailangang maintindihan ng teenager na tatanggapin niya ang tungkuling para sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at malamang hindi laging naroon ang kanyang mga magulang upang “piyansahan” siya sa kaguluhan.

Ang Tungkulin ng Mga Magulang Upang Magturo (Parents’ Responsibility to Instruct)

Tulad ng mababasa natin sa Efeso 6:4, ang mga ama ay hindi lamang responsable sa pagdidisiplina ng kanilang kundi inaasahan ding turuan sila sa Panginoon. Hindi tungkulin ng iglesia ang bigyan ng pagtuturo ang anak sa biblikal na magandang asal, biblikal na pagkatao, o teolohiya—tungkulin ito ng ama. Ang mga magulang na nagpapaubaya ng lahat ng tungkulin sa Sunday School teacher ay gumagawa ng siryosong kamalian. Iniutos ng Diyos sa Israel sa pamamagitan ni Moises:

Ang mga utos Niya’y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga (Deut. 6:6-7, idinagdag ang pagdidiin).

Kailangang ipakilala sa Diyos ng mga Cristianong magulang ang kanilang anak, mula pagkabata, sinasabi kung sino Siya at kung gaano ang pagmamahal Niya sa kanila. Ang mga maliliit na bata ay kailangang maturuan ng kuwento ni Jesus, ang kanyang pagkapanganak, buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay. Naiintindihan ng maraming bata ang mensahe ng ebanghelyo mula edad lima o anim at maaaring magpasya upang manilbihan sa Panginoon. Pagkatapos ng edad na iyon (maaaring anim o pito, at kung minsan ay higit na maaga), matatanggap nila ang bautismo sa Espiritu Santo sa pagkakaroon ng patotoong pagsasalita sa iba’t ibang wika. Siyempre, walang mahigpit na tuntunin ang maaaring itatag dahil bawa’t bata ay iba. Ang punto ay dapat gawing prayoridad ng mga Cristianong magulang ang espiritwal na pagtuturo sa kanilang mga anak.

Sampung Tuntunin sa Pagmamahal ng mga Anak (Ten Rules for Loving Your Children)

1).Huwag pagalitin ang inyong mga anak (tingnan ang Efe. 6:4). Hindi maaasahan kumilos na parang matanda ang mga bata. Kung lubhang mataas ang ekspektasyon sa kanila, hihinto sila sa paggawa ng ikagigiliw ninyo, dahil alam nilang imposible ang mga ito.

2). Huwag ikumpara ang inyong mga anak sa ibang bata. Ipaalam sa kanila ang inyong pagpapahalaga sa kanilang natatanging katangian at kaloob na galing sa Diyos.

3). Bigyan sila ng tungkulin sa loob ng tahanan upang malaman nila na sila’y mahalagang bahagi ng pamilya. Ang mga nagagampanan ang pundasyon ng malusog na pagtingin sa sarili.

4). Gumugol ng panahon kasama ang inyong mga anak. Ipinaaalam niyan na mahalaga sila sa inyo. Ang pagbibigay sa kanila ng mga bagay ay hindi kahalili ng pagbibigay ng inyong sarili. Gayundin, naiimpluwensiyahan ang mga bata ng taong lagi nilang kasama.

5). Kung magsasabi ng hindi maganda, subukang sabihin ito sa magandang paraan. Kailanman ay hindi ko sinabi sa aking mga anak na “masama” sila kapag sinusuway nila ako. Sa halip, sasabihin ko sa aking anak na lalaki, “Ikaw ay mabait na bata, at ang mga mabait na bata ay hindi gumagawa ng ginawa mo!” (Pagkatapos ay papaluin ko siya).

6). Isipin na ang ibig sabihin ng salitang “hindi” ay “kinakalinga kita.” Kapag laging nakukuha ng mga bata ang kanilang kagustuhan, alam nilang hindi ninyo sila ganap na kinakalinga upang sawayin sila.

7). Asahang tutulan kayo ng inyong mga anak. Natututo ang mga bata sa halimbawa ng kanilang magulang. Ang marunong na magulang ay hindi kailanman magsasabi, “gawin mo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.”

8). Huwag piyansahan ang inyong mga anak sa lahat ng kanilang mga problema. Alisin lang ang mga sagabal; panatilihin sa kanilang landas ang mga tuntungan.

9). Pagsilbihan ang Diyos nang buong puso. Napansin ko na ang mga anak ng magulang na maligamgam ang spiritual na pamumuhay ay madalang na magsisilbi sa Diyos sa kanilang pagtanda. Ang mga Cristianong anak ng di ligtas na magulang at mga anak ng ganap-ang-pangakong Cristianong magulang ay magpapatuloy sa pagsilbi sa Diyos pag “nakaalis na sila sa pugad.”

10). Ituro sa inyong mga anak ang Salita ng Diyos. Madalas na ginagawang prayoridad ng mga magulang ang edukasyon ng kanilang mga anak nguni’t bigo sa pagbibigay ng pinakamahalagang edukasyong makukuha nila, ang Biblia.

Mga Prayoridad ng Ministeryo, Pag-aasawa at Pamilya (The Priorities of Ministry, Marriage and Family)

Marahil ang pinakapangkaraniwang kamaliang ginagawa ng mga pinunong Cristiano ay ang kaligtaan ang kanilang pangunahing relasyon at pamilya dahil sa debosyon sa kanilang mga ministeryo. Pinangagatwiranan nila ang kanilang sarili na ang kanilang pagtitiis is “para sa gawain ng Panginoon.”

Ang kamaliang ito’y naiwawasto kapag napagtatanto ng ministrong tagalikha-ng-alagad ang Kanyang tunay na pagsunod at debosyon sa Diyos ay nasasalamin sa Kanyang mga relasyon sa Kanyang asawa at mga anak. Hindi maaangkin ng isang ministro ang kanyang debosyon sa Diyos kung hindi niya mahal ang kanyang asawa na tulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesia, o kung nagpapabaya siya sa paggugol ng panahon sa kanayang mga anak upang palakihin sila sa alagaa at pagpapayo ng Panginoon.

Dagdag pa, ang pagpapabaya sa asawa at mga anak para “sa ministeryo” ay kadalasang ginagawa sa kapangyarihan ng sariling lakas. Maraming institusyunal na pastor na nagpapasan ng mabibigat na tungkulin ang tulad ng mga ito, habang pinapagod nila ang kanilang sarili sa pagpapatakbo ng lahat ng programa ng iglesia.

Ipinangako ni Jesus na ang pasanin Niya ay magaan at ang kanyang pamatok ay madali (tingnan ang Mt. 11:30). Hindi Niya tinatawag ang sinumang ministro upang ipakita ang kanyang debosyon sa mundo o sa iglesia kapalit ng pagmamahal sa kanyang pamilya. Katunayan, isang kahilingan para sa isang pinuno ay “kailangang mabuting pinamamahalaan ang kanyang mag-anak” (1 Tim. 3:4). Ang relasyon niya sa kanyang pamilya ay pagsubok kung nababagay siya sa ministeryo.

Ang mga natawag sa mga lumilipat na ministeryo at kailangang minsan ay lumayo ay kailangang gumugol ng karagdagang panahon para sa kanilang pamilya kapag umuuwi sila. Ang mga kapwa miyembro ng katawan ni Cristo ay dapat gawin ang kanilang makakaya upang pairalin ito. Napagtatanto ng ministrong tagalikha-ng-alagad na ang sarili niyang mga anak ang pangunahin niyang mga alagad. Kung mabibigo siya sa gawaing ito, wala siyang karapatang magtangkang lumikha ng mga alagad sa labas ng kanyang tahanan.

 


[1] Sa higit pang patunay na hindi maselan ang Diyos, tingnan ang Awit ni Solomon 7:1-9 and Levitico 18:1-23.

Mga Katotohanang Maka-Cristo

Kabanata 19

Sa buong mga sulat sa BagongTipan, makikita natin ang mga pariralang tulad ng “kay Cristo,” “kasama si Cristo,” “sa pamagitan ni Cristo, at “sa Kanya.” Kadalasang ibinubunyag ng mga ito ang ilang benepisyong tinataglay natin bilang mananampalataya dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin. Kapag nakikita natin ang ating sarili tulad ng pagtingin sa atin ng Diyos, “kay Cristo,” matutulungan tayong mamuhay nang tulad ng nais ng Diyos. Ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay magnanais magturo sa kanyang mga alagad kung sino sila kay Cristo upang tulungan silang espiritwal na lumago nang may kaganapan.

Una, ano ang ibig sabihin ng pagiging “kay Cristo”?

Kapag tayo’y naipanganak muli, nailalagay tayo sa katawan ni Cristo at nagiging isa kasama Niya, sa espiritwal na kahulugan. Tingnan natin ang ilang berso sa Bagong Tipan na nagpapatotoo dito:

Gayundin naman, kahit na tayo’y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo (Ro. 12:5, idinagdag ang pagdidiin).

Ang nakikipag-isa sa Panginoon ay nagiging kaisa Niya sa Espiritu (1 Cor. 6:17, idinagdag ang pagdidiin).

Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawa’t isa sa inyo ay bahagi (1 Cor. 12:27, idinagdag ang pagdidiin).

Tayong naniwala sa Panginoong Jesu Cristo ay dapat tumingin sa ating sarili bilang kasugpong Niya, bahagi ng Kanyang katawan at isang espiritu kasama Niya. Nasa atin Siya at tayo’y nasa Kanya.

Narito ang isang berso na nagsasabi sa atin ng ilang benepisyong ating taglay dahil sa ating pagiging kay Cristo:

Sa Kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din Niya, tayo’y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos (1 Cor. 1:30, idinagdag ang pagdidiin).

Kay Cristo, itinuring tayong matuwid (idineklarang “walang sala” at ngayon gawin ang tama), napagtibay (ibinukod para sa gawaing banal ng Diyos), at tinubos (binili mula sa pagkaalipin). Hindi tayo naghihintay upang maging matuwid, mapagtibay o matubos sa isang panahon sa kinabukasan. Bagkus, nasa atin na ngayon ang lahat ng pagpapapalang iyon dahil tayo ay na kay Cristo.

Kay Cristo napatawad ang mga dating kasalanan natin:

Iniligtas Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak na nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan (Col. 1:13-14, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na ang siping ito ay nagsasabi rin na wala na tayo sa kaharian ni Satanas, ang kapangyarihan ng kadiliman, kundi nasa kaharian na tayo ng liwanag, ang kaharian ni Jesus.

Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito’y napalitan na ng (2 Cor. 5:17, idinagdag ang pagdidiin).

Purihin ang Diyos na kung ikaw ay isang tagasunod ni Cristo, ikaw ay isang “bagong nilalang,” tulad ng isang higad na naging paruparo! Nabigyan ang iyong espiritu ng isang bagong kalikasan. Noong araw taglay mo ang makasariling kalikasan ni Satanas sa iyong espiritu, nguni’t ngayon lahat ng iyong nakaraan ay “namatay na.”

Marami pang Pagpapala kay Cristo (More Blessings in Christ)

Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay Anak ng Diyos (Gal. 3:26, idinagdag ang pagdidiin).

Hindi ba kamangha-manghang malaman na tunay tayong anak ng Diyos, ipinanganak sa Espiritu? Kapag pumupunta tayo sa Kanya sa panalangin, lumalapit tayo sa Kanya hindi lamang bilang Diyos kundi bilang Ama!

Sapagka’t tayo’y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man (Efe. 2:10, idinagdag ang pagdidiin).

Hindi lang tayho nilalang ng Diyos, binuhay Niya rin tayong muli kay Cristo. Dagdag pa, nagtalaga na ang Diyos ng ministeryong tutuparin ng bawa’t isa sa atin, “mabubuting gawa…noong una pa lang.” Bawa’t isa sa atin ay may indibidwal na banal na kapalaran.

Hindi nagkasala si Cristo, nguni’t dahil sa atin, Siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan Niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos (2 Cor. 5:21, idinagdag ang pagdidiin).

Ang pagiging matuwid na taglay natin dahil na kay Cristo tayo ay talagang pagiging matuwid mismo ng Diyos. Iyan ay dahil nanahan sa atin ang Diyos at binago tayo ng Espiritu Santo. Ang ating mabubuting gawa ay talagang mabubuting gawa ng Diyos sa pamamagitan natin.

Sa lahat ng mga ito, tayo’y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan Niya na nagmamahal sa atin (Ro. 8:37, idinagdag ang pagdidiin).

Ano ang “mga ito” na tinutukoy ni Pablo? Ang mga berso sa Roma na nauna sa bersong ito ay nagbubunyag na ito ang mga pagsubok at paghihirap na nararanasan ng mga mananampalataya. Kahit sa pagmamartir tayo ang nagtagumpay, bagama’t maituturing ng mundo na tayo’y biktima. Lahat ay lipos nating napagtatagumpayan sa pamamagitan ni Cristo dahil kapag namatay tayo, tayo’y pupunta sa langit!

Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo (Fil. 4:13, idinagdag ang pagdidiin).

Sa pamamagitan ni Cristo, walang imposible sa atin dahil binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahan at lakas. Magagawa natin ang anumang gawaing ibinibigay Niya sa atin.

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay Niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus (Fil. 4:19, idinagdag ang pagdidiin).

Maaasahan natin na ibibigay ng Diyos ang tunay nating kailangan kung uunahin nating hanapin ang Kanyang kaharian. Ang Panginoon ang ating pastol, at inaalagaan Niya ang Kanyang mga tupa!

Pagsang-ayon sa Sinasabi ng Diyos (Agreeing With What God Says)

Sa malas, ang ilan sa atin ay hindi naniniwala sa sinasabi tungkol sa atin ng Salita ng Diyosi natin ng mga salungat sa sinasabi ni Biblia. Sa halip na sabihing, “Magagawa ko lahat dahil kay Cristong nagpapalakas sa akin” sinasabi natin, “Palagay ko, di ko magagawa.”

Ang mga naturang pahayag ay tinatawag ng Biblia na “masamang ulat” dahil salungat sila sa sinasabi ng Diyos (tingnan ang Bil. 13:32). Nguni’t kung ang ating puso ay puno ng Salita ng Diyos, mapupuno tayo ng pananampalataya, naniniwala at nagsasabi lamang ng sang-ayon sa Biblia.

Ilang Deklarasyong Biblikal (Some Biblical Declarations)

Dapat nating paniwalaan at sabihing tayo ay ang sinasabi ng Diyos na tayo.

Dapat nating paniwalaan at sabihing magagawa natin ang sinasabi ng Diyos na magagawa natin.

Dapat nating paniwalaan at sabihing ang Diyos ang Siyang sinasabi Niyang Siya.

Dapat nating paniwalaan at sabihing gagawin ng Diyos ang sinabi Niyang gagawin Niya. Narito ang ilang biblikal na pahayag na may katapangang maidedeklara ng lahat ng mananampalataya. Hindi lahat ay kailangang mga realidad “kay Cristo”, nguni’t lahat ay ayon sa Biblia.

Ako ay iniligtas, ginawang banal at ginawang matuwid kay Cristo (see 1 Cor. 1:30).

Ako ay inilipat mula sa kaharian ng kadiliman sa kaharian ng Anak ng Diyos, ang kaharian ng liwanag (tingnan ang Col. 1:13).

Lahat ng aking kasalanan ay pinatawad na kay Cristo (tingnan ang Efe. 1:7).

Ako ay isang bagong nilalang kay Cristo—wala na ang dati kong pagkatao (tingnan ang 2 Cor. 5:17).

Noong una pa man, inihanda na ng Diyos ang mabubuting gawain para sa akin (tingnan ang Efe. 2:10).

Dahil kay Cristo, ako’y naging matuwid sa harap ng Diyos (tingnan ang 2 Cor. 5:21).

Napagtatagumpayan ko ang lahat sa pamamagitan ni Cristo na nagmamahal sa akin (tingnan ang Ro. 8:37).

Nagagawa ko ang lahat dahil da lakas na kaloob sa akin ni Cristo (tingnan ang Fil. 4:13).

Ibinibigay ang lahat ng aking kailangan buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo (tingnan ang Fil. 4:19).

Hinirang ako ng Diyos na maging Kanya (tingnan ang 1 Cor. 1:2).

Ako ay anak ng Diyos (tingnan ang Jn. 1:12, 1 Jn. 3:1-2).

Ang aking katawan ay templo ng Espiritu Santo (tingnan ang 1 Cor. 6:19).

Hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo na nabubuhay sa akin (tingnan ang Gal. 2:20).

Iniligtas ako mula sa kapangyarihan ni Satanas (tingnan ang Gw. 26:18).

Ibinuhos ng Espiritu Santo ang pag-ibig ng Diyos sa aking puso (tingnan ang Ro. 5:5).

Mas makapangyarihan Siyang nasa akin kaysa sa kanyang (Satanas) nasa mga makasanlibutan (tingnan ang 1 Jn. 4:4).

Ako’y pinagpapala ng bawa’t pagpapalang espiritwal at makalangit kay Cristo (tingnan ang Efe. 1:3).

Kasama ko si Cristo sa kalangitan, malayo sa lahat ng kapangyarihan ni Satanas (tingnan ang Efe. 2:4-6).

Dahil mahal ko ang Diyos at tinawag ako ayon sa Kanyang layunin, ginagawa ng Diyos ang lahat para sa aking ikabubuti (tingnan ang Ro. 8:28).

Kung ang Diyos ay panig sa akin, sino ang makakalaban sa akin? (tingnan ang Ro. 8:31).

Walang makapaghihiwalay sa akin sa pag-ibig ni Cristo (tingnan ang Ro. 8:35-39).

Mangyayari ang lahat sa akin dahil ako’y (tingnan ang Mc. 9:23).

Ako ay isang pari ng Diyos (tingnan ang Rev. 1:6).

Dahil anak Niya ako, pinapatnubayan ako ng Kanyang Espiritu (tingnan ang Rom. 8:14).

Habang sumusunod ako sa Panginoon, ang daan ng aking buhay ay liwanag na patindi nang patindi (tingnan ang Kaw. 4:18).

Binigyan ako ng Diyos ng natatanging kaloob upang gamitin sa Kanyang karangalan (tingnan ang 1 Ped. 4:10-11).

Makapagpapaalis ako ng mga demonyo at makapagpatong ng kamay sa mga maysakit upang sila’y gumaling (tingnan ang Mc. 16:17-18).

Lagi akong inaakay ng Diyos sa tagumpay kay Cristo (tingnan ang 2 Cor. 2:14).

Isa akong embahador para kay Cristo (tingnan ang 2 Cor. 5:20).

May buhay akong walang-hanggan (tingnan ang Jn. 3:16).

Lahat ng ipinananalangin ko, sa pananalig, ay aking natatanggap (tingnan ang Mt. 21:22).

Pinagaling ako ng mga sugat ni Jesus (tingnan ang 1 Ped. 2:24).

Ako ang asin ng sangkatauhan at ilaw ng sanlibutan (tingnan ang Mt. 5:13-14).

Ako ay tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Jesu Cristo (tingnan ang Ro. 8:17).

Bahagi ako ng lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos (tingnan ang 1 Ped. 2:9).

Bahagi ako ng katawan ni Cristo (tingnan ang 1 Cor. 12:27).

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkululang (tingnan ang Awit 23:1).

Ang Panginoon ang aking kaligtasan—sino ang aking katatakutan? (tingnan ang Awit 27:1).

Gagantimpalaan ako ng Diyos ng mahabang buhay (tingnan ang awit 91:16).

Pinasan ni Cristo ang aking karamdaman at pinagaling ang aking karamdaman(tingnan ang Isa. 53:4-5).

Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot (tingnan ang Heb. 13:6).

Ipinagkakatiwala ko sa Diyos ang aking mga alalahanin, dahil nagmamalasakit Siya sa akin (tingnan ang 1 Ped. 5:7).

Nilalabanan ko ang diyablo, ay lumalayo siya sa akin (tingnan ang San. 4:7).

Nakakamtan ko ang aking buhay sa pagkawala nito alang-alang kay Jesus (tingnan ang Mt. 16:25).

Ako ang alip0in ng Panginoon (tingnan ang 1 Cor. 7:22).

Para sa akin, si Cristo ang aking buhay, at kahit kamatayan ay pakinabang (tingnan ang Fil. 1:21).

Ako ay mamamayan ng langit (tingnan ang Fil. 3:20).

Lulubusin ng Diyos ang mabuting gawang pinasimulan Niya sa akin (tingnan ang Fil. 1:6).

Ang Diyos ang kumikilos sa akin, upang naisin ko at isagawa ang kanyang kalooban (tingnan ang Fil. 2:13).

Tinubos ako mula sa sumpa ng kasunduan (tingnan ang Gal. 3:13).

Maliit lang itong patikim ng mga positibong pahayag na magagawa natin batay sa Salita ng Diyos. Mainam na ugaliing bigkasin ang mga pahayag na ito hanggang ang mga pinapatotoong katotohanan ay maiukit sa ating puso. At dapat nating bantayan ang bawa’t salitang lalabas sa ating mga bibig upang tiyaking hindi tayo pumapanig laban sa sinabi ng Diyos.

Pagpuri at Pagsamba

Kabanata 20

Sinabi ng babae [kay Jesus], “Ginoo, isa kang propeta, hindi nga ba?” Dito sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno, nguni’t sinasabi ninyong mga Judio na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos. Sinabi naman ni Jesus, “Maniwala ka sa akin, darating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama hindi na sa bundok na ito o sa Jerusalem. Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, sapagka’t ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio. Subali’t dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagka’t ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama. Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.” (John 4:19-24).

Inilalatag ng mga salitang ito mula sa bibig ni Jesus ang pundasyon ng ating pagkakaintindi sa pinakamahahalagang bahagi ng pagsamba. Tinutukoy Niya ang “mga tunay na sumasamba” at inilarawan ang kanilang mga katangian. Ipinakikita nito na may mga taong sumasamba nguni’t hindi tunay na sumasamba. Maaaring ipinagpapalagay nila na sumasamba sila sa Diyos nguni’t talagang hindi dahil hindi nila natutupad ang Kanyang mga hinihingi.

Inihayag ni Jesus ang katangian ng mga tunay na sumasamba—sumasamba sila “sa espiritu at katotohanan.” Kung gayon masasabing mga huwad na sumasamba ay ang mga sumasamba “sa laman at kawalang-katapatan.” Mga makalaman at huwad na sumasamba ay maaaring tumupad sa mga pangangailangan ng pagsamba, nguni’t lahat ay palabas, dahil hindi nanggagaling sa isang pusong nagmamahal sa Diyos. Ang tunay na pagsamba sa Diyos ay manggagaling lamang sa isang pusong nagmamahal sa Diyos. Kung gayon, ang pagsamba ay hindi lang natin ginagawa kapag nagtitipon ang iglesia, kundi bagay na ginagawa natin sa lahat ng sandali ng ating buhay habang sinusunod natin ang mga kautusan ni Cristo. Kamangha-manghang ang babaing kausap ni Jesus ay lima ang naging asawa at ngayon ay may kinakasama siya, at gusto niyang makipagtalo tungkol sa tamang lugar upang sumamba sa Diyos! Isinasagisag niya talaga ang maraming relihiyosong taong sumasama sa pagsamba samantalang pang-araw-araw na nabubuhay na salungat sa Diyos. Hindi sila tunay na sumasamba.

Minsan ay pinagalitan ni Jesus ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo para sa kanilang huwad at wala sa pusong pagsamba:

Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni propeta Isaias tungkol sa inyo, “Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang, sapagka’t sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba, sapagka’t itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos” (Mt. 15:7-9, idinagdag ang pagdidiin).

Bagama’t malinaw na higit na idinidiin ng mga Judio at Samaritano sa kapanahunan ni Jesus kung saan sumasamba ang mga tao, sinabi ni Jesus na hindi mahalaga ang lokasyon. Bagkus, ang kalagayann ng puso ng bawa’t tao at ang kanyang niloloob tungkol Diyos ang nagpapasya ng kalidad ng kanyang pagsamba.

Malaking bahagi ni tinatawag na “pagsamba” sa mga iglesia ngayon ay walang iba kundi patay na ritwal na ginagawa ng mga patay na sumasamba. Walang-katapatang inuulit ng mga tao ang salita ng iba tungkol sa Diyos habang inaawit ang mga “awit ng pagsamba,” at walang kabuluhan ang kanilang pagsamba, dahil ipinagkakanulo ng kanilang istilo ng pamumuhay kung ano ang talagang nasa kanilang puso.

Nanaisin pa ng Diyos na marinig ang isang payak ngunit tapat na “Mahal kita” mula sa isang tunay Niyang masunuring anak kaysa tiisin ang walang pusong ugong ng sanlibong Cristianong umaawit ng “How Great Thou Art.”

Pagsamba sa Espiritu (Worshipping in Spirit)

Ang ilan ay nagsasabi na ang pagsamba “sa espiritu” ay ang manalangin at umawit sa iba’t ibang wika, nguni’t mukhang iyan ay pilit na interpretasyon kung ang salita ni Jesus ang pag-uusapan. Sinabi niya na “ darating ang oras, at ngayon na, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan,” ipinapakitang mayroon nang tumupad sa mga kundisyon para sa pagsamba “sa espiritu” nang ginawa Niya ang Kanyang pahayag. Siyempre, walang nagsalita ng iba’t ibang wika hanggang sa Pentecostes. Kung gayon, ang sinumang mananampalataya, makakapagsalita man siya sa iba’t ibang wika o hindi, ay maaaring mumamba sa espiritu at sa katotohanan. Ang pananalangin at pag-awit sa iba’t ibang wika ay tunay na makakatulong sa isang mananampalataya sa kanyang pagsamba, nguni’t kahit ang pananalangin sa iba’t ibang wika ay maaaring maging walang-pusong ritwal.

Isang interesanteng kaisipan sa pagsamba ng sinaunang iglesia ay makikita sa Mga Gawa 13:1-2:

May mga propeta at mga guro sa iglesia sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinatawag ding Itim, Lucio na taga-Cirene, Manaen na kababata ni Herodes na pinuno ng Galilea at Saulo. Habang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y pinili ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila” (idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na sinabi ng pahayag na ito na sila’y “naglilingkod sa Panginoon.” Tila makatwirang ipalagay na sinasamba nila Siya, at kung gayon malalaman natin na ang tunay na pagsamba ay paglingkod sa Panginoon. Nguni’t totoo lang iyan kung ang Panginoon ang tagatanggap ng ating pag-ibig at pagtangkilik.

Mga Paraan ng Pagsamba (Ways to Worship)

Pinapayuhan tayo ng libro ng Awit, na masasabing hymnbook ng Israel, na sambahin ang Diyos sa iba-ibang paraan. Halimbawa, sa Awit 32 mababasa natin:

Sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya’y sumusunod” (Awit 32:11b, idinagdag ang pagdidiin).

Bagama’t ang tahimik at magalang na pagsamba ay may kinalalagyan, gayundin ang pagsigaw sa galak.

Lahat ng matuwid ay dapat na magsaya, dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila; kayong masunuri’y magpuri sa kanya! Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan. Tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan; isang bagong awit, awiting malakas, kasaliw ang tugtog ng alpang marilag! (Awit 33:1-3, idinagdag ang pagdidiin).

Siyempre, dapat tayong umawit sa Panginoon sa pagsamba, nguni’t ang ating pag-awit ay kailangang maging masaya, na sa pang panlabas na indikasyon ng kundisyon ng ating puso. Maaari rin nating samahan ang masayang pag-awit ng iba-ibang instrumento. Nguni’t babanggitin ko, na sa maraming pagtitipon sa iglesia, ang de-koryenteng mga instrumento ay napakalakas at nilulunod na nila ang pag-awit. Dapat silang pahinain o isara.

Habang ako’y nabubuhay, ako’y magpasalamat, at ako ay dadalangin na kamay ko’y nakataas (Ps. 63:4, idinagdag ang pagdidiin).

Bilang tanda ng pagsuko at paggalang, maitataas natin ang ating mga kamay sa Diyos.

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya’y ibigay! Awitan siya’t luwalhatiin siya! Ito ang sabihin sa Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya’y ibigay! Awitan siya’t luwalhatiin siya! Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan. Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala’y pinupuri nila” (Awit 66:1-4, idinagdag ang pagdidiin).

Dapat nating sabihin sa Panginoon na kahanga-hanga Siya at purihin Siya dahil sa Kanyang kahanga-hangang katangian. Ang mga Awit ay mainam na pahayag upang humanap ng akmang salita upang purihin ang Diyos. Kailangan nating igpawan ang patuloy na pag-ulit sa “Pinupuri kita, Panginoon!” Higit na marami pa ang masasabi sa Kanya.

Tayo na’t lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati’y may lalang (Awit 95:6).

Kahit ang pustura natin ay maaaring pagpapahayag ng pagsamba, maging ito’y nakatayo, nakaluhod o nakayuko.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang, sa kanilang pagdiriwang ay magsaya’t mag-awitan; hayaang magalak na umawit sa kanilang higaan [1] (Awit 149:5, idinagdag ang pagdidiin).

Nguni’t hindi natin kailangang tumayo o lumuhod sa pagsamba—maaari pang tayo’y nakahiga.

Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatat (Awit 100:4, idinagdag ang pagdidiin).

Ang pagbibigay ng pasalamat ay talagang dapat maging bahagi ng ating pagsamba.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan (Awit 149:3, idinagdag ang pagdidiin).

Maaari rin nating purihin ang Panginoon sa pagsasayaw. Nguni’t hindi ang pagsasayaw na nagpapakita ng bahagi ng katawan, sensual o nang-aaliw.

Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira ! sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa’t plauta, lahat ay tugtugin! Mga alpa at lira! Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya’y papurihan. Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh! (Awit 150:3-6).

Salamat sa Diyos sa mga magagaling sa musika. Ang kanilang mga kaloob ay maaaring gamitin upang papurihan ang Diyos kung tutugtugin nila ang kanilang mga instrument mula sa isang pusong puno ng pag-ibig.

Mga Espiritwal na Awitin (Spiritual Songs)

Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagka’t mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! (Awit 98:1a, idinagdag ang pagdidiin).

Walang masama sa pag-awit ng lumang awit, kung hindi ito magiging ritwal. Kung magkagayon, kailangan natin ng isang bagong awiting nanggagaling sa ating puso. Sa Bagong Tipan, malalaman natin na tutulungan tayo ng Espiritu Santo upang lumikha ng bagong awitin:

Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa’t isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espiritwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos (Col. 3:16).

Huwag kayong maglalasing, sapagka’t mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng espiritu. Mag-awitan kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espiritwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo (Efe. 5:18-20).

Isinulat ni Pablo na kailangan nating magsiawit ng mga “salmo, himno, at awiting espiritwal,” kaya malamang na may pagkakaiba ang tatlo. Ang pag-aaral sa orihinal ns salitang Griego ay hindi nakakatulong, nguni’t marahil ang “salmo” ay ang aktwal na pag-awit ng salmo mula sa Biblia at sinasamahan ng mga instrument. Sa kabilang dako, ang himno ay maaaring ang mga pangkalahatang awit ng pasasalamat na ginawa ng iba-ibang mananampalataya sa mga iglesia. “Espiritwal na awitin” naman ay maaaring ang mga awiting kusang ipinagkakaloob ng Espiritu Santo at katulad ng simpleng kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos, bagama’t sa halip na binibigkas ay inaawit.

Ang pagpuri at pagsamba ay dapat bahagi ng pang-araw-araw nating buhay—hindi lamang bagay na ginagawa natin tuwing nagtitipon iglesia. Sa buong araw makapag-lingkod tayo sa Panginoon at dumanas ng malapit na pakikipagkapwa sa Kanya.

Pagpuri—Pananampalatayang Kumikilos (Praise—Faith in Action)

Ang pagpuri at pagsamba ay karaniwang pagpapakita ng ating pananampalataya sa Diyos. Kung tunay nating pinaniniwalaan ang mga pangako ng Salita ng Diyos, magiging masayahin tayo, puno ng papuri sa Diyos. Sina Josue at ang mga tao sa Israel ay kailangan munang sumigaw; pagkatapos nabuwag ang mga dingding. Hinihikayat tayo ng Biblia, “magalak kayong lagi sa Panginoon” (Fil. 4:4) and “at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon” (1 Tes. 5:18a).

Isa sa pinakapangunahing halimbawa ng kapangyarihan ng pagpuri ay makikita sa 2 Cronica 20 nang ang bayan ng Juda ay nilulusob ng mga hukbo nina Moab at Ammon. Bilang tugon sa panalangin ni Haring Jehoshafat, pinayuhan ng Diyos ang Israel:

Huwag kayong matakot ni masiraan ng loob dahil sa maraming kaaway. Harapin ninyo sila bukas….Hindi na kayo kailangang lumaban. Makikita ninyo ang pagtatagumpay ni Yahweh para sa inyo (2 Cro. 20:15b-17).

Sa pagpapatuloy ng kuwento:

Kinabukasan, maaga silang lumabas patungo sa ilang ng Tekoa. Nguni’t bago sila umalis, sinabi sa kanila ni Jehoshafat, “Makinig kayo, mga taga-Juda at Jerusalem. Magtiwala kayo sa Diyos ninyong si Yahweh at magiging matatag kayo. Maniwala kayo sa Kanyang mga propeta at magtatagumpay kayo. Matapos niyang paalalahanan ang mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit na magpupuri kay Yahweh dahil sa Kanyang kahanga-hangang kabanalan. Inilagay niya ang mga ito sa unahan ng hukbo at habang daa’y umaawit: “Purihin si Yahweh, pag-ibig Niya’y tunay, laging tapat kailanman.” Nang marinig ng mga kaaway ang awitin, ginulo sila ni Yahweh. Dahil dito, sila-sila ang nagkagulo. Ang sinalakay ng mga Ammonita at Moabita ay ang kasama nilang taga-Edom, at nilipol nila ang mga ito. Pagkatapos, sila-sila ang nagpatayan. Umakyat ang mga taga-Juda sa tore na nasa disyerto at nagmanman sa mga kaaway. Wala silang nakitang nakatakas. Lahat ay patay na nakahandusay sa lupa. Napakaraming sasamsam si Jehoshafat at ng kanyang mga kasama. Halos hindi nila madala ang nasamsam nilang kawan, mga kagamitan, damit at maraming mahahalagang bagay. Tatlong araw nila itong hinakot nguni’t sa sobrang dami ay hindi nila nakuhang lahat (2 Cro. 20: 20-25, idinagdag ang pagdidiin).

Ang pagpuring puno ng pananampalataya ay nagdudulot ng proteksiyon at probisyon!

Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa paksang kapangyarihan ng pagpuri, tingnan ang Fil. 4:6-7 (nakapagdudulot ng kapayapaan ang pagpuri), 2 Cro. 5:1-14 (ang pagpuri ay nagdudulot ng presensya ng Diyos), Gw. 13:1-2 (inilalantad ng pagpuri ang mga layunin at plano ng Diyos), Gw. 16:22-26 (idinudulot ng pagpuri ang pangangalaga ng Diyos at paglaya sa bilangguan).

 


[1] Translator’s own insertion of last phrase—transalated from the original text, because, although not included in Bible being used, it is crucial to the meaning of the document.