Mga Kaloob ng Espiritu

Kabanata 17

Puno ang Biblia ng mga pangyayaring nabigyan ang mga lalaki’t babae ng dagliang di-pangkaraniwang kakayahan ng Espiritu Santo. Sa Bagong Tipan, tinatawag ang mga itong “kaloob ng Espiritu.” Sila ay kaloob dahil hindi sila maaaring hanapin. Nguni’t dapat nating huwag kalimutan na talagang iniaangat ng Diyos ang mga pinagkakatiwalaan Niya. Sinabi ni Jesus, “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay” (Lu. 16:10). Kung gayon maaasahan natin na ang mga kaloob ng Espiritu ay higit na maibibigay sa mga nakapagpatunay na ng pagtitiwala sa harap ng Diyos. Ang ganap na pagpapatalaga at pagsuko sa Espiritu Santo ay mahalaga, dahil malamang na gagamitin ng Diyos ang mga taong iyon sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Sa kabilang dako, minsan ay ginamit ng Diyos ang isang asno upang magpropesiya, kaya magagamit Niya ang sinumang gugustuhin Niya. Kung kailangan Niyang maghintay hangga’t hindi tayo nagiging ganap upang gamitin, hindi Niya magagamit ang sinuman sa atin!

Sa Bagong Tipan, ang mga kaloob ng Espiritu ay nakatala sa 1 Corinto 12, at mayroong kabuuang siyam:

Ang ilan sa atin ay napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng katalinuhan. Subali’t iisang Espiritu ang nagkakaloob nito. Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba’y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; may pinagkalooban din ng kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at may pinagkalooban din ng kakayahang malaman kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkalooban din ng kakayahang magsalita ng iba’t ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon (1 Cor. 12:8-10).

Ang pag-alam kung paano ipaliwanag ang bawa’t kaloob ay hindi mahalaga sa paggamit ng Diyos sa mga espiritwal na kaloob. Ang mga propeta, pari, at hari sa Lumang Tipan pati ang mga ministro ng unang iglesia sa Bagong Tipan, ay umiral sa mga kaloob ng Espiritu nang walang kaalaman kung paano uriin o ipaliwanag ang mga ito. Gayumpaman, dahil ang mga kaloob ng Espiritu ay nauri na para sa atin sa Bagong Tipan, marahil ay gusto ito ng Diyos na maintindihan natin. Kung gayon, isinulat ni Pablo, “Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo, nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman (1 Cor. 12:1).

Ang Siyam na Kaloob, Nauri-uri (The Nine Gifts Categorized)

Higit pang nauri sa tatlo ang siyam na kaloob ng Espiritu: (1) mga kaloob ng pananalita, na ang mga: iba-ibang wika, ang pagpapaliwanag sa mga wika, at propesiya; (2) mga kaloob ng pagpapahayag, na: ang salita ng karunungan, ang salita ng kaalaman, at ang pagkilala sa mga espiritu; at (3) mga kaloob na kapangyarihan, na : paggawa ng himala, natatanging pananampalataya, at pagpapagaling. Tatlo sa mga kaloob ay nagsasabi; tatlo ang nagbubunyag; at tatlo ang gumagawa. Lahat ng mga kaloob na ito ay naipakita sa ilalim ng lumang kasunduan maliban sa iba’t ibang wika at pagpapaliwanag sa mga ito. Ang dalawang iyon ay natatanging sa bagong kasunduan.

Walang instruksiyong inihahandog ang Bagong Tipan tungkol sa tamang paggamit sa alinman sa “kaloob na kapangyarihan” at napakaliit na instruksiyon sa paggamit ng “kaloob na pagpapahayag.” Nguni’t ang nakararaming instruksiyon ay ibinigay ni Pablo tungkol sa tamang paggamit ng “kaloob na pananalita,” at ang dahilan ay mahahati sa dalawa.

Una, mga kaloob na pananalita ay kadalasang ipinapakita sa mga pagtitipon sa iglesia, samantalang ang mga kaloob na pagpapahayag ay hindi gaanong naipakikita, at ang mga kaloob na kapangyarihan ay ang pinakamadalang ipakita. Kung gayon, kailangan natin ng higit na instruksiyon tungkol sa mga kaloob na higit na naipakikita sa mga pagtitipon sa iglesia.

Pangalawa, ang mga kaloob na pananalita ay mukhang nangangailangan ng pinakamalakas na pakikipagtulungan ng tao, at kung gayon, sila ang mga kaloob na higit na hindi naisasagawang mabuti. Higit na madali ang dagdagan at sirain ang isang propesiya kaysa ang sumira ng kaloob na pagpapagaling.

Ayon sa Kalooban ng Espiritu (As the Spirit Wills)

Mahalagang mapagtanto na ang mga kaloob ng Espiritu ay ibinibigay ayon sa kalooban ng Espiritu at hindi kalooban ninuman. Lubhang malinaw ang Biblia tungkol dito:

Nguni’t ang Espiritu lamang ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba’t ibang kaloob sa bawa’t isa, ayon sa Kanyang ipinasya (1 Cor. 12:11, idinagdag ang pagdidiin).

Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng iba ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiriu Santo na ipinamahagi Niya ayon sa Kanyang sariling kalooban (Heb. 2:4, idinagdag ang pagdidiin).

Ang isang tao ay maaaring laging gamitin sa natatanging kaloob, nguni’t walang sinuman ang nagtataglay ng alinman sa mga kaloob. Dahil hinirang ka minsan upang gumawa ng himala ay hindi indikasyon na makakagawa ka ng himala kung kailan mo gusto; hindi rin katiyakan na gagamitin kang muli upang gumawa ng himala.

Sandaling pag-aaralan natin at tingnan ang ilang halimbawang biblikal ng bawa’t kaloob. Nguni’t tandaan na maipakikita ng Diyos ang Kanyang pagpapala at kapangyarihan sa maraming paraan, kaya imposibleng ipaliwanag nang ganap kung paano umiral ang isang kaloob sa tuwing gagamitin ito. Dagdag pa, walang mga depinisyon ng siyam na kaloob ng Espiritu sa Biblia—ang mayroon lang tayo ay mga pangalan. Kung gayon matitingnan lang natin ang mga halimbawa sa Biblia at tangkaing uriin ang bawa’t isa, at sa katapusa’y ipaliwanag ang mga ito sa kanilang mga nakikitang pagkakaiba. Dahil napakaraming paraan ang pagpapakita ng Espiritu Santo sa mga kaloob na di karaniwan, hindi mabuting subukang maghigpit sa ating paliwanag. Ang ilang kaloob ay maaari pang kalipunan ng maraming kaloob. Sa puntong ito, isinulat ni Pablo:

Iba’t iba ang mga espiritwal na kaloob, nguni’t iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, nguni’t iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawaing iniatas, nguni’t iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon. Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawa’t isa’y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang espiritu. (1 Cor. 12:4-7, idinagdag ang pagdidiin).

Ang mga Kaloob na Kapangyarihan (The Power Gifts)

1) Mga kaloob na pagpapagaling: Ang mga kaloob na pagpapagaling ay malinaw na may kinalaman sa pagpapagaling ng maysakit. Kadalasang ipinapaliwanag ang mga ito na dagliang di-karaniwang katangian upang pagalingin ang mga taong may pisikal na karamdaman, at wala akong nakikitang dahilan upang pagdudahan iyan. Sa nakaraang kabanata, tiningnan natin ang isang halimbawa ng kaloob na pagpapagaling na ipinakita ni Jesus nang pagalingin Niya ang lumpong lalaki sa Bethzata (tingnan ang Jn. 5:2-17).

Ginamit ng Diyos si Elias upang pagalingin ang ketongin na si Naaman na taga-Syria, na isang sumasamba ng diyus-diyosan (tingnan ang 2 Ha. 5:1-14). Ayon sa natutuhan natin habang sinusuri ang mga salita ni Jesus sa Lucas 4:27 tungkol sa paggaling ni Naaman, hindi mapagaling ni Eliseo ang sinumang ketongin kung kailan niya gusto. Daglian siyang nabigyan ng inspirasyon upang payuhan si Naaman na lumusong sa Ilog Jordan nang pitong beses, at nang sa wakas ay tumalima si Naaman, nalinis ang kanyang ketong.

Ginamit ng Diyos si Pedro upang pagalingin ang lumpong lalaki sa pintuang tinatawag na Maganda sa pamamagitan ng kaloob na pagpapagaling (Gw. 3:1-10). Hindi lamang napagaling ang lalaking lumpo, kundi ang tandang di-pangkaraniwan ang nag-akit sa maraming tao upang makinig sa magandang balita mula sa bibig ni Pedro, at mga limang libo ang nadagdag sa iglesia sa araw na iyon. Ang mga kaloob na pagpapagaling ay kadalasang nagtutupad ng dalawang layunin na pagpapagaling at dalhin ang mga di-ligtas kay Cristo.

Nang ipinamamahagi ni Pedro ang kanyang mensahe sa mga nagtitipon sa araw na iyon, sinabi niya:

Mga Israelita, bakit kayo nagtataka sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan nang ganyan? Akala ba ninyo’y napalakad naming siya dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan? (Gw. 3:12).

Nakilala ni Pedro na hindi dahil sa alinmang kapangyarihang taglay niya sa kanyang sarili, o dahil sa kanyang dakilang kabanalan, na ginamit siya ng Diyos upang pagalingin ang lumpo. Tandaan na itinatuwa ni Pedro na kilala niya si Jesus, dalawang buwan lang bago ang himalang ito. Ang katotohanan lamang na mahimalang ginamit ng Diyos si Pedro sa mga unang pahina ng Mga Gawa ay dapat nang magpalakas ng ating pagtitiwala na gagamitin din tayo ng Diyos ayon sa kalooban Niya.

Nang tangkain ni Pedro na ipaliwanag kung paano napagaling ang lalaki, malamang na hindi niya ito inuri bilang “kaloob na pagpapagaling.” Ang tanging nalalaman ni Pedro ay nadadaanan nila ni Juan ang isang lumpo at natagpuan na lang niya ang sariling dagliang nabahiran ng pananampalatayang gagaling ang lalaki. Kaya inutusan niya ang lalaki sa pangalan ni Jesus, sinunggaban ang kanang kamay nito, at itinaas. Nagsimulang “naglakad at lumukso at nagpuri sa Diyos” ang lumpo. Ganito ang paliwanag ni Pedro:

Ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus ang nagpagaling sa lalaking ito; nangyari ito dahil sa pananalig sa kanyang pangalan. Ang pananalig kay Jesus ang lubusang nagpagaling sa kanya, tulad ng inyong pananalig (Gw. 3:16).

Kailangan ng natatanging pananampalataya upang sunggaban ang isang lumpo sa bisig at iangat siya at asahang siya’y lalakad! Kasama ng partikular na kaloob na pagpapagaling na ito, ang pagpapamahagi ng pananampalataya ay kinailangan din upang ito ay matupad.

Iminungkahi ng ilan na ang dahilan kung bakit ang kaloob na ito ay nasa maramihan (ibig sabihin, “mga kaloob na pagpapagaling) ay may iba-ibang kaloob na nagpapagaling ng iba-ibang karamdaman. Kung minsan, natutuklasan ng mga laging ginagamit sa mga kaloob na pagpapagaling na ilang tanging karamdaman ang napapagaling sa kanilang ministeryo nang higit sa ibang karamdaman. Halimbawa, si Felipe ang ebangheliko ay waring may tanging tagumpay sa pagpapagaling ng mga paralitiko at lumpo (Gw. 8:7). May mga ebangheliko sa nakaraang dantaon, halimbawa, na may higit na tagumpay sa pagkabulag o pagkabingi o problema sa puso, at iba pa, depende sa kung anong kaloob na pagpapagaling ang kadalasang naipakita sa pamamagitan ng mga ito.

2) Ang kaloob na pananampalataya at paggawa ng himala: Ang kaloob na pananampalataya at ang paggawa ng mga himala ay mukhang magkapareho. Sa dalawang kaloob, ang nahirang na indibidwal ay dagliang nakakatanggap ng pananampalataya para sa imposible. Ang pagkakaiba ng dalawa ay kadalasang inilalarawan nang ganito: Sa kaloob na pananampalataya, ang nahirang na indibidwal ay nabigyan ng pananampalataya upang tumanggap ng himala para sa kanyang sarili, samantalang sa kaloob na paggawa ng himala, ang indibidwal ay nabigyan ng pananampalataya upang gumawa ng himala para sa iba.

Minsan, ang kaloob na pananampalataya ay itinuturing na “natatanging pananampalataya” dahil ito ay dagliang pamamahagi ng pananampalataya na iigpaw sa karaniwang pananampalataya. Dumarating ang karaniwang pananampalataya sa pakikinig sa pangako ng Diyos, samantalang ang natatanging pananampalataya ay dumarating na ibinabahagi ng Espiritu Santo. Ang mga nakaranas ng ganitong kaloob na natatanging pananampalataya ay nag-ulat na ang mga bagay na itinuturing nilang imposible ay dagliang nagiging posible, at, katunayan, natatagpuan nila ang sariling imposibleng magduda. Pareho rin ang nangyayari sa kaloob na paggawa ng himala.

Ang kuwento ng tatlong kaibigan ni Daniel na sina Shadrac, Meshac, at Abed-nego ay nagbibigay ng magandang halimbawa kung paano nagdudulot ng imposibleng pagdududa ang “natatanging pananampalataya.” Nang ihagis sila sa umaapoy na pugon sa pagtangging sumamba sa diyus-diyosan ng hari, lahat sila ay nabigyan ng kaloob na natatanging pananampalataya. Kailangan ng higit sa karaniwang pananampalataya upang mabuhay sa gitna ng pagkakahagis sa napakainit na apoy! Tingnan natin ang pananampalatayang ipinakita ng tatlong batang lalaking ito sa harap ng hari:

Sinabi nina Shadrac, Meshac, at Abed-nego, Mahal na haring Nebuchadnezar, wala po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito. Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. Kung hindi man Niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo (Dan. 3:16-18, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na ang kaloob ay umiiral na bago pa man sila itapon sa pugon. Walang duda sa kanilang isip ng malapit na silang iligtas ng Diyos.

Nanatili kay Elias ang kaloob na natatanging pananampalataya nang araw-araw siyang hatdan ng pagakin ng mga uwak sa tatlo’t kalahating taong taggutom sa paghahari ni Haring Ahab (tingnan ang 1 Ha. 17:1-6). Kailangan ng higit pa sa pangkaraniwang pananampalataya upang panaligan ang Diyos na gamitin ang mga ibon upang hatdan ka ng pagkain umaga’t gabi. Bagama’t hindi ipinangako ng Diyos saanman sa Kanyang Salita na hahatdan tayo ng mga uwak ng ating araw-araw na pagkain, magagamit natin ang karaniwang pananampalataya upang panaligan ang Diyos na mapunan ang ating pangangailangan—dahil iyan ay isang pangako (tingnan ang Mt. 6:25-34).

Ang paggawa ng mga himala ay umiral na nang madalas sa pamamagitan ng ministeryo ni Moises. Nanatili siya sa kaloob na ito nang hatiin niya ang Pulang Dagat (tingnan ang Exo. 14:13-31) at nang dumating ang iba-ibang salot sa Egipto.

Nanatili si Jesus sa paggawa ng mga himala nang pakainin Niya ang 5,000 sa pagpaparami ng ilang isda at ilang tinapay (tingnan ang Mt. 14:15-21).

Nang binulag nang kaunting panahon ni Pablo si Elimas na salamangkero dahil inaantala nito ang ministeryo ni Pablo sa isla ng Cyprus, iyan din ay halimbawa ng paggawa ng himala (tingnan ang Gw. 13:4-12).

Mga Kaloob ng Pagpapahayag (The Revelation Gifts)

1). Ang salita ng kaalaman at ang salita ng karunungan: Ang kaloob ng salita ng kaalaman ay kadalasang ipinaliliwanag na isang dagliang pagpapamahagi ng tanging impormasyon, nakaraan o kasalukuyan. Ang Diyos, na nagtataglay ng lahat ng kaalaman, ay nagpapamigay ng kaunting bahagi ng kaalamang iyan, kaya tinatawag itong salita ng kaalaman. Ang salita ay maliit na bahagi ng isang pangungusap, at ang salita ng kaalaman ay maliit na bahagi ng kaalaman ng Diyos.

Ang salita ng karunungan ay nakakapareho ng salita ng kaalaman, nguni’t kadalasang ipinaliliwanag ito bilang dagliang di-pangkaraniwang pagpapamahagi ng kaalaman sa mga pangyayari sa hinaharap. Ang konsepto ng karunungan ay karaniwang napapaloob sa isang bagay tungkol sa hinaharap. Muli, ang mga depinisyong ito ay mga pagpapalagay.

Tingnan natin ang halimbawa sa Lumang Tipan ng salita ng kaalaman. Pagkalinis ni Eliseo sa ketong ni Naaman, nag-alok ng malaking halaga si Naaman kay Eliseo bilang pasasalamat sa panggagamot sa kanya. Tinanggihan ni Eliseo ang alok, baka isipin ninuman na ang pagpapagaling kay Naaman ay may bayad sa halip na ibinigay nang may pagpapala ng Diyos. Nguni’t ang alipin ni Eliseo na si Gehazi, ay nakakita na pagkakataong magkaroon ng kayamanan, at palihim na tinanggap ang bahagi ng inialok ni Naaman. Pagkatago ni Gehazi sa pilak na nakuha niya nang may pagkasakim, hinarap siya ni Eliseo. At mababasa natin,

Tinanong siya nito, “Saan ka galing, Gehazi?” “Hindi po ako umaalis,” sagot niya. Sinabi ni Eliseo, hindi ba’t kasama mo ang aking espiritu nang bumaba sa karwahe si Naaman at salubungin ka (2 Ha. 5:25b-26a).

Ang Diyos, na nakaaalam ng masamang ginawa ni Gehazi, ang di-karaniwang nagbunyag nito kay Eliseo. Nguni’t nililinaw ng kuwentong ito na hindi “nagtataglay” si Eliseo ng kaloob na salita ng kaalaman; ibig sabihin, hindi niya alam ang lahat tungkol sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Kung iyon ang kaso, hindi kailanman naisip ni Gehazi na maitatago niya ang kanyang kasalanan. Alam lang ni Eliseo ang mga bagay sa di-pangkaraniwang paraan kapag paminsan-minsang ibinubunyag ng Diyos ang mga bagay na iyon sa kanya. Ang kaloob ay umiiral ayon sa kalooban ng Espiritu.

Nanatili si Jesus sa salita ng kaalaman nang sinabi Niya sa babae sa balon ng Samaria na mayroon siyang limang asawa (tingnan ang Jn. 4:17-18).

Ginamit si Pedro sa kaloob na ito nang nalaman niya nang di-pangkaraniwan na sina Ananias at Sapphira ay nagsisinungaling sa kongregasyon tungkol sa pagbibigay nila sa iglesia ng kabuuang halagang natanggap nila sa kabebenta lang na lupain (tingnan ang Gw. 5:1-11).

Tungkol naman sa kaloob na salita ng karunungan, makikita natin ang madalas na manipestasyon nito sa kabuuan ng mga propeta sa Lumang Tipan. Sa tuwing magsasabi sila tungkol sa kinabukasan, ang salita ng karunungan ang umiiral. Madalas ding nabigyan si Jesus ng kaloob na ito. Sinabi Niya ang pagkasira ng Jerusalem, ang sarili niyang crucifixion, at mga pangyayari sa mundo bago ang Kanyang pangalawang pagdating (tingnan ang Lu.17:22-36, 21:6-28).

Ginamit ang apostol Juan sa kaloob na ito nang ibinunyag ng mga paghatol sa Panahon ng Tribulasyon. Itinala Niya ang mga ito para sa atin sa kabuuan ng libro ng Pahayag.

2). Ang kaloob na pagkilala sa mga espiritu: Ang kaloob na pagkilala sa mga espiritu ay palagiang ipinaliliwanag na dagliang kakayahang di-pangkaraniwan upang makita o makilala ang mga nangyayari sa lupaing espiritwal.

Isang pangitain, na nakikita sa pamamagitan ng mata o isip ng isang mananampalataya, ay mauuri bilang pagkilala sa mga espiritu. Ang kaloob na ito ay magdudulot sa naniniwala ng pagtingin sa mga anghel, demonyo, o pati si Jesus mismo, na gaya ni Pablo sa maraming pagkakataon (tingnan ang Gw.18:9-10; 22:17-21; 23:11).

Nang si Eliseo at ang kanyang katulong ay tinutugis ng hukbo ng Syria, nabitag sila sa lunsod ng Dothan. Sa puntong iyon, dumungaw ang katulong ni Eliseo sa mga dingding ng lunsod at, pagkakita sa nagtitipong sundalo, ay nabalisa:

Sinabi ni Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kakampi kaysa kanila.” At siya’y nanalangin, “Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya’y makakita.” Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo (2 Ha. 6:16-17).

Alam n’yo ba na sumasakay sa paligid ang mga anghel sa mga espiritwal na kabayo at nakasakay sa espiritwal na karwahe? Isang araw ay makikita n’yo sila sa langit, nguni’t ang katulong ni Eliseo ay nabigyan ng kakayahang makita sila sa lupa.

Sa pamamagitan ng kaloob na ito, ang mananampalataya ay maaaring makakilala ng masamang espiritu na nagpapahirap sa isang tao at magkaroon ng kakayahang kilalanin ito.

Kasama ng kaloob na ito hindi lamang ang pagtingin sa lupaing espiritwal kundi anumang uri ng pagkilala sa lupaing espiritwal. Halimbawa, pagdinig sa lupaing espiritwal, tulad mismo ng tinig ng Diyos.

Bilang pagtatapos, ang kaloob na ito ay hindi, tulad ng palagay ng iba, “ang kaloob ng pagkilala.” Ang mga taong nag-aangking may kakayahan silang ganito ang minsa’y nagpapalagay na alam nila ang motibo ng iba, nguni’t ang kanilang kaloob ay higit na mailalarawan bilang “kaloob na kritisismo at paghatol sa iba.” Ang totoo niyan, maaaring nagkaroon ka ng ganyang “kaloob” bago ka naligtas, at ngayong naligtas ka na, gusto ng Diyos na iligtas ka rito habambuhay!

Mga Kaloob na Pananalita (The Utterance Gifts)

1). Ang kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos: ang kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos ay ang dagliang kakayahang di-pangkaraniwan upang magkaroon ng inspirasyong banal na magsalita sa wikang nalalaman ng mananalita. Maaaring laging mag-umpisa sa “Sabi ng Panginoon.”

Ang kaloob na ito ay hindi pangangaral o pagtuturo. Ang inspiradong pangangaral at pagtuturo ay talagang nagtataglay ng elemento ng propesiya dahil hinirang sila ng Espiritu, nguni’t hindi sila tunay na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos. Madalas na ang hinirang na ministro o guro ay magsasabi ng mga bagay sa biglaang inspirasyon na hindi niya binalak sabihin, nguni’t hindi iyan talaga pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos, bagama’t maituturing na prophetic.

Ang kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos sa kabuuan ay nagsisilbing magpakita ng magandang halimbawa, magpayo at mag-aliw:

Ang nagpapahayag naman ng mensaheng mula sa Diyos ay nagsasalita sa mga tao upang patibayin ang kanilang pananampalataya, palakasin ang kanilang loob, at sila’y aliwin (1 Cor. 14:3).

Kung gayon ang kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos, ay likas na hindi naglalaman ng pahayag. Ibig sabihin, hindi ito nagbubunyag na anumang tungkol sa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap na tulad ng salita ng karunungan at salita ng kaalaman. Nguni’t tulad ng nauna ko nang sinabi, ang mga kaloob ng Espiritu ay maaaring magkakasama, kaya ang salita ng karunungan o salita ng kaalaman ay maipapamahagi sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos.

Kapag nakarinig tayo ng taong nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos sa isang pagtitipon na nagsasabi ng mga hindi pa nangyayari, hindi talaga natin narinig ang basta pahayag ng mensaheng mula sa Diyos; narinig natin ang isang salita ng karunungang ipinamahagi sa pamamagitan ng kaloob na pahayag ng mensaheng mula sa Diyos. Ang simpleng kaloob na pahayag ng mensaheng mula sa Diyos ay magtutunog na parang ang isang tao ay nagbabasa ng payo mula sa Biblia, tulad ng “Magpakalakas kayo sa Panginoon at sa lakas ng kanyang kapangyarihan” at, “Hindi ko kayo iiwan o pababayaan.”

Ang ilan ay kumbinsidong ang pahayag ng mensaheng mula sa Diyos sa Bagong Tipan ay hindi kailanman maglalaman ng “negatibo,” kung hindi, hindi aakma sa parametro ng “pagpapatibay ng pananampalataya, pagpapalakas ng loob at pag-aliw.” Nguni’t iyan ay hindi totoo. Ang limitahan ang maaaring sabihin ng Diyos sa Kanyang mga tao, papayagan lamang Siyang magsabi ng inaakala nilang “positibo” kahit dapat silang pagalitan, ay ang parangalan ang sarili na mas mataas pa sa Diyos. Ang galit ay talagang kasama sa kategoryang pagpapatibay ng pananampalataya at pagpapalakas ng loob. Napansin ko ang mga mensahe ng Panginoon sa pitong iglesia sa Asya, na naitala sa Pahayag ni Juan, ay tunay na nagtataglay ng elemento ng galit. Itatapon ba natin ang mga ito? Palagay ko’y hindi.

2). Ang kaloob ng iba-ibang wika at ang pagpapaliwanag sa mga ito: Ang kaloob na iba-ibang wika ay ang dagliang di-pangkaraniwang kakayahang magsalita sa isang wikang hindi kilala ng mananalita. Ang kaloob na ito ay karaniwang sinasamahan ng kaloob na ang pagpapaliwanag ng iba-ibang wika, na isang dagliang di-karaniwang kakayahang magpaliwanag ng sinabi sa di-kilalang wika.

Ang kaloob na ito ay tinatawag na pagpapaliwanag ng wika at hindi ang pagsasalin ng wika. Kaya hindi natin dapat asahan ang bawa’t salitang pagsasalin ng mensahe sa iba-ibang wika. Dahil diyan posibleng magkaroon ng maikling “mensahe sa iba-ibang wika” at isang mas mahabang pagpapaliwanag at gayon din naman ang kabaligtaran.

Ang kaloob na pagpapaliwanag ng iba-ibang wika ay katulad ng pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos dahil hindi ito nagtataglay ng pahayag at karaniwang ito’y para sa pagpapatibay ng pananampalataya, pagpapalakas ng loob at pag-aliw. Halos masasabi natin, na ayon sa 1 Corinto 14:5, iba-ibang wika, dagdagan ng pagpapaliwanag ng mga wika ay pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos:

Higit na mahalaga ang nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos kaysa nagsasalita sa iba’t ibang mga wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag ng kanyang sinasabi upang makatulong sa pag-unlad ng iglesia.

Tulad ng naihayag ko na, walang instruksiyong ibinigay sa Biblia tungkol sa kung paano iiral sa makapangyarihang mga kaloob, napakaliit na instruksiyon tungkol sa kaloob na pagpapahayag, at napakaraming instruksiyon sa kung paano manatili sa mga kaloob na pananalita. Dahil may kalituhan sa iglesiang Corinto tungkol sa pagpapairal mga kaloob ng pananalita, inilaan ni Pablo ang halos buong ikalabing-apat na kabanata ng 1 Corinto sa isyung iyan.

Ang pangunahing problema ay tungkol sa tamang paggamit ng pagsasalita sa iba-ibang wika, dahil napag-aralan na natin sa kabanata tungkol sa bautismo sa Espiritu Santo, bawa’t mananampalatayang nabautismuhan sa Espiritu Santo ay may kakayahang manalangin sa iba-ibang wika kailanman niya gusto. Ang mga taga-Corinto ay laging

nagsasalita sa iba-ibang wika sa kanilang mga pagtitipon sa iglesia, nguni’t kadalasan ay wala sa lugar.

Mga Iba-ibang Gamit ng Iba-Ibang Wika (The Different Uses of Other Tongues)

Napakahalagang maintindihan natin ang kaibhan ng gamit ng iba-ibang wika sa madla at pansarili. Bagama’t bawa’t mananampalatayang nabautismuhan ng Espiritu Santo ay makapagsasalita ng iba-ibang wika kailanman nila gusto, hindi ibig sabihin na gagamitin siya ng Diyos sa pangmadlang kaloob ng iba-ibang wika. Ang pangunahing gamit ng pagsasalita sa iba-ibang wika ay sa sariling debosyonal na buhay ng bawa’t mananampalataya. Nguni’t ang mga taga-Corinto ay nagtitipon at sabay-sabay na nagsasalita sa iba-ibang wika nang walang paliwanag, at, siyempre, walang natutulungan o napagtitibay nito (tingnan ang 1 Cor. 14:6-12, 16-19, 23, 26-28).

Isang paraan upang ibukod ang pangmadlang gamit at pansariling gamit sa iba-ibang wika ay uriin ang pribadong gamit bilang pananalangin sa iba-ibang wika at ang pangmadlang gamit bilang pananalita sa iba-ibang wika. Binabanggit ni Pablo ang dalawang gamit sa ikalabing-apat na kabanata ng kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto. Anu-ano ang pagkakaiba?

Kapag nananalangin tayo sa iba-ibang wika, ang ating mga espiritu ay nananalangin sa Diyos (tingnan ang 1 Cor. 14:2, 14). Bagama’t kapag ang isang tao ay dagliang hinirang ng kaloob ng iba-ibang wika, ito ay mensahe mula sa Diyos sa kongregasyon (tingnan ang 1 Cor. 14:5), at naiintindihan ito kapag naipaliwanag.

Ayon sa Biblia, mananalangin ako sa espiritu, nguni’t gagamitin ko rin ang aking isip (tingnan ang 1 Cor. 14:15), nguni’t ang kaloob ng iba-ibang wika ay ipinamamahagi ayon sa Kanyang pasya (tingnan ang 1 Cor. 12:11).

Ang kaloob ng iba-ibang wika ay karaniwang kasama ng pagpapaliwanag ng mga wika. Nguni’t ang pansariling gamit na pananalangin sa mga wika ay karaniwang hindi ipinapaliwanag. Sinabi ni Pablo na kapag nananalangin siya sa iba-ibang wika, walang pakinabang ang kanyang pag-iisip (tingnan ang 1 Cor. 14:14).

Kapag nananalangin sa iba-ibang wika ang isang indibidual, siya lamang ang tumitibay (tingnan ang 1 Cor. 14:4), nguni’t ang buong kongregasyon ay tumitibay kapag ang kaloob ng iba-ibang wika ay naibibigay na may kasamang kaloob na pagpapaliwanag ng mga wika (tingnan ang 1 Cor. 14:4b-5).

Bawa’t mananampalataya ay kailangang manalangin sa iba-ibang wika araw-araw bilang bahagi ng pang-araw-araw na pakikipagkapwa sa Panginoon. Isa sa mga kamangha-manghang bagay kapag nananalangin sa iba-ibang wika ay hindi kailangang gamitin ang isip. Ibig sabihin makakapanalangin ka sa iba-ibang wika kahit nag-iisip ng iba o ng iyong trabaho. Sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “Nagpapasalamat ako sa Diyos sapagka’t ako’y nakapagsasalita sa iba’t ibang mga wika, higit kaysa sa inyong lahat” (1 Cor. 14:18, idinagdag ang pagdidiin). Marahil ay iginugol niya ang maraming panahon sa pagsasalita sa iba-ibang wika upang talunin ang buong iglesia ng Corinto!

Isinulat din ni Pablo na kapag nananalangin tayo sa iba-ibang wika, kung minsan ay “pinupuri natin ang Panginoon” (1 Cor. 14:16-17). Tatlong beses naintintihan ang aking “wikang panalangin” ng isang taong nakakaintindi ng wikang binibigkas ko sa panalangin. Sa tatlong pagkakataong iyon nagsasalita ako sa Hapon. Minsan ay sinabi ko sa Panginoon sa Hapon, “Napakabuti mo.” Minsan din, sinabi ko, “Maraming salamat.” Sa isa pang pagkakataon sinabi ko, “Halika na, halika na; naghihintay ako.” Di ba kagila-gilalas iyan? Kailanman ay hindi ako natuto ng isang salitang Hapon, nguni’t tatlong beses kong “pinuri ang Panginoon” sa wikang Hapon!

Mga Instruksiyon ni Pablo sa Pagsasalita ng Iba-Ibang Wika (Paul’s Instructions for Speaking in Tongues)

Napaka-ispesipiko ang mga instruksiyon ni Pablo sa iglesiang Corinto. Sa alinmang pagtitipon, ang bilang ng taong pinapayagang magsalita sa madla sa iba-ibang wika ay limitado sa dalawa o tatlo. Hindi sila dapat sabay-sabay, kundi maghintay ng kanilang pagkakataon (tingnan ang 1 Cor. 14:27).

Hindi kinakailangang ibig sabihin ni Pablo na tatlong “mensahe sa iba-ibang wika” lamang ang papayagan, kundi tatlong tao lamang ang magsasalita sa iba-ibang wika sa bawa’t pagtitipon. Ipinagpapalagay ng iba na kung higit na tatlong tao ang laging ginagamit sa kaloob na iba-ibang wika, isa man sa kanila ay maaaring sumuko sa Espiritu at mabigyan ng “mensahe sa iba-ibang wika” na nais ng Espiritu na maipakita sa iglesia. Kung hindi totoo ito, ang instruksiyon ni Pablo ay talagang maglilimita sa Espiritu Santo sa pagtatakda ng bilang ng mensahe sa iba-ibang wika na maipakikita sa bawa’t pagtitipon. Kung hindi magbibigay ang Espiritu Santo ng higit sa tatlong kaloob ng iba-ibang wika sa isang pagtitipon, walang pangangailangan para kay Pablo na ibigay ang nasabing instruksiyon.

Katulad din nito ang mangyayari sa pagpapaliwanag ng mga wika. Ipinagpapalagay na marahil higit sa isang tao sa asemblea ay susuko sa Espiritu at ibigay ang interpretasyon ng isang “mensahe sa iba-ibang wika.” Ang mga nasabing tao ay maituturing na “interpreter” (tingnan ang 1 Cor. 14:28), dahil madalas silang gagamitin sa kaloob na pagpapaliwanag sa iba-ibang wika. Kung totoo iyan, marahil ay iyan ang tinutukoy ni Pablo nang magpayong, “salit-salitan sila” (1 Cor. 14:27). Marahil hindi niya sinasabi na iisa lang ang magpaliwanag sa lahat ng mensahe sa iba-ibang wika; bagkus, nagbibigay-babala siya laban sa “kompetisyon sa pagpapaliwanag” ng iisang mensahe. Kung ang isa ay nagpaliwanag ng isang mensahe sa ibang wika, hindi na pinayagan ang iba pang ipaliwanag ang parehong mensahe, kahit na ipinagpapalagay niyang higit na mabuti ang kanyang pagpapaliwanag.

Sa pangkalahatan, lahat ay dapat gawin “nang tama at may kaayusan” sa mga pagtitipon sa iglesia—hindi dapat maging halo-halo at sabay-sabay na nakakalito at labanan ng mga pagbigkas. Gayundin, dapat maging sensitibo ang mga mananampalataya sa mga di-mananampalataya na maaaring dumalo sa mga pagtitipon nila, tulad ng isinulat ni Pablo:

Kaya’t kung sa pagtitipon ng iglesia ay nagsasalita ng ibat ibang wika ang lahat, at may dumating na mga taong di nakakaunawa o di sumasampalataya, hindi kaya nila sasabihing sira ang ulo ninyo? (1 Cor. 14:23).

Iyan nga ang problema sa Corinto—lahat ay nagsasalita sa iba’t ibang wika nang sabay-sabay, at kadalasang walang pagpapaliwanag.

Ilang Instruksiyon Tungkol sa mg Kaloob na Pagpapahayag (Some Instruction Concerning Revelation Gifts)

Naghandog si Pablo ng ilang instruksiyon tungkol sa “kaloob na pagpapahayag” kaakibat ng pagpapakita rito sa pamamagitan ng mga propeta:

Hayaang magsalita ang dalawa o tatlong tao na tumanggap ng kaloob na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at timbangin naman ng iba ang sinasabi nila. At kung ang isa sa mga nakaupo roon ay tumanggap ng pahayag mula sa Diyos, tumigil muna ang nagsasalita. Sapagka’t kayong lahat ay maaaring isa-isang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos upang matuto ang lahat at mapalakas ang loob nila. Ang kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos ay dapat napipigil ng tumanggap ng kaloob na iyon, sapagka’t ang Diyos ay di nalulugod sa kaguluhan dahil Siya ang Diyos ng kaayusan at kapayapaan (1 Cor. 14:29-33).

Tulad ng pagkakaroon ng mga miyembro ng katawan sa Corinto na malinaw na madalas ginagamit sa kaloob na interpretasyon ng iba’t ibang wika na tinaguriang “interpreter,” gayundin may mga madalas gamitin sa kaloob na pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos at pagpapahayag na tinaguriang “propeta.” Ang mga ito ay hindi propetang tulad ng Lumang Tipan o maging tulad ni Agabus sa Bagong Tipan (tingnan ang Gw.11:28; 21:10). Bagkus, ang kanilang ministeryo ay limitado sa kanilang lokal na katawang iglesia.

Bagama’t maaaring may higit sa tatlo sa naturang propetang dumalo sa isang pagtitipon sa iglesia, muling nilimitahan ni Pablo, ispesipikong tinakdaan ang ministeryong pagpapahayag sa “dalawa o tatlong propeta.” Muling iminumungkahi nito na kapag nagbibigay ang Espiritu ng mga espiritwal na kaloob sa isang pagtitipon, higit sa isa ang maaaring sumuko at tanggapin ang mga kaloob na iyon. Kung hindi, ang instruksiyon ni Pablo ay magreresulta sa pagbibigay ng Espiritu ng mga kaloob na hindi mapakikinabangan ng katawan, dahil nilimitahan niya ang bilang ng propetang maaaring magsalita.

Kung may higit tatlong propetang naroon, ang mga iba, bagama’t ipinagbabawal na magsalita, ay maaaring tumulong sa pagsusuri ng sinabi. Maipakikita rin nito ang kanilang kakayahang kumilala sa sinasabi ng Espiritu at posibleng ipahiwatig na sumuko rin sila sa Espiritu upang gamitin sa mga mismong kaloob na naipakita sa ibang propeta. Kung hindi, nasuri lang nila ang mga pahayag sa pangkalahatan, sa paninigurong sang-ayon sila sa pahayag na ibinigay na ng Diyos (tulad ng Biblia), isang bagay na magagawa ng sinumang nakatatandang mananampalataya.

Inihayag ni Pablo na ang mga propetang ito ay maaaring sunud-sunod na makapagpahayag (tingnan ang 1 Cor. 14:31) at ang “espiritu ng mga propeta ay susuriin ng propeta”1 Cor. 14:32), ipinakikitang bawa’t propeta ay magpigil sa sarili sa pagsabad sa isa pa, kahit nabigyan ng pahayag mula sa Espiritu upang ipamahagi sa kongregasyon. Ipinakikita nito na maaaring sabay-sabay na magbigay ng kaloob ang Espiritu sa ilang propetang naroroon sa isang pagtitipon, nguni’t bawa’t propeta ay dapay at kailangang magpigil sa sarili at hintayin ang pagkakataong maibahagi ang pahayag sa katawan.

Totoo rin ito tungkol sa alinmang kaloob na pananalita na maipakaita sa isang mananampalataya. Kung tatanggap ng mensahe sa iba’t ibang wika ang isang tao mula sa Panginoon, kailangan niyang pigilin hangga’t hindi siya binibigyan ng tamang pagkakataon sa pagtitipon. Mali ang sumasabad sa pagpapahayag o pagtuturo ng iba upang ibigay ang iyong pagpapahayag.

Nang ipahayag ni Pablo, “kayong lahat ay maaaring isa-isang magpahayag” (1 Cor. 14:31), tandaan na nagsasalita siya sa konteksto ng mga propetang nakatanggap ng pahayag. Sa malas, tinanggap ng ilan ang salita ni Pablo na labas sa konteksto, sinasabing bawa’t mananampalataya ay maaaring magpahayag sa bawa’t pagtitipon ng katawan. Ang kaloob ng pagpapahayag ay ibinibigay ayon sa kalooban ng Espiritu.

Ngayon, tulad ng lahat ng panahon, kailangan ng iglesia ang tulong, kapangyarihan, presensiya, at kaloob ng Banal na Espiritu. Pinayuhan ni Pablo ang mga mananampalataya sa Corinto na “Hangarin ninyo ang mga kaloob na espiritwal, lalung-lalo na ang makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos” (1 Cor. 14:1). Ipinakikita nito na ang antas ng ating mithiin ay may kinalaman sa manipestasyon ng mga kaloob ng Espiritu, kung hindi, hindi sana ibinigay ni Pablo ang mga naturang instruksiyon. Ang ministrong tagalikha-ng-alagad, minimithing gamitin ng Diyos para sa Kanyang kaluwalhatian, ay tunay na maghahangad ng mga espiritwal na kaloob at tuturuan niya ang kanyang mga alagad na gawin din ito.

Mga Kaloob ng Ministeryo

Kabanata 18

 

Ang bawa’t isa sa ati’y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo. …At binigyan Niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama’y mga propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at guro. Ginawa Niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesia, hanggang makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo (Efe. 4:7, 11-13, idinagdag ang pagdidiin).

Naglagay ang Diyos sa iglesia, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay din siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling nga mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba’t ibang mga wika (1 Cor. 12:28, idinagdag ang pagdidiin).

Ang mga kaloob ng ministeryo, na kadalasang tawag sa kanila, ay mga tawag at iba-ibang kakayahang ibinigay sa tanging mananampalataya na nagbibigay-kakayahan sa kanila sa mga katungkulang apostol, propeta, ebanghelista, pastor,o guro. Walang sinuman ang makapagtatalaga ng kanilang sarili sa mga katungkulang ito. Bagkus, sila ay dapat natawag at binigyang-kakayahan ng Diyos.

Posibleng ang isang tao ay ookupa ng higit sa isang katungkulan sa limang ito, nguni’t ilang natatanging kombinasyon lang ang puwede. Halimbawa, maaaring ang isang mananampalataya ay natawag na pastor at guro o propeta at guro. Nguni’t hindi maaaring manungkulan bilang pastor at ebanghelista dahil ang ministeryo ng pastor ay nagtatakda sa kanya na manatili sa isang lugar at nagsisilbi ng isang lokal na kawan, at kung gayon ay hindi niya matutupad ang tawag ng isang ebanghelistang laging naglalakbay.

Bagama’t ang mga limang katungkulang ito ay nabigyang-kakayahan para sa iba-ibang layunin, lahat ay ibinigay sa iglesia para sa iisang pangkalahatang layunin—upang “ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesia” (Efe. 4:12). [1] Ang dapat na layunin ng bawa’t ministro ay ihanda ang mga banal na tao (na siyang ibig sabihin ng salitang “mga banal”) Nguni’t kadalasan, ang mga nasa ministeryo ay kumikilos na parang natawag sila, hindi ihanda ang mga banal upang maglingkod, kundi upang aliwin ang makalupang mga taong umuupo sa mga service—service sa iglesia. Bawa’t taong natawag sa isa sa mga katungkulang ito ay dapat sumuri ng kanyang ambag sa “paghahanda sa mga banal upang maglingkod.” Kung ganito ang ginagawa ng bawa’t ministro, marami ang mag-aalis ng maraming aktibidades na maling pinangangalanang “ministeryo.”

Ang Ilang Kaloob na Ministeryo ay Para Lang Ba sa Naunang iglesia? (Were Some Ministry Gifts Only for the Early Church?)

Gaano katagal bang mananatili sa iglesia ang mga kaloob na ministeryong ito? Ibibigay ni Jesus ang mga ito hangga’t kailangan ng Kanyang banal na tao ang kahandaan sa paglilingkod, na ibig sabihin hanggang babalik Siya. Laging tumatanggap ang iglesia ng bagong panganak na Cristiano na kailangang lumago, at lahat tayo ay may lugar upang espiritwal na lumago.

Ang ilan ay minalas na nagpalagay na dalawa lamang ang ministeryo ngayon—pastor at ebanghelista—na parang pinalitan ng Diyos ang Kanyang plano. Hindi, kailangan pa rin natin ng apostol, propeta at guro na tulad ng naunang iglesia. Ang dahilan kung bakit hindi natin nakikita ang halimbawa ng mga kaloob na ito sa mga iglesia sa buong mundo ay dahil ibinibigay ni Cristo ang mga ito sa Kanyang iglesia, hindi ang mapagpanggap, hindi-banal, maling-ebanghelyong iglesia. Sa mapagpanggap na iglesia ay makikita lang ang mga gumagawa ng katiting na pagtatangka upang tuparin ang papel ng ilan sa mga kaloob ng ministeryo (kadalasan pastor at kung minsan ilang ebanghelista), nguni’t nahirapang tularan ang tinawag-ng-Diyos at hinirang na kaloob ng ministeryo na ibinibigay ni Jesus sa Kanyang iglesia. Tunay na hindi nila inihahanda sa paglilingkod ang mga banal na tao, dahil ang mismong ebanghelyong inihahayag nila ay hindi nagbubunga ng kabanalan; niloloko lang nito ang mga tao upang ipalagay na napatawad sila. At ang mga taong iyon ay walang pagnanais upang maglingkod. Wala silang intensyong magtakwil ng kanilang sarili at pasanin ang kanilang mga krus.

Paano Mo Alam na Tinawag Ka? (How do You Know if You are Called?)

Paano nalalaman ng isang tao kung tinawag siya sa isa sa mga katungkulang ito sa iglesia? Una sa lahat, mararamdaman niya ang banal na tawag mula sa Diyos. Mararamdaman niya ang mabigat na pagnanais gampanan ang isang gawain. Higit pa ito sa isang pangangailangang hindi matugunan. Bagkus, ito ay dulot-ng-Diyos na panloob na gutom na nag-uudyok sa isang tao patungo sa isang natatanging ministeryo. Kung tunay siyang tinawag ng Diyos, hindi siya masisiyahan hangga’t hindi siya magsimulang tumupad ng kanyang tawag. Walang kinalaman ito sa pagtatalaga ng isang tao o komite ng mga tao. Ang Diyos ang siyang tumatawag.

Pangalawa, malalaman ng tunay-na-natawag na tao na inihanda siya ng Diyos upang tuparin ang gawaing ibinigay-ng-Diyos. Bawa’t isa sa limang katungkulan ay nagtataglay ng di-pangkaraniwang paghirang na nagbibigay-kakayahan sa indibidwal upang gawin ang itinawag ng Diyos na gagawin niya. Kasam ng tawag ay ang paghirang. Kung walang paghirang, walang tawag. Maaaring mag-asam ang isang tao upang gumanap ng tanging ministeryo, mag-aral sa Bible School nang apat na taon upang paghandaan ang ministeryong iyan, nguni’t kung walang paghirang mula sa Diyos, wala siyang pagkakataon upang tunay na magtagumpay.

Pangatlo, malalaman niyang ibinukas ng Diyos ang pinto ng oportunidad upang magamit niya ang natatanging kaloob. Dito niya mapatutunayan ang kanyang katapatan, at pagdaka ay maipagkakatiwala sa kanya ang higit na malaking oportunidad, tungkulin at kaloob.

Kung hindi naramdaman ng isang tao ang banal na panloob na pagnanasa at tawag sa isa sa limang kaloob na ministeryo, o kung hindi siya mulat sa natatanging paghirang upang tuparin ang dulot-ng-Diyos na gawain, o kung walang pagkakataon ang dumating upang maisagawa ang mga kaloob na inaakala niyang taglay niya, huwag tangkain ng taong iyon ang isang bagay na hindi itinawag ng Diyos sa kanya. Bagkus, pagyamanin ang pagiging pagpapala niya sa kanyang lokal na iglesia, sa pamayanan, at sa trabaho. Kahit hindi siya natawag sa “limang-uri” ng ministeryo, tinawag siyang magsilbi gamit ang mga kakayahang ibinigay ng Diyos, at magsikap upang patunayan ang kanyang katapatan.

Bagama’t binabanggit ng Biblia ang limang kaloob na ministeryo, hindi ibig sabihin na magkakatulad ang ginagawa ng bawa’t taong naglilingkod sa isang katungkulan. Isinulat ni Pablo na may “iba’t ibang paraan ng paglilingkod” (1 Cor. 12:5), ginagawang posible ang ang iba-ibang paraan ng paglilingkod ng mga ministro sa iisang katungkulan. Dagdag pa rito, mukhang may iba-ibang hanay ng paghirang sa mga nanunungkulan dito, kaya mauuri pa natin ang bawa’t paglilingkod sa antas ng paghirang. Halimbawa, may mga gurong mukhang higit na nahirang sa tanging paraan kaysa ibang guro. Totoo rin ito sa iba pang kaloob na ministeryo. Naniniwala ako na magagawa ng sinumang ministro ang isang bagay na magbubunga ng higit na paghirang sa kanyang ministeryo, tulad ng pagpapatunay ng kanyang katapatan sa mahabang panahon at taimtim na ialay ang sarili sa Diyos.

Isang Masusing Pagtingin sa Katungkulan ng Apostol (A Closer Look at the Office of Apostle)

Ang Griegong salitang isinalin bilang apostol ay apostolos at ang literal na ibig sabihin ay “isang ipinadala.” Ang isang apostol sa Bagong Tipan ay mananampalatayang banal na ipinadala sa isang tanging lugar o mga lugar upang magtagag ng mga iglesia. Inilalatag niya ang pundasyon ng “gusali” ng Diyos at maikukumpara sa isang “general contractor,” na mismong isinulat ni apostol Pablo:

Kami ay kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin. Kayo rin ay gusali ng Diyos. Ayong sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo (1 Cor. 3:9-10a, idinagdag ang pagdidiin).

Ang isang “mahusay na tagapagtayo,” o general contractor, ay namamahala sa buong proseso ng pagpapatayo—naiisip niya ang natapos na kinalabasan. Hindi siya espesyalista tulad ng karpintero o mason. Maaaring gawin niya ang trabaho ng karpintero o mason, nguni’t hindi kasing galing nila. Gayundin, may kakayahan ang apostol na gawin ang trabaho ng isang ebanghelista o pastor, nguni’t sa isang limitadong panahon habang nagtatatag siya ng mga iglesia. (Ang apostol Pablo ay karaniwang nanatili sa isang lugar nang anim na buwan hanggang tatlong taon).

Pinakamagaling sa pagtatatag ng iglesia ang apostol at binabantayan niya ang mga ito upang manatili sila sa daan ng Diyos. Tungkulin ng apostol na itatag ang mga pinuno/pastor/tagapangasiwa upang bantayan ang bawa’t kongregasyong itatanim niya (tingnan ang Gw. 14:21-23; Tit. 1:5).

Totoo at Di-totoong Apostol (True and False Apostles)

Mukhang ang ilang ministro ngayon, na nananabik sa kapangyarihan sa mga iglesia, at mabilis na nagpapahayag ng kanilang tawag upang maging apostol, nguni’t karamihan ay may malaking problema. Dahil hindi sila nakapagtatag ng iglesia (marahil ay isa o dalawa lang) at walang kaloob at paghirang ng isang biblikal na apostol, kailangan nilang humanap ng pastor na mapaniwalaín upang payagan silang magkaroon ng kapangyarihan sa kanilang iglesia. Kung ikaw ay isang pastor, huwag kang paloloko sa mga nag-aangat ng sarili, gutom-sa-kapangyarihang huwad na apostol. Kadalasang sila’y lobong nakadamit-tupa. Madalas na salapi ang pakay nila. Nagbababala ang Biblia laban sa mga huwad na apostol (tingnan ang 2 Cor. 11:13; Pah. 2:2). Kung kailangan nilang sabihin sa inyo sa sila’y apostol, tiyak na indikasyon iyan na hindi sila apostol. Ang kanilang bunga ang dapat magsabi kung sino sila.

Ang pastor na nagtatatag ng sarili niyang iglesia at magiging pastor nito nang maraming taon ay hindi apostol. Mga ganitong pastor, marahil, ay maituturing na “apostolic pastor” dahil sinumulan nila ang sarili nilang iglesia. Bagama’t hindi sila maituturing na apostol dahil ang apostol ay patuloy na nagtatatag ng mga iglesia.

Isang tunay na nahirang na “missionary,” na naturingan ngayon, na ang pangunahing tawag ay magtatag ng simahan, ay maaaring maglingkod bilang apostol. Sa kabilang dako, ang mga misyunerong nagtatatag ng Bible school o mga pastor na nagbibigay ng training ay hindi apostol kundi guro.

Ang ministeryo ng tunay na apostol ay nakikilala sa mga di-karaniwang tanda at himala, na tumutulong sa kanya upang itatag ang mga iglesia. Isinulat ni Pablo:

Kahit na wala akong kabuluhan, hindi naman ako nahuhuli sa magagaling na apostol na iyan. Buong tiyaga kong pinatotohanan sa inyo na ako’y isang tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala at iba pang mga kamangha-manghang bagay (2 Cor. 12:11b-12).

Kung ang isang tao ay walang tanda at himalang kasama ng kanyang ministeryo, hindi siya apostol. Malinaw na bihira ang mga tunay na apostol, at wala sila sa iglesiang mapagpanggap, hindi banal, at huwad-ang-ebanghelyo. Kadalasang nakikita ko sila sa mga lugar sa mundong mayroon pang teritoryong dalisay pa para sa ebanghelyo.

Ang Mataas na Ranggo ng Apostol (The High Rank of the Apostle)

Sa dalawang listahan sa Bagong Tipan ng mga kaloob na ministeryo, ang katungkulan ng apostol ay unang itinala, ipinapakitang ito ang pinakamataas (tingnan ang Efe. 4:11; 1 Cor. 12:28).

Walang nagsisimula ng kanyang ministeryo bilang apostol. Ang isang tao ay maaaring matawag na maging apostol pagdaan ng panahon, nguni’t hindi siya ma-uumpisa sa katungkulang iyan. Kailangan pa niyang patunayan ang kanyang sarili sa pangangaral at pagtuturo, pagkatapos ay maglilingkod siya sa katungkulang inihanda ng Diyos para sa kanya. Si Pablo ay tinawag mula sa sinapupunan ng kanyang ina upang maging apostol, nguni’t ginugol niya ang maraming taon sa buong ministeryo hanggang naglingkod siya sa panunungkulang iyon (tingnan ang Gw.. 1:15-2:1). Katunayan ay nag-umpisa siya bilang guro at propeta (tingnan ang Gw.13:1-2), at nang lumaon ay na-promote na maging apostol nang ipinadala siya ng Espiritu Santo (tingnan ang Gw.14:14).

Makikita natin ang pagbanggit sa iba pang apostol maliban kay Pablo at ang orihinal na labindalawa sa Mga Gawa 1:15-26; 14:14; Ro. 16:7; 2 Cor. 8:23; Ga. 1:17-19; Fil. 2:25 at 1 Tes. 1:1 at 2:6. (Ang salitang isinalin bilang mensahero sa 2 Cor. 8:23 at Fil. 2:25 ay ang Griegong salitang apostolos.) Iwinawaksi nito ang teoryang ang katungkulang apostol ay limitado sa labindalawang lalaki lamang.

Nguni’t labindalawang apostol lamang ang mauuring “Apostol ng Kordero,” at ang labindalawang iyon lamang ang magkakaroon ng natatanging lugar sa paghaharing milenya ni Cristo (tingnan ang Mt. 19:28; Pah. 21:14). Hindi na natin kailangan ang apostol na tulad ni Pedro, Santiago, at Juan na pambihirang binigyang-inspirasyon upang sumulat ng Biblia, dahil kumpleto na ang pahayag. Nguni’t ngayon, kailangan pa natin ng mga apostol na magtatatag ng iglesia sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, na tulad ng ginawa nina Pablo at iba pang apostol, na inilarawan sa libro ng Mga Gawa.

Ang Katungkulan ng Propeta (The Office of Prophet)

Ang isang propeta ay siyang tumatanggap ng pahayag na di-karaniwan at nagsasalita sa banal na inspirasyon. Kung gayon, lagi siyang ginagamit sa espiritwal na kaloob ng paghahayag ng mensaheng mula sa Diyos pati na rin ang mga kaloob na pagpapahayag: ang salita ng karunungan, ang salita ng kaalaman, at pagkilala sa mga espiritu.

Ang sinumang mananampalataya ay maaaring gamitin ng Diyos sa kaloob na pagpapahayag ng mensahe mula sa Diyos kung kalooban ng Espiritu, nguni’t hindi niyan ginagawang propeta ang mananalita. Ang isang propeta ay, una sa lahat, isang ministro na makapangagaral o makapagtuturo nang may paghirang. Dahil mukhang ang propeta ang pangalawang pinakamataas na tawag (tingnan ang pagkakasunod na nakalista sa 1 Cor. 12:28), kahit isang ganap na ministro ay hindi manunungkulang propeta hangga’t hindi siya naging ministro nang ilang taon. Kung talagang manunungkulan siya bilang propeta, magkakaroon siya ng kahandaang d-karaniwan na kasama nito.

Dalawang lalaking natawag na propeta sa Bagong Tipan ay sina Judas at Silas. Mababasa natin sa Mga Gawa15:32 na nagbigay sila ng mahabang pahayag sa iglesia sa Antioquia:

Sina Judas at Silas, na mga propeta rin, ay maraming itinuro sa mga kapatid na nakapagpalakas ng kanilang loob at nakapagpatibay ng kanilang pananampalataya.

Isa pang halimbawang Bagong Tipan ng isang propeta ay si Agabo. Sa Gw. 11:27-28 mababasa natin:

Nang panahong iyon, dumating sa Antioquia ang ilang propeta mula sa Jerusalem. Tumayo ang isa sa kanila na ang pangala’y Agabo, at sa kapangyarihan ng Espiritu ay nagpahayag na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong daigdig. Nangyari nga iyon noong kapanahunan ni Emperador Claudio.

Pansinin na nabigyan si Agabo ng salita ng karunungan—isang bagay sa hinaharap ay ibinunyag sa kanya. Siyempre, hindi alam ni Agabo ang lahat ng mangyayari sa kinabukasan, ang alam lamang niya ay ang kalooban ng Espiritu Santong ibunyag sa kanya.

Sa Mga Gawa 21:10-11, may isa na namang halimbawa ng salita ng karunungang umiiral sa ministeryo ni Agabo. Sa pagkakataong ito, para sa isang tao, si Pablo:

Makalipas ang ilang araw, dumating mula sa Judea ang isang propetang ang pangala’y Agabo. Pinuntahan niya kami, kinuha ang pamigkis ni Pablo at ginapos ang sariling paa at kamay. Sabi niya, “Ito ang sabi ng Espiritu Santo, ‘Ganito gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang may-ari ng pamigkis na ito, at siya’y ibibigay sa kamay ng mga Hentil.’”

Nasa biblia ba sa ilalim ng bagong kasunduan na maaaring humingi ng personal na payo sa mga propeta? Hindi. Ang dahilan ay taglay lahat ng mananampalataya sa kanilang kalooban ang Espiritu Santo upang patnubayan sila. Ang isang propeta’y dapat patotohanan lamang sa isang mananampalataya ang alam na niyang pamamatnubay ng Diyos sa kanyang sariling espiritu. Halimbawa, nang magpahayag si Agabo kay Pablo, wala siyang ibinigay na pamamatnubay sa kung ano ang kanyang gagawin; pinatotohanan lamang niya ang alam na ni Pablo nang ilang panahon.

Tulad ng nabanggit na, nanungkulan si Pablo bilang propeta (at guro) bago siya tinawag sa ministeryo bilang apostol (tingnan ang Gw.13:1). Alam natin na nakatanggap si Pablo ng mga pahayag mula sa Panginoon ayon sa Ga.1:11-12, at nagkaroon din siya ng ilang pangitain (tingnan ang Gw. 9:1-9; 18:9-10; 22:17-21; 23:11; 2 Cor. 12:1-4).

Tulad ng tunay na mga apostol, hindi natin makikita ang mga tunay na propeta sa huwad na iglesia. Iiwasan (at iniiwasan) ng huwad na simbahan ang tunay na propetang tulad nina Silas, Judas o Agabo. Ang dahilan ay dadalhin ng mga tunay na propeta ang pahayag ng pagkadismaya ng Diyos sa di nila pagsunod (na siyang ginawa ni Juan sa karamihan sa mga iglesia sa Asia Minor sa unang dalawang kabanata ng Pahayag). Hindi bukas ang huwad na iglesia sa ganyan.

Ang Katungkulan ng Guro (The Office of Teacher)

Ayon sa nakatalang pagkakasunud-sunod sa 1 Corinto 12:28, ang katungkulan ng guro ay pangatlong pinakamataas na tawag. Ang guro ay isang nahirang sa di-pangkaraniwang paraan upang magturo ng Salita ng Diyos. Dahil lamang sa nagtuturo ang isang tao ng Biblia, hindi ibig sabihin na siya’y isang guro ng Bagong Tipan. Marami ang nagtuturo dahil gusto nila o naoobliga sila, nguni’t ang isang taong nanunungkulan bilang guro ay di-pangkaraniwang binigyan ng kaloob upang magturo. Kadalasang binibigyan siya ng di-pangkaraniwang pahayag tungkol sa Salita ng Diyos at maipapaliwanag niya ang Biblia sa isang paraang madali itong maintindihan at gamitin.

Si Apolos ay halimbawa sa Bagong Tipan ng isang gumanap ng katungkulang ito. Ikinumpara ni Pablo ang kanyang ministeryong apostoliko at ang ministeryong pagtuturo ni Apolos sa 1 Corinto sa pagsasabing:

Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subali’t ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago….inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali (1 Cor. 3:6, 10b, idinagdag ang pagdidiin).

Si Apolos na guro ay hindi gumawa ng orihinal na pagtatanim o paglalagay ng pundasyon. Bagkus, diniligan niya ang mga bagong tubo ng Salita ng Diyos at naglagay ng mga dingding sa nakatayong pundasyon.

Binanggit din si Apolos sa Mga Gawa 18:27:

At nang ipasya niyang pumunta sa Acaya, sumulat sila sa mga kapatid doon upang malugod nilang tanggapin si Apolos. Pagdating doon, malaki ang naitulong niya sa mga mananampalataya dahil sa kagandahang-loob ng Diyos.

Pansinin na “malaki ang naitulong” ni Apolos sa mga taong Cristiano na at ang kanyang pagtuturo ay inilarawan na “makapangyarihan.” Ang nahirang na pagtuturo ay laging makapangyarihan.

Para sa iglesia, ang ministeryo ng pagtuturo ay higit pang mahalaga kaysa sa paggawa ng himala o kaloob na pagpapagaling. Kaya una itong itinala bago mga kaloob sa 1 Corinto 12:28:

Naglagay ang Diyos sa iglesia, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay din Siya ng mga gumagawa ng himala, ng mga nagpapagaling ng mga maysakit (idinagdag ang pagdidiin).

Sa malas, kung minsan ay higit na naaakit ang mga mananampalataya sa pagtingin sa mga ginagamot kaysa makinig sa malinaw na pagtuturo sa Salita na makalilikha ng espiritwal na paglago at kabanalan sa kanilang buhay.

Binabanggit ng Biblia ang kapwa pangangaral at pagtuturo. Higit na lohikal at instruksyonal ang pagtuturo, samantalang ang pangangaral ay nagbibigay ng inspirasyon at motibasyon. Sa pangkalahatan, nangangaral ang mga ebanghelista. Mga guro at pastor ay nagtuturo. Nangangaral at nagtuturo ang mga apostol. Nakapanghihinayang na ang ilang mananampalataya ay hindi nakakikilala ng kahalagahan ng pagtuturo. Ilan pa ang nagpapalagay na hinihirang lamang ang mga tagapagsalita kung malakas at mabilis silang nangangaral! Hindi naman totoo iyan.

Si Jesus ang pinakamainam na halimbawa ng hinirang na guro. Ang pagtuturo Niya ay malaking bahagi ng Kanyang ministeryo na marami ang tumatawag sa Kanya ng “Guro” (Mt. 8:19; Mc. 5:35; Jn. 11:28).

Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa mga guro at pagtuturo, tingnan ang Gw. 2:42; 5:21, 25, 28, 42; 11:22-26; 13:1; 15:35; 18:11; 20:18-20; 28:30-31; Ro. 12:6-7; 1 Cor. 4:17; Gal. 6:6; Col. 1:28; 1 Tim. 4:11-16; 5:17; 6:2; 2 Tim. 1:11; 2:2 at San. 3:1. Ang pinakahuling siping nakalista ay nagsasabi sa atin na ang mga guro ang higit na mahigpit humatol, kaya kailangan nilang maging maingat sa kanilang itinuturo. Dapat nilang ituro lamang ang Salita.

Ang Katungkulan ng Ebanghelista (The Office of Evangelist)

Ang ebanghelista ay isang hinirang na mangaral ng ebanghelyo. Naitalaga ang kanyang mga mensahe upang dalhin ang mga tao sa pagsisisi at pananampalataya sa Panginoong Jesu Cristo. Sinasamahan sila ng mga himalang nang-aakit ng atensyon ng mga di-mananampalataya at hatulan sila ng katotohanan ng kanyang mensahe.

Walang dudang maraming ebanghelista sa sinaunang iglesia, nguni’t isang tao lamang ang nakalista sa libro ng Mga Gawa bilang ebanghelista. Ang pangalan niya ay Felipe:

“Kinabukasan, tumuloy kami sa Caesaria sa bahay ng ebanghelistang si Felipe, isa sa pitong lalaking hinirang noong una sa Jerusalem” (Gw. 21:8, idinagdag ang pagdidiin).

Inumpisahan ni Felipe ang kanyang ministeryo bilang tagasilbi (o marahil “deakono”) na nagsisilbi sa mga mesa (tingnan ang Gw. 6:1-6). Na-promote siya sa katungkulan bilang ebanghelista sa panahon ng pag-uusig ng iglesia na umusbong dahil sa pagiging martir ni Stephen. Una niyang ipinangaral ang ebanghelyo sa Samaria:

Nagpunta si Felipe sa lunsod ng Samaria at ipinahayag doon ang Cristo. Nang mapakinggan ng mga tao si Felipe at makita ang mga himalang ginagawa niya, inisip nilang mabuti ang kanyang sinasabi. Ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong sinasapian ng mga ito at sumisigaw habang lumalabas. Maraming lumpo at pilay ang napagaling kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon (Gw. 8:5-8).

Pansinin na may isang mensahe si Felipe—Cristo. Ang layunin niya ay mag-umpisang lumikha ng mga alagad, ibig sabihin, masunuring tagasunod ni Cristo. Ipinahayag niya si Cristo bilang tagagawa ng himala, Ang Anak ng Diyos, Panginoon, Tagapagligtas, at darating-na-Hatol. Hinikayat niya ang mga tao upang magsisi at sumunod sa kanyang panginoon.

Pansinin rin na may kahandaan si Felipe sa mga tandang di-karaniwan at himalang nagpatotoo sa kanyang mensahe. Ang isang gumaganap sa katungkulang ebanghelista ay mahihirang ng mga kaloob na pagpapagaling at iba pang espiritwal na kaloob. May huwad lang na ebanghelista ang iglesia na nagpapahayag ng huwad na ebanghelyo. Puno ang mundo ngayon ng ganyang uri ng ebanghelista, at malinaw na hindi pinapatotohanan ang kanilang mensahe sa pamamagitan ng mga himala at pagpapagaling. Ang simpleng dahilan ay hindi nila ipinahahayag ang Kanyang ebanghelyo. Hindi nila talaga ipinangangaral si Cristo. Kadalasan ay ipinangangaral nila ang mga pangangailangan ng mga tao at kung paano sila mabibigyan ni Cristo ng saganang buhay, o ipinangagaral ang isang pormula ng kaligtasang hindi kasama ang pagsisisi. Dinadala nila ang mga tao sa huwad na pagbabagong nampapalubag ng kanilang kasalanan nguni’t hindi sila nililigtas. Ang resulta ng kanilang pangangaral ay nababawasan ang pagkakataon ng mga taong maipanganak muli, dahil ngayon wala silang nakikitang pangangailangang tanggapin ang akala nila’y nasa kanila na. Ang mga ebanghelistang ganito at talagang tumutulong sa pagtatayo ng kaharian ni Satanas.

Ang katungkulan ng ebanghelista ay hindi nakatala kasama ng ibang kaloob na ministeryo sa 1 Corinto 12:28 tulad ng sa Efeso 4:11. Nguni’t ipinapalagay ko na ang pagbanggit doon sa “himala at kaloob na pagpapagaling” ay tungkol sa katungkulang ng ebanghelista dahil inilalarawan ng mga iyon ang ministeryo ng ebanghelistang si Felipe, at talagang di-pangkaraniwang binibigyan nila ng patotoo ang ministeryo ng sinumang ebanghelista.

Maraming lumilipat sa mga iglesia na itinuturing ang sariling ebanghelista ay hindi tunay na ebanghelista dahil nangangaral lamang sila sa mga gusaling iglesia sa mga Cristiano, at wala silang kahandaan sa kaloob na pagpapagaling o himala. (Ang ilan ay nagpapanggap na mayroong ganitong kaloob, nguni’t naloloko lang nila ang mga walang alam. Ang pinakamalaki nilang himala ay ang ihulog pansamantala ang mga taong itinutulak nila.) Ang mga lumilipat na ministro o guro o mangangaral o tagahikayat (tingnan ang Ro. 12:8), nguni’t hindi sila nanunungkulan bilang ebanghelista. Nguni’t posibleng simulan ng Diyos ang ministeryo ng isang tao bilang tagahikayat o mangangaral at saka i-promote sa katungkulan ng ebanghelista.

Bilang karagdagang pag-aaral sa katungkulan ng ebanghelista, basahin ang Mga Gawa 8:4-40, isang tala ng ministeryo ni Felipe. Pansinin doon ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng mga kaloob na ministeryo (partikular na tingnan ang berso 14-25) at kung paano ipinangaral ni Felipe hindi lamang ang ebanghelyo sa mga kawan kundi dinala siya ng Diyos upang maglingkod rin sa mga indibidwal (tingnan ang Gw. 8:25-39).

Tila nakomisyon ang mga ebanghelista upang bautismuhan ang kanilang mga napagbago, nguni’t hindi kailangang nakomisyon sila upang maglingkod na bautismo sa Espiritu Santo sa bagong mananampalataya. Ang tungkuling iyan ay pangunahin sa apostol/pastor/pinuno/tagapangasiwa.

Ang Katungkulan ng Pastor (The Office of Pastor)

Sa dalawang naunang kabanata, ikunumpara ko ang papel na biblikal ng pastor sa karaniwang pastor sa institusyon. Bagama’t mayroon pang masasabi tungkol sa ministeryo ng pastor.

Upang ganap na maintindihan ang itinuturo ng Biblia sa katungkulan ng pastor, kailangan nating intindihin ang tatlong pangunahing salita sa Griego. Sa wikang Griego sila ay

(1) poimen, (2) presbuteros at (3) episkopos. Sunud-sunod silang isinalin bilang (1) pastol o pastor, (2) pinuro, at (3) tagapangasiwa o obispo.

Ang salitang poimen ay makikita nang labingwalong ulit sa Bagong Tipan at isinalin bilang pastol nang labimpitong ulit pastor nang isang beses. Ang pandiwang poimaino, ay pastol.

Ang Griegong salitang presbuteros ay animnapu’t anim na ulit na binanggit sa Bagong Tipan. Sa animnapu doon, isinalin itong pinuno o mga pinuno.

Bilang pagtatapos, ang Griegong salitang episkopos ay limang beses na makikita sa Bagong Tipan, at isinalin bilang tagapangasiwa sa apat sa mga iyon. Isinalin ito ng King James Version bilang obispo.

Lahat ng tatloy’ bumabanggit sa parehong katungkulan sa iglesia, at pinagpapalit-palit ang gamit sa mga ito. Sa tuwing nagtatatag ng iglesia si Pablo, nagtatalaga siya ng mga pinuno (presbuteros) na inatasang mangalaga sa mga lokal na kongregasyon (tingnan ang Gw.14:23, Tito 1:5). Ang tungkulin nila ay maging tagapangasiwa (episkopos) at magpastol (poimaino) ng kanilang kawan. Halimbawa, mababasa natin sa Gawa 20:17:

Mula sa Mileto, ipinatawag ni Pablo ang mga pinuno [presbuteros] ng iglesia sa Efeso (idinagdag ang pagdidiin).

At ano ang sinabi ni Pablo sa mga pinuno ng iglesia?

Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagka’t sila’y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat [episkopos]. Pangalagaan ninyo [poimaino] ang iglesia ng Diyos na Kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng Kanyang anak (Gw. 20:28, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin ang papalit-palit na gamit ng tatlong salitang Griego. Hindi sila tatlong iba-ibang katungkulan. Sinabi ni Pablo sa mga pinuno na sila ay mga tagapangasiwa na kumilos na parang pastol.

Isinulat ni Pablo sa kanyang unang sulat:

Sa mga matatandang namumuno [presbuteros] sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesia na tulad ninyo. Saksi ako sa mga paghihirap ni Cristo at makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. Nakikiusap ako sa inyo, alagaan [poimaino] ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo. At pagparito ng Pinunong Pastol at tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman (1 Petd 5:1-4, idinagdag ang pagdidiin).

Sinabihan ni Pedro ang mga pinuno upang alagaan (pastolan) [2] ang kanilang kawan. Ang pandiwang isinalin dito bilang pastol (alaga) ay isinalin (sa pangngalang porma) bilang pastor sa Efeso 4:11:

At binigyan Niya [Jesus] ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama’y mga propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at guro (idinagdag ang pagdidiin).

Inaakay din tayo nito upang maniwalang ang mga pinuno at pastor ay pareho.

Papalit-palit din ang paggamit ni Pablo sa mga salitang pinuno (presbuteros) at tagapangasiwa (episkopos) sa Tito 1:5-7:

Iniwan kita sa Creta upang ayusin mo ang mga bagay na dapat pang ayusin at upang pumili ka ng mga matatandang mamamahala sa iglesia…taong walang kapintasan… (idinagdag ang pagdidiin).

Kung gayon hindi makatwirang pagtatalunan na ang katungkulan ng pastor, pinuno, at tagapangasiwa ay hindi parehong katungkulan. Anumang isinulat tungkol sa mga tagapangasiwa at pinuno sa mga sulat sa Bagong Tipan ay patungkol sa mga pastor.

Pamamahala ng iglesia (Church Governance)

Napakalinaw din sa mga siping nabanggit na hindi lang nabigyan ang mga pinuno/pastor/tagapangasiwa ng espiritwal na pangangasiwa sa iglesia, kundi nabigyan din sila ng kapangyarihan na mamahala. Sa payak na pananalita, ang mga pinuno/pastor/tagapangasiwa ay boss, at ang mga miyembro ng iglesia ay tatalima sa kanila:

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila’y may pananagutang mangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos ukol diyan (Heb. 13:17).

Siyempre, walang Cristiano ang dapat pasakop sa pastor na hindi nagpapasakop sa Diyos, nguni’t dapat din niyang kilalanin na walang perpektong pastor.

Ang mga pastor/pinuno/tagapangasiwa ay may kapangyarihan sa kanilang mga iglesia tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ang ama sa kanyang pamilya:

Kaya nga, ang isang tagapangasiwa [pastor/pinuno] ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukas ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. Hindi siya lasenggo, hindi marahas, kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi. Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. Sapagka’t paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesia ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya? (1 Tim. 3:2-5, idinagdag ang pagdidiin).

Nagpatuloy si Pablo,

Ang mga pinunong[pastors/overseers] mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo sa salita ng Diyos (1 Tim. 5:17, idinagdag ang pagdidiin).

Malinaw na ang mga pinuno ang mamamahala sa iglesia.

Mga Pinunong Hindi Itinalaga sa Biblia (Unscriptural Elders)

Naniniwala ang maraming iglesia na biblikal ang istruktura nila ng pamamahala dahil may grupo sila ng mga pinunong namamahala, nguni’t ang problema, mali ang konsepto nila ng pinuno. Regular na pinagbobotohan ang kanilang mga pinuno at pinagpapalit-palit sa katungkulan ang mga miyembro sa kongregasyon. Kadalasang tinutukoy sila bilang

“The Board of Elders.” Nguni’t hindi sila pinuno sa depinisyong biblikal. Kung titingnan lang natin ang mga kailangan na inisa-isa ni Pablo upang maging pinuno, lilinaw ito. Isinulat ni Pablo na ganap na gawain ang pagiging pinuno, kaya may bayad, pagtuturo/pangangaral at pamamahalang posisyon sa iglesia (tingnan ang 1 Tim. 3:4-5; 5:17-18; Tito 1:9). Ilan lang, kung mayroon, sa mga taong nasa “elder boards” ng iglesia ang tutupad ng mga nabanggit na pangangailangan. Wala silang bayad; hindi sila nangangaral o nagtuturo; hindi ganap na buong panahon ang trabaho sa iglesia; at bihira ang may kaalaman sa pamamahala sa iglesia.

Ang hindi biblikal na pamamahala ng iglesia ang nagiging sanhi ng higit na maraming problema sa iglesia kaysa sa anupamang dahilan. Kapag ang mga maling tao ang namamahala sa iglesia, magkakagulo. Magbubukas ito ng pinto ng kagulugan, kompromiso at tuluyang pagkamatay ng iglesia. Ang hindi biblikal na pamamahala ng iglesia ay parang banig ng pagtanggap sa demonyo.

Alam ko na sumusulat ako sa mga pastor ng mga iglesiang kapwa institusyunal at tahanan. Ang ilang pastor na institusyunal ay maaaring nagpapastor ng mga iglesiang mayroon nang hindi biblikal na istruktura ng pamamahala kung saan ang mga pinuno ay pinipili mula sa kongregasyon. Ang mga hindi biblikal na istrukturang ito ay hindi mapapalitan nang walang kaguluhang mangyayari. Ang payo ko sa mga pastor na iyon ay gawin ang makakaya sa tulong ng Diyos upang palitan ang istruktura ng pamamahala at tiisin ang posibleng di-maiiwasang pansamantalang di-pagkakaunawaan, dahil ang regular na di-pagkakaunawaan ay hindi mawawala kung wala siyang gagawin. Kung magtatagumpay siya sa pagtitiis sa ilang pansamantalang kaguluhan, maiiwasan niya ang lahat ng kaguluhan sa kinabukasan. Kung mabibigo siya, maaari siyang magsimula ng bagong iglesia at gawin ito ayon sa Biblia mula umpisa.

Bagama’t masakit, sa kalaunan ay higit na magbubunga ito para sa kaharian ng Diyos. Kung ang mga kasalukuyang namamahala ng kanyang iglesia ay tunay na alagad ni Cristo, magkakaroon siya ng pagkakataong matagumpay na kumbinsihin silang baguhin ang istruktura kung matagumpay niyang mapapayag sila mula sa Biblia upang gawin ang kinakailangang pagbabago.

Ang pagiging maramihan ng mga Pinuno? (The Plurality of Elders?)

Nais ipakita ng iba na ang mga pinuno ay laging tinutukoy sa Biblia bilang maramihan, kung gayon nangangahulugang ipinapakitang hindi makabiblia ang magkaroon ng isang pinuno/pastor/tagapangasiwa na nagdadala ng kawan. Nguni’t hindi ito kapani-paniwalang katibayan, sa aking palagay. Tunay na binabanggit ng Biblia na, sa mga tanging lunsod, higit na isang pinuno ang nangangasiwa sa iglesia, nguni’t hindi sinasabi na ang mga pinunong iyon ay kapantay ng mga kongregasyon na may iisa lang na pinuno. Halimbawa, nang tipunin ni Pablo ang mga pinuno mula sa Efeso (tingnan ang Gw. 20:17), lubhang malinaw na ang mga pinunong iyon ay mula sa isang lunsod kung saan ang pangkalahatang katawan ay binubuo ng libu-libo o marahil ay sampu-sampung libo ng tao (tingnan ang Gw. 19:19). Kung magkagayon may maraming kawan sa Efeso, at posibleng isang pinuno ang nangasiwa ng isang tahanang iglesia.

Walang halimbawa sa Biblia na tinawag ng Diyos ang isang komite upang gawin ang anumang trabaho. Nang ginusto Niyang iligtas ang Israel sa Egipto, tinawag Niya ang isang tao, si Moises, upang maging pinuno. Ang iba ay tinawag upang tulungan si Moises, nguni’t lahat ay mas mababa sa kanya, at tulad niya, bawa’t isa sa kanila ay may sariling tungkulin sa isa pang maliit na grupo ng tao. Ang padron na ito ay paulit-ulit na nakikita sa Biblia. Kapag may ipagagawa ang Diyos, tinatawag Niya ang isang tao upang mamahala, at tumatawag Siya ng iba upang tulungan ang taong iyon.

Kaya mukhang hindi tatawag ang Diyos ng isang komite ng pinunong kapwa pantay ang kapangyarihan upang mamahala sa bawa’t maliit na tahanang iglesiang may dalawampung tao. Parang paanyaya sa kaguluhan.

Hindi ibig sabihin na bawa’t tahanang iglesia ay pamahalaan ng isa at isa lang na pinuno. Nguni’t sinasabing kung may higit sa isang pinuno ang iglesia, ang nakababata at espiritwal na nakababatang pinuno ay dapat pasakop sa pinakamatanda at pinaka-espiritwal na pinuno. Sa Biblia, ang mga iglesia, hindi mga Bible School, ang dapat na training ground para sa mga bagong pastor/pinuno/tagapangasiwa, kaya posible at mainam din na magkaroon ng maraming pinuno/pastor/tagapangasiwa sa isang tahanang iglesia, kung saan ang espiritwal na nakababata ay dinidisiplina ng nakatatanda.

Namasdan ko ang ganitong penomenon kahit sa mga iglesia na sinasabing pinangangasiwaan ng “magkapantay” na pinuno. Laging may isang tinitingala ng iba. O may isang dominante samantalang ang iba ay higit na pasibo. Kung hindi, sa kalaunan ay magkakagulo. Isang katotohanan na kahit mga komite ay laging pumipili ng isang pangulo.Kapag ang isang grupo ng magkakapantay na tao ay mag-uumpisa ng isang trabaho, kinikilala nila dapat may isang lider. Ganyan rin sa iglesia.

Gayundin, ang tungkulin ng mga pinuno ay parang tungkulin ng mga ama ni Pablo sa 1 Timoteo 3:4-5. Kailang pamahalaan ng mga pinuno ang sarili nilang mag-anak, kung hindi hindi sila handang mamahala ng iglesia. Nguni’t paano pamahalaang mabuti ang isang pamilyang may dalawang ama? Palagay ko ay magkakaroon ng mga problema.

Ang mga pinuno/pastor/tagapangasiwa ay dapat kasama sa network ng isang mas malaking lokal na katawan upang kspwa may pananagutan ang lahat ng pinuno na tutulong sakaling may problemang kakailanganin sila. Isinulat ni Pablo ang isang “presbyteryo” (tingnan ang 1 Tim. 4:14), na maaaring miting ng mga presbuteros (pinuno) at posibleng ibang taong may kaloob na ministeryo. Kung may apostol na nagtatag, makakatulong din siya kung may problema sa isang lokal na katawan na naging bunga ng isang pinunong nagkamali. LKpag nawawalay ang mga institusyunal na pastor, laging nagbubunga ng malaking problema dahil sa istruktura ng iglesia. May gusali at programang aalagaan. Nguni’t ang mga tahanang iglesia ay madaling buwagin kapag nawalay ang isang pastor. Sasali lamang ang mga miyembro sa ibang katawan.

Kapangyarihang Magsilbi (Authority to Serve)

Dahil binibigyan ng Diyos ng kapangyarihang espiritwal at pamamahala sa kanyang iglesia, hindi siya nito binibigyan ng karapatang sakupin ang kanyang kawan. Hindi nila siya Panginoon—kundi si Jesus. Hindi niya sila kawan—sila ay kawan ng Diyos.

Alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo. At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman. (1 Ped. 5:2-4, idinagdag ang pagdidiin).

Bawa’t pastor ay magbibigay ng kasaysayan para sa kanyang ministeryo balang araw sa harap ng hukuman ni Cristo.

Gayundin, sa usaping pananalapi, ang iisang pastor/pinuno/tagapangasiwa ay hindi dapat nag-iisa. Kung may salaping regular o paminsan-minsang kinokolekta para sa anuman, ang iba sa katawan ay hindi magkakaroon ng pagdududa tungkol sa paghawak ng salapi (tingnan ang 2 Cor. 8: 18-23). Maaaring pinagbotohan o itinalagang grupo.

Pagbabayad sa mga Pinuno (Paying Elders)

Malinaw sa Biblia na ang mga pinuno/tagapangasiwa/pastor ay kailangang bayaran, dahil buo ang paninilbihan nila sa iglesia. Isinulat ni Pablo,

Ang mga pinunong mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos. Sapagka’t sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito’y gumigiik.” Nasusulat din, “Ang manggagawa ay karapat-dapat bayaran” (1 Tim. 5:17-18).

Malinaw ang paksa—pati si Pablo ay gumagamit ng salitang suweldo. Ang kanyang hindi malinaw na pahayag na karapat-dapat tumanggap ng paggalang ang mga mahusay mamahala ay madaling intindihin kapag tiningnan ang konteksto. Sa mga nakaraang berso, walang dudang isinulat ni Pablo ang tungkulin ng iglesia upang suportahan ng salapi ang mga balong hindi nasusuportahan, at inumpisahan niya sa paggamit ng parehong ekspresyon: “Tulungan mo ang biyudang walang ikabubuhay” (tingnan ang 1 Tim. 5:3-16). Kaya sa kontekstong ito, ang “tulungan” ay suportahan ng salapi. Ang mga pinunong mahusay na namamahala ay maituturing na doble ang paggalang na tatanggapin nila, na tatanggap ng di kukulang sa doble sa tatanggapin ng mga biyuda, higit pa kung may mga anak sa susuportahan.

Sa pangkalahatan, sinusuportahan ng institusyunal na iglesia sa buong mundo ang kanilang pastor (kahit sa mahihirap na bansa), nguni’t parang marami sa tahanang iglesia sa buong mundo, lalo na sa kanluran, ay hindi. Naniniwala akong ang dahilan dito ay maaaring ang mga motibo sa Kanluraning mundo sa pagsama sa mga tahanang iglesia ay talagang rebelde sila, at naghahanap sila, at nakahanap na sila ng porma ng Cristianidad na matatagpuan sa planeta na kaunti lang ang hinihingi sa kanila. Sinasabi nilang sumama sila sa tahanang iglesia dahil gusto nilang iwasan ang paggapos ng iglesiang institusyunal, nguni’t gusto lang nila talagang iwasan ang anumang pangako kay Cristo. Nakahanap sila ng iglesiang walang hinihinging pangakong pinansyal, mga iglesiang mahigpit na sumasalungat sa inaasahan ni Cristo sa Kanyang mga alagad. Ang mga taong ang diyos ay salapi at pinatutunayan nila ito sa pag-iipon ng kayamanan sa lupa sa halip na sa langit ay hindi tunay na alagad ni Cristo (tingnan ang Mt. 6:19-24; Lu. 14:33). Kung ang Cristianidad ng isang tao ay hindi nakakaapekto sa ginagawa niya sa kanyang salapi, hindi siya talagang Cristiano.

Ang mga tahanang iglesia na nag-aangking biblikal ay dapat sumusuporta sa kanilang pastor, at nangangalaga sa mahihirap at sumusuporta rin sa mga misyon. Sa pagbibigay at sa lahat ng usaping pananalapi, dapat ay hihigit sila sa mga iglesiang institusyunal, dahil wala silang gusaling babayaran at walang katulong sa mga programa na susuwelduhan. Sampung tao lamang na nagbibigay ng ikapu ay maaari nang sumuporta sa isang pastor. Sampung taong nagbibigay ng 20% ng kanilang suweldo ay makasusuporta ng isang pastor at isang misyunerong namumuhay na tulad ng pamantayan ng kanilang pastor.

Ano ang ginagawa ng mga Pastor? (What do Pastors do?)

Isipin mong tinatanong mo ang isang pumupunta sa iglesia, “Kaninong trabaho ang mga ito?”

Sino ang kailangang magpamahagi ng ebanghelyo sa mga di ligtas na tao? Mamuhay nang banal? Manalangin? Magpayo, manghikayat at tumulong sa ibang mananampalataya? Dumalaw sa maysakit? Aako ng pasanin ng iba? Gamitin ang kanyang mga kaloob para sa katawan? Itakwil ang kanyang sarili, nagtitiis para sa kapakanan ng kaharian ng Diyos? Lumikha at magbautismo ng mga alagad, tinuturuan sila upang sundin ang mga utos ni Cristo?

Maraming sasagot, nang walang pag-aatubili, “Ang lahat nang iyan ay tungkulin ng pastor.” Nguni’t tama ba? Ayon sa Biblia, lahat ng mananampalataya ay dapat magpamahagi ng ebanghelyo sa mga di ligtas na tao:

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo (1 Ped. 3:15).

Bawa’t mananampalataya ay dapat mamuhay nang may kabanalan:

Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali (1Pet. 1:15-16).

Bawa’t mananampalataya ay dapat manalangin:

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin (1 Tes. 5:16-17).

Bawa’t mananampalataya ay inaasahang magpayo, manghikayat at tumulong sa ibang mananampalataya:

Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat (1Tes. 5:14, idinagdag ang pagdidiin).

Bawa’t mananampalataya ay dapat dumalaw sa maysakit:

Ako’y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan (Mt. 25:36).

Marami pang Tungkulin (More Responsibilities)

Nguni’t hindi lang iyan. Bawa’t mananampalataya ay dapat magpatong ng kanilang kamay at pagalingin ang maysakit:

Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba’t ibang wika. Hindi sila maaano kahit dumampot sila ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay (Mc. 16:17-18, idinagdag ang pagdidiin).

Papasanin ng bawa’t mananampalataya ang dinadala ng kapwa mananampalataya:

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawa’t isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo (Gal. 6:2).

Bawa’t mananampalataya ay inaasahang tuparin ang kanyang kaloob para sa iba:

Tumanggap tayo ng iba’t ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya’t gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. Magpalakas ng loob ang may kaloob na pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak (Ro. 12:6-8).

Bawa’t mananampalataya ay dapat magtakwil ng kanyang sarili, magtitiis sa kapakanan ng ebanghelyo:

Pinalapit ni Jesus ang mga tao at ang Kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa Akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang drus, at sumunod sa Akin. Ang sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; nguni’t ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito” (Mc. 8:34-35, idinagdag ang pagdidiin).

At bawa’t mananampalataya ay inaasahang lumikha at magbautismo ng mga alagad, at turuan silang sumunod sa mga utos ni Cristo:

Kaya’t sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Nguni’t ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit (Mt. 5:19, idinagdag ang pagdidiin).

Dapat sana’y mga tagapagturo na kayo, subali’t hangga ngayo’y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang araling tungkol sa mga Salita ng Diyos. Dapat sana’y kumakain na kayo ng matigas na pagkain nguni’t hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya (Heb. 5:12, idinagdag ang pagdidiin).

Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon” (Mt. 28:19-20, idinagdag ang pagdidiin). [3]

Lahat ng mga tungkuling ito ay ibinigay sa bawa’t mananampalataya, nguni’t ipinapalagay ng karamihan sa mga dumadalo sa iglesia na ibinigay ang mga ito sa pastor lamang. Maaaring ang dahilan ay mismong ang mga pastor ay nagpapalagay na tanging sila ang may tungkulin ng mga ito.

Kaya Ano ang Dapat Gawin ng mga Pastor? (So What are Pastors Supposed to do?)

Kung ang mga tungkuling ito ay ibinigay sa bawa’t mananampalataya, ano ang dapat gawin ng mga pastor? Sa payak na pananalita, tinawag sila upang ihanda ang mga banal na mananampalataya upang gawin ang lahat nang iyon (tingnan ang Efe. 4:11-12). Tinawag sila upang turuan ang mga banal na mananampalatayang iyon na sundin ang lahat ng kautusan ni Cristo (tingnan ang Mt. 28:19-20) sa panuntunan at sa halimbawa (tingnan ang 1 Tim. 3:2; 4:12-13; 5:17; 2 Tim. 2:2; 3:16-4:4; 1Ped. 5:1-4).

Hindi na mapalilinaw pa ito ng Biblia. Ang biblikal na papel ng pastor ay hindi ang mag-ipon ng maraming-maraming tao sa Linggo ng umagang church services. Ito ay ang “iharap ang bawa’t isa nang ganap kay Cristo” (Col. 1:28). Ang mga Biblikal na pastor ay hindi nangingiliti ng taynga ng mga tao (tingnan ang 2 Tim. 4:3); sila’y nagtuturo, nagte-train, nagpapayo, nagpapaalala, nagtutuwid, naninisi at nagagalit (tingnan ang 2 Tim. 3:16-4:4).

Inilista ni Pablo ang ilan sa mga katangian ng taong manunungkulan bilang pastor sa kanyang unang sulat kay Timoteo. Labing-apat sa labinlimang iyon ay may kinalaman sa kanyang pagkatao, na nagpapakitang ang halimbawa ng kanyang istilo ng pamumuhay ang pinakamahalagang bagay:

Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesia ay naghahangad ng mabuting gawain. Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukas ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. Hindi siya lasenggo, hindi marahas, kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi. Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. Sapagka’t paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesia ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya? Kailangang siya’y matagal nang mananampalataya; sapagka’t kung hindi, baka siya’y maging palalo at mapahamak na gaya ng diyablo. Bukod dito, kailangang siya’y may mabuting patotoo sa paningin ng mga hindi sumasampalataya upang di siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo (1 Tim. 3:1-7).

Ang pagkukumpara ng mga kakayahang ito sa mga laging hinihingi ng mga institusyunal na iglesia na naghahanap ng bagong pastor ay nagbubunyag ng pangunahing problema sa maraming mga iglesia. Naghahanap sila ng empleyadong manager/entertainer/tagapagsalita-nang-maikli/tagapamahala/sikolohista/director ng mga aktibidades at programa/tagakalap ng pondo/kaibigan-ng-lahat/manggagawang kabayo. Gusto nila ng taong “magpapatakbo ng ministeryo ng iglesia.” Nguni’t ang biblikal na tagapangasiwa, una sa lahat, ay kailangang isang taong may dakilang pagkatao at pangako kay Cristo, isang totoong tagasilbi, dahil ang kanyang layunin ay paramihin ang kanyang sarili. Kailangang masabi niya sa kanyang kawan, “Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo” (1 Cor. 11:1).

Para sa karagdagang pag-aaral sa katungkulan ng pastor, tingnan din ang Gw. 20:28-31; 1 Tim. 5:17-20; at Tito 1:5-9.

Ang Katungkulan ng Deakono (The Office of Deacon)

Bilang pagtatapos, hayaan ninyong daglian kong banggitin ang tungkol sa mga deakono. Ang katungkulan ng deakono ang tanging ibang katungkulan sa lokal na iglesia, at hindi ito binaggit sa limang-uri ng kaloob na ministeryo. Walang kapangyarihan sa pamamahala ang mga deakono sa iglesia na tulad ng mga pinuno. Ang Griegong salitang isinalin na deakono ay diakonos, na ang literal na kahulugan ay “tagasilbi.”

Ang pitong lalaking naatasang araw-araw na magpakain sa mga biyuda sa iglesia ng Jerusalem ay karaniwang itinuturing na mga naunang deakono (tingnan ang Gw. 6:1-6). Pinili sila ng kongregasyon na-komisyon ng mga apostol. Dalawa sa kanila, sina Felipe at Stephen, ay sumunod na na-promote ng Diyos bilang makapangyarihang ebanghelista.

Binabanggit din ang mga deakono sa 1 Timoteo 3:8-13 at Filipos 1:1. Malinaw na ang katungkulang ito ay maaaring gampanan ng lalaki o babae (tingnan ang 1 Tim. 3:11).

 


[1] Ibang paraan lang ito ng pagsasabing, “Sa paglikha ng mga alagad ni Jesu Cristo.”

[2] Translator’s own insertion of the word (since the exact word is not in the scripture, although it means the same)

[3] Kung ang mga alagad ni Jesus ay inasahang magturo ng kanilang alagad upang sundin ang lahat ng iniutos Niya sa kanila, ang sumunod na ginawa nila ay turuan ang mga alagad na lumikha ng sariling alagad, bautismuhan at turuan silang sumunod sa lahat ng iniuto ni Cristo. Kaya ang paglikha, pagbautismo at pagtuturo ng mga alagad ay palagiang utos na nakaatas sa bawa’t susunod na alagad.

Ang Ministeryong Pagpapagaling ni Hesus

Kabanata 16

Kadalasang ipinagpapalagay na dahil si Jesus ay ang banal na Anak ng Diyos, makagagawa Siya ng himala o pagalingin ang sinuman kailanman Niya gusto. Nguni’t habang sinusuri nating mabuti ang Biblia, matutuklasan natin na bagama’t tunay na banal si Jesus, malinaw na limitado-sa-sarili sa panahon ng Kanyang panlupang ministeryo. Minsan ay sinabi Niya, “Pakatandaan ninyo na walang magagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang nakikita Niyang ginagawa ng Ama ang siya lamang Niyang ginagawa” (Jn. 5:19). Malinaw na ipinakikita niyan na limitado si Jesus at nakadepende sa Kanyang Ama.

Ayon kay Pablo, nang naging tao si Jesus, “hinubad” Niya ang pagiging kapantay ng Diyos:

Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit Siya’y likas at tunay na Diyos, hindi Niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa Niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak Siyang katulad ng mga karaniwang tao (Fil. 2:5-7, idinagdag ang pagdidiin).

Ano ang “hinubad” ni Jesus? Hindi ang Kanyang kabanalan. Hindi ang Kanyang kadakilaan. Hindi ang Kanyang pag-ibig. Marahil ay ang Kanyang higit sa karaniwang kapangyarihan. Malinaw na hindi na Siya omnipresent (pagkapasalahat ng dako). Gayundin, hindi na Siya omnipotent (makapangyarihan sa lahat). Naging tao is Jesus. Sa Kanyang ministeryo, kumilos Siyang isang taong nabasbasan ng Espiritu Santo. Higit na lumilinaw ito habang tinitingnan natin ang apat na Ebanghelyo.

Halimbawa, matatanong natin, Kung si Jesus ay banal na Anak ng Diyos, bakit kailangan Niyang mabautismuhan sa Espiritu Santo nang simulan Niya ang Kanyang ministeryo sa edad na trenta? Bakit kailangang mabautismuhan ang Diyos ng Diyos?

Malinaw na kailangan ni Jesus ang bautismo ng Espiritu Santo upang mabasbasan para sa ministeryo. Kaya, pagkabautismo, mababasa nating ipinangangaral Niya ang mga salitang ito: “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang Niya Ako upang ipangaral…ipahayag…palayain…” (Lu.4:18, idinagdag ang pagdidiin).

Iyan din ang dahilan ng pangangaral ni Pedro, “Kilala ninyo si Jesus na taga-Nazaret at alam din ninyo kung papaanong pinili Siya ng Diyos at kung papaanong pinuspos ng Espiritu Santo ng kapangyarihan. Alam din ninyo na saanman Siya magpunta, gumagawa Siya ng kabutihan sa mga tao at nagpapagaling sa lahat ng pinapahirapan ng diyablo, sapagka’t kasama Niya ang Diyos” (Gw. 10:38, idinagdag ang pagdidiin).

Iyan din ang dahilan kung bakit hindi nagmilagro si Jesus hangga’t hindi Siya nabautismuhan ng Espiritu Santo sa edad na trenta. Anak ba Siya ng Diyos sa edad beinte singko? Oo. Kung gayon ay bakit hindi Siya gumawa ng himala hanggang naging trenta Siya? Dahil hinubad ni Jesus ang hindi likas na kapangyarihang taglay ng Diyos, at kailangan Niyang maghintay sa panahong mabigyang-kapangyarihan Siya ng Espiritu.

Karagdagang Patunay na Naglingkod si Jesus Bilang Taong Nabasbasan ng Espiritu Santo (More Proof that Jesus Ministered as a Man Anointed by the Spirit)

Napapansin natin habang binabasa ang mga Magandang Balita na may mga panahong tinaglay ni Jesus ang di-pangkaraniwang kaalaman at may pagkakataong hindi. Katunayan, kadalasan ay nagtatanong si Jesus upang makakalap ng impormasyon.

Halimbawa, sinabi Niya sa babae sa balon ng Samaria na nagkaroon siya ng limang asawa at nakikisama siya sa isang lalaki nang hindi kasal (tingnan ang Jn. 4:17-18). Paano iyan nalaman ni Jesus? Dahil ba sa Siya ay Diyos at alam ng Diyos ang lahat? Hindi, kung magkaganyan, ipinakita sana ng Diyos ang kakayahan nang madalas. Bagama’t Siya ang Diyos at alam ng Diyos ang lahat, hinubad ni Jesus ang Kanyang kapangyarihan nang Siya’y naging tao. Nalaman ni Jesus ang estado ng babae sa balon dahil pinagkalooban Siya ng Espiritu Santo ng kaloob ng “salita ng karunungan” (1 Cor. 12:8), ang hindi karaniwang kakayahan upang malaman ang isang bagay tungkol sa kasalukuyan o nakaraan. (Pag-aaralan pa natin nang masinsinan ang paksa tungkol sa kaloob ng Espiritu sa susunod na kabanata).

Alam ba ni Jesus ang lahat sa lahat ng panahon? Hindi, nang hinipo ng babaing may isyu tungkol sa dugo ang laylayan ng damit ni Jesus at naramdaman Niyang dumaloy mula sa Kanya ang kapangyarihang magpagaling, tinanong Niya, “Sino ang humipo ng aking damit?” (Mc. 5:30b). Nang makita ni Jesus ang isang puno ng igos sa di-kalayuan sa Marcos 11:13, “nilapitan Niya ito upang tingnan kung may bunga.”

Bakit hindi nalaman ni Jesus kung sino ang humipo sa Kanya? Bakit hindi Niya alam kung ang puno ng igos ay may bunga? Dahil umiiral ang katauhan ni Jesus bilang tao na nabasbasan ng Espiritu Santo na may kaloob ng Espiritu. Ang mga Kaloob ng Espiritu ay umiiral ayon sa kalooban ng Espiritu (tingnan ang 1 Cor. 12:11; Heb. 2:4). Hindi alam ni Jesus ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng kapangyarihang di-karaniwan hangga’t kalooban ng Espiritu Santo na bigyan Siya ng kaloob na “salita ng karunungan.”

Totoo rin ito sa ministeryo ng pagpapagaling. Simple ang pahayag ng Biblia na hindi nakapagpapagaling si Jesus ninuman kailanman. Halimbawa, mababasa natin sa Ebanghelyo ni Marcos na nang dalawin ni Jesus ang bayan niyang Nazaret, hindi Niya nagampanan ang lahat ng gusto Niyang gawin.

Umalis doon si Jesus at umuwi Siya sa sariling bayan kasama ang Kanyang mga alagad. Pagdating ng araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagturo sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa Kanya at sa kanilang pagkamangha’y nagtatanungan sila, “Saan Niya natutunan ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa Kanya? Paano Siya nakakagawa ng mga himala? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” Kaya’t sila’y nagduda sa Kanya at Siya’y hinamak nila. Dahil dito, sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta’y iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak at mga kasambahay.” Hindi Siya nakagagawa ng himala roon, maliban sa ilang maysakit na pinatungan Niya ng Kanyang kamay at pinagaling. Nagtaka Siya dahil hindi sila naniwala sa Kanya. (Mc. 6:1-6, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na hindi sinabi ni Marcos na ayaw ni Jesus na gumawa ng himala doon, kundi hindi Siya makagawa ng himala. Bakit? Dahil ang mga tao sa Nazaret ay hindi naniniwala. Hindi nila tinanggap si Jesus bilang nabasbasang Anak ng Diyos kundi bilang anak ng isang lokal na karpintero. Tulad ng sinabi mismo ni Jesus, “Ang isang propeta’y iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak at mga kasambahay” (Mc. 6:4). Ang naging resulta’y, ang tanging nagawa Niya ay pagalingin ang ilang taong “may simpleng karamdaman” (na sinasabi ng isang salin). Tunay na kung may isang lugar na ninais ni Jesus na gumawa ng himala at madramang magpagaling ng mga tao, iyon ay sa Kanyang bayan kung saan Siya namuhay nang matagal. Nguni’t sinasabi ng Biblia na hindi Niya magawa.

Ilan Pang Kaisipan mula kay Lucas (More Insight from Luke)

Dalawang pangunahing paraan ang pagpapagaling ni Jesus: (1) sa pagtuturo ng Salita ng Diyos upang hikayatin ang mga taong manampalatayang gagaling, at (2) sa pagpapairal ng “kaloob na pagpapagaling” na kalooban ng Espiritu Santo. Kung gayon, limitado si Jesus ng dalawang salik sa Kanyang ministeryo ng pagpapagaling: (1) sa di-paniniwala ng mga maysakit, at (2) ang kalooban ng Espiritu Santo na ipakita Siya sa pamamagitan ng “kaloob ng pagpapagaling.”

Malinaw na ang karamihan sa mga tao sa bayan ni Jesus ay walang pananalig sa Kanya. Kahit narinig na nila ang mga himala Niya ng pagpapagaling sa ibang bayan, hindi nila pinaniniwalaang may kapangyarihan Siya upang magpagaling, at kaya naman hindi Niya sila mapagaling. Dagdag pa, malinaw na hindi pinagkalooban ng Espiritu Santo si Jesus ng anumang “kaloob na pagpapagaling” sa Nazaret—kung anuman ang dahilan, walang nakakaalam.

Itinatala ni Lucas nang higit na detalye kaysa kay Marcos ang tunay na nangyari nang dumalaw si Jesus sa Nazaret:

Umuwi si Jesus sa Nazaret, ang bayan na kung saan Siya lumaki. Gaya ng Kanyang nakaugalian, pumasok Siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo Siya upang bumasa, at doo’y ibinigay sa Kanya ang kasulatan ni Propeta Isaias. Binuksan Niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito: “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagka’t hinirang Niya Ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo Niya Ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya, at sa mga bulag na sila’y makakakita. Isinugo Ako upang palayain ang mga inaapi, at upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.” Inirolyo Niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapag-ingat, Siya’y naupo. Nakatitig sa Kanya ang lahat ng nasa sinagoga, at sinabi Niya sa kanila, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.” Pinuri Siya ng lahat, at humanga sila sa Kanyang napakahusay na pananalita. “Hindi ba ito ang anak ni Jose? Tanong nila (Lu. 4:16-22).

Nais ni Jesus na maniwala ang Kanyang mga tagapakinig na Siya ang ipinangakong hinirang sa propesiya ni Isaias, at umaasang maniwala sila at tanggapin ang lahat ng benepisyo ng Kanyang pagkahirang, na ayon kay Isaias, ay kasama ang pagpapalaya sa mga bihag at opresyon pati na ang muling pagkakita ng mga bulag. [1] Nguni’t hindi sila naniwala, at bagama’t humanga sila sa galing Niyang magsalita, hindi sila maniwalang ang anak ni Jose ay natatangi. Sa pagkilala ng kanilang pagdududa, sumagot si Jesus,

Kaya’t sinabi ni Jesus, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang kasabihang ito, ‘Doktor, gamutin mo muna ang iyong sarili! Marahil, sasabihin pa ninyo, ‘Gawin Mo rin dito sa sarili mong bayan ang mga nabalitaan naming ginawa Mo sa Capernaum.’ Tandaan ninyo, walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan (Lu. 4:23-24).

Ang mga tao sa bayan ni Jesus ay naghihintay upang tingnan kung gagawin Niya ang narinig nilang ginawa Niya sa Capernaum. Ang saloobin nila ay hindi tulad ng umaasang pananampalataya kundi pag-aalinlangan. Sa kanilang kakulangan ng pananampalataya nilimitahan nila Siya sa paggawa ng anumang himala o malawakang pagpapagaling.

Iba Pang Limitasyon ni Jesus sa Nazaret (Jesus’ Other Limitation in Nazareth)

Ibinunyag ng sumunod na mga salita ni Jesus sa kawan sa Nazaret na nalimitahan din Siya ng kalooban ng Espiritu Santo upang ipakita ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng “mga kaloob na pagpapagaling”:

Nguni ‘t sinasabi ko sa inyo, maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo’t kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain. Subali’t hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga may ketong sa Israel noong panahon ni Eliseo, wala ni isa mang pinagaling at nilinis maliban kay Naaman, na isang taga-Siria” (Lu. 4:25-27).

Ang punto ni Jesus ay hindi maparami ni Elias ang langis at harina upang sustentuhan ang sinumang biyudang nagugustuhan niya sa tatlong-taong taggutom (tingnan ang 1 Ha. 17:9-16). Bagama’t maraming nagtitiis na biyuda sa Israel nang panahong iyon, hinirang ng Espiritu si Elias upang tulungan ang isang biyuda na hindi pa Israelita. Gayundin, hindi malinis ni Eliseo ang sinumang ketonging nais niyang linisin. Pinatunayan ito ng katotohanang napakaraming ketongin sa Israel nang nalinis si Naaman. Kung siya lamang ang masusunod, nilinis sana ni Eliseo ang mga kapwa Israelita na pawang ketongin bago niya nilinis si Naaman, isang taong sumasamba ng mga diyus-diyosan (tingnan ang 2 Ha. 5:1-14).

Sina Elias at Eliseo ay kapwa propeta—mga taong hinirang ng Espiritu Santo na ginamit sa iba-ibang kaloob ng Espiritu ayon sa kalooban nito. Bakit hindi ipinadala ng Diyos si Elias sa ibang biyuda? Hindi ko alam. Bakit hindi ginamit ng Diyos si Eliseo upang pagalingin ang iba pang ketongin? Hindi ko alam. Walang nakakaalam, kundi ang Diyos.

Nguni’t hindi pinatutunayan ng dalawang karaniwang kuwento sa Lumang Tipan na

hindi kalooban ng Diyos ang mapunan ang lahat ng pangangailangan ng bawa’t biyuda o mapagaling ang bawa’t ketongin. Tinapos na sana ng mga tao sa Israel ang kanilang taggutom sa panahon ni Elias kung sila at ang kanilang masamang hari (Ahab) ay nagsisi sa kanilang kasalanan. Ang taggutom ay isang paraan ng paghatol ng Diyos. At sana lahat ng ketongin sa Israel ay napagaling sa pagsunod at paniniwala sa salita ng kanilang dulot-ng-Diyos na kasunduan, na nakita na natin, ay kasama ang pisikal na pagpapagaling.

Ibinunyag ni Jesus sa Kanyang mga tagapakainig na nasa ilalim Siya ng parehong limitasyong naranasan nina Elias at Eliseo. Sa kung anong dahilan, hindi ibinigay ng Espiritu Santo kay Jesus ang anuman sa mga “kaloob na pagpapagaling” sa Nasaret. Ang katotohanang iyan, dagdag pa sa hindi pananalig ng mga tao sa Nasaret, ang naging sanhi ng pagkawala ng himala sa pamamagitan ni Jesus sa Kanyang bayan.

Pagtingin sa Isang “Kaloob na Pagpapagaling” sa Pamamagitan ni Jesus (A Look at One “Gift of Healing” Through Jesus)

Kung pag-aralan natin ang mga kuwento sa Ebanghelyo tungkol sa iba-ibang pagpapagaling ni Jesus, makikita natin na karamihan sa mga tao ay napagaling, hindi sa pamamagitan ng “kaloob na pagpapagaling,” kundi ng kanilang pananampalataya. Tingnan natin ang pagkakaiba ng dalawang uri ng pagpapagaling sa pagtingin sa halimbawa ng dalawa. Una nating pag-aralan ang kuwento ng lumpong lalaki sa lawa ng Bethzata, na napagaling hindi dahil sa kanyang pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng “kaloob na pagpapagaling” ni Jesus.

Sa lunsod na ito na malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata. Nasa paligid nito ang maraming maysakit, mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko. May isang lalaki doon na tatlumpu’t walong taon nang may sakit. Nakita siya ni Jesus at alam Niyang matagal nang may sakit ang lalaki kaya’t tinanong Niya ito, “Gusto mo bang gumaling?” Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” Noon di’y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad (Jn. 5:2-9).

Paano natin malalaman na napagaling siya, hindi dahil sa kanyang pananampalataya, kundi dahil sa “kaloob na pagpapagaling”? Maraming indikasyon.

Una, pansinin na hindi hinahanap ng lalaking ito si Jesus. Bagkus, nakita siya ni Jesus na nakaupo sa may tubig. Kung hinahanap ng lalaki si Jesus, nagpapakita sana ito ng pananampalataya sa kanyang panig.

Pangalawa, hindi sinabi ni Jesus sa lalaki na pinagaling siya ng kanyang pananampalataya, na siyang laging sinasabi Niya kapag nagpapagaling ng ibang tao

Pangatlo, nang tinanong ang lalaki ng mga Judio kung sino ang nagsabi sa kanya na “tumayo at lumakad,” sumagot siya na hindi man lang niya kilala ang Tao. Kaya malinaw na hindi ang pananampalataya niya kay Jesus ang nagpagaling sa kanya. Ito ay malinaw na kaso ng isang taong napagaling sa pamamagitan ng “kaloob na pagpapagaling,” na ipinakitang kalooban ng Espiritu.

Pansinin din na kahit na may kawan ng maysakit na naghihintay sa paggalaw ng tubig, isa lang ang pinagaling ni Jesus at iniwang maysakit ang lahat ng iba pa. Bakit? Muli, hindi ko alam. Nguni’t ang insidenteng ito ay hindi patunay na kalooban ng Diyos na manatiling maysakit ang ilan. Sinuman at lahat ng maysakit na iyon ay maaaring napagaling sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Katunayan, ito marahil ang dahilan kung bakit napagaling ng di pangkaraniwang kapangyarihan ang isang taong ito—upang hikayatin ang mga tao upang pansinin si Jesus, ang Siyang makapagpapagaling at gagamot sa kanila kung maniniwala lang sila.

Kadalasan, ang “mga kaloob na pagpapagaling” ay nabibilang sa kategorya ng “tanda at kamanghaan,” ibig sabihin, himalang itinakda upang mapansin si Jesus. Kaya ang ebanghelistang sina Felipe ng Bagong Tipan ay nagtataglay ng “kaloob na pagpapagaling,” dahil ang mga himalang ginagawa nila ang nagiging daan upang mapansin ang magandang balitang kanilang ipinangangaral (tingnan ang Gw. 8:5-8).

Hindi dapat maghintay ang mga Cristianong maysakit sa pagdating ng isang may “kaloob na pagpapagaling” dahil maaaring ang tao at kaloob ay hindi kailanman darating. Nariyan ang paggaling sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, at, kahit na hindi lahat ay napapagaling sa pamamagitan ng kaloob na pagpgpagaling, lahat ay mapapagaling ng kanilang pananampalataya. Mga kaloob na pagpapagaling ay inilagay sa iglesia unang-una upang mapagaling ang mga hindi mananampalataya at ang atensyon ay mapunta sa ebanghelyo. Hindi ibig sabihin nito na hindi mapapagaling ang mga Cristiano sa pamamatigan ng kaloob na pagpapagaling. Nguni’t inaasahan ng Diyos na makakatanggap ang Kanyang mga anak ng pagpapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya.

Isang Halimbawa ng Taong Napagaling ng Kanyang Pananampalataya (One Example of a Person Healed By His Faith)

Si Bartimeo ay lalaking bulag na napagaling ng kanyang pananampalataya kay Jesus. Basahin natin ang kuwento sa ebanghelyo ni Marcos.

Dumating sina Jesus sa Jerico. Nang papaalis na Siya sa Jerico kasama ang Kanyang mga alagad at marami pang iba, may nadaanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya’y si Bartimeo na anak ni Timeo. Nang marinig ng bulag na ang nagdaraan ay si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya nang sumigaw, “Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Pinagsabihan siya ng mga taong naroroon upang tumahimik, nguni’t lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” tumigil si Jesus at kanyang sinabi, “Dalhin ninyo siya rito.” At tinawag nga nila ang bulag. “Lakasan mo ang iyong loob. Tumayo ka. Ipinapatawag ka ni Jesus,” sabi nila. Inihagis niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus. “Ano ang gusto mong gawin Ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus. Sumagot ang bulag, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.” Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.” Noon di’y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus (Mc. 10:46-52).

Una pansinin na hindi hinanap ni Jesus si Bartimeo. (Kabaligtaran ito ng nangyari sa tao sa Lawa ng Betesda). Katunayan, naglalakad si Jesus at nalampasan na siya, at kung hindi sumigaw si Bartimeo, nagpatuloy sana sa paglalakad si Jesus. Ibig sabihin, hindi sana napagling si Bartimeo.

Isipin n’yo iyan. Paano kung naupo lang si Bartimeo doon at sinabi sa kanyang sarili, “Kung kalooban ng Diyos na mapagaling, pupuntahan Niya ako at pagalingin.” Ano kaya ang nangyari? Hindi sana gumaling si Bartimeo, kahit na malinaw na ibinubunyag ng kuwentong ito na kalooban ni Jesus na siya ay mapagaling. Ang unang tanda ng pananampalataya ni Bartimeo ay sumigaw siya kay Jesus.

Pangalawa, pansinin na hindi nawalan ng pag-asa si Bartimeo sa mga nagtatangkang patahimikin siya. Nang subukang pahintuin siya sa kasisigaw, “lalo” pa siyang nagsisigaw. (Mc.10:48). Iyan ang nagpapakita ng kanyang pananampalataya.

Pangatlo, pansinin na hindi sinagot ni Jesus ang mga naunang sigaw ni Bartimeo. Siyempre, posibleng hindi Niya narinig ang mga naunang sigaw, nguni’t kung narinig Niya, hindi niya ito sinagot. Sa madaling sabi, sinubukan Niya ang pananampalataya ng tao.

Kung sumuko si Bartimeo pagkasigaw niya minsan, hindi sana siya napagaling.

Tayo rin, ang minsan ay kailangang magpursigi sa pananampalataya dahil kadalasan parang hindi masasagot ang ating panalangin. Diyan sinusubukan ang ating pananampalataya, kaya kailangan nating ipagpatuloy ang pagtayo, tinatanggihan ang paghina ng loob dahil sa mga salungat na pangyayari.

Iba Pang Patunay ng Pananampalataya ni Bartimeo (Further Indications of Bartimaeus’ Faith)

Nang sa wakas ay tawagin na siya ni Jesus, sinasabi ng Biblia na “inihagis niya ang kanyang balabal.” Ang pagkaintindi ko, ang mga bulag sa kapanahunan ni Jesus ay nagsusuot ng isang uri ng balabal na nagpapakitang sila ay bulag. Kung totoo ito, marahil ay inihagis ni Bartimeo ang kanyang balabal nang tawagin siya ni Jesus dahil naniwala siyang hindi na niya kailangang makilala bilang bulag. Kung ganoon, nakikita na naman ang kanyang pananampalataya.

Dagdag pa rito, nang ihagis ni Bartimeo ang kanyang balabal, sinasabi ng Biblia na siya’s “paluksong tumayo,” isang pagpapakita ng kanyang malugod na paghihintay sa isang magandang bagay na mangyayari sa kanya. Ang mga taong may pananampalatayang gagaling ay nalulugod kapag nananalangin silang pagagalingin sila ng Diyos dahil umaasa silang makatanggap ng pagpapagaling.

Pansinin na minsan pang sinubok ni Jesus ang pananampalataya ni Bartimeo nang tumayo siya sa harap Niya. Tinanong Niya kay Bartimeo ang kanyang kagustuhan, at sa sagot ni Bartimeo, malinaw na mapapagaling siya at pagagalingin siya ni Jesus sa pagkabulag.

Sa katapusan, sinabi ni Jesus sa kanya na ang kanyang pananampalataya ang nagpagaling sa kanya. Kung mapagagaling si Bartimeo ng kanyang pananampalataya, mapapagaling din ang sinuman dahil “walang sinisino” ang Diyos.

Higit Pang Pag-aaralan (For Further Study)

Sa ibaba ay itinala ko ang dalawampu’t isang ispesipikong kaso ng pagpapagaling na ginawa ni Jesus na nakatala sa apat na Ebanghelyo. Siyempre, pinagaling ni Jesus ang higit pa sa dalawampu’t isang tao, nguni’t sa lahat ng kasong ito, alam natin ang ilang detalye tungkol sa maysakit at kung paano siya napagaling.

Hinati ko ang listahan sa dalawang bahagi—ang mga napagaling ng pananampalataya at ang mga napagaling sa kaloob ng pagpapagaling. Napansin ko na sa ilang kaso ng mga napagaling ng kanilang pananampalataya, sinabi sa kanila ni Jesus na manahimik tungkol sa kanilang paggaling. Pinaiigting pa nito na hindi “kaloob na pagpapagaling” dahil hindi napagaling ang mga tao upang i-anunsiyo si Jesus o ang magandang balita.

Mga Kaso Kung Saan Pananalig o Paniniwala ay Nabanggit na Sanhi ng Paggaling: (Cases Where Faith or Believing is Mentioned as the Cause of Healing)

1. Ang alipin ng kapitang Romano (o “alila”): Mt. 8:5-13; Lu. 7:2-10 “Mangyari ito sa iyo ayon sa iyong paniniwala.”

2. Ang paralitikong ibinaba sa bubong: Mt. 9:2-8; Mc. 2:3-11; Lu. 5:18-26 “Pagkakita sa kanilang pananampalataya….Sinabi Niya… ‘umuwi na kayo.’”

3. anak ni Jairus: Mt. 9:18-26; Mc. 5:22-43; Lu. 8:41-56 “‘Huwag kayong matakot—maniwala lang’….At mahigpit na pinagbilinan Niya sila na walang dapat makaalam nito.”

4. Ang babaing may isyu sa dugo: Mt. 9:20-22; Mc. 5:25-34; Lu. 8:43-48 “Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo.”

5. Dalawang lalaking bulag: Mt. 9:27-31 “Mangyari ito sa inyo ayon sa iyong paniniwala …huwag sasabihin ito kaninuman!”

6. Bulag na Bartimeo: Mc. 10:46-52; Lu. 18:35-43 “Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

7. Ang sampung ketongin: Lu. 17:12-19 “Pinagaling kayo ng inyong pananampalataya.”

8. Ang anak ng pinuno ng pamahalaan: Jn. 4:46-53 “Naniwala ang lalaki sa sinabi ni Jesus.”

Sa susunod na apat na kaso, ang pananampalataya ng maysakit ay hindi tahasang binanggit, nguni’t ipinahiwatig ng kanyang mga salita at kilos. Halimbawa, ang dalawang bulag na lalaki (sa ika-sampu, sa ibaba) ay sumigaw kay Jesus habang dumadaan Siya tulad ng ginawa ni Bartimeo. Hinanap ng lahat ng may sakit na tao sa apat na halimbawa si Jesus, isang malinaw na indikasyon ng kanilang pananampalataya. Sa tatlo sa susunod na apat na kaso, sinabi ni Jesus sa mga pinagaling Niya na huwag sabihin kaninuman ang nangyari sa kanila, na lalong pagpapakitang ang mga kasong ito ay hindi “kaloob na pagpapagaling.”

9. Ang ketongin na hindi nakakaalam ng kalooban ng Diyos (The leper who didn’t know God’s will): Mt. 8:2-4; Mc. 1:40-45; Lu. 5:12-14 “Huwag mong sasabihin ito kaninuman.”

10. Dalawang bulag na lalaki (malamang na isa sa kanila si Bartimeo): Mt. 20:30-34 “[sila’y] nagsisigaw, ‘Panginoon, mahabag po Kayo sa amin!’”

11. Ang taong bingi at pipi: Mc. 7:32-36 “Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ipamalita ito.”

12. Isang lalaking bulag : Mc. 8:22-26 “Huwag ka nang bumalik sa bayan.”

Ang dalawang pangwakas na kasong ito ng mga taong napagaling sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi totoong napagaling—napalaya sila sa mga demonyo. Nguni’t kinilala ni Jesus ang kanilang pananampalataya bilang sanhi ng kanilang pagpapalaya.

13. Ang batang sinasaniban ng demonyo: Mt. 17:14-18; Mc. 9:17-27; Lu. 9:38-42 “At sinabi ni Jesus sa kanya… ‘Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa.’ Agad namang sumagot ang ama ng bata… ‘Naniniwala po ako; tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya.’”

14. Ang anak ng babaing taga-Tiro: Mt. 15:22-28; Mc. 7:25-30 “Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo.”

Kaso ng mga Taong Napagaling sa Pamamagitan ng “Kaloob na Pagpapagaling” (Cases of People Healed Through “Gifts of Healings”)

Itong huling pitong kaso ay taong malinaw na napagaling sa pamamagitan ng kaloob na pagpapagaling. Subali’t sa unang tatlong kaso, ang pagsunod sa isang ispesipikong utos ni Jesus ang kailangan bago mapagaling ang maysakit. Wala sa mga kasong ito ang pinagsabihan ni Jesus na huwag ipagsabi ang pagpapagaling sa kanya. At wala sa mga kasong ito ang paghahanap ng taong maysakit kay Jesus.

15. Ang lalaking paralisado ang kamay: Mt. 12:9-13; Mark 3:1-5; Luke 6:6-10 “Iunat mo ang iyong kamay.”

16. Ang lalaki sa Lawa ng Bethzata: Jn. 5:2-9 “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.”

17. Ang lalaking ipinanganak na bulag: Jn. 9:1-38 “Humayo ka, maghilamos sa Lawa ng Siloam.” [2]

18. Ang biyenan ni Pedro: Mt. 8:14-15; Mc. 1:30-31; Lu. 4:38-39

19. Ang babaing 18 taon nang kuba: Lu. 13:11-16

20. Ang lalaking napagaling sa manas: Lu. 14:2-4

21. Ang alipin ng pinakapunong pari: Lu. 22:50-51

Pansinin na sa lahat ng dalawampu’t isang halimbawa sa itaas, walang matandang napagaling lamang ng pananampalataya ng isa pang matanda. Sa bawa’t kasong gumaling ang isang tao dahil sa pananampalataya ng isa pang tao, laging isang batang gumagaling dahil sa pananampalataya ng kanyang magulang (tingnan ang halimbawa 1, 3, 8, 13, at 14).

Ang mga posibleng eksepsyon ay mga halimbawa 1 at 2, ang alipin ng kapitang Romano at ang paralitikong ibinaba sa bubong. Sa kaso ng alipin ng kapitang Romano, ang Griegong salitang isinalin na alipin ay ang salitang pais, na maaari ring isaling bata na siyang nasa Mateo 17:18: “At ang bata’y gumaling agad” (idinagdag ang pagdidiin).

Kung talagang iyon ay tunay na alipin ng kapitan at hindi ang kanyang anak, maaaring ang alipin ay batang lalaki. Kung gayon, ang kapitan ang responsable sa bata bilang tagapag-alaga at magkaroon ng pananalig para sa bata tulad ng gagawin ng magulang para sa kanyang anak.

Sa kaso ng paralitikong ibinaba sa bubong, pansinin na ang paralitiko mismo ay may pananampalataya, kung hindi, hindi sana siya pumayag na ibaba siya ng kanyang mga kaibigan sa bubong. Kung gayon hindi siya napagaling lamang ng pananampalataya ng kanyang mga kaibigan.

Lahat nang ito ay nagpapakita na hindi maaaring ang pananampalataya ng isang matanda ay magresulta sa pagpapagaling ng isa pang matanda kung ang maysakit na matanda mismo ay walang pananampalataya. Oo, maaaring manalangin ang isang matanda sang-ayon sa isa pang matandang nangangailangan ng pagpapagaling, nguni’t ang hindi paniniwala ng maysakit ay maaaring sasalungat sa epekto ng pananampalataya ng matandang nananampalataya.

Nguni’t ang mga sarili nating anak ay maaaring mapagaling sa pamamagitan ng ating pananampalataya, hanggang sa natatanging edad. Bagama’t maaabot nila ang edad na aasahan ng Diyos na tatanggap sila sa Kanya batay sa sarili nilang pananampalataya.

Hinihikayat ko kayong masinsinang pag-aralan ang bawa’t halimbawang nakatala sa itaas sa inyong sariling Biblia upang patatagin ang inyong pananampalataya sa itinakdang pagpapagaling ng ating Panginoon.

Ang Kapangyarihang Magpagaling (The Healing Anointing)

Bilang pagtatapos, mahalagang malaman na hinirang si Jesus ng nahahawakang kapangyarihang magpagaling sa panahon ng Kanyang ministeryong panlupa. Ibig sabihin, talagang nararamdaman Niya ang kapangyarihang magpagaling na umaalis sa Kanyang katawan, at sa ilang pagkakataon, ang maysakit na pinapagaling ay makakaramdam ng kapangyarihang iyon habang pumapasok ito sa kanyang katawan. Halimbawa, ang Lucas 6:19 ay nagsasabing, “Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lang sa kanya, sapagka’t may kapangyarihan Siyang nagpapagaling ng lahat ng karamdaman.”

Malinaw na iyang kapangyarihang magpagaling ay papasok pa sa damit ni Jesus kaya kapag ang isang maysakit na tao ay humawak sa Kanyang kasuotan sa pananampalataya, ang kapangyarihang magpagaling ay dadaloy sa kanyang katawan. Mababasa natin sa Marcos 6:56:

At saan man Siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay gumagaling.

Ang babaing may isyu sa dugo (tingnan ang Marcos 5:25-34) ay napagaling sa pamamagitan lamang ng paghawak sa laylayan ng damit ni Jesus sa pag-asang sa pananampalataya ay gagaling.

Hindi lamang si Jesus ang nahirang na magkaroon ng nahahawakang kapangyarihang magpagaling kundi si apostol Pablo rin sa mga huling taon niya sa ministeryo:

Gumagawa roon ang Diyos ng mga pambihirang himala sa pamamagitan ni Pablo. Kahit panyo o damit na kanyang ginamit ay dinadala sa mga maysakit. Gumagaling naman ang mga ito at lumalayas ang masasamang espiritung nagpapahirap sa kanila (Gw. 19:11-12).

Ang nahahawakang kapangyarihang magpagaling ay tumitigmak sa anumang telang nakakabit sa katawan ni Pablo, malinaw na nagpapakitang ang tela ay isang mahusay na konduktor ng kapangyarihang magpagaling!

Hindi nagbago ang Diyos mula sa mga araw nina Jesus o Pablo, kaya huwag tayong magtataka kung hihirangin ng Diyos ang ilan sa Kanyang mga tagapagsilbi ngayon ng kapangyarihang magpagaling, na siyang ibinigay kina Jesus at Pablo. Subali’t ang mga kaloob na ito ay hindi ipinapasa sa mga baguhan, kundi doon lamang sa mga nakapagpatunay na sila’y matapat at di-makasariling naganyak sa mahabang panahon.

 


[1] Ang lahat nang ito’y maaaring tumukoy sa pisikal na pagpapagaling. Ang pagkakasakit ay tunay na maituturing na opresyon, na sinasabi ng Kasulatan na “hinirang ng Diyos ng Espiritu Santo at kapangyarihan [si Jesus], at…Gumawa Siya ng mabubuting bagay, at pinagaling Niya ang mga pinhihirapan ng diyablo” (Gw. 10:38).

[2] Translator’s note: text translated, since Bible used for translation does not contain exact words.

Banal na Pagpapagaling

Kabanata 15

Bagama’t ang paksang banal na pagpapagaling ay nababahiran ng kontrobersiya, ito’y hindi malabong usapin sa Biblia. Katunayan, isa sa sampung nasusulat sa apat na Ebanghelyo ang tungkol sa ministeryo ng pagpapagaling ni Cristo. May mga pangako tungkol sa banal na pagpapagaling sa Lumang Kasunduan, sa mga Ebanghelyo at sa mga sulat sa Bagong Tipan. Ang mga maysakit ay mabubuhayang-loob ng mayamang pahayag na nakabubuhay ng pananampalataya.

Ang malawakang obserbasyon ko sa buong mundo ay kung ang mga iglesia ay puno ng tunay na mananampalataya (tunay na alagad), higit na karaniwan ang banal na pagpapagaling. Kapag ang iglesia ay maligamgam at sanay sa kamunduhan, paminsan-minsan lang itong nagaganap. [1] Hindi natin ito dapat pagtakhan, dahil sinabi sa atin ni Jesus na isa sa mga tandang susunod sa mananampalataya ay ipapatong nila ang kanilang kamay sa maysakit at gagaling ang mga ito (tingnan ang Mc. 16:18). Kung hahatulan natin ang mga iglesia sa mga tandang sinabi ni Jesus na susunod sa mga mananampalataya, maipagpapalagay natin na maraming iglesia ang binubuo ng hindi nananampalataya:

At sinabi ni Jesus sa kanila, “Habang kayo’y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita. Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, nguni’t ang ayaw sumampalataya ay paparusahan. Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba’t ibang wika. Hindi sila maaano kahit dumampot sila ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay” (Mc. 16:15-18).

Tinutularan ng ministrong tagalikha-ng-alagad ang perpektong ministeryo ni Cristo, na tunay na gagamit ng kanyang mga kaloob upang isulong ang ministeryo ng banal na pagpapagaling sa sakop ng impluwensiya. Alam niya na isinusulong ng banal na pagpapagaling ang kaharian ng Diyos sa dalawang paraan. Una, ang mga milagrong pagpapagaling ay mahusay na anunsiyo para sa magandang balita, na naiintindihan ng sinumang batang nagbabasa ng Ebanghelyo ng mga Gawa (na hindi naiintindihan ng maraming ministrong mataas ang pinag-aralan). Pangalawa, ang mga malulusog na alagad ay hindi nahahadlangan sa ministeryo ng personal na karamdaman.

Ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay kailangan ding makiramdam sa mga miyembro ng katawan ni Cristo na nagnanais ng pagpapagaling nguni’t nahirapang tumanggap nito. Kadalasang kailangan nila ng makalingang pagtuturo at mahinahong panghikayat, lalo na kung salungat sila sa anumang mensahe ng pagpapagaling. Kailangang pumili ang ministrong tagalikha-ng-alagad: maaari niyang ganap na iwasan ang pagtuturo ng paksang banal na pagpapagaling, na kapag ginawa niya ito ay walang masasaktan at walang gagaling, o maaari niyang ituro ang paksa nang may pagmamahal at harapin ang pagdaramdam ng ilan habang pinapagaling naman ang iba. Ang personal na opsyon ko ay ang pangalawa, sa paniniwalang sinusunod nito ang halimbawa ni Jesus.

Pagpapagaling sa Krus (Healing on the Cross)

Isang mahusay na lugar upang umpisahan ang pag-aaral ng banal na pagpapagaling ay ang limampu’t tatlong kabanata ng Isaias, pangkalahatang pinaniniwalaang propesiyang messianic. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, maliwanag na ibinahagi ni Isaias ang mahirap na kamatayan ni Jesus at ang gawaing gagampanan Niya sa krus:

Tunay ngang inalis Niya ang ating mga kahinaan, pinagaling Niya ang ating mga karamdaman. Subali’t inakala nating iyo’y parusa ng Diyos sa Kanya. Nguni’t dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nasugatan; Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas Niya at sa mga hampas na Kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Nguni’t ipinataw ni Yahweh sa Kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap (Isa. 53:4-6).

Sa inspirasyon ng Espiritu Santo, idineklara ni Isaias na inako ni Jesus ang ating mga dalamhati at lumbay. Isang higit na mahusay na salin ng orihinal na Hebreo ay nagpapakitang inako ni Jesus ang ating mga karamdaman at sakit, na siyang sinasabi ng maraming mapagkakatiwalaang salin sa kanilang mga tala.

Ang salitang Hebreong isinalin na dalamhati sa Isaias 53:4 ay ang salitang choli, na nakikita rin sa Deuteronomio 7:15; 28:61; 1 Hari17:17; 2 Hari 1:2; 8:8, at 2 Cronica 16:12; 21:15. Sa lahat ng mga kasong iyon isinalin itong karamdaman o sakit. Sa lahat ng mga kasong iyon isinalin itomg sakit o karamdaman.

Ang salitang isinalin na lumbay ay ang salitang Hebreong makob, na matatagpuan din sa Job 14:22 at Job 33:19. Sa dalawang kaso isinalin itong sakit.

Dahil sa lahat nang ito, ang Isaias 53:4 ay higit na mahusay ang pagkasalin, “Tunay na ang ating mga karamdaman Siya Mismo ang nag-ako, at ang ating mga sakit Kanyang dinala.” Ang katotohanang ito ay pinagpasyahan ng direktang sipi ni Mateo sa Isaias 53:4 sa kanyang Ebanghelyo: “Inalis Niya ang ating kahinaan, pinagaling ang ating mga karamdaman” (Mt. 8:17).

Dahil hindi matatakasan ng ilan ang mga katotohanang ito, tinatangka nila tayong kumbinsihin na ang tinutukoy ni Isaias ay ang ating “espiritwal na pagkakasakit.” Subali’t ang pag-uulit ni Mateo sa Isaias 53:4 ay walang pagdududang tinutukoy ni Isaias ang literal na pisikal na karamdaman at sakit. Basahin natin sa konteksto:

Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas Niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Inalis Niya ang ating mga kahinaan, pinagaling ang ating mga karamdaman” (Mt. 8:16-17, idinagdag ang pagdidiin).

Simpleng inihayag ni Mateo na ang pisikal na pagpapagaling ni Jesus ay katuparan ng Isaias 53:4. Walang dudang ang Isaias 53:4 ay pagtukoy kay Cristong umaako ng ating pisikal na kahinaan at karamdaman. [2] Tulad ng pagsasabi ng Biblia na inako ni Jesus ang ating mga parusa (tingnan ang Isaias 53:11), sinasabi rin nito na tinanggap Niya ang ating pagdurusa. Iyan ay balitang magpapasaya sa sinumang maysakit. Dahil sa Kanyang mapagpatawad na sakripisyo, inilaan sa atin ni Jesus ang kaligtasan at pagpapagaling.

Isang Tinatanong (A Question Asked)

Nguni’t kung totoo iyan, bakit hindi lahat gumagaling? Ang sagot sa katanungang iyan ay isa pang tanong: Bakit hindi lahat ng tao ay ipinanganak muli? Lahat ay hindi ipinanganak muli dahil maaaring hindi narinig ang magandang balita o hindi nila ito pinaniniwalaan. Kaya rin, bawa’t tao ay kailangang iakma ang paggaling sa kanyang pananampalataya. Marami pa ang hindi nakakarinig sa kamangha-manghang katotohanan na inako ni Jesus ang kanilang sakit; ang iba ay nakarinig nguni’t tinanggihan nila.

Ang saloobin ng Diyos Ama sa karamdaman ay malinaw na ibinunyag ng ministeryo ng Kanyang mahal na Anak, na tumestigo sa Kanyang Sarili,

Pakatandaan ninyo na walang Magagawa ang Anak sa Kanyang sarili lamang; ang nakikita Niyang ginagawa ng Ama ang siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak (Jn. 5:19).

Mababasa natin sa libro ng Hebreo na si Jesus ay ang “maningning na sinag ng Diyos” (Heb. 1:3). Walang dudang ang saloobin ni Jesus sa karamdaman ay tulad ng kung ano ang saloobin ng Kanyang Ama tungkol dito.

Ano ang saloobin ni Jesus? Minsan man ay hindi Niya tinanggihan ang sinuman na lumapit sa Kanya at magpagaling. Kahit minsan ay hindi Niya sinabi sa isang nais magpagaling, “Hindi, hindi kalooban ng Diyos na gumaling ka, kaya kailangan mong manatiling maysakit.” Laging pinagaling ni Jesus ang mga maysakit na lumapit sa Kanya, at kapag magaling na sila, lagi Niya silang sinasabihan na ang kanilang pananampalataya ang nagpagaling sa kankila. Dagdag pa, idinedeklara ng Biblia na hindi nagbabago ang Diyos (tingnan ang Mal. 3:6) at si Jesu Cristo “ay hindi magbabago kailanman; Siya ay kahapon, ngayon at bukas” (Heb. 13:8).

Pagpapahayag ng Pagpapagaling (Healing Proclaimed)

Sa malas, ngayon ay napababa na ang kaligtasan bilang higit lang sa pagpapatawad ng kasalanan. Nguni’t ang mga Griegong salitang kadalasang isinalin na “naligtas” at “kaligtasan” ay nagpapahiwatig ng mga konseptong hindi lamang kapatawaran, kundi ganap na pagkakapalaya at pagpapagaling. [3] Titingnan natin ang isang lalaki sa Biblia na nakaranas ng kaligtasan sa ganap na ibig sabihin nito. Napagaling siya ng kanyang pananampalataya habang nakikinig siya sa pangaral ni Pablo ng magandang balita sa kanyang lunsod.

…sila’y tumakas papuntang Listra at Derbe, mga lunsod ng Licaonia at sa mga karatig na lupain, at doon sila nangaral ng Magandang Balita. Sa Listra ay may isang lalaking hindi nakakalakad dahil lumpo na ito mula pa nang ito’y isilang. Siya’y nakaupong nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo ay may pananampalatayang siya’y mapapagaling, tinitigan niya ang lumpo at malakas na sinabi, “Tumayo ka!” Lumukso ang lalaki at nagsimulang lumakad (Gw. 14:6-10).

Pansinin na kahit ipinangangaral ni Pablo “ang magandang balita,” nakarinig ang lalaking lumikha ng pananampalataya sa kanyang puso upang tanggapin ang pisikal na pagpapagaling. Sa pinakamaliit na pagkakataon, marahil ay narinig niyang sinabi ni Pablo ang tungkol sa ministeryo ng pagpapagaling ni Jesus, at kung paano pinagaling ni Jesus ang sinumang sa ngalan ng pananampalataya ay humingi ng pagpapagaling. Marahil ay binanggit din ni Pablo ang propesiya ni Isaias na inaako ni Jesus ang ating mga kahinaan at karamdaman. Hindi natin alam, nguni’t dahil “ang pananampalataya ay dala ng pakikinig” (Ro. 10:17), narinig marahil ng lumpong lalaki ang isang bagay na nakapagpadingas ng pananampalataya sa kanyang puso upang gumaling. May sinabi si Pablo na kumumbinsi sa kanya na ayaw ng Diyos na manatili siyang lumpo.

Marahil ay mismong si Pablo ay naniwalang gagaling ang lalaki, kundi di nakuha ng kanyang mga salita upang kumbinsihin ang lalaking magkaroon ng pananampalatayang gumaling, o kaya’y sabihin sa lalaki na tumayo. Ano ang maaaring mangyari kung sinabi ni Pablo ang sinasabi ng maraming modernong ministro? Ano kaya kung ipinangaral niya, “Hindi kalooban ng Diyos na mapagaling ang lahat”? Hindi sana nagkaroon ang lalaki ng pananampalataya upang gumaling. Marahil ipinaliliwanag nito kung bakit marami ang hindi napapagaling ngayon. Ang mga mismong ministro na dapat nagbibigay-inspirasyon sa mga tao upang magkaroon ng pananampalataya sa pagpapagaling ang sumisira ng kanilang pananampalataya.

Muli, pansinin na napagaling ang lalaking ito ng kanyang pananampalataya. Kung hindi siya naniwala, nanatili siyang lumpo, kahit malinaw na kalooban ng Diyos na mapagaling siya. Dagdag pa, siguradong may iba pang taong maysakit sa kawan sa araw na iyon, nguni’t wala tayong tala ng sino pa man na gumaling. Kung gayon, bakit hindi sila gumaling? Sa parehong dahilan na marami sa mga hindi ligtas na tao sa kawan ay hindi naipanganak na muli sa araw na iyon—dahil hindi nila pinaniwalaan ang mensahe ni Pablo.

Hindi natin dapat ipagpalagay na hindi kalooban ng Diyos na pagalingin ang lahat batay sa katotohanang ang ilang tao ay hindi kailanman gagaling. Pareho iyan sa pagpapalagay na hindi kalooban ng Diyos na lahat ay maipanganak muli dahil lamang sa kailanman ay hindi muling naipapanganak ang ilang tao. Kailangang maniwala ang bawa’t tao sa magandang balita para sa kanya kung maliligtas siya, at bawa’t tao ay kailangang maniwala para sa kanyang sarili kung gagaling siya.

Iba Pang Patunay ng Kalooban ng Diyos sa Pagpapagaling ( Further Proof of God’s Will to Heal)

Sa ilalim ng lumang kasunduan, ang pisikal na pagpapagaling ay kasama sa kasunduan ng Israel sa Diyos. Ilang araw lang matapos ang Exodo, ipinangako ng Diyos sa Israel ito:

Kung Ako ay buong puso ninyong susundin, kung gagawin ninyo ang matuwid at susundin ang Aking kautusan at mga tuntunin, hindi Ko ipararanas sa inyo ang alinman sa mga sakit na ipinadala Ko sa Egipto. Akong si Yahweh ang Inyong manggagamot (Exo. 15:26).

Ang sinumang tapat at papaya na ang pagpapagaling ay kasama sa kasunduan ng Israel sa Diyos, depende sa pagsunod ng mga tao. (Siyanga pala, nililinaw ni Pablo sa 1 Corinto 11:27-31 na ang pisikal na kalusugan sa ilalim ng bagong kasunduan ay depende rin sa ating pagsunod.)

Ipinangako rin ng Diyos sa mga taga-Israel:

Akong si Yahweh ang Siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman. Isa man sa mga babaing Israelita ay walang makukunan o mababaog. At bibigyan ko kayo ng mahabang buhay (Exo. 23:25-26, idinagdag ang pagdidiin).

Pagpalain Niya kayo nang higit sa alinmang bansa. Walang magiging baog sa inyo, maging tao o maging alagang hayop man. Ilalayo Niya kayo sa mga karamdaman. Alinman sa mga sakit na ipinaranas sa Egipcio ay hindi niya padadapuin sa inyo kundi sa inyong mga kaaway (Deut. 7:14-15, idinagdag ang pagdidiin).

Kung kasama ang pisikal na pagpapagaling sa lumang kasunduan, nakapagtataka kung bakit hindi ito kasama sa bagong kasunduan, kung tunay na mas mahusay ang bagong kasunduan kaysa sa luma, na siyang sinasabi ng Biblia:

Nguni’t ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Jesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, dahil Siya’y tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti, sapagka’t ang tipang ito ay nababatay sa mas mainam na pangako (Heb. 8:6, idinagdag ang pagdidiin).

Higit Pang Patunay (Yet Further Proof)

Naglalaman ang Biblia ng maraming matibay na pahayag na nagpapatunay na kalooban ng Diyos na pagalingin ang lahat. Hayaan ninyong ilista ko ang tatlong pinakamahusay:

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki’y magsipagpuri sa Kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na pangalan Niya. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti Niyang gawa. Ang lahat kong kasalana’y Siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot Niyang lahat (Awit 103:1-3, idinagdag ang pagdidiin).

Sinong Cristiano ang sasalungat sa deklarasyon ni David na kalooban ng Diyos na patawarin ang lahat ng ating kahinaan? Nguni’t naniwala rin si David na kalooban ng Diyos na pagalingin ang ganoon din karaming karamdaman natin—lahat nang mga ito.

Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa Aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim. Pagka’t itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga’t kagalingan ng katawan (Kaw. 4:20-22, idinagdag ang pagdidiin).

Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesia upang ipanalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang kanyang mga kasalanan (San. 5:14-15, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na ang huling pangakong ito ay para sa sinumang maysakit. At pansinin na hindi ang mga pinuno o ang langis ang nagpapagaling kundi ang “panalanging may pananampalataya.”

Pananampalataya ba ng mga pinuno o ng maysakit? Pananampalataya nilang dalawa. Bahagyang ipinahahayag ng maysakit ang kanyang pananampalataya sa pagtawag sa mga pinuno ng iglesia. Ang hindi paniniwala ng maysakit ang tatanggi sa bisa ng panalangin ng mga pinuno. Ang uri ng panalanging isinulat ni Santiago ay isang mahusay na halimbawa ng “panalangin ng pagsang-ayon” na binanggit ni Jesus sa Mateo 18:19. Ang dalawang panig sa panalanging ito ay kailangang “sumang-ayon.” Kung naniniwala ang isa at ang isang tao ay hindi naniniwala, hindi sila sumasang-ayon.

Alam din natin na sa maraming pahayag sa Biblia binabanggit si Satanas na pinanggalingan ng sakit (tingnan ang Job 2:7; Luc. 13:16; Gw. 10:38; 1 Cor. 5:5). Kung gayon makatwiran na salungat ang Diyos sa gawain ni Satanas sa katawan ng Kanyang mga anak. Higit tayong mahal ng ating Ama nang higit pa sa pag-ibig ng makalupang ama sa Kanyang mga anak (tingnan ang Mt. 7:11), at hindi pa ako nakakita ng amang ninais magkasakit ang kanyang anak.

Bawa’t pagpapagaling na ginawa ni Jesus sa Kanyang makalupang ministeryo, at bawa’t pagpapagaling na nakatala sa libro ng Mga Gawa, ay dapat manghikayat sa atin upang maniwalang nais ng Diyos na tayo ay lumusog. Madalas na pinagaling ni Jesus ang mga taong naghanap sa Kanya at nanghihingi ng kagalingan, at kinilala Niya ang kanilang pananampalataya sa kanilang milagro. Pinatutunayan niyan na hindi pinili ni Jesus ang ilang eksklusibong taong nais Niyang gumaling. Sinumang maysakit ay makakalapit sa Kanya at gagaling. Nais Niyang pagalingin silang lahat, nguni’t hinihingi Niya ang kanilang pananampalataya.

Sagot sa Ilang Karaniwang Pagtutol (Answers to Some Common Objections)

Marahil ang pinaka-karaniwang pagtutol sa lahat nang ito ay hindi batay sa Salita ng Diyos, kundi mga karanasan ng tao. Kadalasang ganito ang tinatakbo: “May alam akong mahusay na Cristianong babae na nanalangin upang gumaling sa cancer, nguni’t namatay siya. Patunay na hindi kalooban ng Diyos na pagalingin lahat.”

Kailanman ay hindi natin dapat tangkaing alamin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng anupaman kundi ang Kanyang Salita. Halimbawa, kung naglakbay ka sa nakaraan at tiningnan ang paglalagalag ng mga Israelita sa kaparangan nang apatnapung taon samantalang ang lupaing umaapaw sa gatas at pulot ay naghihintay lamang sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan, marahil ay naipagpalagay mo na hindi kalooban ng Diyos na pumasok ang Israel sa ipinangakong lupain. Nguni’t kung kilala mo ang Biblia, alam mo na hindi iyan ang kaso. Talagang kalooban ng Diyos na pasukin ng Israel ang Ipinangakong Lupain, nguni’t nabigo sila dahil sa kanilang kawalan ng paniniwala (tingnan ang Hebreo 3:19).

Paano iyong lahat ng taong nasa impiyerno na ngayon? Kalooban ng Diyos na pumaroon sila sa langit, nguni’t hindi nila natupad ang mga kundisyon ng pagsisisi at pananampalataya sa Panginoong Jesus. Gayundin, hindi natin malaman ang kalooban ng Diyos tungkol sa pagpapagaling sa pagtingin sa mga maysakit. Dahil lamang sa nananalangin ang isang Cristiano upang gumaling at nabigong makatanggap nito, hindi patunay na hindi kalooban ng Diyos na pagalingin ang lahat. Kung ang Cristianong iyon ay nakatupad sa lahat ng kundisyon ng Diyos, napagaling sana siya, kundi sinungaling ang Diyos. Kung nabigo tayo sa pagtanggap ng pagpapagaling at sinisi ang Diyos sa dahilang ang pagpapagaling ay hindi Niya kalooban, hindi tayo naiiba sa hindi naniniwalang Israelitang namatay sa kaparangan na naniniwalang hindi kalooban ng Diyos na pumasok sila sa Ipinangakong Lupain. Higit na mabuti pang lunukin na lamang ang ating kahambugan at amining tayo ang dapat sisihin.

Tulad ng inihayag ko sa nakaraang kabanata tungkol sa pananampalataya, maraming tapat na Cristiano ang nagkakamaling tumapos ng kanilang panalangin sa pagpapagaling sa nakasisira-ng-pananampalatayang katagang, “Kung ito ang Iyong kalooban.” Ibinubunyag lamang nito na hindi sila nananalangin sa pananampalataya dahil hindi sila nakatitiyak sa kalooban ng Diyos. Pagdating sa pagpapagaling, ang kalooban ng Diyos ay napakapayak, na siyang nakita na natin. Kung alam mong nais ng Diyos na pagalingin ka, walang dahilan upang idagdag ang “kung ito ang Iyong kalooban” sa iyong panalangin sa pagpapagaling. Magiging katumbas niyan ang pagsasabi mo sa Panginoon, “Panginoon, alam kong ipinangako Mong pagalingin ako, nguni’t halimbawa lang na nagsisinungaling Ka, hinihingi kong pagalingin Mo ako kung talagang kalooban Mo.”

Tunay din talagang maaaring disiplinahin ng Diyos ang mga sumusuway na mananampalataya sa pagpapayag na dapuan sila ng karamdaman, hanggang mamatay na wala sa panahon sa ilang pagkakataon. Ang mga nasabing mananampalataya ay malinaw na kinakailangang magsisi bago makatanggap ng pagpapagaling (tingnan ang 1 Cor. 11:27-32). May mga ibang sa pagpapabayang pag-ingatan ang kanilang katawan ay ibinubukas ang sarili sa karamdaman. Kailangang sapat ang katalinuhan ng mga Cristiano upang panatilihin ang masustansiyang pagkain, ang kumain lamang ng katamtaman, regular na mag-ehersisyo, at mamahinga kung kinakailangan.

Pangalawang Karaniwang Pagtutol (A Second Common Objection)

Laging sinasabi, “May tinik sa laman si Pablo, at hindi siya pinagaling ng Diyos.”

Nguni’t ang idea na ang tinik ni Pablo ay isang sakit ay masamang teoryang teolohikal dahil sa katotohanang sinabi sa atin ni Pablo kung ano ang tinik niya—isang kampon ni Satanas.

Nguni’t upang hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyos sa akin, ako’y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing sugo ni Satanas upang pahirapan ako, nang sa gayo’y hindi ako maging palalo. Tatlong beses kong ipinalangin sa Panginoon upang alisin ito, nguni’t ganito ang kanyang sagot, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo (2 Cor. 12:7-9, idinagdag ang pagdidiin).

Ang salitang isinalin na sugo ay ang salitang “aggelos,” na naisaling anghel o mga anghel sa mahigit 160 lugar na matatagpuan sa Bagong Tipan. Ang tinik sa laman ni Pablo ay isang kampon ni Satanas na ipinadala upang suntukin siya; hindi ito karamdaman o sakit.

Pansinin din na walang banggit na nananalangain si Pablo upang mapagaling ni indikasyon na tumangging pagalingin siya ng Diyos. Tatlong pagkakataong hiningi ni Pablo sa Diyos kung maaari Niyang alisin ang sumusuntok na kampon, at sinabi ng Diyos na ang Kanyang pagpapala ay sapat.

Sino ang nagbigay kay Pablo ng tinik? Naniniwala ang ilan na si Satanas, dahil ito ay tinatawag na “kampon ni Satanas.” Ang ilan ay naniniwala na ang Diyos dahil malinaw na ibinigay ang tinik kay Pablo upang hindi siya maging mayabang. Mismong si Pablo ay nagsabing, “Upang hindi ako maging mayabang.”

Isinasalin ito ng King James version nang may pagkakaiba. Sa halip na sabihing “upang hindi ako maging mayabang,” ang sabi nito ay “baka ako’y parangalan nang sobra-sobra.” Mahalagang pagkakaiba ito dahil hindi tutol ang Diyos sa parangal. Katunayan, ipinangangako Niyang pararangalan tayo kapag tayo’y nagpakumbaba. Kaya posible na ang Diyos ang nagpaparangal at si Satanas ang nagtatangkang pumigil sa pagpaparangal kay Pablo sa pamamagitan ng pagtalaga ng ispesipikong sumusuntok na kampon upang gumawa ng kaguluhan sa tuwing magbibiyahe si Pablo. Nguni’t sinabi ng Diyos na gagamitin Niya ang mga pagkakataon para sa Kanyang kaluwalhatian dahil ang Kanyang kapangyarihan ay higit na maipakikita sa buhay ni Pablo dahil sa kanyang kahinaan.

Gayumpaman, ang sabihing maysakit si Pablo at tumanggi ang Diyos na pagalingin siya ay isang distorsyon ng tunay na sinasabi ng Biblia. Sa pahayag tungkol sa kanyang tinik sa laman, kailanman ay hindi binanggit ni Pablo ang ano mang karamdaman. Walang anumang pagtanggi sa panig ng Diyos upang pagalingin siya sa sinasabing karamdaman. Kung ang isang tapat na tao ay babasa sa talaan ni Pablo ng lahat ng pagsubok sa kanya sa 2 Corinto 11:23-30, wala siyang makikitang karamdaman o sakit na binanggit kahit minsan.

Pagpapalawig ng Parehong Tema (An Elaboration on the Same Theme)

Tinututulan ng ilan ang paliwanag ko tungkol sa tinik ni Pablo, at sinasabing, “Nguni’t hindi ba si Pablo mismo ang nagsabi sa mga taga-Galacia na maysakit siya nang una siyang nangaral ng magandang balita doon? Hindi ba’t ang tinik niya sa laman ang kanyang tinutukoy?”

Ito ang totoong isinulat ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Galacia:

Alam naman ninyo na kaya ko ipinangaral noon sa inyo ang Magandang Balita ay dahil nagkasakit ako. Gayunman, hindi niyo ako tinakwil o tinanggihan, kahit na naging pasanin ninyo ako dahil sa aking karamdaman. Sa halip, tinanggap ninyo ako na parang anghel ng Diyos, at para pa ngang si Cristo Jesus (Ga. 4:13-14).

Ang Griegong salitang isinalin na karamdaman dito sa Galacia 4:13 ay asthenia, na ang literal na ibig sabihin ay “kahinaan.” Maaaring kahinaan dahil sa karamdaman, nguni’t hindi kailangan.

Halimbawa, isinulat ni Pablo, “ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao” (1 Cor. 1:25, idinagdag ang pagdidiin). Ang salitang isinalin na kahinaan sa pagkakataong ito ay ang salitang asthenia rin. Walang katuturan kung isinalin ito ng mga tagasalin na “ang karamdaman ng Diyos ay higit na malakas kaysa sa tao.” (Tingnan din ang Mt. 26:41 at 1 Pedro 3:7, kung saan ang salitang asthenia ay isinaling kahinaan at hindi kailanman maisasalin na karamdaman).

Nang unang dinalaw ni Pablo ang Galacia, na nakatala sa libro ng Mga Gawa, walang banggit ng kanyang pagkakasakit. Nguni’t may banggit tungkol sa pambabato sa kanya hanggang halos mamatay, at maaaring muli siyang binuhay o himalang nakaligtas (tingnan ang Gw. 14:5-7, 19-20). Siguradong ang katawan ni Pablo, pagkatapos pagbabatuhin at iniwang mamatay-matay, ay nasa kalunus-lunos na kalagayang puno ng sugat. Hindi nagkasakit si Pablo sa Galacia na pagsubok sa kanyang mga tagapakinig. Bagkus, mahina ang kanyang katawan dahil sa nangyaring pambabato. Malamang, puno pa rin ang katawan niya ng mga pilat na galing sa Galacia nang sinulatan ang mga taga-Galacia, dahil tinapos niya ang kanyang sulat sa mga salitang ito:

Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap. Sapat na ang mga pilat na taglay ko para makilalang ako’y lingkod ng Diyos (Ga. 6:17).

Isa Pang Pagtutol: “Naghihirap Ako para sa Kaluwalhatian ng Diyos”(Another Objection: “I’m Suffering for the Glory of God”)

Ang pagtutol na ito ay ginagamit ng ilan na kumuha ng berso mula sa kuwento ng pagpapabuhay kay Lazaro bilang batayan ng kanilang pag-angkin na sila’y naghihirap para sa kaluwalhatian ng Diyos. Tungkol kay Lazaro, ito ang sinabi ni Jesus:

Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito’y maparangalan ang Anak ng Diyos (Jn. 11:4).

Hindi sinasabi ni Jesus na napaparangalan ang Diyos dahil sa karamdaman ni Lazaro, kundi mapaparangalan ang Diyos nang mapagaling at mabuhay muli si Lazaro. Ibig sabihin, ang kinalabasan ng karamdaman ay hindi kamatayan, kundi ang pagpaparangal sa Diyos. Hindi pinararangalan ang Diyos sa karamdaman; napaparangalan Siya sa pagpapagaling. (Tingnan din ang Mt. 9:8; 15:31; Lu. 7:16; 13:13 at 17:15, kung saan nakapagparangal sa Diyos ang pagpapagaling.)

Isa Pang Pagtutol : “Sinabi ni Pablo na Iniwan Niyang Maysakit sa Miletum si Trophimus” (Another Objection: “Paul Said He Left Trophimus Sick at Miletum”)

Nagkataong isinusulat ko ang pangungusap na ito sa isang lunsod sa Germany. Nang nilisan ko ang aking bayan sa Estados Unidos noong nakaraang linggo, iniwan ko ang maraming maysakit. Iniwan ko ang mga ospital na puno ng taong maysakit. Nguni’t hindi ibig sabihin niyan na hindi kalooban ng Diyos na gumaling silang lahat. Dahil lamang sa iniwan ni Pablo ang isang maysakit sa isang lunsod na dinalaw niya ay hindi patunay na hindi kalooban ng Diyos na gumaling ang taong iyon. Paano na ang maraming hindi ligtas na tao na iniwan din ni Pablo? Patunay ba iyan na hindi kalooban ng Diyos na sila’y maligtas? Siyempre hindi.

Isa Pang Pagtutol: “Para Akong si Job!” (Another Objection: “I’m Just Like Job!”)

Purihin ang Panginoon! Kung nabasa mo ang katapusan ng kuwento ni Job, alam mong gumaling siya. Hindi kalooban ng Diyos na manatiling maysakit si Job, at hindi rin kalooban ng Diyos na manatili kang maysakit. Pagpapatotoong muli ang kuwento ni Job na ang kalooban ng Diyos ay laging pagpapagaling.

Isa Pang Pagtutol: Ang Payo ni Pablo kay Timoteo Tungkol sa Kanyang Tiyan (Another Objection: Paul’s Advice to Timothy About His Stomach)

Alam natin na sinabi ni Pablo kay Timoteo na uminom ng kaunting alak na gamot sa madalas na pagsakit ngkanyang sikmura (tingnan ang 1 Tim. 5:23).

Katunayan, sinabi ni Pablo kay Timoteo na huminto sa pag-inom ng tubig at gumamit ng kaunting alak para sa kanyang sikmura at madalas na pagkakasakit. Mukhang ipinakikita nito na masama ang tubig. Malinaw na kung umiinom ka ng kontaminadong tubig, hintuan mo ang pag-inom nito at uminom ng iba, kundi magkakasakit ang iyong tiyan tulad ni Timoteo.

Isa Pang Pagtutol: Nagpagaling Lamang si Jesus Upang Patunayan ang Pagiging Diyos (Another Objection: “Jesus Only Healed to Prove His Deity.”)

Nais ng ilan na maniwala tayong ang dahilan lamang ni Jesus upang magpagaling ay patunayan ang Kanyang pagka-diyos. Ngayon at napatunayan na ang Kanyang pagka-diyos, ipinagpapalagay na hindi na Siya nagpapagaling.

Iyan ay ganap na mali. Totoo na ang mga himala ni Jesus ay dahilan ng pagpapagaling Niya ng mga tao sa kapanahunan ng ministeryo Niyang panlupa. Maraming ulit na pinagbawalan ni Jesus ang mga taong pinagaling Niya na sabihin kaninuman ang nangyari sa kanila (tingnan ang Mt. 8:4; 9:6, 30; 12:13 -16; Mc. 5:43; 7:36; 8:26). Kung nagpagaling ng mga tao si Jesus na ang tanging layunin ay patunayan ang Kanyang pagka-diyos, sinabihan sana Niya ang mga taong iyon na ipagsabi ang ginawa Niya para sa kanila.

Ano ang motibasyon ng pagpapagaling ni Jesus? Maraming ulit na sinasabi ng Biblia na nagpagaling Siya dahil “napuno ng pagkahabag” (tingnan ang Mt. 9:35-36; 14:14; 20:34; Mc. 1:41; 5:19; Lu. 7:13). Ang dahilan ng pagpapagaling ni Jesus ay mahal Niya ang mga tao at puno Siya ng pagkahabag. Nabawasan ba ang pagkamahabagin ni Jesus mula noong naglingkod siya sa panlupang ministeryo? Siyempre hindi!

Isa Pang Pagtutol: “May Dahilan ang Diyos na Naisin Akong Magkasakit” (Another Objection: “God Wants Me to be Sick for Some Reason.”)

Imposible iyan batay sa lahat ng nakita na nating pahayag. Kung nagpupursigi ka sa pagsuway, maaaring totoo na pinayagan ng Diyos ang iyong karamdaman upang ikaw ay magsisi. Nguni’t hindi pa rin Niya kalooban para manatili kang maysakit. Nais Niyang magsisi ka at gumaling.

Gayundin, kung nais ng Diyos na ikaw ay magkasakit, bakit ka nagpapagamot sa duktor at umiinom ng gamot, at umaasang gagaling? Tinatangka mo bang umalpas sa “kalooban ng Diyos “?

Pinal na Pagtutol : “Kung Hindi Tayo Magkakasakit, Paano Tayo Mamamatay?” (A Final Objection: ”If We Never Suffer Disease, How Will We Die?”)

Alam natin na itinuturo ng Biblia na ang ating mga pisikal na katawan ay humihina (tingnan ang 2 Cor. 4:16). Wala tayong magagawa upang iwasan ang pagputi ng ating buhok at ang katawan upang tumanda. Sa kalaunan ang ating paningin at pandinig ay hindi na kasinlakas ng mga ito nang tayo ay bata pa. Hindi na tayo ganoon kabilis tumakbo. Unti-unti tayong nanghihina.

Nguni’t hindi ibig sabihin na mamamatay tayo sa karamdaman o sakit. Maaaring ganap na bibigay na lang ang ating katawan, at kung mangyari iyan, lilisanin ng espiritu ang ating katawan kapag tinawag na tayo ng Diyos pauwi sa langit. Maraming mananampalataya ang namatay na ganyan. Bakit hindi ikaw?

 


[1] Sa ilang iglesia sa Hilagang Amerika, susuong sa pakikipagsapalaran ang isang ministro upang magturosa pakasang ito dahil sa malakas na pagtanggingNorth America, a minister would take great risks to teach on this subject due to the heavy resistance he would susuungin niya sa mga tinatawag na mananampalataya. Nakaranas din paminsan-minsan si Jesus ng pagtanggi at di-paniniwala mula sa mga tinatawag na mananampalataya, na nakaantala ng Kanyang ministeryo (tingnan ang Mc. 6:1-6).

[2] Pinanghahawakan ang anumang maaaring pag-angklahan ng kanilang di-paniniwala, nagtatangka ang ilan na kumbinsihin tayo na ganap na tinupad ni Jesus ang Isaias 53:4 sa pagpapagaling ng mga tao nang gabing iyon sa Capernaum. Nguni’t sinabi ni Isaias na inako ni Jesus ang ating karamdaman, tulad ng sinabi rin niya na nalulungkot si Jesus sa ating kahinaan (Ikumpara ang Isa. 53:4 at 5). Inako ni Jesus ang mga karamdaman ng mga taong ikinalungkot Niya ang kahinaan. Kung gayon, ipinapakita lang ni Mateo na ang ministeryo ng pagpapagaling ni Jesus sa Capernaum ay nagpatunay na Siya ang Mesias na tinutukoy sa Isaias 53, na Siyang aako ng ating kahinaan at karamdaman.

[3] Halimbawa, sinabi ni Jesus sa isang babae na napagaling Niya sa pagdurugo, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya”(Mc. 5:34). Ang Griegong salitang isinaling “napagaling”sa bersong ito (sozo)at sampung beses pa sa Bagong Tipan ay isinaling “ligtas” o “iniligtas”nang higit walumpung beses sa Bagong Tipan. Ito, halimbawa, ang parehong salitang isinaling “nailigtas” sa Efe. 2:5, “Nailigtas nga kayo dahil sa Kanyang kagandahang loob.” Kaya makikita natin na ang pisikal na pagpapagaling ay ipinahiwatig sa ibig sabihin ng salitang Griegong kadalasang isinasalin bilang “nailigtas.”

Batayán ng Pananampalataya

Kabanata 14

 

Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin Siya mabibigyang kaluguran, sapagka’t ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa Kanya (Heb. 11:6).

Bilang mananampalataya, ang ating pananalig ay itinayo sa pundasyon na mayroong Diyos, at itinuturing Niya ang mga taong sumusunod sa Kanya na iba kaysa mga taong hindi sumusunod sa Kanya. Kapag tunay na pinaniniwalaan na natin ang dalawang bagay na iyon, binibigyang-kaluguran na natin ang Diyos, dahil agad natin Siyang sinusundan. Ang pagsunod sa Diyos ay nangangahulugang (1) pinag-aaralan ang Kanyang kalooban , (2) tumatalima sa Kanya, at (3) nagtitiwala sa Kanyang mga pangako. Lahat ng tatlo ay dapat kasama sa ating araw-araw na pagtahak.

Ang pokus ng kabanatang ito ay ang ating paglakad sa pananampalataya. Sa malas ay marami ang nagdidiin ng pananampalataya sa hindi na makabibliang sukdulan, partikular na idinidiin ang materyal na paglago. Dahil diyan, natatakot ang ilan na sumabak sa paksa. Nguni’t dahil lamang sa nalulunod ang ilang tao sa ilog ay hindi ibig sabihin na titigil tayo sa pag-inom ng tubig. Maaari tayong manatiling balanse at makabiblia. Maraming maituturo ang Biblia tungkol sa paksa, at nais ng Diyos na manampalataya tayo sa Kanyang maraming pangako.

Nagbigay-halimbawa si Jesus bilang isang nananampalataya sa Diyos, at inasahan Niya ang Kanyang mga alagad na sundin ang Kanyang halimbawa. Gayundin, ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay nagsisikap magbigay-halimbawa ng pagtitiwala sa Diyos, at itinuturo niya sa kanyang mga alagad na magtiwala sa mga pangako ng Diyos. Napakahalaga nito. Hindi lamang imposibleng aliwin ang Diyos nang walang pananampalataya, imposibleng makatanggap ng sagot sa ating panalangin kung walang pananampalataya (tingnan ang Mt. 21:22; San. 1:5-8). Malinaw na itinuturo ng Biblia na hindi nakakatanggap ng biyaya ang mga nagdududa na natatanggap ng mga nananampalataya. Sinabi ni Jesus, “Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya” (Mc. 9:23).

Pagpapaliwanag sa Pananampalataya (Faith Defined)

Ang biblikal na depinisyon ng pananampalataya ay nakikita sa Hebreo 11:1:

Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

Mula sa depinisyong ito, malalaman natin ang maraming katangian ng pananampalataya. Una, ang isang may pananampalataya ay nagtataglay ng katiyakan, o kumpiyansa. Iba ito sa pag-asa, dahil ang pananampalataya ay ang “katiyakan tungkol sa mga bagay na inaasahan.” Ang pag-asa ay laging nag-iiwan ng lugar upang magduda. Ang pag-asa ay laging nagsasabing “marahil.” Halimbawa, masasabi kong, “May pag-asa akong uulan ngayon upang madiligan ang aking hardin.” Nais ko ang ulan, nguni’t hindi ako sigurado kung uulan. Sa kabilang banda, ang pananampalataya ay laging sigurado, ang “katiyakan tungkol sa mga bagay na inaasahan.”

Ang tinatawag ng mga tao na pananampalataya, o pananalig, ay kadalasang hindi pananampalataya sa biblikal na depinisyon. Maaari nilang tingnan ang madilim na ulap sa kalangitan, halimbawa, at sabihing, “Naniniwala akong uulan.” Nguni’t hindi sila sigurado na uulan—iniisip lang nila na may malaking posibilidad na maaaring umulan. Hindi iyan biblikal na pananampalataya. Ang biblikal na pananampalataya ay walang elemento ng pagdududa. Hindi nag-iiwan ng lugar upang magkaroon ng kalabasang iba sa ipinangako ng Diyos.

Ang Pananampalataya ay Katiyakan ng mga Bagay na Hindi Nakikita (Faith is the Conviction of Things Not Seen)

Ang depinisyong nakikita sa Hebreo 11:1 ay naghahayag din na ang pananampalataya ay ang “katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.” Kung gayon, kung nakikita natin ang isang bagay o nararamdaman sa pamamagitan ng limang pandama, hindi na kinakailangan ng pananampalataya.

Kung sinabi ng isang tao sa iyo ngayundin, “Hindi ko maipaliwanag, nguni’t nananampalataya akong may libro sa iyong mga kamay.” Maiisip mo, siyempre, na may diperensiya ang taong iyan. Masasabi mong, “Hindi mo kailangang maniwala na may libro sa aking mga kamay, dahil nakikita mo na nakahawak ako ng libro.”

Ang pananampalataya ay nasa mga bagay na hindi nakikita. Halimbawa, habang sinusulat ko ang mga salitang ito, naniniwala ako na may anghel malapit sa akin. Katunayan, sigurado ako. Paano ako nakasisiguro? Nakakita na ba ako ng anghel? Hindi. Nakaramdam o nakarinig na ba ako ng anghel na lumipad? Hindi. Kung nakakita o nakarinig ako ng anghel, hindi ko na kailangang paniwalaan na may anghel malapit sa akin—alam ko.

Kaya bakit sigurado ako na may presensya ng anghel? Ang aking kasiguruhan ay nag-uugat sa isa sa mga pangako ng Diyos. Sa Awit 34:7, ipinangako Niya, “Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila’y kinukupkop.” Wala akong ebidensiya sa aking paniniwala maliban sa salita ng Diyos. Iyan ang tunay na pananampalatayang biblikal—ang “katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.” Ang mga tao sa mundo ay kadalasang gumagamit ng ekspresyong, “Ang pagtingin ay paniniwala.” Nguni’t sa kaharian ng Diyos ang kabaligtaran ang totoo: “Ang paniniwala ay pagtingin.”

Kapag nagkaroon tayo ng pananampalataya sa isa sa mga pangako ng Diyos, kadalasan ay nahaharap tayo sa mga pangyayaring tumutukso sa atin upang magduda, o dadaam tayo sa isang panahon na waring hindi tinutupad ng Diyos ang Kanyang pangako dahil ang mga pangyayari sa buhay natin ay hindi nagbabago. Sa mga kasong iyon, kailangan lang natin na labanan ang mga pagdududa, magpursigi sa pananampalataya, at manatiling kumbinsido sa ating puso na laging tinutupad ng Diyos ang Kanyang Salita. Kailanma’y hindi sinungaling ang Diyos (tingnan ang Tito 1:2).

Paano Tayo Nagkakaroon ng Pananampalataya? (How Do We Acquire Faith?)

Dahil ang pananampalataya ay batay lamang sa mga pangako ng Diyos, may iisang pagkukunan ng pananampalatayang biblikal—ang Salita ng Diyos. Sinasabi ng Roma 10:17, “Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo” (Ro. 10:17, idinagdag ang pagdidiin). Ibinubunyag ng Salita ng Diyos ang Kanyang kalooban. Sa pamamagitan lamang ng pagkatuto ng salita ng Diyos na mapaniniwalaan natin ito.

Kaya kung nais mong magkaroon ng pananampalataya, kailangan mong pakinggan (o basahin) ang mga pangako ng Diyos. Ang pananampalataya ay hindi dumarating sa pagpapanalangin dito, pag-aayuno, o pagpapatong ng kamay sa iyo upang ibigay ito. Dumarating lamang ito sa pakikinig sa Salita ng Diyos, at pag narinig mo ito, kailangan mo pang magpasya kung paniniwalaan mo.

Sa kabila ng pagkakaroon ng pananampalataya, ang ating pananampalataya ay maaari ring lumago. Binabanggit ng Biblia ang iba-ibang lebel ng pananampalataya—mula maliit hanggang sa pananampalatayang nakapagpapagalaw ng mga bundok. Lumalago ang pananampalataya habang ito ay napapakain at nagagamit, tulad ng masel ng tao. Kailangan nating pakainin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagmumuni sa Salita ng Diyos. Kailangan nating gamitin sa pamamagitan ng pagkilos at pagganti sa lahat batay sa Salita ng Diyos. Kasama rito ang mga panahon ng pagharap sa mga problema, ligalig at alalahanin. Ayaw ng Diyos na maligalig ang Kanyang mga anak dahil sa anumang bagay, kundi pagkatiwalaan Siya sa lahat ng sitwasyon (tingnan ang Mt. 6:25-34; Fil. 4:6-8; 1 Ped. 5:7). Ang pagtanggi sa pag-aalala ay isang paraan lamang ng paggamit ng ating pananampalataya.

Kung tunay na naniniwala tayo sa sinabi ng Diyos sa atin, kikilos at magsasalita tayo na waring totoo ito. Kung naniniwala ka na si Jesus ay anak ng Diyos, magsasalita at kikilos ka bilang isang taong naniniwala dito. Kung naniniwala kang ibibigay ng Diyos ang lahat iyong pangangailangan, magsasalita at kikilos kang tulad nito. Kung naniniwala kang nais ng Diyos na ikaw ay malusog, kikilos at magsasalita kang ganito. Puno ang Biblia ng mga halimbawa ng mga taong sa gitna ng matinding pangyayari, ay kumilos ayon sa kanilang pananampalataya at nakatanggap ng milagro dahil dito. Titingnan natin ang ilan sa kabanatang ito at sa isang susunod na kabanata tungkol sa banal na pagpapagaling. (Para sa ilang magagandang halimbawa, tingnan ang 2 Ha. 4:1-7; Mc. 5:25-34; Lu. 19:1-10; at Gw. 14:7-10.)

Ang Pananampalataya ay sa Puso (Faith is of the Heart)

Ang pananampalatayang Biblikal ay hindi umiiral sa ating mga isip, kundi sa ating puso. Isinulat ni Pablo, “Sapagka’t sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso” (Ro. 10:10a). Sinabi ni Jesus,

Tandaan ninyo ito: kung kayo’y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari (Mc. 11:23, idinagdag ang pagdidiin).

Posibleng magkaroon ng pagdududa sa inyong isip nguni’t may pananampalataya sa inyong puso at tanggapin ang ipinangako ng Diyos. Katunayan, kadalasan na ninanais natin ang mga pangako ng Diyos, ang ating mga isip, na naimpluwensiyahan ng ating mga pandama at kasinungalingan ni Satanas, ay aatakihin ng pagdududa. Sa mga pagkakataong iyon kailangan nating halinhan ang mga nagdududang pag-iisip ng mga pangako ng Diyos at maging matatag sa pananampalataya nang walang pag-aalinlangan.

Karaniwang Pagkakamali sa Pananampalataya (Common Faith Mistakes)

Kung minsan kapag tinatangka nating gamitin ang pananampalataya sa Diyos, hindi natin matanggap ang nais natin dahil hindi tayo kumikilos ayon sa Salita ng Diyos. Isa sa karaniwang pagkakamali ay nangyayari kapag tinatangka nating paniwalaan ang hindi ipinangako ng Diyos sa atin.

Halimbawa, nasa Biblia na ang mga mag-asawa ay magtiwala sa pagkakaroon ng anak dahil may pinananaligan silang pangako na nasasaad sa Salita ng Diyos. May kilala akong mga mag-asawa na nasabihan ng mga duktor na kailanman ay hindi sila magkakaanak. Nguni’t pinili nilang maniwala sa Diyos, pinaninindigan ang mga pangakong nakatala sa ibaba, at ngayon ay magulang sila ng malulusog na anak:

Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman. Isa man sa mga babaing Israelita ay walang makukunan o mababaog. At bibigyan ko kayo ng mahabang buhay (Exo. 23:25-26).

Pagpapalain niya kayo nang higit sa alinmang bansa. Walang magiging baog sa inyo, maging tao o maging alagang hayop man (Deut. 7:14).

Dapat mabuhayang-loob ang mga walang anak sa mga pangakong ito! Nguni’t ang tangkaing maniwala sa ispesipikong babae o lalaki ay ibang usapin na. Walang ispesipikong pangako sa Biblia na nagsasabi sa atin na mapipili natin ang kasarian ng ating mga anak. Kailangan nating manatili sa mga itinakdang hanggahan sa Biblia kung nais nating epektibo ang pananampalataya. Mapapanaligan lamang natin ang Diyos sa mga ipinangako Niya.

Tingnan natin ang isang pangako mula sa Salita ng Diyos saka suriin kung ano ang paniniwalaan natin batay sa pangakong iyan:

Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna (1 Tes. 4:16).

Batay sa pahayag na ito, talagang magtitiwala tayo na babalik si Jesus.

Nguni’t maipapanalangin ba natin, na nananampalatayang si Jesus ay babalik bukas? Hindi, dahil ang pahayag na ito at wala nang iba pa, ang nangangako sa atin niyan. Katunayan, sinabi ni Jesus na walang nakakaalam ang araw o oras ng Kanyang pagbabalik.

Siyempre, maaari tayong manalangin, umaasang babalik si Jesus bukas, nguni’t wala tayong katiyakang mangyayari iyon. Kapag nananalangin tayo nang may pananampalataya, sigurado tayo na ang ipinapanalangin natin ay mangyayari dahil may pangako ang Diyos tungkol doon.

Batay sa parehong pahayag, maaari tayong magtiwala na ang katawan ng mga mananampalatayang namatay ay muling mabubuhay sa pagbabalik ni Jesus. Nguni’t may pananampalataya ba tayo na tayong nabubuhay pagbalik ni Cristo ay makatanggap ng muling nabuhay na katawan sa parehong sandali ng pagkabuhay ng mga “patay kay Cristo,” o bago pa sila mabuhay? Hindi, dahil ang pahayag na ito ay nangangako ng kabaligtaran: “Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna.” Katunayan, ipinagpapatuloy ng susunod na berso, “Pagkatapos, tayong mga buhay pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid” (1 Tes. 4:17). Kung gayon, walang posibilidad na ang mga “patay kay Cristo” ay hindi mga unang makatanggap ng mga binuhay na katawan pagbalik ni Jesus. Sadyang ipinangangako iyan ng Salita ng Diyos.

Kung magtitiwala tayo sa Diyos dahil sa isang bagay, siguruhin natin na kalooban ng Diyos na tanggapin natin ang ating nais. Ang kalooban ng Diyos ay malalaman lamang sa pagsuri ng Kanyang mga pangakong nakatala sa Biblia.

Pareho rin ang galing ng pananampalataya sa natural na kalakaran. Kalokohan na paniwalaan mong dadalawin kita bukas ng tanghali kundi ko sinabi sa iyo na paparoon ako nang ganoong oras.

Ang pananampalataya, na walang pangakong pinaninindigan, ay hindi tunay na pananampalataya—kundi kalokohan. Kaya bago mo hingin sa Diyos ang anuman, una ay tanungin mo ang iyong sarili—aling pahayag sa Biblia ang nangangako ng ninanais ko? Maliban kung mayroon kang pangako, wala kang batayan ng iyong pananampalataya.

Pangalawang Karaniwang Pagkakamali (A Second Common Mistake)

Kadalasan, tinatangka ng mga Cristiano na magtiwalang isa sa mga pangako ng Diyos ay dadaan sa kanilang buhay kahit hindi natupad ang lahat ng pangangailangang kaakibat ng pangako. Halimbawa, narinig ko ang ilang Cristiano na ulitin ang Awit 37 at sabihing: “Sinasabi ng Biblia na ibibigay sa akin ng Diyos ang gusto ng aking puso. Iyan ang aking pinananaligan.”

Nguni’t hindi lamang sinasabi ng Biblia na ibibigay ng Diyos ang mga nais ng ating puso. Ito ang talagang sinasabi niya:

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo sila’y malalanta, tulad ng halaman matutuyo sila. Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan. Ang iyong sarili’y sa Kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika’y nagtiwala. (Awit 37:1-5).

Maraming kundisyon ang kailangang tuparin kung mananalig tayong ibibigay ng Diyos ang nais ng ating puso. Katunayan, nabilang ko ang humigit-kumulang sa walong kundisyon sa nasabing pangako. Hangga’t hindi natin natutupad ang mga kundisyon, wala tayong karapatang makatanggap ng ipinangakong pagpapala. Walang batayan ang ating pananampalataya.

Mahilig ding ulitin ng mga Cristiano ang pangakong nasa Filipos 4:19: “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.” Subali’t may mga kundisyon ba sa pangakong iyan? Talagang, oo.

Kung susuriin mo ang konteksto ng pangakong nakikita sa Filipos 4:19, matutuklasan mo na hindi ito pangakong ibinibigay sa lahat ng Cristiano. Bagkus, ibinibigay ito sa mga Cristianong mismong marunong magbigay. Alam ni Pablo na ibibigay ng Diyos ang lahat ng kailangan ng mga taga-Filipos dahil kapapadala lang nila ng handog sa Kanya. Dahil inuuna nilang sundin ang kaharian ng Diyos na siyang iniutos ni Jesus, ibibigay ng Diyos ang lahat ng kanilang pangangailangan, na siyang ipinangako ni Jesus (tingnan ang Mt. 6:33). Marami sa mga pangako sa Biblia na nauugnay sa pagbibigay ng Diyos ng lahat ng ating materyal na pangangailangan ay may kundisyong tayo muna ang magbibigay.

Talagang wala tayong karapatan upang isiping magtitiwala tayong ibibigay ng Diyos ang ating pangangailangan kung hindi natin sinusunod ang Kanyang mga utos tungkol sa ating salapi. Sa ilalim ng lumang kasunduan, sinabi ng Diyos sa Kanyang mga tao na isinumpa sila dahil hindi nila ibinibigay ang kanilang ikapu, nguni’t ipinangako Niyang pagpapalain sila kapag masunuring ibibigay nila ang kanilang ikapu at handog (tingnan ang Mal. 3:8-12).

Marami sa mga pagpapalang ipinangako sa atin sa Biblia ay nakasalalay sa ating pagsunod sa Diyos. Kung gayon, bago natin pagsikapang panaligan ang Diyos para sa isang bagay, una ay tanungin natin ang ating mga sarili: “Tinutupad ko ba ang lahat ng kundisyon na kaakibat ng pangakong iyan?”

Pangatlong Karaniwang Pagkakamali (A Third Common Mistake)

Sa Bagong Tipan, inihayag ni Jesus ang isang kundisyon na akma sa tuwing nananalangin tayo upang humingi ng isang bagay:

Manalig kayo sa Diyos. Tandaan ninyo ito: kung kayo’y mananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinglangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari. Kaya’t sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon (Mc. 11:22-24, idinagdag ang pagdidiin).

Ang kundisyong inihayag ni Jesus ay maniwalang natanggap na natin kapag nananalangin tayo. Maraming Cristiano ay nagkakamaling gumamit ng kanilang pananampalataya sa paniniwalang nakatanggap na sila kapag nakita nila ang sagot sa kanilang panalangin. Naniniwala sila na makakatanggap sila at hindi nakatanggap na sila. Kapag humingi tayo sa Diyos ng isang bagay na ipinangako Niya, dapat tayong maniwala kapag nananalangin tayo at magsimulang ipagpasalamat iyon sa Diyos noon din. Kailangan nating maniwala bago natin makita at hindi pagkatapos nating makita. Kailangan nating gawin ang ating mga pakiusap sa Diyos nang may pagpapasalamat, na isinulat ni Pablo:

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo pamamagitan ng panalanging may pasasalamat (Fil. 4:6).

Tulad ng binanggit ko nang nauna, kung may pananampalataya tayo sa ating puso, natural na ang ating mga salita at kilos ay aakma sa pinaniniwalaan natin. Sinabi ni Jesus, “Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig” (Mt. 12:34).

Nagkakamali ang ilang Cristiano sa paulit-ulit na paghingi ng isang bagay, na nagbubunyag ng hindi pa nila paniniwalang nakatanggap na nga sila. Kung naniwala tayo na nakatanggap na kapag nananalangin, hindi na kailangang ulitin ang parehong hinihingi. Ang paulit-ulit na paghingi para sa parehong bagay ay pagdududang narinig tayo ng Diyos noong una tayong humingi.

Hindi ba Hiningi ni Jesus ang Isang Bagay Nang Higit pa Sa Minsan? (Didn’t Jesus Make the Same Request More Than Once?)

Siyempre, tatlong ulit na hiningi ni Jesus ang parehong bagay nang nananalangin Siya sa Hardin ng Getsemane (tingnan ang Mt. 26:39-44). Nguni’t isaisip na hindi Siya nananalangin sa pananampalataya ayon sa ibinunyag na kalooban ng Diyos. Katunayan , nang nanalangin Siya nang tatlong beses sa anumang pagkaligtas sa krus, alam Niya na salungat sa kalooban ng Diyos ang kanyang hinihingi. Kaya sumailalim Siya sa kalooban ng Kanyang Ama nang tatlong ulit sa panalangin ding iyon.

Ang panalanging iyon ni Jesus ay laging pinagkakamaliang ginagamit bilang modelo ng lahat ng panalangin, tulad ng pagtuturo ng ilan na dapat nating tapusin ang bawat panalangin sa, “Kung ito ang Iyong kalooban,” o “Bagama’t hindi kalooban ko kundi ang Iyong kalooban ang masusunod,” na tulad ng halimbawa ni Jesus.

Muli, kailangan nating tandaan na humihingi si Jesus ng bagay na hindi kalooban ng Diyos. Ang pagsunod sa Kanyang halimbawa kapag nananalangin tayo alinsunod sa kalooban ng Diyos ay isang pagkakamali at pagpapakita ng kawalan ng pananampalataya. Ang manalangin, halimbawa, ng “Panginoon, ikinukumpisal ko ang aking kasalanan at hinihingi ko ang Iyong kapatawaran kung kalooban Mo ito,” ay maaaring magpahiwatig na maaaring hindi kalooban ng Diyos na patawarin ang aking kasalanan. Alam natin, siyempre, na ipinangangako ng Biblia na patatawarin tayo ng Diyos kapag ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan (tingnan ang 1 Jn. 1:9). Kaya ang ganitong panalangin ay magbubunyag ng kakulangan ng pananampalataya sa ipinakitang kalooban ng Diyos.

Hindi tinapos ni Jesus ang bawat panalangin sa “Bagama’t hindi kalooban ko kundi ang Iyong kalooban ang masusunod .” Isa lamang ang halimbawa ng panalangin Niya ng ganoon, at ito ay nang ipinagkakatiwala Niya ang Kanyang sarili upang gawin ang kalooban ng Kanyang Ama, na batid Niyang dahil doon matitiis Niya ang pagdurusa.

Sa kabilang dako, kung hindi natin alam ang kalooban ng Diyos sa isang sitwasyon dahil hindi Niya ito ibinunyag, mainam na tapusin natin ang panalangin sa salitang, “Kung kalooban Mo.” Isinulat ni Santiago,

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.” Ni hindi na ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo’y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon.” Nguni’t kayo’y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama! (San. 4:13-16).

Ano ang ating gagawin pagkapanalangin batay sa isang pangako mula sa Diyos at natupad natin ang lahat ng kundisyon? Kailangan nating laging pasalamatan ang Diyos sa kasagutan na pinaniwalaang natanggap na natin hanggang mangyari ito. Dahil sa pagtitiis at pananalig sa Diyos natatanggap natin ang ipinangako (Heb. 6:12). Talagang susubukan ni Satanas na talunin tayo sa pagpapadala ng pagdududa, at dapat nating mapagtanto na ang ating isip ang lugar ng labanan. Kapag inatake ng pagdududa ang ating isip, kailangan lang nating palitan ang mga isipang iyon ng mga batay sa pangako ng Diyos at bigkasin ang Salita ng Diyos sa pananampalataya. Habang ginagawa natin iyan, kailangang lumayas si Satanas (tingnan ang San. 4:7, 1 Ped. 5:8-9).

Isang Halimbawa ng Kumikilos na Pananampalataya (An Example of Faith in Action)

Isa sa mga klasikong halimbawang biblikal ng kumikilos na pananampalataya ay ang kuwento ng paglakad ni Pedro sa tubig. Basahin natin ang kuwento niya at tingnan kung ano ang matututuhan dito.

Agad pinasakay ni Jesus sa Bangka ang alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman Niya ang mga tao. Matapos Niyang paalisin ang mga ito, mag-isa Siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa Siyang inabutan doon ng gabi. Samantala, ang bangka ay nasa laot na nguni’t sinasalpok ito ng mga alon dahil pasalungat ito sa hangin. Nang madaling-araw na’y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Nguni’t nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, ako ito!” sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, hayaan mong ako’y pumunta sa iyong kinaroroonan diyan sa ibabaw ng tubig.” Sumagot Siya, “Halika.” Mula sa bangka ay lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Nguni’t nang mapansin niya na malakas ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi Niya kay Pedro. Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba Siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila. (Mt. 14:22-33).

Makahulugan na ang mga alagad ni Jesus ay nahuli na naman noong nakaraan sa isang malakas na bagyo sa isang bangka sa Dagat ng Galilea (tingnan ang Mt. 8:23-27). Sa insidenteng iyon, kasama nila si Jesus at pagkatapos Niyang pakalmahin ang bagyo sa Kayang galit, pinagalitan din Niya ang kanyang mga alagad dahil sa kakulangan nila ng pananampalataya. Bago sila pumalaot, sinabi Niya sa kanila na kalooban Niyang pupunta sila sa kabilang ibayo ng lawa (tingnan ang Mc. 4:35). Nguni’t nang bumagyo, higit silang nakumbinsi ng sitwasyon, at naniwalang lahat sila’y mamamatay. Inasahan ni Jesus na sana’y hindi sila natakot.

Nguni’t ngayon, hinayaan sila ni Jesus sa Dagat ng Galilea. Tunay na ginawa Niya iyon sa patnubay ng Espiritu Santo, at alam talaga ng Diyos na darating ang isang salungat na hangin sa gabing iyon. Kaya hinayaan ng Panginoon na harapin nila ang isang maliit na hamon sa kanilang pananampalataya. Dahil sa mga salungat na hanging iyon, ang nangyari sana nang ilang oras ay nangyari nang buong gabi. Kailangang parangalan natin ang mga alagad sa kanilang pasensiya at pagtitiis, nguni’t nakapag-iisip tayo n asana, kahit isa man lang sa kanila ang nagtangkang manampalataya na kakalma ang mga hangin, isang bagay na nakita nilang ginawa ni Jesus ilang araw lang ang nakalipas. Interesante na ang Ebanghelyo ni Marcos ay nag-uulat na nang si Jesus ay lumapit sa kanila na lumalakad sa tubig, “lalampasan Niya sila” (Mc. 6:48). Iiwan Niya sila upang lutasin ang sarili nilang problema habang milagrong dumaan Siya! Mukhang ipinapakita nito na hindi sila nananalangin o tumitingin sa Diyos. Naiisip ko kung ilang ulit na dinadaanan tayo ng Tagagawa-ng-Milagro habang nagsisikap tayong magsagwan laban sa mga unos ng buhay.

Mga Prinsipyo ng Pananampalataya (Principles of Faith)

Sinagot ni Jesus ang hamon ni Pedro sa iisang salita: “Halika.” Kung tinangka ni Pedro na lumakad sa tubig bago ang salitang iyon, marahil ay daglian siyang lumubog, dahil wala siyang pinanghahawakang pangakong pagbabatayan ng kanyang pananampalataya. Maaaring nagpapalagay lamang siya sa halip na nananampalataya. Gayundin, kahit pagkatapos bigkasin ni Jesus ang Kanyang salita, kung tinangka ng sinumang alagad ang lumakad sa tubig, daglian silang lumubog, dahil kay Pedro lang ang pangako. Ni isa ay walang nakatupad ng kundisyon ng pangako, dahil hindi nila kasama si Pedro. Gayundin, bago natin tangkaing magtiwala sa isang pangako ng Diyos, tiyakin nating angkop sa atin ang pangako at tinutupad natin ang mga kundisyon ng pangako.

Lumusong si Pedro sa tubig. Iyon ang sandaling nagtiwala siya, bagama’t walang dudang siya na natakot sa multo ilang sandali lamang ay may pagdududa rin nang una siyang humakbang. Nguni’t upang tanggapin ang milagro, kailangan niyang isabuhay ang kanyang pananampalataya. Kung tinangka niyang kumapit sa bangka at ilusong lamang ang malaking daliri ng paa upang subukan kung masusuportahan siya ng tubig, hindi siguro niya naranasan ang milagro. Gayundin, bago natin matanggap ang anumang milagro, sa isang sandali ay kailangan nating ipagkatiwala ang ating sarili sa pananalig sa pangako ng Diyos at saka kumilos ayon sa ating paniniwala. Laging may panahon ng pagsubok sa ating pananampalataya. Kung minsan maikli ang panahong iyan; kung minsan, mahaba. Nguni’t may tanging panahon na dapat nating isantabi ang patotoo ng ating mga pandama at kumilos ayon sa salita ng Diyos.

Noong una ay mabilis ang paglakad ni Pedro. Nguni’t nang inisip niya ang imposibleng ginagawa niya, at napapansin ang mga hangin at alon, natakot siya. Marahil ay huminto siya sa paglakad, nag-alangang humakbang muli. At siya na nakararanas ng milagro ay lumulubog. Kailangan nating magpatuloy sa pananampalataya kapag inumpisahan natin, magpatuloy na isabuhay ang ating pananampalataya. Magpatuloy.

Lumubog si Pedro dahil nagduda siya. Kadalasan ay ayaw ng mga taong sisihin ang sarili sa kawalan ng pananampalataya. Higit na gugustuhuin nilang sisihin ang Diyos. Nguni’t ano kaya ang ginawa ni Jesus kung narinig Niya si Pedro, ligtas na nakabalik sa bangka, at sinasabi sa ibang alagad, “Talagang kalooban ng Panginoon na makalapit ako nang kaunti kay Jesus”?

Nabigo si Padro dahil natakot siya at nawalan ng pananampalataya. Iyan ang katotohanan. Hindi siya hinatulan ni Jesus, kundi agad iniabot ang Kanyang kamay upang panghawakan ni Pedro. At agad Niyang tinanong kung bakit nagduda si Pedro. Walang mabuting dahilan upang magduda si Pedro, dahil ang salita ng Anak ng Diyos ay higit na sigurado kahit kailan. Walang dahilan ang sinuman sa atin upang pagdudahan ang Salita ng Diyos, matakot o mabalisa.

Puno ang Biblia ng mga tagumpay dahil sa pananampalataya at kabiguang sanhi ng pagdududa. Sina Josue at Caleb ay nakakuha ng Ipinangakong Lupain dahil sa kanilang pananampalataya samantalang ang karamihan sa kanilang kasamahan ay namatay sa kagubatan dahil sa pagdududa (tingnan ang Bil.14:26-30). Ipinagkaloob ang pangangailangan ng mga alagad ni Jesus habang naglakbay silang tigdadalawa upang ipangaral ang magandang balita (tingnan ang Lu. 22:35), nguni’t minsan ay nabigo silang magpalayas ng demonyo dahil sa kawalan ng paniniwala (tingnan ang Mt. 17:19-20). Marami ang nakatanggap ng ministeryo ng pagpapagaling ni Cristo samantalang karamihan sa maysakit sa Kanyang bayan ng Nasaret ay nanatiling maysakit dahil sa kawalan ng paniniwala (tingnan ang Mc. 6:5-6).

Tulad nilang lahat, personal na naranasan ko ang tagumpay at kabiguan ayon sa aking pananampalataya o pagdududa. Nguni’t hindi ako magiging matigas dahil sa kabiguan o sisihin ang Diyos. Hindi ko pangangatwiranan ang aking sarili sa paghatol sa Kanya. Hindi ako hahanap ng kumplikadong teolohikal na paliwang upang muling imbentuhin ang kalooban ng Diyos na malinaw nang nabunyag. Alam ko na imposibleng magsinungaling ang Diyos. Kaya kapag nabigo ako, nagsisisi na lang ako sa kawalan ng paniniwala at muling maglakad sa tubig. Napansin ko na lagi akong pinapatawad ng Diyos at inililigtas sa pagkalunod!

Ibinaba na ang hatol: Pinagpapala ang mga mananampalataya; hindi ang nagdududa! Sinusunod ng ministrong tagalikha-ng-alagad ang halimbawa ni Jesus. Siya mismo ay puno ng pananampalataya, at pinapayuhan ang kanyang mga alagad, “Manampalataya sa Diyos!” (Mc. 11:22)

Paghihiwalay at Muling Pag-aasawa

Kabanata 13

Ang paghihiwalay at muling pag-aasawa ay isang paksang laging pinagdedebatehan ng mga matapat na Cristiano. Dalawang batayang tanong ang basehan ng debate: (1) Kailan, kung maaari, pinapayagan ang paghihiwalay sa mata ng Diyos? at (2) Kailan, kung maaari, pinapayagan ang muling pag-aasawa sa mata ng Diyos? Karamihan sa mga denominasyon at nagsasariling iglesia ay mayroong opisyal na pananaw sa kung ano ang pinapayagan at hindi, batay sa kanilang partikular na interpretasyon sa Biblia. Dapat natin silang igalang sa pagkakaroon ng paniniwala at namumuhay sila batay dito—kung ang kanilang mga paniniwala ay dahil sa kanilang pag-ibig sa Diyos. Nguni’t pinakamagaling kung 100% na batay sa Biblia ang mga paniniwala. Hindi gusto ng ministrong tagalikha-ng-alagad na ituro ang hindi sapat sa nais ng Diyos. Hindi rin niya gusting dalhin ng mga tao ang alalahaning hindi ninais ng Diyos na ibigay sa kanila. Isinasaalang-alang ang layuning iyan, gagawin ko ang aking makakaya upang ipaliwanag ang Biblia tungkol sa masalimuot na paksa at hayaan ko kayong magpasya kung sang-ayon kayo o hindi.

Mag-uumpisa ako sa pagsasabing ako, tulad ninyo, ay nagdadalamhati na laganap ang hiwalayan sa mundo ngayon. Higit na nakakalungkot ay ang katotohanang maraming nagsasabing sila’y Cristiano ay naghihiwalay, pati na ang mga nasa ministeryo. Isa itong malaking trahedya. Dapat nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang hadlangan pa ang pagkalat nito, at ang pinakamainam na solusyon sa problema ng hiwalayan ay ipangaral ang magandang balita at hikayatin ang mga tao upang magsisi. Kapag ang dalawang may asawang tao ay tunay na naipanganak muli at kapwa sumusunod kay Cristo, kailanman ay hindi sila maghihiwalay. Ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay gagawa ng lahat ng kanyang makakaya upang patatagin ang kanyang relasyon, dahil alam niya na ang kanyang halimbawa ang pinakamainam na paraan upang magturo.

Idadagdag ko rin na dalawampu’t limang taon na ako sa aking masayang buhay may-asawa at bago ito ay wala akong naging ibang asawa. Kailanman ay hindi ko naisip makipaghiwalay. Kaya wala akong motibo upang palambutin ang mga matitigas na sinasabi ng Biblia tungkol sa hiwalayan para sa sarili kong kapakanan. Nguni’t nagtataglay ako ng malakas na simpatya para sa mga taong hiwalay, dahil alam ko na maaari akong nagkaroon ng maling desisyon sa aking kabataan, na pakasalan ang sinumang sa kalaunan ay natukso akong hiwalayan, o isang higit na mababaw ang pasensiya kaysa sa napakamainam na babaing pinakasalan ko. Ibig sabihin, maaari akong nakipaghiwalay, nguni’t hindi dahil sa pagpapala ng Diyos. Palagay ko, karamihan sa may-asawa ay makakaintindi ng gusto kong sabihin, kaya kailangan nating pigilin ang ating sa pagpukol ng bato sa mga taong hiwalay. Sino tayo, na may pag-aasawahang kaunti lang ang pangangailangan, na hahatol sa mga hiwalay, dahil wala tayong idea kung ano ang kanilang pinagdaanan? Marahil ay maituturing pa ng Diyos na higit silang matuwid kaysa sa atin, dahil alam Niya na tayo, kapag nalagay sa parehong sitwasyon, marahil ay nakipaghiwalay pa nang mas maaga.

Walang nag-aasawa ang umaasang maghihiwalay pagdating ng panahon, at palagay ko ay hindi kinasusuklaman ninuman ang hiwalayan nang higit sa mga nakaranas nito. Kaya dapat nating subukang tulungan ang mga tao upang manatili sa kanilang relasyon, at tulungan ang mga hiwalay na mahanap ang anumang pagpapalang iniaalok ng Diyos. Iyan ang batayan ng aking pasusulat.

Gagawin ko ang aking makakaya upang payagang ipaliwanag ng Biblia ang Biblia. Napansin ko na ang mga berso tungkol sa paksa ay kadalasang ipinaliliwanag sa isang paraang sinasalungat nila ang ibang pahayag, na siguradong indikasyon na hindi maunawaan ang mga bersong iyon, sa kabuuan o bahagi man.

Isang Pundasyon (A Foundation)

Mag-umpisa tayo sa isang batayang katotohanang sinasang-ayunan nating lahat. Pinakabatayan dito, tinitiyak ng Biblia na sa pangkalahatan ay ayaw ng Diyos ang hiwalayan. Sa isang panahon nang ilang lalaking taga-Israel ang naghihiwalay ng kanilang mga asawa, idineklara Niya sa pamamagitan ng Kanyang propetang Malakias:

Nasusuklam ako sa paghihiwalay…napopoot ako sa mga gumagawa ng kalupitan…Kaya nga maging tapat ka sa iyong asawa (Mal. 2:16).

Hindi ito dapat pagtakhan ninuman na nakakaalam ng mapagmahal at makatarungang ugali ng Diyos, o sinumang nakakaalam na ang paghihiwalay ay nakakasira sa mga lalaki, babae at mga anak. Kailangan nating pagdudahan ang ugaling moral ng sinumang sumasang-ayon sa hiwalayan. Ang Diyos ay pag-ibig (tingnan ang 1 Jn. 4:8), at kung gayon nasusuklam Siya sa hiwalayan.

Ilang Pariseo ang minsa’y nagtanong kay Jesus tungkol sa pagiging makatarungan ng hiwalayan “sa ano mang dahilan.” Ibinubunyag ng sagot Niya ang likas na hindi pagsang-ayon sa hiwalayan: Katunayan, ang hiwalayan ay hindi Niya intensyon para kaninuman:

May ilang Pariseong lumapit sa Kanya at nagtangkang humanap ng maipaparatang sa pamamagitan ng tanong na ito, “Naaayon ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” Sumagot si Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa kasulatan na sa pasimula’y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila’y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya’t ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghihiwalayin ninuman.” (Mt. 19:3-6).

Sa kasaysayan, alam natin na may dalawang kaisipan sa mga Judiong pinuno ng relihiyon sa panahon ni Jesus. Titingnan natin ang dalawang kaisipang iyon nang higit na masinsinan, nguni’t sa ngayon ay masasabi nating ang isa ay konserbatibo at ang isa naman ay liberal. Naniniwala ang mga konserbatibo na pinapayagan lamang ang isang lalaki na hiwalayan ang kanyang asawa sa napakaseryosong dahilang moral. Naniniwala naman ang mga liberal na maihihiwalay ng isang lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan, pati na kapag nakakita ito ng higit na kaakit-akit na babae. Ang magkasalungat na pananaw na ito ang pinakadahilan ng tanong ng mga Pariseo kay Jesus.

Umapila si Jesus sa mga berso sa Biblia mula sa mga pinakaunang pahina ng Genesis na nagpapakitang ang orihinal na plano ng Diyos ay pagsamahin habambuhay ang lalaki at babae, hindi pansamantala. Idineklara ni Moises na ginawa ng Diyos ang dalawang kasarian dahil sa pag-aasawa, at ang kasunduang ito ay napakahalagang relasyong nagiging pangunahin. Kapag naitakda na ito, hihigit pa sa ugnayan ng isang tao sa kanyang magulang. Iniiwan ng mga lalaki ang kanilang magulang upang pumisan sa kanilang mga asawa.

Dagdag pa rito, ang ugnayang sekswal ng lalaki at babae ang nagpapakita sa kanilang pagsasamang itinakda-ng-Diyos. Malinaw na ang ganitong ugnayan, na nagreresulta sa anak, ay hindi binalak ng Diyos na pansamantala, kundi panghabambuhay. Ang aking palagay ay ipinakita ng tono ng sagot ni Jesus sa mga Pariseo ang Kanyang lubos na pagkadismaya sa katanungan. Tunay na hindi intensyon ng Diyos na hiwalayan ng mga lalaki ang kanilang asawa “sa kahit anong dahilan.”

Siyempre, hindi intensyon ng Diyos na magkasala ang sinuman sa ano mang paraan, nguni’t lahat tayo’y nagkakasala. Sa kabutihang-palad, gumawa ng paraan ang Diyos upang iligtas tayo sa pagkaalipin sa kasalanan. Dagdag pa, may mga bagay Siyang nais sabihin pagkatapos nating gawin ang ayaw Niyang gawin natin. Gayundin, hindi kailanman intensyon ng Diyos na mahiwalay ang sinuman, nguni’t ang hiwalayan ay hindi maiiwasan ng mga taong hindi sumuko sa Diyos. Hindi pinagtakhan ng Diyos ang unang hiwalayan o ang milyun-milyong sumunod na paghihiwalay. Kaya hindi lang Niya inihahayag ang pagkasuklam sa hiwalayan, kundi may mga bagay Siyang nais sabihin sa mga tao pagkatapos nilang makipaghiwalay.

Noong Umpisa (In The Beginning)

Sa pagkakalatag ng pundasyon, makapag-uumpisa na tayong higit na masinop na gumalugad sa pahayag ng Diyos tungkol sa paghihiwalay at muling pag-aasawa.

Dahil ang pinaka-kontrobersiyal na pahayag tungkol sa hiwalayan at pag-aasawang muli ay iyong mga sinabi ni Jesus sa mga taga-Israel, makatutulong na pag-aralan natin ang sinabi ng Diyos daan-daang taon na ang nakaraan tungkol sa paksa sa mga naunang taga-Israel. Kung makikita natin ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Moises at ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus ay magkasalungat, makakatiyak tayong marahil ay nag-iba ang kautusan ng Diyos, o kaya’y hindi natin naintindihan ang sinabi ni Moises o ni Jesus. Kaya mag-umpisa tayo sa unang ibinunyag ng Diyos tungkol sa paghihiwalay at muling pag-aasawa.

Nabanggit ko na ang pahayag sa Genesis 2 na, ayon kay Jesus, ay may kinalaman sa paksa ng paghihiwalay. Ngayon ay tahasang babasahin natin ang sinasabi ng Genesis:

Ang tadyang na iyo’y ginawa Niyang isang babae, at dinala Niya ito sa lalaki. Sinabi sa lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag sa kanya, sapagka’t sa lalaki siya’y kinuha.” Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y nagiging isa (Gen. 2:22-24).

At ito ang pinanggalingan ng pag-aasawa. Ginawa ng Diyos ang unang babae mula sa unang lalaki at para sa unang lalaki, at personal na dinala ito sa kanya. Sa mga salita ni Jesus, “pinagsama ng Diyos [sila]” (Mt. 19:6, idinagdag ang pagdidiin). Itong unang kasalang itinakda-ng-Diyos ang naging padron ng lahat ng sumunod na kasalan. Lumilikha ang Diyos ng halos parehong bilang ng babae at lalaki, at nililikha Niya sila upang maakit sa kabilang kasarian. Kaya masasabing nag-aayos pa rin ang Diyos ng mga kasalan nang pangmalakihan (kahit na higit na marami pang pagpipilian ang isang tao kaysa nang sina Adan at Eva). Kung gayon, tulad ng ipinakita ni Jesus, walang tao ang maghihiwalay sa pinagsasama ng Diyos . Hindi intensyon ng Diyos na ang orihinal na mag-asawa ay mamuhay nang hiwalay, kundi mahahanap nila ang pagpapala sa pagsasamang nakadepende sa isa’t isa. Isang pagsuway sa malinaw na kalooban ng Diyos ang bubuo ng kasalanan. Kaya, mula sa pangalawang kabanata ng Biblia, naitatag na ang paghihiwalay ay hindi intensyon ng Diyos para sa anumang pagsasama.

Ang Kautusan ng Diyos na Nakasulat sa mga Puso (God’s Law Written in Hearts)

Nais ko ring imungkahi na kahit mga hindi kailanman nakabasa sa ikalawang kabanata ng Genesis ay likas na nakaaalam na mali ang paghihiwalay, dahil ang kasunduan ng paghabambuhay na pag-aasawa ay ginagawa sa maraming kulturang pagano kung saan walang nalalaman ang mga tao. biblika Tulad ng isinulat ni Pablo sa liham niya sa mga taga-Roma:

Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito’y nagiging kautusan na para sa kanila. Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, sapagka’t kung minsan sila’y sinusumbatan nito; at kung minsan naman, sila’y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan (Ro. 2:14-15).

Ang kodigo ng etika ng Diyos ay nakasulat sa bawa’t puso ng tao. Katunayan, ang kodigo ng etika na iyan na nangungusap sa pamamagitan ng konsensya ay lahat nang ibinigay ng Diyos kaninuman, maliban sa mga taga-Israel, mula kay Adan hanggang sa panahon ni Jesus. Malalaman ng sinumang nag-iisip ng paghihiwalay na kailangan niyang humarap sa kanyang konsensya, at ang tanging paraan upang mapagtagumpayan ang kanyang konsensya ay humanap ng mahusay na dahilan ng paghihiwalay. Kapag nakipaghiwalay siya na walang dahilan, hahatulan siya ng kanyang konsensya, bagama’t pipigilan niya ito.

Sa pagkakaalam natin, sa loob ng dalawampu’t pitong henerasyon mula kay Adan hanggang sa pagbibigay ng Kautusan ni Moses sa Israel sa tinatayang 1440 BC, ang kautusan ng konsensya ang tanging pahayag na ibinigay ng Diyos kaninuman, pati na ang mga taga-Israel, tungkol sa paghihiwalay at muling pag-aasawa; ipinalagay ng Diyos na sapat na iyan. (Tandaan na hindi isinulat ni Moises ang Genesis 2 na salaysay ng paglikha hanggang sa panahon ng Exodo.) Talagang mukhang makatwirang isipin na sa dalawampu’t pitong henerasyon na iyon bago ang Kautusang Mosaic, na kasama ng panahon ng delubyo ni Noe, ilan sa milyung pag-aasawahan sa daang taong iyon ay nagtapos sa hiwalayan. Makatwiran ding ipagpalagay na ang Diyos, na hindi nagbabago, ay pumapayag na magpatawad sa mga nagkasala sa pakikipaghiwalay kung nangumpisal at pinagsisihan nila ang kanilang kasalanan. Tiyak natin na maliligtas ang mga tao, o madeklara ng Diyos na sila ay matuwid, bago ang pagbibigay ng Kautusan ni Moises, tulad nAbraham , sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya (tingnan ang Ro. 4:1-12). Kung maideklarang matuwid ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya mula kay Adan hanggang si Moises, ibig sabihin ay mapapatawad sila sa anumang kasalanan, pati na ang kasalanan tungkol sa hiwalayan. Kung gayon, sa pagsisimula ng ating pagsisiyasat sa paksang paghihiwalay at muling pag-aasawa, pinagtatakhan ko: Mahahatulan ba ng kanilang konsensya ang mga taong nagkasala sa pakikipaghiwalay bago ang Kautusang Mosaic at napatawad ng Diyos (dahil walang nakasulat na kautusan) na magkasala sila kung sila’y nag-asawang muli? Tinatanong ko lang.

Paano ang mga biktima ng paghihiwalay na walang kasalanan, ang mga nakipaghiwalay na hindi naman nila kasalanan, kundi dahil lamang sa pagiging makasarili ng kanilang asawa? Napagbawalan ba sila ng kanilang konsensya upang muling mag-asawa? Mukhang hindi. Kung iniwan ng lalaki ang kanyang asawa upang sumama sa iba, ano ang makapagpapaisip sa kanya na wala siyang karapatang muling mag-asawa? Nakipaghiwalay siya na walang pagkakasala.

Ang Kautusan ni Moises (The Law of Moses)

Pagdako lamang natin sa ikatlong aklat ng Biblia saka natin makikita ang pagbanggit sa paghihiwalay at muling pag-aasawa. Kasama sa Kautusan ni Moises ang pagbabawal sa mga pari ang pagkakasal sa mga babaing hiwalay:

Huwag silang mag-aasawa ng babaing nagbebenta ng aliw sa sagradong lugar, o kaya’y babaing hiniwalayan at pinalayas ng kanilang asawa, sapagka’t nakalaan sa Diyos ang mga pari (Lev. 21:7).

Saanman sa Kautusan ni Moises ay hindi makikita ang pagbabawal na ukol sa pangkalahatang populasyon ng lalaking taga-Israel. Dagdag pa, ang bersong kababanggit ay nagpapahiwatig na (1) may mga babaing taga-Israel na hiwalay sa asawa at (2) walang masama sa mga lalaking taga-Israel na hindi-makapari na mag-aasawa ng mga babaing nagkaroon na noon ng asawa. Ang kautusan sa itaas ay para lamang sa mga pari at babaing hiwalay sa asawa na mag-aasawa ng pari. Walang mali, sa Kautusan ni Moises, sa isang babaing hiwalay sa asawa na mag-asawang muli, basta’t hindi pari ang mapapangasawa niya. Walang mali para sa sinumang lalaki, maliban sa pari, ang mag-asawa ng babaing hiwalay sa asawa.

Ang pinakapunong pari (marahil parang mataas na uri para kay Cristo) ay kinakailangang mamuhay sa higit pang mataas na pamantayan kaysa mga karaniwang pari. Ni hindi siya pinapayagang mag-asawa ng balo. Mababasa natin sa mga susunod pang berso sa Levitico:

Hindi siya dapat mag-aasawa ng balo, hiwalay sa asawa, dalagang nadungisan na ng puri o babaing nagbebenta ng aliw. Ang dapat niyang mapangasawa’y isang kalahi at wala pang nakakasiping (Lev. 21:14).

Pinatutunayan ba ng bersong ito na kasalanan ninuman at lahat ng mga balong taga-Israel na mag-asawang muli o kasalanan para sa lahat ng mga lalaking taga-Israel na mag-asawa ng balo? Hindi, talagang hindi. Katunayan mariing ipinahihiwatig ng bersong ito na hindi kasalanan para sa sinumang balo ang mag-asawa ng sinumang lalaki basta’t hindi siya ang pinakapunong pari, at mariing ipinahihiwatig nito na sinumang lalaki maliban sa pinakapunong pari ang maaaring mag-asawa ng balo. Pinagtitibay ng ibang berso ang lehitimong pag-aasawang-muli ng mga balo (tingnan ang Ro. 7:2-3; 1 Tim.5:14).

Ipinahihiwatig din ng bersong ito, kasama ng nakaraang tiningnan natin (Lev. 21:7), na walang anumang mali para sa isang lalaking taga-Israel (maliban sa pinakapunong pari) na mag-asawa ng babaing hiwalay sa asawa o kahit isang babaing hindi birhen, “nadungisan ng puri o nagbebenta ng aliw.” Ipinahihiwatig rin na, sa ilalim ng Kautusan ni Moises, walang anumang mali para sa isang babaing hiwalay sa asawa na muling mag-asawa o ng isang babaing “nadungisan ang puri o nagbebenta ng aliw” na mag-asawa, basta’t hindi siya mag-asawa ng pari. Mapagpalang binigyan ng Diyos ang kapwa nagbebenta ng aliw at hiwalay ng isa pang pagkakataon, kahit na kontra Siya sa kapwa pabebenta ng aliw at paghihiwalay.

Pangalawang Ispesipikong Pagbabawal sa Muling Pag-aasawa (A Second Specific Prohibition Against Remarriage)

Ilang “pangalawang pagkakataon” ang ibinigay ng Diyos sa mga hiwalay na babae? Dapat ba nating ipagpalagay na binigyan ng Diyos ang mga hiwalay na babae ng isang pagkakataon lamang sa ilalim ng Kautusan ni Moises, na pinapayagan lamang ang isang muling pag-aasawa? Iyan ay maling kongklusyon. Sa susunod ay mababasa natin sa Kautusan ni Moises,

Kung mag-aasawa ang isang lalaki nguni’t dumating ang panahon na ayaw na niya sa babae dahil may natuklasan siya ritong hindi kaaya-aya, at gumawa siya ng kasulatan ng paghihiwalay, ibinigay ito sa babae, at pinalayas ito sa kanyang pamamahay; kung ang babaing hiniwalayan ay mag-asawa ng iba at hiniwalayang muli matapos bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay (o kaya’y namatay ang ikalawang asawa), at paalisin rin ito sa kanyang pamamahay, ang babae ay hindi maaaring pakasalan pa ng kanyang unang asawa; ang babae ay ituturing nang marumi. Magiging kasuklam-suklam kay Yahweh kung papakisamahan pa nito ang babae. Hindi ninyo dapat dungisan ang lupaing ibibigay niya sa inyo (Deut. 24:1-4).

Pansinin na sa mga bersong ito, ang tanging pagbabawal ay laban sa dalawang-ulit na hiwalay na babae (o minsang-hiwalay minsang-balong babae) na nag-aasawa ng unang asawa niya.Walang sinasabi tungkol sa pagkakasala niya sa pag-aasawang muli, at nang makipaghiwalay siya sa pangalawang pagkakataon (o nabalo sa kanyang pangalawang asawa), pinagbabawalan lamang siya na bumalik sa kanyang unang asawa. Ang malinaw na ipinahihiwatig nito ay magiging Malaya siya upang pakasalan ang sino mang lalaki (na pumapayag makipagsapalaran sa kanya). Kung kasalanan ang pagpapakasal niyang muli sa iba, wala na sanang pangangailangan sa Diyos upang ibigay ang ispesipikong instruksiyon. Ang sinabi lamang sana Niya ay, “Ang mga hiwalay na tao ay pinagbabawalang mag-asawang muli.”

Dagdag pa, kung pinayagan ng Diyos ang babaing ito na mag-asawang muli, ang lalaking nagpakasal sa kanya pagkatapos ng unang hiwalayan ay hindi rin nagkakasala. At kung pinayagan siyang pakasal sa pangatlong pagkakataon, ang sinumang lalaking nagpakasal sa kanya pagkatapos niyang makipaghiwalay nang dalawang ulit ay hindi rin nagkakasala (maliban kung siya ang unang asawa). Kaya ang Diyos na nasusuklam sa hiwalayan ay nagmamahal sa mga taong hiwalay, mahabaging nagbibigay sa kanila ng iba pang pagkakataon.

Paglalagom (A Summary)

Hayaan ninyong lagumin ko ang natuklasan na natin: Kahit idineklara ng Diyos ang Kanyang pagkasuklam sa paghihiwalay, hindi Siya nagbigay ng indikasyon bago o sa pag-iral ng lumang kasunduan na kasalanan ang muling pag-aasawa, maliban sa dalawang eksepsiyong ito:: (1) ang dalawang-ulit na hiwalay o minsang-hiwalay minsang-balong babae na nagpapakasal sa kanyang unang asawa at (2) ang kaso ng hiwalay na babae na nagpapakasal sa isang pari. Dagdag pa, hindi nagbigay ang Diyos ng indikasyon na ang pagpapakasal sa isang hiwalay na tao ay kasalanan para kaninuman maliban sa mga pari.

Maliwanag na salungat ito sa inihayag ni Jesus tungkol sa mga hiwalay na taong muling nag-aasawa at mga taong nag-aasawa ng hiwalay na tao. Sinabi ni Jesus na ang mga taong ito ay gumagawa ng pangangalunya (tingnan ang Mt. 5:32). Kaya maaaring hindi natin naiintindihan sina Jesus o Moises, o di kaya’y pinalitan ng Diyos ang Kanyang kautusan. Ang suspetsa ko ay baka hindi natin naiintindihan ang itinuro ni Jesus, dahil mukhang kakatwa na biglang magdeklara si Jesus ng isang bagay na kasalanang moral na sa labinlimang daang taon ay tanggap sa ilalim ng isang Kautusang ibinigay Niya sa Israel.

Bago natin harapin nang masinsinan ang maliwanag na kontradiksyong ito, nais ko ring ipakita na ang pagpayag ng Diyos sa muling pag-aasawa sa ilalim ng lumang kasunduan ay hindi nagsama ng anumang estipulasyon na batay sa mga dahilan ng hiwalayan o bigat ng kasalanan ng isang tao sa paghihiwalay. Kailanman ay hindi sinabi ng Diyos na hindi pinapayagang muling mag-asawa ang mga tao dahil hindi lehitimo ang sanhi ng kanilang paghihiwalay. Kailanman ay hindi Niya sinabi na ang ilang tao ay lubhang karapat-dapat mag-asawang muli dahil lehitimo ang sanhi ng kanilang paghihiwalay. Nguni’t ang mga ganitong paghusga ay laging sinusubukan ng modernong mga ministro batay sa patotoo ng isang panig. Halimbawa, isang babaing hiwalay ay susubok na mangumbinsi sa kanyang pastor na karapat-dapat siyang mapagayang muling mag-asawa dahil biktima lamang siya ng kanyang paghihiwalay. Hiniwalayan siya ng dati niyang asawa—hindi siya ang nakipaghiwalay sa lalaki. Nguni’t kung ang pastor na iyon ay nabigyan ng pagkakataon up-ang pakinggan ang panig ng dating asawa niya, maaaring magkaroon siya ng simpatiya sa lalaki. Marahil ang babae ay isang halimaw at may bahagi siya sa dapat sisihin.

May kilala akong mag-asawa na kapwa sinubukang udyukan ang isa’t isa na magsampa ng diborsiyo upang iwasan ang masisi bilang nagpasimuno ng hiwalayan. Kapwa nila ibig iwasan ang salang sila ang nagsimula. Nais nilang sabihin, pagkatapos nilang maghiwalay, na ang asawa nila, at hindi sila, ang nagsampa, kung gayon magiging karapat-dapat ang susunod nilang pag-aasawa. Maaari nating lokohin ang mga tao, nguni’t hindi ang Diyos. Halimbawa, ano ang pagtaya niya sa babaing, dahil sa pagsuway sa Salita ng Diyos, ay laging pinagkakaitan ng sex ang kanyang asawa, at hiniwalayan niya nang maghanap ito ng iba? Hindi ba may papel din siya sa hiwalayan?

Ang kaso ng babaing dalawang ulit na hiwalay na nabasa natin sa Deuteronomio 24 ay walang binabanggit tungkol sa pagiging lehitimo ng dalawa niyang paghihiwalay. Nakatuklas ng “hindi disente” sa kanya ang unang asawa. Kung pangangalunya ang “hindi disenteng” iyan, naging karapat-dapat siyang hatulan ng kamatayan ayon sa Kautusan ni Moises, na itinakdang batuhin ang mga nangangalunya (tingnan ang Lev. 20:10). Kaya, kung ang pangangalunya ay ang tanging lehitimong dahilan ng hiwalayan, marahil ang unang asawa niya ay hindi nagkaroon ng sapat na dahilan upang hiwalayan siya. Sa kabilang banda, marahil ay gumawa siya ng pangangalunya, at ang lalaki, na isang matuwid na tao gaya ni Jose ni Maria, ay “ binalak niyang hiwalayan nang palihim” (Mt. 1:19). Maraming posibleng eksena.

Ang pangalawang asawa niya ay sinasabing “tinalikdan siya.” Muli, hindi natin alam kung sino ang sisisihin o kung dapat silang sisihin. Nguni’t hindi iyan mahalaga. Ibinigay ng Diyos ang pagpapala sa kanya upang muling magpakasal sa sinumang gustong makipagsapalaran sa babaing dalawang ulit na hiwalay, huwag lang sa unang asawa niya.

Isang Pagtutol (An Objection)

“Nguni’t kung sinasabihan ang mga tao na makatarungan ang muling mag-asawa sa kahit anong dahilan, hihikayatin sila nito na humiwalay sanhi ng di-lehitimong dahilan,” ang laging sinasabi. Maaaring totoo iyan sa ilang relihiyosong taong hindi talaga sinusubukang aliwin ang Diyos, nguni’t ang pagtatangkang pigilan ang mga taong hindi sumusunod sa Diyos upang magkasala ay isang gawaing walang saysay. Nguni’tng mga taong tunay na sumusunod sa Diyos sa kanilang puso ay hindi nagtatangkang maghanap ng paraan upang magkasala. Sinusubukan nilang aliwin ang Diyos, at ang mga uri ng taong iyon ay kadalasang may matatag na ugnayan. Dagdag pa, malinaw na hindi inaalala ng Diyos ang paghihiwalay ng mga taong nasa ilalim ng lumang kasunduan sa hindi lehitimong mga sanhi dahil sa liberal na kautusan ng muling pag-aasawa, dahil ibinigay Niya sa Israel ang isang liberal na kautusan tungkol sa pag-aasawa.

Dapat ba nating iwasang sabihin sa mga tao na nakahandang magpatawad ang Diyos sa anumang pagkakasala nila, at baka mahikayat silang gumawa ng kasalanan dahil alam nila na nariyan ang kapatawaran? Kung gayon, hihintuan na natin ang pangangaral ng magandang balita. Muli, babalik iyan sa kalagayan ng puso ng mga tao. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagnanais sumunod sa Kanya. Lubos na nalalaman ko na ang pagpapatawad ng Diyos ay ibibigay sa akin kung hihingin ko, kahit ano man ang kasalanang gagawin ko. Nguni’t kailanman ay hindi ako hinihikayat niyan upang magkasala, dahil mahal ko ang Diyos at naipanganak akong muli. Napagbago ako ng pagpapala ng Diyos. Nais ko Siyang aliwin.

Alam ng Diyos na hindi na kailangang magdagdag pa ng negatibong kahihinatnan sa maraming negatibong epekto ng hiwalayan upang hikayatin ang mga taong manatili sa kanilang ugnayan. Ang pagsasabi sa mga taong problemado sa kanilang mga asawa na hindi sila dapat maghiwalay dahil hindi na sila kailanman papayagang muling mag-asawa ay nagdudulot ng napakaliit na motibasyon upang manatili sa ugnayan. Kahit paniniwalaan ka niya, ang hinaharap na buhay na nag-iisa kumpara sa buhay na puno ng hirap ay nagiging parang langit sa miserableng may-asawang tao.

Si Pablo Tungkol sa Pag-aasawang Muli (Paul on Remarriage)

Bago natin harapin ang problema ng pagpapakasundo ng mga salita ni Jesus tungkol sa pag-aasawang muli sa mga kay Moises, kailangan nating matanto na may isa pang manunulat na nakikiayon kay Moises, biblikal at ang pangalan niya ay Pablo, ang apostol.

Malinaw na isinulat ni Pablo na ang muling pag-aasawa para sa mga hiwalay ay hindi kasalanan, umaayon sa sinasabi ng Lumang Tipan:

Tungkol naman sa mga taong walang asawa, wala akong maibibigay na utos mula sa Panginoon. Nguni’t magbibigay ako ng aking opinion bilang isang taong mapagkakatiwalaan sapagka’t kinahabagan ako ng Panginoon. Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. Ikaw ba’y isang lalaking may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa bang asawa? Huwag mo nang hangaring magkaasawa. Nguni’t kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala. Nguni’t ang nag-aasawa ay magdaranas ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang nais kong maiwasan ninyo (1 Cor. 7:25-28, idinagdag ang pagdidiin).

Walang dudang tinutukoy ni Pablo ang mga taong hiwalay sa pahayag na it. Pinayuhan niya ang mga may-asawa, ang mga walang-asawa, ang hindi pa nag-aasawa, at ang hiwalay na manatili sa kanilang kasalukuyang kalagayan dahil sa kahirapang dinaranan ng mga Cristiano sa panahong iyon. Nguni’t malinaw na inihayag ni Pablo na ang mga hiwalay at mga hindi pa nag-aasawa ay hindi magkakasala kapag nag-asawa sila.

Pansinin na hindi nilinaw ni Pablo ang katarungan ng muling pag-aasawa ng mga taong hiwalay. Hindi niya sinabing ang muling pag-aasawa ay pinapayagan lamang kapag walang kasalanan ang hiwalay na tao sa nakaraang paghihiwalay. (At sinong tao ang karapat-dapat humatol sa ganitong bagay maliban sa Diyos?) Hindi niya sinabing ang muling pag-aasawa ay pinapayagan lamang para doon sa nakipaghiwalay bago sila naligtas. Hindi, sinabi lang niya na ang muling pag-aasawa ay hindi kasalanan para sa mga taong hiwalay.

Malambot ba si Pablo Tungkol Sa Paghihiwalay? (Was Paul Soft on Divorce?)

Dahil isinulong ni Pablo ang mapagpalang polisiya sa muling pag-aasawa, ibig sabihin ba niyan na malambot din siya sa paghihiiwalay? Hindi, malinaw na sa pangkalahatan ay tutol si Pablo sa paghihiwalay. Sa naunang talakayan sa parehong kabanata ng kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto, inilatag niya ang isang kautusan sa paghihiwalay na kasundo ng pagkasuklam ng Diyos sa paghihiwalay:

Ito naman ang iniutos sa mga may asawa, hindi mula sa akin kundi mula sa Panginoon: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. Nguni’t kung siya’y hihiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya’y muling makipagkasundo sa kanyang asawa. At huwag rin namang palalayasin at hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa. Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: kung ang isang lalaking mananampalataya ay may asawang di mananampalataya at nais nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag siyang makipaghiwalay. Sapagka’t ang lalaking hindi pa sumasampalataya at may asawang di mananampalataya at nais nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag niya itong hiwalayan. Kung ang isang babaing sumasampalataya ay may asawang di sumasampalataya at nais ng lalaking magpatuloy ng pakikisama sa kanya, huwag siyang makipaghiwalay. Sapagka’t ang lalaking hindi pa sumasampalataya ay nagiging katanggap-tanggap din sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay nagiging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon ay magiging marumi sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; nguni’t ang totoo, ang mga ito ay katanggap-tanggap sa Diyos. Kung nais namang humiwalay ng asawang hindi mananampalataya sa kanyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang hinihiwalayan ay Malaya na sapagka’t tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Anong malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? (1 Cor. 7:10-17).

Pansinin muna na tinukoy ni Pablo ang mga mananampalatayang may mananampalatayang asawa. Siyempre, hindi sila maghihiwalay, at inihahayag ni Pablo ito ay hindi niya payo, kundi payo ng Panginoon. At iyan ay tunay na katugma ng lahat nang tiningnan na natin sa Biblia.

At dito na nagiging interesante. Malinaw na lubhang makatotohanan si Pablo upang mapagtanto na kahit mananampalataya ay nagkakahiwalay sa mga bihirang pagkakataon. Kung nangyari iyan, inihayag ni Pablo na ang taong naghiwalay sa kanyang asawa ay dapat manatiling walang asawa o makipagkasundo muli sa kanyang asawa. (Bagama’t ibinibigay ni Pablo ang mga ispesipikong instruksiyon sa mga babae, ipinapalagay ko na akma rin ang mga ito sa mga lalaki.)

Muli, hindi nakapagtataka sa atin ang isinusulat ni Pablo. Una niyang inilatag ang kautusan ng Diyos tungkol sa paghihiwalay, nguni’t lubhang marunong upang malamang ang kautusan ng Diyos ay maaaring hindi laging susundin. Kaya nang ang kasalanan ng paghihiwalay ay nangyayari sa dalawang mananampalataya, nagbibigay siya ng karagdagang instruksiyon. Ang taong naghiwalay ng kanyang asawa ay dapat manatiling walang asawa o kaya ay makipagkasundo muli sa kanyang asawa. Iyan ang talagang pinakamainam kapag ang hiwalayan ay sa dalawang mananampalataya. Habang kapwa walang asawa, may pag-asang magkakabalikan sila, at iyan ang pinakamaganda. Siyempre, kung mag-aasawa ang isa, winawakasan niyan ang pag-asa at posibilidad ng muling pagkakasundo. (At malinaw na kapag nakagawa sila ng di-mapapatawad na kasalanan sa paghihiwalay, walang dahilan upang sabihan sila ni Pablo na manatiling walang asawa o kaya’y muling magkasundo.)

Masasabi ba ninyo na lubhang marunong si Pablo upang malamang ang kanyang pangalawang direktiba sa nagkahiwalay na mananampalataya ay hindi laging susundin? Puwede. Marahil hindi na siya nagbigay pa ng karagdagang direktiba sa mga mananampalatayang nagkahiwalay dahil inasahan niya na ang mga tunay na mananampalataya ay sumunod sa una niyang payo upang hindi maghiwalay at kailangan lamang ang pangalawang direktiba sa mga lubhang pambihirang kaso. Tunay na ang mga totoong tagasunod ni Cristo, kung may problema, ay gagawa ng lahat ng makakaya upang panatilihin ang kanilang samahan. At tunay na ang isang mananampalatayang nagtangka ng lahat upang mapanatili ang samahan ay nakaramdam na wala siyang ibang paraan kundi ang makipaghiwalay, talagang ang mananampalatayang iyon, dahil sa kanyang kahihiyan at pagnanais papurihan si Cristo ay hindi magtatangkang mag-asawa ng iba, at aasa pa rin sa pakikipagkasundo. Mukhang ang totoong problema sa modernong iglesia tungkol sa paghihiwalay ay napakalaking bahagdan ang hindi tunay na mananampalataya, mga taong kailanman ay hindi tunay na nanampalataya at kung gayon ay hindi napailalim sa Panginoong Jesus.

Lubhang malinaw sa sinulat ni Pablo sa 1 Corinto 7 na may mas mataas na inaasahan ang Diyos sa mga mananampalataya, mga taong pinananahanan ng Espiritu Santo, kaysa hindi mananampalataya. Isinulat ni Pablo, na nabasa natin, na ang mga mananampalataya ay hindi dapat makipaghiwalay sa kanilang di-nananampalatayang asawa habang nais pa ng asawa na makisama sa kanila. Minsan pa, hindi natin pinagtatakhan ang direktibang ito, hindi dahil ganap na kahanay ng lahat ng nabasa natin sa Biblia tungkol sa paksa. Ang Diyos ay tutol sa paghihiwalay. Nguni’t idinadagdag ni Pablo, na kung ang di-nananampalataya ay nagnanais makipaghiwalay, papayagan siya ng mananampalataya. Alam ni Pablo na ang di-mananampalataya ay hindi pumailalim sa Diyos, kaya hindi niya inaasahan ang di-mananampalataya na kumilos bilang mananampalataya. Idadagdag ko na kapag ang isang di-mananampalataya ay pumayag makisama sa isang mananampalataya, ito ay magandang indikasyon na ang di-mananampalataya ay bukas sa magandang balita, o ang mananampalataya ay nanumbalik sa dating sama, o kaya’y huwad na Cristiano.

Ngayon sino ang makapagsasabi na ang mananampalatayang hiniwalayan ng di-mananampalataya ay hindi malayang muling mag-asawa? Hindi kailanman sinasabi ni Pablo iyan, na ginawa niya sa kaso ng dalawang mananampalatayang naghiwalay.

Magtataka tayo kung bakit tututol ang Diyos sa muling pag-aasawa ng isang mananampalataya na hiniwalayan ng isang di-mananmpalataya. Ano ang layunin niyan? Nguni’t ang ganitong pagbibigay ay maliwanag na salungat sa sinabi ni Jesus tungkol sa muling pag-aasawa: “ Sinumang makipag-asawa sa babaing pinalayas at hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya” (Mt. 5:32). Ito, muli, ay nagtutulak sa akin upang magsuspetsa na hindi natin naintindihan ang tinatangkang iparating ni Jesus.

Ang Problema (The Problem)

Malinaw na nagkakasundo lahat sina Jesus, Moises at Pablo na ang paghihiwalay ay indikasyon ng kasalanan ng isa o dalawang panig ng hiwalayan. Lahat ay nagkakaisa sa kanilang pangkalahatang pagtutol. Nguni’t ito ang ating problema: Paano natin ipagkakasundo ang sinabi nina Moises at Pablo tungkol sa pag-aasawang muli sa sinabi ni Jesus tungkol dito? Tunay na dapat nating asahan na nagkakaisa dahil lahat ay nabigyang-inspirasyon ng Diyos upang sabihin ang sinabi nila.

Siyasatin natin ang eksaktong sinabi ni Jesus at tingnan kung kanino Siya nakikipag-usap. Dalawang ulit sa sa ebanghelyo ni Mateo makikita natin si Jesus na tumutukoy sa paksa ng paghihiwalay at muling pag-aasawa, minsan sa Sermon sa Bundok at minsan nang tinanong Siya ng ilang Pariseo. Mag-umpisa tayo sa pakikipag-usap ni Jesus sa mga naturang Pariseo:

May ilang Pariseong lumapit sa Kanya at nagtangkang humanap ng maipaparatang sa pamamagitan ng tanong na ito, “Naaayon ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” Sumagot si Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa kasulatan na sa pasimula’y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At Siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila’y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya’t ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.” Tinanong siya ng mga Pariseo, “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ito?” Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na palayasin at hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subali’t hindi ganoon sa pasimula. Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking magpalayas at humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya’y nangangalunya, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya” (Mt. 19:3-9).

Sa pag-uusap na ito kay Jesus, tinukoy ng mga Pariseo ang isang bahagi ng Kautusan ni Moises na binanggit ko noong una, Deuteronomio 24:1-4. Doon ay nakasulat, “Kung mag-asawa ang isang lalaki nguni’t dumating ang panahon na ayaw na niya sa babae dahil may natuklasan siya ritong hindi kaaya-aya, at gumawa siya ng kasulatan ng paghihiwalay, ibinigay ito sa babae, at pinalayas ito sa kanyang pamamahay…” (Deut. 24:1, idinagdag ang pagdidiin).

Sa panahon ni Jesus, may dalawang kaisipan tungkol sa kung ano ang bumubuo ng “hindi disente.” Mga dalawampung taon bago iyon, isang rabbi na nagngangalang Hillel ang nagturo na ang pagiging hindi disente ay isang hindi maipagkakasundong kaibahan. Sa panahong nangyari ang debate ni Jesus at mga Pariseo, ang interpretasyong “Hillel” ay naging higit na liberal, pinapayagan ang paghihiwalay sa “kahit anong dahilan,” na ipinaaalam ng tanong kay Jesus ng mga Pariseo. Mahihiwalayan ninuman ang kanyang babaing asawa kapag nasunog niya ang hapunan, maalat ang pagkain, umikot sa lugar na maraming tao at nakita ang kanyang tuhod, inilugay ang buhok, kumausap sa ibang lalaki, nagsabi ng hindi maganda tungkol sa biyenang babae, o hindi magkaanak. Maihihiwalay din ng lalaki ang kanyang asawa kapag nakakita siya ng ibang higit na kaakit-akit, na nagtuturing sa kanyang asawa bilang “hindi disente.”

Isa pang bantog na rabbi, si Shammai, na nabuhay bago si Hillel, ang nagturo na ang pagiging “hindi disente” ay bagay na imoral, tulad ng pangangalunya. Tulad ng iyong palagay, sa mga Pariseo nang kapanahunan ni Jesus, ang liberal na interpretasyon ni Hillel ay higit na popular kaysa sa kay Shammai. Ang mga Pariseo ay namuhay at nangaral na makatarungan ang paghihiwalay sa anumang dahilan, kaya talamak ang hiwalayan. Sa tipikal na kaugaliang Pariseo, idiniin nila ang kahalagahan ng pagbibigay sa asawang babae ng kasulatan ng paghihiwalay kapag hiniwalayan siya, upang hindi “lumabag sa Kautusan ni Moises.”

Huwag Kalimutang Nakikipag-usap si Jesus sa mga Pariseo (Don’t Forget that Jesus’ was Speaking to Pharisees)

Sa pagsasaalang-alang dito, higit nating maiintindihan ang kinakaharap ni Jesus. Hinarap Siya ng grupo ng mapagpanggap na relihiyosong guro, na karamihan ay hiwalay nang minsan o higit pa, at dahil nakahanap sila ng higit na kaakit-akit na asawa. (Palagay ko ay hindi nagkataon lamang na ang mga salita ng Diyos tungkol sa paghihiwalay sa Sermon sa Bundok ay susunod agad sa mga payo Niya tungkol sa hilig ng laman, o tinantawag Niyang uri ng pangangalunya.) Nguni’t pinangagatwiranan nila ang mga sarili, sinasabing sinunod ang Kautusan ni Moises.

Ang mismong tanong nila ay nagbubunyag ng kanilang kinikilingan. Malinaw na naniniwala silang maaaring hiwalayan ang asawang babae sa anumang dahilan. Ibinunyag ni Jesus ang kanilang maling intindi sa intensyon ng Diyos sa pag-aasawa sa pag-apila sa mga sinabi ni Moises tungkol sa pag-aasawa sa Kabanata 2 ng Genesis. Hindi kailanman ninais ng Diyos na magkaroon ng hiwalayan, lalo na hiwalayan “sa kahit anong dahilan,” nguni’t hinihiwalayan ng mga lider ng Israel ang kanilang mga asawa na parang mga tinedyer na nakikipag-break sa kanilang “steady”!

Palagay ko ay alam na ng mga Pariseo ang panig ni Jesus tungkol sa paghihiwalay, dahil sinabi na Niya sa madla noon, kaya handa na sila sa kanilang kasagutan: “Bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ito?” (Mt. 19:7).

Muling ibinubunyag ng tanong na ito ang kanilang bias. Inihayag sa isang paraan na parang iniuutos ni Moises sa mga lalaki upang hiwalayan ang mga asawa nang makakita ng “hindi disente,” at kinakalangan ng tamang sertipiko, nguni’t alam natin mula sa Deuteronomio 24:1-4, na hindi kailanman sinasabi iyan ni Moises. Pinipigilan lamang niya ang babae sa pangatlong ulit na pag-aasawa, pinagbabawalang muling pakasalan ang unang asawa.

Gaya ng binanggit noon ni Moises tungkol sa paghihiwalay, marahil ay pinapayagan ito nang may dahilan. Nguni’t pansinin ang gamit ng pandiwang ginamit ni Jesus sa Kanyang sagot, pinayagan, ay sumasalungat sa pagpili ng Mga Pariseo ng pandiwa: iniutos. Pinayagan ni Moises ang paghihiwalay; kailanman ay hindi niya ito iniutos.Ang dahilan ng pagpayag ni Moises sa paghihiwalay ay ang katigasan ng puso ng mga taga-Israel. Ibig sabihin, pinayagan ng Diyos ang paghihiwalay bilang mahabaging pagtanggap sa pagiging makasalanan ng mga tao. Alam Niya na hindi magiging tapat ang mga tao sa kanilang asawa. Alam Niyang magkakaroon ng imoralidad. Alam Niyang mawawasak ang puso ng mga tao. Kaya pinagbigyan Niya ang paghihiwalay. Hindi iyon ang orihinal Niyang intensyon, nguni’t kinailangan ito ng kasalanan.

Sumunod, inilatag ni Jesus ang kautusan ng Diyos sa mga Pariseo, marahil ay pati pagpapaliwanag ng “hindi disente” ni Moises: “Sinumang lalaking magpapalayas at humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya’y nangangalunya, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya” (Mt.19:9, idinagdag ang pagdidiin). Sa mata ng Diyos, pangangalunya lamang ang balidong dahilan upang hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, at naiintindihan ko iyan. Ano ang nagagawa ng babae o lalaki na higit pang nakakasama sa kanyang asawa? Kapag nangangalunya ang isang asawa, nagpapadala siya ng brutal na mensahe. Tunay na hindi lamang tinutukoy ni Jesus ang pangangalunya sa paggamit niya ng salitang “imoral.” Talagang ang masidhing paghalik at paghawak ay kilos na imoral, pati panonood ng pornograpiya, at iba pang perversion. Tandaan na inihanay ni Jesus ang pagkahilig sa laman sa pangangalunya sa Kanyang Sermon sa Bundok.

Huwag nating kalimutan kung sino ang kinakausap ni Jesus —Pariseong naghihiwalay ng kanilang mga asawa sa kahit anong dahilan, at dagliang muling nag-aasawa, nguni’t, huwag naman sana, kailanman ay hindi mangangalunya at baka suwayin pa ang pampitong kautusan. Sinasabi ni Jesus na niloloko lamang nila ang kanilang sarili. Ang ginagawa nila ay walang pinagkaiba sa pangangalunya, at totoo ‘yan. Nakikita ng sinumang matapat na ang lalaking maghihiwalay ng kanyang asawa upang humanap ng iba ay gumagawa ng ginagawa ng nanganalunya, nguni’t sa balatkayo ng ilang ligalidad.

Ang Solusyon (The Solution)

Ito ang susi upang ipagkasundo si Jesus kina Moises at Pablo. Inilalantad lamang ni Jesus ang paggbabalatkayo ng mga Pariseo. Hindi Niya ibinababa ang kautusang nagbabawal ng anumang pag-aasawang muli. Kung iyon ang intensyon Niya, sinasalungat Niya sina Moises at Pablo at lumilikha ng nakalilitong kaguluhan para sa milyun-milyong taong nag-asawang muli. Kung nagbibigay si Jesus ng isang kautusan sa muling pag-aasawa, ano ngayon ang sasabihin natin sa humiwalay at muling nag-asawa bago nila nalaman ang kautusan ni Jesus? Sasabihin ba natin sa kanila na nabubuhay sila sa ugnayan ng pangangalunya, bagama’t alam natin ang babala ng Diyos na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga nangangalunya? (tingnan ang 1 Cor. 6:9-10), payuhan silang muling humiwalay? Nguni’t di ba nasusuklam ang Diyos sa hiwalayan?

Sasabihin ba natin sa kanila na huminto sa pakikipagtalik sa kanilang asawa hanggang sa mamatay ang dati nilang asawa upang hindi patuloy na magkasala sa pangangalunya? Nguni’t hindi ba’t pinagbawalan ni Pablo ang mga mag-asawa upang pagkaitan ng sex ang isa’t isa? Hindi ba ito magiging sanhi ng sekswal na pagkatukso at paigtingin ang pagnanais na mamatay na ang dating asawa?

Sasabihin ba natin sa mga taong ito na hiwalayan ang mga kasalukuyang asawa upang muling pakisamahan ang dating asawa (na siyang itinuturo ng ilan), isang bagay na ipinagbabawal sa ilalim ng Kautusang Mosaic sa Deuteoromio 24:1-4?

Paano ang mga hiwalay na tao na hindi nag-asawang muli? Kung papayagan lang silang muling mag-asawa kapag nangalunya ang dati nilang asawa, sino ang makapagsasabi kung talagang nangyari ang pangangalunya? Upang muling makapag-asawa, kailangan bang patunayan ng ilang tao na ang dati nilang asawa ay nagkasala lamang sa pagkahilig sa laman, samantalang ang iba ay kailangang maglabas ng mga saksi laban sa mga gawain ng dati nilang asawa?

Gaya ng nauna kong tanong, paano ang mga kasong ang dating asawa ay nangalunya dahil sa pag-aasawa ng isang taong nagkait ng sex sa kanya? Makatwiran ba na ang taong nagkait ng sex ay payagang mag-asawang muli samantalang ang taong nangalunya ay hindi payagang muling mag-asawa?

Paano ang taong gumawa ng kalaswaan bago nag-asawa? Hindi ba ang gawain niyang malaswa ay isang hindi matapat na gawain laban sa magiging asawa niya? Hindi ba katumbas ng kasalanan ng taong iyon ang pangangalunya kung ang naging kasama niyang nagkasala noon ay may-asawa? Kung gayon ay bakit pinapayagan ang taong iyon na mag-asawa?

Paano ang mga taong nagsasama, hindi kasal, at nag-“break”? Bakit sila pinapayagang mag-asawa ng iba pagkatapos nilang mag-break, dahil lamang sa hindi sila opisyal na kasal? Paano sila naging iba sa mga naghiwalay at nag-asawang muli?

Paano ang katotohanang “lahat ng lumang bagay ay lumilipas” at “lahat ng bagay ay nagbabago” kapag ang isang tao ay nagiging Cristiano (tingnan ang 2 Cor. 5:17)? Ibig sabihin ba niyan ang lahat ng kasalanang ginawa maliban sa kasalanang paghihiwalay?

Lahat nang ito at marami pang tanong [1] ay matitibay na dahilan upang isiping hindi nagbababa ng bagong kautusan si Jesus tungkol sa muling pag-aasawa. Tunay na marunong si Jesus upang mapagtanto ang mga magiging epekto ng Kanyang bagong kautusan tungkol sa muling pag-aasawa kung iyon ang ibig Niya. Sapat na iyon upang ipaalam sa atin na ibinubunyag lamang Niya ang pagpapanggap ng mga Pariseo—mga mahilig sa laman, relihiyoso, mapagkunwaring taong nakikipaghihiwalay sa kani-kanilang asawa “sa ano mang dahilan” at muling mag-aasawa.

Tunay na ang dahilan ni Jesus sa pagsasabing sila ay “nangangalunya” sa halip na sabihing mali ang ginagawa nila ay dahil nais Niyang makita nila na ang paghihiwalay sa ano mang dahilan at muling pag-aasawa ay walang pinagkaiba sa pangangalunya, isang bagay na hindi nila inaaming ginagawa nila. Ipagpapalagay ba natin na ang tanging alalahanin ni Jesus ay ang aspektong sekswal ng muling pag-aasawa, at papayagan Niya ang muling pag-aasawa basta’t walang sex? Malinaw na hindi. Kaya huwag natin Siyang piliting sabihin ang kailanman ay hindi Niya ibig sabihin.

Isang Maalalahaning Paghahambing (A Thoughtful Comparison)

Isipin natin ang dalawang tao. Ang isa ay may asawa, relihiyoso, na nag-aangking mahal niya ang Diyos nang buong puso, at nagsisimulang magkaroon ng pagnanasa sa isang batang babaing kapitbahay niya. Pagdaka ay hiniwalayan niya ang kanyang asawa at dagliang pinakasalan ang babae ng kanyang pantasya.

Ang isang lalaki ay hindi relihiyoso. Hindi pa niya napapakinggan ang magandang balita at namumuhay na makasalanan, na naging dahilan ng pagkasira ng relasyon sa asawa. Ilang taon ang nakalipas, narinig niya ang ebanghelyo, nagsisi, ang nagsimulang sumunod kay Jesus nang buong puso. Makaraan ang tatlong taon umibig siya sa isang masugid na Cristianong babae na nakilala niya sa iglesia . pareho silang naghanap ng pagpapayo ng Panginoon at ng iba pa, at nagpasyang magpakasal. Nagpakasal nga sila, at matapat na nagsilbi sa Panginoon at sa isa’t isa hanggang kamatayan.

Ngayon, ipagpalagay natin na ang dalawang lalaki ay kapwa nagkasala nang muling mag-asawa. Sino sa kanila ang higit ang kasalanan? Malinaw na ang unang lalaki. Tulad rin siya ng nangangalunya.

Nguni’t paano ang pangalawang lalaki? Mukha ba talagang nagkasala siya? Masasabi bang wala siyang pinagkaiba sa nangangalunya, na tulad ng nauna? Palagay ko’y hindi. Sasabihin ba natin sa kanya ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga naghihiwalay at muling nag- aasawa, at ipaaalam sa kanya na ngayon ay kinakasama niya ang isang babaing hindi minarapat ng Diyos para sa kanya, dahil itinuturing pa rin ng Diyos na kasal siya sa kanyang unang asawa? Sasabihin ba natin sa kanya na nabubuhay siya sa pangangalunya?

Malinaw ang mga sagot. Ang pangangalunya ay ginagawa ng mga may-asawang nag-aasam pa rin ng iba maliban sa asawa nila. Kaya ang paghihiwalay sa asawa dahil sa nakahanap na ng higit na kaakit-akit na asawa ay pareho rin sa pangangalunya. Nguni’t ang taong walang asawa ay hindi maaaring mangalunya dahil wala siyang asawang nangangailangan ng kanyang katapatan. Kapag naintindihan natin ang biblikal at historikal na konteksto ng sinabi ni Jesus, hindi tayo magkakaroon ng mga walang kwentang palagay na sumasalungat sa kabuuan ng Biblia.

Siyanga pala, nang marinig ng mga alagad ang sagot ni Jesus sa tanong ng Pariseo, sumagot sila sa pagsasabing, “kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag na siyang mag-asawa” (Mt. 19:10). Intindihin na lumaki sila sa ilalim ng impluwensiya ng mga Pariseo, at sa isang kulturang lubhang naimpluwensiyahan ng mga Pariseo. Kailanman ay hindi nila itinuring na ang pag-aasawa ay pangmatagalan. Katunayan, hanggang sa mga sandaling iyon, malamang na pinaniwalaan din nila na makatwiran para sa isang lalaki na hiwalayan ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan. Kaya dali-dali nilang ipinagpalagay na ang pinakamagandang gawin ay iwasan na lang ang pag-aasawa, upang hindi makipaghiwalay at mangalunya.

Sumagot si Jesus,

Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi sila lamang na pinagkalooban ng Diyos. Sapagka’t may iba’t ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba nama’y naging ganoon dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. Dapat itong gawin ng taong nakakaunawa sa katuruang ito (Mt. 19:11-12).

Ibig sabihin, ang pangangailangang sekswal at/o ang kakayahang kontrolin ito ang higit na magtatakdang dahilan. Kahit sa Pablo ay nagsabing, “Mas mabuti ang mag-asawa kaysa di-makapagpigil sa matinding pagnanasa” (1 Cor. 7:9). Ang mga ipinanganak na eunuch o ginawang eunuch na mga lalaki (na siyang ginawa ng mga lalaki na nangailangan ng iba pang lalaking mapagkakatiwalaan nila upang bantayan ang kanilang harem) ay walang pagnanasa. Ang mga “nagiging eunuch para sa kaharian ng langit” ay maaaring iyong mga nabigyan ng tanging kaloob ng Diyos upang magkaroon ng matinding kontrol sa sarili, kaya “Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi sila lamang na pinagkalooban ng Diyos” (Mt. 19:11).

Ang Sermon sa Bundok (The Sermon on the Mount)

Dapat nating tandaan na ang kawan na kinausap ni Jesus sa Kanyang Sermon sa Bundok ay mga tao ring gumugol ng kanilang buhay sa ilalim ng mapagpanggap na impluwensiya ng mga Pariseo, mga pinuno at guro sa Israel. Ayon sa napag-alaman na natin tungkol sa Sermon sa Bundok, malinaw na karamihan sa sinabi ni Jesus ay walang iba kundi isang paglilinaw sa maling turo ng mga Pariseo. Sinabi pa ni Jesus sa kawan na hindi sila pupunta sa langit hangga’t ang kanilang katuwiran ay hihigit sa tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo (tingnan ang Mt. 5:20), na isang paraan ng pagsasabi na ang mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo ay pupunta sa impiyerno. Sa katapusan ng Kanyang sermon, namangha ang mga kawan, dahil nagtuturo si Jesus “hindi bilang kanilang tagapagturo ng kautusan” (Mt. 7:29).

Sa unang bahagi ng Kanyang sermon, ibinunyag ni Jesus ang pagpapanggap ng mga nagsasabing kailanman ay hindi sila nagkasala ng pangangalunya, nguni’t nagnanasa o naghihiwalay at nag-aasawang muli. Pinalawak Niya ang ibig sabihin ng pangangalunya na higit pa sa pisikal at makasalanang gawain ng dalawang taong kasal sa iba. Ang sinabi Niya ay malamang na malinaw sa isang matapat na tao na sandaling nag-isip. Isaisip na bago ang sermon ni Jesus, karamihan sa mga tao sa kawan ay naniwalang naaayon sa kautusan ang maghiwalay ng asawa “kahit sa anong dahilan.” Nais ni Jesus na ang Kanyang mga tagasunod pati na lahat ay makaalam na ang intensyon ng Diyos mula umpisa ay isang higit na mataas na pamantayan.

Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Nguni’t sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. Kung ang iyong kanang kamay naman ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. Sinab i rin naman, ‘Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, ito’y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay. Nguni’t sinasabi ko sa inyo, kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa,maliban kung ito ay nangangalunya, itinutulak niya ang kanyang asawa sa kasalanang pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing pinalayas at hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya (Mt. 5:27-32).

Una, tulad ng itinuro ko na noong una, pansinin na ang mga salita ni Jesus tungkol sa paghihiwalay at muling pag-aasawa ay hindi lamang direktang sumusunod sa Kanyang mga salita tungkol sa pagnanasa, iniuugnay sila doon, kundi kapwa ipinapantay ni Jesus bilang pangangalunya, at lalong pinagtitibay ang kanilang kaugnayan. Kaya makikita natin ang iisang hibla na tumutuhog sa buong bahaging ito ng Biblia.Tinutulungan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod upang intindihin ang tunay na hinihingi ng pagsunod sa ikapitong utos. Ang ibig sabihin ay hindi magnanasa at hindi maghihiwalay at mag-asawang muli.

Lahat sa tagapakinig Niyang Judio ang nakarinig sa ikapitong utos na binasa sa sinagoga (walang nagmamay-ari ni Biblia), at narinig nila ang paliwanag pati na rin sa pagsasabuhay nito ng kanilang mga guro, mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo. Sumunod ay sinabi ni Jesus, “nguni’t sinasabi ko sa inyo,” bagama’t hindi Siya nagdaragdag ng bagong kautusan. Ibubunyag lamang Niya ang orihinal na pakay ng Diyos.

Una, ang pagnanasa ay malinaw na ipinagbabawal ng pangsampung utos, at kahit wala ito, ang sinumang nakaaalam nito ay nakapagtanto na mali ang magnais ng ipinagbabawal ng Diyos.

Pangalawa, mula sa mga pinakaunang kabanata ng Genesis, nilinaw ng Diyos na pangmatagalan ang pag-aasawa. Dagdag pa, ang sinumang nag-isip ng gayon ay nakapagpalagay na ang paghihiwalay at muling pag-aasawa ay tulad din ng pangangalunya, lalo na kapag nakikipaghiwalay ang isang tao dahil gusto niyang muling mag-asawa.

Nguni’t muli sa sermon na ito, malinaw na tumutulong lamang si Jesus upang makita ng mga tao ang katotohanan tungkol sa pagnanasa at paghihiwalay sa ano mang dahilan at muling pag-aasawa. Hindi Siya nagtatakda ng bagong kautusan tungkol sa muling pag-aasawa na hindi pa tinataglay “ng mga libro.”

Napakainteresante na iilan sa iglesia ang literal na umintindi sa mga salita ni Jesus tungkol sa pagbunot ng mata o pagputol ng mga kamy, dahil ang mga ideang ito ay sasalungat sa kabuuan ng Biblia at malinaw na ginagamit lamang ang mga ito upang idiin ang pag-iwas sa tukso ng pagnanasa. Nguni’t marami sa iglesia ang sumusubok na magpaliwanag nang literal sa mga salita ni Jesus tungkol sa taong nag-asawang muli na nangangalunya, kahit na sinasalungat ng interpretasyong ganito ang kabuuan ng Biblia. Ang layunin ni Jesus ay harapin ng kanyang mga tagapakinig ang katotohanan, upang mabawasan ang bilang ng mga naghihiwalay. Kung didibdibin ng Kanyang mga tagasunod ang sinabi Niya tungkol sa pagnanasa, walang mangangalunya sa kanila. Kung walang mangangalunya, walang lehitimong dahilan ng paghihiwalay, tulad ng orihinal na pakay ng Diyos sa simula pa lamang.

Paano Itinutulak ng Isang Lalaki ang Kanyang Asawa Upang Mangalunya? (How Does a Man Make His Wife Commit Adultery?)

Pansinin na sinabi ni Jesus, “Lahat ng nakipaghihiwalay sa kanilang asawa, maliban sa pangangalunya, ay nagtutulak sa kanya upang mangalunya.” Muli tayong inaakay nito upang paniwalaang hindi Siya nagtatakda ng bagong kautusan tungkol sa muling pag-aasawa, kundi ibinubunyag ang katotohanan tungkol sa kasalanan ng isang lalaki na naghihiwalay sa kanyang asawa nang walang sapat na dahilan. “Itinutulak niya ito upang mangalunya.” Ang ilan ay nagsasabi na ipinagbabawal ni Jesus ang muli niyang pag-aasawa, dahil itinuturing Niya ito bilang pangangalunya. Nguni’t kalokohan ito. Ang diin ay sa kasalanan ng lalaking naghihiwalay sa kanyang asawa. Dahil sa ginagawa ng lalaki, walang magagawa ang babae kundi muling mag-asawa, bagay na hindi niya kasalanan dahil biktima lang siya ng pagkamakasarili ng lalaki. Nguni’t sa mata ng Diyos, dahil iniwan ng lalaki ang pobreng asawa na walang magagawa kundi muling mag-asawa, parang itinulak ng lalaki ang asawa niya sa ibang lalaki. Kaya ang nag-iisip na hindi siya nangalunya ay nagkasala ng pangangalunya nang dalawang ulit, ang sa kanya at ang sa asawa niya. Hindi maaaring sinasabi ni Jesus na itinuring ng Diyos ang babaing biktima na nangalunya, dahil hindi iyan makatwiran, at katunayan ay walang katuturan kung hindi nag-asawang muli ang biktimang babae. Paano sasabihin ng Diyos na nangangalunya siya hangga’t hindi siya nag-aasawa? Talagang walang katuturan. Kung gayon ay malinaw na hinahatulan ng Diyos ang lalaki na nagkasala ng pangangalunya, at ang “pangangalunya” ng babaing asawa niya, na tunay na hindi pangangalunya para sa kanya. Makatarungan itong pag-aasawa.

At paano ang pahayag ni Jesus na “ang sinumang mag-asawa ng hiwalay na babae ay nangangalunya”? May dalawang posibilidad lamang. Maaaring nagdaragdag na si Jesus ng pangatlong beses na pagkakasala ng pangangalunya laban sa lalaking nag-aakalang kailanman ay hindi siya nangalunya (sa dahilang pareho sa pangalawang pagkakasala), o ang tinutukoy ni Jesus ay ang lalaking nag-uudyok sa babae upang hiwalayan ang asawa niya upang pakasalan siya nito upang “hindi magkasala ng pangangalunya.” Kung sinasabi ni Jesus na ang sino man sa mundo na nag-aasawa ng hiwalay na babae ay nangangalunya, lahat ng taga-Israel na lalaki sa nakalipas na daan-daang taon ay nangalunya na, dahil sa pagtupad sa kautusan ni Moises, ay nakipag-asawa sa isang hiwalay na babae. Katunayan, lahat ng lalaking tagapakinig Niya nang araw na iyon na kasalukuyang nakikisama sa hiwalay na babae bilang pagtupad sa kautusang Mosaic ay biglang nahatulan ng pagkakasalang hindi niya kasalanan sa nakalipas na isang minuto, at maaaring pinalitan ni Jesus ang Kautusan ng Diyos nang sandaling iyon. Dagdag pa, bawa’t tao sa kinabukasan na mag-asawa ng hiwalay na tao, nagtitiwala sa mga salita ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto na hindi ito kasalanan, ay talagang nagkakasala ng pangangalunya.

Ang buong damdamin ng Biblia ang nag-aakay sa akin upang humanga sa isang lalaking nag-asawa ng hiwalay na babae. Kung naging biktima lamang siya ng pagkamakasarili ng kanyang asawa, hahangaan ko ang lalaki tulad ng paghanga ko sa isang mag-aasawa ng balo upang alagaan ito. Kung nagkasala ang babae sa kanyang paghihiwalay, hahangaan ko ang lalaki sa kanyang pagiging parang si Cristo sa pagtitiwala ng lahat ng kabutihan para sa babae, at sa pagpapalang pag-aalay na kalimutan ang nakaraan at susuong sa peligro. Bakit ipinagpapalagay ninuman na nakabasa ng Biblia at pinananahanan ng Espiritu Santo na pinagbabawalan ni Jesus ang lahat na mag-asawa ng isang hiwalay na tao? Paano aangkop ang pananaw na ito sa katarungan ng Diyos, isang katarungang kailanman ay hindi magpaparusa ninuman sa pagiging biktima, na tulad ng kaso ng babaing hiwalay nang hindi niya kasalanan? Paano aakma ang pananaw na ito sa mensahe ng magandang balita, na naghahandog ng kapatawaran at isa pang pagkakataon sa mga nagsisising makasalanan?

Sa Paglalagom (In Summary )

Konsistent ang Biblia sa pagsasabing ang paghihiwalay ay kasalanan ng dalawang partido. Kailanman ay hindi pakay ng Diyos ang paghihiwalay ninuman, nguni’t mahabaging nagpanukala ng paghihiwalay kung darating ang pangangalunya. Mahabagin din ang pagbibigay Niya ng probisyon upang muling mag-asawa ang mga hiwalay na tao.

Kung hindi dahil sa mga salita ni Jesus tungkol sa muling pag-aasawa, walang sinumang nagbabasa ng Biblia ang mag-iisip na kasalanan ang muling pag-aasawa (maliban sa dalawang napakapambihirang kaso sa lumang kasunduan at isang pambihirang kaso sa bago, na nagsasabing ang muling pag-aasawa pagkatapos mahiwalay sa isang Cristiano bilang Cristiano). Nguni’t mayroon tayong lohikal na paraang natagpuan upang ipagkasundo ang sinabi ni Jesus tungkol sa muling pag-aasawa sa buong katuruan ng Biblia. Hindi pinapalitan ang kautusan ng Diyos tungkol sa muling pag-aasawa ng isa pang higit na mahigpit na utos na nagbabawal sa lahat ng pag-aasawang muli, isang utos na imposibleng matupad ng mga taong hiwalay na at muling nag-asawa (na parang ibalik sa dati ang binating itlog), at magdudulot ng walang-hanggang kalituhan at umakay sa mga tao upang suwayin ang iba pang utos ng Diyos. Bagkus, tinutulungan Niya ang mga tao upang makita nila ang kanilang pagpapanggap. Tinutulungan niya ang mga taong naniniwalang hindi sila nangangalunya upang makitang sa ibang paraan ay nagkakasala sila nito, sa pamamagitan ng pagnanasa at ang liberal na pananaw sa paghihiwalay.

Tulad ng itinuturo ng buong Biblia, inihahandog ang kapatawaran sa nagsisising makasalanan ano man ang kanilang kasalanan, at pangalawa at pangatlong pagkakataon ay ibinibigay sa mga nagkakasala, pati na ang mga taong hiwalay. Walang pagkakasala sa anumang muling pag-aasawa sa ilalim ng bagong kasunduan, maliban sa mananampalatayang nahiwalay sa isa pang mananampalataya, na dapat ay hindi kailanman mangyayari, dahil ang mga tunay na mananampalataya ay hindi nangangalunya at walang balidong dahilan upang maghiwalay. Sa pambihirang pagkakataong sila’y maghiwalay, kapwa sila mananatiling walang asawa o magbalikan.

 


[1] Halimbawa, tingnan ang mga komento ng isang hiwalay na pastor na natiwalag sa katawan ni Cristo nang mag-asawang muli. Ang sabi niya, “mas mabuti pa kung pinatay ko ang aking asawa kaysa hiniwalayan siya. Kung pinatay ko siya, nakapagsisi ako, tumanggap ng kapatawaran, nag-asawang muli ayon sa batas, at nagpatuloy sa aking ministeryo.”

Kababaihan sa Ministeryo

Kabanata 12

Dahil karaniwang kaalaman na higit sa kalahati sa bumubuo ng ng iglesia ng Panginoong Jesu-Cristo ay kababaihan, mahalagang maintindihan ang kanilang atas-ng-Diyos na papel sa loob nito. Sa karamihan sa mga iglesia at ministeryo, tinitingnan ang mga kababaihan bilang mahalagang tagagawa, na lagi nilang ginagampanan ang karamihan sa kabuuan ng ministeryo.

Subali’t hindi lahat ay nagkakasundo sa papel ng kababaihan. Kadalasan ay napagbabawalan ang kababaihan sa ilang gawain sa ministeryo na may kinalaman sa pagsasalita at pamumuno. Pinapayagan ng iba ang pagiging pastor na kababaihan; marami ang hindi. Ang ilan ay talagang nagbabawal sa kababaihan upang magsalita sa mga pagtitipon sa iglesia.

Karamihan sa hindi pagkakasundong ito ay nagmumula sa iba-ibang interpretasyon ng mga salita ni Pablo tungkol sa papel ng kababaihan na matatagpuan sa 1 Cor. 14:34-35 at

1 Tim. 2:11-3:7. Ang mga pahayag na ito ang magiging pokus ng ating pag-aaral, lalo na sa pagtatapos ng kabanata.

Mula sa Umpisa (From the Beginning)

Sa ating pagsisimula, tunghayan natin ang ibinubunyag ng Biblia tungkol sa kababaihan mula sa mga unang pahina. Ang mga babae, tulad ng mga lalaki, ay nilikha sa larawan ng Diyos:

Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y Kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae (Gen. 1:27).

Nguni’t alam natin na nilikha ng Diyos si Adam bago Niya nilikha sa Eva, at ito’y katotohanang espiritwal ayon kay Pablo (tingnan ang 1 Tim. 2:3). Sa susunod ay tutunghayan natin ang kahalagahan ng pagkakasunod na ito na ipinaliwanag ni Pablo, nguni’t sa ngayon ay hindi nito pinatutunayan ang pagkakaangat ng lalaki sa babae. Alam natin na nilikha ng Diyos ang mga hayop bago mga tao (tingnan ang Gen. 1:24-28), at walang makikipagtalong angat ang mga hayop sa tao. [1]

Ang babae ay nilikha upang maging katulong ng kanyang asawa (tingnan ang Gen. 2:18). Muli, hindi ito nagpapatunay ng kanyang kababaan, kundi ibinubunyag lamang ang papel niya sa pag-aasawa. Ibinigay ang Espiritu Santo bilang katulong natin, nguni’t tunay na hindi Siya nakakababa sa atin! At masasabing ang paglikha ng Diyos upang maging katulong ng kanyang asawa ay nagpapatunay na kailangan ng mga lalaki ang tulong! Ang Diyos ang nagsabing hindi mabuti para sa lalaki ang nag-iisa (tingnan Gen. 2:18). Ang katotohanang iyan ay napatunayan nang ilang ulit sa kasaysayan nang maiwan ang kalalakihan na walang asawang tutulong sa kanila.

Bilang pangwakas, mapapansin nating mula sa mga unang pahina ng Genesis na ang unang babae ay nabuo mula sa laman ng unang lalaki. Kinuha siya mula sa kanya, na nagpapakita ng katotohanang may kulang sa lalaki kung wala ang babae at noong una sila ay iisa. Dagdag pa rito, ang pinaghiwalay ng Diyos ay intensyon Niya upang muling pag-isahin sa pamamagitan ng ugnayang sekswal, isang paraan hindi lamang ng pagpaparami, kundi pagpapahayag ng pag-ibig at pagdama ng kapwa kasiyahang nakasalalay sa bawa’t isa.

Ang lahat nang turong ito mula sa paglikha ay taliwas sa idea na ang isang kasarian ay nakaaangat sa isa, o ang pagkakaroon ng karapatan ng isa upang mangibabaw sa isa. At dahil lamang sa itinalaga ng Diyos ang ibang papel ng mga babae sa pag-aasawa o ministeryo ay walang kinalaman sa pagkakapantay nila sa lalaki kay Cristo, na nagtuturing na “wala nang ang lalaki at ang babae” (Gal. 3:28).

Kababaihan sa Ministeryo sa Lumang Tipan (Women in Ministry in the Old Testament)

Sa paglatag ng pundasyong ito, tutunghayan na natin ang mga babaing ginamit ng Diyos upang gawin ang Kanyang mga banal na layunin sa Lumang Tipan. Siyempre, malinaw na pangunahing tinawag ng Diyos ang kalalakihan sa ministeryo sa panahon ng Lumang Tipan, tulad ng ginawa Niya sa panahon ng Bagong Tipan. Ang mga kuwento ng kalalakihang tulad ni Moises, Aaron, Josue, Jose, Samuel at David ay pumupuno ng mga pahina ng Lumang Tipan.

Subali’t maraming kababaihan ang nangunguna bilang patunay na matatawag ng Diyos at magamit ang sinuman gugustuhin Niya, at mga babaing binigyang-kakayahan ng Diyos ay sapat para sa anumang gawaing kailanganin Niya.

Bago natin tunghayang isa-isa ang mga babaing naturan, dapat malaman na bawa’t dakilang lalaki ng Diyos sa Lumang Tipan ay ipinanganak at pinalaki ng isang babae. Walang naging Moises kung walang babaing Jocebed (tingnan ang Exo. 6:20). Ni walang ibang dakilang mga lalaki ng Diyos kung hindi sa mga ina ng mga lalaking iyon. Ang kababaihan ay binigyan ng Diyos ng mabigat na tungkulin at kapuri-puring ministeryo ng pagpapalaki ng mga bata sa Panginoon (tingnan ang 2 Tim. 1:5).

Si Jocebed ay hindi lamang ang ina ng dalawang lalaking tinawag-ng-Diyos, na nagngangalang Moises at Aaron, kundi ng isang babaing tinawag-ng-Diyos, ang kanilang kapatid, isang propetang babae at lider ng pagsamba na nagngangalang Miriam (tingnan ang Exo. 15:20). Sa Mikas 6:4, inihanay ng Diyos si Miriam kina Moises at Aaron bilang isa sa mga pinuno ng Israel:

Inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto at tinubos sa pagkaalipin. Isinugo ko sa inyo sina Moises, Aaron at Miriam upang kayo’y pangunahan (idinagdag ang pagdidiin).

Siyempre, ang pangunguna ni Miriam sa Israel ay malinaw na hindi kasin-dominante tulad ni Moises. Bagama’t bilang propetang babae, nagsalita si Miriam para sa Diyos , at palagay ko ay maipagpapalagay na ang mga mensahe ng Diyos sa pamamagitan niya ay hindi lang para sa mga babae, kundi sa mga lalaki rin ng Israel.

Isang Babaing Hukom sa Israel (A Female Judge Over Israel)

Isa pang babaing iniangat ng Diyos bilang lider sa Israel ay si Debora, na nabuhay sa panahon ng mga hukom sa Israel. Propetang babae rin siya, at hukom din sa Israel na gaya nina Gideon, Jeptha at Samson noong kapanahunan nila. Nalaman natin na “pinupuntahan siya rito ng mga tao upang magpasya sa kanilang mga usapin” (Huk. 4:5). Kaya gumawa siya ng kapasyahan para sa mga lalaki, hindi lang sa babae.Walang pagdududang: Ang babae ang nagsabi sa lalaki kung ano ang gagawin, at pinagpala siya ng Diyos na gawin ito.

Tulad ng maraming babae na tinatawag ng Diyos upang mamuno, malamang na hinarap ni Debora ang isang lalaking nahirapang tumanggap ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang babae. Ang pangalan niya ay Barak, at dahil nagdududa siya sa mga hinulaang payo ni Debora na makidigma laban sa heneral ng Canaan na si Sisera, sinabi niya sa kanya na ang papuri sa pagkapatay kay Sisera ay mapupunta sa isang babae. Tama siya, at isang babaing nagngangalang Jael ay natatandaan sa Biblia bilang isang babaing nagbaon ng tulos ng tolda sa ulo ng natutulog na Sisera (tingnan ang Huk. 4). Ang kuwento ay nagtatapos sa pag-awit ni Barak ng dueto kasami si Debora! Ilan sa mga titik ay puno ng panalangin kapwa para kina Debora at Jael (tingnan ang Huk. 5), kaya pagkatapos ng lahat, marahil ay nanalig si Barak sa “ministeryo ng kababaihan”.

Isang Pangatlong Propetang babae (A Third Prophetess)

Isang pangatlong babae na binanggit sa Lumang Tipan bilang respetadong propetang babae ay si Huldah. Ginamit siya ng Diyos upang magbigay ng mapagkakatiwalaang hinulaang kaisipan sa isang lalaki, ang ligalig na hari ng Juda, si Josias (tingnan ang 2 Ha. 22). Muli makikita natin ang isang halimbawa ng paggamit ng Diyos ng isang babae upang payuhan ang isang lalaki. Malamang na si Hulda ay regular na ginamit ng Diyos sa ganitong ministeryo, kung hindi, nagduda sana si Josias sa mga sinabi sa kanya. Nguni’t bakit tinawag ng Diyos sina Miriam, Debora at Huldah bilang mga propetang babae? Bakit hindi na lang siya tumawag ng mga lalaki?

Tunay na tumawag sana ang Diyos ng mga lalaki na gagawa ng katungkulang ginawa ng mga babaing iyon. Nguni’t hindi. At walang makapagsasabi kung bakit. Ang matututuhan natin dito ay huwag nating ikahon ang Diyos sa kung sino ang tatawagin Niya sa ministeryo. Bagama’t karaniwang pinipili ng Diyos ang mga lalaki para sa mga gawain ng pamumuno sa Lumang Tipan, minsan ay pinipili niya ang kababaihan.

Sa pagtatapos, mapapansin na lahat ng tatlong halimbawa ng babaing ministro sa Lumang Tipan ay propetang babae. May mga ilang ministeryo sa Lumang Tipan na walang babae ang tinatawag. Halimbawa, walang mga babaing tinatawag upang maging pari. Kaya maaaring nirereserba ng Diyos ang ilang opisina ng ministeryo para lamang sa mga lalaki.

Kababaihan sa Ministeryo sa Bagong Tipan (Women in Ministry in theNew Testament)

Napakainteresante na makahahanap rin tayo ng babaing tinatawag ng Diyos bilang propetang babae sa Bagong Tipan. Nang si Jesus ay ilang araw pa lamang, nakilala Siya ni Ana at nagsimulang ipahayag ang Kanyang pagiging mesias:

Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel at mula sa angkan ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon pa lamang silang nagsasama ng kanyang asawa, at ngayo’y walumpu’t apat na taon na siyang biyuda. Lagi siya sa templo, at araw gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Nang oras na iyon, lumapit din siya kina Jose at Maria, at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem (Lu. 2:36-38).

Pansinin na nagsalita si Ana tungkol kay Jesus sa lahat “ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem .” Kaya masasabing nagtuturo si Ana ng kalalakihan tungkol kay Cristo.

May iba pang kababaihan sa Bagong Tipan na ginamit ng Diyos sa kaloob na propesiya. Ang ina ni Jesus na si Maria ay tiyak na kasama nila (tingnan ang Lu. 1:46-55). Tuwing nababasa ang mga nanghuhulang salita ni Maria sa isang pagtitipon sa iglesia, masasabing ang isang babae ay nagtuturo sa iglesia (At walang-dudang pinupuri ng Diyos ang pagkababae sa pagsugo Niya sa Kanyang Anak sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang babae, isang bagay na magagawa Niya sa pamamagitan ng napakaraming paraan.)

Nagpapatuloy ang listahan. Nanghula ang Diyos sa pamamagitan ni propetang Joel na kapag nagbuhos ang Diyos ng Kanyang Espiritu, kapwa mga anak na lalaki at babae sa Israel ay magiging propeta (tingnan ang Joel 2:28). Kinumpirma ni Pedro na ang propesiya ni Joel ay tiyak na akma sa pagpapakalat ng bagong kasunduan (tingnan ang Gw. 2:17).

Sinasabihan tayo sa Gawa 21:8-9 na si Felipe, ang Ebangheliko ay mayroong apat na anak na babae na pawang propeta.

Isinulat ni Pablo ang tungkol sa mga babaing nagpropropesiya sa mga pagtitipon sa iglesia (tingnan ang 1 Cor. 11:5). Malinaw mula sa konteksto na nandoon din ang mga lalaki.

Sa lahat ng mga halimbawa sa Biblia ng babaing ginamit ng Diyos bilang propeta at magpropesiya, tiyak na wala tayong mahusay na dahilan upang maging sarado sa idea na maaaring gamitin ng Diyos ang kababaihan sa naturang mga ministeryo! Dagdag pa rito, walang anumang magdadala sa atin upang isiping hindi makakapagpropesiya ang kababaihan sa pangalan ng Diyos.

Kababaihan bilang Pastor? (Women as Pastors?)

Paano naman ang kababaihan bilang pastor? Mukhang malinaw na ang katungkulan ng pastor/namumuno/tagapangasiwa itinakda ng Diyos na para sa mga lalaki:

Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesia ay naghahangad ng mabuting gawain. Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan, isa lamang ang asawa (1 Tim. 3:1-2, idinagdag ang pagdidiin).

Iniwan kita sa Creta upang ayusin mo ang mga bagay na dapat pang ayusin at upang pumili ka ng mga matatandang mamamahala sa iglesia sa bawa’t bayan, ayon sa iniutos ko sa iyo. Pumili ka ng mga taong walang kapintasan; isa lamang ang asawa (Tito 1:5-6, idinagdag ang pagdidiin).

Hindi tahasang inihahayag ni Pablo na pinagbabawalan ang kababaihan upang humawak ng katungkulan, kaya dapat tayong mag-ingat sa pagpapalagay. Mukhang may maraming mahusay na babaing pastor/namumuno/tagapangasiwa sa buong mundo ngayon, lalo na sa umuunlad na bansa, nguni’t maliit pa rin ang bilang nila. Marahil paminsan-minsan ay tinatawag ng Diyos ang mga babae sa papel na ito kapag kinakailangan ng kanyang kaharian o kung kulang ang lalaking may kakayahang maging lider. Maaari rin na marami sa mga babaing pastor sa katawan ni Cristo ngayon ay talagang tinawag sa ibang katungkulan sa ministeryong para sa kababaihan, tulad ng pagiging babaing propeta, nguni’t ang umiiral na istruktura ng iglesia ngayon ay nagtatakda lamang sa kanila upang gampanan ang mga papel ng pangangalaga.

Bakit nakareserba sa lalaki ang pagiging pastor/namumuno/tagapangasiwa? Ang pag-intindi sa papel ng katungkulang iyan ay makakatulong sa ating pang-unawa. Isa sa mga itinatakdang pangangailangan ng Biblia upang maging pastor/namumuno/tagapangasiwa ay,

Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. Sapagka’t paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesia ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya? (1 Tim. 3:4-5).

Ang pangangailangang ito ay tamang-tama kung naintindihan natin na ang namumuno sa Bagong Tipan ay nangangasiwa ng maliit na tahanang iglesia. Ang papel niya ay katulad ng isang ama na nangangasiwa ng kanyang tahanan. Makatutulong ito upang maintindihan natin kung bakit ang pagiging pastor ay itinatakda sa lalaki—dahil lubhang kahalintulad nito ang istruktura ng pamilya na, kung nakahanay sa kalooban ng Diyos, ay dapat pinamumunuan ng isang lalaking asawa, hindi ng babae. May kasunod pa ito.

Kababaihan Bilang Apostol? (Women as Apostles?)

Kapani-paniwala nang naitatag natin na maaaring manilbihan bilang propeta ang kababaihan (kung tinawag ng Diyos). Paano ang ibang mga ministeryo? Naliliwanagan tayo ng pagbati ni Pablo sa Roma 16 nang pinapupurihan niya ang ilang kababaihang nanilbihan sa ministeryo para sa kaharian ng Diyos. Maaari pang naitala ang isa sa mga iyon bilang apostol. Sa susunod na tatlong magkakasunod na sipi, ibinukod ko ang lahat ng mga pangalan ng babae:

Itinatagubilin ko sa inyo ang ating kapatid na si Febe, na isang tagapaglingkod ng iglesia sa Cencrea. Tanggapin ninyo siya alang-alang sa Panginoon, gaya ng nararapat nating gawin bilang magkakapatid. Tulungan ninyo siya sa anumang pangangailangan niya sapagka’t marami siyang natulungan, at ako’y isa sa mga iyon (Ro. 16:1-2, idinagdag ang pagdidiin).

Anong pagpapatibay! Hindi natin talagang alam kung anong ministeryo ang ginampanan ni Febe, nguni’t tinawag siya ni Pablo na “isang tagapaglingkod ng iglesia sa Cencrea” atmarami siyang natulungan” at isa siya sa mga iyon. Kung anuman ang ginagawa niya para sa Panginoon, napakahalaga nito upang pagtibayin ni Pablo sa buong iglesia ng Roma.

Susunod ay mababasa natin ang tungkol kay Priscila, na, kasama ang kanyang asawang si Aquila, ay nagkaroon ng napakahalagang ministeryo na ipinagpasalamat ng lahat ng iglesiang Hentil:

Ikumusta ninyo ako kina Priscila at Aquila, na mga kamanggagawa ko kay Cristo Jesus. Itinaya nila ang kanilang sarili sa panganib upang iligtas ang aking buhay, at hindi lamang ako ang nagpapasalamat sa kanila, pati na rin lahat ng iglesia ng mga Hentil. Ikumusta rin ninyo ako sa iglesiang nagtitipon sa kanilang bahay. Ipaabot din ninyo ang aking pangungumusta sa mahal kong kaibigang si Epeneto na siyang unang sumampalataya kay Cristo doon sa Asia. Ikumusta ninyo ako kay Maria na matiyagang naglilingkod para sa inyo. Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Andronico at Junia, na nakasama ko sa bilangguan; sila’y kilala ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa sa akin (Ro. 16:3-7, idinagdag ang pagdidiin).

Tungkol kay Junias, mukhang lohikal na isiping ang isang taong “katangi-tangi sa mga apostol” ay isang apostol. Kung ang tamang salin ay Junia, siya ay isang babaing apostol. Sina Priscila at Maria ay manggagawa para sa Panginoon.

Ikumusta ninyo ako kay Ampliato na aking minamahal sa Panginoon, kay Urbano, na kamanggagawa natin kay Cristo, sa mahal kong kaibigang si Estaquis. Ikumusta din ninyo ako kay Apeles na subok ang katapatan kay Cristo, sa pamilya ni Aristobulo, sa kababayan kong si Herodion, at sa mga kapatid sa Panginoon sa sambahayan ni Narciso. Gayundin kina Trifena at Trifosa na mga lingkod ng Panginoon, at sa mahal kong kaibigang si Persida, na tapat na naglingkod sa Panginoon. Binabati ko rin si Rufu na magiting na lingcod ng Panginoon, ang kanyang ina na para ko na ring ina; gayundin sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at sa mga kapatid na kasama nila. Binabati ko rin sina Filoligo, Julia, Nereo at ang kanyang kapatid na babae; gayundin si Olimpas at sa lahat ng kapatid na kasama nila (Ro. 16:8-15, idinagdag ang pagdidiin).

Malinaw na maaaring maging “manggagawa” ang mga kababaihan sa ministeryo.

Kababaihan bilang Guro? (Women as Teachers?)

Paano ang mga kababaihang guro? Walang binabanggit ang Bagong Tipan. Siyempre, wala ring binabanggit ang Biblia na lalaking guro. Si Priscila (na kababanggit lang at tinatawag ding Prisca), asawa ni Aquila, ay bahagyang nasangkot sa pagtuturo. Halimbawa, nang narinig niya at ni Aquila si Apollos na di-sapat ang pagtuturo ng magandang balita sa Efeso, “isinama nila sa kanilang bahay at doo’y pinaliwanagan nang mabuti tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nalalaman tungkol sa Daan ng Diyos” (Gw. 18:26).

Walang makatatanggi na tinulungan ni Priscila ang kanyang asawa upang turuan si Apollos, isang lalaki. Dagdag pa, dalawang ulit na binanggit ni Pablo sa Biblia sina Priscila at Aquila nang nagsusulat siya tungkol “sa iglesiang nagtitipon sa kanilang bahay” (tingnan ang Roma 16:3-5; 1 Cor. 16:19), at kapwa tinawag niya silang “kamanggagawa kay Cristo” sa Rom 16:3. Walang dudang may aktibong papel si Priscila sa ministeryo kasama ng kanyang asawa.

Nang Iniutos ni Jesus sa Kababaihan na Turuan ang Kalalakihan (When Jesus Commanded Women to Teach Men)

Bago natin tunghayan ang mga salita ni Pablo tungkol sa pagiging tahimik ng mga babae sa iglesia at ang kanyang pagbabawal sa kanila upang magturo sa mga lalaki, titingnan natin ang isa pang pahayag sa Biblia na makatutulong sa ating pagbalanse sa mga iyon.

Nang si Jesus ay muling nabuhay, inatasan ng isang anghel ang tatlong babae upang turuan ang mga lalaking alagad ni Jesus. Ang mga babaing iyon ay pinayuhang sabihin sa mga alagad na muling nabuhay si Jesus at Siya ay magpapakita sa kanila sa Galilea. Nguni’t hindi lang iyan. Pagkaraan ng maikling panahon, nagpakita Mismo si Jesus sa mga naturang kababaihan at inutusan silang payuhan ang mga alagad na pumunta sa Galilea (tingnan ang Mt. 28:1-10; Mc. 16:1-7).

Una, palagay ko ay mahalagang pinili ni Jesus na lumantad muna sa mga babae at saka sa mga lalaki. Ikalawa, kung may likas o moral na pagkakamali sa pagtuturo ng mga babae sa lalaki, maiisip natin na hindi sana sinabi ni Jesus na payuhan ang mga lalaki tungkol sa Kanyang muling pagkabuhay, isang katiting na impormasyon, na maaaring Siya mismo ang nagpahayag (na talagang ginawa Niya). Walang makakatanggi sa katotohanang ito: pinayuhan ng Panginoong Jesus ang mga babae upang ituro ang napakahalagang katotohanan at magbigay ng espiritwal na pagpapayo sa ilang kalalakihan.

Mga Prolemadong Pahayag (The Problem Passages)

Ngayong mayroon tayong pagkakaintindi kung ano ang sinasabi ng Diyos sa atin tungkol sa papel ng kababaihan sa ministeryo, higit nating maipapakahulugan ang mga “problemadong pahayag” sa mga panulat ni Pablo. Titingnan muna natin ang kanyang mga pahayag tungkol sa mga babaing nananatiling tahimik sa mga iglesia:

Ang mga babae ay kailangang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesia. Sapagka’t hindi ipinapahintulot sa kanila sa ganoong mga pagtitipon ang magsalita; kailangang sila’y pasakop, gaya ng sinasabi ng Kautusan. Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kanilang asawa pagdating nila sa bahay; sapagka’t kahiya-hiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesia (1 Cor. 14:34-35).

Tinatanong ng ilan, sa maraming kadahilanan, kung ang mga ito ay talagang payo ni Pablo o inuulit lamang niya ang ilang isinulat sa kanya ng mga taga-Corinto. Malinaw na sa pangalawang hati ng sulat na ito, sinasagot ni Pablo ang ilang tanong sa kanya sa isang sulat ng mga taga-Corinto (tingnan ang 1 Cor. 7:1, 25; 8:1; 12:1; 16:1, 12).

Dagdag pa, sa mismong kasunod na berso, isinusulat ni Pablo ang maituturing na reaksiyon niya sa masaklaw na polisiya ng mga taga-Corinto ng pagpapatahimik sa mga kababaihan sa iglesia:

Inaakala kaya ninyong sa inyo nagmula ang salita ng Diyos, o kayo lamang ang tumanggap nito? (1 Cor. 14:36).

Ang King James Version ay nagsasalin ng bersong ito sa isang paraan na nagpapakita sa pagkamangha ni Pablo at ang niloloob ng mga taga-Corinto:

Ano? Dumating ang salita ng Diyos palabas mula sa inyo? O dumating ito sa inyo lamang? (1 Cor. 14:36).

Sa alinmang kaso, malinaw na nagtatanong si Pablo ng dalawang retorikal na tanong. Ang sagot sa dalawa ay Hindi. Ang mga taga-Corinto ay hindi pinagmulan ng salita ng Diyos, hindi rin sa kanila lamang ibinigay ang salita ng Diyos. Ang mga tanong ni Pablo ay malinaw na pagtuligsa sa kanilang kayabangan. Kung ang mga ito ay reaksiyon niya sa nakaraang dalawang berso, mukhang sinasabi nila, “Sino ka sa akala mo? Kailan ka nagkaroon karapatang gumawa ng kautusan sa kung sino ang gagamitin ng Diyos upang bigkasin ang kanyang salita? Magagamit ng Diyos ang kababaihan kung gusto Niya, at ikaw ay hangal kung patatahimikin mo sila.”

Mukhang lohikal ang interpretasyong ito kung isasaalang-alang natin na nasabi na ni Pablo, sa parehong sulat, ang tungkol sa tamang pagpropropesiya ng mga babae sa mga iglesia (tingnan ang 1 Cor. 11:5), isang bagay na nagtatakda sa kanila upang hindi manahimik. Dagdag pa rito, ilang berso lamang pagkatapos ng pinag-aaralan, pinapayuhan ni Pablo ang lahat ng mga taga-Corinto, pati na ang kababaihan, na “hangarin na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos”( 1 Cor. 14:39). Kung gayon magmumukhang sinasalungat niya ang sarili niya kung talagang nagbibigay siya na masaklaw na utos sa kababaihan upang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesia sa 14:34-35.

Iba Pang Posibilidad (Other Possibilities)

Nguni’t ipagpalagay natin sandali na ang mga salita sa 1 Corinto 14:34-35 ay orihinal na salita ni Pablo, at pinapayuhan niya ang mga babae upang manahimik. Paano natin ipapakahulugan ang sinasabi niya?

Muli, magtataka tayo kung bakit gumagawa si Pablo ng masaklaw na utos sa mga babae upang maging lubos na tahimik sa mga pagtitipon sa iglesia nang sabihin niya sa parehong sulat na maaari silang manalangin sa madla at magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, maliwanag na sa mga pagtitipon sa iglesia.

Dagdag pa rito, siguradong alam ni Pablo ang maraming ulit na napag-usapan na natin na paggamit ng Diyos sa mga babae upang bigkasin ang Kanyang mga salita sa madla, kahit sa mga lalaki. Bakit niya lubos na patatahimikin ang mga madalas pagpalain ng Diyos upang magsalita?

Talagang idinidikta ng karaniwang pang-unawa na hindi sinasabi ni Pablo na lubos na manahimik ang mga babae sa tuwing nagtitipon ang iglesia. Pakaisipin na nagtipon ang sinaunang iglesia sa mga tahanan at sama-samang kumain. Iisipin ba natin na talagang walang sinabi ang mga babae mula nang pumasok sila sa bahay hanggang sa sila’y umalis? Na hindi sila nagsalita habang naghahanda o kumakain ng parehong pagkain? Na wala silang sinabi sa kanilang mga anak sa buong panahong iyon? Mukhang kahangalan ang pag-iisip na iyan.

Sapagka’t saanman “may dalawa o tatlong nagkakatipon” sa pangalan ni Jesus, naroon Siyang kasama nila (tingnan ang Mt. 18:20), kung gayon talagang bumubuo ng isang pagtitipon sa iglesia, kapag dalawang babae ang magtipon sa pangalan ni Jesus, hindi ba sila mag-uusap?

Hindi, kung ang 1 Corinto 14:34-35 ay talagang payo ni Pablo, tinutugunan lamang niya ang isang maliit na problema ng kaayusan sa mga iglesia. Ang ilang babae ay bahagyang walang kaayusan sa pagtatanong. Hindi ibig sabihin ni Pablo na manahimik nang buong pagtitipon ang mga babae nang higit pa sa kanya, kapag nagbibigay ng katulad na instruksiyon sa mga propeta sa nakaraang ilang berso, nilalayong patahimikin sila sa buong miting:

At kung ang isa sa mga nakaupo roon ay tumanggap ng pahayag mula sa Diyos, tumigil muna ang nagsasalita (1 Cor. 14:30, idinagdag ang pagdidiin).

Sa kasong ito,ang salitang “tumigil” ay nangangahulugang “pansamantalang huwag magsalita.”

Pinayuhan din ni Pablo ang mga nagsasalita sa ibang wika na tumigil sa pagsasalita kung walang magpapaliwanag sa pagtitipon :

Nguni’t kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawa’t isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos (1 Cor. 14:28, idinagdag ang pagdidiin).

Nagpapayo ba si Pablo sa nasabing mga tao na lubos na manahimik sa buong miting? Hindi, sinasabi lamang niya sa kanila na tumigil sa pagsasalita ng ibang wika kung walang magpapaliwanag. Pansinin na sinabi ni Pablo sa kanila “na tumahimik sa iglesia,” ang instruksiyong tulad ng ibinigay niya sa mga babae sa 1 Cor. 14:34-35. Kaya bakit natin intindihin ang mga sinabi ni Pablo bilang pananahimik ng kababaihan sa iglesia na “manahimik sa buong pagtitipon,” at saka intindihin ang kanyang pahayag tungkol sa mga walang-kaayusang-magsalita bilang “huwag magsalita sa mga tiyak na sandali sa miting”?

Bilang pagtatapos, pansinin na hindi tinutukoy ni Pablo ang lahat ng kababaihan sa pahayag na naturan. Ang kanyang mga salita ay patungkol lamang sa mga babaing may asawa, dahil pinapayuhan sila na “tanungin sa kanilang mga asawa sa bahay” kung may tanong sila. [2] Marahil bahagi o ang buong problema ay ang may-asawang babae ay nagtatanong sa ibang lalaki maliban sa kanilang sariling asawa. Ang ganitong eksena ay talagang hindi dapat, at nagbubunyag ng kawalang-respeto at kawalan ng pagpapasakop sa kanilang sariling asawa. Kung iyan ang problemang tinutukoy ni Pablo, iyan ang dahilan kung bakit ibinabatay niya ang kanyang argumento sa katotohanang dapat magpailalim (malinaw na sa mga asawa), na siyang ibinunyag ng Kautusan sa maraming paraan mula sa mga naunang pahina ng Genesis (tingnan ang 1 Cor. 14:34).

Sa paglalagom, kung talagang nagpapayo si Pablo tungkol sa pananahimik sa 1 Corinto 14:34-35, sinasabihan lang niya ang mga may asawang babae na manahimik tungkol sa pagtatanong sa mga oras na hindi dapat o sa isang paraan na hindi iginagalang ang sarili nilang asawa. Maliban doon, maaari silang magbigay ng mensahe, manalangin at magsalita.

Ang Isa Pang Problemadong Pahayag (The Other Problem Passage)

Bilang pangwakas, dadako tayo sa pangalawang “problemadong pahayag,” na makikita sa unang sulat ni Pablo kay Timoteo:

Ang mga babae ay hayaang matuto sa kanilang pananahimik at sa lubos na pagpapasakop. Hindi ko sila pinapayagang magturo o sumabat habang ang mga lalaki ay nagtuturo, kundi dapat silang manahimik. Sapagka’t si Adan ang unang nilalang bago si Eva at hindi si Adan kundi si Eva ang nadaya at nagkasala (1 Tim. 2:11-14).

Siguradong kilala ni Pablo sina Miriam, Debora, Hulda at Ana, apat na propetang babae na nagsalita sa ngalan ng Diyos’s sa mga lalaki at babae, at mahusay na itinuro ang kalooban ng Diyos. Siguradong alam niya na si Debora, isang hukom sa Israel, ay gumamit ng kapangyarihan sa mga lalaki at babae. Siguradong alam niya na ibinuhos ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa araw ng Pentecostes, bahagyang tinutupad ang propesiya ni Joel ng mga huling araw kapag ibubuhos ng Diyos ang Kanyang espiritu sa lahat ng katawan upang ang mga anak na lalaki at babae ang magpadala ng mensahe ng Diyos. Siguradong alam niya na isinugo ng Diyos ang ilang babae na tumanggap ng mga lalaking alagad. Siguradong alam niya ang sarili niyang mga salita ng pagpapatibay, na ipinadala sa iglesia ng Corinto, tungkol sa mga babaing nananalangin at nagsasabi ng mensahe mula sa Diyos sa mga pagtitipon sa iglesia. Siguradong natatandaan niya na sinabi niya sa mga taga-Corinto na ang sinuman sa kanila ay makakatanggap ng pagtuturo upang ibahagi sa katawan mula sa Espiritu Santo (tingnan ang 1Cor. 14:26). Kaya ano ang nais niyang iparating nang isinulat niya ang mga salitang ito kay Timoteo?

Pansinin na nag-aapila si Pablo sa dalawang magkaugnay na pangyayari sa Genesis bilang batayan ng kanyang instruksiyon: (1) nilikha si Adan bago si Eva at (2) si Eva at hindi si Adan ang nadaya, at siya ang nagkasala. Tinitiyak ng una ang tamang ugnayan ng mag-asawa. Sa pagtuturo ng ayos ng paglikha, ang lalaki ang siyang ulo, isang bagay na itinuturo ni Pablo saanman (tingnan ang 1 Cor. 11:3; Eph. 5:23-24).

Ang pangalawang pangyayaring binabanggit ni Pablo ay hindi upang iparating na higit na madaling madaya ang mga babae kaysa mga lalaki, dahil hindi totoo. Katunayan, dahil higit na maraming babae kaysa lalaki sa katawan ni Cristo, mapagtatalunan na ang mga lalaki ay malamang na higit na nadadaya kaysa mga babae. Bagkus, ang pangalawang katotohanan ay nagpapakita na kapag ang hinangad ng Diyos na kaayusan sa pamilya ay napabayaan, makakapasok si Satanas. Ang kabuuang problema ng sangkatauhan ay nagsimula sa hardin nang ang ugnayan ng lalaki at ng asawa niya ay nawalan ng kaayusan—ang asawa ni Adan ay hindi nagpasakop sa kanya. Malamang na sinabi ni Adan sa kanyang asawa ang payo ng Diyos tungkol sa ipinagbabawal na bunga (tingnan ang Gen. 2:16-17; 3:2-3). Nguni’t hindi nito sinunod ang payo. Maaari pang gumamit siya ng kapangyarihan upang sumailalim ang lalaki sa kanya nang pinakain ito ng ipinagbabawal na bunga (tingnan ang Gen. 3:6). Hindi si Adan ang namuno sa kasong iyan; si Eva ang namuno kay Adan. Ang resulta ay kapahamakan.

Ang Iglesia—Isang Modelo ng Pamilya (The Church—A Model of the Family)

Ang hinangad ng Diyos na kaayusan para sa pamilya ay dapat talagang maipakita ng iglesia. Tulad ng sinabi ko noong una, mahalagang isaisip na sa nakaraang tatlong daang taon ng kasaysayan ng iglesia, ang mga kongregasyon ng iglesia ay maliliit. Nagtipon sila sa mga bahay-bahay. Ang pastor/namumuno/tagapangasiwa ay tulad ng mga ama ng sambahayan. Ang istruktura ng iglesiang itinalaga ng Diyos ay halos katulad ng pamilya, at katunayan ay isa itong espiritwal na pamilya, na ang pamumuno ng babae ay maaaring magbigay ng maling mensahe sa mga pamilya sa loob at labas ng iglesia. Isipin ang isang babaing pastor/namumuno/tagapangasiwa na regular na nagtuturo sa isang tahanang iglesia, at masunuring nakaupo roon ang asawa niya, nakikinig sa kanyang pagtuturo at nagpapasakop sa kanyang kapangyarihan. Susuway iyan sa kaayusan ng Diyos sa pamilya, at maibibigay ang maling halimbawa.

Ito ang tinutukoy ng mga salita ni Pablo. Pansinin na makikita ang mga ito sa halos parehong konteksto ng kanyang pangangailangan para sa mga namumuno (tingnan ang 1 Tim. 3:1-7), at isa sa mga ito ay lalaki dapat. Pansinin din na kailangang regular na magturo ang mga namumuno sa iglesia (tingnan ang 1 Tim. 5:17). Ang mga salita ni Pablo tungkol sa tahimik na pagtanggap ng mga babae ng pagpapayo at hindi papayagang magturo o pairalin ang kapangyarihan sa mga lalaki ay malinaw na kaugnay ng tamang kaayusan sa iglesia. Ang inilalarawan niyang hindi karapat-dapat ay isang babae, bahagi man o buo, na tumutupad ng papel ng namumuno/pastor/tagapangasiwa.

Hindi ibig sabihin na ang isang babae/asawa, sa ilalim ng pananakop ng kanyang asawa, ay hindi maaaring manalangin, magsabi ng mga mensaheng mula sa Diyos, tumanggap ng maikling aral upang ibahagi sa katawan, o pangkalahatang magsalita sa isang pagtitipon ng iglesia. Lahat nang ito’y magagawa niya sa iglesia nang hindi sumusuway sa banal na kaayusan ng Diyos, at maaari rin niyang gawin ang lahat nang iyon sa bahay na hindi sumusuway sa kaayusan ng Diyos. Ang ipinagbabawal sa kanya sa iglesia ay humigit-kumulang tulad din ng ipinagbabawal sa kanya sa bahay—ang pairalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang asawa.

Mapapansin din natin sa mga nahuling berso na maaaring manungkulan ang mga babae bilang deaconesa tulad ng lalaki (tingnan ang 1 Tim. 3:12). Ang paninilbihan bilang deaconesa sa isang iglesia, o alipin na siyang tunay na ibig sabihin, ay walang pagsuway sa banal na kaayusan ng Diyos sa pagitan ng mag-asawa.

Ito ang tanging paraang nakikita ko upang ipagkasundo ang mga salita ni Pablo sa 1 Timoteo 2:11-14 sa itinuturo ng buong Biblia. Sa bawa’t pagkakataong nakita natin ng paggamit ng Diyos ng kababaihan, walang nagsisilbing modelo ng pamilya tulad ng iglesia, kung gayon walang sumusuway sa kaayusang itinakda ng Diyos. Wala tayong nakikitang di-tamang modelo ng mga asawang babaing nagpapairal ng kapangyarihan sa kanilang mga asawa sa isang pamilya. Muli, isipin ang isang munting pagtitipon ng maraming pamilya sa isang bahay na ang babae ang namumuno, nagtuturo, na nangangasiwa samantalang ang lalaki ay pasibong nakaupo at sumasailalim sa pamumuno ng babae. Hindi iyan ang kagustuhan ng Diyos, dahil sumusuway ito sa Kanyang kaayusan para sa pamilya.

Nguni’t para kay Debora na maging hukom sa Israel, kay Ana na magsabi sa mga lalaki tungkol kay Cristo, kay Maria at kanyang mga kaibigan na magsabi sa mga apostol tungkol sa muling pagkabuhay ni Cristo, wala sa mga ito ang nagpapadala ng maling mensahe o di-tamang modelo ng Diyos ng kaayusan ng isang pamilya. Ang regular na pagtitipon ng iglesia ay isang pambihirang lugar ng pagkakaroon ng panganib para sa pagpapadala ng maling mensahe kung ang mga babae/asawang babae at magpairal ng kapangyarihan at regular na turuan ang mga lalaki/asawa.

Bilang Kongklusyon (In Conclusion)

Kung tatanungin lang natin, “Ano ang likas na mali sa paninilbihan ng kababaihan sa ministeryo, mula sa kailaliman ng pakikiisa at paggamit nila ng kanilang dulot-ng-Diyos na kaloob? Anong moral o etikal na prinsipyo ang susuwayin nito?” Kung gayon ay mapagtanto natin na ang posibleng pagsuway lamang ay kung ang ministeryo ng babae ay sumuway sa kaayusan ng Diyos para sa relasyon ng lalaki at babae, mga mag-asawa. Sa kapwa “problemadong pahayag” na nakita, nag-aapila si Pablo sa banal na kaayusan sa pag-aasawa bilang batayan ng kanyang alalahanin.

Kaya napagtatanto natin na ang mga babae ay nalilimita sa ministeryo sa napakaliit na bagay lamang. Sa marami pang ibang paraan, nais ng Diyos na gamitin ang mga babae sa kaluwalhatian Niya, at ginagawa Niya iyan sa loob ng libu-libong taon. Sinasabi ng Biblia ang maraming positibong kontribusyong nagawa ng kababaihan sa kaharian ng Diyos, at nakita na natin ang ilan dito. Huwag nating kalimutan na ilan sa matatalik na kaibigan ni Jesus ay babae (tingnan ang Juan 11:5), at sinuportahan ng kababaihan ang Kanyang ministeryo ng kanilang salapi (tingnan ang Lu. 8:1-3), isang bagay na hindi sinasabi tungkol sa mga lalaki. Ang babae sa balon ng Samaria ay nagbahagi sa kalalakihan ng kanyang nayon tungkol kay Cristo, at marami ang nanampalataya sa Kanya (tingnan ang Juan 4:28-30, 39). Isang babaing alagad na ang pangalan ay Tabita ay sinasabing “puno ng gawain ng kabaitan at pagkakawanggawa” (Gw. 9:36). Isang babae ang naghanda kay Jesus upang ilibing, at pinapurihan Niya ito nang dumaing ang ilang (tingnan ang Mc. 14:3-9). Bilang pagtatapos, itinatala ng Biblia na ang mga babae ang umiyak para kay Jesus nang pasanin Niya ang Kanyang krus sa mga kalye ng Jerusalem, isang bagay na hindi sinasabi tungkol sa sinuman sa kalalakihan. Ang mga halimbawang ito at marami pang tulad ng mga ito ay dapat manghikayat sa kababaihan na humayo at tuparin ang kanilang ministeryong takda-ng-Diyos. Kailangan natin silang lahat!

 


[1] Dapat ding pansinin na bawa’t lalaki mula kay Adam ay nilikha ng Diyos pagkatapos likhain ang babaing nagsilang sa kanya. Lahat ng lalaki mula kay Adan ay nanggaling sa isang babae, na siyang ipinaaalala sa atin ni Pablo sa 1 Corinto 11:11-12. Siguradong walang tatanggi na ang banal na kaayusang ito ay nagpapatunay na nakakababa ang mga lalaki sa kanilang mga ina.

[2] Pansinin na, sa orihin al na Griego, walang ibang salita pra sa kababaihan at asawang babae, o lalaki at asawang lalaki. Kung gayon kailangan nating kilalanin mula sa konteksto kung ang manunulat ay tumutukoy sa kalalakihan o kababaihan, o mga asawang lalaki at asawang babae. Sa pahayag na tinatalakay, tinutukoy ni Pablo ang mga asawang babae, dahil sila lang ang maaaring magtanong sa kanilang asawang lalaki sa kanilang bahay.

Ang Bautismo sa Espiritu Santo

Kabanata 11

Habang binabasa ang aklat ng Mga Gawa, makikita sa bawa’t pahina ang gawain ng Espiritu Santo sa sinaunang iglesia. Kung aalisin mo ang gawain ng Espiritu Santo sa aklat ng Mga Gawa, halos wala nang matitira. Tunay na binigyang-kapangyarihan Niya ang unang alagad upang “ikutin ang mundo” (tingnan ang Gw. 17:6, KJV).

Ang mga lugar sa mundo ngayon kung saan lumalago ang iglesia ay mga lugar na sinusunod at binibigyang-kapangyarihan ng Espiritu Santo ang mga tagasunod ni Cristo. Hindi natin ito dapat pagtakhan. Makagagawa ang Espiritu Santo sa loob ng sampung segundo nang higit sa magagawa natin sa sampung libong taon sa ating sariling pagsisikap. Kaya napakahalagang maintindihan ng ministrong tagalikha-ng-alagad ang itinuturo ng Biblia tungkol sa gawain ng Espiritu Santo sa mga buhay at ministeryo ng mga mananampalataya.

Sa aklat ng Mga Gawa, madalas nating makita ang mga halimbawa ng mananampalatayang nababautismuhan ng Espiritu Santo at nabibigyang-kapangyarihan para sa ministeryo. Mahusay na pag-aralan natin ang paksa upang, kung maaari, maranasan natin at matuwa sa milagrosong tulong ng Espiritu Santo na naranasan nila. Bagama’t tinitiyak ng iba na ang ganitong gawain ng Espiritu Santo ay naiwan sa panahon ng mga orihinal na alagad, wala akong makitang katiyakan sa Biblia, sa kasaysayan o lohika para suportahan ang ganitong opinyon. Ito’y isang teoryang sumilang dahil sa di-paniniwala. Ang mga nananampalataya sa pangako ng Salita ng Diyos ay makararanas ng ipinangakong pagpapala. Tulad ng mga di-naniniwalang mga taga-Israel na nabigong pumasok sa Ipinangakong Lupain, ang mga hindi naniniwala sa pangako ng Diyos ngayon ay mabibigong pumasok sa lahat ng inihanda ng Diyos sa kanila. Saan kang kategorya? Ang sa akin, kasama ako sa mga nananampalataya.

Dalawang Gawain ng Espiritu Santo (Two Works of the Holy Spirit)

Bawa’t taong tunay na nanampalataya sa Panginoong Jesus ay nakaranas ng gawain ng Espiritu Santo sa kanyang buhay. Ang panloob na katauhan, o espiritu, ay napabago ng Espiritu Santo (tingnan ang Tito 3:5), at nananahan na ngayon sa kanya ang Espiritu Santo (tingnan ang Ro. 8:9; 1 Cor. 6:19). “Naipanganak siya sa Espiritu” (Jn. 3:5).

Dahil hindi naiintindihan ito, maraming Charismatic at Pentecostal na Cristiano ay nagkamali sa pagsasabi sa ilang mananampalataya na hindi nila taglay ang Espiritu Santo hangga’t hindi sila nabautismuhan sa Espiritu Santo at nakapagsalita ng maraming wika. Nguni’t ang pagkakamaling ito ay malinaw sa Biblia at sa ating karanasan. Maraming hindi Charismatic/Pentecostal na mananampalataya ay mayroong pagpapakita ng pananahan ng Espiritu kaysa ilang Charismatic/Pentecostal na mananampalataya! Ipinakikita nila ang higit pa sa mga bunga ng Espiritu na itinala ni Pablo sa Galacia 5:22-23, bagay na imposibleng taglayin kung wala sa kanila ang pananahan ng Espiritu Santo.

Nguni’t dahil lamang sa ipinanganak ang isang tao sa Espiritu, ay hindi nangangahulugan na nabautismuhan din siya ng Espiritu Santo. Ayon sa Biblia, ang pagkapanganak sa Espiritu Santo at pagkabautismo sa Espiritu Santo are karaniwang dalawang magkahiwalay na kanarasan.

Habang inuumpisahan nating tingnan ang paksa, uunawain muna natin ang minsan ay sinabi ni Jesus tungkol sa Espiritu Santo sa isang babaing di-ligtas sa isang balon sa Samaria:

Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa Kanya at bibigyan ka naman Niya ng tubig na nagbibigay-buhay….Ang bawa’t umiinom ng tubig na ito’y muling mauuhaw, nguni’t ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay Ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang (Jn. 4:10, 13-14).

Mukhang makatwiran na ipagpalagay na ang nananahanag buhay na tubig na tinukoy ni Jesus ay sumasagisag sa Espiritu Santo na nananahan sa mga nananampalataya. Sa susunod na mga pahina ng Magandang balita ni Juan, ginamit din ni Jesus ang parehong parirala, “buhay na tubig,” at walang dudang tinutukoy Niya ang Espiritu Santo:

Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa Akin, at ang lahat ng nananalig sa Akin ay uminom. Sapagka’t sinasabi sa kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa Akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’” Ang tinutukoy Niya’y ang Espiritung tatanggapin ng mga sumasampalataya sa Kanya. Sapagka’t hindi pa naipagkakaloob noon ang Espiritu dahil si Jesus ay hindi pa muling nabuhay at niluwalhati. (Jn. 7:37-39, idinagdag ang pagdidiin).

Sa pagkakataong ito ay hindi sinabi ni Jesus ang tungkol sa buhay na tubig na nagiging “balong ng tubig na nagbibigigay ng buhay na walang hanggan.” Bagkus, ngayon ang buhay na tubig ay tubig na nagbibigay-buhay na dadaloy mula sa puso.

Ang dalawang magkatulad na pahayag sa Magandang balita ni Juan ay nagpapakita ng kaibahan ng pagkapanganak sa Espiritu at pagkabautismo sa Espiritu Santo. Ang pagkapanganak sa Espiritu ay nangungunang para sa benepisyo ng taong napanganak muli, upang magkaroon siya ng buhay na walang hanggan. Kapag ang isang tao ay napanganak muli sa Espiritu, may pagkukunan siyang Espiritu sa kanyang katauhan na nagbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.

Nguni’t ang pagkabautismo sa Espiritu Santoy ay pangunahing para sa iba, dahil binibigyang-kakayahan ang mga nananampalataya upang maglingkod sa ibang tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu. Dadaloy ang mga “Ilog ng buhay na tubig” mula sa kanilang mga puso, dinadala ang pagpapala ng Diyos sa iba sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu.

Kung Bakit Kailangan ang Pagbabautismo sa Espiritu Santo (Why the Baptism in the Holy Spirit is Needed)

Kailangang-kailangan natin ang tulong ng Espiritu Santo upang maglingkod sa iba! Kung wala ang kanilang tulong, hindi tayo makakaasang lumikha ng alagad sa lahat ng bansa. Katunayan, iyan ang pinakadahilan ng pagpapangako ni Jesus na bautismuhan ang mga mananampalataya sa Espiritu Santo—upang marinig ng mundo ang magandang balita. Sinabi Niya sa alagad:

Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang aking Ama, kaya’t huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga’t hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit” (Lu. 24:49, idinagdag ang pagdidiin).

Itinatala rin ni Lucas ang sinabi ni Jesus:

Ang mga panahon at pagkakataon ay itinakda ng Ama sa Kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Subali’t tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daidig (Gw. 1:7-8, idinagdag ang pagdidiin).

Sinabi ni Jesus sa Kanyang alagad na huwag aalis sa Jerusalem hangga’t hindi sila “nakatanggap ng kapangyarihan mula sa itaas.” Alam Niyang kung hindi dahil doon, wala silang kapangyarihan at siguradong mabibigo sa gawaing ibinigay Niya sa kanila. Subali’t pansinin natin na nang mabigyan na sila ng Espiritu Santo, nagsimula nang gamitin sila ng Diyos upang milagrosong ikalat ang magandang balita.

Milyun-milyong mga Cristiano sa buong mundo, pagkatapos mabautismuan ng Espiritu Santo, ay nakaranas ng bagong dimensyon ng kapangyarihan, lalo na kung nagpapatotoo sa mga di-ligtas. Nalaman nila na higit na makapangyarihan ang kanilang mga salita, at kung minsan ay nakapagsasabi ng mga pahayag sa Biblia na hindi nila napagtantong alam pala nila. Ang ilan ay nahahanap ang kanilang tawag at nalalamang may kakayahan pala sila sa isang ministeryo, tulad ng Ebanghelismo. Ang iba ay nakatuklas na ginamit sila ng Diyos ayon sa Kanyang kalooban sa iba-ibang kakayahan ng Espiritu. Talagang biblikal ang kanilang karanasan. Ang mga lumalaban sa kanilang karanasan ay walang batayan. Katunayan, nilalabanan nila ang Diyos.

Hindi natin dapat pagtakhan na tayong natawag na tumulad kay Cristo ay natawag upang tularan ang Kanyang karanasan sa Espiritu Santo. Siyempre, ipinanganak Siya sa Espiritu nang dalhin Siya ni Maria sa kanyang sinapupunan (tingnan ang Mt.1:20). Siya na ipinanganak sa Espiritu ay nabautismuhan sa Espiritu bago pinasinayaan ang Kanyang ministeryo (tingnan ang Mt. 3:16). Kung kinailangan ni Jesus na mabautismuhan sa Espiritu Santo upang bigyang-kakayahan Siya sa Kanyang ministeryo, tayo pa kaya?

Ang Unang Ebidensya ng Pagkabautismo sa Espiritu (The Initial Evidence of the Baptism in the Spirit)

Kapag ang mananampalataya ay nabautismuhan sa Espiritu Santo, ang unang ebidensya ay magsasalita siya sa isang bagong wika, ang sinasabi ni Biblia na “bagong wika” o “ibang wika.” Maraming pahayag sa Biblia ang magpapatunay nito. Tunghayan natin.

Una, noong mga huling sandali bago Siya umakyat sa langit, sinabi ni Jesus na isa sa mga tanda na susunod sa mga mananampalataya ay ang pagsasalita nila sa bagong wika:

Habang kayo’y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao sa buong mundo ang Magandang Balita. Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, nguni’t ang ayaw sumampalataya ay paparusahan. Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan Ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita sila ng iba’t ibang wika (Mc. 16:15-17, idinagdag ang pagdidiin).

Inihahayag ng ilang nagkokomentaryo na ang mga bersong ito’y wala dapat sa ating Biblia dahil hindi sila kasama sa ilang manuskrito ng Bagong Tipan. Subali’t nakasama sila sa marami sa mga sinaunang manuskrito, at walang nagtanggal sa kanila sa maraming Ingles na salin na nabasa ko. Sa kabila niyan, ang sinabi ni Jesus sa mga bersong ito ay lubhang umuugnay sa karanasan ng sinaunang iglesia na nakatala sa libro ng Mga Gawa.

May limang halimbawa sa libro ng Mga Gawa ng pagkabautismo ng mga mananampalataya sa Espiritu Santo. Tunghayan natin ang lima, at habang ginagawa natin ito, lagi nating isaisip ang dalawang katanungan: (1) Ang pagbabautismo ba sa Espiritu Santo ay karanasang sumunod sa kaligtasan? At (2) Ang mga nakatanggap ba ay nagsalita sa bagong wika? Matutulungan tayo nito upang intindihin ang kalooban ng Diyos sa mga mananampalataya ngayon?

Jerusalem

Ang unang halimbawa ay matatagpuan sa Gawa 2, nang ang isang daan at dalawampung alagad ay nabautismuhan ng Espiritu Santo sa araw ng Pentecostes:

Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes. Walang anu-ano’y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawa’t isa sa kanila, at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita sa iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu (Gw. 2:1-4, idinagdag ang pagdidiin).

Walang dudang ang isang daan at dalawampung mananampalataya ay ligtas at napanganak nang muli bago ang panahong ito, kaya siguradong naranasan na nila ang mabautismuhan ng Espiritu Santo pagkatapos ng kaligtasan. Subali’t imposibleng bago ang panahong ito ay nabautismuhan na sila sa Espiritu Santo dahil ang Espiritu Santo ay hindi pa naibibigay sa iglesia hanggang sa araw na iyon.

Malinaw na ang kasamang tanda ay ang pagsasalita sa ibang wika.

Samaria

Ang pangalawang halimbawa ng mga mananampalatayang nabautismuhan sa Espiritu Santo ay makikita sa Gawa 8, nang pumunta si Felipe sa lunsod ng Samaria at nangaral doon ng magandang balita:

Nguni’t nang ipangaral ni Felipe ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos at tungkol kay Jesu-Cristo, sumampalataya at nagpabautismo ang mga lalaki’t babae. Pati si Simon ay sumampalataya rin, at nang mabautismuhan ay patuloy siyang sumama kay Felipe. Humanga si Simon nang makita niya ang mga himala. Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila’y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagka’t hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila’y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus (Gw. 8:12-16).

Ang mga Samaritanong Cristiano ay malinaw na nakaranas ng bautismo sa Espiritu Santo bilang pangalawang karanasan pagkatapos ng kaligtasan. Tapat na inihahayag ng Diyos na bago dumating sina Pedro at Juan, ang mga Samaritano ay “nakatanggap ng salita ng Diyos,” naniwala sa magandang balita, at nabautismuhan ng tubig. Nguni’t nang dumating sina Pedro at Juan upang ipanalangin sila, sinasabi ng Kasulatan na “ito’y upang matanggap nila ang Espiritu Santo.” Paano pa ito higit na liliwanag?

Nagsalita ba ng ibang wika ang mga mananampalatayang Samaritano nang mabautismuhan sila sa Espiritu Santo? Hindi sinasabi ng Biblia, nguni’t sinasabi nito na isang kamangha-manghang bagay ang nangyari sa kanila. Nang ang isang nagngangalang Simon ang nakakita sa nangyari nang ipatong nila ang kanilang kamay sa mga Cristianong Samaritano, sinubukan niyang bilhin sa kanila ang tulad ng kakayahang magbigay ng Espiritu Santo:

Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo. Nakita ni Simon na ang Espiritu’y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol, kaya’t inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan. “Bigyan ninyo ako ng kapangyarihang ito upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap din ng Espiritu Santo” (Gw. 8:17-19).

Ano ang nakita niya dito na ikinamangha niya? Nakakita na siya ng maraming milagro, tulad ng mga taong naalisan ng demonyo at ang mga paralisado at pilay na milagrong napaghihilom (tingnan ang Gw. 8:6-7). Siya mismo ay napasama noon sa isang kultong mahika, tinitinag ang lahat ng tao ng Samaria (tingnan ang Gw. 8:9-10). Dahil dito, marahil ay lubhang kagila-gilalas ang nakita niya nang manalangin sina Pedro at Juan. Bagama’t hindi tayo nakasisiguro, lubhang makatwiran na isiping nakita niya ang parehong penomena na nangyayari kapag natatanggap ng mga Cristiano ang Espiritu Santo na nababanggit sa libro ng Mga Gawa—nakita at narinig niya ang mga ito na nagsasalita sa ibang wika.

Si Saul sa Damasco (Saul in Damascus)

Ang pangatlong banggit sa libro ng Mga Gawa ng tumatanggap ng Espiritu Santo ay ang kaso ni Saulo ng Tarsus, na pagkatapos ay tinawag na apostol Pablo. Nailigtas siya sa kalye patungong Damasco, kung saan pansamantalang nabulag siya. Tatlong araw pagkatapos niyang mapabago, isang taong nagngangalang Ananias ay milagrong naipadala sa kanya:

Puimunta nga si Ananias sa naturang bahay, at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. Sabi niya, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na nagpakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Isinugo niya ako upang muli kang makakita at upang mapuspos ka ng Espiritu Santo.” Noon di’y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo (Gw. 9:17-18).

Walang dudang naipanganak muli si Saulo bago dumating si Ananias para ipanalangin siya. Nanampalataya siya sa Panginoong Jesus nang nasa kalye siya patungong Damasco, at agad niyang sinunod ang turo ng kanyang bagong Panginoon. Dagdag pa, nang unang makilala ni Ananias si Saulo, tinawag niya siyang “kapatid na Saulo.” Pansinin na sinabi ni Ananias kay Saulo na dumating siya upang makakita siyang muli at mapuno ng Espiritu Santo. Kaya para kay Saulo, mapuno ng, o mabautismuhan sa, Espiritu Santo ay nangyari tatlong araw pagkatapos ng kanyang kaligtasan.

Hindi itinala ng Biblia ang aktwal na insidente ng pagpapabautismo sa Espiritu Santo, subali’t maaaring nangyari ito pagkadating ni Ananias sa tinitirhan ni Saulo. Walang dudang nagsalita si Saulo ng ibang wika sa isang pagkakataon, dahil pagkatapos ay inihayag niya sa 1 Corinto 14:18, “Nagpapasalamat ako sa Diyos sapagka’t ako’y nakapagsasalita sa iba’t ibang mga wika, higit kaysa sa inyong lahat.”

Caesarea

Ang pang-apat na banggit sa mananampalatayang nabautismuhan sa Espiritu Santo ay makikita sa Gawa 10. Ang apostol Pedro ay banal na naisugo upang mangaral ng magandang balita sa Caesarea sa mag-anak ni Cornelio. Pagkabunyag ni Pedro na ang kaligtasan ay natatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, ang buong tagapakinig niyang Hentil ay agad tumugon sa pananampalataya, at bumaba sa kanila ang Espiritu Santo:

Nagsasalita pa si Pedro, nang bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig. Namangha ang mga mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro sapagka’t ang Espiritu Santo ay ipinagkaloob din sa mga Hentil. Narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba’t ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Tulad natin, sila’y pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Sino ang makakapagbawal na bautismuhan sila sa tubig?” At iniutos niyang bautismuhan sila sa pangalan ni Jesu-Cristo (Gw. 10:44-48a).

Sa kasong ito, mukhang ang mga miyembro ng pamilya ni Cornelio, na naging unang Hentil na mananampalataya ni Jesus, ay naipanganak muli at sama-samang nabautismuhan ng Espiritu Santo.

Kung titingnan natin ang mga nakapaligid na berso ng biblia at pag-aralan ang kontekstong historikal, malinaw kung bakit hindi hinintay ng Diyos si Pedro at mga kasama niyang mananampalataya upang ipatong ang kanilang kamay sa mga mananampalatayang Hentil upang tanggapin ang Espiritu Santo. Nahirapan sina Pedrfo at ang ibang mananampalatayang Judio na maliligtas pa ang mga Hentil, at tumanggap ng Espiritu Santo! Malamang na hindi nila ipinanalangin ang kabahayan ni Cornelio upang tanggapin ang Espiritu Santo, kaya makapangyarihang kumilos ang Diyos. Tinuturuan ng Diyos si Pedro at ang kanyang mga kasama tungkol sa Kanyang kahanga-hangang pagpapala sa mga Hentil. Ano ang nangumbinsi kina Pedro at ibang mananampalatayang Judio na ang mag-anak ni Cornelio ay tunay na nakatanggap ng Espiritu Santo? Isinulat ni Lucas, “Narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba’t ibang wika” (Gw.10:46). Idineklara ni Pedro na natanggap ng mga Hentil ang Espiritu Santo tulad ng isang daan at dalawampu sa araw Pentecostes (tingnan ang 10:47).

Efeso

Ang panlimang banggit ng mga mananampalatayang nababautismuhan sa Espiritu Santo ay makikita sa Gawa19. Habang naglalakbay sa Efeso, nasalubong ni apostol Pablo ang ilang alagad at tinanong niya sila: “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y nanampalataya?” (Gw. 19:2).

Malinaw na pinaniwalaan ni Pablo, ang taong sumulat ng karamihan sa mga sulat sa Bagong Tipan, na maaaring manampalataya kay Jesus at sa ilang pang-unawa ay hindi makatanggap ng Espiritu Santo. Kung hindi ay hindi sana niya tinanong iyon.

Sumagot ang mga tao na hindi nila alam ang Espiritu Santo. Katunayan ay nalaman lang nila ang pagdating ng Messiah kay Juan na Tagapagbautismo, na siyang nagbautismo sa kanila. Agad silang binautismuhan ni Pablo sa tubig, at sa pagkakataong ito, naranasan nila ang tunay na bautismong Cristiano. Sa katapusan ay ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila upang matganggap nila ang Espiritu Santo:

Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamayh sa kanila, bumaba ang Espiritu Santo at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika at nagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos. Humigit-kumulang sa labindalawang lalaki ang nagpabautismo (Gw.19:5-7).

Muli, malinaw na ang bautismo sa Espiritu Santo ay susunod sa kaligtasan, at hindi mahalaga kung ang labindalawang taong ito ay naipanganak muli o hindi bago nila nakita si Pablo. Muli, minsan pa, ang tandang kasama ng pagkabautismo nila sa Espiritu Santo ay ang pagsasalita sa iba’t ibang wika (at sa pagkakataong ito prepesiya).

Ang Hatol (The Verdict)

Repasuhin natin ang limang halimbawa. Sa hindi kukulang sa apat sa kanila, ang bautismo sa Espiritu Santo ay isang karanasang nangyari pagkatapos ng kaligtasan.

Sa tatlo sa kanila, tapat na inihahayag ng Biblia na ang mga nakatanggap ay nagsalita ng ibang wika. Dagdag pa, sa pagkikita ni Pablo at Ananias, ang kanyang karanasan ng pagkabautismo sa Espiritu Santo ay hindi talaga inilarawan, nguni’t alam natin na nang lumaon ay nagsalita siya sa ibang wika. Iyan ang nagsasagisag sa pang-apat na kaso.

Sa nalalabing kaso, isang bagay na hindi pangkaraniwan ang nangyari nang ang mga mananampalataya sa Samaria ay tumanggap ng Espiritu Santo dahil sinubukan ni Simon na bilhin ang kapangyarihan upang magpadala ng Espiritu Santo.

Kaya lubhang malinaw ang ebidensya. Sa sinaunang iglesia, tumanggap ng pangalawang karanasan ang mga mananampalataya kasama ng Espiritu Santo at nang naranasan nila iyon, nagsalita sila ng ibang wika. Hindi natin ito pagtatakhan, dahil sinabi ni Jesus na ang mga nananampalataya sa Kanya ay magsasalita ng bagong wika.

Kaya may matibay tayong ebidensya na bawa’t naipanganak muli ay dapat makaranas din ng iba pang gawain ng Espiritu Santo. Dagdag pa rito, bawa’t mananampalataya ay dapat umasang magsalita ng ibang wika pagkatanggap ng bautismo sa Espiritu Santo.

Paano Tanggapin ang Bautismo sa Espiritu Santo (How to Receive the Baptism in the Holy Spirit)

Tulad ng lahat ng kaloob ng Diyos, ang Espiritu Santo ay tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya (tingnan ang Gal. 3:5). Upang magkaroon ng pananampalatayang tumanggap, ang isang mananampalataya ay dapat magtiwala na kalooban ito ng Diyos na siya ay mabautismuhan sa Espiritu Santo. Kung nagtataka siya o nagdududa, hindi siya makakatanggap (tingnan ang San.1:6-7).

Walang mananampalataya ang mayroong magandang dahilan upang hindi paniwalaang kalooban ng Diyos na tanggapin niya ang Espiritu Santo, dahil tapat na inihayag ni Jesus ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito :

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit! Ibibigay Niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa Kanya (Lu. 11:13).

Ang pangakong iyan mula sa bibig ni Jesus ay dapat mangumbinsi sa bawa’t anak ng Diyos na kalooban ng Diyos ang pagkatanggap niya ng Espiritu Santo.

Ang berso ding ito ang nagpapatibay sa katotohanan na ang pagkabautismo sa Espiritu Santo ay nangyayari pagkatapos ng kaligtasan, dahil dito ipinangako ni Jesus sa mga anak ng Diyos (at mga tao lamang na nagtuturing sa Diyos bilang “Ama sa langit”) na ibibigay sa kanila ng Diyos ang Espiritu Santo kung hihingin nila. Malinaw na kung ang tanging karanasan nila sa Espiritu Santo ay ang pagkapanganak muli sa sandali ng kaligtasan, ang pangako ni Jesus ay walang saysay. Hindi tulad ng ilang uri ng modernong teolohista, naniniwala si Jesus na akmang-akma para sa mga taong ipinanganak muli na hingin sa Diyos ang Espiritu Santo.

Ayon kay Jesus, may dalawang kundisyon lamang na dapat tuparin upang matanggap ang Espiritu Santo. Una, ang Diyos dapat ang iyong Ama. Pangalawa, kailangan mong hingin sa Kanya ang Espiritu Santo.

Bagama’t nasa Biblia ang pagtanggap ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay (tingnan ang Gw. 8:17; 19:6), hindi ito totoong kailangan. Sinumang Cristiano ay makakatanggap ng Espiritu Santo sa sarili lamang niya sa kanyang sariling lugar ng panalangin. Kailangan lamang niyang hingin, tanggapin nang may pananampalataya, at magsimulang magsalita ng ibang wika habang binibigyan siya ng Espiritu ng pagbigkas.

Karaniwang Takot (Common Fears)

Ang ilang tao ay nag-aalala na kapag hiningi nila sa panalangin ang Espiritu Santo, bubuksan nila ang kanilang sarili sa demonyo. Nguni’t walang batayan sa alalahaning iyan. Ipinangako ni Jesus,

Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito’y humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit! Ibibigay Niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa Kanya (Lu. 11:11-13).

Kung hingin natin ang Espiritu Santo, ibibigay sa atin ng Diyos ang Espiritu Santo, at wala dapat tayong takot na tatanggap ng iba.

Nag-aalala ang iba na, kapag nagsalita sila ng ibang wika, sila lamang ang umiimbento ng walang katuturang wika sa halip na wikang ibinigay ng Espiritu Santo. Nguni’t kung susubukan mong umimbento ng kapani-paniwalang wika bago ka mabautismuhan sa Espiritu Santo, makikita mong imposible iyan. Sa kabilang dako, dapat mong maintindihan na kung magsasalita ka ng ibang wika, kailangan mong sadyain na gamitin ang iyong bibig, dila at pambigkas. Hindi gagawin ng Espiritu Santo ang pagsasalita para sa iyo—bibigyan ka lang Niya ng pagbigkas. Siya ay katulong natin, hindi tagagawa. Ikaw ang dapat gumawa na pagsasalita, tulad ng itinuturo ng Biblia:

At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu (Gw. 2:4, idinagdag ang pagdidiin).

Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba ang Espiritu Santo at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika (Gw. 19:6, idinagdag ang pagdidiin).

Pagkatapos hingin ng isang mananampalataya ang kaloob ng Espiritu Santo, kailangan niyang manampalataya at umasang magsalita ng ibang wika. Dahil ang Espiritu Santo ay tinanggap nang may pananampalataya, ang tumanggap ay hindi dapat umasa na makaranas ng partikular na pakiramdam o pisikal na kaibahan. Tapat lang na buksan ang kanyang

bibig at mga bagong tunog at pantig na bumubuo ng wikang ibibigay ng Espiritu Santo sa kanya. Hangga’t hindi nag-uumpisang magsalita ang mananampalataya nang may pananalig, walang wika ang manggagaling sa kanyang bibig. Siya ang magsasalita, at ang Espiritu Santo ang magbibigay ng wika.

Ang Pinanggagalingan ng Wika (The Source of the Utterance)

Ayon kay Pablo, kapag ang isang mananampalataya ay nananalangin sa iba-ibang wika, hindi ang kanyang isip ang nananalangin kundi ang kanyang espiritu:

Kung nananalangin ako sa wikang iyan, nananalangin nga ang aking espiritu nguni’t walang pakinabang ang aking pag-iisip. Ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu, nguni’t gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pananalangin. Ako’y aawit sa pamamagitan ng espiritu, nguni’t gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pag-awit (1 Cor. 14:14-15).

Sinabi ni Pablo na kapag nananalangin siya sa ibang wika, hindi mabunga ang kanyang pag-iisip. Ibig sabihin ay walang ambag ang kanyang pag-iisip, at hindi niya naintindihan ang ipinapanalangin niya sa ibang wika. Kaya, sa halip na laging nananalangin na hindi naintindihan ang kanyang sinasabi, gumugol rin si Pablo ng panahon sa pananalangin gamit ang kanyang pag-iisip sa sariling wika. Gumugol siya ng panahon sa pag-awit sa ibang wika pati rin sa sarili niyang wika. May lugar para sa dalawang uri ng panalangin at pag-awit, at magaling na sundin natin ang balanseng halimbawa ni Pablo.

Pansinin din na para kay Pablo, ang pagsasalita sa ibang wika ay nakapaloob sa kanyang sariling kalooban tulad ng pagsasalita sa kanyang kilalang wika. Sabi niya, “Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu, nguni’t gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pananalangin.” Laging inaangkin ng mga kritiko na kung ang pagsasalita ng mga modernong wika ay tunay na kaloob ng Espiritu, walang kontrol dito, at baka mahusgahang kinokontrol ng mananalita ang Diyos. Ngunit walang batayan ang ideang ito. Ang pagsasalita ng mga moderno at sinaunang wika ay kontrol ng isang indibidwal na siyang binalak ng Diyos. Masasabi pa rin ng mga kritiko na ang mga taong may kamay na tunay na ginawa ng Diyos ay walang kontrol sa kanilang mga kamay, at ang mga taong may kamalayang gumagawa ng desisyon upang gamitin ang kamay ay nagsisikap kontrolin ang Diyos.

Pag nabautismuhan ka na sa Espiritu Santo, madali mong mapatutunayan sa iyong sarili na ang iyong pagsasalita sa ibang wika ay nanggagaling sa iyong espiritu sa halip na sa iyong pag-iisip. Una, subukan mong makipag-usap sa iba habang binabasa mo itong libro. Malalaman mong hindi mo sila sabay na magagawa. Subali’t matutuklasan mo na maaari kang patuloy na nagsasalita sa ibang wika habang patuloy na binabasa mo itong libro. Ang dahilan ay hindi mo ginagamit ang iyong pag-iisip upang magsalita ng ibang wika—ang bigkas ay nanggagaling sa iyong espiritu. Kaya habang ginagamit mo ang iyong espiritu upang manalangin, magagamit mo ang iyong pag-iisip upang bumasa at umintindi.

Ngayong Nabautismuhan Ka sa Espiritu Santo (Now That You Are Baptized in the Holy Spirit)

Pakaisipin ang pangunahing dahilan ng pagbibigay sa iyo ng Diyos ng bautismo sa Espiritu Santo—upang bigyan ka ng kapangyarihang maging patotoo Niya, sa pamamagitan ng manipestasyon ng bunga at kaloob ng espiritu (tingnan 1 Cor. 12:4-11; Gal. 5:22-23). Sa pamumuhay nang tulad ni Cristo at pagpapakita ng Kanyang pag-ibig, ligaya, at kapayapaan sa mundo, pati na ang pagpapakita ng wala-sa-mundong kaloob ng Espiritu, gagamitin ka ng Diyos upang hikayatin ang iba sa Kanya. Ang kakayahang magsalita ng ibang wika ay isa lamang sa mga “ilog ng buhay na tubig” na dapat dumaloy mula sa iyong puso.

Tandaan rin na ibinigay sa atin ng Diyos ang Espiritu Santo upang bigyan tayo ng kakayahang abutin ang lahat ng tao ng mundo sa pamamagitan ng magandang balita (tingnan ang Gawa 1:8). Kapag nagsasalita tayo sa ibang wika, dapat nating matanto na ang wikang sinasalita ay likas na wika ng liblib na tribu o banyagang bansa. Sa tuwing nananalangin tayo sa ibang wika, isipin natin na nais ng Diyos na marinig ng lahat ng taong nagsasalita ng lahat ng wika na marinig ang tungkol kay Jesus. Dapat nating tanungin ang Panginoon kung paano Niya tayo gustong isama sa pagtupad sa Dakilang Komisyon ni Jesus.

Ang pagsasalita sa ibang wika ay isang bagay na dapat nating gawin nang madalas. Si Pablo na isang espiritwal na tahanan ng kapangyarihan, ay nagsulat, “Pinasasalamatan ko ang Diyos, at nakapagsasalita ako ng iba’t ibang wika higit sa inyong lahat” (1 Cor. 14:18). Isinulat niya ang mga salitang iyon sa isang iglesia na laging nagsasalita ng ibang wika (bagama’t kadalasang sa maling panahon). Samakatuwid, maaaring higit na madalas ang pagsasalita ni Pablo sa ibang wika upang gawin ang higit pa sa ginawa nila. Ang pananalangin sa ibang wika ay nakatutulong sa atin upang manatili sa Espiritu Santo, na nananahan sa atin, at tumutulong sa atin upang “manalangin nang walang hinto” na itinuro ni Pablo sa 1 Tesalonica 5:17.

Itinuro rin ni Pablo na ang pagsasalita sa ibang wika ay nagpapapuri sa mananampalataya (tingnan ang 1 Cor. 14:4). Ibig sabihin niyan na espiritwal na itinatayo tayo. Sa pananalangin sa ibang wika, maaari nating palakasin, bagama’t hindi natin lubos na nauunawaan, ang ating panloob na katauhan. Ang pagsasalita sa ibang wika ay dapat magdulot ng araw-araw na pagpapayaman ng bawa’t espiritwal na pamumuhay ng bawa’t mananampalataya at hindi lamang isang bagsak na karanasan at ang simulang pagpuno ng Espiritu Santo.

Kapag nabautismuhan ka na sa Espiritu Santo, hinihikayat kita na maglaan ng panahon araw-araw sa pananalangin sa Diyos sa iyong bagong wika. Lubhang matutulungan nitong payamanin ang iyong espiritwal na buhay at paglago.

Mga Sagot sa Ilang Karaniwang Tanong (Answers to a Few Common Questions)

Lubos bang masasabi natin na lahat ng hindi nakapagsalita sa ibang wika ay hindi kailanman nabautismuhan sa Espiritu Santo? Ang personal na pananaw ko ay hindi.

Lagi kong hinihikayat ang mga tao na umasang magsalita sa ibang wika nang ipinanalangin ko silang mabautismuhan sa Espiritu Santo, at marahil ay 95% sa kanila ay nagsalita sa loob ng ilang segundo pagkapanalangin ko sa kanila. Aabot sa libu-libong katao sa lahat ng panahong iyon.

Bagama’t kailanman ay hindi ko sasabihin na ang isang Cristianong nanalanging mabautismuhan sa Espiritu Santo at hindi nagsalita ng ibang wika ay hindi nabautismuhan sa Espiritu Santo, dahil ang pagkabautismo sa Espiritu ay tinananggap sa pamamagitan ng pananampalataya at ang pagsasalita sa ibang wika ay boluntaryo. Nguni’t kung may pagkakataon ako, upang ipamahagi sa isang mananampalataya na nanalangin upang mabautismuhan sa Espiritu nguni’t hindi kailanman nakapagsalita ng ibang wika, una kong ipinakikita sa taong iyon ang lahat ng berso sa Biblia tungkol sa paksa. Pagkatapos ay ipakikita ko rin kung paano isinulat ni Pablo na nasa kanya ang kontrol kung kailan siya magsasalita o hindi sa ibang wika. Tulad ni Pablo, nakapagsasalita ako sa ibang wika kung kailan ko gusto, kaya makakapagpasya ako, kung gusto ko, na hindi na kailanman magsasalitang muli sa ibang wika. Dahil diyan, maaari akong nabautismuhan sa Espiritu Santo at hindi kailanman nagsalita sa ibang wika noong una pa man sa hindi pakikipagtulungan sa bigkas ng Espiritu.

Kaya muli, kapag may pagkakataon ako na ibahagi sa isang Cristiano na nanalangin sa pananampalataya para sa pagbabautismo sa Espiritu Santo, nguni’t kailanman ay hindi nakapagsalita sa ibang wika, hindi ko sinasabi sa kanya (ni hindi ko pinaniniwalaan) na hindi siya nabautismuhan sa Espiritu Santo. Tapat kong ipinaliliwanag sa kanya na ang pagsasalita sa ibang wika ay hindi hiwalay sa atin na ginagawa ng Espiritu Santo. Ipinaliliwanag ko na ibinibigay ng Espiritu Santo ang bigkas, nguni’t tayo ang gagawa ng pagsasalita, tulad ng pagsasalita sa sariling kilalang wika. Pagkatapos ay hihikayatin ko ang taong iyon na makipagtulungan sa Espiritu Santo at magsimulang magsalita ng ibang wika. Halos walang eksepsyon, lahat sa kanila ay nakapagsasalita.

Hindi Ba’t Isinulat ni Pablo na Hindi Lahat ay Nagsasalita sa Ibang Wika? (Didn’t Paul Write that Not All Speak with Tongues?)

Ang retorikal na tanong ni Pablo ay, “Lahat ay hindi nakapagsasalita sa ibang wika, hindi ba?” (1 Cor. 12:30) na ang malinaw na sagot ay “Hindi,” ay kailangang iayos sa kabuuan ng Bagong Tipan. Ang kanyang tanong ay makikita sa ilalim ng konteksto ng kanyang turo tungkol sa mga espiritwal na kaloob, na ipinapakita lamang kung kalooban ng Espiritu (tingnan ang 1 Cor. 12:11). Ispesipikong nagsusulat si Pablo tungkol sa espiritwal na kaloob ng “iba-ibang uri ng wika” (1 Cor. 12:10) na, ayon kay Pablo, ay kailangang samahan ng espiritwal na kaloob ng pagpapakahulugan ng mga wika. Ang partikular na kaloob na ito ay maaaring hindi ang ipinapakita ng mga taga-Corinto sa kanilang iglesia, dahil lantarang nagsasalita sila sa iba-ibang wika na walang interpretasyon. Dapat nating tanungin, Bakit ipagkakaloob ng Espiritu Santo ang kaloob na pagsasalita ng ibang wika sa isang pangmadlang asemblea na hindi ito binibigyan ng kaloob na magpakahulugan? Ang sagot ay ayaw Niya. Kung hindi, isinusulong ng Espiritu Santo ang isang bagay na hindi kalooban ng Diyos.

Marahil ay nananalangin nang malakas sa ibang wika ang mga taga-Corinto sa kanilang mga pagtitipon sa iglesia, nang walang pagpapakahulugan. Kung gayon, natututuhan natin na ang pagsasalita sa ibang wika ay may dalawang gamit. Ang isa ay pananalangin sa ibang wika, na sinabi ni Pablo na gawin sa pag-iisa. Ang gamit na iyan ng pagsasalita sa ibang wika hindi sinasamahan ng interpretasyon, tulad ng isinulat ni Pablo, “nananalangin nga ang aking espiritu, nguni’t walang pakinabang ang aking pag-iisip” (1 Cor. 14:14).

Malinaw na hindi laging alam ni Pablo ang kanyang sinasabi kapag nagsasalita siya sa ibang wika. Wala siyang pagkakaintindi; ni walang interpretasyon.

Subali’t mayroon ding gamit ang pagsasalita sa ibang wika na para sa pangmadlang asemblea ng iglesia, na laging sinasamahan ng kaloob na pagbibigay ng interpretasyon ng mga wika. Nangyayari iyan kapag dinadala ng Espiritu Santo ang isang taong kalooban Niya, at ibinibigay sa kanya ang kaloob na iyan. Nagsasalita sa madla ang taong iyan, pagkatapos ay may ibinibigay na interpretasyon. Nguni’t hindi ginagamit ng Diyos nang ganyan ang lahat. Kaya isinulat ni Pablo na hindi lahat ay nagsasalita sa ibang wika. Hindi lahat ay ginagamit ng Diyos sa biglang kusang kaloob na pagsasalita ng ibang wika, tulad ng hindi paggamit ng Diyos sa lahat sa pagbibigay ng kaloob na interpretasyon ng ibang wika. Iyan lamang ang tanging paraan upang itugma ang tanong na retorikal ni Pablo, “Lahat ay hindi nakapagsasalita sa ibang wika, hindi ba?” sa kabuuan ng itinuturo ng Biblia.

Nakakapagsalita ako sa ibang wika ano mang oras na gustuhin ko, na tulad ni Pablo. Kaya malinaw na si Pablo o ako ay magsasabi na sa tuwing magsasalita kami sa ibang wika ito ay “dahil sa kalooban lamang ng Espiritu.” Ito ay dahil kalooban namin. Kaya anuman ginagawa naming kung kailan naming gusto ay hindi maaaring ang kaloob na pagsasalita ng ibang wika na nangyayari “kung kalooban ng Espiritu.” Dagdag pa rito, si Pablo, tulad ko, ay nagsalita sa ibang wika sa kanyang pag-iisa nang hindi naiintindihan ang kanyang sinasabi, kaya iyan ay hindi maaaring ang kaloob na pagsasalita sa ibang wika na tinukoy niya sa 1 Corinto, na sabi niya ay laging sasamahan ng kaloob na interpretasyon ng ibang wika.

Sa mga pambihirang okasyon lamang ako nagsalita sa ibang wika sa isang pangmadlang asemblea. Iyan ay kapag nararamdaman ko lamang ang udyok ng Espiritu Santo na gawin ko iyon, bagama’t kaya kong ( tulad ng ginagawa ng mga taga-Corinto) manalangin nang malakas sa ibang wika kailan ko man gugustuhin sa iglesia nang walang interpretasyon. Kapag naramdaman ko ang udyok ng Espiritu Santo sa kaloob na iyan, laging may interpretasyon na nagbigay ng magandang halimbawa sa katawan.

Bilang pangwakas, kailangan nating itugma ang pagpapakahulugan sa Biblia. Ang mga nagpapalagay, dahil sa tanong na retorikal ni Pablo na matatagpuan sa 1 Corinto 12:30, na hindi lahat ng mananampalataya ay dapat magsalita ng ibang wika, ay nagwawalang-bahala sa maraming berso sa Biblia na hindi tumutugma sa kanilang interpretasyon. Dahil sa kamaliang ito, naipagkakait sa kanila ang isang dakilang pagpapala mula sa Diyos.

Ang Paboritong Mangangaral ni Hesus

Kabanata 9

Marahil ay magugulat kayo na malamang may paboritong mangangaral si Jesus. Higit pa kayong magugulat na ang paboritong mangangaral ni Jesus ay hindi Lutheran, Methodist, Anglican, Pentecostal o Presbyterian. Bagkus, siya ay isang Baptist! Kilala natin siya bilang si Juan na Tagapagbautismo, siyempre! Sinabi ni Jesus tungkol sa kanya,

Tandaan ninyo: higit na dakila sa Juan na Tagapagbautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig (Mt. 11:11a).

Dahil lahat ng tao ay “isinilang sa daigdig,” ito ay ibang pagpapahayag na, sa pagtaya ni Jesus, si Juan na Tagapagbautismo ang pinakadakilang taong nabuhay. Mahuhulaan lang natin kung bakit ganito ang pakiramdam ni Jesus. Nguni’t mukhang makatwiran na mataas ang tingin ni Jesus kay Juan dahil sa mga katangiang espiritwal nito. Kung magkagayon, dapat ay matutunan natin at gayahin ang mga katangiang espiritwal na iyon. Nakakalap ako ng hindi kukulang sa pitong katangiang espiritwal ni Juan na Tagapagbautismo na kapuri-puri. Bagama’t lubhang sinasagisag ng ministeryo ni Juan ang ministeryo ng isang mangangaral, karapat-dapat ang pitong katangiang espiritwal para sa sinuman at lahat ng ministro ng magandang balita. Tingnan natin ang una sa pito.

Ang Unang Katangian ni Juan (John’s First Quality)

Ang mga pinuno ng Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng ilang paring Judio at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya. Hindi nagkaila si Juan; sa halip ay maliwanag niyang sinabi, “Hindi ako ang Cristo.” “Sino ka kung gayon?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?” “Hindi ako si Elias,” tugon niya. “IKaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi rin.” “Sino ka kung gayon? Sabihin mo kung sino ka upang may masabi naman kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” tanong nilang muli. Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias,“Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, ‘Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.’ ” (Jn. 1:19-23).

Alam ni Juan ang kanyang tawag at sinunod niya ito.

Napakahalaga para sa mga ministro ang malaman ang kanilang tawag at sundin ang mga ito. Kung ikaw ay mangangaral, dapat ay huwag mong subukang maging pastor. Kung ikaw ay guro, huwag mong subukang maging propeta. Kung hindi, madidismaya ka lamang. Paano mo malalaman ang iyong tawag? Una, sa pamamagitan ng paghanap sa Panginoon, ang Siyang tumawag sa iyo. Pangalawa, sa pagsiyasat ng iyong kakayahan. Kung tinawag ka ng Diyos bilang mangangaral, ihahanda ka Niya para sa gawain. At pangatlo, sa pamamagitan ng pagkumpirma ng ibang talagang mapapansin ang iyong kakayahan.

Kapag sigurado ka na sa iyong tawag, dapat ay sundin mo ito nang buong puso, at hindi hahayaang pigilan ka ang anumang balakid. Marami ang naghihintay sa Diyos na gawin ang inaasahan Niyang gawin nila. Hindi hinintay ni Noe ang Diyos upang makapagpatayo ng arka!

Sinasabing ang ministeryo ay binabaybay na T R A B A H O. Talagang susubukan ni Satanas na pigilan ka sa pagsunod ng iyong tawag, nguni’t kailangang labanan mo siya at isulong ang iyong pananampalataya. Kahi’t hindi sinasabi sa ating ng Biblia, makasisiguro kang may isang araw na unang umpisahan ni Juan ang pangangaral sa paligid ng rehiyon ng Jordan. Walang dudang ang kanyang mga unang kawan ay higit na maliit kaysa sa mga nahuli. Makasisiguro kang pinagtawanan siya ng mga tao at nakaranas siya ng pag-uusig. Nguni’t hindi siya mapigilan. Ang tanging layunin niya ay aliwin ang kanyang Diyos na tumawag sa kanya sa kanyang ministeryo. Sa katapusan ay nagtagumpay siya.

Ang unang katangiang espiritwal ni Juan ay karapat-dapat sa ating paggaya: Alam ni Juan ang kanyang tawag at sinunod niya ito.

Ang Pangalawang Katangian ni Juan (John’s Second Quality)

Nang mga panahong iyon, dumating si Juan na Tagapagbautismo sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Ganito ang kanyang sinasabi, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagka’t malapit nang dumating ang kaharian ng langit!” (Mt. 3:1-2).

Talagang aprubado ni Jesus ang simpleng mensahe ni Juan, dahil ito ang mensaheng ipinaaabot ni Jesus saan man Siya magpunta (tingnan ang Mt. 4:17). Tinawag ni Juan ang mga tao upang magsisi—na tumalikod sa buhay na puno ng kasalanan at mamuhay nang matuwid. Ang mga hindi magsisi ay itatapon sa impiyerno.

Di tulad ng maraming modernong mangangaral, kailanman ay hindi binanggit ni Juan ang pag-ibig ng Diyos. Ni hindi niya pinag-usapan ang mga “pangangailangan” ng mga tao bilang paraan upang hikayatin silang magdasal ng walang kahulugang panalangin ng “pagtanggap kay Jesus” upang maumpisahan nilang maranasan “ang marangyang buhay.” Hindi niya inakay ang mga tao upang paniwalaang mabubuti talaga sila at nais silang dalhin ng Diyos sa langit kung mapagtanto lamang nila na ang kaligtasan ay hindi sa gawa. Bagkus nakita sila ng Diyos—mga rebeldeng nanganganib humarap sa walang hanggang kahihinatnan dahil sa kanilang mga kasalanan. Taimtim na binalaan Niya sila sa darating na galit. Sineguro Niyang naintindihan nila na kapag hindi nila binago ang kanilang mga puso at gawa, nahatulan na sila.

Kaya ang pangalawang katangiang inaangkin ni Juan na karapat-dapat gayahin ng bawa’t ministrong tagalikha-ng- alagad ay ito: inihayag ni Juan na ang pagsisisi ang unang hakbang sa pagkakaroon ng ugnayan sa Diyos.

Ang Pangatlong Katangian ni Juan (John’s Third Quality)

Gawa sa balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at sa balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan (Mt. 3:4).

Wala talaga sa itsura ni Juan ang modernong “mangangaral ng kariwasaan.” Katunayan, kailanman ay hindi nila papayagan ang tulad ni Juan na pumasok sa kanilang iglesia dahil wala sa kanyang pananamit ang mukha ng tagumpay. Subali’t si Juan ay tunay na tao ng Diyos na walang interes sa pag-ipon ng kayamanan sa lupa o antigin ang mga tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil batid niyang ang Diyos ay tumitingin sa puso. Simple siyang namuhay, at ang istilo niya ng pamumuhay ay hindi nakasira ninuman, dahil alam nila na hindi salapi ang kanyang motibo. Lubhang salungat ito sa maraming modernong ministro sa buong mundo, na ginagamit ang magandang balita unang-una para sa sariling kapakanan. At dahil inililihis nila ang pagtingin kay Jesus, sinisira nila ang mga adhikain ni Cristo.

Ito ang pangatlong katangiang nakatulong kay Juan na maging paboritong mangangaral ni Jesus: Simpleng namuhay si Juan.

Ang Pang-apat na Katangian ni Juan (John’s Fourth Quality)

Marami ngang tao ang nagsilapit kay Juan upang magpabautismo. Nguni’t sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating? Ipakita ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi na kayo, at huwag ninyong idahilan na mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham” (Lu. 3:7-8).

Habang nilalapitan ng ministeryo ni Juan ang dumaraming tao, malinaw na hindi nagbago ang kanyang mensahe. Maaari pang naghinala si Juan sa mga motibo ng mga tao nang nagiging popular ang magpabautismo. Kahit mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ay naglalakbay patungong Jordan (tingnan ang Mt. 3:7). Nag-alala siyang nakikiayon lamang ang mga tao sa karamihan. Kaya ginawa niya ang kanyang makakaya upang hindi sila madaya, sinisira ang anumang gabay na sumusuporta sa kanilang pagkadaya. Ayaw niyang isipin ninuman na inililigtas sila ng pagpapabautismo lamang, o mapipigil ng pagpapahayag ng pagsisisi pagkatapon nila sa impiyerno. Nagbabala siya na ang tunay na pagsisisi ang nagdudulot ng bungang pagkamasunurin.

Dagdag pa rito, dahil itinuring ng maraming Judio na sila’y ligtas dahil sa pisikal na angkan ni Abraham, ibinunyag ni Juan ang kamalian ng pag-asang iyan.

Ito ang pang-apat na kapuri-puring katangian ni Juan: Lubhang mahal niya ang mga tao upang sabihin sa kanila ang katotohanan. Kailanman ay hindi niya tinitiyak ang mga hindi nagsisisi at hindi banal na tao na patungo siya sa langit.

Ang Panlimang Katangian ni Juan (John’s Fifth Quality)

Hindi binabautismuhan ni Juan ang mga taong mukhang hindi nagsisisi, at hindi niya sinususugan ang pandaraya-sa-sarili ninuman. Binautismuhan niya ang mga tao “habang ikinukumpisal nila ang kanilang mga kasalanan” (Mt. 3:6). Binalaan niya ang mga dumating:

Ngayon pa lamang ay nakahanda na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawa’t punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. …Hawak na niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kanyang kamalig ang trigo nguni’t ang ipa ay susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman (Mt. 3:10, 12).

Hindi natakot si Juan sa sabihin ang katotohanan tungkol sa impiyerno, isang paksang laging iniiwasan ng mga ministrong nagnanais manalo sa patimpalak ng kagandahan sa halip na umakay ng mga kaluluwa para sa kaharian ng Diyos. Ni hindi rin nabigo si Juan na ipahayag ang parehong temang natuklasan natin sa Sermon sa Bundok ni Cristo—ang mga banal lamang ang magmamana ng kaharian ng Diyos. Ang mga hindi mamumunga ng mabuting bunga ay itatapon sa apoy.

Kung buhay ngayon si Juan, malamang na tutuligsain siya ng maraming taong nagsasabing sila’y mga Cristiano bilang “ministro ng apoy ng impiyerno at asupre,” isang propeta ng kalungkutan at kamatayan,” “hindi sensitibo sa naghahanap,” o higit pang masama, “negatibo,” “mapanghusga,” “ligalistiko” o “nagmamatuwid.” Nguni’t si Juan ang paboritong mangangaral ni Jesus. Ang kanyang panlimang katangian: Itinuro ni Juan ang tungkol sa impiyerno at tiniyak niya kung anong uri ng tao ang papunta doon. Napakainteresanteng tinukoy ni Lucas ang mensahe ni Juan bilang “ang magandang balita” (Luc. 3:18).

Ang Pang-anim na Katangian ni Juan (John’s Sixth Quality)

Malakas na ginamit si Juan ng Diyos at naging lubhang popular ito sa maraming tao, alam niya na wala siya sa katiting ni Jesus, kaya lagi niyang pinuri ang kanyang Panginoon:

Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Nguni’t ang darating na kasunod ko ang siyang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Higit siyang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas (Mt. 3:11).

Ang pagturing ni Juan sa kanyang sarili ay lubhang salungat sa kayabangan ng mga “ministro” sa kasalukuyang panahon. Ang kanilang magasin ng ministeryong de-kulay ay nagtataglay sa bawa’t pahina ng kanilang larawan, samantalang halos hindi nila binabanggit si Jesus. Pumaparada silang mga paboreal sa entablado ng kanilang iglesia, pinupuri ang kanilang sarili sa mata ng kanilang mga tagasunod. Hindi sila nasasaling ni naaabot, puno ng sarili nilang pagpapahalaga. Ang ilan ay nag-uutos pa sa mga anghel at Diyos! Nguni’t itinuring ni Juan ang kanyang sarili na hindi karapat-dapat magtanggal ng sandalyas ni Jesus, na maitinuturing na gawain ng isang mababang alipin. Tumanggi siya nang pinuntahan siya ni Jesus upang magpabautismo, at nang napagtanto niya na si Jesus ay ang Cristo, agad niyang itinuro ang lahat sa Kanya, at idineklarang Siya “ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan” (Jn. 29). “Kinakailangang Siya ang maging dakila at ako nama’y maging mababa” (Jn. 3:30) ang naging mapagkumbabang sawikain ni Juan.

Ito ang pang-anim na katangian ni Juan na tumulong sa kanyang pagiging paboritong mangangaral ni Jesus: Nagpakumbaba si Juan at pinuri si Jesus.Wala siyang pagnanais magpapuri sa sarili.

Ang Pampitong Katangian ni Juan (John’s Seventh Quality)

Kadalasan ay nagpapahayag ang mga modernong mangangaral nang malabo at pangkalahatan upang hindi makasakit ng damdamin. Napakadaling mangaral nang, “Gusto ng Diyos na gumawa tayo ng mabuti!” Kapwa totoo at hindi totoong Cristiano ang magsasabi ng “Amen” sa nasabing pangaral. Marami ring mga mangangaral ang napakadaling laging mag-ulit ng mga kasalanan ng sanlibutan, at iniiwasan ang pagbanggit ng parehong kasalanang nangyayari sa iglesia. Halimbawa’y magagalit sila laban sa pornograpiya, nguni’t hindi kailanman babanggitin ang R-rated at immoral na video at DVD na pinapanood at kinokolekta pa ng marami sa kanilang mga miyembro. Ang takot sa tao ang nakaumang sa kanila.

Nguni’t hindi nag-atubili si Juan na mangaral nang ispesipiko. Iniuulat ni Lucas:

Tinanong siya ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?” Sumagot siya sa kanila, “kung mayroon kang dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Ganyan din ang gawin ng may pagkain.” Dumating din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo. Sila’y nagtanong sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?” “Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat ninyong singilin,” tugon niya. Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami po naman, ano ang dapat naming gawin?” “Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng pagpaparatang ng di makatuwiran; masiyahan na kayo sa inyong sweldo,” sagot niya (Luc. 3:10-14).

Interesante na lima sa mga anim na ispesipikong direktibang ibinigay ni Juan ay may kinalaman sa salapi o materyal na bagay. Hindi natakot si Juan na mangaral tungkol sa pamamahala na kaugnay ng ginintuang utos at pangalawang pinakadakilang utos. Hindi rin naghintay si Juan ng maraming taon hanggang ang mga bagong “mananampalataya” ay handa sa nasabing “mabibigat” na konsepto. Naniwala siya na imposibleng pagsilbihan ang Diyos at kayamanan, kaya ang pamamahala ay mahalaga mula sa umpisa.

At iyan ay magdadala ng isa pang punto. Hindi nagpakadalubhasa si Juan sa mga maliliit, laging inuulit ang pananamit at iba pang isyu ng kabanalang kaugnay sa panlabas na anyo, nagpokus siya sa “higit na mabigat na probisyon ng kautusan” (Mt. 23:23). Alam niya na ang pinakamahalaga ay mahalin natin ang ating kapwa at tratuhin natin ang iba na tulad ng gusto nating pagtrato nila sa atin. Ibig sabihin niyan na pamamahagi ng pagkain at kasuotan sa mga wala nito, pagiging tapat sa pakikisama sa iba, at pagiging kuntento sa kung ano ang meron tayo.

Ito ang pampitong katanigang nagpalapit ng puso ni Jesus kay Juan: nangaral siya hindi sa pamamagitan ng malabong pangkalahatan, kundi nagbanggit siya ng ispesipikong mga bagay na dapat gawin ng mga tao upang masiyahan ang Diyos, kahit mga bagay na may kaugnayan sa pamamahala. At, nagpokus siya sa pinakamahalaga..

Bilang Pangwakas (In Conclusion)

Ang ministeryo ng isang pastor o guro ay nakikilala sa higit na malawak na paksa kaysa mga paksa ni Juan. Nangangaral si Juan sa mga hindi nagsisisi. Siyempre, ang dapat pangunahing tinuturuan ng ministeryo ng pastor o guro ay mga nakapagsisi na. Ang kanilang pagtuturo ay batay sa mga bagay na sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad at nakatala sa mga sulat sa Bagong Tipan.

Bagama’t kadalasang nabibigo tayong kilalanin ang ating mga tagapakinig, at mukhang ngayon ay madalas pinangangaralan ang mga makasalanan na parang sila’y Santo. Dahil lamang sa nakaupo ang mga tao sa isang gusaling iglesia ay hindi nangangahulugang ang trabaho natin ay tiyakin sa kanila ang kanilang kaligtasan, lalo na kung ang kanilang buhay ay hindi maibubukod sa mga nasa mundo. May matinding pangangailangan ngayon para sa milyun-milyong “Juan na Tagapagbautismo” upang mangaral mula sa mga pulpit ng iglesia. Tatanggapin mo ba ang hamon? Magiging isa ka ba sa mga paboritong mangangaral ni Jesus?

Ang Bagong Pagsilang

Kabanata 10

Kapag nagsisi ang mga tao at nanampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo, sila ay “muling isinilang.” Ano talaga ang ibig sabihin ng muling isinilang? Iyan ang punto ng kabanatang ito.

Upang maintindihan ang ibig sabihin ng muling isinilang, makatutulong na maintindihan muna ang kalikasan ng mga tao. Itinuturo ng Biblia na hindi lang tayo nilalang na pisikal, kundi espiritwal. Halimbawa, isinulat ni Pablo,

Nawa’y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin Niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. (1 Tes. 5:23, idinagdag ang pagdidiin).

Tulad ng ipinakita ni Pablo, maituturing tayong nilalang na may tatlong bahagi na may espiritu, kaluluwa at katawan. Hindi nililinaw ng Biblia ang tatlong bahaging iyon, kaya pagsikapan nating ibukod ang mga iyon sa pag-intindi sa mga salita. Karaniwang ipinapalagay natin na ang ating katawan ay ang pisikal na bahagi—ang laman, buto, dugo at iba pa. Ang ating kaluluwa ay intelektwal at emosyonal na bahagi—ang ating isip. Ang ating espiritu ay malinaw na siyang espiritwal na bahagi, o ang inilalarawan ni Pablong, “ang nakatagong tao ng puso” (1 Ped. 3:4).

Dahil ang espiritu ay hindi nakikita, hindi ito kinikilala ng mga taong walang pagbabagong-buhay. Nguni’t malinaw sa Diyos na lahat tayo ay espiritwal na nilalang. Sinasabi sa atin ng Biblia na kapag namatay ang isang tao, ang katawan lamang niya ang nawawalan ng kakayahan, samantalang ang kanyang espiritu at kaluluwa ay nananatili. Sa kamatayan, iniiwan nila ang katawan (bilang iisa) upang humarap sa paghuhukom ng Diyos (tingnan ang Heb. 9:27). Pagkatapos ng paghuhukom, pupunta sila sa langit o impiyerno. Sa katapusan ay bawa’t espiritu at kaluluwa ay sasanib muli sa katawan sa pagkabuhay na muli.

Pagpapalawak ng Kahulugan ng Espiritu ng Tao (Ang Human Spirit More Defined)

Sa 1 Pedro3:4, tinukoy ni Pedro ang espiritu na “nakatagong tao,” sinasabing ang espiritu ay isang tao. Tinukoy rin ni Pablo ang espiritu bilang “panloob na tao,” at ipinakikita ang kanyang paniniwalang ang espiritu ng tao ay hindi lang isang konsepto o lakas, kundi isang tao:

Kaya’t hind kami nasisiraan ng loob kahit na humihina ang aming katawang-lupa; patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw (2 Cor. 4:16, idinagdag ang pagdidiin).

Ang “panlabas na tao” ay malinaw na naglalarawan sa pisikal na katawan, samantalang ang “panloob na tao” ay nangangahulugan ng espiritu. Habang tumatanda ang katawan, napababago araw-araw ang espiritu.

Pansinin muli na tinutukoy ni Pablo ang kapwa katawan at espiritu bilang tao. Kaya kung naisip mo ang iyong espiritu, huwag mong isipin ang isang espiritwal na ulap. Mas mabuting isipin ang isang taong may hugis na mukhang ikaw. Subali’t kung matanda ka, huwag mong isipin na mukhang matanda ang iyong espiritu. Isipin ang itsura mo noong iyong kabataan dahil hindi kailanman tumanda ang iyong espiritu! Napababago ito araw-araw!

Ang iyong espiritu ang bahagi mo na isinilang muli (kung nanampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo). Ang iyong espiritu ay sumama sa Espiritu ng Diyos (tingnan ang 1 Cor. 6:17), at Siya ang gumagabay sa iyo sa pagsunod mo Kay Jesus (tingnan ang Rom. 10:14).

Itinuturo ng Diyos na espiritu rin ang Diyos (tingnan ang Juan 4:24), pati rin ang mga anghel at mga demonyo. May hugis lahat sila at nasa espiritwal na antas. Subali’t hindi makikita ang spiritual na antas ng ating pandamang pisikal. Ang pagsisikap na makontak ang mundong espiritwal gamit ang ating pisikal na pandama ay parang dinarama ang mga signal ng radyo sa pamamagitan ng kamay. Hindi nadarama ng ating pisikal na pandama ang mga alon ng radyong naglalakbay sa isang silid, nguni’t hindi ibig sabihin na walang alon ng radyo doon. Ang tanging paraan upang makakuha ng signal ng radyo ay buksan ang radyo.

Totoo rin iyan sa espiritwal na antas. Dahil lamang sa hindi nararamdaman ang espiritwal na antas ng ating pisikal na pandama ay hindi nangangahulugang wala ito. Mayroon ito, at matanto man ng tao o hindi, bahagi sila ng espiritwal na antas dahil sila ay espiritwal na nilalang. Maaaring espiritwal na kaugnay sila ni Satanas (kung hindi sila nagsisi) o espiritwal na kaugnay ng Diyos (kung isinilang silang muli). Nalaman ng ilang espiritista kung paano umugnay sa espiritwal na mundo sa pamamagitan ng kanilang mga espiritu, nguni’t kinokontak nila ang kinaroroonan ni Satanas—ang kaharian ng kadiliman.

Mga Katawang Walang Maliw (Eternal Bodies)

Habang nasa paksa tayo, nais kong magsabi ng ilang bagay tungkol sa ating mga katawan. Kahit mamamatay sila pagdating ng panahon, pansamantala lamang ang ating mga pisikal na kamatayan. May isang araw na darating na mismong ang Diyos ang magpapabuhay muli sa bawa’t namatay na katawan ng tao. Sinabi ni Jesus,

Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagka’t darating ang oras na maririnig ng mga patay ang Kanyang tinig. Sila’y muling mabubuhay; lahat ng gumawa ng kabutihan ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay paparusahan (Jn. 5:28-29).

Isinulat ng apostol Juan sa aklat ng Pahayag na ang pagkabuhay-muli ng mga katawan ng masasama ay mangyayari isang libong taon pagkatapos ng pagkabuhay-muli ng mga mabubuti:

Binuhay sila [ang mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus ) upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon. Mapalad at lubos na pinagpala ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay [1] (Pah. 20:4b-6).

Sinasabi rin ng Diyos sa atin na pagdating ni Jesus upang hulihin ang iglesia, lahat ng mga patay na katawan ng mga mabubuti ay mabubuhay-muli upang umugnay sa kanilang mga espiritu habang papabalik mula sa langit kasama ni Jesus patungong himpapawid ng Mundo:

Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Jesus upang isama sa Kanya. Ito ang katuruan ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa, tayong mga natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos nito, tayo namang mga buhay pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin Siya magpakailanman (1 Tes. 4:14-17).

Hinubog ng Diyos ang orihinal na tao mula sa alikabok ng lupa, at walang hirap sa Kanya na kunin ang mga elemento ng bawa’t tao ang buuing muli ang mga indibidwal na katawan mula sa elementong iyon.

Tungkol sa pagkabuhay-muli ng ating mga katawan, isinulat ni Pablo:

Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, nguni’t di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay, pangit at mahina nang ilibing, maganda’t malakas kapag muling nabuhay; nilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit….Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid, ang binubuo ng laman at dugo ay hindi maaaring makabahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang panlupa ay di maaaring magmana ng buhay na walang hanggan. Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo’y mamamatay nguni’t lahat tayo’y babaguhin, sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagka’t sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at din a muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat. Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi mabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay (1 Cor. 15:42-44a, 50-53).

Pansinin na ang pangunahing katangian ng ating bagong katawan ay ang hindi sila namamatay at di nawawala. Kailanman ay hindi sila tatanda, magkakasakit, o mamamatay! Ang bagong katawan natin ay tulad ng katawang natanggap ni Jesus pagkatapos Niyang mabuhay-muli:

Subali’t sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Doon magmumula ang Tagapagligtas na hinihintay natin nang may pananabik, ang Panginoong Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit Niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang-lupa na may kahinaan ay babaguhin Niya upang maging maluwalhating tulad ng Kanyang katawan (Fil. 3:20-21, idinagdag ang pagdidiin).

Pinagtibay din ni Apostol Juan ang kahanga-hangang katotohanang ito:

Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, nguni’t hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Nguni’t alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo’y matutulad sa Kanya, sapagka’t makikita natin kung sino talaga Siya (1 Jn. 3:2, idinagdag ang pagdidiin).

Bagama’t imposibleng intindihin ito ng ating isipan, mapaniniwalaan natin at magsasaya tayo sa mangyayari! [2]

Si Jesus tungkol sa Bagong Pagsilang (Jesus on ang New Birth)

Minsan ay nakipag-usap si Jesus sa Judiong lider na nagngangalang Nicodemo tungkol sa pangangailangan ng pagsilang muli ng espiritu ng tao sa aksiyon ng Espiritu Santo:

Sumagot s Jesus [kay Nicodemo], “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makapapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang?” tanong ni Nicodemo. Sagot naman ni Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu. Huwag kang magtaka sa sinabi Ko sa iyo, ‘kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli’” (Jn. 3:3-7).

Noong una, akala ni Nicodemo na ang tinutukoy ni Jesus ay pisikal na maipanganak muli ang isang tao upang makapasok sa kaharian ng langit. Nguni’t nilinaw ni Jesus na espiritwal na muling kapanganakan ang tinutukoy Niya. Ibig sabihin, ang espiritu ng tao ay kailangang maipanganak muli.

Kung bakit kailangan natin ng espiritwal na muling pagkabuhay ay dahil nabahiran ng masamang makasalanang kalikasan ang ating mga espiritu. Ang makasalanang kalikasang iyan ay laging tinutukoy sa Biblia na kamatayan. Upang maintindihan natin, tutukuyin natin iyang masamang kalikasan na espiritwal na kamatayan upang mapag-iba natin sa pisikal na kamatayan (na nangyayari kapag wala nang kakayahan ang katawan).

Depinisyon ng Kamatayang Espiritwal (Spiritual Death Defined)

Inilarawan ni Pablo ang ibig sabihin ng kamatayang espiritwal sa Efeso 2:1-3:

Noong una’y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya’t sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos (idinagdag ang pagdidiin).

Malinaw na hindi tinutukoy ng Pablo ang pisikal na kamatayan dahil sumusulat siya sa mga pisikal na buhay na tao. Bagama’t sabi niya na minsan ay “patay sila dahil sa kanilang mga kasalanan.” Ito ay kasalanang nagbubukas ng pinto ng espiritwal na kamatayan (tingnan ang Ro. 5:12). Ang ibig sabihin ng espiritwal na kamatayan ay pagkakaroon ng makasalanang kalikasan sa iyong espiritu. Pansinin na sinabi ni Pablo na sila ay “likas na anak ng galit.”

Dagdag pa rito, ang pagiging spiritwal na patay ay nangangahulugang pagkakaroon ng kalikasan ni Satanas sa iyong espiritu. Sinabi ni Pablo na ang mga patay sa espiritu ay mayroong espiritu ng “prinsipe ng kapangyarihan ng hangin” sa kanila. Ang “prinsipe ng kapangyarihan ng hangin” ay walang dudang ang demonyo (tingnan ang Efe. 6:12), at ang kanyang espiritu ay naroon sa lahat ng hindi ligtas.

Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagka’t walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagka’t siya’y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan (Juan 8:44).

Mula sa pagtinging espiritwal, ang mga hindi naipanganak muli ay hindi lamang nagkakaroon ng kalikasan ni Satanas sa kanilang mga espiritu, kundi si Satanas rin ang kanilang espiritwal na ama. Natural na kumikilos silang parang demonyo. Mamamatay-tao sila at sinungaling.

Hindi lahat ng taong hindi ligtas ay pumatay, nguni’t itinutulak sila ng parehong kasuklaman ng mamamatay-tao, ay papatay sila kung matatakbuhan nila ito. Ang ligalisasyon ng aborsyon sa maraming bansa ang nagpapatunay niyan. Ang mga di-ligtas na tao ay papatay kahit sarili nilang di pa napapanganak na sanggol.

Kaya kailangan ng isang tao ang espiritwal na pagkapanganak muli. Kung ganoon, naaalis ang kalikasang makasalanan sa kanyang espiritu at napapalitan ng banal na kalikasan ng Diyos. Ang Espiritu Santo ng Diyos ay mananahan sa kanyang espiritu. Hindi na siya “patay sa espiritu” kundi “binuhay na espiritu.” Ang kanyang espiritu ay hindi na patay kundi buhay sa Diyos. Sa halip na siya’y espiritwal na anak ni Satanas, magiging espiritwal na anak siya ng Diyos.

Ang Pagbabago ay Hindi Kahalili ng Pagkabuhay na Muli (Reformation is No Substitute for Regeneration)

Dahil ang mga di-ligtas na tao ay patay sa espiritu, kailanman ay hindi sila maililigtas ng pagbabago, kahit anong gawin nila. Kailangan ng mga di-ligtas na tao ang bagong kalikasan, hindi lang panlabas na gawa. Makakakuha ka ng baboy, paliguan ito, pabanguhan, at talian ng pink na laso ang kanyang leeg, nguni’t ang makikita mo lang ay isang nalinisang baboy! Ang kanyang kalikasan ay pareho rin. At di magtatagal ay babaho na naman siya at muling mahihiga sa putik.

At iyan ay totoo tungkol sa relihiyosong mga taong hindi pa kailanman naipapanganak muli.

Maaari silang malinisan nang bahagya sa kanilang panlabas na anyo, nguni’t sa loob ay ganoon pa rin sila karumi. Ito ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga napakarelihiyosong tao sa kanyang kapanahunan,

Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, nguni’t ang mga iyon ay puno ng kasakiman at makasarili. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa, at magiging malinis din ang labas nito! Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, nguni’t ang loob ay bulok at puno ng kalansay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti, nguni’t ang totoo’y punung-puno kayo ng pagkukunwari at kasamaan (Mt. 23:25-28).

Ang mga salita ni Jesus ay akmang paglalarawan ng lahat ng mga relihiyosong hindi nakaranas ng bagong kapanganakan sa Espiritu Santo. Nililinis ng bagong kapanganakan ang loob at hindi lang ang panlabas na anyo ng tao.

Ano ang Nangyayari sa Kaluluwa Kapag Naipanganak Muli ang Espiritu? (What Happens to the Soul When the Spirit is Reborn?)

Kapag naipanganak muli ang espiritu ng tao, sa una ay hindi apektado ang kanyang kaluluwa (maliban sa pagpapasya ng kanyang isip na sundin si Jesus). Nguni’t inaasahan ng Diyos na may gagawin tayo sa ating kaluluwa pag naging isa tayo sa mga anak Niya. Ang ating mga kaluluwa (isip) ay dapat mapabago ng Salita ng Diyos upang mag-isip tayo sa paraang nais ng Diyos. Sa pamamagitgan ng pagpapabago natin ng isip na nagkakaroon ng patuloy na panlabas na pagbabago sa ating buhay, na nagiging dahilan ng patuloy nating pagiging parang si Jesus:

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban Niya (Ro. 12:2,idinagdag ang pagdidiin).

Isinulat din ni Santiago ang parehong proseso sa buhay ng mananampalataya:

Mapagkumbabang tanggapin ninyong taimtim sa inyong puso ang salita ng Diyos sapagka’t ang salitang ito ang makakapagligtas sa inyo (San. 1:21b).

Pansinin na sumusulat si Santiago sa Mga Cristiano—mga taong ang espiritu’y naipanganak nang muli. Nguni’t kailangan ng kanilang mga kaluluwa ang maligtas, at mangyayari lamang habang tinatanggap nila ang “itinanim na salita.” Kaya kailangan ng mga bagong mananampalataya na maturuan ng Salita ng Diyos.

Ang Latak ng Lumang Kalikasan (The Residue of the Old Nature)

Pagkatapos ng kanilang bagong kapanganakan, malalaman ng mga Cristiano na mayroon silang dalawang kalikasan, daranasin ang tinatawag ni Pablo na giyera ng “Espiritu at laman”:

Sapagka’t ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espirituat ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya’t di ninyo magawa ang nais ninyong gawin (Gal. 5:17).

Ang latak ng lumang kalikasang makasalanan na nananatili ay tinatawag ni Pablo na “ang laman.” Ang dalawang kalikasan sa atin ay lumilikha ng magkaibang nasa, na kapag pinagbigyan natin, ay lumilikha ng magkaibang kilos at istilo ng pamumuhay. Pansinin ang pagkakaibang ginagawa ni Pablo sa “kilos ng laman” at “ang bunga ng Espiritu”:

Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa’t isa, pag-aaway-away, pagseseloos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos. Subali’t ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapataan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito (Gal. 5:19-23).

Malinaw na maaaring bumigay ang Mga Cristiano sa mga hilig ng laman; kung hindi, hindi sana sila binalaan ni Pablo na kapag pinagbibigyan nila ang mga hilig ng laman, hindi nila mamanahin ang kaharian ng Diyos. Sa kanyang sulat sa mga taga-Roma, sinabi rin ni Pablo ang dalawang kalikasan ng bawa’t Cristiano at nagbabala ng parehong kahihinatnan ng pagbibigay sa laman:

Nguni’t dahil nananahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buhay sapagka’t itinuring na kayong matuwid ng Diyos. Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa katawang maka-laman. Sapagka’t mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, nguni’t kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo. Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos (Ro. 8:10, 12-14, idinagdag ang pagdidiin).

Ito ay malinaw na babala sa mga Cristiano. Ang pamumuhay (sinasabi niyan na regular ang paggawa) ayon sa laman ay nagreresulta sa kamatayan. Marahil ay nagbibigay-babala si Pablo tungkol sa espiritwal na kamatayan, dahil lahat naman ay pisikal na mamamatay, kahit mga Cristiano na “nagpapatay ng mga kilos ng katawan.”

Ang Cristiano ay maaaring pansamantalang magkasala ng isa sa mga inilista ni Pablo; nguni’t kapag nagkasala ang isang mananampalataya, makakaramdam siya ng paghatol at sana ay magsisi siya. Ang sinumang mangumpisal ng kanyang kasalanan at humingi ng pagpapatawad ng Diyos ay, siyempre, lilinisin (tingnan ang 1 Jn. 1:9).

Kapag nagkasala ang isang Cristiano, hindi ibig sabihin na pinutol na niya ang kanyang ugnayan sa Diyos—ibig sabihin, pinutol niya ang kanyang pakikipagkapwa. Anak pa rin siya ng Diyos, nguni’t siya’y anak ng Diyos na suwail. Kung ang mananampalataya ay hindi nangumpisal ng kanyang kasalanan, inilalagay niya ang kanyang sarili sa isang posisyong didisiplinahin ng Panginoon.

Ang Giyera (The War)

Kung natagpuan mo ang iyong sarili na nagnanasang gumawa ng mga bagay na alam mong mali, naranasan mo ang “hilig ng laman.” Walang dudang natuklasan mo rin na kung natukso ka ng laman upang gumawa na kamalian, may lumalaban sa iyong kalooban upang hindi gawin ang tukso. Iyan ang “nais ng Espiritu.” At kung alam mo ang pananalig na nanggagaling sa iyong kalooban kapag bumibigay ka sa tukso, nakikilala mo ang tinig ng iyong espiritu, na tinatawag nating “konsensya.”

Talagang alam ng Diyos na ang hilig ng ating laman ay tutukso sa atin upang gumawa ng mali. Nguni’t hindi iyan dahilan upang bigyang-katarungan ang pagbibigay natin sa mga hilig ng laman. Inaasahan pa rin tayo ng Diyos na kumilos nang may pagsunod at kabanalan at igpawan ang likas na hilig ng laman:

Sinasabi ko sa inyo, ang espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman (Gal. 5:16).

Walang pormulang may mahika upang igpawan ang laman. Sinabi lamang ni Pablo na “gawin nating patnubay ang espiritu,” at “hindi tayo magiging alipin ng hilig ng laman” (Gal. 5:16). Walang Cristiano ang nakalalamang sa sinumang Cristiano sa puntong ito. Ang pagturing na patnubay sa espiritu ay simpleng desisyon na dapat gawin ng bawa’t isa, at ang pananalig natin sa Panginoon ay masusukat sa kung gaano tayo hindi bumibigay sa mga hilig ng laman.

Parehong isinulat rin ni Pablo:

At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito (Gal. 5:24).

Pansinin na sinabi ni Pablo ang mga na kay Cristo ay pinatay (pangnagdaan) ang makasariling pagkatao. Nangyari iyan nang nagsisi tayo at nanampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo. Pinatay natin ang makasalanang kalikasan, nagpasyang sundin si Diyos at labanan ang kasalanan. Kaya ngayon ay hindi ito tungkol sa pagpatay sa laman, kundi pagpapanatiling patay ito.

Hindi laging madali ang pagpapanatiling patay ng laman, nguni’t posible ito. Kung padadala tayo sa taong nasa ating kalooban sa halip na bumigay sa hilig ng laman, ipakikita natin ang buhay ni Cristo at mamuhay sa kabanalan sa harap Niya.

Ang Kalikasan ng ating Bagong-Likhang Espiritu (Ang Nature of our Recreated Spirits)

May isang salitang ganap na naglalarawan ng kalikasan ng ating bagong-likhang espiritu, at ang salitang iyan ay Cristo. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na may parehong kalikasan tulad ni Jesus, tunay na taglay natin ang kalikasan ni Jesus na nananahan sa atin. Isinulat ni Pablo, “Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kunsi si Cristo na ang nabubuhay sa akin” (Gal. 2:20).

Dahil nasa atin ang Kanyang kakayahan at kalikasan, taglay natin ang kahanga-hangang potensyal upang mamuhay na tulad ni Cristo. Hindi talaga natin kailangan ang marami pang pag-ibig, pasensiya, o pagpipigil sa sarili—taglay natin ang tunay na nagmamahal, pasensyoso, at nagpipigil-sa-sariling Tao na nananahan sa atin! Ang tanging dapat nating gawin ay payagan Siyang mabuhay sa atin.

Nguni’t mayroon tayong pangunahing katunggali, na lumalaban sa kalikasan ni Jesus, pinipigilan Siyang lumantad sa pamamagitan natin; at iyan ang ating laman. Hindi nakapagtatakang sinabi ni Pablo na kailangan nating patayin ang ating laman. Tungkulin nating panghawakan ang ating laman, at pagsasayang ng panahon ang paghingi sa Diyos na panghawakan ito. May problema rin si Pablo sa hilig ng kanyang laman, nguni’t pinanghawakan at naigpawan niya ito:

Subali’t sinasanay ko at sinusupil ang aking katawan, upang sa gayo’y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba (1 Cor. 9:27).

Ikaw rin, ay kailangang gawin ang katawan bilang alipin ng iyong espiritu kung nais mong mamuhay nang banal sa harap ng Panginoon. Magagawa mo iyan!

 


[1] Dahil sinasabi ni Juan na ito ang “unang muling pagkabuhay,” inaakay tayo upang paniwalaang walang ibang muling pagkabuhay bago ito. Dahil nangyayari ito sa pagtatapos ng malawakang paghihirap sa pagbabalik ni Jesus, sinasalung at nito ang idea ng dagit bago ang paghihirap, na alam nating may malawakang muling pagkabuhay pagdating niJesus mula sa langit at ang dagit ng simbahan ayos sa 1 Tes. 4:13-17. Pag-aaralan natin ito ng higit na detalye sa isang kabanatang pinamagatang Ang Mga Huling Panahon.

[2] Para sa karagdagang pag-aaral tungkol sa paksa ng muling pagkabuhay, tingnan ang Dan. 12:1-2; Jn. 11:23-26; Gw. 24:14-15; 1 Cor. 15:1-57.