Kung ganoon, ikaw ay isang pastor at gusto mong lumago ang iyong iglesia. Karaniwang pagnanais iyan ng mga pastor. Nguni’t bakit gusto mong lumago ang iyong iglesia? Ano ang matapat na dahilan sa iyong puso?
Nais mo bang lumago ang iyong iglesia upang makaramdam ka ng tagumpay? Nais mo bang igalang ka at makaramdam ng pagiging ma-impuwensiya? Umaasa ka bang magkaroon ng kayamanan? Lahat ng mga iyon ay maling dahilan upang naisin mo ang paglago ng iyong iglesia.
Kung gusto mong lumago ang iyong iglesia upang mapuri ang Diyos habang higit na maraming buhay ang napagbabago ng Espiritu Santo, iyan ang tamang dahilan ng iyong pagnanais ng paglago ng iyong iglesia. Siyempre, posibleng dinadaya lamang natin ang ating sarili, ipinagpapalagay na tapat ang ating mga motibo nguni’t ang katunayan sila’y makasarili.
Paano natin malalaman ang ating tunay na motibo? Paano natin malalaman kung tunay nating gustong itayo ang kaharian ng Diyos o kaharian lang natin ang gusto nating itayo?
Isang paraan ay sa pamamagitan ng pagbabantay ng ating kalooban sa tagumpay ng ibang pastor. Kung iniisip natin na tapat ang ating mga motibo, kung iniisip natin na tapat ang ating kagustuhang lumago ang kaharian ng Diyos at ang kanyang iglesia, nguni’t matutuklasan natin ang inggit o selos sa ating puso kapag naririnig natin ang paglago ng ibang iglesia, ibinubunyag na hindi tapat ang ating mga motibo. Ipinakikitang hindi tayo talaga interesado sa paglago ng iglesia, kundi sa paglago ng ating iglesia. At bakit ganyan? Dahil ang ating mga motibo ay may bahid ng pagkamakasarili.
Masisita rin natin ang ating motibo sa pagbantay sa ating niloloob kapag naririnig natin ang umpisa ng isang iglesia sa ating lugar. Kung may nararamdama tayong pagbabanta, iyan ay tanda na higit tayong interesado sa ating sariling kaharian kaysa kaharian ng Diyos.
Kahit mga pastor ng malalaki o lumalagong iglesia ay makasusuri ng kanilang motibo sa parehong paraan. Ang mga pastor na ito ay maaaring magtanong sa kanilang sarili ng mga tanong na gaya ng, “Maiisip ko kayang magtatag ng bagong iglesia sa pagpapadala ng mga magagaling na pinuno o tao sa aking kongregasyon, na magreresulta sa pagliit ng aking iglesia?” Ang isang pastor na tumatangging gawin ang ideang ito ay maaaring nagtatayo ng kanyang iglesia para sa kanyang sariling kapurihan. (Sa kabilang dako, ang isang pastor ng malaking iglesia ay maaaring magtatag ng mga bagong iglesia para rin sa kanyang sariling kapurihan, upang maipangalandakan niya kung ilang mga iglesia ang naipanganak ng kanyang iglesia.) Ang isa pang tanong na maaaring tanungin sa kanyang sarili ay, “Nakikihalubilo ba ako sa mga pastor ng maliliit na iglesia o dumistansiya ba ako, na pakiramdam ko’y nakaaangat ako sa kanila?” O, “gusto ko bang maging pastor ng labindalawa o dalawampu lamang na tao sa isang tahanang iglesia, o masyadong mahirap iyan para sa aking amor propio?
Ang Kilusang Paglago ng iglesia (The Church Growth Movement)
Sa mga Cristianong bookstore sa Amerika at Canada, kadalasang may mga buong seksiyon ng istante na nakalaan sa libro tungkol sa paglago ng iglesia.Ang mga librong ito at mga konseptong napapaloob dito ay kumalat sa buong mundo. Ang mga pastor ay gutom sa pagkatuto kung paano paramihin ang mga dumadalo sa kanilang mga iglesia, at kadalasang mahusay sila sa pagsunod sa mga payo ng mga Amerikanong pastor ng mega- iglesia na naturingang matagumpay dahil sa laki ng kanilang mga gusali at bilang ng mga taong dumadalo kada Linggo.
Nguni’t iyong mga higit na nag-iisip ay nakapagtatanto na ang bilang ng dumadalo at ang laki ng gusali ay hindi kinakailangang indikasyon ng kalidad ng paglikha ng alagad. Ilang iglesiang Amerikano ay lumaki dahil sa nakaeengganyong doktrina na kasutilan ng katotohanang biblikal. Nakausap ko ang mga pastor sa buong mundo na nagulat nang nalamang napakaraming pastor na Amerikano ang naniniwala at naghahayag na kapag nailigtas na ang isang tao, hindi niya kailanman mawawala ang kanyang kaligtasan kahit ano pa man ang kanyang paniniwalaan o paano niya gampanan ang kanyang buhay. Gayundin, maraming pastor na Amerikano ay naghahayag ng pinaikling Magandang Balita ng murang pagpapala, na nagdadala sa mga tao upang isiping mapapasa-langit sila nang walang kabanalan. Lubhang ilan pa ang naghahayag ng Magandang Balita ng kasaganaan, inaapuyan ang katakawan ng mga taong ang relihiyon ay isang paraan upang makakuha ng marami pang kayamanan sa mundo. Ang mga pastor na iyon na may paraan ng pagpapalago ng iglesia ay hindi dapat tularan.
Nabasa ko ang nakatokang libro sa akin tungkol sa paksang paglago ng iglesia, at iba iba ang aking pagtingin sa mga ito. Marami ang nagtataglay ng estratehiya at payo na, sa ilang antas, ay batay sa modelong biblikal, kaya nagiging kawili-wili silang basahin. Nguni’t halos lahat ay batay sa 1700-taong-gulang na modelong iglesiang institusyunal, sa halip na modelong biblikal na iglesia. Samakatuwid, ang pokus ay hindi sa pagtatayo ng katawan ni Cristo sa pagpaparami ng alagad at tagalikha-ng-alagad, kundi ang pagtatayo ng isahang kongregasyong institusyunal, na laging nangangailangan ng malalaking gusali, higit na natatanging tauhang- iglesia at programa, at istrukturang parang korporasyon sa halip na pamilya.
Ilang modernong estratehiya sa pagpapalago ng iglesia ay mukhang nagmumungkahi na, upang makakalap lamang ng miyembro, ay nagsasagawa ng mga nakasisiyang serbisyo para sa mga taong ayaw sumunod kay Jesus. Ipinapayo nila ang maikli, positibong sermon lamang, hindi-nagpapahayag ng pagsamba, maraming aktibidades na sosyal, hindi babanggitin ang tungkol sa salapi, at marami pang iba. Hindi ito nagreresulta sa paglikha ng mga alagad na nagtatakwil sa kanilang sarili at sumusunod sa lahat ng utos ni Cristo. Nagreresulta ito sa mga nagsasabing sila’y Cristiano na hindi maibubukod sa mundo at patungo sa malawak na landas ng impiyerno. Hindi ito estratehiya ng Diyos upang panalunan ang mundo kundi estratehiya ni Satanas upang panalunan ang iglesia. Hindi ito “paglago ng iglesia” kundi “paglago ng mundo.”
Ang Modelong Sensitibo-sa-Naghahanap (The Seeker-Sensitive Model)
Ang pinaka-popular na Amerikanong estratehiya ng paglago ng iglesia ay kadalasang itinuturing na “sensitibo-sa-naghahanap”. Sa estratehiyang ito, dinidayenyo ang mga serbayyo sa Linggo ng umaga upang (1) kumportableng mag-anyaya ang mga Cristiano ng kaibigang di-ligtas, at (2) ang mga taong di-ligtas ay makakarinig ng Magandang Balitang hindi nakasasama ng loob na maaari nilang matanggap at maintindihan. Ang mga serbayyo sa gitna ng linggo at maliliit na grupo ay reserbado upang mag-alagad sa mga nananampalataya.
Sa paraang ito, ilang indibidwal na iglesia ay lubhang lumaki. Sa mga Amerikanong iglesiang institusyunal, maaaring ang mga ito ang may pinakamalaking potensyal upang magbigay ng Magandang Balita at mag-alagad sa mga tao, basta’t lahat ay kasali sa maliit na grupo (na kadalasang hindi) at inaalagad doon, at basta hindi nakokompromayo ang Magandang Balita (na laging nangyayari kung ang layunin ay hindi manakit ng damdamin, dahil nakakasakit ng amor propio ang totoong Magandang Balita). Mabuti na lang at ikasalananagawa ng mga iglesiang sensitibo-sa-naghahanap ang ilang estratehiya upang abutin ang mga hindi ligtas na tao, ayang bagay na wala sa mga iglesiang institusyunal.
Nguni’t paano maikukumpara ang Amerikanong modelong sensitibo-sa-naghahanap sa modelong biblikal para sa pagpapalago ng iglesia?
Sa libro ng Mga Gawa, mga apostoles na tinawag-ng-Diyos at Evangheliko ay nagsermon sa madla at sa bahay-bahay, na kasalananasamahan ng mga tanda at milagrong nanghikayat sa atensyon ng mga di-mananampalataya. Iyong mga nagsayi at naniwala sa Panginoong Jesus ay tumutok sa turo ng mga apostoles, at regular na nagtipon sa mga bahay kung saan natutuhan nila ang Kasulatan, gumamit ng mga kaloob ng Espiritu, ipinagdiwang ang Banal na Hapunan ng Panginoon, sama-samang nagdasal, at iba pa, lahat sa ilalim ng pamumuno ng namumuno/pastor/tagapangasiwa. Ang mga natawag-ng-Diyos na propeta ay nag-ikot sa mga iglesia. Lahat ay nagbahagi sa Magandang Balita sa mga kaibigan at kapitbahay. Walang mga gusaling ipapatayo na makapagpapabagal ng paglago ng iglesia at nakawin mula sa kaharian ng Diyos ang mga kayamanang makatutulong sa pagkalat ng Magandang Balita at lumikha ng mga alagad. Mabilis na natuto ang mga pinuno sa trabaho sa halip na ipinapadala sa mga seminaryo o Diyos school. Lahat nang ito ay nagresulta sa malawak na paglago ng iglesia sa ayang limitadong panahon, hanggang naabot lahat ang mga taong bukas ang isip sa isang lugar.
Sa pagkukumpara, ang modelong sensitibo-sa-naghahanap ay karaniwang salat sa tanda at milagro, kaya kulang ito sa makalangit na patalastas, panghihikayat at kumbiksiyon. Mahigpit na nakadepende sa natural na paraan ng pagbebenta at patalastas upang hikayatin ang mga tao sa isang gusaling magpaparinig sa kanila ng mensahe. Ang mga kakayahang pananalumpati at kapangyarihan ng pangungumbinsi ng pastor ang pangunahing paraan ng panghikayat. Naiiba talaga ito sa mga metodo ni Pablo, na nagsabing, “Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao. Subali’t nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa karunungan ng tao” (1 Cor. 2:4-5).
Marami pang Kaibahan (More Differences)
Ang modelog sensitibo-sa-naghahanap ay talagang walang apostol at Ebangheliko, dahil ang pangunahing tao ay ang pastor. Isang tanong: Ang pag-aalay ba sa apostol at Ebangheliko ng kanilang papel ng Ebangheliyasyon at ibinibigay ito sa pastor ay magaling na paraan ng pagpapalago ng iglesia? [1]
Ang pastor na sensitobo-sa-naghahanap ay nagsesermon minsan isang Linggo sa Lingguhang serbisyo kung saan hinihikayat ang mga Cristiano upang magdala ng mga di-ligtas. Kaya, karaniwan, ang Magandang Balita ay naririnig lamang minsan isang linggo ng mga kasama ng mga miyembro ng iglesiang di-ligtas. Ang mga di-ligtas na iyon ay dapat pumayag na pumunta sa iglesia, at inaanyayahan sila ng mga miyembrong pumapayag mag-imbita sa kanila sa iglesia. Sa modelong biblikal, mga apostoles at Ebangheliko ay patuloy na nagtuturo ng Magandang Balita sa madla sa pribadong lugar, at lahat ng mananampalataya ay nagbabahagi ng Magandang Balita sa kanilang kaibigan at kapitbahay. Sa dalawang modelong ito, kanino makaririnig ng Ebanghelyo ang karamihang di-ligtas?
Ang modelong sensitibo-sa-naghahanap ay nangangailangan ng katanggap-tanggap na gusali na hindi ikahihiya ng mga mananampalataya sa pagbisita ng kanilang mga kasamang di-ligtas. Lagi itong nangangailangan ng malaking salapi. Bago “maikalat” ang Magandang Balita, dapat magkaroon ng o magpatayo ng isang katanggap-tanggap na gusali. Sa Amerika ang gusaling iyan ay dapat matagpuan sa isang magandang kinalalagyan, kadalasang sa lugar ng mga mayayaman. Salungat dito, ang modelong biblikalbiblikal ay hindi nangangailangan ng tanging gusali, tanging lokasyon o salapi. Ang pagkalat ng Magandang Balita ay hindi limitado sa bilang ng mga taong kakasya sa natatanging gusali tuwing Linggo.
Higit na Marami Pang Kaibahan (Still More Differences)
Kapag ikinukumpara ang ilang iglesiang sensitibo-sa-naghahanap sa modelong biblikalbiblikal, mayroon pang higit na maraming pagkakaiba.
Ang mga apostol at Ebangheliko sa libro ng Mga Gawa ay tinatawag upang magsissi, manampalataya sa Panginoong Jesus at agarang mapabautismuhan. Inaasahan ang mga tao, sa kanilang pagbabagong-loob, na maging alagad ni Cristo, tinutupad ang mga kundisyong inilatag ni Jesus sa pagiging alagad, na inisa-isa sa Lucas 14:26-33 at Juan 8:31-32. Inumpisahan nilang mahalin nang lubos si Jesus, isinasabuhay ang Kanyang salita, pinapasan ang kanilang krus, at isinusuko ang kanilang mga karapatan sa pag-aari, bagong tagapangasiwa niyansg pag-aari ng Diyos.
Ang Magandang Balitang laging naproproklama sa mga iglesiang sensitibo-sa-naghahanap ay iba. Sinasabihan ang mga makasalanan kung gaano sila kamahal ng Diyos, kung paano Niya mapupunuan ang kanilang mga pangangailangan, at kung paano sila maligtas sa “pagtanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas.” Pagkatapos ng pagdasal nila ng “panalangin ng pagligtas.” Ni hindi nasabihan sa pagbilang ng halaga ng pagiging alagad, kadalasan silang binibigyang-kaseguruhan ng tunay na kaligtasan at pinasasali sa issang klase upang matuto ng paglago kay Cristo. Kapag sumali sila sa klaseng ito (marami ang hindi na bumabalik sa iglesia), isinusubo sila sa isang sistematikong proseso ng pagkatuto na napo-pokus sa pagkakaroon ng marami pang kaalaman tungkol sa doktrinang- iglesia sa halip na ang pagsunod sa mga utos ni Cristo. Ang tuktok ng “pagiging alagad” na programang ito ay kapag sa wakas ay nagbibigay na sa iglesia ng ikapu ng kanyang suweldo ang mananampalataya (upang ibayad sa sangla at suweldo ng mga di-biblikal na tauhan, na nagiging napakasamang pamamahala, na sumumuporta sa maraming hindi pinapayagan ng Diyos at ninanakawan iyong nais ng Diyos na suportahan) at dinadala sa paniniwalang “nahanap niya ang kanyang ministeryo” kapag nag-uumpisa siyang gumawa ng ilang papel pangsuporta sa ilalim ng iglesiang institusyunal na ni minsan ay hindi binanggit sa Banal na Salita. Ano ang mangyayari kung ang gobyerno ng inyong bansa, nababahala dahil nagkukulang ng mga lalaking nag-aalay ng sarili para sa kanyang hukbo, ay nagpasiyang maging “sensitibo-sa-naghahanap”? Ipagpalagay mong kung sumali sila, ipinangako nilang walang aasahan sa kanila—ang kanilang mga suweldo ay libreng handog, hindi pinaghirapan at hindi karapat-dapat. Maaari silang gumising sa umaga kung kailan nila gusto. Maaari silang magsanay ng mga treyning drill kung gusto nila, nguni’t may opsyon din silang manood ng TV kung gusto nila. Kapag sumiklab ang digmaan, mapipili nila kung gusto nilang sumali sa giyera o pumunta sa baybayin. Ano ang magiging resulta?
Walang dudang ang mga ranggo ng hukbo ay dadami!Nguni’t ang hukbo ay hindi na hukbo, hindi nababagay sa kanyang trabaho.At iyan ang mangyayari sa mga iglesiang sensitibo-sa-naghahanap. Ang pagbababa ng pamantayan ay nagpapalobo ng dumadalo sa Linggo, nguni’t binubuwag ang pagiging alagad at pagsunod. Ang mga sensitibo-sa-naghahanap na iglesiang iyon na nanunubok “magturo ng Magandang Balita” sa Linggo at “gumawa ng pag-aalagad” sa mga serbisyo sa gitna ng Linggo ay magkaka-problema kung sasabihin nila sa mga tao sa serbisyo sa gitna ng linggo na ang pupunta lamang sa langit ay iyong mga alagad ni Jesus. Mararamdaman ng mga tao na napagsinungalingan sila sa Linggo ng umaga. Kaya ang mga iglesiang ito ay dapat ring mandaya sa serbisyo sa gitna ng linggo, inihahayag ang pagiging alagad at pagsunod bilang opsyon sa halip na pangangailangan pa sa patungong-langit na tao. [2]
Talagang naiintindihan ko na ilang iglesiang institusyunal ay nagsasama ng ilang aspekto ng modelong biblikal na hindi ginagawa ng iba. Magkagayunman, ang modelong biblikal ay malinaw na siyang pinaka-epektibo sa pagpaparami ng mga alagad at tagalikha-ng-alagad.
Bakit hindi sinusunod ang modelong biblikal ngayon? Ang talaan ng mga dahilan ay walang-hanggan, nguni’t ang dulo nito, ito’y hindi nasusunod dahil sa tradisyon, hindi-paniniwala at pagsuway. Maraming nagsasabi na ang modelong biblikal ay hindi posible sa ating mundo ngayon. Nguni’t ang katotohanan, ang modelong biblikal ay sinusunod sa maraming lugar sa mundo ngayon. Ang maatikabong paglago ng iglesia sa Tsin sa nakaraang kalahating-dantaon, halimbawa, ay dahil sinunod lamang ng mga mananampalataya ang modelong biblikal. Iba ba ang Diyos sa Tsina kaysa saanman?
Lahat nang ito ay nagsasabing dapat maging mulat ang mga di-Amerikanong pastor sa mga metodong Amerikanong pagpapalago-ng- iglesia na umiiral sa buong mundo. Magiging higit silang matagumpay sa pagsasagawa ng layunin ni Cristo sa paglikha ng mga alagad kapag sinunod nila ang biblikal na modelo ng pagpapalago ng iglesia.
Ang Bunga (The Aftermath)
Naging obserbasyon ko na maraming tagapagpatupad ng modernong pagtuturo ng pagpapalago-ng- iglesia ay walang ugnayan sa karaniwang pastor sa buong mundo. Ang pinakamalaking bahagi ng pastor ay nagkakandili ng kawan ng kulang sa isandaang tao. Marami sa mga pastor na ito ay nawawalan ng loob kapag sumusubok sa mga paraan ng pagpapalago ng iglesia at hindi nagtatagumpay o binabalikan sila nang hindi nila kasalanan. Parang walang umaamin na maraming salik na hindi saklaw ng kontrol ng mga pastor na lilimita sa paglago ng kanilang iglesia. Isa-isahin natin ang ilan sa kanila.
Una sa lahat, ang paglago ng iglesia ay nililimita ng laki ng lokal na populasyon. Maliwanag na karamihan sa malalaking institusyunal na iglesia ay nakikita sa mga bayan at siyudad. Kadalasan ay milyong tao ang pinaghuhugutan nila ng mga miyembro ng iglesia. Subali’t kung ang mga bilang ay tunay na batayan ng tagumpay, ang isang iglesia ay susuriin, hindi sa kanyang laki, kundi sa porsiyento sa lokal na populasyon. Sa batayang iyan, ang ilang iglesiang may sampung tao ay higit na matagumpay kaysa sa ibang iglesiang may sampung libo. Ang isang iglesiang may sampung miyembro sa isang baryo ng limampung tao ay higit na matagumpay kaysa sa isang iglesiang may sampung libo sa isang lunsod ng limang milyon. (Bagama’t ang sampung-taong pastor ay hindi kailanman hihilinging magsalita tungkol sa pagpapalago ng iglesia sa isang kumbensiyon.)
Pangalawang Salik na Naglilimita sa Paglago ng iglesia (A Second Limiting Factor to Church Growth)
Pangalawa, ang paglago ng iglesia ay nililimita ng antas ng pagkapuno ng lahat mga iglesia sa isang rehiyon ng mga taong bukas ang isip. Sa isang panahon, mayroon lamang bilang ng tao sa isang lugar na bukas ang isip sa Magandang Balita. Kapag naabot na ang lahat sa kanila, walang iglesia ang lalago, maliban kung ang ilan sa nakuha nang mga tao ay lilipat sa ibang iglesia (na siyang dahilan ng paglago ng malalaking iglesia—sa pagkatalo ng ibang iglesia sa kanilang rehiyon). Siyempre, bawa’t napapanahong Cristiano ay hindi bukas ang isip sa Magandang Balita sa isang
pagkakataon, nguni’t bumukas ang isip sa ilalim ng impluwensiya ng Espiritu Santo. Kaya, maaaring bubukas din ang isip ng mga taong sa kasalukuyan ay sarado ang isip. Kapag nangyari ito, lalago ang mga iglesia. Ang siyang itinuturing nating “revival” ay nangyayari kapag maraming sarado ay biglang bubukas. Nguni’t huwag nating kalimutan na ang isang taong bumubukas ay revival din, bagama’t sa higit na maliit na timbangan. Bawa’t malaking revival ay nagsisimula sa isa lamang taong nagbubukas. Kaya pastor, huwag mong tuyain ang araw ng maliliit na simula.
Ipinadala ni Jesus ang kanyang mga alagad upang ituro ang Magandang Balita sa mga lunsod na alam Niyang bukas ang isip, kung saan ni isang tao ay magsisi (tingnan ang Lu. 9:5). Subali’t ipinadala pa rin Niya sila upang ipamahagi ang Magandang Balita doon. Nabigo ba ang mga alagad? Hindi, kahit na walang nagbagong-loob (at walang paglago ng iglesia) sila ay nagtagumpay, dahil sinunod nila si Jesus.
Gayundin, ipinapadala pa rin ni Jesus ang mga pastor sa mga nayon, lunsod at lugar na alam Niyang maliit lamang na bahagdan ng mga tao ay magiging bukas ang isip sa Magandang Balita. Ang mga pastor na iyon na matapat naglilingkod sa kanilang maliliit na kongregasyon ay matagumpay sa mata ng Diyos, kahit bigo sa mata ng ilang eksperto sa paglago ng iglesia.
Lahat ng pastor sa lahat ng dako ay dapat ding hikayatin ng katotohanang, dahil sa dakilang habag ng Diyos, at bilang sagot sa panalangin ng Kanyang mga tao, gumagawa Siya ng paraan upang tulungan ang mga sarado upang ibukas ang isip. Sinusubukan Niyang impluwensiyahan ang mga di-ligtas sa pamamagitan ng kanilang konsensiya, ang Kanyang Likha, ang mga pangyayari, ang Kanyang paghuhukom sa lupa, ang buhay na patotoo ng Kanyang iglesia, at ang paghahatol ng Espiritu Santo. Kaya pastor, lakasan mo ang iyong loob. Manatiling sumusunod, nagdarasal at nagsesermon. Bago ang malakihang revival, una ay nangangailangan ng isang revival. Manatiling nangangarap!
Pangatlong Nakalilimitang Salik sa Paglago ng iglesia (A Third Limiting Factor to Church Growth)
Ang pangatlong salik na naglilimita sa paglago ng mga indibidwal na iglesia ay ang kakayahan ng pastor. Karamihan sa mga pastor ay walang kakayahan upang pangasiwaan ang isang malaking kongregasyon, at hindi nila ito kasalanan. Talaga lamang hindi sila nabiyayaan ng kakayahang mag-organisa, mamahala o magsermon/magkaroon ng mga kakayahan sa pagsermon, mga kinakailangang ituro sa pagiging malaking kongregasyon. Malinaw na ang mga naturang pastor ay hindi natawag ng Diyos upang magpastor sa malalaking kongregasyon, at mali sila kung susubukan nilang magpastor sa higit na malaki kaysa sa karaniwang iglesiang institusyunal o tahanang iglesia.
Kamakailan ay nabasa ko ang isang popular na libro tungkol sa paksa ng pagiging pinuno na sinulat ng pinunong pastor ng isa sa pinakamalalaking iglesia sa Amerika. Habang binabasa ko ang mga pahinang pinuno niya ng kanyang mayamang pagpapayo para sa modernong mga pastor, ang pangunahing naisip ko ay ito: “Hindi niya sinasabi sa atin kung paano maging pastor—sinasabi niya sa atin kung paano maging opisyal na ehekutibo sa isang malaking korporasyon.” At walang ibang pagpipilian ang pinunong pastor ng Amerikanong mega- iglesia. Kailangan niya ng malaking tauhan ng mga katulong, at ang pamamahala ng mga tauhan ay isang ganap na trabaho. Ang sumulat ng librong binabasa ko ay may sapat na kakayahan upang maging pinunong opisyal ehekutibo sa isang malaking sekular na korporasyon. (Totoo, sa kanyang libro ay lagi niyang binabanggit ang mga tanyag na consultant ng pamamahala ng negosyo, at ginagamit ang kanilang payo sa tagabasa niyang mga pastor.) nguni’t marami, kundi man karamihan ng kanyang mambabasa, ay walang kakayahang mamuno o mamahala gaya niya.
Sa parehong aklat, matapat na ikinuwento ng sumulat kung paano, sa maraming pagkakataon habang itinatayo ang kanyang malaking kongregasyon, siya’y nagkamit ng halos-nakamamatay na mga pagkakamali, pagkakamaling ang kapalit ay maaaring ang kanyang pamilya o ang kanyang kinabukasan sa ministeryo. Sa pagpapala ng Diyos, nakaligtas siya. Bagama’t ang kanyang mga karanasan ay nagpaalala sa akin ng maraming pagkakataong ang ilang pastor na institusyunal, na nagsikap ng parehong tagumpay, ay gumawa ng parehong pagkakamali at lubos na nasira. Ang ilan, na lubusang tumututok sa kanilang mga iglesia, ay nakawala ng mga anak, o nasira ang samahan sa kanilang asawa. Ang iba ay nawalan ng katinuan o malubhang pagkapabiblia sa ministeryo.Ang iba ay naging lubhang dis-ilusyunado na sa wakas ay iniwang lubusan ang ministeryo. Maraming nakaligtas, nguni’t iyanlamang ang maaaring banggitin. Nagpapatuloy silang mamuhay sa tahimik na kawalan ng pag-asa, nagtataka kung karapat-dapat ba ang sakripisyo nilang higit-sa-makataong-kakayahan.
Habang binabasa ko ang naturang libro, panay na nasusugan sa aking isip ang karunungan ng sinaunang iglesia, kung saan walang anumang kagaya ng iglesiang institusyunal, at walang pastor ang responsable sa kawan na mas malaki sa dalawampu’t lima o higit pang mga tao. Gaya ng sinabi ko sa nakaraang kabanata, maraming mga pastor na nagpapalagay sa kanilang mga kongregasyon na lubhang maliit ay dapat tingnan ang kanilang kongregasyon sa liwanag ng Banal na Kasulatan. Kung mayroon silang limampung tao, maaaring sobrang malaki na ang kanilang mga iglesia. Kapag may pamunuang may kakayahan dito, maaari nilang taimtim na isipin ang paghahati sa tatlong tahanang iglesia at ibenta ang kanilang gusali, na may layuning lumikha ng mga alagad at itayo ang kaharian ng Diyos sa Kanyang paraan.
Kung nagmumukhang masyadong radikal, maaari nilang umpisahan sa pag-alagad ng mga susunod na pinuno, o kung mayroon na silang maliliit na grupo, pakawalan ang iba upang maging malayang tahanang iglesia at tingnan kung ano ang mangyayari.
Iba Pang Paraan ng Modernong Pagpapalago ng iglesia (Other Modern Church-Growth Techniques)
Mayroon pang ibang isinusulong ngayon bilang mahalagang paraan para sa paglago ng iglesia bukod sa modelong sensitibo-sa-naghahanap. Marami sa mga paraang ito ay hindi biblikal nakahanay sa kategoryang “espiritwal na paghahamok.” Ipinapatalastas sila sa pangalang “pagpapabagsak ng mga muog,” “pakikihamok na panalangin,” at “espiritual na pagmamapa.”
Titingnan natin ang ilan sa mga ito sa susunod na kabanata tungkol sa labanang espiritwal. Nguni’t sa madaling sabi, maaari tayong magtaka kung bakit ang mga paraang ito na talagang hindi kilala ng mga apostol ay maituturing na mahalaga sa paglago ng iglesia ngayon.
Marami sa mga bagong paraan ng paglago ng iglesia ay resulta ng mga karanasan ng ilang pastor na nagsasabing, “ginawa ko ito at iyan at lumago ang aking iglesia. Kaya kung gagawin mo rin, lalago rin ang iyong iglesia.” Subali’t ang totoo niyan, walang tunay na koneksiyon ang paglago ng kanilang iglesia sa mga naiibang bagay na ginawa nila, kahit inisip nilang mayroon. Laging napapatotohanan ito kapag sa pagtuturo, ginagawa ang mga parehong paraan, at hindi kailanman lumalago ang kanilang mga iglesia.
Ang isang pastor ng paglago-ng- iglesia ay maaaring marinig na magsabing, “Kapag nagsimula tayong magsisigaw sa mga demonyo sa ating lunsod, sasambulat ang revival sa ating iglesia Kaya kailangan mong magsisisigaw sa mga demonyo kung gusto mong dumating ang revival sa iyong iglesia.”
Nguni’t bakit nagkaroon ng napakaraming magagandang revival sa buong mundo sa nakaraang 2,000 taon ng kasaysayan ng iglesia nang walang nagsisisigaw sa mga demonyo ng lunsod? Ipinakikita nito na, kahit inisip ng pastor na iyon na ang revival ay resulta ng pagsisisigaw sa mga demonyo, nagkakamali siya. Maaari pang, ang mga tao sa kanyang lunsod ay nagsimulang maging bukas ang isip bilang resulta ng nagkakaisang panalangin ng iglesia, at ang pastor na iyan ay nagkataong naroon at nagtuturo ng Magandang Balita nang bumukas sila. Kadalasan, ang paglago-ng- iglesia ay resulta ng pagiging nandoon sa tamang lugar sa tamang panahon. (At tinutulungan tayo ng Espiritu Santo upang pumaroon sa tamang lugar sa tamang panahon.)
Kung ang pagsisigaw sa mga demonyo sa mga lunsod ay nagdala ng revival sa iglesia ng isang pastor, bakit, pagkaraan ng ilang panahon, bumagal ang revival at nawala, na laging nangyayari? Kung ang pagsisigawsa demonyo ay ang susi, sana ay kung hindi tayo hihinto sa kasisigaw sa mga demonyo, lahat sa lunsod ay lalapit kay Cristo. Nguni’t hindi.
Ang katotohanan ay malinaw kapag pinag-isipan lang natin. Ang tanging biblikal na paraan ng pagpapalago ng iglesia ay panalangin, sermon, pagtuturo, paglikha-ng-alagad, ang tulong ng Espiritu Santo, at iba pa. At kahit ang mga biblikal na paraang iyon ay hindi nangangako ng paglago ng iglesia, dahil ginawa ng Diyos ang mga tao bilang malayang ahente ng magandang asal. Mapipili nilang magsisi o hindi magsisi. Masasabing kahit si Jesus ay nabigo sa pagpapalago ng iglesia sa ilang panahon nang hindi nagsisi ang mga dinalaw niyang mga lunsod.
Lahat nang ito ay nagsasabing kailangan lamang nating gawin ang biblikal na paraan sa pagpapalago ng iglesia. Lahat ng iba pa ay pagsasayang ng panahon. Sila ay gawaing gumagamit ng kahoy, dayami, at damo na isang araw ay masusunog sa apoy at hindi magagantimpalaan (tingnan ang 1 Cor. 3:12-15).
Bilang pangwakas, ang layunin ay hindi lamang dapat na paglago sa bilang, kundi paglikha ng mga alagad. Kung lalago ang iglesia habang lumilikha tayo ng alagad, purihin ang Diyos!
[1] Ito ang pangunahing dahilan ngayon kung bakit napakarami nating Ebangheliko, guro, propeta at kahit apostoles na nagpapastor sa mga simbahan. Marami sa mga ministeryong ibinigay-ng-Diyos ay hindi nabibigyan ng karampatang lugar o anumang lugar sa istruktura ng institusyunal na simbahan, kaya ang mga ministrong hindi-pastoral ay nagpapastor sa mga simbahan, ninanakawan ang simbahan o higit na pagpapala sa katawan ng mananampalataya sa ilalim ng istrukturang biblikal. Parang nanunumbalik ang lahat sa pagpapatayo ng sariling kaharian sa porma ng simbahang institusyunal, na di alintana ang kanilang tunay na tawag. Dahil ipinagpapalagay na may karapatan ang mga pastor sa ikapu ng“kanilang mga tao,” karamihan diyan ay napupunta sa pagtatayo at pagmementena ng mga gusali, mga ministrong di-pastoral ay nagpapasyang magpastor sa mga simbahan upang makakuha ng suportang pinansiyal para sa mga ministeryong tunay silang tinatawag.
[2] Tandaan na ang mga pangangailangang inisa-isa ni Jesus upang maging tunay Niyang alagad sa Lucas 14:26-33 ay hindi sinasabi sa mga taong mananampalataya na, na parang iniaalay Niya sa kanila ang pangalawang hakbang sa paglalakbay na espiritwal. Bagkus, nakikipag-usap siya sa karamihan. Ang pagiging alagad Niya ay siyang tanging unang hakbang na inialay ni Jesus, na hindi bumababa sa hakbang ng kaligtasan. Ito ay tumatayong taliwas sa itinuturo sa maraming simbahang sensitibo-sa-naghahanap.