Dahil sa pagnanais na ito ng paglikha ng mga alagad, at pagtuturo sa kanila ng lahat ng iniutos ni Cristo, ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay lubhang interesado sa Sermon sa Bundok ni Jesus. Wala nang nakatalang hahaba pang sermon ni Jesus, at puno ito ng Kanyang mga utos. Nanaisin ng ministrong tagalikha-ng-alagad ang sumunod at gayundin turuan ang kanyang mga alagad ng lahat ng itinuro Niya sa sermong iyon.
Dahil dito, ibabahagi ko ang aking pagkakaintindi sa sermon na nasa kabanata 5-7 ng Mateo. Hinihikayat ko ang mga ministrotro upang ituro sa kanilang mga alagad ang Sermon sa Bundok kada berso. Umaasa akong ang aking isinulat ay makakatulong sa adhikang ito.
Narito ang balangkas ng Sermon sa Bundok, upang bigyan tayo ng pangkalahatang kabuuan at pahalagahan ang mga pangunahing tema.
I.) Tinitipon ni Jesus ang Kanyang tagapakinig (5:1-2)
II.) Introduksiyon (5:3-20)
A.) Ang mga katangian at pagpapalala ng mga pinagpala (5:3-12)
B.) Pagpapayo upang ipagpatuloy ang pagiging asin at ilaw (5:1-16)
C.) Ang ugnayan ng Utos at mga tagasunod ni Cristo (5:17-20)
III.) Ang Sermon: Maging higit na mabuti kaysa mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (5:21-7:12)
A). Mahalin ang isa’t isa, huwag gumaya sa mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (5:21-26)
B.) Maging kapuri-puri sa inyong sekswalidad, hindi katulad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (5:27-32)
C.) Maging tapat, di gaya ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (5:33-37)
D.) Huwag maghiganti, tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (5:38-42)
E.) Huwag kasuklaman ang inyong mga kaaway, tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (5:43-48)
F.) Magpakabuti dahil sa tamang motibo, di tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (6:1-18)
1.) Magbigay sa mga mahihirap nang may tamang motibo (6:2-4)
2.) Manalangin nang may tamang motibo (6:5-6)
3.) Isang paglihis tungkol sa panalangin at kapatawaran (6:7-15)
a.) Mga aral tungkol sa panalangin (6:7-13)
b.) Ang pangangailangan ng pagpapatawad sa isa’t isa (6:8-15)
4.) Pag-aayuno nang may tamang motibo (6:16-18)
G.) Huwag paglingkuran ang salapi, tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (6:19-34)
H.) Huwag humanap ng mga maliliit na kamalian ng iyong kapatiran (7:1-5)
I.) Huwag magsayang ng oras sa pamamahagi ng katotohanan sa ayaw makinig (7:6)
J.) Panghikayat upang manalangin (7:7-11)
IV.) Konklusyon: Isang Buod ng Sermon
A.) Isang pahayag na nagbubuod (7:12)
B.) Isang pagpapayo upang sumunod (7:13-14)
C.) Paano kilalanin ang mga huwad na propeta at huwad na mananampalataya (7:15-23)
D.) Isang pinal na babala laban sa di-pagsunod at isang buod (7:24-27)
Tinitipon ni Jesus ang Kanyang tagapakinig (Jesus Gathers His Audience)
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat Siya sa bundok. Pagkaupo Niya lumapit ang Kanyang mga alagad at sila’y tinuruan Niya (Mt. 5:1-2).
Mukhang sinadya ni Jesus na liitan ang Kanyang tagapakinig sa paglayo sa “napakaraming tao” at umakyat sa bundok. Sinabi sa atin na “Lumapit ang Kanyang mga alagad,” na parang sinasabing iyon lamang gutom na makinig sa Kanya ang nakahandang magpakapagod sa pag-akyat ng bundok na sa wakas ay pinagpahingahan Niya. Kitang-kitang may kaunti; tinatawag silang “napakarami” sa 7:28.
At inumpisahan na ni Jesus ang Kanyang sermon, nakikipag-usap sa Kanyang mga alagad, at mula umpisa mahihinuha natin ang pangkalahatang tema. Sinasabi Niya sa kanila na sila ay pinagpala kung nasa kanila ang tanging katangian, dahil ang mga katangiang iyon ay inaangkin ng mga papuntang-langit. Iyan ang magiging pangkalahatang tema sa sermon—Iyon lamang mga banal ang magmamana sa Kaharian ng Diyos. Ang Mga Mapapalad na itinuturing, na matatagpuan sa 5:3-12, ay hitik sa temang ito.
Inisa-isa ni Jesus ang ilang iba-ibang katangiang nagbubukod sa mga pinagpalang tao, ipinangako Niya ang ilang ispesipikong pagpapala sa kanila. Ipinapalagay ng mga karaniwang mambabasa na bawa’t Cristiano ay matatagpuan ang sarili sa isa sa mga ito, at isa lang, na Mapalad. Nguni’t napagtatanto ng mga maiingat na mambabasa na hindi nililista ni Jesus ang iba-ibang uri ng mananampalataya na makakatanggap ng iba-ibang pagpapala, kundi lahat ng tunay na mananampalataya ay tatanggap ng isang susunod na pagpapalang sumasakop-sa-lahat: pagmamana sa kaharian ng langit. Wala nang higit na matalinong paraan upang bigyang-kahulugan ang Kanyang mga salita:
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagka’t mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagka’t aaliwin sila ng Diyos.
Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagka’t mamanahin nila ang daigdig. Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagka’t sila’y bubusugin.
Mapalad ang mga mahabagin, sapagka’t kahahabagan sila ng Diyos.
Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagka’t makikita nila ang Diyos. Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagka’t sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.
Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagka’t mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan nang dahil sa Akin. Magsaya kayo at magalak sapagka’t malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo (Mt. 5:3-12).
Ang Mga Pagpapala at Mga Katangian (The Blessings and Character Traits)
Una, titingnan natin ang lahat ng mga ipinangakong pagpapala. Sinabi ni Jesus na ang mga mapalad ay (1) magmamana sa kaharian ng langit, (2) tatanggap ng aliw, (3) magmamana sa daigdig, (4) mabubusog, (5) tatanggap ng habag, (6) makakakita sa Diyos, (7) maituturing na mga anak ng Diyos, at (8) magmamana sa kaharian ng langit (pag-uulit sa #1).
Kagustuhan ba ng Diyos na isipin nating iyon lamang walang inaasahan at inuusig dahil sa katuwiran ang magmamana ng kaharian ng Diyos? Iyon lamang bang may mapalad na puso ang makakakita sa Diyos at iyon lamang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan ang matatawag na anak ng Diyos, samantalang wala sa kanila ang magmamana sa kaharian ng Diyos? Hindi ba makakatanggap ng kahabagan ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan at hindi ba matatawag na anak ng Diyos ang mga may habag? Malinaw na maling kongklusyon ang lahat nang ito. Kung gayon, tama lang na ipagpalagay na ang maraming pagpapalang ipinangako ay ang kabuuang pagpapala ng isang malaking pagpapala—ang pagmamana ng kaharian ng Diyos.
Ngayon ay titingnan natin ang iba-ibang katangiang inilarawan ni Jesus: (1) kababaang-loob, (2) pagdadalamhati, (3) mapagkumbaba (4) pagkagutom sa katuwiran, (5) kahabagan, (6) mapalad na puso, (7) paggawa ng paraan para sa kapayapaan, at (8) inuusig.
Nais ba ni Jesus na isipin natin na ang isang tao ay maaaring maging mapalad sa puso nguni’t hindi mahabagin? Ang isang tao ba’y maaaring usigin para sa katuwiran nguni’t hindi siya nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran? Muli, malinaw na hindi. Ang maraming katangian ng mapalad ay ang malaking pagpapalang maaaring pinagbabahaginan ng lahat ng mapalad.
Malinaw na ang Mapalad ay naglalarawan ng mga katangian ng tunay na tagasunod ni Jesus. Sa pag-iisa-isa ng mga katangiang iyon sa Kanyang mga alagad, tiniyak ni Jesus sa kanila na sila ay mapalad na taong nailigtas at isang araw ay mapapasa-kanila ang langit. Sa kasalukuyan ay maaaring hindi nila nararamdaman ang pagiging mapalad dahil sa kanilang mga pagdurusa, at ang mundong nakatingin ay hindi sila itinuturing na mapalad, nguni’t sa paningin ng Diyos ay mapalad sila.
Ang mga taong hindi umaayon sa paglalarawan ni Jesus ay hindi pinagpala at hindi magmamana sa kaharian ng langit. Bawa’t pastor na tagalikha-ng-alagad ay nakakaramdam ng obligasyon upang tiyaking lahat ng tao sa kanyang kawan ay nakakaalam niyan.
Ang Mga Katangian ng mga Pinagpala (Ang Character Traits of ang Blessed)
Ang walong katangian ng mga pinagpala ay isasailalim sa ilang pagpapakahulugan. Halimbawa, ano ang mabuti sa “walang inaasahan”? Naiisip ko na inilalarawan ni Jesus ang kauna-unahang katangiang kailangan ng isang tao kung nais niyang maligtas—kailangan niyang mapagtanto ang sarili niyang espiritwual na kahirapan. Kailangan ng isang tao na makita ang kanyang pangangailangan ng isang Tagapagligtas upang siya ay maligtas, ay naroon ang ganoong uri ng tao sa tagapakinig ni Jesus na nakapagtanto ng kanilang sariling kahirapan. Lubhang pinagpala sila kumpara sa mga mapagmataas sa Israel na lubhang bulag sa kanilang mga kasalanan!
Inaalay ng unang katangian ang lahat ng pagka-makasarili at anumang kaisipan tungkol sa pagiging karapat-dapat sa kaligtasan. Ang tunay na taong pinagpala ay ang taong napagtatanto na wala siyang anumang maiaalay sa Diyos at ang kanyang sariling katuwiran ay tulad ng “maruruming basahan” (Aya. 64:6, KJV).
Ayaw ni Jesus na isipin ninuman na sa kanyang sariling pagssiikap lamang ay magkakaroon siya ng mga katangian ng isang pinagpala. Hindi, ang mga tao ay pinagpala, ibig sabihin, pinagpala ng Diyos kung nasa kanila ang mga katangian ng mga pinagpala. Nagmumula lahat ito sa pagpapala ng Diyos. Ang mga pinagpalang tinutukoy ni Jesus ay pinagpala, hindi lamang dahil sa naghihintay sa kanila sa langit, kundi dahil sa ginawa ng Diyos sa kanilang buhay sa daigdig. Kapag nakikita ko ang mga katangian ng mga pinagpala sa aking buhay, dapat nitong ipaalala sa akin hindi ng nagawa ko, kundi kung ano ang nagawa ng Diyos sa akin sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala.
Ang mga Nagdadalamhati (The Mournful)
Kung ang unang katangian ay naunang naitala dahil ito ang kauna-unahang katangiang kailangan ng patungong-langit, marahil ang pangalawang katangian ay makahulugang naitala: “Mapalad ang mga nagdadalamhati” (Mt. 5:4). Inilalarawan kaya ni Jesus ang matinding pagsisisi? Iyan ang aking palagay, lalo na dahil malinaw sa Biblia na ang makadiyos na dalamhati ay nagreresulta sa isang pagsisisisng kailangan para sa kaligtasan (tingnan ang 2 Cor. 7:10). Ang malungkot na maniningil ng buwis na minsan ay tinukoy ni Jesus ay isang halimbawa ng ganitong uri ng pinagpalang tao. Mababang-loob niyang iniyuko ang kanyang ulo sa Templo, pinapalo ang kanyang dibdib at humihingi ng habag ng Diyos. Hindi tulad ng katabing Pariseo na habang nagdarasal, mapagmataas na ipinaaalala sa Diyos na nagbibigay siya ng ikapu at nag-aayuno dalawang beses isang linggo, ang maniningil ng buwis ay umalis sa lugar na iyon na napatawad sa kanyang mga kasalanan. Sa kuwentong iyon, pinagpala ang maniningil ng buwis; hindi pinagpala ang Pariseo (tingnan ang Lu. 18:9-14). Marahil ay mayroong mga tao sa tagapakinig ni Jesus na, sa ilalim ng Espiritu Santo, ay nagdadalamhati. Malapit nang mapasa-kanila ang pag-aliw ng Espiritu Santo!
Kung hindi tinutukoy ni Jesus ang nauunang dalamhati ng nagsisising taong bago pa lang lumalapit kay Cristo, marahil ay inilalarawan Niya ang dalamhating nararamdaman ng lahat ng tunay na mananampalataya habang laging hinaharap ang isang mundong sumusuway sa Diyos na nagmamahal sa kanila. Inihayag ito ni Pablo na “ matinding kalungkutan at di mapawing pagdaramdam ng [kanyang] puso (Ro. 9:2).
Ang Mahinahon (The Gentle)
Ang pangatlong katangian, ang pagkamahinahon, ay nakatala rin sa Biblia bilang isa sa mga bunga ng Espiritu (tingnan ang Gal. 5:22-23). Ang pagkamahinahon ay katangiang hindi galing sa sarili. Ang mga nakatanggap ng pagpapala ng Diyos at ang pananahan ng Espiritu Santo ay pinagpala rin upang maging mahinahon. Isang araw ay mamanahin nila ang daigdig, dahil ang mga matuwid lamang ang mananahan sa bagong daigdig na lilikhain ng Diyos. Ang mga Cristiano sa pangalan lamang na magagaspang at bayolente ay dapat mag-ingat. Hindi sila kabilang sa mga pinagpala.
Pagkagutom sa Katuwiran (Hungering for Righteousness)
Ang pang-apat na katangian, ang pagkagutom at pagkauhaw sa katuwiran, ay naglalarawan sa ipinagkaloob-ng-Diyos na panloob na pananabik ng lahat ng tunay na naipanganak-muling tao. Nagdadalamhati Siya sa lahat hindi matuwid sa mundo at sa naiiwan sa Kanya. Kinasusuklaman Niya ang kasalanan (tingnan ang Awit 97:10; 119:128, 163) at minamahal ang katuwiran.
Kadalasan, kapag nababasa natin ang katuwiran sa Biblia, agad nating isinasalin, “ang ligal na katayuan ng katuwiran na ipinataw sa atin ni Cristo, nguni’t hindi iyan ang laging ibig sabihin ng salita. Kadalasan ang ibig nitong sabihin ay, “ang kalidad ng matuwid na pamumuhay sa pamantayan ng Diyos.” Iyan ang malinaw na kahulugang nais ni Jesus dito, dahil walang dahilan ang isang Cristiano upang maghangad ng mayroon na sa kanya. Ang mga naipanganak sa Espiritu ay naghahangad na mamuhay nang matuwid, at may katiyakan sila na “mabubusog” (Mt. 5:6), tiyak na ang Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala, ay ganap na gagawin ang sinimulan Niya sa kanila (tingnan ang Fil. 1:6).
Nakikini-kinita rin ng mga salita dito ni Jesus ang panahon ng bagong daigdig, isang daigdig “na pinaghaharian ng katuwiran” (2 Ped. 3:13). At mawawala na ang kasalanan. Lahat ay magmamahal sa Diyos nang buong puso at mamahalin ang kapwa gaya ng kanyang sarili. Tayong nagugutom at nauuhaw ngayon para sa katuwiran ay mabubusog. Sa katapusan ang ating taimtim na dalangin ay masasagot, “Sundin nawa ang Iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit” (Mt. 6:10).
Ang Mahabagin (The Merciful)
Ang panlimang katangian, kahabagan, ay isa ring likas na taglay ng bawa’t taong naipanganak-muli dahil sa pananahan ng mahabaging Diyos sa kanya. Ang mga hindi nagtataglay ng habag ay hindi pinagpala ng Diyos at ibinubunyag na hindi sila tagatanggap ng Kanyang pagpapala. Sumasang-ayon ang apostol na si Santiago: “Walang awa na hahatulan ng Diyos ang di-marunong maawa” (San. 2:13). Kung ang isang tao ay haharap sa Diyos at tatanggap ng walang awang hatol, palagay mo ba pupunta siya sa langit o sa impiyerno? Maliwanag ang sagot.
Minsan ay nagkuwento si Jesus tungkol sa isang alipin na tumanggap ng malaking awa sa kanyang amo, nguni’t hindi naman nagbigay na awa sa kapwa alipin nya. Nang malaman ng kanyang amo ang nangyari, “siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang” (Mt.18:34). Pinabayaran ang lahat ng kanyang utang na napatawad na. Kaya binalaan ni Jesus ang kanyang mga alagad, “Gayundin ang gagawin sa inyo ng Aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid” (Mt. 18:35). Kaya ang hindi pagpapatawad ng kapatid na humihingi ng tawad ay nagreresulta sa pagbabalik ng napatawad nang kasalanan natin. Magiging sanhi iyan ng pagpapaubaya sa atin sa ating mga pinagkakautangan hangga’t di tayo nakakabayad ng utang na hindi natin kayang bayaran. Hindi nagmumukhang langit iyan sa akin. Muli, ang mga taong hindi naaawa ay hindi tatanggap ng awa mula sa Diyos. Hindi sila kasama sa mga pinagpala.
Ang mga Malinis ang Puso (The Pure in Heart)
Ang ikaanim na katangian ng patungong-langit ay kalinisan ng puso. Hindi tulad ng maraming Cristiano sa pangalan, ang mga tapat na tagasunod ni Cristo ay hindi lamang banal sa panlabas na anyo. Dahil sa pagpapala ng Diyos, nalinisan ang kanilang mga puso. Talagang mahal nila ang Diyos mula sa puso, at naaapektuhan ang kanilang mga dalangin at motibo. Ipinangako ni Jesus na makikita nila ang Diyos.
Muli, tatanungin ko, mapaniniwalaan ba natin na may mga tunay na mananampalatayang Cristiano na hindi malinis ang puso at kung gayon ay hindi makikita ang Diyos?Sasabihin ba ng Diyos sa kanila, “Makakapunta ka sa langit, nguni’t kailanman ay hindi mo Ako makikita”? Hindi, malinaw na bawa’t tunay na patungong-langit na tao ay may malinis na puso.
Mga Gumagawa ng Paraan para sa Kapayapaan (The Peacemakers)
Ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan ay susunod na nakatala. Matatawag silang anak ng Diyos. Muli, maaaring inilalarawan ni Jesus ang bawa’t tunay na tagasunod ni Cristo, dahil lahat ng naniniwala kay Cristo ay anak ng Diyos (tingnan ang Gal. 3:26).
Ang mga ipinanganak sa Espiritu ay gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sa tatlong paraan:
Una, tinanggap na sila ng Diyos, siya na dati nilang kaaway (tingnan ang Ro. 5:10). Pangalawa, namumuhay sila sa kapayapaan, hangga’t kaya nila, kasama ng ibang tao. Hindi sila namumuhay sa kaguluhan. Isinulat ni Pablo na ang mga namumuhay sa kaguluhan, pagseselos, galit, alitan, awayan at pagbubukod ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (tingnan ang Gal. 5:19-21). Ang mga tunay na mananampalataya ay higit na mag-iingat upang hindi makipaglaban at maging payapa ang kanilang mga ugnayan. Hindi nila inihahayag na tinatanggap sila ng Diyos samantalang hindi nagmamahal sa kanilang kapatid (tingnan ang Mt. 5:23-24; 1 Jn. 4:20).
Pangatlo, sa pagbabahagi ng Magandang Balita, ang mga tunay na tagasunod ni Cristo ay tumutulong din sa iba upang tanggapin sila ng Diyos at ng kapwa nila. Marahil, tinutukoy din ni Santiago ang bersong ito sa Sermon sa Bundok, isinulat ni Santiago, “Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan” (San. 3:18).
Ang Inuusig (The Persecuted)
Sa katapusan, tinawag ni Jesus na pinagpala ang mga inuusig dahil sa katuwiran. Malinaw na tinutukoy Niya ang mga taong namumuhay na matuwid, hindi lang ang mga nag-aakala na ang katuwiran ni Cristo ay ipinataw sa kanila. Ang mga taong sumusunod sa mga utos ni Cristo ang inuusig ng mga di-naniniwala. Mamanahin nila ang kaharian ng Diyos.
Anong uri ng pang-uusig ang tinutukoy ni Jesus? Matinding pagpapahirap? Pagkamartir? Hindi, ispesipikong itinala Niya ang pang-iinsulto dahil sa Kanya. Ipinakikita muli nito na kapag ang isang tao’y tunay na Cristiano, maliwanag ito sa mga di nananampalataya, kung hindi, hindi siya pagsasalitaan ng masama. Ilang tinatawag na Cristiano ang hindi maibubukod sa mga di nananampalataya na walang ni isang di nananampalataya ang nagsasalita laban sa kanya? Hindi sila talagang totoong Cristiano. Tulad ng sinabi ni Jesus , “Kahabag-habag kayo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagka’t gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.” (Lu. 6:26). Kapag pinupuri kayo ng lahat ng tao, iyan ay tanda na huwad kayong mananampalataya. Kinasusuklaman ng mundo ang mga tunay na Cristiano (tingnan din ang Jn.15:18-21; Gal. 4:29; 2 Tim. 3:12; 1 Jn. 3:13-14).
Asin at Ilaw (Salt and Light)
Pagtiyak ni Jesus sa Kanyang mga masunuring alagad na sila nga ay kabilang sa mga napagbago at pinagpalang taong nakatalagang magmana sa kaharian ng langit, pinag-ingat Niya sila. Hindi tulad ng maraming modernong ministro na laging nagbibigay-katiyakan sa mga espiritwal na kambing na kailanman ay hindi nila maiwawala ang umano’y taglay nilang kaligtasan, lubhang mahal ni Jesus ang Kanyang tunay na alagad upang bigyan sila ng babala na maaari silang maiwaglit sa hanay ng mga pinagpala.
Kayo ang asin ng sangkatauhan. Nguni’t kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao? Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit. (Mt. 5:13-16)
Pansinin na hindi pinayuhan ni Jesus ang Kanyang mga alagad upang maging asin o maging ilaw. Sinabi Niya (matalinhaga) na sila ay asin na, at pinayuhan Niya sila na manatiling maalat. Sinabi Niya (matalinhaga) na sila ay ilaw na at pinayuhan Niya sila na huwag itatago ang kanilang ilaw, kundi manatiling magliwanag. Lubhang taliwas ito sa maraming sermon na ibinibigay sa mga nagsasabing sila’y Cristiano sa pangangailangan
nilang maging asin at ilaw. Kung hindi pa asin at ilaw ang mga tao, hindi sila alagad ni Cristo. Hindi sila kasama sa mga pinagpala. Hindi sila pupunta sa langit.
Sa panahon ni Jesus, ang asin ay pangunahing ginagamit sa pagpreserba ng mga karne. Bilang masunuring tagasunod ni Cristo, tayo ang nagprepreserba sa makasalanang mundong ito upang hindi tuluyang maging sira at bulok. Kung maging tulad tayo ng mundo sa ating ugali, tunay tayong “walang kabuluhan” (b. 13). Binalaan ni Jesus ang mga pinagpala upang manatiling maalat, pinananatili ang natatanging katangian. Dapat silang manatiling kakaiba sa mundong nakapaligid, kung hindi baka sila’y maging “hindi maalat,” at karapat-dapat na “itapon at tapak-tapakan.” Ito ang isa sa mga malinaw na babala laban sa pagtalikod na nakikita sa Bagong Tipan na nakatalaga sa mga tunay na mananampalataya. Kung ang asin ay tunay na asin, maalat ito. Gayundin, ang mga tagasunod ni Jesus ay kumikilos na parang tagasunod ni Jesus, kung hindi, hindi sila tagasunod ni Jesus, kahit minsan ay naging tagasunod Niya sila.
Ang mga tunay na tagasunod ni Cristo ay ilaw din ng daigdig. Laging nagliliwanag ang ilaw. Kung hindi ito nagliliwanag, hindi ito ilaw. Sa katwirang ito, sinasagisag ng ilaw ang ating mga mabubuting gawa (tingnan ang Mt. 5:16). Hindi pinapayuhan ni Jesus ang mga walang mabubuting gawa upang magsimulang gumawa, kundi ang mga may gawa na huwag itago ang kabutihan sa iba. Sa paggawa nito, pinapupurihan nila ang kanilang Ama sa langit dahil ang Kanyang gawain sa kanila ang pinanggagalingan ng kanilang kabutihan. Makikita natin dito ang magandang balanse ng mapagpalang gawa ng Diyos at pakikipagtulungan natin sa Kanya; kapwa kailangan ang mga ito sa pagiging banal.
Ang Ugnayan ng Kautusan sa mga Tagasunod ni Cristo (The Law’s Relationship to Christ’s Followers)
Ngayon ay mag-uumpisa tayo ng bagong talata (sa NASB). Ito ay seksiyong kinasasalalayan ng malaking kahalagahan, isang introduksiyon sa maraming sasabihin ni Cristo sa natitirang bahagi ng Kanyang sermon.
Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan o mga Propeta. Hindi ako naparito upang alisin kundi tuparin. Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, nguni’t ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi natutupad ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Sinasabi Ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit (Mt. 5:17-20).
Kung binalaan ni Jesus ang Kanyang tagapakinig laban sa pag-iisip na inaalay Niya ang mga Kautusan o mga Propeta, maaari nating ipagpalagay na ilan rin sa mga nakikinig sa Kanya ang nagpalagay nang ganoon. Kung bakit ganoon ang palagay nila, hindi natin alam. Marahil ang mariing galit ni Jesus sa maaayon sa batas na tagapagturo ng Kautusan at Pariseo ang nag-udyok sa ilan upang isiping inaalay Niya ang Kautusan at ang mga Propeta.
Gayumpaman, malinaw na nais ni Jesus na mapagtanto ang kamalian ng ganitong palagay. Siya ang banal na tagabigay-inspirasyon ng buong Lumang Tipan, kaya marapat na hindi Niya aalisin ang lahat nang sinabi Niya sa pamamagitan ni Moises at ng mga Propeta. Sa halip, ang gagawin Niya, sabi Niya, ay tuparin ang Kautusan at mga Propeta.
Paano Niya talaga matutupad ang Kautusan at mga Propeta? Ipinagpapalagay ng ilan na ang tinutukoy ni Jesus na tutuparin ay ang mga prediksyong messianic. Bagama’t talagang tinupad ni Jesus (o tutuparin pa) ang bawa’t prediksyon, hindi iyanang kabuuan ng nasa isip Niya. Malinaw na ang konteksto’y nagpapakita na ang tinutukoy rin Niya ang lahat ng nasusulat sa Kautusan at mga Propeta, hanggang sa “kaliit-liitang letra o guhit” (b. 18) ng Kautusan, at sa “kaliit-liitan” (b. 19) sa mga utos.
Ipinagpapalagay ng ilan na ang sinasabi ni Jesus ay tutuparin Niya ang Kautusan sa pagtupad sa mga pangangailangan para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang masunuring buhay at pagpapakasakit na kamatayan (tingnan ang Ro. 8:4). Nguni’t iyan, na ibinubunyag din ng konteksto, ay hindi ang nasa isip Niya. Sa mga sumusunod na berso, walang binabanggit si Jesus tungkol sa Kanyang buhay o kamatayan bilang batayan ng pagtupad Niya sa Kautusan. Bagkus, sa mismong kasunod na pangungusap, inihayag Niya na mahalaga ang Kautusan hanggang “sa pagkawala ng langit at lupa” at “lahat ay nagawa na,” mga batayang higit na matagal pa kaysa kamatayan Niya sa krus. Pagkatapos ay inihayag Niya na ang mga niloloob ng mga tao tungkol sa Kautusan ay makakaapekto rin sa kanilang kalagayan sa langit (b. 19), at dapat sundin ng mga tao ang Kautusan nang higit pa sa mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kung hindi, di sila makakapasok sa langit (b. 20). Malinaw na maliban sa pagtupad lamang ng mga prediksyong messianic, uri, at anino ng Kautusan, pati rin ang pagtupad sa mga pangangailan ng kautusan para sa atin, iniisip rin ni Jesus ang pagsunod ng Kanyang tagapakinig sa utos ng Kautusan at ang paggawa ng sinasabi ng mga Propeta. Sa isang banda, tutuparin ni Jesus ang Kautusan sa pagbunyag ng totoo at orihinal na pakay dito, buong pagsulong at pagpapaliwanag dito, at pagpuno sa pagkukulang ng pagkakaintindi dito ng Kanyang tagapakinig. [1] Ang salitang Griegong isinalin na tuparin sa berso 17 ay isinalin din sa Bagong Tipan bilang ganap, tapos, punuin, at isagawa. Iyan ang talagang gagawin ni Jesus, na nag-umpisa pagkatapos lamang ng apat na pangungusap.
Hindi, hindi dumating si Jesus upang alisin Kautusan at mga Propeta, kundi upang tuparin ang mga ito, ibig sabihin, “punuin sila.” Kapag itinuturo ko ang bahaging ito ng Sermon sa Bundok, kadalasang ipinakikita ko sa lahat ang isang baso ng tubig na kalahati ang laman upang magsilbing halimbawa ng pahayag ng Diyos sa Kautusan at Mga Propeta. Hindi dumating si Jesus upang alisin ang Kautusan at Mga Propeta (habang sinasabi ko ito, parang itinatapon ko ang basong puno ng kalahating tubig). Bagkus, tutuparin Niya ang Kautusan at Mga Propeta (at dito kukuha ako ng bote ng tubig at pupunuin ko ang baso). Nakatutulong iyan upang maintindihan ng mga tao ang ibig sabihin ni Jesus.
Ang Kahalagahan ng Pagsunod sa Kautusan (The Importance of Keeping ang Law)
Tungkol sa pagsunod sa mga utos na nakikita sa Kautusan at Mga Propeta, mariing ipinakita ni Jesus ang Kanyang punto. Inasahan Niyang sundin ng Kanyang mga alagad ang mga ito. Tunay silang napakahalaga. Katunayan, kung paano nila pahalagahan ang mga ito ang siyang magtatakda ng katayuan nila sa langit: “Kaya’t sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Nguni’t ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit” (5:19).
At dadako tayo sa berso 20: “Kaya [2] sinasabi Ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ninyo sa mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”
Pansinin na ito’y hindi bagong kaisipan, kundi isang pangwakas na pahayag na kaugnay ng mga nakaraang berso sa pamamagitan ng pang-ugnay na kaya. Gaano kahalaga ang pagsunod sa mga utos? Dapat sundin ang mga ito nang higit pa sa mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo upang makapasok sa kaharian ng langit. Muli makikita natin na umaayon si Jesus sa Kanyang tema—Ang mga banal lamang ang magmamana sa kaharian ng langit.
Baka sasalungat siya kay Cristo, ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay hindi magtitiyak ng pagkakaroon ninuman ng kaligtasan na ang katuwiran ay hindi lumampas sa mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo.
Anong Uri ng Katuwiran ang Tinutukoy ni Jesus? (Of What Kind of Righteousness Was Jesus Speaking?)
Nang inihayag ni Jesus na ang ating katuwiran ay kailangang humigit pa sa mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo, tinutukoy ba Niya ang ligal na katayuan ng katuwirang ipinataw sa atin bilang libreng regalo? Hindi, at may magandang dahilan. Una, hindi angkop ang interpretasyon sa konteksto. Bago at pagkatapos ng pahayag na ito (at sa buong Sermon sa Bundok), ang binabanggit ni Jesus ay tungkol sa pagsunod sa mga utos, ibig sabihin, mamuhay nang matuwid. Ang pinakalikas na interpretasyon sa Kanyang mga salita ay ang mamuhay tayo nang higit na matuwid kaysa mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo. At kakatwa namang isipin na ginagamitan ni Jesus ang mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo ng isang pamantayang hindi Niya ginagamit sa sarili Niyang mga alagad. Kalokohan ang pag-iisip na hatulan ni Jesus ang mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo sa paggawa ng kasalanang kapag ginawa ng Kanyang mga alagad ay hindi Niya sila hatulan dahil lamang sa pagdasal nila ng “panalanging nakaliligtas.” [3]
Ang problema natin ay ayaw nating tanggapin ang malinaw na kahulugan ng berso, dahil ang dating sa atin ay ligalismo. Nguni’t ang tunay na problema natin ay hindi natin naiintindihan ang hindi naihihiwalay na ugnayan ng ipinaratang na katuwiran at praktikal na katuwiran. Nguni’t naintindihan iyan ni Apostol Pablo. Isinulat niya: “Mga anak,huwag kayong padaya kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng matuwid ay isang matuwid tulad ni Cristo. (1 Jn. 3:7). Hindi rin natin naiintindihan ang ugnayan ng bagong pagsilang at ang praktikal na katuwiran na naintindihan din ni Juan: “Kung alam ninyong si Cristo’y matuwid, dapat din ninyong malaman na ang bawa’t gumagawa ng matuwid ay anak ng Diyos ” (1 Jn. 2:29).
Idinagdag sana ni Jesus sa Kanyang pahayag sa 5:20, “At kung kayo ay magsisi, at tunay na muling isinilang, at tanggapin sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya ang Aking libreng regalo ng katuwiran, talagang mahihigitan ng inyong praktikal na katuwiran ang sa mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo habang nakikipagtulungan kayo sa kapangyarihan ng Aking Espiritung nananahan sa inyo.”
Kung Paano Maging Higit na Banal Kaysa mga Tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo (How to be Holier than the Scribes and Pharisees)
Ang tanong na likas na maiisip bilang tugon sa pahayag ni Jesus sa 5:20 ay ito: Gaano tunay na katuwid ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo? Ang sagot ay: Hindi gaano.
Sa isa pang pagkakataon, tinukoy sila ni Jesus na “libingang pinaputi , magaganda sa labas, nguni’t ang loob ay bulok at puno ng kalansay” (Mt. 23:27). Ibig sabihin, sa panlabas na anyo ay matuwid sila, nguni’t masasama ang kalooban. Nagtagumpay sila sa pagsunod sa titik ng Kautusan, nguni’t ipinagwalang-balaha ang espiritu nito, kadalasan ay binibigyang-katuwiran ang kanilang sarili sa pagbabaluktot o pati pag-iiba ng mga kautusan ng Diyos.
Itong likas na kakulangan sa mga tagapagturo ng katutusan at mga Pariseo ay, sa katunayan, mahalagang pokus ng natitirang bahagi ni Sermon sa Bundok. Makikita natin na inulit Niya ang ilan sa mga kilalang utos ng Diyos, at pagkatapos ng isang sipi, ibinunyag ang kaibahan ng pagsunod sa titik at espiritu ng bawa’t utos. Sa ganitong paraan, paulit-ulit Niyang ipinakita ang taliwas na turo at pagpapanggap ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo, at ibinunyag Niya ang tunay Niyang inaasahan sa kanyang mga alagad.
Inumpisahan ni Jesus ang bawa’t halimbawa sa mga salitang, “Narinig ninyo.” Nakikipag-usap Siya sa mga taong marahil ay ni hindi nakapagbasa man lang ng Lumang Tipan na binasa ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo sa mga sinagoga. Masasabing ang Kanyang tagapakinig ay namulat sa maling turo sa buong buhay nila, habang pinakinggan nila ang mga baluktot na komentaryo tungkol sa Salita ng Diyos mula sa mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo at nakita nila ang walang kabanalang istilo ng pamumuhay ng mga ito.
Mahalin ang Isa’t Isa, di Tulad ng mga Tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo (Love Each Other, Unlike the Scribes and the Pharisees)
Sa paggamit ng ikaanim na utos bilang reperensya, inumpisahang ituro ni Jesus sa Kanyang mga alagad ang hinihingi ng Diyos sa kanila, habang ibinubunyag Niya ang pagpapanggap ng mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo.
N arinig ninyo ang iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ Nguni’t sinasabi Ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno (Mt. 5:21-22).
Una, pansinin na nagbibigay-babala si Jesus tungkol sa isang bagay na magiging sanhi ng pagpunta sa impiyerno ng isang tao. Iyan ang pangunahing tema Niya—Ang mga banal lamang ang magmamana ng kaharian ng Diyos.
Ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ay nagturo laban sa pagpatay, binabanggit ang ikaanim na utos, malinaw na nagbibigay-babala na ang pagpatay ay magdadala ninuman sa korte.
Nguni’t nais ni Jesus na malaman ng Kanyang mga alagad kung ano ang hindi nalalaman ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo—higit na maraming “maliliit” na kasalanang makapagdadala kaninuman sa korte, ang korte ng Diyos. Dahil napakahalagang magmahalan tayo (ang pinakadakilang utos), kapag nagalit tayo sa kapatid, dapat na nating ituring na nahatulan tayo sa korte ng Diyos. Kapag binigkas natin ang ating galit sa pagsasalita nang masama laban sa Kanya, higit pang malala ang ating kasalanan, at dapat nating ituring ang ating sarili na nahatulan sa pinakamataas na korte ng Diyos. At kung lumampas pa tayo diyan, ibinubuga ang galit sa kapatid, lubhang makasalanan tayo sa harap ng Diyos at kailangang itapon sa impiyerno! Malala na iyan!
Ang ugnayan natin sa Diyos ay nasusukat ng ating ugnayan sa ating mga kapatid. Kung nasusuklam tayo sa kapatid, ibinubunyag niyan na wala sa atin ang buhay na walang hanggan. Isinulat ni Juan,
Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang buhay na walang-hanggan ay wala sa mamamatay-tao (1 Jn. 3:15).
Ang nagsasabing, “Iniibig ko ang Diyos,” subali’t napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? (1 Jn. 4:20).
Napakahalagang tayo’y magmahalan, na siyang iniutos ni Jesus; pagsikapang makipagbati kapag nagkakasakitan tayo (tingnan ang Mt.18:15-17).
Nagpatuloy si Jesus:
Kaya’t kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos (Mt. 5:23-24).
Ibig sabihin nito na kung ang ating ugnayan sa ating kapatid ay hindi tama, hindi rin tama ang ating ugnayan sa Diyos. Nahatulan ang mga Pariseo ng pagpapalaki sa maliliit na bagay at pinaliliit ang mahahalaga, “sinasala ninyo ang kulaisap sa inyong inumin, nguni’t nilulunok naman ninyo ang mga kamelyo” na siyang binanggit ni Jesus (Mt. 23:23-24). Idiniin nila ang kahalagahan ng pag-iikapu at pag-aalay ng handog, nguni’t nakaligtaan ang higit pang mahalaga, ang pangalawang pinakadakilang utos, ang magmahal sa kapwa. Tunay na pagpapanggap ang pagdadala ng handog, upang animo’y magpakita ng pagmamahal sa Diyos, habang sinusuway ang Kanyang pangalawang pinakadakilang utos! Ito ang binibigyang-balala ni Jesus na huwag gawin.
Tungkol pa rin sa kahigpitan ng korte ng Diyos, nagpatuloy si Jesus:
Kung may ibig magsakdal sa iyo, makipag-ayos ka kaagad sa kanya bago makarating sa hukuman ang inyong kaso. Kung hindi ay dadalhin ka niya sa hukom, at ibibigay ka nito sa tanod, at ikukulong ka naman sa bilangguan. Tandaan mo: hindi ka makakalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang piso na dapat mong bayaran (Mt. 5:23-26).
Pinakamagaling ang hindi umabot sa hukuman ng Diyos sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa ating mga kapatid nang may kapayapaan. Kung may galit sa atin ang ating kapatid at tumatanggi tayong makipagkasundo “sa daan patungong korte,” ibig sabihin, sa ating paglalakbay sa buhay upang humarap sa Diyos, talagang pagsisisihan natin. Ang sinabi dito ni Jesus ay tulad ng Kanyang babala sa paggaya sa alilang ayaw magpatawad sa Mateo 18:23-35. Ang alilang napatawad at hindi nagpatawad ay tumanggap muli ng napatawad nang pagkakautang, at ipinaubaya siya sa kanyang pinagkakautangan “hangga’t hindi niya nabayaran ang lahat ng kanyang utang” (Mt. 18:34). Dito nagbibigay-babala din si Jesus sa matinding bunga ng hindi pagmamahal sa ating mga kapatid na siyang inaasahan ng Diyos.
Maging Sekswal na Malinis, di Tulad ng mga Tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo (Be Sexually Pure, Unlike the Scribes and Pharisees)
Ang ikapitong utos ang paksa ng pangalawang halimbawa ni Jesus kung paano sinunod ng mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo ang titik samantalang winalang-bahala ang espiritu ng Utos. Inasahan ni Jesus ang pagiging sekswal na malinis ng Kanyang mga alagad nang higit pa sa mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo.
Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya. Nguni’t sinasabi Ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. Kung ang iyong kanang kamay naman ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa (Mt. 5:27-30).
Pansinin muli na sumusunod si Jesus sa Kanyang pangunahing tema—Ang mga banal lamang ang magmamana sa kaharian ng Diyos. Nagbabala Siyang muli tungkol sa impiyerno at kung ano ang gagawin upang maiwasan ito. Ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ay hindi maipagwalang-bahala ang ikapitong utos, kaya sa panlabas ay sinunod nila ito, at naging tapat sa kanilang mga asawa. Subali’t nagpantasya silang nakikipagtalik sa ibang babae. Sa kanilang isip ay hinuhubaran nila ang mga babae habang pinapanood nila ang mga ito sa palengke. Nangangalunya sila sa kanilang kalooban, at kung gayon ay sinusuway ang espiritu ng ikapitong utos. Ilan sa iglesia ngayon ang hindi naiiba?
Siyempre, intensyon ng Diyos na ang mga tao ay maging malinis sa sekswal na buhay. Malinaw na kung mali ang pakikipagtalik sa asawa ng iyong kapitbahay, mali din ang pag-iisip ng relasyong sekswal kasama siya. Hindi nagdaragdag si Jesus ng higit na mahigpit na utos sa itinakda na ng Utos ni Moises. Ang pangsampung utos ay malinaw na nagtataglay ng pagbabawal laban sa pagnanasa: “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa” (Exo. 20:17).
Nahatulan ba ang sinuman sa mga tagapakinig ni Jesus? Maaari. Ano sana ang kanilang ginawa? Nagsisi sana sila agad na siyang iniutos ni Jesus. Anu’t anuman, ang mga nagnanasa ay dapat huminto sa pagnanasa, dahil ang mga gumagawa nito ay pupunta sa impiyerno.
Siyempre, walang matinong tao ang nagpapalagay na ang mga taong nagnanasa ay literal na dumukot sa kanyang mata o pumutol ng kamay. Simple lamang na ang taong nagnanasa na dumukot ng kanyang mata ay nagiging nagnanasang-iisa-ang mata!
Madamdamin at taimtim na idiniin ni Jesus ang kahalagahan ng pagsunod sa espiritu ng ikapitong utos. Nakadepende dito ang walang-hanggan.
Sa pagsunod sa halimbawa ni Cristo, ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay magpapayo sa kanyang mga alagad upang “putulin” ang anumang nagiging sanhi ng pagkadapa. Kung ito ay cable TV, kailang putulin ang cable. Kung regular na TV, kailang matanggal ang TV. Kung suskrisyon sa isang magasin, kailangang makansela. Kung internet, kailangang putulin. Kung bukas na bintana, kailangan maitarangka. Wala sa mga bagay na ito ang karapat-dapat maging sanhi ng pananatili sa impiyerno, at dahil tunay na mahal ng ministrong tagalikha-ng-alagad ang kanyang kawan, sasabihin niya sa kanila ang katotohanan at balaan sila, tulad ng ginawa ni Jesus.
Isa pang Paraan Upang Mangalunya (Another Way to Commit Adultery)
Ang susunod na halimbawa ni Jesus ay lubhang katulad ng nakita na natin, kaya marahil ay sunod itong binanggit. Dapat itong tingnan bilang pagpapalawig, at hindi bagong paksa. Ang paksa ay, “Isa pang bagay na ginagawa ng mga Pariseo na maituturing na pangangalunya.”
Sinabi rin naman, ‘Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, ito’y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.” Nguni’t sinasabi Ko sa inyo, kapag pinalayas at hiniwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, maliban kung ito’y nangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing pinalayas at hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya” (Mt. 5:31-32).
Narito ang isang halimbawa kung paano binaluktot ng mga tagapagturo ng kautusan at Pariseo ang utos ng Diyos upang pangatwiranan ang makasalanan nilang istilo ng pamumuhay.
Lumikha tayo ng imahinaryong Pariseo sa panahon ni Jesus. Sa kabila ng kalye ay nakatira ang magandang babaing ninanasa niya. Lumalandi siya sa kanya pag nakita ito araw-araw. Mukhang nagugustuhan din siya, kaya ang pagnanasa niya ay tumitindi. Nais niya itong makitang hubad, at lagi niya itong naiisip sa kanyang mga sekswal na pantasya. O, kung mapapasakanya lamang ito!
Nguni’t may problema siya. Siya ay may-asawa, at ipinagbabawal ng kanyang relihiyon ang pangangalunya. Ayaw niyang suwayin ang ikapitong utos (bagama’t sinusuway na niya ito sa bawa’t pagnanasa). Ano ang magagawa niya?
Mayroong solusyon. Kung hiwalay siya sa kanyang asawa, maaari niya itong pakasalan! Nguni’t pinapayagan ba ang paghihiwalay? Ang kapwa Pariseo ay nagsasabing Oo! May pahayag sa Biblia ukol dito. Sinasabi ng Deuteronomio 24:1 ang pagbibigay ng kasulatan sa iyong asawa kapag hiniwalayan mo siya. Ang paghihiwalay ay ligal sa ilang pagkakataon! Nguni’t anu-ano ang mga pagkakataong iyon? Babasahin niya nang masinsinan ang sinabi ng Diyos:
Kung mag-aasawa ang isang lalaki nguni’t dumating ang panahon na ayaw na niya ang babae dahil may natuklasan siya ritong hindi kaaya-aya, at gumawa siya ng kasulatan ng paghihiwalay, ibinigay ito sa babae, at pinalayas ito sa kanyang pamamahay… (Deut. 24:1).
Aha! Maaari niyang hiwalayan ang kanyang asawa kung nakakakita siya ng bagay na hindi disente rito. At nakakita siya! Hindi siya kaakit-akit na tulad ng babae sa kabilang kalye! (Ang halimbawang ito’y hindi imposible. Ayon kay Rabbi Hillel, na nagkaroon ng pinakamaraming pagtuturo tungkol sa paghihiwalay sa panahon ni Jesus, ligal na mahihiwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa kung nakakita siya ng higit na kaakit-akit dito, dahil magiging “hindi disente” ang pagtingin niya sa kanyang asawa. Itinuro din ni Rabbi Hillel na mahihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa kung masyadong maalat ang kanyang luto, o nakikipag-usap siya sa ibang lalaki, o hindi nagkaanak ng lalaki.)
Kaya ang Pariseo nating nagnanasa ay ligal na maihihiwalay ang asawa sa pagbibigay niya ng kasulatang kinakailangan at madali niyang mapapangasawa ang babaing pinapantasya. At ni hindi makakaramdam ng pangongonsensya dahil sinunod niya ang Utos ng Diyos!
Ibang Pananaw (A Different View)
Siyempre, iba ang pagtingin ng Diyos sa mga bagay-bagay. Hindi Niya nilinaw kung ano ang “hindi disente” na binabanggit sa Deutoronomio 24:1, o kung ito ay karapat-dapat maging dahilan ng paghihiwalay. Katunayan, ang pahayag na iyon ay walang sinasabi kung kailan ligal o hindi ligal ang paghihiwalay. Nagtataglay lamang ito ng pagbabawal laban sa dalawang-ulit na hiwalay o minsang-hiwalay/minsang nabalong babae na nakikipag-asawa muli sa kanyang unang asawa. Pagpilit ng kahulugan sa teksto ang pagsasabing batay sa pahayag ay may nakikitang “hindi disente” sa mata ng Diyos na nagpapahintulot sa hiwalayan. Anu’t anupa man, sa isip ng Diyos, ang inilarawan kong lalaki ay hindi naiiba sa nangangalunya. Sinuway niya ang ikapitong utos. Katunayan, higit siyang makasalanan kaysa sa ordinaryong nangangalunya, dahil nagkakasala siya ng “dobleng-pangangalunya.” Paano iyan? Una, siya mismo ay nangangalunya. Pagkuwan ay sinabi ni Jesus, “Sinumang lalaking magpalayas at humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya’y nangangalunya, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya” (Mt. 19:9).
Pangalawa, dahil maghahanap ng asawa upang mabuhay ang ngayo’y hiwalay nang asawa niya, sa isip ng Diyos nakagawa ang Pariseo ang katumbas ng pagpilit sa kanyang asawa upang makipagtalik sa ibang lalaki. Kung gayon, nagkasala siya dahil sa “pangangalunya” ng asawa niya. Sinabi ni Jesus, “Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, maliban kung ito ay nangangalunya, itinutulak niya ang kanyang asawa sa kasalanang pangangalunya” (Mt. 5:32, idinagdag ang pagdidiin).
Maaari pang inaakusahan ni Jesus ang mapagnasang Pariseo ng “tatlong ulit na pangangalunya” kung ang Kanyang pahayag na “at sinumang makipag-asawa sa babaing pinalayas at hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya” (Mt. 5:32), ay nangangahulugang inaakusahan ng Diyos ang Pariseo dahil sa “pangangalunya” ng bagong asawa ng dati niyang asawa. [4]
Ito ay mainit na isyu sa kapanahunan ni Jesus, tulad ng mababasa natin sa isang lugar kung saan tinanong Siya ng ilang Pariseo, “naaayon ba sa kautusan na palayasin at hiwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” (Mt. 19:3). Ibinubunyag ng kanilang tanong ang kanilang mga puso. Malinaw na nais paniwalaan ng ilan sa kanila na makatarungan ang paghihiwalay kahit anong dahilan.
Idadagdag ko rin na nakakahiya kung kukunin ng mga Cristiano ang mga pahayag na ito tungkol sa paghihiwalay, at ipaliwanag nang mali, mabigat na mahuhusgahan ang mga anak ng Diyos. Hindi tinutukoy ni Jesus ang Cristianong nakipaghiwalay nang hindi pa siya ligtas, at nang makakita ng karapat-dapat na asawang nagmamahal din kay Cristo, ay pinakasalan siya. Hindi iyan katumbas ng pangangalunya. Kung iyan ang ibig sabihin ni Jesus, kailangan nating palitan ang magandang balita, dahil hindi na ito nagdudulot ng kapatawaran ng kasalanan ng mga makasalanan. Mula ngayon kailangan nating ipangaral, “Namatay si Jesus para sa iyo, at kung magsisi at manampalataya ka sa Kanya, mapapatawad lahat ang iyong kasalanan. Nguni’t kung nakipaghiwalay ka, tiyakin mong hindi ka mag-aasawang muli kundi nabubuhay ka sa pangangalunya, at sinasabi ng Diyos na pupunta sa impiyerno ang mga nangangalunya. Gayundin, kung hiwalay ka at nag-asawang muli, bago ka tumanggap kay Cristo ay kailangan mong gumawa ng isa pang kasalanan at hiwalayan ang kasalukuyan mong asawa. Kung hindi lagi kang mamumuhay na nangangalunya, at hindi ligtas ang mga nangangalunya.” [5] Magandang balita ba iyan? [6]
Maging Tapat, di Tulad ng mga Tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (Be Honest, Unlike the Scribes and Pharisees)
Ang pangatlong halimbawa ni Jesus ng di matuwid na gawi at aplikasyon ng Biblia ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ay kaugnay sa utos ng Diyos na sabihin ang katotohanan. Ang tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ay nakahanap ng malikhaing paraan upang magsinungaling. Malalaman natin sa Mateo 23:16-22 na hindi nila itinuring ang kanilang sarili na obligadong tuparin ang mga pangakong sinumpaan sa altar, o sa Diyos sa langit, naobliga silang tuparin ang kanilang pangako. Katumbas ito ng malaking taong nag-iisip na parang bata na maaari siyang hindi magsabi ng katotohanan basta nakakrus ang kanyang mga daliri sa kanyang likod. Inaasahan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na sabihin ang katotohanan.
Narinig din ninyong iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang sumumpa nang walang katotohanan; sa halip, tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon. Nguni’t sinasabi ko sa inyo, huwag na kayong manunumpa kapag kayo’y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagka’t ito’y trono ng Diyos; o kaya’y, ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagka’t ito’y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagka’t ito’y lunsod ng dakilang Hari. Huwag mo ring ipanumpa ang iyong ulo, sapagka’t ni isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin. Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagka’t ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama (Mt. 5:33-37).
Ang orihinal na utos ng Diyos tungkol sa mga pangako ay walang sinabing panunumpa sa isa pang bagay. Ang intensyon ng Diyos ay sabihin ng Kanyang mga tao ang katotohanan sa lahat ng sandali, upang walang pangangailangang manumpa, kailanman. Walang masama sa panunumpa, dahil ang sumpa ay isang pangako lamang. Katunayan, mabuti ang pangangakong pagsunod sa Diyos. Ang kaligtasan ay nagsisimula sa sumpang pagsunod kay Jesus. Nguni’t kapag kailangang sumumpa ng mga tao sa isang bagay upang mapaniwala ang iba, pagtanggap iyan na karaniwan silang nagsisinungaling. Ang mga taong laging nagsasabi ng katotohanan ay hindi na kailangang manumpa, kailanman. Nguni’t maraming mga iglesia ngayon ay puno ng sinungaling, at ang mga ministro ay kadalasang mga pinuno ng kasinungalingan.
Ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay nagbibigay-halimbawa ng pagkamatapat at tinuturuan ang kanyang mga alagad na laging magsabi ng katotohanan. Alam niya na nagbabala si Juan na lahat ng sinungaling ay itatapon sa lawa ng nagliliyab na asupre (tingnan ang Pah. 21:8).
Huwag Maghiganti, Tulad ng mga Tagapagturo ng Kautusan at Pariseo (Don’t Take Revenge, as do the Scribes and Pharisees)
Ang susunod sa listahan ni Jesus ng mga karaingan ay ang pagbaluktot ng mga Pariseo ng isang kilalang berso sa Lumang Tipan. Nakita na natin ang pahayag na iyan sa kabanata tungkol sa pagpapakahulugan.
Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Nguni’t sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong paghihigantihan ang masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit panloob, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong damit pangbalabal. Kung pilitin ka ng manlulupig na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, pasanin mo iyon ng dalawang milya. Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo” (Mt. 5:38-42).
Ang Utos ni Moises ay nagdeklarang kapag napatunayan sa korte na nagkasala ang isang tao sa pananakit sa kapwa, ang kaparusahan ay dapat katumbas ng ginawa niya. Kapag inalis niya ang ngipin ng iba, makatarungan na alisin din ang kanyang ngipin. Ang utos na ito ay ibinigay upang tiyaking magkaroon ng hustisya sa malalalang pagkakasala. Itinalaga ng Diyos ang sistema ng mga hukom sa ilalim ng Utos upang hadlangan ang krimen, panatilihin ang hustisya at iwasan ang paghihiganti. At iniutos ng Diyos sa mga hukom upang maging patas sa kanilang paghusga. Kailangan nilang magpataw ng “mata sa mata at ngipin sa ngipin.” Nguni’t ang kataga at utos na iyan ay laging nakikita sa mga pahayag tungkol sa hustisya sa mga korte.
Nguni’t muli, binaluktot ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ang utos na maging pagtatakdang ang paghihiganti ay isang banal na obligasyon. Malinaw na gumawa sila ng isang polisiyang “walang pagpapatawad”, at naghihiganti kahit sa kaliit-liitang pagkakamali.
Nguni’t laging inasahan ng Diyos ang higit pa sa Kanyang mga tao. Ang paghihiganti ay isang bagay na tahasang ipinagbawal Niya (tingnan ang Deut. 32:35). Ang Lumang Tipan ang nagturo na ang mga tao ng Diyos ay magpakita ng kabutihan sa kanilang mga kaaway (tingnan ang Exo. 23:4-5; Kaw. 25:21-22). Inindorso ni Jesus ang katotohanang ito sa pagsasabi sa Kanyang mga alagad upang iharap ang kabilang pisngi at higitan pa ang pasensiya kapag nakikitungo sa masasamang tao. Kapag ginawan tayo ng masama, gusto ng Diyos na maging mahabagin tayo, susuklian ng kabutihan ang kasamaan.
Nguni’t inaasahan ba tayo ni Jesus na payagan ang mga tao upang lubusan tayong lokohin at sirain ang ating buhay kung nais nila? Mali bang dalhin sa korte ang di mananampalataya, maghanap ng hustisya para sa kasalanan laban sa atin? Hindi. Hindi tinutukoy ni Jesus ang paghanap ng hustisya para sa malalaking pagkakasala sa korte, kundi tungkol sa paghihiganti sa bawa’t maliit na opensa. Pansining hindi sinabi ni Jesus na dapat nating ihandog ang ating leeg upang sakalin ng taong nanaksak sa atin sa likod. Hindi Niya sinabing ibigay natin ang ating bahay kung hinihingi ang ating sasakyan. Sinasabi lamang ni Jesus na magpakita tayo ng pasensiya at habag nang sukdulan kapag nagagawan tayo ng maliliit na kasalanan at normal na pagsubok sa pakikitungo sa makasariling mga tao. Nais Niya tayong higit na mabait kaysa sa inaasahan ng makasariling mga tao. Sa pamantayang iyan, ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ay hindi nakapasa.
Bakit maraming nagsasabing silang Cristiano ay madaling nasasaktan? Bakit sila madaling maapektuhan ng mga kasalanang sampung beses na maliit kaysa pagkasampal sa pisngi? Ligtas ba ang mga taong ito? Ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay nagtatakda ng halimbawa ng pagharap sa kabilang pisngi, at tinuturuan niya ang kanyang mga alagad upang gawin din ito.
Huwag Ninyong Kasuklaman ang Inyong mga Kaaway, na Tulad ng mga Tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo (Don’t Hate Your Enemies, as do the Scribes and Pharisees)
Sa pagtatapos, inilista ni Jesus ang isa pang bigay-ng- Diyos na utos na binago ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo upang pagbigyan ang kanilang masasamang puso.
Narinig ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway. Nguni’t ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkaa’t pinasisikat Niya ang araw sa mabubuti gayundin sa masasama, at nagpapaulan Siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. “Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba’t ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi ba’t ginagawa rin iyan ng mga Hentil? Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.” (Mt. 5:43-48).
Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Lev. 19:18), nguni’t minarapat ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo na ang kanilang kapwa ay iyon lamang nagmamahal sa kanila. Lahat ay mga kaaway na, at dahil sinabi ng Diyos na mahalin ang kapwa, marapat lamang na kasuklaman natin ang ating mga kaaway. Nguni’t ayon kay Jesus, hindi iyan ang intensyon ng Diyos.
Pagkuwan ay itinuro ni Jesus sa kuwento ng Mabait na Samaritano na dapat nating ituring ang bawa’t tao bilang kapwa. Naisng Diyos na mahalin natin ang lahat , pati na ang ating mga kaaway. Iyan ang pamantayan ng Diyos sa Kanyang mga anak, pamantayang isinasabuhay din Niya. Nagpapadala Siya ng araw at ulan na nagpapatubo ng mga tanim, hindi lamang sa mga mabubuti, kundi pati rin sa mga masasama. Dapat nating sundin ang Kanyang halimbawa, na magpakita ng kabutihan sa mga hindi karapat-dapat. Kapag ginawa natin iyan, ibig sabihin ay “anak tayo ng [ating] Ama na nasa langit” (Mt. 5:45). Mga tunay na taong isinilang-muli ay kumikilos na paraang ikinikilos ng kanilang Ama.
Ang pag-ibig na inaasahan ng Diyos na ipakita natin sa ating mga kaaway ay hindi emosyon o pag-ayon sa kanilang kasamaan. Hindi hinihingi ng Diyos na maging malapit sa mga sumasalungat sa atin. Hindi Niya sinasabing magsinungaling tayo, na ang ating mga kaaway ay kaaya-ayang mga tao. Nguni’t inaasahan Niya na mahabag tayo sa kanila at gagawin natin iyan kahit sa pagbati at pagdarasal para sa kanila.
Pansinin na idiniin muli ni Jesus ang Kanyang pangunahing tema—Ang mga banal lamang ang magmamana sa kaharian ng Diyos. Sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na kung mahal lang nila ang mga nagmamahal sa kanila, hindi sila naiiba sa mga Hentil at maniningil ng buwis, dalawang uri ng taong tinitiyak ng mga Judiong pupunta sa impiyerno.
Gumawa ng Mabuti Dahil sa Tamang Motibo, di Tulad ng mga Tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo (Do Good for the Right Motives, Unlike the Scribes and the Pharisees)
Hindi lamang inaasahan ni Jesus na maging banal ang Kanyang mga tagasunod, inaasahan Niya silang maging banal sa tamang motibo. Lubhang posible na sundin ang mga utos ng Diyos at maging hindi kaaliw-aliw sa Kanya kung ang pagsunod ay ginagawa sa maling dahilan. Hinatulan ni Jesus ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo dahil ginawa lahat nila ang kabutihan bilang pakitang-tao sa iba (tingnan ang Mt. 23:5). Inaasahan Niya ang kanyang mga alagad na maging iba.
Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit. Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila’y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. Gawin mong lihim ang iyong paglilimos, at ang iyong Ama na nakakakita ng iyong kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo (Mt. 6:1-4).
Inasahan ni Jesus na ang Kanyang mga tagasunod ay maglilimos sa mga mahihirap. Itinakda ng Utos ito (tingnan ang Exo. 23:11; Lev. 19:10; 23:22; 25:35; Deut. 15:7-11), nguni’t ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo ay ginawa ito nang may pagpapangalandakan, upang ipakita sa mga tao ang kanilang pagbibigay. Nguni’t ilan sa mga nagsasabing sila’y Cristiano ang walang ibinibigay sa mga mahihirap? Ni hindi sila nakadama ng pangangailangang isipin ang mga motibo ng paglilimos. Kung ang pagkamakasarili ang naging motibo ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo upang ipaalam ang kanilang pagbibigay, ano ang nagtutulak sa mga nagsasabing sila’y Cristiano upang ipagwalang-bahala ang kapalaran ng mga mahihirap? Sa puntong iyan, nahihigitan ba ng kanilang katuwiran ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo?
Tulad ng pag-ulit ni Pablo sa 1 Corinthians 3:10-15, maaari nating gawin ang mabubuting bagay para sa maling dahilan. Kung hindi dalisay ang ating mga motibo, hindi gagantimpalaan ang ating mga gawa. isinulat ni Pablo na maaaring ituro ang ang magandang balita dahil sa hindi dalisay na dahilan (tingnan ang Fil. 1:15-17). Tulad ng pagtakda ni Jesus, ang isang mabuting paraan upang ang pagbibigay natin ay may magandang motibo ay ang lihim na pagbibigay hangga’t maaari, hindi ipinaaalam sa ating kaliwang kamay ang ginagawa ng kanang kamay. Ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay nagtuturo sa kanyang mga alagad upang magbigay sa mga mahihirap (basta may kakayahan), at marahang ginagawa niya ang kanyang sinasabi.
Panalangin at Pag-aayuno sa Tamang Dahilan (Prayer and Fasting for Right Reasons)
Inasahan din ni Jesus na magdasal at mag-ayuno ang Kanyang mga alagad, at gawin nila ang mga bagay na iyon, hindi upang makita ng mga tao, kundi aliwin ang kanilang Ama. Kung hindi, pareho rin sila ng mga patungong-impiyernong mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo, na nananalangin at nag-aayuno upang makakuha lamang ng papuri ng tao, isang pansamantalang gantimpala. Pinayuhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod:
Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Nguni’t kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.
Kapag kayo’y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nag-aayuno ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo. (Mt. 6:5-6, 16-18).
Ilang nagsasabing sila’y Cristiano ang walang buhay-panalangin at hindi kailanman nag-ayuno? [7] Sa puntong iyan, paano ikinukumpara ang kanilang katuwiran sa mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo, na gumagawa ng mga ito (bagama’t sa maling dahilan)?
isang Paglihis Tungkol sa Panalangin at Pagpapatawad (A Digression Regarding Prayer and Forgiveness)
Habang nasa paksa ng panalangin, lumihis nang kaunti si Jesus upang ihandog ang higit na ispesipikong pagtuturo sa Kanyang mga alagad tungkol sa kung paano sila dapat manalangin. Nais ni Jesus na manalangin tayong hindi nang-iinsulto sa Kanyang Ama sa pagtanggi, sa pamamagitan ng ating mga dalangin, ng Kanyang ibinunyag tungkol sa Sarili Niya. Halimbawa, dahil alam ng Diyos ang kailangan natin bago humingi sa Kanya (alam Niya lahat), ay hindi dahilan upang gumamit ng mga salitang paulit-ulit na walang ibig sabihin kapag nagdarasal:
Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. (Mt. 6:7-8).
Totoo, ibinubunyag ng ating mga panalangin kung gaano natin kilala ang Diyos. Ang mga nakakikilala sa Kanya dahil Siya ay ibinubunyag ng Kanyang salita ay nananalangin upang ang kalooban Niya ang masunod at Siya ay papurihan. Ang pinakagusto nila ay maging banal, tunay na kaaliw-aliw sa Kanya. Nasasalamin ito sa modelong panalangin, ang tinatawag nating Panalangin ng Panginoon, sunod na nakadagdag sa mga pagtuturo ni Jesus sa Kanyang mga alagad. Ibinubunyag nito ang Kanyang mga inaasahan para sa ating mga pangangailangan at debosyon: [8]
Ganito kayo manalangin: “Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang Iyong pangalan. Nawa’y maghari Ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw” (Mt. 6:7-11).
Ang pangunahing alalahanin dapat ng mga alagad ni Cristo ay sambahin ang pangalan ng Diyos, na igalang ito, at ituring na banal.
Siyempre, ang mga nananalangin na sambahin ang pangalan ng Diyos ay banal din dapat, sinasamba ang pangalan ng Diyos. Pagpapanggap ang hindi paggawa nito. Kaya sinasalamin ng panalanging ito ang pagnanais natin na isuko ng iba ang kanilang sarili tulad ng ginawa natin.
Ang pangalawang pakiusap ng modelong panalangin ay pareho: “Nawa’y maghari Ka sa amin.” Ang idea ng isang kaharian ay nagpapahiwatig na may Haring namamahala ng Kanyang Kaharian. Ang Cristianong alagad ay nananabik makita ang Hari, Siya na namamahala ng kanyang buhay, at namamahala sa buong mundo. O, na bawat isa ay manikluhod kay Haring Jesus sa masunuring pananampalataya!
Ang pangatlong pakiusap ay pag-uulit ng una at pangalawa: “Sundin nawa ang Iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit.” Muli, paano tayo matapat na magdasal ng ganitong panalangin na hindi susuko sa kalooban ng Diyos sa ating buhay? Ang tunay na alagad ay nagnanais na ang kalooban ng Diyos ay masunod dito sa lupa tulad ng sa langit—nang ganap.
Na sambahin ang pangalan ng Diyos, na ang kalooban Niya ay masunod, na Siya ay maghari, ay dapat higit na mahalaga sa atin kaysa magkaroon ng masustansiyang pagkain, ang ating “pagkain sa araw-araw.” Itong ikaapat na pakiusap ay may dahilan upang maging pang-apat. Kahit sa kanyang sarili, sinasalamin nito ang tamang pagkasunud-sunod ng ating mga kailangan, at walang pahiwatig ng kasakiman ang nakikita dito. Ang mga alagad ni Cristo ay nagsisilbi sa Diyos at hindi sa kasakiman. Hindi sila nakapokus sa pagpaparami ng kayamanan sa mundo.
Idadagdag ko rin na ang pang-apat na pakiusap ay mukhang nagpapakita na ang modelo ng panalanging ito ay siyang dapat gawin araw-araw, at sa umpisa ng bawa’t araw.
Nagpapatuloy ang Modelong Panalangin (The Model Prayer Continues)
Nagkakasala rin ba ang mga alagad ni Cristo? Nakikitang paminsan-minsan ay oo, dahil tinuruan sila ni Jesus na humingi ng kapatawaran para sa kanilang mga kasalanan.
“At patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama. Sapagka’t Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman. Amen.” Sapagka’t kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Nguni’t kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan (Mt. 6:12-15).
Napagtanto ng mga alagad ni Jesus na ang kanilang pagsuway ay nagpapasama ng kalooban ng Diyos, at kung nagkakasala sila, sila’y nahihiya. Gusto nilang mabura ang mantsa, at salamat naman at ang mapagpalang Ama nila sa langit ay nakahandang patawarin sila. Nguni’t kailangan nilang humingi ng tawad, ang ikalimang pakiusap na nakikita sa Panalangin ng Panginoon.
Nguni’t ang pagkapatawad nila ay may kundisyon, dapat nilang patawarin ang iba. Dahil malaki ang pinatawad sa kanila, may obligasyon silang patawarin ang lahat ng nakikiusap ng kanilang pagpapatawad (at ang umibig at maghangad ng pagkakasundo para doon sa mga ayaw). Kung ayaw nilang magpatawad, hindi sila patatawarin ng Diyos.
Ang ikaanim at panghuling pakiusap ay isa ring malinaw na nagsasalamin ng pagnanais ng totoong alagad na maging banal: “At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas Mo kami sa Masama [o ‘sa masamang iyon’].” Masidhi ang pananabik ng totoong alagad sa kabanalan na hinihiling niya sa Diyos na huwag siyang hayaang madala sa isang sitwasyong matutukso siya, at baka ipahintulot niya ito. Dagdag pa rito, ipinakikiusap niya sa Diyos na iadya siya sa anumang masamang aakit sa kanya. Tunay na dakilang panalangin ito upang dasalin sa umpisa ng bawa’t araw, bago tayo lumabas sa mundo ng kasamaan at tukso. At tunay ng maaasahan natin ang Diyos na tugunan itong ating panalangin na iniutos Niyang dasalin natin!
Naiintindihan ng mga nakakikilala sa Diyos kung bakit lahat ng anim na pakiusap ng panalanging ito ay tamang-tama. Ang dahilan ay naibunyag sa pangwakas na linya ng panalangin: “Sapagka’t [o dahil] Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan,at ang kaluwalhatian, magpakailanmanr” (Mt. 6:13). Ang Diyos ay isang dakilang haring namamahala sa Kanyang buyong kaharian at tayo ay Kanyang mga alipin. Siya ay makapangyarihan-sa-lahat, at walang sinuman ang dapat sumuway sa Kanyang kalooban. Lahat ng kaluwalhatian ay sa Kanya magpakailanman. Karapat-dapat Siyang sundin.
Ano ang pangunahing tema ng panalangin ng Panginoon? Kabanalan. Nais ng mga alagad ni Cristo na sambahin ang pangalan ng Diyos, na maitatag ang Kanyang kaharian dito sa lupa, at masunod nang ganap ang Kanyang kalooban sa lahat ng dako. Higit na mahalaga ito kaysa sa pang-araw-araw nilang pagkain. Nais nilang maging kaaliw-aliw sa Kanyang paningin, at kung sila’y mabigo, nais nilang patawarin Niya sila. Bilang taong napatawad, pinatatawad rin nila ang iba. Nananabik silang maging ganap na banal, sa puntong nais nilang iwasan ang tukso, dahil ang tukso ay nagpapalawig ng kanilang mga pagkakataon upang sila’y magkasala. Ang tagalikha-ng-alagad ay nagtuturo ng mga bagay na ito sa kanyang mga alagad.
Ang Alagad at ang Kanyang mga Materyal na Pag-aari (The Disciple and His Material Possessions)
Ang susunod na paksa ng Sermon sa Bundok ay may potensyal na manligalig sa mga nagsasabing sila’y Cristiano na ang pangunahing motibasyon sa buhay ay ang pagkamal ng mga materyal na bagay:
Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagka’t kung saan naroroon ang kayamanan, naroroon din ang iyong puso. Ang mata ang ilaw ng katawan. Nguni’t kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong katawan. At kung ang liwanag mo’y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman. Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagka’t kapopootan niya ang isa at iibigin ang pangalawa, paglilingkuran niya nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. (Mt. 6:19-24).
Mag-impok ng kayamanan dito sa lupa. At ano ang nagbubuo ng “kayamanan”? Literal na mga kayamanan ay karaniwang itinatago sa mga baul, o sa isang lugar, at hindi kailanman ginagamit sa praktikal na pangangailangan. Ang depinisyon ni Jesus sa mga ito ay mga bagay na nang-aakit sa mga insekto, kalawang at magnanakaw. Isa pang paraan ng pagsabi rito ay “hindi-kailangan.” Kinakain ng mga insekto ang mga nasa kasuluk-sulukan ng ating mga lalagyan, hindi mga damit na lagi nating isinusuot. Kinakain ng kalawang ang mga bagay na bibihira nating ginagamit. Sa higit na maunlad na mga bansa, ninanakaw ang mga hindi gaanong kailangan ng mga tao: sining, alahas, mamahaling gamit, at mga naisasanla.
Ang mga tunay na alagad ay “nagsuko na ng mga materyal na pag-aari” (tingnan ang Lu. 14:33). Tagapamahala lang sila ng salapi, kaya bawa’t desisyon upang gumasta ay isang espiritwal na desisyon. Kung ano ang ginagawa natin sa ating salapi ay nagsasalamin ng kung sino ang humahawak ng ating buhay. Kung nag-iipon tayo ng mga “kayamanan,” nagtatago ng salapi o bumibili ng mga hindi kailangan, ibinubunyag natin na hindi tayo pinanghahawakan ni Jesus, dahil kung hawak Niya tayo, iingatan nating gamitin sa higit na mabubuting bagay ang salaping ipinagkatiwala Niya sa atin.
Anu-ano ang mga mabubuting bagay na iyon? Iniuutos ni Jesus na mag-ipon tayo ng kayamanan sa langit. Paano posible iyan? Sinasabi Niya sa Magandang balita, sa aklat ni Lucas: “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa dukha ang pinagbilhan; gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nawawala” (Lu. 12:33).
Sa pagbibigay ng salapi upang tulungan ang mga dukha at ikalat ang magandang balita, nag-iipon tayo ng kayamanan sa langit. Sinasabi sa atin ni Jesus na kunin ang siguradong mawawalan ng halaga, at ilagay ito sa bagay na hindi mawawalan ng halaga. Iyan ang ginagawa ng ministrong lumilikha-ng-alagad, at tinuturuan niya ang kanyang mga lagad na gawin din ito.
Ang Masamang Mata (The Bad Eye)
Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang magsalita Siya tungkol sa mga taong may malinaw na mata at mga katawang puno ng liwanag at mga taong may masamang mata na ang katawan ay puno ng kadiliman? Marahil ay may kinalaman sa salapi ang Kanyang mga salita at materyal na bagay, dahil iyan ang mga binabanggit Niya noong una at nang huli.
Ang Griegong salitang isinalin na “masama” sa 6:23 ay ang parehong salitang isinalin sa Mateo 20:15 bilang “naiinggit.” Mababasa natin doon ang tungkol sa isang amo na nagsabi sa kanyang manggagawa, “Naiinggit ba ang iyong mata dahil mapagbigay ako?” Malinaw na ang isang mata ay hindi maaaring literal na naiinggit. Ibig sabihin ang ekspresyon na “isang matang naiinggit (o masama)” ay tumutukoy sa isang taong may mga pagnanasang naiinggit. Matutulungan tayo nito upang intindihin ang ibig sabihin ni Cristo sa Mateo 6:22-23.
Ang taong may malinaw na mata ay nagsasagisag ng isang may malinis na puso, na pinapapasok ang liwanag ng katotohanan sa kanya. Kung gayon sinisilbihan niya ang Diyos at nag-iipon ng kayamanan, hindi sa lupa, kundi sa langit kung nasaan ang kanyang puso. Ang taong may masamang mata ay hindi nagpapapasok ng liwanag ng katotohanan, dahil ang akala niya ay nasa kanya na ang katotohanan, kaya puno siya ng kadiliman, at naniniwala sa kasinungalingan. Nag-iipon siya ng kayamanan sa lupa, na kinaroroonan ng kanyang puso. Naniniwala siyang ang dahilan ng kanyang buhay ay pagpapasarap. Ang salapi ay kanyang Diyos. Hindi siya patungong-langit.
Ano ang ibig sabihin ng pagturing sa salapi bilang Diyos? Ibig sabihin, may tanging lugar ang salapi sa iyong buhay na dapat ay sa Diyos lamang. Salapi ang nagdadala ng iyong buhay. Kinokonsumo nito ang iyong lakas, isip at panahon. Ito ang pangunahing pinanggagalingan ng iyong saya. Iniibig mo ito. [9] Kaya itinumbas ni Pablo ang kasakiman sa pagsamba sa diyus-diyosan, sinasabing hindi mamanahin ng taong sakim ang kaharian ng Diyos (tingnan ang Efe. 5:5; Col. 3:5-6).
Kapwa Diyos at kayamanan ay nagnanais maging amo ng ating buhay, at sinabi ni Jesus na hindi natin sila parehong mapagsisilbihan. Muli makikita natin na nanatili si Jesus sa Kanyang pangunahing tema—Ang mga banal lamang ang magmamana sa kaharian ng Diyos. Lubhang niliwanag Niya na ang mga taong puno ng kadiliman, na ang Diyos ay salapi, na nasa lupa ang puso at nag-iipon dito ng kayamanan, ay wala sa makitid na daang patungo sa buhay.
Ang Dukhang Mapagnasa (The Covetous Poor)
Ang pagkaabala sa mga materyal na bagay ay hindi lamang mali kapag ang mga iyon ay mga bagay na marangya. Ang isang tao ay maaari ring mali ang pagkaabala sa mga materyal na bagay kahit lubhang kailangan ang mga iyon. Nagpatuloy si Jesus:
Kaya’t sinasabi Ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa kamalig, nguni’t pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa? At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Nguni’t sinasabi ko sa inyo, kahi’t si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Nguni’t higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo’y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa Kanyang kalooban, at ibibigay Niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawa’t araw (Mt. 6:25-34).
Hindi maiuugnay ng maraming mambabasa ng aklat na ito ang kanilang sarili sa mga taong kinakausap ni Jesus. Kailan ang huling pagkakataong nabalisa kayo tungkol sa pagkakaroon ng pagkain, inumin o damit?
Nguni’t ang mga salita ni Jesus ay tunay na may kaugnayan sa ating lahat. Kung mali ang pagkaabala sa mga pangangailangan sa buhay, gaano pa ang kamalian ng pagkaabala sa mga hindi kailangan? Inaasahan ni Jesus na dalawang bagay ang magiging pangunahing pokus ng Kanyang mga alagad: ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran. Kapag hindi nakayanan ng taong nagsasabing siya ay Cristiano ang pagbibigay ng ikapu (idadagdag ko na isa itong utos sa lumang kasunduan), nguni’t nakakayanan ang maraming materyal na bagay na hindi kailangan, nabubuhay ba siya sa pamantayan ni Cristo na hanapin muna ang Kanyang kaharian at ang Kanyang katuwiran? Malinaw ang sagot.
Huwag Maging Mapaghanap ng Kapintasa (Don’t be a Fault-Finder)
Ang susunod na set ng mga utos ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod ay tungkol sa mga kasalanan ng paghatol at pamimintas:
Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. Sapagka’t hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid nguni’t hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika’t aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid (Mt. 7:1-5).
Bagama’t hindi sinakdal ni Jesus, direkta man o di-direkta, ang mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo sa pahayag na ito, talagang nagkasala sila ng ganitong kasalanan; pinintasan nila Siya!
Ano talaga ang ibig sabihin ni Jesus sa babalang ito laban sa paghatol sa iba?
Una, tingnan natin ang hindi Niya ibig sabihin. Hindi Niya ibig sabihin na hindi tayo maging mapanuri at gumawa ng mga pagtaya tungkol sa ugali ng mga tao sa pagtingin sa kanilang mga gawi. Lubhang malinaw ito. Agad sumunod sa seksiyong ito, nagturo si Jesus sa perlas sa mga baboy o ibigay ang mga bagay na banal sa mga aso (tingnan ang 7:6). Malinaw na matalinhaga ang pagtukoy Niya sa mga uri ng tao, ang pagtukoy sa kanila bilang baboy at aso, mga taong hindi nagpapahalaga sa mga banal na bagay, “mga perlas,” na ibinibigay sa kanila. Malinaw na sila ay di-ligtas. At totoong dapat tayong maghatol kung ang mga tao ay baboy o aso kung nais nating sundin ang utos na ito.
Bilang karagdagan, sumunod na sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod kung paano hatulan ang mga gurong mapagpanggap, “mga asong-gubat na nakadamit-tupa” (tingnan ang 7:15), sa pagsuri ng kanilang bunga. Malinaw na upang sundin ang mga turo ni Jesus, tingnan muna natin ang istilo ng pamumuhay ng mga tao at gumawa ng paghatol.
Gayundin, sinabi ni Pablo sa mga mananampalatayang taga-Corinto:
Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila’y Cristiano nguni’t nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao (1 Cor. 5:11).
Upang sundin ang utos na ito, kailangan nating tingnan ang istilo ng pamumuhay ng mga tao at hatulan sila batay sa ating obserbasyon.
Sinabi rin sa atin ni Apostol Juan na madali nating malalaman kung sino ang sa Diyos at kung sino ang sa demonyo. Sa pagtingin sa istilo ng pamumuhay ng mga tao, malinaw kung sino ang ligtas at kung sino ang di-ligtas (tingnan ang 1 Jn. 3:10).
Dahil sa lahat ng ito, ang paghatol sa mga tao sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga gawi upang malaman kung sila’y sa Diyos o sa demonyo ay hindi ang kasalanan ng paghatol na babala ni Cristo. Kaya ano ang ibig sabihin ni Jesus?
Pansinin na ang sinasabi ni Jesus ay tungkol sa paghanap ng mga maliliit na kasalanan, puwing, ng isang kapatid (pansinin na ginagamit ni Jesus ang salitang kapatid tatlong beses sa pahayag na ito). Hindi nagbibigay-babala si Jesus laban sa paghatol na hindi mananampalataya ang mga tao sa pagtingin sa kanilang mga kasalanan (na susunod Niyang ituturo sa atin sa sermon ding ito). Bagkus, ito ay mga turo kung paano tingnan ng mga Cristiano ang kapwa Cristiano. Hindi sila dapat naghahanap ng maliliit na pagkakasala lalo na kung sila ay bulag sa sariling higit na malaking pagkakasala. Sa ganoon, sila’y mapagpanggap. Tulad ng minsa’y sinabi ni Jesus sa napakaraming mapagpanggap na hukom, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya” (Jn. 8:7).
Si spostol Santiago, na ang sulat ay laging kaugnay ng Sermon sa bundok, ay nagsulat din, “Mga kapatid, huwag na kayong magsisihan sa isa’t isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagka’t malapit nang dumating ang Hukom” (San. 5:9). Marahil tinutulungan din tayo nito upang intindihin ang isang babala ni Jesus sa—paghatol sa mga kapwa mananampalataya at ipinagsasabi ang ating nakita, sinisisi ang isa’t isa. Isa ito sa pinakapangkaraniwang kasalanan sa iglesia, at ang mga nagkakasala ay naglalagay sa sarili sa alanganing posisyon upang mahatulan. Kapag nagsalita tayo laban sa kapwa mananampalataya, at sinasabi natin sa iba ang kanyang kasalanan, sinusuway natin ang ginintuang utos, dahil ayaw nating pag-usapan tayo nang masama kapag tayo’y wala.
Maaari nating lapitan nang may pagmamahal ang kapwa mananampalataya tungkol sa kanyang kamalian, nguni’t gagawin lang ito kung siguradong walang pagpapanggap, at hindi tayo nagkakasala ng parehong kasalanang ipinararatang natin sa kanya. Nguni’t pagsasayang lamang ng oras pag ginawa ito sa isang di-mananampalataya, na siyang paksa sa susunod na berso. Sinabi ni Jesus,
Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang bagay na banal, baka pagkatapos ay kayo pa ang balingan at sakmalin nila. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagka’t yuyurakan lamang nila ang mga iyon (Mt. 7:6).
Gayundin, sinasabi ng isang kawikaan, “Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo, nguni’t punahin mo ang matalino at iibigin ka nito” (Kaw. 9:8). Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa isa pang pagkakataon na pagpagin ang alikabok sa kanilang paa upang tutulan ang mga di tumatanggap sa kanilang magandang balita. Pag nakilala ang mga “aso” sa pamamagitan ng kawalan nila ng pasasalamat sa katotohanan, ayaw ng Diyos na magsayang ng panahon ang kanyang mga tagasilbi upang abutin ang mga ito samantalang hindi pa nabibigyan ng pagkakataon ang iba.
Panghikayat upang Manalangin (Encouragement to Pray)
Bilang panghuli ay dadako na tayo sa katapusang bahagi ng katawan ng sermon ni Jesus. Nag-uumpisa ito sa nakahihikayat na panalanging pangako:
Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan. Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tatanggap; ang bawa’t humahanap ay makakatagpo; at ang bawa’t kumakatok ay pagbubuksan. Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya’y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya’y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan Niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! (Mt. 7:7-11).
“Aha!” isang mambabasa saanman ang maaaring magsabi, “Narito ang isang bahagi ng Sermon sa Bundok na walang kinalaman sa kabanalan.”
Depende iyan sa kung ano ang ating hinihingi, kinakatok at hinahanap sa panalangin. Tulad ng mga “nagugutom at nauuhaw sa katuwiran,” nananabik tayong sumunod sa lahat ng iniutos ni Jesus sa Kanyang sermon, at ang pananabik na iyan ay nasasalamin sa lahat ng ating panalangin. Katunayan, ang modelong panalasnging ibinahagi noon ni Jesus sa sermon na ito ay isang ekspresyon ng pagnanais na matupad ang kalooban ng Diyos para sa kabanalan.
Dagdag pa rito, ang bersiyon ni Lucas sa pangakong panalanging ito ay nagtatapos sa, “Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong ama na nasa langit! Ibibigay Niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa Kanya! (Luc. 11:13). Hindi iniisip ni Jesus ang mga mararangyang bagay nang ipinangako Niya ang mga “mabubuting handog.” Sa Kanyang isip, ang Espiritu Santo ay “mabuting handog,” dahil ginagawa tayong banal ng Espiritu Santo at tinutulungan tayo upang ikalat ang magandang balita na nagpapabanal sa ibang tao. Ang mga banal na tao ay pupunta sa langit.
Ang iba pang mabubuting handog ay anumang nasa ilalim ng kalooban ng Diyos. Malinaw na ang lubos na inaalala Diyos ay ang Kanyang kalooban at ang Kanyang kaharian, kaya dapat nating asahan na ang lahat ng ating panalangin para sa anumang magdaragdag ng ating kapakinabangan sa kaharian ng Diyos ay laging masasagot.
Isang Pahayag na Naglalagom (A Summarizing Statement)
Ngayon ay dadako na tayo sa isang bersong dapat ituring na pahayag na naglalagom ng halos lahat ng sinabi ni Jesus hanggang sa puntong ito. Nakakaligtaan ito ng ilang tagapagturo, nguni’t kailangang hindi natin kaligtaan. Itong partikular na berso ay malinaw na isang pahayag na naglalagom, dahil nag-uumpisa sa salitang samakatwid. Kung gayon ay kaugnay ito ng mga nakaraang turo, at ang tanong ay: Gaano sa sinabi ni Jesus ang nilalagom nito? Basahin at pag-isipan natin:
Samakatwid, [10] gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at mga isinulat ng mga Propeta (Mt. 7:12).
Ang pahayag na ito’y hindi maaaring lagom lamang ng ilang bersong nauna rito tungkol sa panalangin, kung magkagayon ay walang kabuluhan.
Tandaan na sa unang bahagi ng Kanyang sermon, nagbabala si Jesus laban sa kamalian ng pag-iisip na dumating Siya upang alisin ang Kautusan o ang mga Propeta (tingnan ang Mt. 5:17). Mula sa puntong iyon ng Kanyang sermon hanggang sa bersong narating na natin, wala Siyang ginawa kundi isulong at ipaliwanag ang mga utos ng Diyos sa Lumang Tipan. Kung gayon, nilalagom na Niya ang lahat ng iniutos Niya, na kinuha Niya sa Kautusan at mga Propeta: “Samakatwid, gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng “Kautusan at mga isinulat ng mga Propeta,” (7:12). Ang pariralang “ng Kautusan at mga isinulat ng ma Propeta,” ay nag-uugnay ng lahat na sinabi ni Jesus sa loob ng Mateo 5:17 hanggang 7:12.
Ngayon, habang sinisimulan ni Jesus ang kongklusyon ng Kanyang sermon, idinidiin Niyang muli ang Kanyang tema—Ang mga banal lamang ang magmamana sa kaharian ng Diyos:
Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagka’t maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Nguni’t makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon (Mt. 7:13-14).
Malinaw na ang makitid na pintuan at ang daang papunta sa buhay, na nahahanap ng iilan, ay sagisag ng kaligtasan. Ang maluwang na pintuan at malapad na daan patungong kapahamakan, ang ruta ng karamihan, ay sagisag ng kapahamakan. Kung lahat ng sinabi ni Jesus bago ang pahayag na ito ay may ibig sabihin, kung may lohikal na pagsulong ang sermon na ito, kung nagtataglay ng katalinuhan si Jesus bilang tagahatid ng kaalaman, kung gayon ang pinaka-natural na pagpapakahulugan ay, ang makitid na daan ang daang pagsunod kay Jesus, at ng Kanyang mg utos. Ang maluwang na daan ay ang kabaligtaran. Ilang mga taong nagsasabing sila ay Cristiano ang papunta na sa makitid na daang inilarawan dito sa sermon? Ang ministrong tagalikha-ng-alagad ay talagang nasa makitid na daan, at inaakay niya ang kanyang mga alagad sa parehong daan.
Palaisipan sa ilang taong nagsasabing sila ay Cristiano na walang sinabi si Jesus tungkol sa pananampalataya ay paniniwala sa Kanya dito sa sermon kung saan marami Siyang sinabi tungkol sa kaligtasan at kapahamakan. Subali’t sa mga nakakaintindi ng hindi mahihiwalay na ugnayan ng paniniwala at ugali, walang problema sa sermon na ito. Ipinapakita ng mga taong sumusunod kay Jesus ang kanilang pananampalaya sa pamamagitan ng kanilang gawa. Ang mga hindi sumusunod sa Kanya ay hindi naniniwalang Siya ay anak ng Diyos. Ang ating kaligtasan ay hindi lamang indikasyon ng pagpapala ng Diyos sa atin, gayundin ang pagbabagong naganap sa ating mga buhay. Ang ating kabanalan ay tunay na kabanalan Niya.
Paano Kilalanin ang mga Hindi Tunay na Pinuno ng Relihiyon (How to Recognize False Religious Leaders)
Sa pagpapatuloy ni Jesus sa Kanyang pangwakas na pahayag, sunod Siyang nagbabala tungkol sa mga hindi tunay na propeta na nagdadala sa mga hindi nag-iisip sa malawak na daan tungo sa kapahamakan. Sila ang mga hindi totoong sa Diyos, kundi nagpapanggap lamang. Lahat ng taliwas na guro at pinuno ay kasama dito. Paano sila makikilala?
Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, nguni’t ang totoo’y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subali’t masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawa’t punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Kaya’t makikilala ninyo ang mga hindi tunay na propeta ayon sa kanilang mga gawa. Hindi lahat ng tumatawag sa Akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. Sa araw ng paghuhukom marami ang magsasabi sa Akin, ‘Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa iyong pangalan? Nguni’t sasabihin Ko sa kanila, ‘Hindi Ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa Akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan (Mt. 7:15-23).
Malinaw na ipinakita ni Jesus na ang mga hindi tunay na guro ay lubhang mapagpanggap. May mga ilang panlabas na pagkakakilanlan ng pagiging totoo. Maaaring tawagin nila si Jesus na Panginoon, maaari silang maging propeta, magpaalis ng demonyo at gumawa ng mga milagro. Nguni’t ang “damit ng tupa” ay nagtatago lamang ng “mababangis na asong-gubat.” Hindi sila kasama sa tunay na tupa. Paano malalaman kung totoo sila o hindi? Ang tunay nilang ugali ay makikilala sa pagtingin sa kanilang “bunga.”
Ano ang mga bungang tinutukoy ni Jesus? Malinaw na hindi sila bunga ng mga milagro. Bagkus, bunga sila ng pagsunod sa lahat ng itinuro ni Jesus. Ang mga tunay na tupa ay gumagawa ng kalooban ng Ama. Ang mga hindi tunay ay “gumagawa ng kasamaan” (7:23). Ang tungkulin natin, kung gayon, ay ikumpara ang kanilang buhay sa itinuro at iniutos ni Jesus.
Marami sa iglesia ngayon ang mga hindi tunay na guro, at hindi tayo dapat magulat, dahil kapwa tayo binalaan ni Jesus at Pablo na, habang papalapit ang katapusan, huwag tayong aasa ng higit na kaunti pa dito (tingnan ang Mt. 24:11; 2 Tim. 4:3-4). Ang pinaka-umiiral na hindi tunay na propeta sa ating panahon ay ang mga nagtuturong hinihintay ng langit ang mga hindi banal. Responsable sila sa walang-hanggang kapahamakan ng milyun-milyong tao. Sumulat si John Wesley tungkol sa kanila,
Terible ito!—kapag ang mga embahador ng Diyos ay nagiging ahente ng demonyo!—kapag silang itinalagang magturo ng mga tao ng daang patungong langit ay nagtuturo sa kanila ng daan patungong impiyerno….Kung tatanungin, “Bakit, sino naman ang gumawa…nito?”…Sasagot ako, Sampung libong magagaling at kapuri-puring tao; pati na ang mga, kabilang sa anumang denominasyon, mga nanghihikayat ng mga mapagmalaki, mga naglilimayon, ang mapupusok, ang nagmamahal sa mundo, ang mahilig sa aliw, ang hindi makatarungan at masungit, ang maluwag, pabaya, di-nakapipinsala, walang-silbing tao, ang taong walang budhi alang-alang sa katuwiran, upang isiping nasa daan na siya patungong langit. Ito ang mga hindi tunay na propeta sa sukdulang kahulugan ng salita. Ito ang mga traidor sa kapwa Diyos at tao…sila ang patuloy na tumatao sa mga sulok-sulok ng gabi; at sa tuwing sinusundan nila ang mga pobreng kaluluwang kanilang sinira, “aalisin ang impiyerno sa ilalim nila upang salubungin sila sa kanilang pagdating!” [11]
Iteresanteng ispesipikong nagkokomento si Wesley tungkol sa mga hindi tunay na guro na tinutukoy ni Jesus nang magbigay-babala Siya sa Mateo 7:15-23.
Pansinin na may kapayakang muling sinabi ni Jesus, taliwas sa sinasabi sa atin ng maraming hindi tunay na guro, na ang mga hindi magbunga ng mabuting bunga ay ihahagis sa impiyerno (tingnan ang 7:19). Dagdag pa rito, ukol ito hindi lamang sa mga guro at propeta, kundi sa lahat. Sinabi ni Jesus, “Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mt. 7:21). Kung ano ang totoo para sa mga propeta ay totoo para sa lahat. Ito ang pangunahing tema ni Jesus—Ang mga banal lamang ang magmamana sa kaharian ng Diyos. Ang mga taong hindi sumusunod kay Jesus ay nakatalaga sa impiyerno.
Pansinin din ang ugnayan na ginawa ni Jesus sa kung sino ang isang tao sa kanyang panloob na anyo at kung sino siya sa panlabas na anyo. Mga “mabubuting” puno ay magbubunga ng mabuting bunga. Ang mga “masasamang” puno ay hindi magkakaroon ng mabuting bunga. Ang pinanggalingan ng mabuting bungang nakikita sa panlabas na anyo ay ang likas na katauhan ng isang tao. Dahil sa Kanyang pagpapala, pinabago ng Diyos ang katauhan ng mga taong tunay na nananampalataya kay Jesus. [12]
Isang Pangwakas na Babala at Lagom (A Final Warning and Summary)
Tinapos ni Jesus ang Kanyang sermon sa isang babala at halimbawang paglalagom. Tulad ng iyong inaasahan, paglalarawan ito ng Kanyang tema—Ang mga banal lamang ang magmamana sa kaharian ng Diyos.
Kaya’t ang bawa’t nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito [literal na “ginagawa niya ang mga ito”]ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, nguni’t hindi nagiba sapagka’t nakatayo iyon sa bato. Ang bawa’t nakikinig ng aking salita nguni’t hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito [literal na “hindi ginagawa ang mga ito”] ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak (Mt. 7:24-27).
Ang pangwakas na halimbawa ni Jesus ay hindi pormula ng “tagumpay sa buhay” na tulad ng paggamit ng iba. Ipinakikita ng konteksto na hindi Siya nagpapayo kung paano umunlad sa mga mahihirap na panahon sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang mga pangako. Ito ang lagom ng lahat ng sinabi ni Jesus sa Kanyang Sermon sa Bundok. Ang mga gumagawa ng Kanyang sinasabi ay marunong at tatagal; hindi sila kailangang matakot sa galit ng Diyos. Ang mga hindi sumusunod sa Kanya ay hangal at maghihirap, titiisin “ang parusang walang hanggang kapahamakan” (2 Tes.1:9).
Sagot sa isang Tanong (Answer to an Question)
Hindi ba posible na ang Sermon sa Bundok ni Jesus ay para lamang sa Kanyang mga tagasunod na namuhay bago ang Kanyang paghahain ng buhay at muling pagkabuhay? Hindi ba’t nasa ilalim sila ng Kautusan bilang pansamantalang paraan ng kaligtasan, at nang mamatay si Jesus dahil sa kanilang kasalanan ay naligtas ng pananampalataya, at kung gayon ay pinawawalang-bisa ang tema ng sermong ito?
Masama ang teoryang ito. Walang sinuman ang naligtas ng kanyang mga gawa. Laging dahil sa pananampalataya, bago o sa panahon ng lumang kasunduan. Nangangatwiran si Pablo sa Roma 4 na kapwa sina Abraham (bago ang lumang kasunduan) at David (sa lumang kasunduan) ay napagtibay ng pananampalataya at hindi gawa.
Dagdag pa rito, imposibleng ang mga tagapakinig ni Jesus ay naligtas ng kanilang gawa, dahil lahat sila ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (tingnan ang Rom. 3:23). Tanging ang pagpapala ng Diyos ang magliligtas sa kanila, at pananampalataya lamang ang makatatanggap ng Kanyang pagpapala.
Sa malas, napakarami sa iglesia ngayon ang tumitingin sa mga utos ni Jesus bilang walang silbi kundi ang konsensyahin tayo upang makita nating imposible ang kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa. Ngayon at ‘nakuha na natin ang mensahe” at naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, maaari nating ipagwalang-bahala ang marami sa Kanyang mga utos. Maliban, siyempre, kung nais nating “maligtas” ang iba. Nang sa ganoon ay mahuhugot nating muli ang mga utos upang ipakita sa mga tao kung gaano ang kanilang kasalanan upang maligtas sila ng isang “pananampalatayang” walang gawa.
Gayumpaman, hindi sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na “Kaya’t humayo kayo at gumawa ng mga alagad, at siguraduhing mapagtanto nila na, kapag nakonsensya sila at pagkatapos ay naligtas ng pananampalataya, nagawa na ng Aking mga utos ang layunin nito sa kanilang buhay.” Bagkus, sinabi Niya, “Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad Ko ang mga tao sa lahat ng bansa…turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo” (Mt. 28:19-20, idinagdag ang pagdidiin). Iyan ang ginagawa talaga ng mga ministrong tagalikha-ng-alagad.
[1] Magiging totoo ito sa laging itinuturing na “seremonyal na aspekto ng Kautusan” pati ang “aspektong moral ng Kautusan,” bagama’t karamihan sa Kanyang higit na malalim na pagpapaliwanag tungkol sa pagtupad Niya sa seremonyal na utos ay ibibigay ng Banal na Espiritu sa mga apostol pagkatapos ng Pagkabuhay Niyang muli. Naiintindihan na natin kung bakit hindi kailangan ng mga alay na hayop sa ilalim ng bagong kasunduan, dahil si Jesus ang kordero ng Diyos. Hindi rin natin sinusunod ang mga utos sa pagkain ng lumang kasunduan dahil inihayag ni Jesus na malinis ang lahat ng pagkain (tingnan ang Mc. 7:19). Hindi natin kailangan ang pamamagitan ng makalupang mataas na pari dahil si Jesus na ang ating Mataas na Pari, at iba pa. Nguni’t di tulad ng seremonyal na utos, walang bahagi ng utos na moral ang napalitan ng sinabi o ginawa ni Jesus, bago o pagkatapos Niyang mamatay at muling mabuhay. Bagkus, pinalawak at isinulong ni Jesus ang kautusang moral ng Diyos, gaya rin ng ginawa ng mga alagad na binigyang-inspirasyon ng Espiritu pagkabuhay Niyang muli. Ang aspektong moral ng Kautusan ni Moises ay nakadagdag lahat sa utos ni Cristo, ang utos ng bagong kasunduan. Tandaan din na nakikipag-usap sa araw na iyon si Jesus sa mga Judio sa ilalim ng kautusan ni Moises. Kaya ang Kanyang mga salita sa Mt. 5:17-20 ay kailangang maipakahulugan batay sa umiiral Niyang pahayag na matatagpuan sa Bagong Tipan.
[2] Translator’s note: I inserted the word “Kaya” which is “For” (although not in the Bleib version that I am using as reference, because it is crucial to the original text.
[3] Dagdag pa rito, kung ang tinutukoy ni Jesus ay ang ipinaratang, ligal na katuwiran na natanggap natin bilang regalo dahil nanampalataya tayo sa Kanya, bakit hindi man lang Niya ipinahiwatig ito? Bakit Siya nagsabi ng isang bagay na hindi maiintindihan ng mga taong walang pinag-aralan na Kanyang kinakausap, na hindi kailanman mahuhulaan na ang tinutukoy Niya ay ipinaratang na katuwiran?
[4] Muli, hindi hinuhusgahan ng Diyos ang bagong asawa ng pangangalunya. Gumagawa siya ng mabuting bagay, pinakakasalan at sinusustentuhan ang isang babaing hiwalay sa asawa. Subali’t kung hinikayat ng isang lalaki ang isang babae upang hiwalayan ang kanyang asawa upang mapakasalan siya, nagkakasala siya ng pangangalunya, at marahil iyan ang naiisip ni Jesus dito.
[5] Siyempre, mayroong ibang sitwasyong mabibigyang-pansin. Halimbawa, ang Cristianong babaing di ligtas ang asawa na naghiwalay sa kanya ay hindi maituturing na nangangalunya kung nag-asawa siya ng lalaking Cristiano.
[6] Sa isang susunod na kabanata tungkol sa paghihiwalay at muling pag-aasawa, palalawigin ko ang paliwanag tungkol sa isyu.
[7] Sa mga susunod na mga pahina ng aklat na ito, idinagdag ko ang isang buong kabanata tungkol sa paksang pag-aayuno.
[8] Sa malas, inaangkin ng iba na hindi ito panalanging dapat gamitin ng mga Cristiano dahil hindi ito ipinanalangin “sa pangalan ni Jesus.” Nguni’t kung gagamitin ang lohikang iyan, ipagpapalagay natin na maraming panalangin ng mga apostol na nakatala sa aklat ng Mga Gawa at mga Sulat ay hindi panalanging Cristiano.”
[9] Sa ibang okasyon, gumawa si Jesus ng parehong pahayag tungkol sa imposibleng pninilbihan sa Diyos at salapi, at sinasabi sa atin ni Lucas, “Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagka’t sakimsila sa salapi” (Lu. 16:14). Kaya muli, dito sa Sermon sa Bundok, malinaw na ibinubunyag ni Jesus ang gawain at pangaral ng mga Pariseo.
[10] Translator’s note: this particular word is included (although absent in the translated Bible being used) because it is crucial to the text.
[11] The Works of John Wesley (Baker: Grand Rapids, 1996), ni John Wesley, muling inimprenta mula sa edisyong 1872 na inisyu ng Wesleyan Methodist Book Room, London, pp. 441, 416.
[12] Hindi ko matanggihan ang pagkakataong magkomento rin dito tungkol sa isang karaniwang ekspresyong ginagamit ng mga tao kapag binibigyang-katwiran ang mga kasalanan ng iba: “Hindi natin alam ang nasa puso nila.” Salungat dito, sinabi dito ni Jesus na ibinubunyag ng panlabas ang nasa loob. Sa ibang lugar, sinabi Niya, “Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig” (Mt. 12:34). Kapag pagkasuklam ang mga salita ng isang tao, ipinapakitang pagkasuklam ang nasa puso nito. Sinabi rin ni Jesus sa atin na “sapagka’t sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan” (Mc. 7:21-22). Kapag gumawa ang isang tao ng pangangalunya, alam natin ang nasa puso niya: pangangalunya.