Makabagong Mito Tungkol sa Espiritwal na Paghahamok, Unang Bahagi

Kabanata 30

Ang paksang espiritwal na paghahamok ay naging popular sa iglesia nitong mga nakalipas na taon. Sa malas, sinasalungat ng marami sa mga itinuturo tungkol dito ang Kasulatan. Dahil doon, maraming ministro sa buong mundo ang nagtuturo at nagsasabuhay ng uri ng espiritwal na paghahamok na kailanman ay hindi itinatalaga ng Biblia. Talagang mayroong espiritwal na paghahamok na naaayon sa kasulatan, at iyan dapat ang mga isinasabuhay at itinuturo ng mga ministrong tagalikha-ng-alagad.

Sa kabanatang ito at sa susunod, tatalakayin ko ang ilan sa pinakakaraniwang maling paniniwala tungkol kay Satanas at espiritwal na paghahamok. Ito ay pinaikling bersyon ng buong librong isinulat ko na may pamagat na Modern Myths About Satan and Spiritual Warfare. Ang librong ay mababasa sa kabuuan nito sa Ingles sa ating website sa [1]

Sinasabi sa atin ni Daniel na tatlong linggo siyang nagdalamhati sa taon ng paghahari ni Cyrus, hari ni Persia, nang nagpakita sa kanya ang isang anghel sa tabi ng IlogTigris. Ang layunin ng pagdalaw ng anghel ay upang bigyan siya ng pagkakaintindi tungkol sa kinabukasan ng Israel, at bahagya na nating napag-aralan ang sinabi kay Daniel sa isang nakaraang kabanata tungkol sa Rapture at ang Katapusan ng Panahon. Sa kanilang pag-uusap, sinabi ng di-pinangalanang anghel kay Daniel:

Huwag kang matgakot, Daniel, sapagka’t mula pa nang nagpakumbaba ka sa harapan ng Diyos upang magkaroon ka ng pang-unawa , dininig na ang iyong dalangin. Kaya naparito ako. Nguni’t pinigilan ako ng pinuno ng kaharian ng Persia sa loob ng dalawampu’t isang araw, hanggang sa dumating si Miguel, isa sa mga pangunahing pinuno na sumaklolo sa akin sapagka’t naiwan ako noong nag-iisa kasama ng mga hari ng Persia (Dan. 10:12-13, idinagdag ang pagdidiin).

Nalaman ni Daniel na dininig ang kanyang panalangin tatlong linggo bago dumating ang anghel, nguni’t nangailangan ng tatlong linggo upang makarating sa kanya. Ang dahilan ng pagkabalam ng anghel ay “iniwan siya ng prinsipe ng kaharian ng Persia”. Nguni’t nakatakas siya, nang si Miguel, “isa sa mga pinunong prinsipe,” ay dumating upang tulungan siya.

Noong malapit nang iwan ng anghel si Daniel, sinabi nito sa kanya,

Babalik ako sa Persia upang ituloy ang pakikipaglaban sa pinuno ng kahariang iyon. Pagkatapos ay darating naman ang pinuno ng Grecia. Naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang nasa Aklat ng Katotohanan. Sa pakikipaglaban ko’y wala akong makatulong kundi si Miguel na iyong pinuno (Dan. 10:20-21).

Maraming interesanteng katotohanan ang maituturo ng pahayag ng Kasulatang ito. Muli, makikita natin na ang mga anghel ng Diyos ay hindi makapangyarihan-sa-lahat, at talagang maaari silang makisangkot sa pakikipaglaban sa mga masasamang kampon. Pangalawa, malalaman natin na ang ilang anghel (tulad ni Miguel) ay higit na makapangyarihan kaysa iba (tulad ng nakipag-usap kay Daniel).

Mga Tanong na Walang Kasagutan (Questions for Which We Have No Answers)

Matatanong natin, “Bakit hindi ipinadala ng Diyos si Miguel noong una pa upang ibigay ang mensahe kay Daniel nang sa ganoon ay wala sanang tatlong linggong pagkaantala?” Ang katotohanan ay hindi sinasabi sa atin ng Biblia kung bakit ipinadala ng Diyos ang isang anghel na walang dudang alam niyang hindi makakalampas sa “prinsipe n Persia” nang hindi tinutulungan ni Miguel. Katunayan, wala tayong idea kung bakit gagamit ang Diyos ng sinumang anghel upang magpadala ng mensahe sa isang tao! Bakit hindi Siya ang mismong pumunta, o malakas na nakipag-usap kay Daniel, o pansamantalang dalhin si Daniel sa langit upang doon Niya sabihin? Hindi lang natin alam.

Nguni’t pinatutunayan ba ng pahayag na ito na palagiang may labanan sa espiritwal na lupain sa pagitan ng mga anghel ng Diyos at mga kampon ni Satanas? Hindi, pinatutunayan lamang nito na, libu-libong taon na ang nakaraan, may isang linggong labanan sa pagitan ng isa sa mga mahinang anghel ng Diyos at isang kampon ni Satanas na nagngangalang “ang prinsipe ng Persia,” isang labanang, kung kalooban ng Diyos, ay hindi sana nangyari. Ang isa pang tanging labanan ng mga anghel sa buong Biblia ay ang labanan sa langit sa hinaharap, na nakatala sa Pahayag. Iyan talaga. Maaaring nagkaroon ng iba pang labanan ng mga anghel, nguni’t iyan ay pagpapalagay lamang.

Isang Mitong Batay sa Isang Mito (A Myth Based Upon a Myth)

Pinatutunayan ba ng kuwento ni Daniel na ito at ng prinsipe ng Persia na ang ating espiritwal na labanan ay maaaring magtakda ng kalalabasan ng mga labanan ng anghel? Muli, ipinapalagay ng ideang ito (batay sa ilang kasulatan) na may regular na labanan ng mga anghel. Nguni’t lulundag tayo sa kadiliman at sabihing, oo, may regular na labanan ng mga anghel. Pinatutunayan ba ng kuwento ni Daniel na ito na ang ating espiritwal na labanan ay maaaring magtakda ng kalalabasan ng mga labanan ng anghel na maaaring talagang nagaganap

Ito ay laging tinatanong ng mga nagsusulong ng mitong ito, “Paano kung isang araw ay sumuko na si Daniel?” Siyempre, walang tunay na nakakaalam ng sagot sa tanong na iyan, dahil ang totoo, hindi huminto si Daniel sa kakahanap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin hanggang dumating ang di pinangalanang anghel. Nguni’t ang pahiwatig sa pagtatanong nito ay upang hikayatin tayo na si Daniel, sa pamamagitan ng patuloy na espiritwal na labanan, ang susi sa pananagumpay sa kalangitan ng di pinangalanang anghel. Kung sumuko si Daniel sa espiritwal na pakikipaglaban, ipinalalagay na hindi nakalampas ang anghel sa pamimilanggo ng prinsipe ng Persia. Nais nilang paniwalaan natin na tayo, katulad ni Daniel, ay dapat magpatuloy sa espiritwal na labanan, kung hindi pagtatagumpayan ng masamang kampon ang isa sa mga anghel ng Diyos.

Una, nais kong banggitin na hindi nakikihamok sa “espiritwal na labanan” si Daniel—nananalangin siya sa Diyos. Hindi binabanggit na may sinasabi siya sa sinumang makademonyong anghel, o binibigkis sila, o “nakikipaglaban” sa kanila. Katunayan, si Daniel ay walang alam sa nangyayaring labanan ng mga anghel hanggang sa pagtatapos ng tatlong linggo at nagpakita sa kanya ang di pinangalanang anghel. Ginugol niya ang tatlong linggong iyon sa pag-aayuno at paghanap sa Diyos.

Kaya babaguhin natin ang ayos ng tanong: Kung huminto sa pananalangin at paghahanap sa Diyos si Daniel pagkalipas ng isa o dalawang araw, nabigo kaya angDiyos? Hindi natin alam. Nguni’t nais kong banggitin na kailanman ay hindi sinabi ng di pinangalanang anghel kay Daniel, “Mabuti’t nagpatuloy ka sa pananalangin, kung hindi, nabigo ako.” Hindi, kinilala ng anghel si Miguel dahil sa kanyang tagumpay. Malinaw na ang Diyos ang nagpadala sa di pinangalanang anghel at kay Miguel, at ipinadala Niya sila bilang tugon sa panalangin ni Daniel upang magkaroon ng pang-unawa sa mangyayari sa Israel sa kinabukasan. Isang pagpapalagay ang isiping kung hindi huminto si Daniel sa pag-aayuno o paghanap sa Diyos, sinabi sana ng Diyos, “OK, sa inyong dalawang anghel, huminto na si Daniel sa pag-aayuno at pananalangin, kaya kahit na ipinadala ko ang isa sa inyo upang magbigay ng mensahe sa kanya sa unang araw ng kanyang pag-aayuno at pananalangin, kalimutan n’yo na ang mensaheng iyon para kay Daniel. Tila hindi na magkakaroon ng pang-labing-isa o panlabindalawang kabanata sa aklat ni Daniel.”

Malinaw na nagpursigi si Daniel sa pananalangin (hindi “espiritwal na labanan”), at tumugon ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga anghel. Tayo rin ay dapat magpursigi sa pananalangin sa Diyos, at kung kalooban ng Diyos, ang sagot ay makararating sa pamamagitan ng isang anghel. Nguni’t huwag kalimutang maraming halimbawa ng mga anghel na nagdadala ng mga mensahe sa mga tao sa biblia na walang banggit ng sinumang nananalangin kahit minsan, gaano pa ang manalangin nang tatlong linggo. [2] Kailangan nating manatiling balanse. Gayundin, maraming mga pagkakataong nagpadala ng mensahe ang mga anghel sa mga tao sa biblia na walang pagbanggit sa naturang mga anghel na kailangang labanan nila ang mga kampon ng demonyo papunta sa langit. Marahil ay kinailangan ng mga anghel na iyon na labanan ang mga masasamang anghel upang maipadala ang kanilang mga mensahe, nguni’t kung magkagayon man, hindi natin alam, dahil hindi sinasabi ng Biblia sa atin.

Kaya dadako na tayo sa pangatlong karaniwang-pinaniniwalaang mito.

Mito #3 : “Nang bumagsak si Adan, nakuha ni Satanas ang Pangungupahan kay Adan upang Kontrolin ang Mundo.” (Myth #3: “When Adam Fell, Satan Got Adam’s Lease to Control the World.”)

Ano ba talaga ang nangyari kay Satanas sa pagbagsak ng sangkatauhan? Ipinapalagay ng ilan na umangat ang ranggo ni Satanas nang bumagsak si Adan. Sinasabi nila na si Adan ay orihinal na “diyos ng mundong ito,” nguni’t sa kanyang pagbagsak , nakuha ni Satanas ang posisyong iyon, na nagbibigay sa kanya ng karapatang gawin ang gusto niya sa mundo. Kahit ang Diyos ay sanasabing walang kapangyarihan upang pigilan siya mula noon, dahil may “ligal na karapatan” si Adan upang ibigay ang kanyang katungkulan kay Satanas, at kailangang kilalanin ng Diyos ang Kanyang kasunduan kay Adan na ngayo’y kay Satanas na. Sinasabing na kay Satanas na ang “Pangungupahan ni Adan,” at hindi mapapatigil ng Diyos si Satanas hanggang “matapos ang pangungupahan ni Adan.”

Tama ba ang teoryang ito? Nakuha ba ni Satanas ang “pangungupahan ni Adan” sa pagbagsak ng sangkatauhan?

Talagang hindi. Walang nakuha si Satanas sa pagbagsak ng sangkatauhan kundi isang sumpa mula sa Diyos ang isang banal na pangako ng kanyang ganap na kamatayan.

Ang katotohanan ay hindi kailanman sinasabi ng Biblia na si Adan ang orihinal na “diyos sa mundong ito.” Pangalawa, kailanman ay hindi sinasabi ng Biblia na may ligal na karapatan si Adan upang ibigay kaninuman ang sinasabing kapangyarihan niya sa mundo. Pangatlo, hindi kailanman sinasabi ng Biblia na may pangungupahan si Adan na isang araw ay matatapos. Lahat ng ideang ito ay wala sa kasulatan.

Anong kapangyarihan ang orihinal na hawak ni Adan? Mababasa natin sa Genesis na sinabi ng Diyos kay Adan at Eva na “magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa” (Gen. 1:28, idinagdag ang pagdidiin).

Walang sinabi ang Diyos kay Adan bilang “diyos” sa lupa, o makokontrol niya ang lahat, tulad ng kalagayan ng panahon, at lahat ng ipapanganak na tao sa hinaharap, at iba pa.

Binigyan lang Niya kapwa sina Adan at Eva, bilang mga unang tao, ng karapatan sa mga isda, ibon at hayop at inutusan silang punuin ang lupa at pamahalaan ito.

Nang hatulan ng Diyos ang lalaki, wala Siyang sinabi tungkol sa ipinapalagay na posisyon ni Adan bilang “diyos ng mundong ito.” Dagdag pa, wala siyang sinabi kina Adan at Eva tungkol sa pagkawala ng pamamahala nila sa mga isda, ibon at mga baka. Katunayan, palagay ko ay malinaw na ang sangkatauhan pa rin ang namamahala sa mga isda, ibon at “lahat ng mga hayop na gumagapang.” Pinupuno pa rin ng mga tao ang lupa at pinamamahalaan ito. Hindi nawala ni Adan ang alinman sa kanyang orihinal, at kaloob-ng-Diyos na kapangyarihan sa kanyang pagbagsak.

Hindi ba’t si Satanas ang “Diyos sa Lupang Ito”? (Isn’t Satan “God of This World”?)

Nguni’t hindi ba’t tinukoy ni Pablo si Satanas bilang “diyos ng lupang ito,” at tinukoy siya ni Jesus bilang “tagapamahala ng lupang ito”? Oo, nguni’t wala sa kanila ang nagpahiwatig na si Adan ay dating “diyos ng lupang ito” o nakuha ni Satanas ang katungkulang mula kay Adan nang bumagsak ito.

Dagdag pa, ang katungkulan ni Satanas bilang “diyos ng lupang ito” ay hindi patunay na magagawa ni Satanas ang anumang naisin niya sa lupa o walang kapangyarihan ang Diyos upang pigilan siya. Sinabi ni Jesus, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa (Mt. 28:18, idinagdag ang pagdidiin). Kung na kay Jesus ang lahat ng kapangyarihan sa lupa, iiral lang si Satanas kung maroon Siyang pahintulot.

Sino ang nagbigay ng lahat ng kapangyarihan kay Jesus sa langit at sa lupa? Marahil ay ang Diyos Ama, na taglay Niya sa Kanyang sarili upang maibigay ito kay Jesus. Kaya tinutukoy ni Jesus ang Kanyang Ama bilang “Panginoon ng langit at lupa” (Mt.11:25; Lu. 10:21, idinagdag ang pagdidiin).

Nasa Diyos lahat ng kapangyarihan sa lupa mula nang likhain Niya ito. Nagbigay Siya ng kaunting kapangyarihan sa mga tao noong una, at hindi kailanman nawala ng sangkatauhan ang ibinigay ng Diyos.

Kapag tinutukoy ng Biblia si Satanas bilang diyos o tagapamahala ng mundong ito, nangangahulugan lang na ang mga tao sa mundo (na hindi ipinanganak muli) ay sumusunod kay Satanas. Siya ang kanilang sinisilbihan, alam man nila o hindi. Siya ang kanilang diyos.

Ang Iniaalok na Lupa ni Satanas? (Satan’s Real-Estate Offer?)

Karamihan sa teoryang Nakuha-ni-Satanas ay mula sa kuwento ng pagtukso ni Satanas kay Jesus sa ilang, na itinala nina Mateo at Lucas. Tingnan natin ang kuwento ni Lucas upang makita kung ano ang ating malalaman:

Dinala Siya[Jesus] ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa ilang saglit ay ipinakita sa Kanya ang lahat ng kaharian sa buong daigdig. Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang pamamahala sa lahat ng kahariang ito at ang kadakilaan nito. Ipinagkaloob ito sa akin, at maibibigay ko sa kaninumang naisin ko. Kaya’t kung ako’y sasambahin Mo, magiging sa Iyo na ang lahat ng ito.” Sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin, at Siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’” (Lu. 4:5-8).

Pinatutunayan ba ng pangyayaring ito na pinamamahalaan ni Satanas ang lahat sa mundo, o ibinigay ni Adan ito sa kanya, o walang kapangyarihan ang Diyos upang pigilin ang diyablo? Hindi, at may ilang mahuhusay na dahilan.

Una, dapat tayong mag-ingat sa pagbatay ng ating teolohiya sa isang pahayag na ginawa ng isang tinawag ni Jesus na “ama ng kasinungalingan” (Jn. 8:44). Kung minsan ay nagsasabi ng totoo si Satanas, nguni’t sa kasong ito, kailangan nating iwagayway ang bandilang nagbabadya ng panganib, dahil malinaw na ang sinabi ni Satanas ay taliwas sa isang bagay na sinabi ng Diyos.

Sa ikaapat na kabanata ng aklat ni Daniel, makikita natin ang kuwento ng pagkapahiya ng Haring Nebuchadnezzar. Sinabihan ni propetang Daniel si Nebuchadnezzar, puno ng kayabangan dahil sa kanyang posisyon at mga nagawa, na mabibigyan siya ng isip ng isang hayop hanggang kilalanin niyang “ang kaharian ng tao’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos, at maibibigay Niya ang kahariang ito sa sinumang Kanyang naisin” (Dan. 4:25, idinagdag ang pagdidiin). Apat na ulit na ang pahayag na ito’y ginawa kaugnay ng kuwentong ito, na nagdidiin ng kanyang kahalagahan (tingnan ang Dan. 4:17, 25, 32; 5:21).

Pansinin na sinabi ni Daniel, “ang kaharian ng tao’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos.” Ipinakikita niyan na may kontrol ang Diyos sa lupa, hindi ba?

Pansinin rin na ang inaangkin ni Daniel ay tila direktang kasalungat ng sinabi ni Satanas kay Jesus. Sinabi ni Daniel na “ibinibigay ng Diyos sa kaninumang naisin Niya” at sinabi ni Satanas na, “maibibigay ko sa kaninumang naisin ko” (Lu. 4:6).

Kaya sino ang paniniwalaan mo? Ako mismo ay maniniwala kay Daniel.

Nguni’t may posibilidad na nagsasabi ng totoo si Satanas—kung titingnan natin ang sinabi niya sa ibang anggulo.

Si Satanas ay “ang diyos ng mundong ito,” na, tulad ng sinabi ko na, nangangahulugang pinamamahalaan niya ang kaharian ng kadiliman, pati na ang mga tao sa lahat ng bansang nagrerebelde sa Diyos. Inihahayag ng Biblia na “ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo” (1 Juan 5:19). Nang angkinin ni Satanas na na makapagbibigay siya ng kapangyarihan sa mga kaharian sa lupa sa kaninumang naisin niya, maaaring tinutukoy niya ang kanyang nasasakupan lamang, ang kaharian ng kadiliman, na binubuo ng maliliit na kahariang maituturing na kahariang may sariling sakop at politika. Sinasabi sa atin ng Kasulatan na may iba-ibang ranggo ng mga masasamang espiritu si Satanas kung saan maaaring pamahalaan niya ang kanyang kaharian (tingnan ang Efe. 6:12), at maaari niyang ituring na siya ang nagpapataas o nagpapababa ng mga espiritung iyon sa ilalim ng kanyang ranggo, dahil siya ang pinuno. Kung magkagayon, lehitimong iniaalok ni Satanas kay Jesus ang pagiging pangalawang masamang espiritu—pagkatapos niya—upang tulungan siyang mamahala sa madilim niyang kaharian. Ang gagawin lang ni Jesus ay yumukod sa harap ni Satanas at sambahin siya. Mabuti na lang at pinalampas ni Jesus ang pagkakataong “umangat.”

Sino ang Nagbigay kay Satanas ng Kanyang Kapangyarihan? (Who Gave Satan His Authority?)

Nguni’t paano ang pag-angkin ni Satanas na ang kapangyarihan sa mga kahariang iyon a “naibigay” sa kanya?

Muli, may malaking posibilidad na nagsisinungaling si Satanas. Pero pagbigyan natin siya at ipalagay na nagsasabi siya ng totoo.

Pansinin na hindi sinabi ni Satanas na ibinigay ito ni Adan sa kanya. Tulad ng nakita na natin, hindi maaaring ibinigay ni Adan kay Satanas dahil kailanman ay hindi kay Adan ito kaya hindi niya maipapamigay . Pinamahalaan ni Adan ang isda, ibon, at baka, hindi kaharian. (Katunayan, walang mga kaharian ng taong pamamahalaan nang bumagsak si Adan.) Gayundin, kung inaalok ni Satanas si Jesus upang mamahala sa kaharian ng kadiliman, na binubuo ng lahat ng masasamang espiritu at di ligtas na mga tao, kailanman ay hindi naipamigay ni Adan ang katungkulang iyon kay Satanas. Pinamamahalaan ni Satanas ang mga bumagsak na anghel bago nalikha si Adan.

Maaaring ang ibig sabihin ni Satanas ay ibinigay ng lahat ng tao sa mundo ang kapangyarihang mamuno sa kanila, dahil hindi sila nagpasakop sa Diyos at, alam man nila o hindi, nagpasakop sa kanya.

Ang higit na mainam na posibilidad ay ibinigay ito ng Diyos sa kanya. Posible, kung titingnan ang Kasulatan, na sinabi ng Diyos kay Satanas, “Ikaw at ang iyong masasamang espiritu ay pinapayagan Kong mamahala sa lahat ng taong hindi nagpasakop sa Akin.” Maaaring mahirap ninyong tanggapin iyan ngayon, nguni’t sa kalaunan ay makikita ninyong iyan ang pinakamainam na paliwanag sa inaangkin ni Satanas. Kung totoong ang “kaharian ng tao’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos” (Dan. 4:25), anumang kapangyarihang mayroon si Satanas sa mga tao ay maaaring ibinigay ng Diyos.

Pinamamahalaan lang ni Satanas ang kaharian ng kadiliman, na matatawag ding “kaharian ng parerebelde.” Pinamahalaan niya ang kahariang iyon mula nang natiwalag siya sa langit, bago bumagsak si Adan. Hanggang sa pagbagsak ni Adan, binuo lang ng mga rebeldeng anghel ang kaharian ng kadiliman. Nguni’t nang nagkasala si Adan, sumapi siya sa kaharian ng pagrerebelde, at mula noon ay isinama hindi lang ang mga rebeldeng anghel, kundi pati rebeldeng tao.

May pamamahala si Satanas sa kanyang madilim na lupain kahit noong hindi pa nalikha si Adan, kaya huwag nating isiping nakuha ni Satanas ang isang bagay na dating pag-aari ni Adan. Hindi, nang nagkasala si Adan, sumapi siya sa isang kahariang naroon na, isang kahariang pinamamahalaan ni Satanas.

Nagulat ba ang Diyos sa Pagbagsak? (Was God Surprised by the Fall?)

Isa pang kahinaan sa “teoryang Nakuha-ni-Satanas” ay pinalalabas nito na tanga ang Diyos, na tila nagulantang Siya sa mga pangyayari ng pagbagsak at dahil doon, nakita ang Sarili sa malungkot na katayuan. Alam ba ng Diyos na tutuksuhin ni Satanas sina Adan at Eva at magkakaroon ng pagbagsak ng tao? Kung ang Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat, at totoo iyan, maaaring alam Niya ang mangyayari. Kaya sinasabi sa ating ng Biblia na gumawa Siya ng mga plano upang tubusin ang sangkatauhan bago pa man Niya ito likhain (tingnan ang Mt. 25:34; Acts 2:2-23; 4:27-28; 1 Cor. 2:7-8; Efe. 3:8-11; 2 Tim. 1:8-10; Pah. 13:8).

Nilikha ng Diyos ang diyablo kahit alam Niyang babagsak ito, at nilikha Niya sina Adan at Eva kahit alam Niyang babagsak sila. Talagang hindi maaaring dinaya ni Satanas ang Diyos at nakuha ang isang bagay na ayaw ibigay ng Diyos kay Satanas.

Sinasabi ko ban a gusto ng Diyos si Satanas bilang “diyos ng mundong ito?” Oo, habang tumutupad ito sa Kanyang mga banal na layunin. Kung ayaw pairalin ng Diyos si Satanas, pipigilan lang Niya ito, na tulad ng sinasabi sa atin sa Pahayag 20:1-2. Isang araw ay gagawin Niya iyan.

Nguni’t hindi ko sinasabi na gusto ng Diyos ang sinuman upang manatili sa pamamahala ni Satanas. Nais ng Diyos na maligtas ang lahat at takasan ang lupaing-bayan ni Satanas (Gw. 26:18; Col. 1:13; 1 Tim. 2:3-4; 2 Ped. 3:9). Bagama’t pinapayagan ng Diyos si Satanas upang pamahalaan ang sinumang nagmamahal sa kadiliman (tingnan ang Jn. 3:19)—ang mga nagpapatuloy sa pagrerebelde sa Kanya.

Nguni’t wala ba tayong magagawa upang tulungang makatakas ang mga tao sa madilim na kaharian ni Satanas? Oo, maipapanalangin natin sila at hikayating magsisi at maniwala sa magandang balita (na siyang utos sa atin ni Jesus). Kung magkagayon, maliligtas sila sa kapangyarihan ni Satanas. Nguni’t ang isiping “mahihila” natin ang mga masasamang espiritung humahawak sa kanila ay isang kamalian. Kung nais ng mga taong manatili sa kadiliman, hahayaan sila ng Diyos. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na kung ang mga tao sa tanging lunsod ay hindi tumanggap ng kanilang mensahe, pagpagin nila ang alikabok sa kanilang mga paa at pumunta sa ibang lunsod (Mt. 10:14). Hindi Niya sinabi sa kanila na manatili at buwagin ang mga muog sa lunsod upang higit na mapagtanggap ang mga tao. Pinapayagan ng Diyos ang mga masasamang espiritu na ibilanggo ang mga tumatangging pumunta sa Kanya.

Karagdagang Patunay ng Pinakamataas na Kapangyariha ng Diyos Laban kay Satanas (Further Proof of God’s Supreme Authority Over Satan)

Maraming mga kasulatan ang mariing nagpapatunay na hindi nawala ng Diyos ang hawak kay Satanas sa pagbagsak ng tao. Paulit-ulit na pinatototohanan ng Biblia na laging nagkaroon at laging magkakaroon ng ganap na kontrol ang Diyos kay Satanas. Magagawa lang ng diyablo ang pinapayagan ng Diyos. Titingnan muna natin ang ilang paglalarawan ng Lumang Tipan sa katotohanang ito.

Ang unang dalawang kabanata ng aklat ni Job ay naglalaman ng primera-klaseng halimbawa ng kapangyarihan nd Diyos laban kay Satanas. Mababasa natin doon si Satanas, sa harap ng trono ng Diyos, na pinararatangan si Job. Sinusunod ni Job ang Diyos ng higit kaninuman sa lupa sa panahong iyon, kaya natural na tinatamaan siya ni Satanas. Alam ng Diyos na “pinuntirya” ni Satanas si Job (Job 1:8, tingnan ang tala sa gilid ng NASB), at nakinig Siya nang paratangan ni Satanas si Job na naninilbihan lamang sa Kanya dahil sa mga makukuha nito (tingnan ang Job 1:9-12).

Sinabi ni Satanas na binakuran Niya si Job at ipinakiusp na tanggalin Niya ang mga pagpapala ni Job. Kaya, pinayagan ng Diyos si Satanas na bahagyang saktan si Job. Noong una ay hindi mahawakan ni Satanas ang katawan ni Job. Nguni’t nang lumaon, pinayagan ng Diyos na saktan ni Satanas ang katawan ni Job, bagama’t pinagbawalan siyang patayin ito (Job 2:5-6).

Malinaw na pinatutunayan ng pahayag na ito sa kasulatan na hindi magagawa ni Satanas ang anumang naisin niya. Hindi niya magagalaw ang mga pag-aari ni Job hangga’t hindi siya pinayagan ng Diyos. Hindi niya mananakaw ang kalusugan ni Job hangga’t hindi siya pinayagan ng Diyos. At hindi niya mapapatay si Job dahil pinagbawalan siya ng Diyos. [3] May control ang Diyos kay Satanas, kahit mula nang bumagsak si Adan.

Ang Masamang Espiritu ni Saul “Mula sa Diyos” (Saul’s Evil Spirit “From God”)

Maraming halimbawa ng paggamit ng Diyos sa mga masasamang espiritu ni Satanas bilang daluyan ng Kanyang galit sa Lumang Tipan. Mababasa natin sa 1 Samuel 16:14: “Samantala, ang espiritu ni Yahweh ay umalis na kay Saul at sa pahintulot ni Yahweh, isang masamang espiritu naman ang nagpahirap kay Saul.” Malinaw na naganap ang sitwasyong ito dahil sa disiplina ng Diyos sa di sumusunod na Haring Saul.

Ang tanong ay, ano ang ibig sabihin ng pariralang, “isang masamang espiritung galing sa Diyos”? Ibig sabihin ba nito na nagpadala ng masamang espiritu ang Diyos na kasama Niyang nananahan sa langit, o ibig sabihin ba nito na makapangyarihan pinayagan ng Diyos ang isa sa mga masamang espiritu ni Satanas upang saktan si Saul? Palagay ko ay karamihan sa mga Cristiano ang pipiliing tanggapin ang pangalawang posibilidad dahil sa natitirang katuruan ng Biblia. Ang dahilan kung bakit sinasabi ng kasulatan na ang masamang espiritu ay galing “sa Diyos” ay ang panggigipit ng masamang espiritu ay resulta ng banal na disiplina ng Diyos kay Saul. Kaya makikita natin na ang mga masasamang espiritu ay nasa ilalim ng pinakamakapangyarihang kontrol ng Diyos.

Sa Hukom 9:23 mababasa natin, “Nguni’t nagpadala ang Diyos ng espiritu ng hidwaan sa mga taga-Shekem at Bethmilo at sunugin si Abimelec,” upang mapapasa-kanila ang paghukom dahil sa kanila masasamang gawain. Muli, ang masamang espiritung ito ay hindi galing sa langit ng Diyos, kundi sa lupain ni Satanas, at banal na pinahintulutan upang gumawa ng mga masamang plano laban sa tanging nararapat na tao. Hindi magtatagumpay ang mga masamang balak ninuman nang walang pahintulot ang Diyos. Kung hindi iyan totoo, hindi makapangyarihan-sa-lahat ang Diyos. Kung gayon ay tunay na maipagpapalagay natin na nang bumagsak si Adan, walang nakuhang kapangyarihan si Satanas na hindi hawak ng Diyos.

Mga Halimbawa ng Kapangyarihan ng Diyos Laban kay Satanas sa Bagong Tipan (New Testament Examples of God’s Power Over Satan)

Nagbibigay ng karagdagang ebidensya ang Bagong Tipan na pinasisinungalingan ang teoryang Nakuha-ni-Satanas.

Halimbawa, mababasa natin sa Lucas 9:1 na binigyan ni Jesus ang Kanyang labindalawang alagad ng “kapangyarihan laban sa lahat ng demonyo.” Gayundin, sa Lukas 10:19, sinabi ni Jesus sa kanila, “Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo” (idinagdag ang pagdidiin).

Kung binigyan sila ni Jesus ng kapangyarihan laban sa lahat ng kapangyarihan ni Satanas, Mismong Siya muna ang dapat nagkaroon ng kapangyarihang iyan. Nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos si Satanas.

Sa pagpapatuloy ng ebanghelyo ni Lucas mababasa natin ang pagsabi ni Jesus kay Pedro, “Simon, Simon, hiniling ni Satanas na subukin kayo tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo ” (Lu. 22:31). Ipinapakita ng teksto na hindi masusubok ni Satanas si Pedro nang hindi humihungi ng permiso sa Diyos. Muli, nasa ilalim ng kontrol ng Diyos si Satanas. [4]

Ang Sanlibong-Taong Termino ng Pagkabilanggo ni Satanas (Satan’s Thousand-Year Prison Term)

Nang binasa natin ang pagbigkis kay Satanas ng isang anghel sa Pahayag 20, walang pagbanggit sa pagtatapos ng pangungupahan ni Adan. Ang dahilan ng pagkabilanggong ito ay “upang hindi na niya madaya ang mga bansa (Pah. 20:3).

Interesante na, pagkatapos mabilanggo ni Satanas nang 1,000 taon, mapapalaya siya at “darating siya upang dayain ang mga bansang nasa apat na sulok ng daigdig” (Pah. 20:8). Palalakasin ng mga nadayang bansang iyon ang kanilang hukbo upang lusubin ang Jerusalem, kung saan mamamahala si Jesus. Kapag napalibutan na nila ang lunsod, uulan ng apoy mula sa langit at “tutupukin sila” (Pah. 20:9).

Magpapakahangal ba ang sinuman upang sabihing kasali sa pangungupahan ni Adan ang isang maikling panahon pagkatapos ng 1,000 taong iyon, kay obligado ang Diyos na palayain si Satanas dahil doon? Kakatwa ang ideang iyan.

Hinbdi, ang matututuhan natin muli sa bahaging ito ng Kasulatan ay may ganap na kontrol ang Diyos sa diyablo at pinahihintulutan niya itong mandaya upang matupad lamang ang Kanyang mga banal na layunin.

Sa susunod na sanlibong-taong pamamahala ni Jesus, wala nang magagawa si Satanas, at hindi na makakapandaya. Nguni’t magkakaroon ng mga tao sa daigdig na panlabas lang ang pagsunod sa pamamahala ni Cristo, nguni’t sa kaloob-looban ay nais nilang malupig Siya. Nguni’t hindi nila tatangkain ang isang pag-aalsa dahil alam nilang wala silang pagkakataon upang alisin sa puwesto ang isang “mamamahala sa tungkod na bakal” (Pah. 19:15).

Nguni’t kapag napalaya si Satanas, madadaya ang mga taong, sa kaibuturan ng kanilang puso, ay kinasusuklaman si Cristo, at may kahangalang susubukan nila ang imposible. Sa pagpapahintulot kay Satanas na dayain ang mga magiging rebelde, mabubunyag ang kalagayan ng puso ng mga tao, at matuwid na hahatulan ng Diyos ang mga hindi karapat-dapat manahan sa Kanyang kaharian.

Siyempre, iyan ay isa sa mga dahilan kung bakit pinapayagan ng Diyos si Satanas upang dayain ang mga tao ngayon. Sa susunod ay susuriin natin ang higit na ganap na layunin ng Diyos para kay Satanas, nguni’t sa ngayon ay pansamantalang ipalagay natin na ayaw ng Diyos ang sinuman upang manatiling nadadaya. Bagama’t nais Niyang malaman ang nilalaman ng puso ng mga tao. Hindi madadaya ni Satanas ang mga nakakaalam at naniniwala sa katotohanan. Nguni’t pinapayagan ng Diyos ang diyablo upang dayain ang mga taong, dahil sa katigasan ng puso, ay tumatanggi sa katotohanan. Sa pagbanggit ng panahon ng anti-Cristo, isinulat ni Pablo:

Mahahayag na ang Suwail. Nguni’t pagdating ng Panginoong Jesus, papatayin Niya ang Suwail sa pamamagitan lamang ng pag-ihip at pupuksain Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang nakakasilaw na liwanag. Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak, sa mga taong ayaw umibig sa katotohanan, hahayaan ng Diyos na sila’y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan (2 Tes. 2:8-12, idinagdag ang pagdidiin).

Pansinin na ang Diyos ang nakilala sa pagbibigay ng “panlilinlang upang paniniwalaan nila ang mali.” Nguni’t pansinin din na ang mga malilinlang na tao ay mga “hindi naniwala sa katotohanan,” na nagpapakitang nagkaroon sila ng pagkakataon, nguni’t tinanggihan pa rin nila ang magandang balita. Papayagan ni Diyos si Satanas upang bigyang-kapangyarihan ang anti-Cristo ng mga maling tanda at kababalaghan upang ang mga tumatanggi kay Cristo ay madaya, at ang tunay na layunin ng Diyos ay “mahatulan silang lahat.” Iyan din ang dahilan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos si Satanas upang dayain ang mga tao ngayon.

Kung walang dahilan ang Diyos upang pahintulutang umiral si Satanas sa lupa, madali lang sana Niyang itinapon ito sa isang lugar sa sanlibutan nang bumagsak siya. Sinasabi sa atin ng 2 Pedro 2:4 na may mga tanging makasalanang kampon na itinapon na ng Diyos sa impiyerno at ibinilanggo sa “mga butas ng kadiliman, at nakareserbang mahatulan.” Nagawa sana ito kay Satanas at sa sinuman sa kanyang mga kampon ng Diyos nating makapangyarihan-sa-lahat kung kasama ito sa kanyang mga banal na layunin. Nguni’t sa kaunti pang panahon, may mainam na dahilan ang Diyos upang payagan si Satanas at kanyang mga kampon upang umiral sa lupa.

Ang Takot sa Pagparusa ng mga Demonyo (The Demons’ Fear of Torment)

Sa pagtatapos ng ating pag-aaral sa tanging mitong ito, isang pangwakas na halimbawa sa kasulatan ang titingnan natin tungkol sa kuwento ng mga nasapian ng demonyo sa Gadareno:

Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong Siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kaya’t walang sinuman ang dumaraan doon. Biglang nagsisigaw ang dalawang lalaki, “Ano ang pakialam Mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito Ka ba upang pahirapan kami kahit hindi pa panahon? (Mt. 8:28-29, idinagdag ang pagdidiin).

Laging ginagamit ang kuwentong ito ng mga nagpasimuno sa teoryang Nakuha-ni-Satanas upang suportahan ang kanilang mga idea. Ang sabi nila, “Umapila ang mga demonyong sa hustisya ni Jesus. Alam nilang wala Siyang karapatan upang pahirapan sila bago matapos ang pangungupahan ni Adan, ang panahong silat at si Satanas ay itatapon sa lawa ng apoy upang pahirapan araw at gabi magpakailanman.”

Nguni’t ang katunayan, ang kabaligtaran ang totoo. Alam nilang may kapangyarihan at karapatan si Jesus upang pahirapan sila kung kailan Niya gusto, kaya hiningi nila ang Kanyang habag. Malainaw na takot silang higit na maagang ipadala sila ng Anak ng Diyos upang pahirapan. Sinasabi sa atin ni Lucas na pinakiusapan nila Siya “na huwag silang utusang humayo sa butas ” (Lu. 8:31). Kung walang ganoong karapatan si Jesus dahil sa sinasabing ligal na karapatan ng diyablo, kailanman ay hindi sila mababahala.

Alam ng mga demonyong iyon na ganap silang nasa ilalim ng habag ni Jesus, na inilarawan ng kanilang pakiusap na huwag palayasin sa lugar na iyon (Mc. 5:10), ang pagsamo nila na pasapiin na lang sa mga baboy (Mc. 5:12), ang paghinging huwag maitapon “sa kalalimang walang hanggan” eir begging to not be cast into “the abyss” (Lu. 8:31), at ang pagmamakaawang huwag itapon sa lawa ng apoy bago dumating ang takdang panahon.”

Mito #4: “Si Satanas, bilang ‘diyos ng mundong ito’ ay may hawak sa lahat sa mundo, kasama na ang mga gobyerno ng mga tao, natural na kapahamakan, at ang lagay ng panahon.” (Myth #4: “Satan, as ‘the god of this world’ has control over everything on the earth, including human governments, natural disasters, and the weather.”)

Tinutukoy si Satanas sa Kasulatan bilang “diyos ng mundong ito” ni apostol Pablo (2 Cor. 4:4) at “tagapamahala sa mundong ito” ni Jesus (Juan 12:31; 14:30; 16:11). Batay sa mga katungkulang ito ni Satanas, marami ang nagpalagay na hawak ni Satanas ang mundo. Bagama’t nakita na natin ang sapat na kasulatan upang ibunyag ang kamalian ng natatanging mitong ito, mainam na ipagpatuloy pa natin ang pag-aaral nito upang magkaroon tayo ng ganap na pagkakaintindi kung gaano talaga kalimitado ang kapangyarihan ni Satanas. Kailangan nating mag-ingat na ang buong pagkakaintindi natin kay Satanas ay hindi lang nabuo batay sa apat na kasulatang tumutukoy sa kanya bilang diyos, o tagapamahala, ng mundo.

Habang sinisiyasat pa natin ang kabuuan ng Biblia, matutuklasan natin na hindi lang tinukoy ni Jesus si Satanas bilang “tagapamahala ng mundong ito,” kundi tinukoy rin Niya ang Kanyang Ama sa langit bilang “Panginoon ng langit at lupa” (Mt. 11:25; Lu. 10:21, idinagdag ang pagdidiin). Gayundin, hindi lang tinukoy ni apostol Pablo si Satanas bilang “ang diyos ng mundong ito,” kundi siya, tulad ni Jesus, ay tumukoy sa Diyos bilang “Panginoon ng langit at lupa” (Gw. 17:24, idinagdag ang pagdidiin). Pinatutunayan nito na ayaw ni Jesus at ni Pablo na isipin nating ganap na hinahawakan ni Satanas ang lupa. Kailangang malimitahan ang kapangyarihan ni Satanas.

Isang napakahalagang pagkakaiba sa magkasalungat na kasulatang ito ay makikita sa salitang mundo at lupa. Bagama’t madalas na iisa ang gamit natin sa mga salitang ito, sa orihinal na Griego, ang dalawang ay karaniwang hindi pareho. Kapag naintindihan na natin kung paano sila nagkakaiba, magiging madula ang paglaki ng pagkakaintindi natin sa kapangyarihan ng Diyos at ng Satanas sa lupa.

Tinukoy ni Jesus ang Diyos Ama bilang Panginoon ng lupa. Ang salitang isinalin bilang lupa ay ang Griegong ge. Tumutukoy ito sa pisikal na planetang pinananahanan natin, at nagmula dito ang Ingles na geography.

Bilang salungat, sinabi ni Jesus na si Satanas ang namamahala sa mundong ito. Ang salitang Griego para sa mundo mundo ay kosmos, at pangunahing tumutukoy sa ayos o pagkakaayos. Tumutukoy ito sa tao sa halip na ang pisikal na planeta mismo. Kaya madalas banggitin ng mga Cristiano si Satanas bilang “diyos ng sistema ng mundong ito.”

Sa kasalukuyan, walang ganap na kontrol ang Diyos sa mundo, dahil wala Siyang ganap na control sa lahat ng tao sa mundo. Ang dahilan dito ay binigyan Niya lahat ng tao ng pagpipilian tungkol sa kung sino ang kanilang pinuno, at marami ang pumiling ibigay ang kanilang katapatan kay Satanas. Ang malayang kalooban ng sangkatauah, siyempre, ay bahagi ng plano ng Diyos.

Gumamit si Pablo ng ibang salita para sa sanlibutan, ang Griegong salitang aion, nang tinukoy niya ang diyos ng sanlibutang ito. Maaaring gamitin ang aion at madalas na isinasalin bilang age, ibig sabihin, isang takdang hati ng panahon. Si Satanas ang diyos ng kasalukuyang panahon.

Ano ang ibig sabihin ng lahat nang ito? Ang lupa ay ang pisikal na planeta kung saan tayo nananahan. Ang sanlibutan ay tumutukoy sa mga taong kasalukuyang nananahan sa lupa, at, higit na ispesipiko, ang mga hind nanunungkulan kay Jesus. Nanunungkulan sila kay Satanas, at nabigkis sila sa kanyang ligaw, at makasalanang sistema. Tayo, bilang Cristiano, ay itinuturing na “nasa sanlibutan” nguni’t hindi “taga- sanlibutan” (Juan 17:11,14). Nananahan tayong kasama ang mga mamamayan ng kaharian ng kadiliman, nguni’t katunayan ay nasa kaharian tayo ng liwanag, ang kaharian ng Diyos.

Kaya ngayon mayroon na tayong kasagutan. Sa simpleng paghahayag: Pinaka-makapangyarihan pinanghahawakan ng Diyos ang buong lupa. Si Satanas, na pinahihintulutan ng Diyos, ay may control lamang sa “sistema ng sanlibutan,” na siyang control sa mga mamamayan ng kanyang madilim na kaharian. Dahil dito, isinulat ng apostol Juan na “ang buong sanlibutan (hindi ang buong lupa) ay nasa kapangyarihan ng diyablo” (1 Juan 5:19).

Hindi ibig sabihin niyan na walang kapangyarihan ang Diyos sa sanlibutan, o sa sistema ng sanlibutan, o sa mga tao sa sanlibutan. Siya ay, tulad ng ipinahayag ni Daniel, “namamahala sa kaharian ng tao, at ibibigay niya ito kaninumang naisin Niya” (Dan. 4:25). Maaari pa Niyang parangalan o pababain ang sinumang taong naisin Niya. Nguni’t bilang pinakamakapangyarihang “namamahala sa kaharian ng tao,” buong kapangyarihan Niyang pinayagan si Satanas upang mamahala sa bahagi ng sangkatauhang nagrerebelde sa Kanya.

Pagsaalang-alang sa Alok ni Satanas (Satan’s Offer Considered)

Ang pagkakaibang ito ng lupa at sanlibutan ay makakatulong din sa pag-intindi sa pagtukso kay Jesus sa ilang. Doon ipinakita ni Satanas kay Jesus ang “lahat ng kaharian sa sanlibutan sa isang saglit.” Hindi maaaring iniaalok ni Satanas ang isang katungkulang politikal sa panlupang gobyerno ng mga tao, ang tinatawag nating presidente o punong ministro. Hindi si Satanas ang nagpaparangal sa panlupang taong namamahala—kundi ang Diyos.

Bagkus, maaaring ipinakita ni Satanas ang lahat ng mga maliliit na kaharian ng kadiliman. Ipinakita niya kay Jesus ang herarkiya ng mga masasamang espiritung, sa kani-kanilang teritoryo, ay namumuno sa kaharian ng kadiliman, pati sa mga rebeldeng taong pinamumunuan nila. Inialok ni Satanas ang paghawak sa kanyang —kung sasama si Jesus kay Satanas upang labanan ang Diyos. Kung magkagayon ay naging pangalawang-pinuno sana si Jesus sa kaharian ng kadiliman.

Ang Pamamahala ng Diyos sa Makalupang Pamahalaan ng mga Tao (God’s Control Over Earthly, Human Governments)

Higit pa nating itatag ang katakdaan ng kapangyarihan ni Satanas sa pagsisiyasat ng mga kasulatang nagpapatotoo sa kapangyarihan ng Diyos sa mga makalupang pamahalaan ng mga tao. May bahagyang kapangyarihan si Satanas sa mga pamahalaan ng tao dahil lamang sa mayroon siyang kapangyarihan sa mga di ligtas na tao. Nguni’t sa katapusan, ang Diyos ang pinaka-pinuno ng mga pamahalaan ng tao, at mapapatakbo lang ni Satanas hanggang sa pagpapahintulot ng Diyos.

Nasiyasat na natin ang pahayag ni Daniel kay Haring Nebuchadnezzar, nguni’t dahil lubhang nakalilinaw, minsan pa nating tingnan.

Ang dakilang Haring Nebuchadnezzar ay naiangat sa kayabangan dahil sa kanyang kapangyarihan at mga nagawa, kaya iniutos ng Diyos na pababain siya upang malaman niyang “Ito ang hatol ng mga bantay na anghel upang malaman ng lahat na ang buong daigdig ay sakop ng Kataas-taasang Diyos. Maaari Niyang gawing hari ang sinumang nais Niya, kahit na ang pinakaabang tao” (Dan. 4:17). Malinaw na karapat-dapat ang Diyos na kilalanin sa ni Nebuchadnezzar sa politika. Totoo ito sa bawa’t makalupang pinuno. Ipinahayat ni apostol Pablo, nang tinutukoy niya ang mga makalupang pinuno, na “walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at angDiyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral” (Ro. 13:1).

Ang Diyos ang orihinal at pinakamataas na kapangyarihan ng buong sanlibutan. Kung mayroon mang kapangyarihan ang sinuman, iyan ay dahil maaaring ibinigay ng Diyos ang bahagi ng sa Kanya o pinahintulutan Niyang magkaroon ito ng bahagya.

Nguni’t paano ang mga masasamang pinuno? Ibig sabihin ba ni Pablo na itinatag sila ng Diyos? Oo. Sa unang bahagi ng sulat ding iyon, sinabi ni Pablo, “Sapagka’t ayon sa kasulatan ay sinabi niya sa hari ng Egipto, “Ginawa kitang hari upang sa pamamagitan mo’y maipakita Ko ang aking kapangyarihan, at maipahayag ang Aking pangalan sa buong daigdig’”(Rom. 9:17). Pinarangalan ng Diyos ang matigas-ang-ulong Hari upang alan Siya. Maipapakita ng Diyos ang Kanyang dakilang kapangyarihan sa pamamagitan ng Kanyang mga himala—isang pagkakataong ibinigay ng isang mahigpit na taong pinarangalan Niya.

Hindi ba’t nakikita rin ang katotohanang ito sa pakikipag-usap ni Jesus kay Pilato? Sa pagkamanghang hind sinasagot ni Jesus ang kanyang mga tanong, sinabi ni Pilato kay Jesus, “Ayaw mo bang makipag-usap sa akin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain Ka o ipapako sa krus?” (Jn. 19:10).

Sumagot si Jesus, “Magagawa mo lamang iyan sapagka’t ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang kapangyarihang iyan” (Juan 19:11, idinagdag ang pagdidiin). Dahil alam ng Diyos ang karuwagan ni Pilato, pinarangalan Niya ito upang ang nahirang na planong mamatay sa krus si Jesus ay matutupad. Ang isang madaliang pagbasa ng mga aklat sa kasaysayan sa Lumang Tipan ay nagbubunyag na minsan ay ginagamit ng Diyos ang mga masasamang pinuno bilang tagapagpatupad ng Kanyang galit sa mga nararapat na tao. Ginamit ng Diyos si Nebuchadnezzar upang hatulan ang maraming bansa sa Lumang Tipan.

Maraming halimbawa ang Biblia ng mga pinunong pinarangalan o pinababa. Halimbawa, sa Bagong Tipan ay mababasa natin ang tungkol kay Herod, na nabigong parangalan ang Diyos nang ang ilang nasasakupan niya ay sumigaw ng, “Isang Diyos ang nagsasalita, hindi tao!” (Gw. 12:22).

Ang resulta? “At noon din ay hinampas ng isang anghel ng Panginoon si Herodes…at siya’y kinain ng mga uod hanggang sa mamatay” (Gw. 12:23).

Isaisip na si Herod ay talagang isang mamamayan ng kaharian ng Satanas, nguni’t hindi siya labas sa pananakop ng Diyos. Malinaw na maaaring pabagsakin ng Diyos ang sinumang kasalukuyang makalupang pinuno kung nais Niya. [5]

Personal na Patotoo ng Diyos (God’s Personal Testimony)

Sa pagtatapos, basahin nating ang minsan ay sinabi mismo ng Diyos sa pamamagitan ng propetang Jeremias tungkol sa Kanyang dakilang kapangyarihan sa mga makalupang kaharian ng tao.

“O Israel, wala ba akong karapatang gawin sa iyo ang ginawa ng magpapalayok sa putik na iyon? Kayo’y nasa mga kamay ko, tulad ng putik sa magpapalayok. Kung sinabi ko man sa isang pagkakataon na aking bubunutin, ibabagsak o lilipulin ang alinmang bansa o kaharian, at ang bansang iyon ay tumalikod sa kanyang kasamaan, hindi ko na itutuloy ang aking sinabing gagawin” (Jer. 18:6-10).

Nakikita ba ninyong nang tuksuhin ni Satanas si Jesus sa ilang, hindi maaaring lehitimong ialok niya kay Jesus ang pamamahala sa makalupang kahariang politika ng mga tao? Kung nagsasabi siya ng katotohanan (na nangyayari kung minsan), ang maaari lamang niyang ialok kay Jesus ay ang paghawak ng kaharian niya sa kadiliman.

Nguni’t may impluwensiya ba si Satanas sa mga gobyerno ng tao? Oo, nguni’t dahil lamang sa siya ang espiritwal na panginoon ng di ligtas na mga tao, at ang mga taong di ligtas ay kasapi sa mga gobyerno ng tao. Bagama’t ang kanyang impluwensiya ay natatakdaan ng pinahihintulutan ng Diyos, at maaaring biguin ng Diyos ang anumang balak ni Satanas kailanman Niya nanaisin. Isinulat ni apostol Juan si Jesus bilang “pinuno ng mga hari sa lupa” (Pah. 1:5).

Si Satanas ba ang Nagdudulot ng Natural na Kalamidad at Masamang Panahon? (Does Satan Cause Natural Disasters and Adverse Weather?)

Dahil si Satanas “ang diyos ng sanlibutang ito,” ipinagpalagay din ng marami na hawak niya ang panahon at siya ang dahilan ng lahat ng natural na kalamidad, tulad ng tagtuyot, pagbaha, bagyo, lindol at iba pa. Nguni’t ito ba ang itinuturo sa atin ng Kasulatan? Muli, dapat tayong mag-ingat na hindi ibabatay ang ating buong teolohiya ni Satanas ayon sa isang kasulatang nagsasabing, “dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay at manira”(Jn. 10:10). Napakadalas kong marinig ang mga taong inuulit ang bersong ito bilang patunay na ang anumang nagnanakaw, pumapatay o naninira ay mula kay Satanas. Nguni’t kapag siniyasat pa natin ang Biblia, malalaman natin na kung minsan ay ang Diyos mismo ang pumapatay at naninira. Tingnan ang tatlong pahayag na ito sa maraming posibleng halimbawa:

Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at Siya rin ang hukom. Tanging Siya ang may kapangyarihang magligtas at magpahamak (San. 4:12, idinagdag ang pagdidiin).

Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo Siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan! (Lu. 12:5, idinagdag ang pagdidiin.)

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan nguni’t hindi naman nakakapatay ng kaluljuwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno (Mt. 10:28, idinagdag ang pagdidiin).

Kung sasabihin natin na lahat ng may kinalaman sa pagpatay o pagsira ay trabaho ni Satanas, nagkakamali tayo. Maraming-maraming halimbawa sa Biblia ng pagpatay at paninira ng Diyos.

Dapat nating tanungin ang ating sarili, Nang tinukoy ni Jesus ang magnanakay na dumarating upang pumatay, magnakaw, at manira, talaga bang tinutukoy Niya ang diyablo? Muli, ang kailangan lang nating gawin ay basahin sa konteksto ang Kanyang pahayag. Isang naunang berso bago ang Kanyang pahayag tungkol sa pagdating ng magnanakaw upang pumatay, magnakaw, at manira, sinabi ni Jesus, “Ang mga nauna sa Akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, nguni’t hindi sila pinakinggan ng mga tupa” (Jn. 10:8). Kapag nabasa natin ang buong diskurso ni Jesus sa Juan 10:1-15 at sinasabing Siya ang mabuting Pastol, nagiging higit na malinaw na ang Kanyang mga salitang magnanakaw at mga magnanakaw ay pagbanggit sa mga huwad na guro at pinunong relihiyoso.

Iba-ibang Pananaw sa Masungit na Panahon at Natural na Kalamidad (Various Views of Adverse Weather and Natural Disasters)

Kapag dumarating ang bagyo o lindol, nagkakaroon ng taong na teolohikal sa mga isipan ng mga taong naniniwala sa Diyos: “Sino ang may kagagawan nito?” Dalawa lamang ang posibilidad sa mga Cristianong naniniwala-sa-Biblia: Maaaring ang Diyos o si Satanas ang may kagagawan ng mga ito.

Maaaring tumutol ang ilan: “ay hindi! Hindi maaaring sisihin ang Diyos! Mga tao ang dapat sisihin. Hinahatulan sila ng Diyos sa kanilang kasalanan.”

Kung ang Diyos ang may kagagawan ng mga bagyo at lindol dahil sa Kanyang paghatol sa kasalanan, talagang masisisi natin ang mga rebeldeng tao sa halip na ang Diyos, nguni’t magkagayon man, may pananagutan pa rin ang Diyos, dahil ang mga natural na kalamidad ay hindi magaganap nang hindi Niya iniutos.

O, kung totoong pinapayagan ng Diyos si Satanas na magpadala ng mga bagyo at lindol upang hatulan ang mga makasalanan, masasabi nating ginagawa ang mga ito ni Satanas, bagama’t may pananagutan pa rin ang Diyos.Ang dahilan ay Siya ang nagbibigay-pahintulot kay Satanas upang gawin ang paninira dahil nangyayari ang mga kalamidad na iyon bunga ng Kanyang reaksiyon sa kasalanan.

Sinasabi ng iba na hindi ang Diyos ni si Satanas ang may kagagawan ng mga bagyo at lindol, kundi ang mga ito ay “natural na penomena sa ating mundo ng kasalanan.” Sa isang malabong paraan, sinisikap din nilang sisihin ang sangkatauhan sa mga natural na kalamidad, nguni’t lumilihis pa rin sila sa punto. Ang paliwanag na ito ay hindi nag-aalis sa Diyos sa eksena. Kung ang mga bagyo ay “natural na penomena sa ating bumagsak na mundo ng kasalanan,” lamang, sino ang nagpasya nito? Malinaw na ang mga bagyo ay hindi gawa-gawa ng tao. Ibig sabihin, hindi nayayari ang mga bagyo kung kailan nasabi na sa himpapawid ang sandakot na kasinungalingan. Hindi magaganap ang mga lindol kapag ang tanging bilang ng tao’y nakagawa ng pangangalunya.

Hindi, kung may kaugnayan ang bagyo at kasalanan, kasangkot ang Diyos, dahil ang mga bagyo ay pagpapakita ng Kanyang paghatol sa kasaalanan. Kahit maganap sila paminsan-minsan, ang Diyos pa rin ang nag-utos nito at kasangkot pa rin Siya.

Kahit na walang kaugnayan ang kasalanan at kalamidad, at nagkamali ang Diyos nang dinisenyo Niya ang sanlibutan, kaya may mga awang sa ibabaw ng lupa na kung minsan ay lilihis at mga sistema ng panahon na paminsan-minsang papalya, ang Diyos pa rin ang may pananagutan sa mga lindol at bagyo dahil Siya ang Manlilikha, at nananakit ng mga tao ang Kanyang mga pagkakamali.

Walang “Inang Kalikasan (There is No “Mother Nature”)

Kung gayon ay dalawang sagot lang ang tatanggapin sa usaping natural na kalamidad. Maaaring ang Diyos o si Satanas ang may kagagawan. Bago natin tingnan ang mga posibleng dalawang nabanggit na sagot.

Kung si Satanas ang siyang may kagagawan sa mga natural na kalamidad, maaaring mapipigilan siya o hindi ng Diyos. Kung mapipigilan ng Diyos si Satanas at hindi Niya ito ginagawa, muli, may pananagutan Siya. Hindi sana nangyari ang kalamidad nang wala Siyang pahintulot.

At ngayon sa kabilang panig. Ipagpalagay natin, sa isang saglit, na hindi mapipigil ng Diyos si Satanas, nguni’t gusto Niyang pigilan ito. Talaga bang maaari iyan?

Kung hindi mapipigilan ng Diyos si Satanas sa paggawa ng natural na kalamidad, maaaring higit na makapangyarihan si Satanas kaysa sa Diyos, o higit na matalino si Satanas sa Diyos. Kung tutuusin, ito ang sinasabi ng mga sumusuporta ng teoryang “Nakuha ni Satanas ang pamamahala sa sanlibutan sa pagbagsak ni Adan”. Inaangkin nila na may ligal na karapatan si Satanas upang gawin ang anumang gusto sa lupa dahil ninakaw niya ang pangungupahan ni Adan. Ngayon, sinasabing nais ng Diyos na pigilan si Satanas nguni’t hindi Niya kakayanin dahil kailangan Niyang igalang ang pangungupahan ni Adan na napasakamay na ni Satanas. Ibig sabihin, napakatanga ng Diyos upang malaman ang mangyayari sa pagbagsak, nguni’t si Satanas, dahil sa kanyang higit na katalinuhan, ay nakakuha na ng kapangyarihang ayaw sana ng Diyos na mapasakanya. Sa pansarili kong palagay, hindi ko sinasabing higit na marunong si Satanas kaysa sa Diyos.

Kung ang teoryang “Nakuha-ni-Satanas” ay tama, nais nating malaman kung bakit hindi gumagawa ng higit na marami pang lindol at bagyo kaysa sa nangyayari, at kung bakit hindi niya pinupuntirya ang malalaking bilang ng mga Cristiano. (Kung sasabihin mong “dahil ayaw ng Diyos na puntiryahin niya ang maraming bilang ng Cristiano,” tinatanggap mo na na hindi iiral si Satanas nang walang pahintulot ang Diyos.)

Kung igigiit natin, ang tanging dalawang posibleng sagot sa ating katanungan ay ito: Maaaring (1) kagagawan ng Diyos ang mga lindol at bagyo o (2) kagagawan ni Satanas sa pahintulot ng Diyos.

Nakikita mo bang kahit tama ang alinmang sagot, ang kalalabasaan ay ang Diyos ang may pananagutan? Kapag sinasabi ng mga tao na, “hindi ipinadala ng Diyos ang bagyong iyan—ipinadala ni Satanas nang may pahintulo ang Diyos,” hindi talaga nila “pinapawalang-sala ang Diyos” na siyang kanilang inaasahan. Kung pinigilan ng Diyos si Satanas sa pagpapadala ng bagyo, gustuhin man Niya o hindi, pananagutan pa rin Niya. Maaaring sisihin ang mga taong rebelde dahil sa kasalanan (kung ang bagyo ay ipinadala ng Diyos o pinayagan ng Diyos dahil sa paghukom), nguni’t kahangalan pa rin ang isiping walang kinalaman o walang pananagutan ang Diyos.

Ang Patotoo ng Kasulatan (Scripture’s Testimony)

Ano ang talagang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa mga “natural na kalamidad”? Sinasabi ba ng Biblia na kagagawan ito ng Diyos o ng diyablo? Una nating tingnan ang mga lindol dahil maraming binabanggit ang Biblia tungkol dito.

Ayon sa Kasulatan, magaganap ang paglindol dahil sa paghatol ng Diyos sa mga nararapat na makasalanan. Mababasa natin sa Jeremias: “Nayayanig ang daigdig kapag Ikaw [Yahweh] ay nagagalit, at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong poot” (Jer. 10:10, idinagdag ang pagdidiin).

Babala ni Isaias,

Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay biglang magpapadala ng dumadagundong na kulog, lindol, buhawi, at naglalagablab na apoy upang iligtas ka (Is. 29:6, idinagdag ang pagdidiin).

Matatandaan mo na sa mga araw ni Moises, bumuka ang lupa at nilamon sina Korah at ang kanyang mga rebeldeng tagasunod (tingnan ang Bil. 16:23-34). Talagang kilos ito ng paghatol ng Diyos. Ang iba pang halimbawa ng paghatol ng Diyos sa pamamagitan ng lindol ay makikita sa Eze. 38:19; Awit 18:7; 77:18; Hag. 2:6; Lu. 21:11; Pah. 6:12; 8:5; 11:13; 16:18.

Ang ilang lindol na nakatala sa Kasulatan ay hindi kailangang dahil sa paghatol ng Diyos, bagama’t kagagawan ng Diyos. Halimbawa, ayon sa Ebanghelyo ni Mateo, nagkaroon ng lindol nang namatay si Jesus (Mt. 27:51,54), at nagkaroon din nang mabuhay Siyang muli (Mt. 28:2). Kagagawan ba ni Satanas ang mga iyon?

Nang sina Pablo at Silas ay umaawit ng papuri sa Diyos sa hatinggabi sa isang bilangguan si Filipos, “walang anu-ano’y lumindol nang malakas at nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Biglang nagbukas ang mga pinto at nakalag ang mga tanikala ng lahat ng bilanggo” (Gw. 16:26, idinagdag ang pagdidiin). Kagagawan ba ni Satanas ang lindol? Palagay ko’y hindi! Kahit ang bantay-piitan ay naligtas nang masaksihan ang kapangyarihan ng Diyos. At hindi lang iyan ang lindol na kagagawan-ng-Diyos sa aklat ng Mga Gawa (tingnan ang Gw. 4:31).

Kamakailan ay nabasa ko ang tungkol sa namagandang-loob na mga Cristianong nang marinig ang paghuhula na magkakaroon ng lindol sa isang lugar, ay naglakbay doon upang makipag- “espiritual na labanan” sa diyablo. Nakikita mo ba ang pagkakamali sa kanilang pagpapalagay? Naging maka-biblia sana kung nanalangin sila sa Diyos upang mahabag Siya sa mga taong nakatira doon. At kung ginawa nila iyon, hindi na sana sila nagsayang ng panahon at salapi sa paglakbay sa inakala nila’y lugar ng lindol—nanalangin na sana sila sa kanilang tirahan. Nguni’t ang pakikipaglaban sa diyablo upang pigilin ang lindol ay wala sa kasulatan.

Paano ang mga Bagyo? (How About Hurricanes?)

Ang salitang hurricane ay hindi matatagpuan sa Kasulatan, nguni’t talagang makakakita tayo ng mga halimbawa ng malalakas na hangin. Halimbawa:

Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok. Nang Siya’y mag-utos, nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas, lumaki ang alon na kung pagmamasdan, ay pagkatataas (Awit 107:23-25, idinagdag ang pagdidiin).

Nagpadala si Yahweh ng isang malakas na bagyo kaya’t halos mawasak ang barko (Jonas 1:4, idinagdag ang pagdidiin).

Pagkatapos nito, may nakita naman akong apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng daigdig. Pinipigil nila ang apat na hangin upang huwag munang umihip sa lupa, sa dagat o sa alinmang punongkahoy (Pah. 7:1).

Malinaw na makapagsisimula ng malalakas na hangin ang Diyos at mapapatigil Niya ang mga ito. [6]

Sa buong Biblia, may iisa lang na kasulatan na kumikilala kay Satanas sa pagpapadala ng hangin. Ito ay noong pinapahirapan si Job, nang iniulat ng isang mensahero sa kanya: “Hinampas ng napakalakas na hangin ang bahay at bumagsak. Nabagsakan po sila at namatay lahat” (Job 1:19).

Sa pagbasa ng unang kabanata ng Job, alam natin na si Satanas ang may kagagawan ng kamalasan ni Job. Nguni’t huwag nating kalimutan na walang magagawa si Satanas upang saktan si Job o mga anak niya nang walang pahintulot ang Diyos. Kaya, muli, nakikikita natin na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa hangin.

Ang Unos sa Galilea (The Gale on Galilee)

Paano iyong “napakabangis na unos” na sumalakay kay Jesus at Kanyang mga alagad nang minsan ay namamangka sila sa ibayo ng Dagat ng Galilea? Talagang maaaring si Satanas ang may kagagawan ng bagyong iyon, dahil kailanman ay hindi magpapadala ng hangin ang Diyos na magpapataob ng bangkang kinalululanan ng mismong Anak Niya. “Ang isang kahariang hinati sa kanyang sarili ay babagsak,” kaya bakit magpapadala ang Diyos na maaaring makasakit kay Jesus at sa labindalawang alagad?

Maiinam na argument ito, nguni’t saglit tayong magmuni-muni. Kung hindi ipinadala ng Diyos ang bagyo at si Satanas ang nagpadala, kailangan nating tanggapin na pinayagan ng Diyos si Satanas na ipadala ito. Kaya kailangan pa ring sagutin ang tanong: Bakit papayagan ng Diyos si Satanas na magpadala ng bagyong maaaring makasakit kay Jesus at sa labindalawa?

May sagot ba? Marahil ay tinuturuan ng Diyos ang mga alagad ng tungkol sa pananampalataya. Marahil ay sinusubukan Niya sila. Marahil ay sinusubukan Niya si Jesus, at “tinukso Siya sa lahat ng paraan, subali’t kailanma’y hindi Siya nagkasala” (Heb. 4:15). Upang ganap na masubok, kailangang magkaroon ng pagkakataon si Jesus na matakot. Marahil ay nais ng Diyos na purihin si Jesus. Marahil ay nais ng Diyos na gawin lahat ng nabanggit.

Dinala ng Diyos ang mga anak ng Israel sa gilid ng Pulang Dagat kahit alam Niyang matutupok na sila ng papalapit na hukbo ng hari. Nguni’t hindi ba dinadala ng Diyos doon ang mga Israelita? Kung gayon, hindi ba kinakalaban Niya ang Sarili sa pagdadala sa kanila kung saan sila’y papatayin? Hindi ba ito halimbawa ng Is this not an example of a “isang kahariang hinati sa kanyang sarili”?

Hindi, dahil walang intensyon ang Diyos na papayagan mapatay ang mga Israelita. At wala rin Siyang intensyon, sa pagpapadala o pagpapahintulot kay Satanas na gumawa ng unos sa Dagat ng Galilea, o palulunurin si Jesus at ang labindalawa.

Gayumpaman, hindi sinasabi ng Biblia na ipinadala ni Satanas ang unos na iyon sa sent that gale on the Dagat ng Galilea, at hindi rin nito sinasabing ang Diyos ang gumawa niyon. Sinasabi ng ilan na si Satanas ang gumawa niyon dahil nagalit si Jesus dahil doon. Maaari, nguni’t hindi ito saradong argumento. Hindi pinagalitan ni Jesus ang Diyos—Nagalit Siya sa hangin. Pihong ganoon din ang ginawa ng Diyos Ama. Ibig sabihin, maaari Niyang palakasin ang hangin sa isang salita, at pahintuin ito ng galit. Dahil lang sa pinagalitan ni Jesus ang unos ay hindi patunay na kagagawan ito ni Satanas.

Muli, hindi natin dapat ibatay ang ating buong teolohiya sa isang bersong hindi nagpapatunay ng anuman. Binanggit ko na ang maraming kasulatang nagpapatunay na makapangyarihan ang Diyos sa hangin, at kadalasan ay kinikilalang Siya ang nagpadala nito. Ang pangunahing punto ko ay si Satanas, kahit naturingang “diyos ng sanlibutang ito,” ay walang malayang pamamahala sa hangin o karapatang gumawa ng unos kailanman o saanman niya gusto.

Kung gayon, kapag nagkakaroon ng bagyo, hindi natin dapat tingnan na walang pamamahala rito ang Diyos, isang bagay na nais Niyang patigilin nguni’t hindi Niya kaya. Ang paggalit ni Jesus sa unos sa Dagat ng Galilea ay sapat nang patunay na mapapatigil ng Diyos ang bagyo kung nais Niya.

At kung nagpapadala ang Diyos (o nagpapahintulot) ng isang bagyo, maaaring may dahilan Siya, at ang pinakamainam na sagot kung bakit Siya nagpapadala o nagpapahintulot ng bagyong nagdadala ng malawakang pagkasira ay binibigyang-babala at hinahatulan ang mga taong di sumusunod.

Nguni’t Kung Minsan ay Sinasaktan ng Bagyo ang mga Cristiano” (“But Hurricanes Sometimes Harm Christians”)

Nguni’t paano ang mga Cristianong apektado ng natural na kalamidad? Kapag bumagyo, hindi lang nito sinasalanta ang kabahayan ng hindi-Cristiano. Hindi ba’t hindi kasali ang mga Cristiano sa galit ng Diyos dahil sa pagpapakasakit na kamatayan ni Jesus? Kung gayon, paano natin masasabi na ang Diyos ang nasa dulo ng mga natural na kalamidad kung pati mga mismong anak Niya ay masasaktan?

Talagan mahihirap na tanong ito. Nguni’t dapat nating matanto na hindi dadali ang mga kasagutan kung ibabatay natin sa maling palagay na si Satanas ang may kagagawan ng mga natural na kalamidad. Kung si Satanas ang may kagagawan ng lahat ng natural na kalamidad, bakit pinapayagan siya ng Diyos na gumawa ng mga bagay na maaaring makasakait sa mismong anak ng Diyos? Pareho pa ring problema ang ating hinaharap.

Malinaw na ihinahayag ng Biblia na ang mga kay Cristo ay “hindi pinili upang parusahan” (1 Tes. 5:9). Gayundin, sinasabi ng Biblia na “mananatili ang poot ng Diyos” sa hindi sumusunod sa Anak (Jn. 3:36). Nguni’t paano mananatili ang poot sa mga di ligtas na hindi maaapektuhan ang mga ligtas, kung nananahan ang mga ligtas kasama ng mga di ligtas? Ang sagot ay, minsan ay hindi maaari, at kailangan nating tanggapin iyan.

Sa mga araw ng exodo, lahat ng mga Israelita ay magkasaman nananahan sa isang lugar, at hindi sila sinalanta ng mga salot na ipinadala ngDiyos bilang paghatol sa mga Egipcio (tingnan ang Exo. 8:22-23; 9:3-7; 24-26; 12:23). Nguni’t tayo, nananahan at nagtatrabaho tayo kasama ang mga “Egipcio.” Kung hahatulan sila ng Diyos sa pamamagitan ng isang natural na kalamidad, paano tayo makakatakas?

Ang takas ay talagang siyang pangunahing salita sa pag-intindi ng sagot sa tanong na ito. Bagama’t natakasan ni Noe ang ganap na poot ng Diyos nang binaha ng Diyos ang lupa, grabe pa rin siyang naapektuhan, dahil kinailangan niyang magpakahirap sa pagtatayo ng arka at manatili doon nang isang taon kasama ang mababahong hayop. (Kaugnay rito, kapwa Luma at Bagong Tipan ay kumikilala sa Diyos dahil sa baha ni Noe, hindi si Satanas; tingnan ang Gen. 6:17; 2 Pet. 2:5).

Itinakas ni Lot ang kanyang buhay nang hatulan ng Diyos ang Sodom at Gomorrah, nguni’t nawal pa rin niya ang lahat sa pagsira ng apoy at asero. Ang paghatol ng Diyos sa mga masamang tao ay nakaapekto sa isang matuwid na tao. Sa maraming taong di pa dumarating, nagbigay na ng babala si Jesus sa mga mananampalataya sa Jerusalem na tumakas kapag nakita nilang napapaligiran ng hukbo ang kanilang lunsod, dahil iyon ay mga “araw ng pagpaparusa” (Luke 21:22-23)—malinaw na ipinapakita ang mapoot na layunin ng Diyos sa pagpapahintulob ng mga Romano sa Jerusalem noong 70 A.D. Purihin ang Diyos na nakatakas ang mga Cristianong nakinig sa babala ni Cristo, bagamaa’t nawala pa rin nila ang kailangan nilang iwan sa Jerusalem.

Sa tatlo sa mga nabanggit na halimbawa, makikita natin na ang mga anak ng Diyos ay maghihirap nang bahagya kapag mahatulan ang mga masasama. Kaya hindi natin maipapalagay na hindi kagagawan ng Diyos ang mga natural na kalamidad dahil kung minsan ay naaapektuhan ang mga Cristiano.

Kaya Ano Ang Ating Gagawin? (What Then Shall We Do?)

Nananahan tayo sa isang sanlibutang isinumpa ng Diyos, isang sanlibutang laging nakakaranas ng parusa ng Diyos. Isinulat ni Pablo, “nahahayag [hindi maihahayag]mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil mismo sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan” (Ro. 1:18). Tulad ng mga nananahan kasama ang isang masamang, isinujmpa-ng-Diyos na sanlibutan, hindi natin ganap na matatakasan ang epekto ng poot ng Diyos dito, kahit na hindi tayo ang puntirya ng poot na iyon.

Dahil dito, ano ang ating gagawin? Una, kailangan nating magtiwala sa Diyos. Isinu,at ni Jeremias:

Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa Kanya. Katulad niya’y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagka’t mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga (Jer. 17:7-8).

Pansinin na hindi sinabi ni Jeremias na ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay hindi kailanman mahaharap sa tagtuyot. Hindi, kapag ang init ng taggutom ay darating, ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay parang isang punong patutungo sa tubig ang ugat. May isa pa siyang pagkukunan, maging ang sanlibutan ay nanlulupaypay. Ang kuwento ni Eliseo na pinakakain ng mga uwak sa taggutom sa Israel ang maaalalang halimbawa (tingnan ang 1 Ha. 17:1-6). Tinukoy ni David ang mga matuwid, “Kahit na sumapit ang paghihikahos, di daranasin ang pagdarahop” (Awit 37:19).

Nguni’t hindi ba’t kagagawan ng diyablo ang taggutom? Hindi, ayon sa Kasulatan. Lagi itong pinananagutan ng Diyos, at ang taggutom ay laging itinuturing bilang kinalabasan ng Kanyang poot sa mga nararapat na tao. Halimbawa:

Kaya ito ang sabi ni Yahweh: “Paparusahan ko sila! Mapapatay sa digmaan ang kanilang kabataang lalaki; mamamatay sa gutom ang kanilang maliliit na anak” (Jer. 11:22, idinagdag ang pagdidiin).

Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom, at salot, at matutulad sila sa mga igos na bulok kaya’t hindi na makakain” (Jer. 29:17).

“Anak ng tao, kapag ang isang bayan ay hindi naging tapat sa Akin, paparusahan ko sila, at babawasan ang kanilang pagkain. Padadalhan ko sila ng taggutom hanggang sa mamatay ang mga tao, pati hayop…” (Eze. 14:13, idinagdag ang pagdidiin).

“Umasa kayong aani ng masagana nguni’t kayo’y nabigo. At ang kaunting ani na iniuwi ninyo ay Akin pang isinambulat. Ginawa Ko iyan sa inyo sapagka’t abalang-abala kayo sa pagpapaganda ng inyong mga bahay samantalang ang Templo na Aking tahanan ay pinabyaan ninyong wasak. Iyan ang dahilan kaya kahit hamog ay hindi kayo napapatakan, at ang inyong mga pananim ay hindi lumalago. Matinding tagtuyot ang ipinararanas Ko sa buong lupain: sa mga kabukiran at kaburulan, sa mga inaning butil, sa mga bagong alak sa lahat ng ani, sa lahat ng tao at hayop, at sa lahat ng pinagpaguran ninyo” (Hag. 1:9-11, idinagdag ang pagdidiin).

Sa pang-apat na halimbawa sa itaas, mababasa natin na nasisi ang mga Israelita sa tagtuyot dahil sa kanilang kasalanan, nguni’t inako pa rin ng Diyos ang pagpapadala dito. [7]

Kung nagpapadala ang Diyos ng isang taggutom sa masasamang tao, at nagkataong kasama natin ang mga iyon, dapat tayong magtiwala na ipaglalaan Niya tayo ng ating kailangan. Pinatotohanan ni Pablo na hindi tayo mahihiwalay ng taggutom sa pag-big ni Cristo!: “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya? Ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib o kamatayan?” (Ro. 8:35, idinagdag ang pagdidiin). Pansinin na hindi sinabi ni Pablo na kailanman ay hindi haharapin ng mga Cristiano ang isang taggutom, kundi ipinahiwatig na maaari, bagama’t siya na mag-aaral ng Kasulatan, ang nakakaalam na ang mga taggutom ay maipapadala ng Diyos upang hatulan ang masasama.

Pagsunod at Karunungan (Obedience and Wisdom)

Pangalawa, dapat tayong sumunod at gumamit ng makadiyos na karunungan upang mahadlangan ang pagkahuli sa poot ng Diyos na nakatutok sa sanlibutan. Kailangan ni Noe na itayo ang kanyang arka, kailangang tumakas ni Lot sa kabundukan, kailangan ng mga Cristiano sa Jerusalem na umalis sa kanilang lunsod; lahat nang ito ay kailangang sumunod sa Diyos upang huwag mahuli ng Kanyang paghatol sa masasama.

Kung nakatira ako sa laging binabagyong lugar, magtatayo ako ng matibay na bahay na hindi babagsak o isang murang bahay na madaling palitan! At mananalangin ako. Bawa’t Cristiano ay dapat manalangin at manatiling sensitibo sa Isang ipinangako ni Jesus na “magpapahayag sa inyo ng mangyayari sa hinaharap” (Jn. 16:13) upang mahadlangan niya ang poot ng Diyos sa sanlibutan.

Mababasa natin sa Gawa 11 ng propetang Agabo na nagbabala sa atin ng mangyayaring taggutom na maaaring makapinsala sa mga Cristianong nakatira sa Judea. Pagkatapos niyan, isang handog ang natanggap nina Pablo at Bernabe bilang tulong sa kanila (tingnan ang Gw.11:28-30).

Mangyayari ba ang ganito ngayon? Talaga, dahil hindi nagbago ang Espiritu Santo, ni nagbago ang pag-ibig ng Diyos. Nguni’t sa malas ay, ang ilan sa katawan ni Cristo ay hindi bukas sa mga kaloob at pagpaparamdam ng Espiritu Santo, kung gayon, dahil “hinahadlangan nila ang Espiritu,” (1 Tes. 5:19) winawala nila ang ilan sa kainaman ng Diyos.

Sa kanyang talaan ng buhay, ang nakaraang pangulo at tagatatag ng Full Gospel Businessmen, si Demos Shakarian, inaalala niya kung paano nakipag-usap ang Diyos sa isang batang-propetang hindi nakakabasa at nakakasulat sa mga Cristianong nakatira sa Armenia sa katapusan ng1800’s. Binalaan niya sila sa isang darating na holocaust, at dahil dito, libu-libong Cristianong Pentecostal na naniniwala sa higit-sa karaniwang pagpaparamdam ay umalis sa bansa, pati na ang mga ninuno ni Shakarian. Pagkaraan ng maikling panahon, isang pagsalakay ng Turko sa Armenia ang nagresulta sa pagpatay sa higit sa isang milyong Armeniano, pati na ang mga Cristianong tumangging sumunod sa babala ng Diyos.

Pagiging marunong ang manatiling bukas sa Espiritu Santo at sumunod sa Diyos, kung hindi, maaaring makaranas tayo ng poot ng Diyos na talagang ayaw Niyang maranasan natin. Minsan ay sinabihan ni Eliseo ang isang babae: “Umalis kayo rito at mangibang-bayan sapagka’t sinabi ni Yahweh na magkakaroon ng taggutom dito sa loob ng pitong taon” (2 Ha. 8:1). Paano kung hindi nakinig ang babaing iyon sa propeta?

Sa aklat ng Pahayag mababasa natin ang isang interesanteng babala sa mga tao ng Diyos upang umalis sa “Babilonia” at mahatulan sila ng Diyos dahilan sa kanya:

“Narinig ko mula sa langit ang isa pang tinig na nagsasabi,Umalis ka sa Babilonia, bayan ko! Huwag kang makibahagi sa kanyang mga kasalanan, upang hindi ka maparusahang kasama niya! Sapagka’t abot na hanggang langit ang mga kasalanan niya, at hindi nalilimutan ng Diyos ang kanyang kasamaan….Dahil dito, sabay-sabay na daragsa sa kanya ang mga salot sa loob ng isang araw: sakit, dalamhati at taggutom; at tutupukin siya ng apoy. Sapagka’t makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humahatol sa kanya.” (Pah. 18:4-5,8, idinagdag ang pagdidiin).

Sa pagbubuod, ang Diyos ang makapangyarihan sa panahon at natural na kalamidad. Paulit-ulit Niyang pinatunayan ang Kanyang sarili bilang Panginoon ng kalikasan sa Biblia, mula sa pagbibigay Niya ng apatnapung araw na ulan sa kapanahunan ni Noe, hanggang sa pagpapaulan Niya ng yelo pati na ang pagpapadala ng natural na mga salot sa kaaway ng Israel, sa pagpapalaki ng hangin laban sa bangka ni Jonas, sa galit Niya sa bagyo sa Dagat ng Galilea. Siya , tulad ng sinabi ni Jesus, ay “Panginoon ng langit at lupa” (Matt. 11:25). Para sa karagdagang ispesipikong katunayan sa kasulatan ng pagiging Panginoon ng Diyos sa kalikasan, tingnan ang Jos. 10:11; Job 38:22-38; Jer. 5:24; 10:13; 31:35; Awit 78:45-49; 105:16; 107:33-37; 135:6-7; 147:7-8,15-18; Mt. 5:45; Gw. 14:17.

Ilang Katanungang Sinagot (A Few Questions Answered)

Kung hinahatulan ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng taggutom, baha, at lindol, mali ba para sa atin, bilang kinatawan ng Diyos, na tulungan at paginhawahin ang mga pinaparusahan ng Diyos?

Hindi, talagang hindi. Dapat nating matanto na mahal ng Diyos ang lahat, kahit mga taong hinahatulan Niya. Kahit pambihira sa ating pandinig, ang Kanyang paghatol sa pamamagitan ng mga natural na kalamidad ay talagang pagpapakita ng Kanyang pag-ibig. Paano nangyari iyan? Sa pamamagitan ng paghihirap na sanhi ng mga kalamidad, binabalaan ng Diyos ang mga taong mahal Niya na Siya ay banal at mapanghusga, at may kalalabasan ang pagkakasala. Pinapayagan ng Diyos ang paghihirap dito sa lupa upang tulungang gumising ang mga tao at makita ang pangangailangan nila ng isang—nang saganon ay matakasan nila ang lawa ng apoy. Iyan ay pag-ibig!

Basta’t humihinga pa ang mga tao, ipinapakita pa rin ng Diyos ang habag na di nararapat sa kanila at may panahon upang sila’y magsisi. Sa pamamagitan ng ating pakikiramay at tulong, maipapakita natin ang pag-ibig ng Diyos sa mga taong

nakakaranas ng Kanyang makalupang poot, nguni’t maaaring maligtas mula sa Kanyang walang-hanggang poot. Ang mga natural na kalamidad ay pagkakataon upang abutin ang sanlibutang sanhi ng kamatayan ni Jesus.

Hindi ba’t ang pag-abot sa mga tao sa pamamagitan ng magandang balita ang pinakamahalagang bagay sa buhay na ito? Kapag may perspektibo tayong walang-hanggan, ang pagdurusa ng mga nahuli ng natural na kalamidad ay walang binatbat kumpara sa pagdurusa ng mga maitatapon sa lawa ng apoy.

Isang katotohanan na karaniwang nagiging mapagtanggap ang mga tao sa magandang balita kapag sila’y nagdurusa. Maraming halimbawa sa Biblia ng ganitong penomenon, mula sa pagsisisi ng Israel sa panahong ng opresyon ng nakapaligid na mga bansa, hanggang sa kuwento ni Jesus tungkol sa anak na nawala at muling bumalik. Kailangang tingnan ng mga Cristiano ang mga natural na kalamidad bilang panahong ang ani ay napakahinog.

Sabihin Natin ang Katotohanan (Let’s Tell the Truth)

Nguni’t ano ang magiging mensahe natin sa mga sagsisimulang muli pagkatapos ng bagyo o lindol? Paano tayo sasagot kung hihingi sila ng kasagutang teolohikal sa kanilang mahigpit na kalagayan? Maging tapat tayo sa itinuturo ng Biblia, at sabihin sa mga tao na banal ang Diyos at may kalalabasan ang kanilang pagkakasala. Sabihin natin sa kanila na ang mabangis na ugong ng bagyo ay maliit lamang na pagpaparamdam ng kapangyarihang taglay ng makapangyarihan Diyos, at ang takot na naramdaman nila habang umuuga ang kanilang bahay ay walang binatbat sa takot na gagapi sa kanila habang ihinahagis sila sa impiyerno. At sabihin natin sa kanila na kahit na karapat-dapat tayong itapon sa impiyerno, mahabaging binibigyan tayo ng Diyos ng panahon upang magsisi at maniwala kay Jesus, na sa pamamamagitan Niya ay maliligtas tayo sa poot ng Diyos.

“Nguni’t hindi natin dapat takutin ang mga tao tungkol sa Diyos, ‘di ba?” tanong ng iba. Ang sagot ay makikita sa Kasulatan: “Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ang simula ng karunungan” (Kaw. 1:7). Hangga’t hindi kinatatakutan ng mga tao ang Diyos, wala talaga silang alam.

Paano Kung Magalit ang mga Tao sa Diyos? (What if People Become Angry With God?)

Nguni’t hindi ba magagalit ang mga tao sa Diyos dahil sa kanilang? Marahil ay magagalit sila, nguni’t kailangang marahang tulungan natin silang makita ang kanilang pagmamalaki. Walang may karapatang magreklamo sa Diyos sa pagtrato Niya sa kanila, dahil lahat tayo ay karapat-dapat itapon sa impiyerno noon pa man. Sa halip na isumpa ang Diyos dahil sa kanilang sinapit, dapat nila Siyang purihin dahil sa lubhang iniibig Niya sila upang bigyang-babala. May karapatan ang Diyos upang balewalain ang lahat, at iwanan silang sundin ang kanilang makasariling landas patungong impiyerno. Nguni’t mahal ng Diyos ang mga tao at tinatawag Niya sila araw-araw. Marahan Niya silang tinatawag sa pamamagitan ng pamumulaklak ng mga punong mansanas, mga awit ng mga ibon, ang karangyaan ng mga bundok, at ang pangunguti-kutitap ng sanlaksang bituin. Tinatawag Niya sila sa pamamagitan ng kanilang konsensya, sa pamamagitan ng Kanyang katawan sa iglesia, at sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu Santo. Nguni’t binabalewala nila ang tawag Niya.

Tunay na hindi kalooban ng Diyos na magdusa ang mga tao, nguni’t kung magpatuloy sa pagbalewala sa Kanya, sapat ang pag-ibig Niya upang gamitin ang higit ng mahigpit na paraan upang makuha ang kanilang atensyon. Mga bagyo, lindol, baha at taggutom ang ilan sa mga mahigpit na paraang iyon. Umaasa ang Diyos na ang mga naturang kalamidad ang magpakumbaba sa mga tao, at gisingin ang kanilang pandama.

Hindi ba Makatarungan ang Diyos sa Kanyang Paghatol? (Is God Unfair in His Judgment?)

Kapag titingnan natin ang Diyos at ang ating mundo mula sa biblikal na perspektiba, doon at doon lang tayo nag-iisip nang tama. Ang biblikal na perspektiba ay karapat-dapat sa lahat ang poot ng Diyos, nguni’t mahabagin ang Diyos. Kapag sinasabi ng mga nagdurusang tao na higit na mabuting pagtrato mula sa Diyos ang nararapat sa kanila, siguradong dumadaing Siya. Lahat ay tumatanggap ng higit pang habag kaysa nararapat sa kanila.

Sa pag-ayon sa temang ito, minsan nagkomento si Jesus sa dalawang kontemporanyong kalamidad. Mababasa natin sa ebanghelyo ni Lucas:

Dumating noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang mga taga-Galilea habang ang mga ito’y naghahandog sa Diyos. Sinabi Niya sa kanila, “Akala ba ninyo, dahil sa sinapit nilang iyon, higit silang masama kaysa sa ibang mga taga-Galilea? Hindi! Nguni’t sinasabi Ko sa inyo, malibang magsisi kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. At ang labing-walong namatay nang mabagsakan ng tore ng Siloe, sa akala ba ninyo’y higit silang makasalanan kaysa sa ibang naninirahan sa Jerusalem? Hindi! Nguni’t sinasabi Ko sa inyo, malibang magsisi kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad” (Lu. 13:1-5).

Hindi masasabi ng mga taga-Galileang namatay sa kamay ni Pilato na , “Hindi makatarungan ang pagtrato ng Diyos sa amin dahil hindi Niya kami iniligtas sa kamay ni Pilato!” hindi, makasalanan silang nararapat mamatay. At, ayon kay Jesus, ang mga nabuhay na taga-Galilea ay magkakamaling magpalagay na hindi sila nagkasalang tulad ng mga kapitbahay nilang napatay. Hindi nila nakuha ang higit na pabor mula sa Diyos—nabigyan sila ng higit na habag.

Malinaw ang mensahe ni Cristo: “Lahat kayo ay makasalanan. May kalalabasan ang kasalanan. Sa ngayon, buhay kayo dahil sa habag ng Diyos. Kaya magsisi kayo bago mahuli rin ang lahat para sa inyo.”

Tinapos ni Jesus ang Kanyang komentaryo sa mga trahedyang iyon sa pamamagitan ng talinhaga tungkol sa habag ng Diyos:

Sinabi pa sa kanila ni Jesus ang talinhagang ito. “May isang taong may tanim na puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ang puno, nguni’t wala siyang nakita. Dahil dito, sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, nguni’t wala akong makita. Putulin mo na’t nakakasikip lang iyan!’ nguni’t sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putuling ngayon. Huhukayan kop o ang palibot at lalagyan ng pataba, baka sakaling mamunga na sa susunod na taon. Kung hindi pa, saka po ninyo ipaputol.’” (Lu. 13:6-9).

Ito ang inilarawang katarungan at habag ng Diyos. Isinisigaw ng katarungan ng Diyos, “Putulin ang walang-silbing puno!” nguni’t nagmamakaawa ang Kanyang habag, “Hindi, bigyan pa ito ng panahon upang magbunga.”

Parang punong iyon ang bawa’t taong walang Cristo.

Mapapagalitan ba Natin ang mga Bagyo at Baha? (Can We Rebuke Hurricanes and Floods?)

Isang pangwakas na tanong tungkol sa mga natural na kalamidad: totoo bang kung sapat ang ating pananampalataya, mapapagalitan natin at mapigil ang pagdating ng mga kalamidad?

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay nangangahulugang maniwala sa ibinunyag na kalooban ng Diyos. Kung gayon, kailangang maitatag ang pananampalataya sa sariling salita ng Diyos, kung hindi, hindi ito tunay na pananampalataya, kundi pag-asa o pagpapalagay. Walang nakasulat si Biblia na pinangangakuan tayo ng Diyos na mapapagalitan natin at mapapakalma ang mga bagyo, kaya walang paraan upang magkaroon ng pananampalatayang magawa ito (bukod sa makapangyarihang pagkakaloob ng Diyos sa taong iyon ng pananampalataya).

Dadagdagan ko ang paliwanag. Ang tanging paraan upang magkaroon ng pananampalatayang mapagalitan ang isang bagyo ay kung sigurado ang tao na ayaw ng Diyos na dumating ang bagyo sa isang tanging lugar. Tulad ng natutuhan natin sa Kasulatan, ang Diyos ang siyang namamahala sa hangin at kung gayon, Siya ang may kagagawan ng mga bagyo. Kung gayon, imposible para sa isang tao na magkaroon ng matibay na pananampalatayang mapipigil niya ang bagyo kung mismong ang Diyos ang nag-utos nito! Ang tanging eksepsyon ay kung magbago ng isip ang Diyos tungkol sa bagyo, na maaaring gawin Niya bilang tugon sa panalangin ng isang tao na mahabag Siya, o tugon sa pagsisisi ng mga taong hahatulan na sana Niya (maaalala natin ang kuwento ng Nineveh sa kapanahunan ni Jonas bilang halimbawa) Nguni’t kahit magbago ng isip ang Diyos, wala pa ring pananampalataya ang isang tao upang pagalitan at pakalmahin ang isang bagyo maliban kung alam ng taong iyon na nagbago ng isip ang Diyos at alam din niya na nais ng Diyos na pagalitan at pakalmahin ang bagyo.

Ang tanging taong nagalit at nakapagpakalma ng malakas na hangin ay si Jesus. Ang tanging paraang magawa ito ay kung binigyan tayo ng “kaloob na pananampalataya” ng Diyos, (o ang kaloob ng minsa’y tinatawag na “tanging pananampalataya”), isa sa siyam na kaloob ng Espiritu na nakatala sa 1 Corinto 12:7-11. Tulad ng lahat ng mga kaloob ng Espiritu, umiiral ang kaloob na pananampalataya hindi dahil kalooban natin, kundi kalooban lamang ng Espiritu (tingnan ang 1 Cor. 12:11). Kung gayon, maliban kung binigyan ka ng Diyos ng tanging pananampalataya upang pagalitan ang darating na bagyo, huwag kang manatili sa daanan nito, at ipalagay na kumikilos ka ayon sa pananampalataya. Kailangan kang umalis! Iminumungkahi ko rin na manalangin para sa pagkakandili ng Diyos, at hingin ang habag Niya sa mga taong hahatulan Niya, upang iligtas ang kanilang buhay at nang sa ganon ay magkaroon sila ng panahong magsisi.

Pansinin na nang papunta si Pablo sa Roma sa isang bapor na dalawang linggong pinaaandar ng malalakas na hangin, hindi niya pinakalma ito sa galit (tingnan ang Gw. 27:14-44). Ang dahilan ay hindi niya kaya. Pansinin din na nahabag ang Diyos sa lahat ng nakasakay doon, at lahat ng 276 ay nakaligtas sa pagkasira ng bapor (tingnan ang Gw. 4, 34, 44). Nais kong isiping nahabag sa kanila ang Diyos dahil nanalangin si Pablo na kahabagan sila.

 


[1] Dalawang posibleng pagtutol na nasagot: (1) Binabanggit ni Judas ang alitan nina Miguel at Satanas tungkol sa katawan ni Moises, nguni’t walang banggit sa talagang laban. Katunayan, sinasabi sa atin ni Judas na “hindi susubukan ni Miguel na hamunin siya [Satanas], kundi sinabi niya, ‘Parusahan ka nawa ng Panginoon’” (Ju. 1:9). (2) Nang paligiran si Eliseo at kanyang tagasilbi ng isang hukbong Syria sa lunsod ng Dothan, nanalangin si Eliseo upang buksan ng Diyos ang mata ng kanyang alipin (2 Ha.6:15-17). Pagkatapos niyon, nakakita ang alipin niya ng “mga kabayo at karwaheng nagliliyab” na ipinapalagay nating may nakasakay at okupado ng hukbo ng mga anghel sa espiritwal na lupain. Nguni’t hindi ito tunay na indikasyon na ang mga naturang anghel ay kasali sa isang labanan kasama ang mga anghel ng demonyo. Kung minsan ginagamit ng Diyos ang mga anghel upang ipatupad ang galit Niya sa mga masasamang tao, ang halimbawa nito’y ang pagpatay ng 185,000 na sundalong Assyrian ng isang anghel, na naitala sa 2 Ha. 19:35.

[2] Tingnan, halimbawa, ang Mt. 1:20; 2:13,19; 4:11; Luke 1:11-20, 26-38.

[3] Patunay din ang buong pahayag na ito na “hindi pinagbuksan ni Job ng pinto si Satanas kahit matindi ang takot niya,” isang mitong pinaniniwalaan ng ilan. Sinabi mismo ng Diyos kay Satanas tungkol kay Job sa 2:3: “Wala siyang [Job] katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain. Hinimok mo akong pinsalain siya kahit walang sapat na dahilan” (idinagdag ang pagdidiin). Tinatalakay ko ito nang masinsinan sa libro kong, God’s Tests, pp. 175-181, na mababasa rin sa Ingles sa ating website (www.shepherdserve.org).

[4] Tingnan din ang 1 Corinto 10:13, na nagpapakitang nililimitahan ng Diyos an gating pagkatukso, na ibig sabihin ay nililimitahan Niya ang tumutukso.

[5] Ibig sabihin ba nito na huwag nating ipanalangin ang mga pinuno ng gobyerno, o bumoto sa eleksiyon, dahil alam nating pinararangalan ng Diyos ang sinumang naisin Niya na mamahala sa atin? Hindi, sa isang demokrasya, nandoon na ang galit ng Diyos. Mapapasaatin ang sinumang iboboto natin, at karaniwan, pinipili ng mga masasamang tao ang kapwa masasamang tao. Dahil dito, kailangang bumoto ang mga matuwid. Dagdag pa, sa kapwa Luma at Bagong Tipan, sinasabihan tayong ipanalangin ang mga pinuno ng ating gobyerno (Jer. 29:7; 1 Tim. 2:1-4), na nagpapakitang maiimpluwensiyahan natin ang Diyos dahil itinatakda Niya kung sino ang mahahalal. Dahil ang hatol ng Diyos ay dumarating sa pamamagitan ng masasamang pinuno ng gobyerno, at dahil karamihan sa mga bansa ay nangangailangan ng paghatol, maipapanalangin natin at makukuha ang Kanyang habag, upang hindi makuha ng ating natatanging bansa ang lahat ng marapat dito.

[6] Ang ilang kasulatang nagpapatunay na ang Diyos ang namamahala sa hangin ay: Gen. 8:11; Exo. 10:13,19; 14:21; 15:10; Bil. 11:31; Awit. 48:7; 78:76; 135:7; 147:18; 148:8; Isa. 11:15; 27:8; Jer. 10:13; 51:16; Eze. 13:11,13; Amos 4:9,13; Jon. 4:8; Hag. 2:17. Sa karamihan sa mga halimbawang ito, ginamit ng Diyos ang hangin bilang paraan ng paghatol.

[7] Para sa karagdagang sanggunian sa taggutom na kagagawan ng Diyos, tingnan ang Deut. 32:23-24; 2 Sam. 21:1; 24:12-13; 2 Kin. 8:1; Awit 105:16; Is. 14:30; Jer. 14:12,15-16; 16:3-4; 24:10; 27:8; 34:17; 42:17; 44:12-13; Eze. 5:12,16-17; 6:12; 12:16; 14:21; 36:29; Rev. 6:8; 18:8). Sabi mismo ni Jesus na ang Diyos ay “nagpapadala ng ulan sa matuwid at hindi matuwid” (Mt. 5:45). Hawak ng Diyos ang ulan.