Ipagpapatuloy natin ang sinasabi ng kabanatang ito sa pagtingin sa karagdagang mali nguni’t popular na katuruan tungkol kay Satanas at espiritwal na paghahamok. Sa kongklusyon, titingnan natin ang talagang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa espiritwal na paghahamok na kailangang gawin ng bawa’t mananampalataya.
Mito #5: Mabubuwag natin ang mga muog ng demonyo sa himpapawid sa pamamagitan ng espiritwal na paghahamok.” (Myth #5: “We can pull down demonic strongholds in the atmosphere through spiritual warfare.”)
Walang dudang, ayon sa Kasulatan, namamahala si Satanas sa herarkiya ng masasamang espiritung nananahan sa himpapawid ng lupa at tinutulungan siya upang pamahalaan ang kaharian ng kadiliman. Ang konseptong may “teritoryo” ang mga masasamang espiritung iyo, na namamahala sa tanging lugar, ay nilalaman din ng Biblia (tingnan ang Dan.10:13, 20-21; Mc. 5:9-10). Nasa kasulatan din na may kapangyarihan ang mga Cristiano upang magpalayas ng demonyo ng ibang tao at may tungkuling labanan ang diyablo (tingnan ang Mc.16:17; Jas. 4:7; 1 Ped. 5:8-9). Nguni’t maibabagsak ba ng mga Cristiano ang masasamang espiritu sa lunsod? Ang sagot ay hindi nila kaya, at ang tangkain ito ay pagsasayang lang ng kanilang oras.
Dahil lang sa kaya nating magpalayas ng demonyo sa ibang tao, huwag nating ipagpalagay na kaya din nating pabagsakin ang masasamang espiritu sa mga lunsod. Maraming halimbawa ng pagpapalayas ng demonyo mula sa mga tao sa mga Ebanghelyo at aklat ng Mga Gawa, nguni’t makakaisip ba kayo ng kahit isang halimbawa sa mga Ebanghelyo o aklat ng Mga Gawa na pinabagsak ng isang tao ang isang masamang espiritung namumuno sa isang lunsod o lugar? Hindi, dahil walang halimbawa nito. Makakaisip ba kayo ng isang pangangaral saanman sa mga sulat tungkol sa inyong tungkuling magpabagsak ng masasamang espiritu mula sa himpapawid? Hindi, dahil walang ganito. Dahil dito wala tayong biblikal na batayan upang paniwalaang makakayanan natin o kailangan nating sumali sa “espiritwal na pakikihamok” laban sa masasamang espiritu sa himpapawid.
Pagpupumilit ng Kahulugan ng mga Talinhaga (Pushing Parables Too Far)
Ang pagbasa ng kahulugang higit sa nais iparating ng Biblia ay isang kamaliang kadalasang ginagawa ng mga Cristiano kapag nagbabasa sila ng mga pahayag na naglalaman ng wikang metaporikal. Isang klasikong halimbawa ng maling pagpapakahulugan ay kung paano ipaliwanag ng marami ang mga salita ni Pablo tungkol sa “pagbubuwag ng mga muog”:
Kung nabubuhay man kami sa mundong ito, hindi naman kami nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng mundong ito. Ang sandatang ginamit namin sa pakikipaglaban ay hindi sandatang makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kuta. Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo. At kung lubusan na kayong sumusunod, nakahanda kaming parusahan ang lahat ng sumusuway. (2 Cor. 10:3-6).
Ang King James Version, sa halip na sabihing “sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran,” ay nagsasabing “binubuwag namin ang mga muog.” Mula sa metaporikal na pariralang ito, isang buong teolohiya ang naitatag upang pangatwiranan ang idea ng “espiritwal na pakikihamok” upang “buwagin ang mga muog” na binubo ng masasamang espiritu sa himpapawid. Nguni’t malinaw na ipinaparating ng New American Standard Version, na ang tinutukoy ni Pablo ay hindi mga masasamang espiritu sa himpapawid, kundi mga muog ng maling paniniwalang nananahan sa isipan ng mga tao. Mga espekulasyon ang sinisira ni Pablo, hindi masasamang espiritu sa matataas na lugar.
Higit pa itong lilinaw habang binabasa natin ang konteksto. Sinabi ni Pablo, “sinisira natin ang mga maling pangangatuwiran at lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo” (idinagdag ang pagdidiin). Ang labanang isinagisag ni Pablo ay labanan ng mga pag-iisip, o ideang salungat sa tunay na pagkilala sa Diyos.
Gamit ang mga sagisag ng military, ipinapaliwanag ni Pablo na nasa labanan tayo, isang labanan para sa isipan ng mga taong naniwala sa mga kasinungalingan ni Satanas. Ang ating pangunahing sandata sa labanang ito ay ang katotohanan, kung kaya isinugo tayong humayo sa buong mundo at ipangaral ang magandang balita, nilulusob ang teritoryo ng mga kaaway dala ang mensaheng magpapalaya ng mga bihag. Ang mga muog na sinisira natin ay yari sa ladrilyo ng kasinungalingang ikinabit ng kanyon ng pandaraya.
Ang Buong Baluti ng Diyos (The Whole Armor of God)
Isa pang pahayag sa mga sulat ni Pablo na madalas ipinapakahulugan nang di tama ay makikita sa Efeso 6:10-17, kung saan binanggit niya ang tungkulin nating isuot ang baluti ng Diyos. Bagama’t tunay na tungkol ito sa paghihirap ng mga Cristiano sa diyablo at masasamang espiritu, walang banggit sa pagpapabagsak ng masasamang espiritu sa mga lunsod. Habang masinsinan nating pinag-aaralan ang pahayag, lumilinaw na ang pangunahing tinutukoy ni Pablo ay ang tungkulin ng bawa’t isa upang labanan ang mga pakana ni Satanas sa sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapairal ng katotohanan ng salita ng Diyos.
Sa pagbasa ng tanging pahayag na ito, pansinin din ang litaw na wikang metaporikal. Malinaw na hindi literal ang banggit ni Pablo sa materyal na baluti na isusuot ng mga Cristiano sa kanilang katawan. Bagkus, ang baluting tinutukoy niya ay matalinhaga. Ang mga bahagi ng b aluti ay sumasagisag sa iba-ibang katotohanan sa kasulatan na dapat isuot ng mga Cristiano upang maligtas sila laban sa diyablo at masasamang espiritu. Sa pamamagitan ng pag-alam, paniniwala at pagkilos ayon sa Salita ng Diyos, ang mga Cristiano ay, sa matalinhagang turing, nadadamitan ng nagtatanggol na baluti ng Diyos.
Siyasatin natin ang bawa’t berso ng pahayag na ito sa Efeso, habang tinatanong sa ating sarili, Ano talaga ang nais iparating sa atin ni Pablo?
Ang Pinanggagalingan ng Ating Espiritwal na Lakas (The Source of Our Spiritual Strength)
Una, sinasabi sa atin “magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa Kanyang dakilang kapangyarihan” (Efe. 6:10). Ang diin ay sa katotohanang huwag nating hugutin ang lakas sa ating sarili kundi sa Diyos. Idiniin ito sa susunod na pahayag ni Pablo: “Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos” (Efe. 6:11a). Ito ang baluti ng Diyos, hindi sa atin. Hindi sinasabi ni Pablo na nagusuot mismo ang Diyos ng baluti, kundi kailangan natin ang baluting ibinigay ng Dkiyos sa atin.
Bakit natin kailangan itong baluting ibinigay ng Diyos? Ang sagot ay, “upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo” ( Efe. 6:11b). Ang baluting ito ay pang-depensa, hindi gamit pansugod. Hindi ito upang mapabagsak natin ang masasamang espiritu sa mga lunsod; ito ay upang mapaglabanan natin ang mga pakana ni Satanas.
Malalaman natin na may masamang balak ang diyablo upang sugurin tayo, at maliban kung suot natin ang baluting ibinibigay ng Diyos, maaari tayong mapahamak. Pansinin din na tungkulin natin, at hindi tungkulin ng Diyos, na isuot ang baluti.
Magpatuloy tayo:
Sapagka’t hindi tayo nakikipagaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espiritwal ng kasamaan sa himpapawid (Efe. 6:12).
Dito lubhang malinaw na hindi tinutukoy ni Pablo ang isang pisikal, at materyal na labanan, kundi isang espiritwal na labanan. Nilalabanan natin ang mga binabalak ng iba-ibang ranggo ng masamang espiritung itinatala ni Pablo. Ipinagpapalagay ng karamihan sa mga mambabasa na itinala ni Pablo ang mga masasamang espiritu mula mababa pataas, mga “pinuno” bilang pinakamababa at “mga espiritwal na puwersa ng kasamaan sa mga makalangit na lugar” ang pinakamataas na uri.
Paano natin labanan ang mga espiritwal na nilalang? Ang tanong na iyan ay masasagot sa pamamagitan ng pagtatanong ng, Paano tayo malulusob ng mga espiritwal na nilalang? Ang pangunahing panlusob nila sa atin ay sa pamamagitan ng mga tukso, isip, mungkahi, at ideang sumasalungat sa Salita at kalooban ni Diyos. Kung gayon, ang depensa natin ay ang pag-alam, paniniwala, at pagsunod sa Salita ng Diyos.
Kaya’t isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo (Efe. 6:13).
Pansinin uli na ang layunin ni Pablo ay ihanda tayo upang labanan at hadlangan ang mga paglusob ni Satanas. Ang layunin niya ay hindi upang ihand taong humayo at lumusob kay Satanas at hilahin ang mga masamang espiritu sa himpapawid. Tatlong ulit na sinasabihan tayo ni Pablo sa pahayag na ito na magpakatatag. Depansa ang posisyon natin, hindi opensa.
Katotohanan—Ang Pangunahing Depensa Natin (Truth—Our Primary Defense)
Kaya’t maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan (Efe. 6:14a).
Ito ang nagpapatibay ng ating baluti—ang katotohanan. Ano ang katotohanan? Sinabi ni Jesus sa Kanyang Ama, “Ang Iyong salita ang katotohanan” (Jn. 17:17). Hindi tayo matagumpay na magpapakatibay laban kay Satanas hangga’t hindi natin nalalaman ang katotohanan na sasalungat sa kanyang mga kasinungalingan. Napakainam ang pagpapakita nito ni Jesus beautifully sa panunuko sa Kanya sa ilang habang tinutuligsa ang bawa’t mungkahi ni Satanas ng, “Nasusulat.”
Nagpatuloy si Pablo:
At isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran (Efe. 6:14b).
Bilang mga Cristiano, kailangang alam natin ang dalawang uri pagiging matuwid. Una, nabigyan tayo, bilang kaloob, ng katuwiran ni Cristo (tingnan ang 2 Cor. 5:21). Ang matuwid niyang katayuan ang naisalin sa mga naniniwala kay Jesus, na nagpasan ng kanilang kasalanan sa krus. Ang matuwid na katayunang iyon ang nagligtas sa ating sa paghahari ni Satanas.
Pangalawa, kailangan nating mamuhay nang matuwid, sinusunod ang mga utos ni Jesus, at maaaring iyan ang nasa isip ni Pablo tungkol sa baluti ng katuwiran. Sa pagsunod kay Cristo, hindi natin binibigyan ng puwang ang diyablo (tingnan ang Efe. 4:26-27).
Matibay na Pagtayo sa Kasuotan ng Magandang Balita (Firm Footing in Gospel Shoes)
Isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan (Efe. 6:15)
Ang pag-alam, paniniwala at pagkilos sa katotohanan ng magandang balita ang nagbibigay sa atin ng matibay na pagtayo laban sa mga paglusob ni Satanas. Ang mga isinusuot na sapatos ng mga sundalong Romano ay may tusuk-tusok sa ilalim na nagbibigay ng tibay ng pagkakatayo sa lugar ng labanan. Kung si Jesus ay ating Panginoon, magiging matibay ang ating pagtayo laban sa mga kasinungalingan ni Satanas.
Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay ng lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo (Efe. 6:16).
Pansinin muli ang diin dito ni Pablo ating posturang pandepensa. Hindi niya tinutukoy ang paggamit ng pananampalataya sa Salita ng Diyos upang labanan ang kasinungalingan ni Satanas. Hindi niya tinutukoy ang paghila ng mga demonyo sa mga lunsod. Ang binabanggit niya ay ang paggamit natin ng pananampalataya sa Salita ng Diyos upang labanan ang mga kasinungalingan ng diyablo. Kapag naniniwala at kumikilos tayo ayon sa sinabi ng Diyos, para tayong may pananggang nagliligtas sa atin laban sa mga kasinungalingan ni Satanas, na sinasagisag ng “nagliliyab na misayl ng masamang nilalang.”
Ang Ating Espiritwal na Tabak –Ang Salita ng Diyos (Our Spiritual Sword—God’s Word)
Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang salita ng Diyos (Efe. 6:17).
Ang kaligtasan, sa paglalarawan ng Biblia, ay kasama ng ating pagkakaligtas sa panggagapi sa atin ni Satanas. “Iniligtas Niya kayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipit sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak” (Col. 1:13). Ang pag-alam dito ay parang pagkakaroon ng helmet na nagbabantay sa ating mga isip upang paniwalaan ang kasinungalingan ni Satanas na nasa ilalim pa rin tayo ng kanyang kaharian. Hindi na natin pinuno si Satanas—kundi si Jesus.
Gayundin, kailangan nating hawakan ang “tabak ng Espiritu” na, sa pagpapaliwanag ni Pablo, ay sumasagisag sa Salita ng Diyos. Tjulad ng nabanggit ko na, si Jesus ang ganap na halimbawa ng isang espiritwal na mandirigmang magaling humawak ng Kanyang tabak. Sa Kanyang pagkakatukso sa ilang, lagi Niyang sinasagot si Satanas sa pamamagitan ng pag-uulit ng Salita ng Diyos. Gayundin, kung gagapiin natin ang diyablo sa isang espiritwal na labanan, kailangan nating malaman at paniwalaan ang sinabi ng Diyos, nang hindi tayo maniwala sa kanyang kasinungalingan.
Pansinin din na pandepensang ginamit ni Jesus “ang tabak ng Espiritu”. Nais ipakita ng ilan, sa atin na naniniwalang ang baluting tinutukoy ni Pablo ay pangunahing pandepensa, na ang isang tabak ay talagang ginagamit na sandatang pang-opensa. Kung gayon, sinusubukan nilang patibayin ang kanilang teorya sa isang mahinang argumento na ang pahayag na ito sa Efeso 6:10-12 ay angkop sa sinasabing tungkulin nating masugid na “sumira ng mga muopg” ng masasamang espiritu sa makalangit na mga lugar.
Malinaw na sa pagbasa sa sariling dahilan ni Pablo kung bakit kailangan ng mga Cristianong magsuot ng baluti (upang “matibay nilang malabanan ang mga balak ng diyablo”), alam nating pangunahing tinutukoy niya ang madepensang paggamit ng baluti. Dagdag pa, bagama’t maipapalagay na ang isang tabak ay sandatang pang-opensa, maaari rin itong ipalagay na pandepensa, dahil sumasangga at nagliligtas pagsulong ng tabak ng kalaban.
Dagdag pa, kailangan nating mag-ingat na hindi pahirapan ang buong metapora, habang tinatangka nating baklasin mula sa baluti ang isang kahalagahang wala naman doon. Kapag nagsisimula tayong magtalo sa kalikasan ng tabak bilang sandatang pang-opensa o pandepensa, talagang “pinipiga natin ang talinhaga” habang inuukit natin sa pira-piraso ang payak na metaporang hindi nakatalagang baklasin.
Nguni’t hindi Ba’t Inutusan Tayo Upang “Bigkisin ang Malakas na Tao”? (But Didn’t Jesus Instruct Us to “Bind the Strong Man”?)
Tatlong ulit nating makikita sa Ebanghelyo ang pagbanggit ni Jesus ng “pagbibigkis sa malakas na tao.” Nguni’t wala sa mga iyon ang pagbanggit na gawin nila ang “pagbigkis sa malakas na tao.” Siyasatin natin kung ano talaga ang sinabi ni Jesus, at basahin natin ang sinabi Niya sa konteksto:
Sinasabi naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, “Sinasapian siya ni Beelzebul. Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo!” Dahil dito, pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinhaga. Sabi Niya, “Paanong mapapalayas niya ang kanyang sarili? Kapag naglaban-laban naman ang mga magkakasambahay, hindi rin magtatagal ang sambahayang iyon. Gayundin naman, naghihimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at magkabaha-bahagi ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas. “Subali’t hindi maaaring pasukin at pagnakawan ang bahay ng isang taong malakas malibang gapusin muna siya. Kapag siya’y nakagapos na, saka pa lamang mapagnanakawan ang kanyang bahay. Tandaan ninyo ito: maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan, nguni’t ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang hanggang kasalanan. Sinabi ito ni Jesus sapagka’t sinasabi ng mga tao na Siya’y sinasapian ng masamang espiritu (Mc. 3:23-30, idinagdag ang pagdidiin).
Pansinin na hindi tinuturuan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gapusin ang sinumang malalakas na tao. Bagkus, tumutugon Siya sa pagtuligsa ng mga tagapagturo ng Kautusan sa Jerusalem gamit ang lohikang hindi mabubuwag at malinaw na metapora.
Inakusahan nila Siyang nagpapalayas ng demonyo gamit ang makademonyong kapangyarihan. Sumagot Siya sa pagsasabing baliw si Satanas na nilalabanan ang kanyang sarili. Walang marunong na makapagpapasubali niyan.
Kung hindi kapangyarihan ni Satanas ang ginamit ni Jesus upang magpalayas ng demonyo, kaninong kapangyarihan ang ginagamit Niya? Kailangang kapangyarihang higit na malakas kaysa kay Satanas. Kailangan itong kapangyarihan ng Diyos, ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kaya metaporikal ang pagbanggit ni Jesus kay Satanas, na ikinukumpara siya sa isang taong nagbabantay ng kanyang ari-arian. Tanging ang taong mas malakas kaysa naturang malakas na tao ang makakakuha ng ari-arian ng nabanggit, ibig sabihin, Siya. Ito ang tunay na pagpapaliwanag kung paano Siya nakapagpapalayas ng demonyo.
Ang pahayag na ito na bumabanggit sa malakas na tao, pati rin ang mga katulad nitong nakikita sa Mateo at Lucas, ay hindi magagamit upang pangatwiranan ang “pagbigkis natin ng malalakas na tao” sa mga lunsod. Gayundin, kapag sinisiyasat natin ang buong Bagong Tipan, wala tayong makikitang halimbawa ng sinumang “gumagapos ng malalakas na tao” sa mga lunsod, o kautusang gawin ito ninuman. Kaya kung gayon ay maaari nating ipagpalagay na hindi ayon sa kasulatan para sa isang Cristiano upang tangkaing bigkisin at pawalang-kapangyarihan ang sinasabing “malakas na taong-masamang espiritu” sa isang lunsod o lugar.
At Paano ang “Paggapos sa Lupa at sa Langit”? (What About “Binding on Earth and in Heaven”?)
Dalawang ulit lamang sa mga Ebanghelyo na makikita natin ang mga salita ni Jesus na, “Anuman ang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal [o ‘naipagbawal na] sa langit, at anumang ipahintulot sa lupa ay ipahihintulot [ o ‘napahintulutan na’] sa langit.” Kapwa pangyayari ay nakatala sa ebanghelyo ni Mateo.
Tinuturuan ba tayo ni Jesus na maaari at dapat nating “gapusin” ang mga makademonyong espiritu sa himpapawid ?
Una, isaalang-alang natin ang Kanyang mga salita, gapusin at pakawalan. Ang paggamit ni Jesus sa mga salitang iyon ay malinaw na patalinhaga, dahil hindi Niya talaga ibig sabihin na kukuha ng lubid o kurdon ang Kanyang mga tagasunod at literal na gapusin ang anuman o pakakawalan ang anumang nabigkis ng totoong tali o kurdon. Kaya ano ang ibig Niyang sabihin?
Para sa kasagutan, kailangan nating tingnan ang paggamit Niya ng mga salitang gapusin at pakawalan sa konteksto ng anumang tinutukoy Niya sa panahong iyon. Ang pinag-uusapan ba Niya ay ang paksa ng masasamang espiritu? Kung gayon kailangan nating ipagpalagay na ang Kanyang mga salita tungkol sa pagbigkis ay may kinalaman sa paggapos ng masasamang espiritu.
Siyasatin natin ang unang pahayag na binanggit ni Jesus ang paggapos at pagpapakawala:
Tinanong ulit sila ni Jesus, “Nguni’t para sa inyo, sino ako?” sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagka’t ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. At sinasabi Ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang Aking iglesia at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.” (Mt. 16:15-19, idinagdag ang pagdidiin).
Walang dudang ang maraming pagpapaliwanag sa pahayag na ito ay dahil naglalaman ito ng hindi bababa sa limang ekspresyong metaporikal: (1) “laman at dugo,” (2) “bato,” (3) “daigdig ng mga patay,” (4) “susi ng kaharian ng langit,” and (5) “paggapos at pagpapakawala.” Lahat ng mga ekspresyong ito ay patalinhaga, iba ang tinutukoy.
Ang Pintuan ng Daigdig ng mga Patay (Hades’ Gates)
Kahit anupaman ang eksaktong ibig sabihin ng mga metapora, makikita ninyong sa pahayag na ito, hindi binanggit ni Jesus ang masasamang espiritu. Ang pinakamalapit Niyang ginawa ay ang pagbanggit Niya ng “pintuan ng daigdig ng mga patay,” na simboliko siyempre, dahil walang magagawa ang literal na pintuan ng mga patay upang hadlangan ang iglesia.
Ano ang sinasagisag ng “pintuan ng daigdig ng mga patay”? Marahil ay sagisag sila ng kapangyarihan ni Satanas, at ibig sabihin ni Jesus na hindi mahahadlangan ng kapangyarihan ni Satanas ang pagkakatayo ng Kanyang iglesia. O, maaaring nais sabihin ni Jesus na ang itatayo Niyang iglesia ay magliligtas sa mga tao sa pagkabilanggo sa likod ng pintuan ng daigdig ng mga patay.
Pansinin na talagang tinukoy ni Jesus ang dalawang set ng pintuan: ang pintuan ng daigdig ng mga patay, at ang pintuan papunta sa langit, na ipinahiwatig ng pagbibigay Niya kay Pedro ng “susi sa langit.” Ang pagsasalungat na ito ay pagsuporta pa rin ng idea na ang pahayag ni Jesus tungkol sa pintuan ng daigdig ng mga patay ay sagisag ng papel ng iglesia sa pagligtas sa mga tao upang hindi mapunta sa daigdig ng mga patay.
Kahit gustong sabihin ni Jesus na “lahat ng kapangyarihan ni Satanas ay hindi mahahadlangan ang Kanyang iglesia,” hindi natin maipagpalagay na ang Kanyang mga komento tungkol sa panggagapos at pagpapakawala ay mga utos sa kung ano ang gagawin natin sa masasamang espiritu sa mga lunsod, sa simpleng dahilang wala tayong makikitang halimbawa sa mga Ebanghelyo o Mga Gawa ng sinumang gumagapos sa masamang espiritu sa mga lunsod, ni utos sa mga sulat kung paano gawin ito. Kahit paano natin ipaliwanag ang mga salita ni Cristo tungkol sa paggapos at pagpapakawala, kailangang masuportahan ng konteksto ang ating paliwanag sa kabuuan ng Bagong Tipan.
Dahil sa kawalan ng anumang halimbawa sa kasulatan, nakamamanghang laging sinasabi ng mga Cristiano ang, “Iginagapos ko ang diyablo sa pangalan ni Jesus,” o “pinakakawalan ko ang mga kampon sa paligid ng taong iyon” at iba pa. Wala tayong makikitang sinumang nagsasabi ng ganito saanman sa Bagong Tipan. Ang diin sa Mga Gawa at mga sulat ay hindi sa pakikipag-usap sa diyablo o paggapos o pagpapawala sa masasamang espiritu, kundi sa pagpapangaral sa magandang balita at pananalangin sa Diyos. Halimbawa, nang laging sinusuntok si Pablo ng isang mensahero (literal na “kampon”) ni Satanas, hindi niya ito sinubukang “gapusin”. Nanalangin siya tungkol dito (tingnan ang 2 Cor. 12:7-10).
Ang mga Susi patungong Langit (The Keys to Heaven)
Tingnan pa natin nang malaliman ang nakapaligid na konteksto ng mga salita ng Dioyos tungkol sa paggapos at pagpapakawala. Pansinin na bago Niya binanggit ang paggapos at pagpapakawala, sinabi ni Jesus na ibibigay Niya kay Pedro ang “susi sa kaharian ng langit.” Kailanman ay hindi nabigyan si Pedro ng literal na susi ng pintuan ng langit, kaya kailangang tingnan ang mga salita ni Jesus bilang matalinhaga. Ano ang sagisag ng “susi”? Sinasagisag ng mga susi ang paraan ng pagpasok sa isang bagay na nakasara. Ibig sabihin ng isang taong may hawak na susi ay hindi kailangang buksan ng iba ang ilang tanging pintuan.
Habang isinasaalang-alang natin ang ministeryo ni Pedro na nakatala sa aklat ng Mga Gawa, ano ang makikita nating ginagawa niya na maituturing na kumpara sa pagbukas ng mga pintuang hindi mabubuksan ng iba?
Unang-una, malalaman nating ipinangangaral niya ang magandang balita, ang magandang balitang nagbubukas ng pintuan ng langit sa lahat ng naniniwala (at ang magandang balitang nagsasara ng pintuan ng daigdig ng mga patay). Kung gayon, lahat tayo’y nabigyan ng mga susi sa kaharian ng langit, dahil lahat tayo ay embahador ni Cristo. Ang mga susi sa kaharian ng langit ay tanging ang magandang balita ni Jesus Cristo, angThe keys to the ki mensaheng makakabukas sa pintuan ng langit.
At Ngayon, Paggapos at Pagpapakawala (And Now, Binding and Loosing)
Sa pagtatapos, pagkapangakong ibibigay kay Pedro ang mga susi sa kaharian ng langit, inihayag ni Jesus ang tungkol sa paggapos at pagpapakawala, ang panlima Niyang matalinhagang ekspresyon sa tinatalakay nating pahayag.
Sa konteksto ng mga pahayag na nakita na natin, ano ang ibig sabihin ni Jesus? Paanong nagkaroon ng kaugnayan ang paggapos at pagpapakawala ni Pedro sa pagtatayo ni Jesus ng iglesia, sa pagligtas sa mga tao mula sa daigdig ng mga patay, at ang pagpapangaral sa magandang balita?
Talagang iisa lang ang posibilidad. Nais lang sabihin ni Jesus na, “binibigyan kita ng kapangyarihang maging kinatawan ng langit. Tuparin mo ang iyong tungkulin sa lupa, at kakalingain ka ng langit.”
Kung ang may-ari ng tindahan ay nagsabi sa kanyang tagatinda, “Anuman ang gawin mo sa Bangkok ay gagawin din dito,” paano ipaliwanag ng tagatinda ang pahayag ng kanyang boss? Maipagpapalagay niyang may kapangyarihan siyang maging kinatawan ng kumpanya sa Bangkok. Ang ibig lang sabihin ni Jesus ay si Pedro ang itinalagang kinatawan ng Diyos sa langit. Ang pangakong ito kay Pedro ay pagpapalakas ng kanyang kumpiyansa nang magsimula siyang mangaral ng mensahe ng Diyos sa Jerusalem sa ilalim ng mapanuring mata ng mga tagapagturo ng kautusan at mga Pariseo—mga taong akala nila’y may angking kapangyarihan bilang kinatawan ng Diyos, at mga taong itinuring ni Pedro bilang ganoon nga.
Ang partikular na paliwanag na ito ng salita ni Jesus ay mainam na umuugnay sa pangalawang paggamit Niya ng parehong ekspresyon, na makikita sa sumunod na dalawang kabanata pagkatapos ng unang pahayag sa ebanghelyo ni Mateo:
Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. Nguni’t kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesia ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesia, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.” Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit. “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito’y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Sapagka’t saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon Akong kasama nila (Mt. 18:15-20, idinagdag ang pagdidiin).
Sa pangalawang pahayag na ito na bumabanggit sa paggapos (pagbabawal) at pagpapakawala (pagpapahintulot), [1] walang anuman sa teksto ang magpapaniwala sa atin na tinutukoy ni Jesus ang panggagapos (o pagbabawal) sa masasamang espiritu. Dito direktang tinutukoy ni Cristo ang tungkol sa pagbabawal at pagpapahintulot pagkatapos magsalita tungkol sa paksa ng disiplina sa iglesia.
Mukhang ipinapahiwatig na tungkol sa pagbabawal at pagpapahintulot sa pahayag na ito, nais sabihin ni Jesus ay parang, “Binibigyan ko kayo ng kapangyarihang kilalanin kung sino ang dapat nasa iglesia at sino ang wala doon. Trabaho n’yo ‘yan. Habang tinutupad ninyo ang inyong tungkulin, aalalayan kayo ng langit.”
Sa higit na malawak na pag-uukol, sinasabi lang ni Jesus na, “Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa lupa bilang kinatawan ng langit. May mga tungkulin kayo, at habang tinutupad ninyo ang inyong tungkulin sa lupa, lagi kayong susuportahan ng langit.”
Pagbabawal[Paggapos] at Pagpapahintulot [Pagpapakawala] sa Konteksto (Binding and Loosing in Context)
Lubhang angkop ang interpretasyong ito sa nakapaligid na konteksto maging sa higit na malawak na konteksto ng kabuuan ng Bagong Tipan.
Kung tungkol sa nakapaligid na konteksto, mapapansin natin na pagkatapos na pagkatapos ng Kanyang pahayag tungkol sa pagbabawal at pagpapahintulot, sinabi ni Jesus: “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito’y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. (Mt. 18:19; idinagdag ang pagdidiin).
Nariyan na naman ang temang “ang ginagawa ninyo sa lupa ay susuportahan sa langit” Tayong nasa lupa ay may tungkuling manalangin. Kapag nananalangin tayo, sumagagot ang langit. Ang mga salita ni Jesus na “Muli sinasabi ko…” ay mukhang nagpapakitang pinalalawak Niya ang sinabi na Niya tungkol sa pagbabawal at pagpapahintulot.
Ang pangwakas na pahayag ni Jesus sa pahayag na ito, “Dahil kung may dalawa o tatlong nagtitipon sa Aking pangalan, naroroon Akong kasama nila,” ay sumusuporta rin sa temang “susuportahan ka ng langit”. Kapag nagtitipon ang mga mananampalataya sa Kanyang pangalan, Siyang nananahan sa langit ay darating.
Kahit na lubos kang hindi umaayon sa paliwanag ko sa mga pahayag na ito, mahihirapan kang magpakita ng matibay na argumentong nasasaad sa kasulatan na ang tinutukoy ni Jesus ay tungkol sa paggapos sa masasamang espiritu sa mga lunsod!
Kasama si Satanas sa Banal na Plano ng Diyos (God’s Divine Plan Includes Satan)
Rebeldeng hukbo si Satanas at kanyang mga kampon, nguni’t hindi hukbong malayo sa pamamahala ng Diyos. Ang rebeldeng hukbong ito ay nilikha ng Diyos, (bagama’t noong una silang nalikha ay hindi sila rebelde). Isinulat ni Pablo:
Sapagka’t sa pamamagitan Niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espiritwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan Niya at para sa Kanya (Col. 1:16, idinagdag ang pagdidiin).
Nilikha ni Jesus ang bawa’t ranggo ng mala-anghel na espiritu, pati na si Satanas. Alam ba Niya na magrerebelde ang iba? Siyempre alam Niya. Kung gayon ay bakit Niya sila nilikha? Dahil gagamitin Niya ang mga rebeldeng espiritung iyon upang tulungan Siyang tuparin ang Kanyang plano. Kung wala Siyang layunin para sa kanila, matagal na Niya silang ibinilanggo, na tulad ng sinasabi sa ating ginawa na Niya sa ilang rebeldeng anghel (tingnan ang 2 Pet. 2:4) at siyang isang araw ay gagawin Niya kay Satanas (tingnan ang Pah. 20:2).
May dahilan ang Diyos sa pagpapapayag kay Satanas at bawa’t masamang espiritu upang umiral sa lupa. Kung hindi, hindi nila matutupad ang kanilang komisyon. Anu-ano ang mga dahilan ng Diyos na payagang umiral si Satanas sa lupa? Palagay ko’y hindi naiintindihan ninuman ang bawa’t dahilan, bagama’t ibinunyag ng Diyos ang ilang dahilan sa Kanyang Salita.
Una, pinahihintulutan ng Diyos si Satanas upang umiral nang may hangganan sa lupa upang tuparin ang Kanyang planong subukin ang mga tao. Naninilbihan si Satanas bilang panghaliling pagpipilian para sa katapatan ng sangkatauhan. Napagtatanto man nila o hindi, ang mga tao’y sumusunod sa Diyos o kay Satanas. Pinahintulutan ng Diyos si Satanas upang tuksuhin sina Adan at eva, dalawang taong may angking malayang kapasyahan, upang subukin sila. Lahat ng may malayang kapasyahan ay kailangang masubok upang ibunyag ang nasa kanilang puso, pagsunod man o pagsuway. [2]
Pangalawa, pinahihintulutan ng Diyos na umiral si Satanas upang umiral nang may hangganan sa lupa bilang tagapagdaloy ng Kanyang poot sa mga gumagawa ng masama. Napatunayan ko na ito sa pagpapakita ng maraming ispesipikong halimbawa sa Kasulatan nang hatulan ng Diyos ang mga nararapat na tao sa pamamagitan ng masasamang espiritu. Kahit ang katotohanang pinahintulutan ng Diyos si Satanas upang pamahalaan ang mga di ligtas na tao sa mundo ay pagpapakita ng Kanyang poot sa kanila. Hinahatulan ng Diyos ang kumpol ng masasamang tao sa pamamagitan ng pagbibigay-pahintulot sa masasamang tao upang pamahalaan sila, na higit na nagpapahirap ng kanilang buhay.
Pangatlo, pinahihintulutan ng Diyos si Satanas upang umiral nang may hangganan sa lupa upang parangalan ang Kanyang Sarili. “Naparito ang Anak ng Diyos upang was akin ang mga gawa ng diyablo” (1 Juan 3:8). Sa tuwing sinisira ng Diyos ang gawain ni Satanas, napararangalan ang Kanyang kapangyarihan at karunungan.
Si Jesus ang Pinuno ng mg Pinakapuno at Kapangyarihan (Jesus is the Head Over Principalities and Powers)
Bilang Cristiano, ang ating tungkulin ayon sa kasulatan sa paglaban kay Satanas ay may dalawang bahagi: ang labanan sila sa ating buhay (San. 4:7), at palayasin sila sa ibang taong nais maligtas (Mc. 16:17). Ang sinumang Cristianong may karanasan sa pagpapalayas ng demonyo mula sa ibang tao ay nakakaalam na, bilang pangkalahatang tuntunin, hangga’t ayaw maligtas ang sinasapian ng demonyo, hindi niya ito mapapalayas. [3] Iginagalang ng Diyos ang malayang kapasyahan ng bawa’t tao, kaya’t kung nais ng isang taong sumuko sa masasamang espiritu, hindi siya pipigilan ng Diyos.
Muli, isa itong dahilan kung bakit hindi natin mapapababa ang mga espiritu sa natatanging lugar. Hawak ng mga masasamang espiritung iyon dahil iyon ang pinili ng mga tao. Sa pangangaral ng magandang balita sa kanila, naghahandog tayo sa kanila ng isang pagpipilian. Kung pipiliin nila ang tama, magreresulta ito sa kanilang kalayaan kay Satanas at mga masamang espiritu. Nguni’t kung pipiliin nila ang mali, na hindi magsisisi, pahihintulutan ng Diyos si Satanas upang panghawakan sila.
Tinutukoy si Jesus sa Kasulatan bilang “pinuno ng lahat ng pamamahala at kapangyarihan” (Col. 2:10). Bagamat ang Griegong salita para sa pamamahala (arche) at kapangyarihan (exousia) ay ginagamit minsan sa paglalarawan ng mga taong lider-pulitikal, ginagamit din ang mga ito sa Bagong Tipan bilang titulo para sa makademonyong namamahala. Ang klasikong pahayag tungkol sa labanang Cristiano laban sa mga namamahala (arche) at kapangyarihan (exousia) sa Efeso 6:12 ay isang halimbawa.
Kapag binasa natin sa konteksto ang isinulat ni Pablo tungkol sa pagiging pinuno n I Jesus sa lahat ng pamamahala at kapangyarihan sa Colossians 2:10, mukhang malinaw na tinutukoy niya ang mga espiritwal na kapangyarihan. Halimbawa, sa pahayag ding iyon makaraan lang ang apat na berso, isinulat ni Pablo tungkol kay Jesus, “Nilupig Niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay” (Col. 2:15).
Kung si Jesus ang pinuno ng mga espiritwal na namamahala at kapangyarihan, Siya ang makapangyarihan sa lahat sa kanila. Ito ay isang kamangha-manghang pagbubunyag sa mga Cristianong namumuhay sa pagano at animistikong mga kultura, na gumugol ng nakaraang mga buhay sa pagsamba sa mga diyus-diyosan sa takot sa masasamang espiritung alam nilang namamahala sa kanila.
Ang Tanging Paraan ng Pagtakas (The Only Way of Escape)
Ang tanging paraan upang matakasan ang pagkabilanggo sa masasamang espiritu ay magsisi at maniwala sa magandang balita. Iyan ang pagtakas na inilaan ng Diyos. Walang sinumang makakagapos sa mga makademonyong puwersa sa isang lunsod at palayain ka o bahagyang palayain ka. Hangga’t di nagsisisi ang isang tao at naniniwala sa magandang balita, nananahan siya sa poot ng Diyos (tingnan ang Jn. 3:36), na isinasama ang paghawak ng makademonyong mga puwersa.
Kayang walang mga nasusukat na pagbabago sa mga lunsod na kinaganapan ng malalaking espiritwal na kumperensya, dahil walang nangyaring tunay na nakaapekto sa makademonyong mga herarkiyang namamahala sa mga pook na iyon. Maaaring maghapong sigawan ng mga Cristiano ang mga namumuno at kapangyarihan sa buong maghapon at magdamag; matatangka nilang pahirapan ang diyablo sa tinatawag na “mga dilang nakikipagdigma”; maaari nilang sabihing “iginagapos ko kayong masasamang espiritu sa lunsod na ito” nang milyong ulit; magagawa pa nila ang mga ito sa mga eroplano at pinakamatataas na palapag ng mga gusali (na siyang talagang ginagawa ng iba); at ang tanging paraan upang maapektuhan ang masasamang espiritu ay matatawanan nila ang mga hangal na Cristiano.
Dadako na tayo sa pang-anim na modernong mito tungkol sa espiritwal na paghahamok.
Mito #6: “Ang espiritwal na pakikihamok sa mga espiritung teritoryal ay nagbubukas ng pinto sa epektibong ebanghelismo.” (Myth #6: “Spiritual warfare against territorial spirits opens the door for effective evangelism.”)
Ang motibasyong nagsusulong sa maraming Cristianong lubhang lubog sa espiritwal na pakikihamok sa mga espiritung teritoryal ay ang kanilang pagnanasang maparangalan. Dapat naisin ng bawa’t Cristiano ang makitang makaligtas sa panggagapi ni Satanas ang higit na marami pang tao.
Nguni’t mahalagang gamitin natin ang mga metodo ng Diyos sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos. Alam ng Diyos kung alin ang gumagana at kung alin ang pagsasayang ng panahon. Sinabi na Niya sa atin kung ano talaga ang ating mga tungkulin upang mapalawak ang Kanyang kaharian. Kahangalan ang isiping magagawa natin ang isang bagay na hindi makikita sa Kasulatan na maaaring magpalawak ng ating ebanghelismo, bagay na hindi ginawa nina Jesus, Pedro o Pablo sa kanilang mga ministeryo.
Bakit ipinagpapalagay ng napakaraming mga Cristiano na mabubuksan ng espiritwal na pakikihamok ang pintuan para sa epektibong ebanghelismo? Karaniwang ganito ang takbo ng kanilang pangangatwiran: “ Binulag ni Satanas ang isipan ng mga di ligtas na tao. Kung gayon, kailangan nating gumawa ng espiritwal na pakikihamok laban kay Satanas upang pigilan an gang pagbulag niya sa kanila. Kapag natanggal na ang mga nakakabulag, higit na maraming tao ang maniniwala sa magandang balita.” Tama ba ito?
Tunay na walang dudang binulag ni Satanas ang isipan ng mga di ligtas na tao. Isinulat ni Pablo:
Kung may tabing pa ang Magandang Balitang ipinapahayag naming, ito’y natatabingan lamang para sa mga napapahamak. Hindi sila sumasampalataya sapagka’t ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos (2 Cor. 4:3-4).
Ang tanong ay, ibinigay ba ni Pablo ang impormasyong ito sa mga Cristianong taga-Corinto na may tangkang hikayatin silang gumawa ng espiritwal na paghahamok at hilahin ang mga espiritung teritoryal upang higit na maging bukas ang mga di ligtas na tao?
Ang sagot ay Hindi dahil sa malinaw na kadahilanan.
Una, dahil hindi ipinagpatuloy ni Pablo ang pagsasabing, “Kaya, mga taga-Corinto, dahil binulag ni Satanas ang isipan ng mga di mananampalataya, nais kong gumawa kayo ng espiritwal na pakikihamok at pabagsakin ang mga espiritung teritoryal upang matanggal ang mga bagay na nakakabulag.” Bagkus, ang sumunod na binanggit niya ay ang kanyang pangangaral kay Cristo, na siyang paraan ng pagtanggal ng espiritwal na pagkabulag.
Pangalawa, wala sa mga sulat ni Pablo ang nag-uutos sa mga mananampalataya upang makisangkot sa pagpapabagsak ng mga muog sa kanilang lunsod upang lalawak ang mga resulta ng ebanghelismo.
Pangatlo, alam natin mula sa pagbabasa ng lahat ng mga sulat ni Pablo na hindi siya naniniwalang ang pagbubulag ni Satanas ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling hindi nananampalataya ang mga di mananampalataya. Nakakatulong ang pamumulag ni Satanas, nguni’t hindi ito pangunahin o tanging salik. Sng pasngunahing salik na nagpapanatiling di ligtas sa mga tao ay ang katigasan ng kanilang mga puso. Malinaw ito sa dahilang hindi napananatiling bulag ni Satanas ang lahat. Ang ilang taong nakakarinig ng katotohanan ay naniniwala rito, at dahil doon ay tinatanggihan ang anumang kasinungalingang minsan nilang pinaniwalaan. Hindi talagang ang pagbubulag ni Satanas ang sanhi ng di paniniwala ng mga tao, kundi ang di nila paniniwala ang nagpapahintulot sa pagbubulag ni Satanas.
Mga Matitigas na Puso (Callous Hearts)
Sa sulat niya sa mga taga-Efeso, mahusay na ipinaliwanag ni apostol Pablo kung bakit nananatiling di nananampalataya ang mga di Cristiano:
Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. Sila’y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi kalaswaan (Efe. 4:17-19, idinagdag ang pagdidiin).
Sinabi ni Pablo na ang mga di ligtas ay hindi kasali sa buhay ng Diyos dahil “sa kawalang-kaalamang nasa kanila.” Nguni’t bakit wala silang alam? Bakit “dumilim ang kanilang pagkakaintindi”? Ang sagot ay, “dahil sa katigasan ng kanilang puso.” Naging “matigas” sila. Iyan ang ugat at pangunahing dahilan kung bakit nananatiling di ligtas ang mga tao. [4] TSila mismo ang may kasalanan. Ibinibigay lang ni Satanas ang mga kasinungalingang nais nilang paniwalaan.
Ganap na inilalarawan ng talinhaga ni Jesus tungkol sa nagtatanim at mga uri ng lupa ang konseptong ito:
Isang magsasaka ang pumunta sa bukid upang maghasik. Sa kanyang paghahasik may binhing nalaglag sa daan, natapakan ito ng mga tao at tinuka ng mga ibon…Ito ang kahulugan ng talinhaga: ang binhi ay ang Salita ng Diyos. Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga taong nakikinig. Dumating ang diyablo at inalis nito ang Salita mula sa puso ng mga nakikinig upang hindi sila manalig at (Lu. 8:5, 11-12).
Pansinin na ang buto, na sumasagisag sa magandang balita, ay nahulog sa tabi ng daan at naapakan. Hindi nito maabot ang matigas na lupang laging nilalakaran ng mga tao. Kaya napakadali para sa mga ibon, na sumasagisag sa diyablo, upang nakawin ang mga buto.
Ang puntong buong talinhaga ay ikumpara ang kalagayan ng puso ng mga tao (at ang pagiging bukas ng mga ito sa Salita ng Diyos) sa iba-ibang uri ng lupa. Ipinapaliwanag ni Jesus kung bakit naniniwala ang ibang tao at bakit hindi naniniwala ang iba: depende talaga sa kanila.
Paano papasok sa eksena si Satanas? Maaari lang niyang nakawin ang Salita mula sa mga may matitigas na puso. Ang mga ibon sa talinhaga ay pangalawang dahilan lamang kung bakit hindi tumubo ang mga buto. Ang pangunahing problema ay nasa lupa; katunayan, ang katigasan ng lupa ang naging dahilan kung bakit nakuha ng mga ibon ang mga buto.
Pareho rin ito sa magandang balita. Ang totoong problema ay ang matitigas na puso ng malalayang ahente ng magandang asal. Kapag tinatanggihan ng mga tao ang magandang balita, pinipili nilang manatiling bulag. Nanaisin nilang paniwalaan ang kasinungalingan kaysa ang katotohanan. Tulad ng pagsabi ni Jesus, “Naparito sa sanlibutan ang ilaw, nguni’t inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagka’t ang kanilang mga gawain ay masasama” (John 3:19, idinagdag ang pagdidiin).
Hindi tayo pinapaniwala ng Biblia ang mga tao ay tapat, may mabubuting puso, na talagang maniniwala sa magandang balita kung hihinto lamang si Satanas sa kabubulag sa kanila. Bagkus, ipinapakita ng Biblia ang madilim na larawan ng katauhan ng mga tao, at hahatulan ng Diyos ang bawa’t taong maging responsable sa kanyang mga makasalanang pagpili. Sa pag-upo ng Diyos sa Kanyang trono ng paghukom, hindi Niya tatanggapin ang dahilan ninuman na “pinagawa sa akin ito ng diyablo.”
Kung Paano Bulagin ni Satanas ang Isip ng mga Tao (How Satan Blinds People’s Minds)
Paano talaga bulagin ni Satanas ang isipan ng mga tao? Nagtataglay ba siya ng espiritwal na kapangyarihang ibinubuhos niyang parang potion sa ulo ng mga tao upang sirain ang kanilang pagkakaintindi? Ibinabaon ba ng isang demonyo ang kanyang mga kuko sa kanilang mga utak, at matagumpay na pinagbubuhul-buhol ang kanilang maliwanag na pag-iisip? Hindi, binubulag ni Satanas ang isipan ng mga tao sa pagbibigay niya ng mga kasinungalingang paniniwalaan nila.
Malinaw na kung talagang pinaniniwalaan ng mga tao ang katotohanang is Jesus ang Anak ng Diyos na namatay para sa kanilang mga kasalanan, kung talagang naniniwala sila na isang araw ay haharap sila sa Kanya upang ihayag ang kanilang naging buhay, magsisisi sila at maging tagasunod Niya. Nguni’t hindi nila pinaniniwalaan ang mga iyon. Bagama’t mayroon silang pinaniniwalaan. Maaaring maniwala sila na walang Diyos, o walang buhay pagkatapos ng kamatayan. Maaari silang maniwala sa pagkabuhay na muli, o hindi kailanman ipinapadala ng Diyos ang sinuman sa impiyerno. Maaari nilang isipin na ang mga gawain tilang patungkol sa relihiyon ang magdadala sa kanila sa langit. Nguni’t anuman ang pinaniniwalaan nila, kung hindi ang magandang balita, mabubuod ito ng iisang salita: kasinungalingan. Hindi nila pinaniniwalaan ang katotohanan, kung gayon pinananatili silang bulag ni Satanas sa pamamagitan ng kasinungalingan. Subali’t kung magpakumbaba sila at maniwala sa katotohanan, hindi na kailanman sila mabubulag ni Satanas.
Ang mga Kasinungalingan ng Kadiliman (The Lies of Darkness)
Ang kaharian ni Satanas ay tinutukoy sa Kasulatan bilang “lupain ng kadiliman” (Col. 1:13). Siyempre, ang kadiliman ay sumasagisag sa kawalan ng—ang kawalan ng liwanag o kaliwanagan. Kapag nasa kadiliman ka, kikilos ka sa pamamagitan ng iyong imahinasyon at kadalasang masasaktan ka. Ganyan sa kaharian ng kadiliman ni Satanas. Ang mga naroon ay kumikilos sa pamamagitan ng kanilang imahinasyon, at napuno ng kasinungalingan ni Satanas ang kanilang mga imahinasyon. Naroon sila sa espiritwal na kadiliman.
Kung gayon, ang kaharian ni Satanas ay higit na mainam na tawagin, hindi bilang kahariang heograpikal na may takdang hangganan, kundi isang kaharian ng paniniwala—ibig sabihin, paniniwala sa kasinungalingan. Ang kaharian ng kadiliman ay pareho ang kinaroroonan ng kaharian ng liwanag. Ang mga naniniwala sa katotohanan ay kasamang nananahan ng mga naniniwala sa kasinungalingan. [5] Ang ating pangunahing gawain ay ipangaral ang katotohanan sa mga taong naniniwala na sa kasinungalingan. Kapag naniniwala ang isang tao sa katotohanan, nawawala na naman ni Satanas ang isa sa kanyang mga nasasakupan dahil hindi na niya ito maaaring dayain.
Kung gayon pinalalaya natin ang mga di ligtas na tao kay Satanas, hindi sa “paggapos” ng mga masamang espiritu kundi sa pangangaral ng katotohanan. Sinabi ni Jesus, “Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Jn. 8:32, idinagdag ang pagdidiin). Tinatanggal ng katotohanan ang espiritwal na pagkabulag.
Nakapaloob sa pahayag na iyon sa Kasulatan sa Ebanghelyo ni Juan, sinabi ni Jesus sa isang di ligtas na tagapakinig:
Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagka’t walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagka’t siya’y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. Ayaw ninyong maniwala sa akin sapagka’t katotohanan ang sinasabi ko sa inyo (Jn. 8:44-45, idinagdag ang pagdidiin).
Pansinin ang pagsasalungat na ginawa ni Jesus sa Kanyang Sarili at ang diyablo. Nagsasalita Siya ng katotohanan; si Satanas ang ganap na sinungaling.
Pansinin rin na kahit sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagapakinig na sila ay sa kanilang ama, ang diyablo, at kahit na inilantad Niya si Satanas bilang sinungaling, ipinataw pa rin Niya sa kanila ang tungkuling paniwalaan ang katotohanang binibigkas Niya. Hindi kasalanan ng diyablong bulag sila—ito ay sarili nilang kagagawan. Inakusahan sila ni Jesus. Tinutulungan ni Satanas ang mga taong “nagmamahal sa kadiliman” upang manatili sa kadiliman sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kasinungalingang pinaniniwalaan nila. Nguni’t hindi maloloko ni Satanas ang sinumang maniniwala sa katotohanan.
Dahil sa lahat nang ito, ang pangunahing paraan upang maitatabi natin ang kaharian ng kadiliman ay ang pagpapakalat ng liwanag—ang katotohanan ng Salita ng Diyos. Kaya hindi sinabi sa atin ni Jesus, “Humayo kayo sa mundo upang gapusin ang diyablo” kundi, “Humayo kayos a mundo at ipangaral ang magandang balita.” Sinabi ni Jesus kay Pablo na ang layunin ng pangangaral Niya ay upang buksan ang mata ng mga tao “upang ibaling nila ang pansin mula sa kadiliman patungong liwanag at mula sa lupain ni Satanas patungo sa Diyos (Gw. 26:18, idinagdag ang pagdidiin). Nililinaw nito na tinatakasan ng mga tao ang lupain ni Satanas kapag naliliwanagan sila ng katotohanan ng magandang balita at magpasyang ibaling ang pansin mula kadiliman patungong liwanag, at maniniwala sa katotohanan sa halip na kasinungalingan. Ang tanging muog na “ibinabagsak” natin ay ang mga muog ng kasinungalingang naitatak sa isip ng mga tao.
Ito ang Plano ng Diyos (This is God’s Plan)
Huwag kalimutang ang Diyos ang Siyang nagpalayas kay Satanas mula sa langit patungong lupa. Kung ninais Niya ay inilagay Niya si Satanas saanman sa sanlibutan o ibinilanggo ito magpakailanman. Nguni’t hindi Niya ginawa iyon. Bakit? Dahil nais ng Diyos na gamitin si Satanas upang tuparin ang Kanyang ganap na layunin—sng layuning isang araw ay magkaroon ng malaking pamilya ng malayang ahente ng magandang asalg nagmamahal sa Kanya, na piniling manilbihan sa Kanya.
Kung ninais ng Diyos ang isang pamilya ng mga anak na magmamahal sa Kanya, dalawang bagay ang kailangan. Una, kailangan Niyang lumikha ng mga taong may malayang kapasyahan, dahil ang pundasyon ng pag-ibig ay malayang kapasyahan. Hindi makapangingibig ang mga robot at makina.
Pangalawa, kailangan Niya silang subukin sa isang kapaligirang ihaharap sila sa pagpipiliang susunod o di susunod, ang umibig o mamuhi sa Kanya. Ang mga malayang ahente ng magandang asal ay kailangang subukin. At kung magkakaroon ng pagsubok ng katapatan,kailangang magkaroon ng tuksong susubok ng walang-katapatan. Kung gayon, mag-uumpisa tayong umintindi kung bakit inilagay ng Diyos si Satanas sa lupa. Tutuparin ni Satanas ang katungkulang maging pagpipilian ng pagiging matapat ng sangkatauhan. Pahihintulutan siya (nang may hangganan) upang impluwensiyahan ang sinumang bukas sa kanyang mga kasinungalingan. Dapat pumili ang lahat: Maniniwala ba ako sa Diyos o kay Satanas? Pagsisilbihan ko ba ang Diyos o si Satanas? Napagtatanto man ng mga tao o hindi, lahat sila ay nakapagpasya na. ang atinggawain ay hikayating ang mga taong nakagawa ng maling pasya upang magsisi at maniwala sa magandang balita, na siyang paggawa ng tamang kapasyahan.
Hindi ba’t ito ang nangyari sa Hardin ng Eden? Inilagay ng Diyos ang puno ng karunungan ng mabuti at masama doon at saka pinagbawalan sina Adan at eva na kumain ng bunga nito. Kung ayaw ng Diyos na kumain sila ng bunga nito, bakit Niya inilagay iyon doon? Ang sagot ay nagsibling pagsubok iyon.
Mapapansin din natin na pinahintulutan ng Diyos si Satanas upang tuksuhin si Eba. Muli, kung kailangang masubok ang katapatan, kailangang may tuksong magpapalabas ng kawalang-katapatan. Nagsinungaling si Satanas kay Eba at naniwala ito sa kanya, at gayundin, nagpasya si Eba na ayaw maniwala sa sinabi ng Diyos. Ang resulta? Ibinunyag ng mga unang malayang ahente ng magandang asal ang kawalang-katapatan nasa kanilang puso.
Sa parehong paraan, nasusubok ang bawa’t malayang ahente ng magandang asal sa kanyang buong buhay. Ibinunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang nilikha, kaya lahat ay nakakakitang may kagila-gilalas na Diyos (tingnan ang Ro.1:19-20). Binigyan ng Diyos ang bawa’t isa sa atin ng konsensya, at sa kaibuturan ng ating puso, alam natin ang mabuti at masama (tingnan ang Ro. 2:14-16). Pinahintulutan si Satanas at kanyang masasamang espiritu, sa paraang may hangganan, upang magsinungaling at manukso ng mga tao. Ang resulta’y bawaa’t malayang ahente ng magandang asal ay sinusubok.
Ang malungkot na katotohanan dito ay nagrebelde ang bawa’t malayang ahente ng magandang asal at “ipinalit ang katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan” (Ro. 1:25). Nguni’t mapapasalamatan natin ang Diyos, na naglaan Siya ng panubos para sa ating mga kasalanan at isang paraang maipanganak sa Kanyang pamilya. Ang mapagtiis na kamatayan ni Jesus ang tanging ganap na kasagutan sa ating problema.
Ang Pandaraya ni Satanas, Ngayon at sa Susunod (Satan’s Deception, Now and Later)
Kung gayon naiintindihan natin na ang isang dahilan kung bakit pinahihintulutan ang diyablo at kanyang rebeldeng hukbo upang umiral sa planetang ito: upang dayain ang mga umiibig sa kadiliman.
Mapapatutunayan pa ang katotohanang ito kapag isinaalang-alang natin na ayon sa aklat ng Pahayag, isang araw ay gagapusin ng isang kampon si Satanas at ibibilanggo sa loob ng isang libong taon. Ang dahilan ng kanyang pagkabilanggo? “ Upang hindi na niya muling dayain ang mga bansa” (Pah. 20:3). Sa Milenyo, personal na pamamahalaan ni Jesus ang sanlibutan mula sa Jerusalem.
Nguni’t pagkatapos ng sanlibong taong iyon, sandaling palalayain si Satanas. Ang resulta? Siya “ay darating upang dayain ang mga bansang nasa apat na sulok ng lupa” (Pah. 20:8).
Kung ayaw ng Diyos na dayain ni Satanas ang mga tao sa panahong iyon, bakit Niya ito palalayain? Lalo na dahil sa katotohanang ibinilanggo na noon ng Diyos si Satanas “upang hindi na muling makapandaya ng mga bansa”?
Siyempre, nanaisin ng Diyos na hindi na muling makapandaya si Satanas kaninuman. Nguni’t alam Niyang ang tanging taong madadaya ni Satanas ay ang mga hindi naniniwala sa mismong sinabi Niya. Madadaya lamang ni Satanas ang mga tumatanggi sa katotohanan, kaya pinahihintulutan siya ng Diyos na umiral na ngayon, at kung bakit pahihintulutan siyang iiral pa sa susunod. Habang dinadaya ni Satanas ang mga tao, ang kalagayan ng puso ng mga tao ay higit na lilitaw, at maibubukod na ng Diyos ang “trigo sa mga damo” (tingnan ang Mt. 13:24-30).
Ito mismo ang mangyayari sa pagtatapos ni Milenyo kapag napalaya na si Satanas. Dadayain niya ang lahat ng nagmamahal sa kadiliman, at sa panahong iyon ay titipunin nila ang kanilang mga hukbo sa kaligiran ng Jerusalem sa pagtatangkang buwagin ang pamamahala ni Cristo. Ganap na malalaman ng Diyos kung sino ang umiibig sa Kanya at sino ang namumuhi sa Kanya, at kung gayon ay daglian Siyang magpapadala ng “apoy mula sa langit” na “lalamon sa kanila” (Pah. 20:10). Tutuparin ni Satanas ang mga layunin ng Diyos sa panahong iyon tulad ng pagtupad niya ngayon. Dahil dito bukod sa iba pang dahila, kahangalan ang isiping “mabubuwag natin ang mga espiritung teritoryal.” Pinahihintulutan silang umiral ng Diyos para sa Kanyang Sariling dahilan.
Ebanghelismong Biblikal (Biblical Evangelism)
Ang payak na katotohanan ay ni si Jesus o sino man sa mga alagad sa Bagong Tipan ang gumawa ng uri ng espiritwal na pakikihamok na inaangkin ng ilan na siyang nawawalang susi sa epektibong ebanghelismo ngayon. Kailanman ay hindi natin makikita sina Jesus, Pedro, Juan, Stephen, Filipo, o Pablo “na nagpapabagsak ng muog” o “gumagapos ng malalakas na tao” sa mga lunsod kung saan sila nangangaral. Bagkus, makikita natin na sinunod nila ang Espiritu Santo tungkol sa kung saan Niya nais na sila’y mangaral; makikita natin silang nangangaral ng payak na magandang balita—na tinatawag ang mga tao upang magsisi at manampalataya kay Cristo—at makikita natin silang nasisiyahan sa kamangha-manghang bunga. At sa mga kasong nangangaral sila sa hindi bukas na mga taong tumatanggi sa magandang balita, hindi natin sila nakikitang “gumagawa ng espiritwal na pakikihamok upang hindi maipagpapatuloy ni Satanas ang pagbulag sa kanilang mga isip.” Bagkus, makikita natin silang “nagpapagpag ng alikabok sa kanilang paa” na tulad ng iniutos ni Jesus at tumutuloy sa susunod na lunsod (tingnan ang Mt. 10:14; Gw. 13:5)
Kamangha-manghang maaangkin ninuman na ang “pagbubuwag ng mga muog” at “paggapos sa malalakas na tao” ay kinakailangan sa isang matagumpay na ebanghelismo samantalang may napakaraming libong halimbawa ng dakilang revival sa kasaysayan ng iglesia na hindi ginagamitan ng “espiritwal na paghahamok.”
“Nguni’t gumagana ang aming teknik!” ang sasabihin ng isa. “Mula nang simulan namin ang ganitong uri ng espiritwal na paghahamok, higit na maraming tao ang naliligtas kaysa noon.”
Kung totoo iyan, sasabihin ko kung bakit. Ito ay dahil dahil higit na maraming pag-aaral ng kasulatan at ebanghelismong ginagawang sabay, o kaya ay isang grupo ng tao ang biglang naging bukas sa magandang balita .
Ano ang sasabihin mo kung sinabi sa iyo ng isang ebanghelista, “Ngayong gabi, bago ako mangaral sa revival service, kumain ako ng tatlong saging. At nang mangaral ako, labing-anim na tao ang naligtas. Sa wakas ay nakahanap ako ng sikreto ng epektibong ebanghelismo! Mula ngayon, titiyakin kong kakain ako ng tatlong saging bago mangaral!”?
Siguradong sasabihin mo sa ebanghelistang iyon, “Ang pagkain mo ng tatlong saging ay walang kinalaman sa pagkakaligtas ng labinganim na taong iyon. Ang susi sa iyong tagumpay ay ipinangaral mo ang magandang balita, at may labing-anim na taong bukas na nakikinig.”
Tumutupad ang Diyos sa Kanyang Salita. Kung nangangako ang Diyos, at may isang nakakatupad ng kundisyon sa sinasabing pangako, tutuparin ng Diyos ang Kanyang pangako, kahit na gumagawa ang taong iyon ng ibang bagay na hindi ayon sa kasulatan.
Totoo ito sa kasalukuyang umiiral na espiritwal na pakikihamok. Kung magsimula kang magpamigay ng mga polyeto at “gumagapos sa malakas na tao” sa iyong lunsod, isang tanging bahagdan ng tao ang maliligtas. At kung magsisimula ka lang na magpamigay ng mga polyeto na hindi gagapos sa malakas na tao, parehong bahagdan ng mga tao ang maliligtas.
Paano Manalangin ayon sa Kasulatan Para sa isang matagumpay na Ani (How to Pray Scripturally for a Spiritual Harvest)
Paano tayo mananalangin para sa mga di ligtas na tao? Una kailangan nating maintindihang walang instruksiyon sa Bagong Tipang sinasabihan tayong manalangin upang iligtas ng Diyos ang mga tao, ni walang tala ang sinumang sinaunang Cristianong nananalangin nang ganoon. Ang dahilan ay dahil sa paninindigan ng Diyos, ginawa na Niya ang lahat ng kailangan Niyang gawin upang maligtas ang lahat sa mundo. Lubos ang pagnanais Niya upang maligtas sila na ibinigay Niya ang Sarili Niyang Anak upang mamatay sa krus.
Nguni’t bakit hindi pa ligtas na ang lahat? Dahil hindi lahat ay naniwala sa magandang balita. At bakit sila hindi naniwala? Dalawa lamang ang dahilan: (1) Maaaring hindi pa nila narinig ang magandang balita, o (2) narinig na nila ang magandang balita at tinanggihan nila ito.
Kaya ang pananalangin ayon sa kasulatan para sa mga di ligtas ay manalanging magkaroon sila ng pagkakataong marinig ang magandang balita. Halimbawa, sinabi sa atin ni Jesus “Ang ani ay sagana, nguni’t kakaunti ang manggagawa; kaya makiusap sa Panginoon upang magpadala ng manggagawa sa Kanyang ani” (Lu.10:2, idinagdag ang pagdidiin). Upang marinig ng mga tao ang magandang balita at maligtas, kailangang sabihin sa kanila ang magandang balita ng isang tao. Kaya kailangan nating manalangin sa Diyos upang magpadala ng tao sa kanila.
Nang nanalangin ang sinaunang iglesia tungkol sa isang espiritwal na ani, nanalangin sila, “Grant that Thy bond-servants may speak Thy word with all confidence, while Thou dost extend Thy hand to heal, and signs and wonders take place through the name of Thy holy servant Jesus” (Gw. 4:29-30, idinagdag ang pagdidiin).
Humihingi sila ng (1) pagkakataon upang mapangahas nilang maipangaral ang magandang balita o di kaya’y (2) kapangahasan upang ipangaral ang magandang balita sa mga pagkakataong alam nilang magiging kanila. Inasahan din nila ang Diyos upang kumpirmahin ang magandang balita sa pamamagitan ng mga pagpapagaling, mga tanda at mga kababalaghan. Ang mga iyon ay panalangin ayon sa kasulatan, at pansinin na ang layunin ay bigyan ng pagkakataon ang mga tao upang mapakinggan ang magandang balita. Sinagot ng Diyos ang kanilang panalangin: “Pagkatapos nilang manalangin,nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspon ng Espiritu Santo, at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos” (Gw. 4:31).
Ano ang palagay ni Pablo sa kung paano manalangin ang mga Cristiano tungkol sa pagkakaroon ng espiritwal na ani? Inutusan ba niya sila upang hingin sa Diyos na iligtas ang higit na maraming tao? Hindi, basahin ang sinabi niya:
Mga kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at pahalagahan ng lahat, tulad ng ginagawa ninyo (2 Tes. 3:1, idinagdag ang pagdidiin).
Ipanalangin din ninyong ako’y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. Dahil sa Magandang Balitang ito, ako’y isinugo, at ngayo’y nakabilanggo. Kaya’t ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat (Efe. 6:19-20, idinagdag ang pagdidiin).
Kahit ligtas o hindi ang mga tao ngayon ay higit na nakadepende sa kanila kaysa sa Diyos, kaya dapat ang panalangin natin ay upang marinig ng mga tao ang magandang balita at upang tulungan tayo ng Diyos na maipamahagi ito. Sasagutin ng Diyos ang ating panalangin, nguni’t hindi pa rin iyan katiyakan na maliligtas ang sinuman, dahil binibigyan ng Diyos ang mga tao ng karapatang gumawa ng sariling pagpapasya. Ang kaligtasan nila ay nakadepende sa kanilang tugon sa magandang balita.
Mito #7: Kapag nagkakasala ang isang Cristiano, binubuksan niya ang pinto upang dumating at Manahan sa kanya ang isang demonyo.” (Myth #7: “When a Christian sins, he opens the door for a demon to come and live in him.”)
Totoo na kapag nagkakasala ang isang Cristiano, maaaring dahil sumuko siya sa isang tukso mula sa isang masamang espiritu. Nguni’t ang pagsuko sa mungkahi ng isang masamang espiritu ay hindi nangangahulugang mismong ang masamang espiritu ay talagang makapananahan sa mananampalataya. Kapag nagkasala tayo bilang mga Cristiano, pinuputol natin ang atingpakikipagkapwa sa Diyos dahil sinuway natin Siya (tingnan ang 1 Juan 1:5-6). Nakokonsensya tayo. Nguni’t hindi natin pinutol ang ating ugnayan sa Kanya, dahil anak pa rin Niya tayo.
Kung ikukumpisal natin ang ating mga kasalanan, “Lilinisin tayo sa lahat n gating kasalanan, sapagka’t Siya’y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9). Kung magkagayon, ang pakikipagkapwa natin sa Kanya ay nabuong muli. Pansinin na hindi sinabi ni Juan na kailangan nating luminis mula sa nananahang demonyo kapag nagkasala tayo.
Bawa’t Cristiano ay nahaharap sa araw-araw na tukso sa mundo, sa laman at sa diyablo. Isinulat ni Pablo na totoong may labanan tayo sa iba-ibang masamang espiritu (tingnan ang Efe. 6:12). Kung gayon, bahagyang tinutuligsa ang bawa’t mananampalataya ng mga espiritung demonyo. Karaniwan iyan, at tungkulin nating labanan ang diyablo at mga demonyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Salita ng Diyos (tingnan ang 1 Ped. 5:8-9). Kapag naniniwala tayo ay kumikilos ayon sa sinabi ng Diyos, iyan ay paglaban sa diyablo.
Halimbawa, kung nagdadala si Satanas ng mga malulungkot na isipan, kailangan nating mag-isip ng kasulatang lalaban sa kalungkutan, at sundin ang Salita ng Diyos na “magalak kayong lagi” (1 Tes. 5:16) at “magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon” (1 Tes. 5:18). Tungkulin nating kumilos ayon sa Salita ng Diyos at palitan ang mga isipang maka-Satanas ng isipang maka-Diyos.
Kailangan nating kilalanin na bilang malayang ahente ng magandang asal, maaari tayong mag-isip ng gusto nating isipin. Kung laging pinipili ng isang mananampalataya ang makinig at sumuko sa mga mungkahi ng masasamang espiritu, talagang bubuksan niya ang kanyang isip upang matalo, na isa lamang kalagayang higit na bukas at tinatalo ng maling kaisipan. Kung pipiliin niyang higit pang susuko, maaari siyang masapian ng isang tanging uri ng maling pag-iisip, na pambihira para sa isang Cristiano, nguni’t maaariong mangyari. Gayumpaman, kapag nag nasapiang Cristiano ay magnasang lumaya, ang gawin lang niya ay lakasan ang loob upang isipin at sumuko sa Salita ng Diyos at labanan ang diyablo.
Nguni’t ma-sasapian ba siya? Kung pinagpasyahan niya, mula sa puso, nang hindi pinipilit, na tanggihan si Cristo at tuluyan Siyang layuan. Kung magkagayon, siyempre, hindi na siya Cristiano [6] at maaaring masapian—kung higit pa niyang isuko ang kanyang sarili sa masamang espiritung nananaig sa kanya. Nguni’t malayo iyan sa idea ng pagbukas ng pinto para makapanahan ang masamang espiritu sa iyo sa pamamagitan ng paggawa ng isang kasalanan.
Isang katotohanan na walang isa mang halimbawa sa Bagong Tipan ng sinumang Cristianong sinapian ng isang demonyo. Ni isang mapanganib na babala sa mga Cristiano tungkol sa posibilidad ng pananahan sa kanila ng demonyo. Ni walang instruksiyon tungkol sa kung paano palayasin ang demonyo sa kapwa-Cristiano.
Ang totoo niyan, bilang Cristiano, hindi natin kailangang palayasin ang mga demonyong nananahan sa atin—ang kailangan natin ay pabaguhin ang atingmga isipan sa Salita ng Diyos. Ayon iyan sa kasulatan. Isinulat ni Pablo:
Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong iniisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban (Ro. 12:2).
Kapag nalinisan na ang ating isipan sa mga lumang padron ng pag-iisip at napabago ng katotohanan ng Salita ng Diyos, makukuha natin ang tagumpay sa makasalanang mga ugali at mamuhay sa isang palagiang paraang tulad-ni-Cristo. Ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa atin (Juan 8:32). Napapabago tayo habang pinababago natin ang ating kaisipan, hindi dahil pinalayas natin ang lahat ng mga demonyo.
Kung gayon ay bakit maraming Cristiano ang nanunumpang nagkaroon sila ng isang demonyo (o maraming demonyo) na napalayas sa kanila? Isang posibilidad ay naisip lang nila na nagkaroon sila ng isang demonyo na napalayas din. Maraming Cristiano ang gullible at kulang sa kaalaman sa Salita ng Diyos, kaya madali silang malansi ng mga “ministro ng kaligtasan” na minamanipula ang sikolohiya ng mga tao upang isipin nilang nagkaroon sila ng demonyo. Kapag nakumbinsi ang mga tao na may demonyong nananahan sa kanila, natural na makikipagtulungan sila sa sinumang mukhang may kumpiyansa sa sariling magpaalis ng demonyo.
Isa pang totoong posibilidad ay ang mga taong nabanggit na napalayas sa kanila ang demonyo ay hindi tunay na mananampalataya kayh Cristo sa panahon ng kanilang pagkakaligtas, kahit na ang akala nila ay mananampalataya sila. Ang modernong magandang balita, na talamak na salungat sa magandang balitang biblikal, ay nakadaya ng marami upang isipin nilang sila’y Cristiano kahit di sila naibubukod sa mga di-Cristiano at hindi si Jesus ang kanilang Panginoon. Sa Kasulatan, makikita natin na kung naniniwala ang mga tao sa magandang balita at naipanganak muli, ang mga nakatira sa kanilang demonyo ay kusang lalayas (tingnan ang Gw. 8:5-7). Hindi sasapian ng mga demonyo ang mga taong pinananahanan ng Espiritu Santo, at nananahan ang Espiritu Santo sa lahat ng taong naipanganak na muli.
Mito #8: Sa pamamagitan ng pag-aaral sa kasaysayan ng isang lunsod, malalaman natin kung aling masamang espiritu ang nagdodomina rito, at kung gayon ay higit itong epektibo sa es[piritwal na pakikihamok at sa huli ay ebanghelisasyon.” ( Myth #8: “Through studying the history of a city, we can determine which evil spirits are dominating it, and thus be more effective in spiritual warfare and ultimately in evangelization.”)
Bata yang mitong ito sa maraming ideang hindi masusuportahan ng Kasulatan. Isa sa naturang idea ay matagal na nananatili ang teritoryal na espiritu. Ibig sabihin, ang mga nanahan sa isang rehiyon sa nakaraang daan-daang taon ay sinasabing nandoon pa. Kaya, kung alam natin na itinayo ang lunsod ng mga makasariling tao, maipapalagay natin na may mga makasariling espiritung nagdodomina sa lunsod na iyon ngayon. Kung ang lujnsod ay minsang lumang purok ng mga Indian, maipapalagay natin na ang mga espiritu ng shamanismo at pangkukulam ang nagdodomina sa lunsod ngayon. At marami pang iba.
Nguni’t totoo ba na ang nasabing masasamang pinuno at kapangyarihang nanirahan sa isang heograpikal na lugar daan-daang taon na ana nakaraan ay naroroon pa ngayon? Maaari, nguni’t hindi kailangan.
Isaalang-alang ang kuwentong tiningnan natin sa aklat ni Daniel. Ang walang pangalang anghel na tinulungan ni Miguel upang labanan ang “prinsipe ng Persia” ang nagsabi kay Daniel, Babalik na ako upang labanan ang prinsipe ng Persia; kaya aalis na ako, at ngayon, ang prinsipe ng Grecia ay darating na” (Dan. 10:20, idinagdag ang pagdidiin). Sinasabi sa atin ng kasaysayan na ang Persian Empire ay nahulog sa kamay ng mga Griego sa pamamagitan ng mga laban ni Alexander the Great. Nguni’t alam ng walang pangalang anghel na ito ang mga maaaring mangyaring pagbabago sa espiritwal na lupain—darating ang “prinsipe ng Grecia.”
Nang talagang dumating ang principe ng Grecia, namahala ba siya sa espiritwal na lupain sa Greek Empire na tulad ng pamamahala ng prinsipe ng Persia sa espiritwal na lupain sa Persian Empire? Paraang makatwirang pagpapalagay iyan, at kung magkagayon, nagbago ng kinalalagyan ang mga matataas ang ranggong masamang espiritu, dahil ang Greek Empire ay may malawak na territoryong kasama ang halos lahat ng teritoryo ng Persian Empire. Kapag may mga political na pagbabago sa lupa, may posibilidad na may pagbabago sa kaharian ng kadiliman. Nguni’t ang totoo ay, hindi natin basta malalaman hangga’t hindi ito ibinubunyag ng Diyos sa atin.
Magkagayon ma, hindi mahalaga kung anong partikular na espiritu ang namumuno sa isang lugar, dahil wala tayong magagawa sa pamamagitan ng “espiritwal na paghahamok,” na napatunayan na.
Sobrang Pag-uuri ng Masasamang Espiritu (Over-Categorizing Evil Spirits)
Dagdag pa, isang pagpapalagay para sa atin ang isiping may mga namamahalang espiritu na daalubhasa sa ispesipikong kasalanan. Ang buong konsepto ng pagkakaroon ng “espiritu ng pagkagahaman,” “espiritu ng pagkahilig sa laman,” “relihiyosong espiritu,” “espiritu ng labanan,” at marami pang iba, ay hindi suportado ng Kasulatan, maging ang ida na ang iba-ibang uri ng espiritung iyon ay umiiral sa matataas na ranggo ng masasamang espiritung namamahala ng kaharian ng kadiliman.
Kamangha-mangha sa mga kailanman ay hindi pinag-aralan nang masinsinan ang apat na Ebanghelyo, may tatlong ispesipikong uri lamang ng demonyong pinalayas ni Jesus: Minsan isang “bobong demonyo” ay nabanggit (Lu.11:14), minsan mababasa natin ang “bingi at piping espiritu” (Mc. 9:25), at higit sa isang pagbanggit sa “hindi malinis na espiritu,” na mukhang kasama ang lahat ng demonyhong pinalayas ni Jesus, pati na iyong “bingi at pipi” (tingnan ang Mc. 9:25).
Hindi ba maaaring ang “bingi at piping espiritu” ay nakagawa ng isang bagay maliban sag awing bingi at pipi ang isang tao? Walang dudang magagawa niya ito, dahil ginawa niyang magkaroon din ng terrible seizures ang batang lalaki sa Mc. 9. Kung gayon “bingi at pipi” ay maaaring hindi pagbanggit sa ispesipikong uri ng espiritu kundi isang simpleng pagbanggit sa kung paano nito sinasaktan ang isang tanging tao. Ang ilan sa atin ang naging “baliw-sa-uri” tungkol sa mga demonyo, na hinihigitan nang husto ang pagbubunyag ng biblia.
Sa buong Lumang Tipan, ang tanging ispesipikong espiritung napangalanan na maaaring maituring na ispesipikong masasamang espiritu ay ang “nandadayang espiritu” (1 Ha. 22:22-23), isang “espiritu ng distorsyon” (Isa. 19:14), at isang “espiritu ng harlotry” (Hos. 4:12; 5:4). Tungkol sa una at pangalawa, talagang lahat ng masasamang espiritu ay maituturing na “mandarayang espiritu” at “espiritu ng distorsyon.” Tungkol sa pangatlo, ang pariralang “espiritu ng pagpuputa” ay hindi kinakailangang isang pagbanggit sa ispesipikong masamang espiritu, kundi isang umiiral na saloobin. [7]
Sa buong aklat ng mga Gawa, ang tanging pagkakataong nabanggit ang ispesipikong masamang espiritu ay sa Gw.16:16, na mababasa natin ang isang batang babaing nagkaroon ng “espiritu ng divination.” At sa lahat ng mga sulat, ang tanging uri ng ispesipikong masasamang espiritung nabanggit ay ang mga “mandarayang espiritu” (1 Tim. 4:1) na, muli, ay maaaring paglalarawan ng alinmang masamang espiritu.
Dahil sa ilang pagbanggit sa ispesipikong uri ng demonyo sa Biblia, nakakamanghang basahin ang ilan sa mga modernong listahang naglalaman ng daan-daang iba-ibang uri ng demonyong maaaring Manahan sa mga tao at mamahala sa mga lunsod.
Hindi natin dapat ipagpalagay na may pag-uuri-uri, sa ispesipikong kasalanan, o anumaang higit na mataas na ranggo ng masasamang espiritu. Isang pagpapalagay ang sabiging, “Dahil napakaraming pagsusugal sa lunsod na iyon, maaaring may mga espiritu ng sugal doon.”
Naninigarilyong Espiritu? (Smoking Spirits?)
Isipin ang kahangalan ng isang taong nagsabing, “Marahil ay napakaraming naninigarilyong espiritu sa lunsod na iyan, dahil napakarami roon ang naninigarilyo.” Ano ang ginagawa ng mga “naninigarilyong espiritu doon bago nagkaroon ng mga lunsod? Nasaan sila noon? Ano ang ginagawa nila bago ginamit sa paninigarilyo ang tabako? Ang dahilan ba ng pagkakaroon ng higit na kaunting maninigarilyo ay ang ilan sa mga “naninigarilyong demonyo” ay namamatay o lumilipat sa bagong teritoryo?
Nakikita ba ninyo ang kahangalan ng pagsabi natin ng mga tulad ng, “Ang lunsod na iyan ay kontrolado ng espiritu ng pagkahilig sa laman, kaya napakaraming bahay ng prostitusyon doon”? ang totoo ay saanman hindi pinagsisilbihan ng mga tao si Cristo, naroroon ang kaharian ng kadiliman. Maraming masasamang espiritu ang umiiral sa madilim na lupaing iyon na umaakit sa kanilang mga subject upang magkasala at magpaptuloy sa kanilang pagrerebelde laban sa Diyos. Tutuksuhin ng mga espiritung iyon ang mga tao sa lahat ng uri ng kasalanan, at sa ibang lugar, higit na susuko ang mga tao sa isang uri ng kasalanan kaysa sa ibang kasalanan. Ang tanging pag-asa nila ay ang magandang balitang inatasan tayong ipangaral.
Kahit na may ispesipikong uri ng masasamang espiritu na dalubhasa sa tanging kasalanan at namamahala sa tanging heograpikal na lugar, hindi tayo matutulungan kahit alamin natin, dahil wala tayong magagawa upang alisin sila. Ang tungkulin natin ay manalangin (sa isang panalanging ayon sa kasulatan) para sa mga tao roon na nadaya at ipangaral sa kanila ang magandang balita.
Ang tanging mainam na magagawa ng pag-alam sa pinaka-umiiral na kasalanan sa isang lunsod ay upang ipangaral natin ang higit na nakaka-convit na mensahe sa mga di ligtas na naninirahan doon—sa pamamagitan ng ispesipikong pagpapangalan ng mga kasalanan nila sa harap ng Diyos. Nguni’t hindi kailangang magsaliksik sa kasaysayan ng isang lunsod upang malaman iyan. Ang tanging kailangang gawin ay dumalaw sandali at panatilihing bukas ang mga mata at taynga. Sa kalaunan, lilitaw ang mga kasalanang umiiral doon.
Bilang pangwakas, walang halimbawa sa Bagong Tipan ng sinumang gumagawa ng “espiritwal na pagmamapa” bilang paraan ng paghahanda sa espiritwal na paghahamok o ebanghelisasyon. Ni walang instruksiyon sa mga sulat upang gawin ito. Sa Bagong Tipan, sinunod ng mga alagad ang Espiritu Santo tungkol sa kung saan sila mangangaral, matapat na ipinangaral ang ebanghelyo at hinikayat ang mga tao upang magsisi, at nagtiwala sa Panginoon upang kumpirmahin ang salita sa pamamagitan ng sumusunod na mga tanda. Gumana naman ang kanilang metodo.
Mito #9: “Kailangang palayain ang ilan Cristiano mula sa sumpang galing sa mga henerasyon o kay satanas.” (Myth 9: “Some Christians need to be set free from generational or satanic curses.”)
Ang buong idea ng “sumpang galing sa henerasyon” ay nanggaling sa apat na pahayag sa Kasulatang nakikita sa Lumang Tipan na nagsasabi ng pare-parehong usapin. Sila ay ang Exodo 20:5; 34:7; Bilang 14:8 at Deuteronomio 5:9. Tingnan natin ang Bilang 14:18:
Si Yahweh ay hindi madaling magalit, mahabagin at handang magpatawad. Subali’t hindi Niya ipinagwawalang-bahala ang kasamaan, sapagka’t ang kasalanan ng mga magulang ay kanyang sisingilin hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi (idinagdag ang pagdidiin).
Paano natin intindihin ang pahayag na ito ng? Ibig sabihin ba nito na magbibigay ng sumpa ang Diyos o parusahan ang isang tao dahil sa kasalanan ng kanyang mga magulang, mga lolo at lola, mga o mga kanunu-nunuan? Paniniwalaan ba natin na maaaring patawarin ng Diyos ang kasalanan ng isang tao kapag naniwala siya kay Jesus nguni’t parusahan siya dahil sa kasalanan ng kanyang mga kanunu-nunuan?
Talagang hindi, kundi matuwid na maaakusahan ang Diyos na Siya ay napaka-walang katuwiran at mapagpanggap. Siya Mismo ang nagpahayag na mali ang pagpaparusa sa isang tao dahil sa kasalanan ng kanyang mga magulang:
“Maaaring itanong mo kung bakit hindi dapat pagdusahan ng anak ang kasalanan ng ama. Sapagka’t matuwid ang mga gawa ng anak, sumunod siyang mabuti sa aking mga tuntunin, kaya dapat siyang mabuhay. Ang nagkasala ang dapat mamatay. Ang anak ay di dapat magdusa dahil sa kasalanan ng ama, at ang ama ay di dapat magdusa dahil sa kasamaan ng anak. Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pagiging matuwid at ang masama ay mamamatay sa kanyang kasamaan” (Eze. 18:19-20, idinagdag ang pagdidiin).
Dagdag pa, sa ilalim ng Kautusan ni Moises, iniutos ng Diyos na ni ang ama o ang anak ang aako ng kaparusahan dahil sa kasalanan ng isa sa kanila:
Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng anak ni ang anak dahil sa krimeng nagawa ng magulang; ang mismong maysala lamang ang dapat patayin (Deut. 24:16).
Walang posibilidad na ang isang Diyos ng pag-ibig at katuwiran ay maaaring isumpa o parusahan ang isang tao dahil sa kasalanan ng kanyang ninuno. [8] Kaya ano ang ibig sabihin ng Kasulatan kapag sinasabi nitong “sapagka’t ang kasalanan ng mga magulang ay Kanyang sisingilin hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi”?
Maaaring ibig sabihin nito na sinisisi ng Diyos ang mga tao dahil sa makasalanang halimbawang ipinakikita nila sa kanilang mga anak, at kung gayon bahagyang sinisisi Niya sila sa kasalanan ng kanilang mga anak dahil sa kanilang impluwensiya. Bahagyang sinisisi ng Diyos ang mga tao, dahil sa kanilang masamang impluwensiya, sa kasalanan ng kanilang kaapu-apuhan! Ganyan ang kabanalan ng Diyos. At walang magsasabing hindi Siya matuwid dahil dito.
Pansinin na sinasabi ng tinitingnan nating pahayag “ang kasalanan ng mga magulang ay Kanyang sisingilin sa salinlahi.” Ang kasalanan ng mga magulang sa kanilang mga anak ang dinadalaw.
Kung gayon, ang buong idea ng “sumpang galing sa henerasyon” ay isang pamahiin, at isang masamang paniniwala, dahil pinalalabas nito na hindi matuwid ang Diyos.
Mga Sumpa ni Satanas? (Satanic Curses?)
Nguni’t paano ang mga “sumpa ni Satanas”? Una, walang nasasaad sa buong Biblia na nagpapakitang “naisusumpa” ni Satanas ang sinuman, ni mga halimbawang ginawa niya ito. Tunay na makikita nating sinasaktan ni Satanas ang mga tao sa Biblia, nguni’t kailanman ay hindi natin siya nakikitang “nagbibigay ng sumpa” sa isang pamilya na nagreresulta sa patuloy na pagkakaroon nila ng malas pati na sa mga susunod sa kanila.
Bawa’t Cristiano ay harassed ni Satanas at masasamang espiritu (nang bahagya) sa tanang buhay niya, nguni’t hindi ibig sabihin nito na kailangan ng sinuman sa atin ang isang tao upang “putulin ang isang sumpang galing kay Satanas” na naipamana sa atin
ng ating mga magulang. Ang kailangan nating gawin ay panindigan ang Salita ng Diyos at labanan ang diyablo sa pamamagitan ng pananampalataya, na sinasabi ng Kasulatang gawin natin (tingnan ang 1 Ped. 5:8-9).
Sa Biblia, ang Diyos ang may kapangyarihang magbigay ng pagpapala at sumpa (tingnan ang Gen. 3:17; 4:11; 5:29; 8:21 ; 12:3; Bil. 23:8; Deut. 11:26; 28:20; 29:27; 30:7; 2 Cron. 34:24; Awit. 37:22; Kaw. 3:33; 22:14; Panag. 3:65; Mal. 2:2; 4:6). Isumpa man tayong iba sa pamamagitan ng kanilang bibig, nguni’t walang kapangyarihan ang kanilang mga sumpa upang saktan tayo:
Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad (Kaw. 26:2).
Tama si Balaam nang, pagkatapos siyang bayaran ni Balak upang isumpa ang mga anak ng Israel, sinabi niya, “Ang pinagpala ng Diyos ay paano ko susumpain? Ang binasbasan ni Yahweh, paano ko nga itatakwil?” (Bil. 23:8).
Nilampasan na ng ilang Cristiano ang ideang paglalagay ng sumpa batay sa mga salita ni Jesus sa Mc.11:23: “Tandaan ninyo ito: kung kayo’y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’at ito nga ay mangyayari.”
Nguni’t pansinin na walang kapangyarihan sa pagbigkas lamang ng mga salita, kundi sa pananalitang pinaniniwalaan ng puso. Walang paraan upang magkaroon ng pananampalataya ang isang taong sumpa makasasakit ang sumpa niya sa isang tao, dahil ang pananampalataya ang pangakong may kumpiyansa (Heb. 11:1) lang ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa Salita ng Diyos (Ro.10:17). Maaaring asahan ng isang tao na ang kanyang sumpa ay magbibigay ng kamalasan sa isang tao, nguni’t kailanman ay hindi niya ito mapaniniwalaan, dahil hindi nagbigay ang Diyos ng pangakong nagdudulot-ng-pananampalataya tungkol sa pagsumpa sa iba.
Ang tanging eksepsyon dito ay kung binigyan ng Diyos ang isang tao ng “kaloob na pananampalataya” kasama ng “kaloob na pagpapahayag ng mensaheng galing sa Diyos ” (dalawa sa siyam na kaloob ng Espiritu), na bibigkasin sa pamamagitan ng isang pagpapala o sumpa, na makkikita nating minsan ay ginagawa Niya sa buhay ng ilang tao sa Lumang Tipan (tingnan ang Gen. 27:27-29, 38-41; 49:1-27; Jos. 6:26 kasama ang 1 Ha. 16:34; Huk. 9:7-20, 57; 2 Ha. 2:23-24). Maging sa mga kasong iyon, ang mga pagpapala o sumpa ay nanggaling sa Diyos, hindi sa tao. Kung gayon, ang buong idea ng “pagsumpa” ng isang tao sa iba ay isang pamahiin lang. Kaya hindi tayo inutusan ni Jesus na “putulin ang sumpang ibinigay sa atin,” kundi “pagpalain ang nagigibigay ng sumpa sa atin .” Hindi natin kailangang matakot sa sumpa ninuman. Ang matakot sa sumpa ninuman ay pagpapakita ng kakulangan ng pananampalataya sa Diyos. Sa malas, palagi akong nakakikilala ng mga pastor na mukhang higit na may pananampalataya sa kapangyarihan ni Satanas kaysa sa kapangyarihan ng Diyos. Bagama’t naglalakbay ako sa iba-ibang bansa buwan-buwan upang sirain ang kaharian ni Satanas, kailanman ay hindi ako natatakot kay Satanas o anumang sumpang ibinigay sa akin. Walang dahilan upang matakot.
Mga Sumpang Lihim? (Occult Curses?)
Posible bang magkaroon tayo ng sumpang galing kay Satanas dahil sa pakikisangkot natin noon sa lihim na karunungan?
Huwag nating kalimutang kapag naipanganak tayong muli, ligtas na tayo sa kapangyarihan ni Satanas at ng kaharian ng kadiliman (tingnan ang Gw. 26:18; Col. 1:13). Wala nang kapangyarihan sa atin ni Satanas aliban kung ibibigay natin sa kanya. Bagama’t ipinakikita ng Biblia na ang mga Cristiano sa Efeso ay mahigpit na kasangkot sa paggawa ng salamangka bago sila napabagong-muli (tingnan ang Gw.19:18-19), walang talang nagpapakitang pinutol ni Pablo ang anumang “sumpang galing kay Satanas” o panggagapos sa kapangyarihan ni Satanas sa kanila pagkatapos nilang maipanganak muli. Ang dahilan ay kusa silang napalaya sa pananakop ni Satanas sa oras na sila’y unang naniwala kay Jesus.
Gayundin, nang sumulat si Pablo sa mga Cristiano sa Efeso, wala siyang ibinigay na instruksiyon tungkol sa pagpapalaya ninuman mula sa sumpang galing sa henerasyon o kay Satanas. Ang tanging sinabi niya sa kanila ay “huwag bigyan ng pagkakataon ang diyablo” (Efe. 4:27), at “isulot ang baluti ng Diyos” upang matibay nilang malabanan ang mga balak ng diyablo(Efe. 6:11). Ang mga iyon ay napaka-Cristianong tungkulin.
Nguni’t bakit, sa ilang pagkakataon, parang natulungan ang mga Cristiano nang may isang taong pumutol sa isang “sumpang galing sa henerasyon” o “sumpang galing kay Satanas” na angkin nila? Marahil ay ang taong nangailangan ng tulong ay may pananampalatayang lalayas ang diyablo sa oras na ang “sumpa” ay naputol. Ang pananampalataya ang siyang nagpapalayas sa diyablo, at maaaring magkaroon at dapat magkaroon ang bawa’t Cristiano ng pananampalatayang kapag nilalabanan niya ang diyablo, lalayas ito. Nguni’t walang pangangailangang tumawag ng “espesyalistang tagapagligtas” upang mapalayas si Satanas.
Sa pagtatapos, sinasabi ng Biblia sa atin na si Cristo’y “naging sumpa para sa atin,” at dahil doon, “tinubos tayo mula sa sumpa ng Kautusan” (Gal. 3:13, idinagdag ang pagdidiin). Lahat tayo ay nasa ilalim ng sumpa ng Diyos noon dahil nagkasala tayo, nguni’t dahil inako ni Jesus ang ating kaparusahan, napalaya tayo mula sa sumpang iyon. Purihin ang Diyos! Dahil wala hindi na tayo isinumpa, maaari na tayong magalak na pinagpala na tayo “ng bawa’t pagpapalang espiritwal sa mga makalangit na lugar kay Cristo” (Efe.1:3).
Espiritwal na Paghahamok ayon sa Kasulatan (Scriptural Spiritual Warfare)
Natalakay na natin ang maraming modernong mito tungkol sa espiritwal na paghahamok. Nguni’t mayroon bang hugis na ayon sa kasulatan? Oo, at iyan ngayon ang ating magiging pokus.
Marahil ang unang kailangan nating malaman tungkol sa espiritwal na paghahamok ay hindi ito ang dapat na pokus ng ating buhay-Cristiano. Dapat tayong nakapokus kay Cristo, sundin Siya at tumalima sa Kanya, habang patuloy tayong umuunlad upang maging higit na katulad Niya. Maliit lang na bahagdan ng mga panulat sa Bagong Tipan ang tumututok sa paksang espiritwal na paghahamok, na nagpapakita sa atin na dapat ay maliit lang na pokus sa Cristianong pamumuhay.
Ang pangalawang bagay na kailangan nating malaman tungkol sa espiritwal na paghahamok ay sinasabi ng Biblia ang kailangan nating malaman. Hindi natin kailangan ang natatanging kaalaman (o isang mangangaral na nag-aangking may tanging kaalaman) sa mga “malalalim na bagay tungkol kay Satanas.” Simple lang ang biblikal na espiritwal na paghahamok. Ang mga balak ni Satanas ay malinaw na ibinubunyag ng Kasulatan. Lantad na nakabalangkas ang ating mga tungkulin. Sa oras na malaman at paniwalaan mo ang sinabi ng Diyos, tiyak na ang iyong pagkapanalo sa espiritwal na labanan.
Balik sa Umpisa (Back to the Beginning)
Balik tayo sa aklat ng Genesis, kung saan una tayong ipinakilala sa diyablo. Sa mga unang kabanata doon, nagpapakita si Satanas sa hugis ng isang ahas. Kung may dudang ang ahas na ito ay ang diyablo, inaalis ng Pahayag 20:2 ang pagdududa: “Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon” (idinagdag ang pagdidiin).
Sinasabi sa atin ng Genesis 3:1, “Ang ahas na pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng PANGINOONG Yahweh.” Kapag inisip mo kung gaano kagagaling mandaya ang ilang nilikha ng Diyos habang lumalaban sila upang mabuhay at tambangan ang kanilang biktima, maiisip mo kung gaano karunong si Satanas. Sa kabilang dako, hindi marunong-sa-lahat si Satanas na tulad ng Diyos, at dapat ay huwag nating ipagpalagay na hindi tayo kasindunong niya sa ating pagpupumiglas laban sa kanya. Inutusan tayo ni Jesus na maging “marunong tulad ng mga ahas” (Mt. 10:16, idinagdag ang pagdidiin). Inangkin ni Pablo na hindi lingid sa kanya ang mga plano ni Satanas (tingnan ang Cor. 2:11) at ang pagkakaroon natin ng “isipan ni Cristo” (1 Cor. 2:16).
Inilunsad ni Satanas ang kanyang unang nakatalang panlaban sa pagtatanong kay Eva tungkol sa sinabi ng Diyos. Ang sagot niya ay magbubunyag kay Satanas kung may pagkakataon siyang dayain si Eva upang suwayin nito ang Diyos. Walang daan si Satanas upang dayain ang sinumang naniniwala at sumusunod sa sinabi ng Diyos, kaya ang buong estratehiya niya ay umiikot sa mga ideang sumasalungat sa Salita ng Diyos.
Tinanong siya ni Satanas, “Totoo bang sinabi ni Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan??” (Gen. 3:1.) Parang nagtutunog na inosenteng tanong sa isang kaswal na nagtatanong, nguni’t talagang alam ni Satanas kung ano ang kanyang layunin.
Sumagot si Eva, “Maaari naming kainion ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami” (Gen. 3:2-3).
Muntik nang maging tama si Eva. Sa katunayan, hindi kailanman sila pinagbawalan ng Diyos na hawakan ang puno ng karunungan ng mabuti at masama, kundi pinagbawalan silang kumain ng bunga nito.
Tunay na alam ni Eva ang katotohanan upang makilala ang sagot ni Satanas: “Hindi talaga kayo mamamatay!” (Gen. 3:4). Siyempre, iyan ay isang hayagang kasalungat sa sinabi ng Diyos, at malayo itong paniwalaan ni Eva agad-agad. Kaya pinatamis ni Satanas ang kasinungalingan niya ng kaunting katotohanan, na lagi niyang ginagawa, na nagiging madaling lunukin. Nagpatuloy siya: “Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagka’t alam Niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama” (Gen. 3:5).
Talagang sinabi ni Satanas ang tatlong bagay na totoo pagkatapos niyang magsinungaling. Alam natin na pagkakain nina Adan at Eva sa ipinagbabawal na bunga, nabuksan ang kanilang mata (tingnan ang Gen. 3:7) na tulad ng sinabi ni Satanas. Dagdag pa, sumunod na sinabi Mismo ng Diyos na naging parang Diyos ang lalaki at nalaman niya ang mabuti at masama (tingnan ang Gen. 3:22). Pansinin: Madalas na pinaghahalo ni Satanas ang katotohanan at kamalian upang dayain ang mga tao.
Pansinin din na sinira ni Satanas ang pagkatao ng Diyos. Ayaw ng Diyos na kumain sina Adan at Eva ng ipinagbabawal na bunga para sa kanilang sariling kalusugan at kaligayahan, nguni’t ginawa ni Satanas na parang may itinatago ang Diyos sa kanila na mabuti. Ang karamihan sa mga kasinungalingan ni Satanas ay sumisira sa katauhan, kalooban, at motibo ng Diyos.
Sa malas, tinanggihan ng unang mag-asawa sa lupa ang katotohanan upang paniwalaan ang isang kasinungalingan, kaya tinanggap nila ang kinalabasan nito. Nguni’t pansinin ang lahat ng elemento ng modernong espiritwal na paghahamok sa kanilang kuwento: ang tanging sandata ni Satanas ay isang kasinungalingang nakalatag sa katotohanan. Humarap sa mga tao ang pagpipiliang paniwalaan ang sinabi ng Diyos o ang sinabi ni Satanas. Ang paniniwala sa katotohanan ay “panananggang pananampalataya” sana nila, nguni’t kailanman ay hindi nila ito iniangat.
Ang Espiritwal na Pakikihamok ni Jesus (Jesus’ Spiritual Warfare)
Habang binabasa natin ang pakikiharap ni Jesus kay Satanas sa Kanyang patukso sa ilang, agad nating makikitang hindi binago ni Satanas ang kanyang mga metodo sa nakaraang sanlibong taon. Ang paraan ng kanyang atake ay pawalang-bisa ang sinabi ng Diyos, dahil aman niyang ang tanging paraan upang talunin ang kanyang kalaban ay kumbinsihin Siyang paniwalaan o sundin ang katotohanan. Ang Salita ng Diyos ay muling nasa gitna ng labanan. Ibinabato ni Satanas ang kanyang kasinungalingan, at sinangga ang mga iyon ni Jesus ng katotohanan. Pinaniwalaan at sinunod ni Jesus ang sinabi ng Diyos. Iyan ang biblikal na espiritwal na pakikihamok .
Naharap si Jesus sa parehong sitwasyong tulad ni Eva, Adan, at tulad nating lahat. Kailangan Niyang magpasya kung makikinig Siya sa Diyos o kay Satanas. Isinagawa ni Jesus ang Kanyang espiritwal na pakikipaglaban gamit ang “tabak ng Espiritu,” ang Salita ng Diyos. Tingnan natin kung ano ang matututuhan natin sa espiritwal na pakikihamok kay Satanas.
Sa pagtingin muli sa pangalawang pagtukso kay Jesus, sinasabi sa atin ni Mateo:
Pagkatapos, dinala Siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lunsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo. Sinabi nito sa Kanya, “Kung ikaw ang anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagka’t nasusulat, Sa kanyang mga anghel ika’y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika’y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo’y hindi masasaktan.’” Nguni’t sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos’” (Mt. 4:5-7).
Dito, ang pangunahing isyu ay tungkol muli sa sinabi ng Diyos. Inulit pa ni Satanas ang isang sipi mula sa ika-siyamnapu’t isang Awit, nguni’t binaluktot niya ito sa pagtatangkang palitan ito ayon sa hindi intensyon ng Diyos.
Sumagot si Jesus sa pag-uulit sa isang kasulatang nagbigay ng balanseng pagkakaintindi sa pangako ng Diyos ng proteksiyon na makikita sa Awit 91. Ililigtas tayo ng Diyos, kung hindi tayo kikilos nang may kahangalan, “na ilagay Siya sa pagsubok,” na tulad ng sinasabi ng talá sa gilid ng aking Biblia.
Kaya napakahalagang hindi natin hugutin ang mga berso sa kanilang konteksto sa kabuuan ng Biblia. Bawa’t kasulatan ay kailangang balansehin sa sinasabi ng kabuuan ng Biblia.
Ang pagbaluktot ng Kasulatan ay isa sa pinaka-pangkaraniwang taktika ni Satanas sa espiritwal na pakikihamok, at ang malungkot diyan, lubhang nagtatagumpay siya sa paggamit ng taktikang iyan laban sa maraming Cristianong kasangkot sa modernong kilusang espiritwal na pakikihamok. Isang klasikong halimbawa ng nabanggit na pagbabaluktot ay ang paggamit ng biblikal na pariralang “pagbuwag ng mga muog” upang suportahan ang idea ng pagpapabagsak ng masasamang espiritu sa himpapawid. Tulad ng nauna ko nang pagbanggit, ang partikular na pariralang iyan, kapag binasa sa konteksto, ay walang kinalaman sa pagpapabagsak ng masasamang espiritu sa himpapawid. Nguni’t nais isipin ni Satanas na ganoon na nga, kaya masasayang natin ang ating panahon sa pagsigaw sa mga namumuno at kapangyarihan sa langit.
Sa kuwento ni Mateo tungkol sa pangatlong pagtukso kay Jesus, mababasa natin,
Pagkatapos, dinala naman Siya ng diyablo napakataas na bundok at ipinakita sa Kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang kapangyarihan ng mga ito. Sinabi ng diyablo sa Kanya, “Ibibigay kio sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa Ka at sasamba sa akin.” Kaya’t sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagka’t nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sasambahin. At Siya lamang ang dapat mong paglilingkuran.’” (Mt. 4:8-10).
Ito ang pagtukso para sa kapangyarihan. Kung sinamba ni Jesus si Satanas, at kung tinupad ni Satanas ang kanyang pangako sa Kanya, naging pangalawang-pinuno sana si Jesus sa kaharian ng kadiliman. Satanas lang. Matatantiya lang natin sa ating mga b angungot kung ano ang nangyari kung sumuko si Jesus sa tuksong iyon.
Pansinin muli na sinagot ni Jesus ang mungkahi ni Satanas sa pamamagitan ng nakasulat na Salita ng Diyos. Napaglabanan ni Jesus ang bawa’t tukso pagsasabing, “Nasusulat.” Tayo rin, ay kailangan makaalam sa Salita ng Diyos at paniwalaan ito kung nais nating hadlangan ang pandadaya at mahulog sa mga patibong ni Satanas. Iyan ang ibig sabihin ng espiritwal na pakikihamok.
Ang Lugar ng Laban (The Battle Ground)
Sa kabuuan, ang tanging kapangyarihan ni Satanas at kanyang mga demonyo ay upang magtanim ng isipan sa mga puso at isip ng mga tao (at pati iyan ay limitado ng Diyos; tingnan ang 1 Cor. 10:13). Dahil diyan, tingnan ang sumusunod na halimbawa ng mga kasulatan:
Kaya’t sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa?” (Gw. 5:3, idinagdag ang pagdidiin).
Sa panahon ng hapunan, inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote, na ipagkakanulo niya si Jesus… (Jn. 13:2, idinagdag ang pagdidiin).
Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo … (1 Tim. 4:1, idinagdag ang pagdidiin).
Nguni’t nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo ( 2 Cor. 11:3, idinagdag ang pagdidiin).
Huwag ninyong ipagkakait ang inyong sarili sa isa’t isa, malibang pagkasunduan ninyong huwag munang magsiping upang maiukol ninyo ang panahon sa pananalangin. Nguni’t pagkatapos, magsiping na muli kayo upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil hindi na kayo makapagpigil (1 Cor. 7:5, idinagdag ang pagdidiin).
Kaya nga, nang hindi na ako makatiis ay nagpadala ako riyan ng sugo upang alamin ang kalagayan ngayon ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Nag-aalala ako na baka nalinlang na kayo ng diyablo, at kung magkagayo’y mawawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal (1 Tes. 3:5, idinagdag ang pagdidiin).
…ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita ng Diyos (2 Cor. 4:4, idinagdag ang pagdidiin).
Itinapon ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan; itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon (Pah. 12:9, idinagdag ang pagdidiin).
Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagka’t walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagka’t siya’y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan (Juan 8:44, idinagdag ang pagdidiin).
Ang mga kasulatang ito at iba pa ang nagpapalinaw na ang pangunahing lugar ng labanan sa biblikal na espiritwal na pakikihamok ay ang ating mga puso’t isipan. Umaatake si Satanas sa pamamagitan ng mga isip—masasamang mungkahi, maling idea, taliwas na pilosopiya, tukso, iba-ibang kasinungalingan at iba pa. ang paraan natin ng depensa ay ang kaalaman, paniniwala, at pagkilos ayon sa Salita ng Diyos.
Napakahalagang maintindihan ninyo na bawa’t iniisip ninyo ay kindi kinakailangang manggaling sa inyong kalooban. Napakaraming kinatawan si Satanas na tumutulong magtanim ng kanyang mga iniisip sa isipan ng mga tao. Umiiral siya upang impluwensiyahan tayo sa pamamagitan ng mga diyaryo, libro, telebisyon, magasin, radyo, sa pamamagitan ng mga kaibigan at kapitbahay, pati na sa mga ministro. Kahit ang apostol Pedro ay minsang ginamit bilang kinatawan ni Satanas,na iminumungkahi kay Jesus na hindi kalooban ng Diyos na mamatay Siya (tingnan ang Mt.16:23).
Nguni’t direktang kumikilos din si Satanas at masasamang espiritu sa isipan ng mga tao, nang walang tagapag-ugnay, at kung minsan, makikita ng lahat ng Cristiano ang kanilang sariling direktang inaatake. Diyan nagsisimula ang espiritwal na paghahamok.
Natatandaan ko ang isang mabait na Cristianong babaing minsan ay lumapit sa akin upang ikumpisal ang isang problema. Sinabi niya na sa tuwing nananalangin siya, sumasaisip niya ang ilang lapastangang isipan at nanunumpang mga salita ang maiisip niya. Isa siya sa mga pinakamahinhin, pinakamabait, pinakamayumi at pinakamapat na babae sa aking iglesia, subali’t may problema siyang masasamang isipan.
Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga isipang iyon ay hindi nanggaling sa kanya, kundi sinusugod siya ni Satanas, na nagtatangkang sirain ang kanyang buhay-panalangin. At sinabi niya sa akin na huminto siya sa araw-araw na pananalangin lubhang natakot siyang isipin niyang muli ang mga iyon. Nagtagumpay si Satanas.
Kaya sinabi ko sa kanyang magsimulang muling manalangin, at kapag pumasok sa isip niya ang mga lapastangang isipan, dapat niyang labanan ang mga iyon ng katotohanang mula sa Salita ng Diyos. Kung sinabi ng isip niyang, “Si Jesus ay isang —–lamang, dapat sabihin niyang, “Hindi, si Jesus ang banal na Anak ng Diyos.” Kung dumating sa kanyang isip ang panunumpang salita, dapat niyang halilihan iyon ng isip na papuri kay Jesus, at iba pa.
Sinabi ko rin sa kanya na sa takot nab aka umisip siya ng maling isip, sa katunayan ay inaanyayahan niya ang mga ito, dahil ang takot ay parang kabaligtaran ng pananampalataya—isang pananampalataya sa diyablo. Sa pagtatangkang hindi mag-isip ng isang bagay, kailangan nating isipin iyon upang subukang huwag isipin.
Halimbawa, kung sabihin ko sa iyo, “Huwag mong isipin ang iyong kanang kamay,” agad mong iisipin ang iyong kanang kamay habang tinatangka mong sundin ako. Sa kagustuhan mong huwag itong isipin, lalo mong naiisip ito. Ang tanging paraan upang hindi mo maiisip ang iyong kanang kamay ay tahasang pag-iisip ng ibang bagay, halimbawa, ang iyong sapatos. Sa sandaling ang isip mo’y nasa iyong sapatos, hindi mo maiisip ang iyong kanang kamay. Hinikayat ko ang mabait na babaing iyon upang “huwag matakot,” tulad ng utos sa atin ng Biblia. At tuwing nakikilala niya ang isang isip na salungat sa Salita ng Diyos, kailangang palitan niya ito ng isang isip na naaayon sa Salita ng Diyos.
Nasisiyahan akong ipaalam na sinunod niya ang aking payo, at, bagama’t sinugud siyang muli sa oras ng kanyang pananalangin, ganap na napagtagumpayan niya ang kanyang problema. Nanaig siya sa biblikal na espiritwal na pakikihamok.
Interesante rin na natuklasan ko, sa aking pananaliksik sa ilang iglesia, na pangkaraniwan ang kanyang problema. Kadalasang higit sa kalahati ng Cristianong napag-aaralan ko ay nagpapakitang di-miminsang nagkaroon sila ng lapastangang isip habang nananalangin. Lubhang hindi orihinal si Satanas.
“Mag-ingat sa Pinakikinggan Mo” ( “Take Care What You Listen To”)
Hindi natin mapipigil si Satanas at mga masamang espiritu sa pagsugud sa ating isipan, nguni’t hindi natin kailangang payagan ang kanilang mga iniisip upang sugurin ang ating mga iniisip. Ibig sabihin, hindi natin kailangang pag-isipan ang maka-demonyong mga idea at mungkahi, at angkinin sila. Tulad ng nasabi na, “hindi mo mapigil ang mga ibon sa paglipad sa taas ng iyong ulo, nguni’t maaari mo silang pigilin sa paggawa ng pugad sa iyong buhok.”
Gayundin, dapat tayong maging maingat na hindi isuko ang atingmga isipan sa dim akadiyos na impluwensiya kung kaya natin. Kapag umuupo tayo sa harap ng telebisyon sa loob ng isang oras, o magbasa ng diyaryo, inilalatag natin ang banig ng pagtanggap upang maimpluwensiyahan ng isipang maaaring galing kay satanas. Pagkatapos na pagkatapos Niyang sinabi ang talinhaga tungkol sa manghahasik, nagbabala si Jesus, “Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig” (Mc. 4:24). Alam ni Jesus ang mapanirang epekto ng pakikinig sa kasinungalingan, pinahihintulutan si Satanas na magtanim ng kanyang “binhi” sa ating puso at isipan. Ang mga binhi ay maaaring tumubo bilang “tinik at damong” sa kalaunan ay sasakal sa Salita ng Diyos sa ating buhay (tingnan ang Mc. 4:7, 18-19).
Si Pedro Tungkol sa Espiritwal na Pakikihamok (Peter on Spiritual Warfare)
Naintindihan ni apostol Pedro ang tunay at biblikal na espiritwal na pakikihamok. Kailanman ay hindi niya inutusan ang mga Cristiano sa sa kanyang mga sulat na ibagsak ang mga namumuno at kapangyarihan sa mga lunsod. Nguni’t inutusan niya silang labanan ang mga pagsugod ni Satanas laban sa kanilang personal na buhay, at sinabi niya sa kanila kung paano talaga sila lalaban:
Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila. Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig (1 Ped. 5:8-9).
Unang pansinin na ipinakita ni Pedro na ang ating posisyon ay pang-depensa, hindi opensa. Si Satanas ang siyang aali-aligid, hindi tayo. Hinahanap niya tayo; hindi natin siya hinahanap. Ang gawain natin ay hindi upang sumugod kundi tumutol.
Pangalawa, pansinin na si Satanas, tulad ng isang leon, ay naghahanap ng isang taong masisila. Paano niya masisila ang mga Cristiano? Ang ibig sabihin ba ni Pedro ay literal na makakain ni Satanas ang kanilang laman na tulad ng magagawa ng leon? Malinaw na hindi. Ang tanging paraan upang masila ni Satanas ang isang Cristiano ay dayain siya upang maniwala sa isang kasinungalingang sisira sa kanyang pananampalataya.
Pangatlo, pansining sinasabi sa atin ni Pedro na labanan ang diyablo sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Ang laban natin ay hindi pisikal, at hindi natin malalaban si Satanas sa pagsuntok sa hangin. Sinusugod niya tayo sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, at nilalabanan natin ang mga kasinungalingang iyon sa matibay na paninindigan sa ating pananampalataya sa Salita ng Diyos. Muli, iyan ay espiritwal na pakikihamok ayon sa kasulatan.
Ang mga Cristianong sinusulatan ni Pedro ay nagtitiis ng masidhing pagpapahirap, at kung gayon ay natutuksong isuko ang pananampalataya kay Cristo. Laging kapag nasa kalagitnaan tayo ng mahihirap na kalagayan na susugod si Satanas dala ang kanyang pagdududa at kasinungalingan. Iyan ang panahong matibay na manindigan sa iyong pananampalataya. Iyan ang “masamang araw” na tinukoy ni Pablo kapag kailangan mong “isuot ang baluti ng Diyos, upang matibay kang tatayo laban sa mga plano ng diyablo (Efe. 6:11, idinagdag ang pagdidiin).
Si Santiago Tungkol sa Espiritwal na Pakikihamok (James on Spiritual Warfare)
Binanggit rin ni apostol Santiago ang tungkol sa espiritwal na pakikihamok sa kanyang sulat. Sinabi ba niya sa mga Cristiano na maaaring tiyakin ng kanilang panalangin ang kalalabasan ng mga labanan ng anghel? Hindi. Sinabi ba niyang pabagsakin nila ang mga espiritu ng pagkahilig sa laman, walang pakikialam, at paglalasing sa kanilang lunsod? Hindi. Sinabi ba niya sa kanilang pag-araan ang kasaysayan ng kanilang mga lunsod upang matiyak ang uri ng espiritung mula umpisa ay naroon na? Hindi.
Naniwala si Santiago sa ayon sa kasulatang espiritwal na pakikihamok, kaya isinulat niya:
Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito (San. 4:7, idinagdag ang pagdidiin).
Muli, pansinin na ang tayo ng Cristiano ay isang depensa—lalaban tayo, hindi susugod. Kapag ginawa natin iyon, ipinangangako sa atin ni Santiago na lalayas si Satanas. Wala siyang dahilan upang manatili sa isang Cristianong hindi mapipilit na maniwala sa kanyang kasinungalingan, sumunod sa kanyang mungkahi, o sumuko sa kanyang pagtukso. Pansinin din na una tayong inutusan ni Santiago upang pasakop sa Diyos. Nagpapasakop tayo sa Diyos sa pagpapasakop sa Kanyang Salita. Ang ating paglaban kay Satanas ay inihahayag ng pagpapasakop sa Salita ng Diyos.
Si Juan Tungkol sa Espiritwal na Pakikihamok (John on Spiritual Warfare)
Nagsulat din si apostol Juan tungkol sa espiritwal na paghahamok sa kanyang unang sulat. Sinabi ba niyang pumunta tayo sa matataas na lugar upang was akin ang mga muog ng diyablo? Hindi. Sinabi ba niyang palayasin natin ang demonyo ng galit sa mga Cristianong kung minsan ay nagagalit? Hindi.
Bagkus, si Juan, tulad nina Pedro at Santiago, ay naniniwala lamang sa biblikal at espiritwal na paghahamok, kaya pareho rin ang kanyang mga instruksiyon:
Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawa’t nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagka’t marami nang huwad na propeta sa mundong ito. Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinahayag nila na si Jesu-Cristo ay naging tao. Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito’y darating at ngayon nga’y nasa daigdig na. mga anak, kayo nga’y sa Diyos na at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagka’t ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan. Sila’y makasanlibutan, kaya’t mula rin sa sanlibutan ang itinuturo nila, at nakikinig sa kanila ang mga makasanlibutan. Nguni’t tayo’y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; nguni’t hindi nakikinig sa atin ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan (1 Juan 4:1-6).
Pansinin na ang buong pagtalakay ni Juan sa mga bersong ito ay umiikot sa mga kasinujngalingan ni Satanas at ang katotohanan ng Diyos. Kailangan nating subukin ang mga espiritu upang malaman kung mula sila sa Diyos, at ang pagsubok ay batay sa katotohanan. Hindi aaminin ng mga masasamang espiritu na dumating si Cristo sa laman. Sila ay mga sinungaling.
Sinabi rin sa atin ni Juan na napagtagumpayan natin ang masasamang espiritu. Ibig sabihin, bilang mamamayan ng kaharian ng liwanag, hindi na nila tayo sakop. Ang nakahihigit, si Jesus, ay nananahan sa atin. Ang mga taong pinananahanan ni Cristo ay hindi dapat takot sa mga demonyo.
Sinabi rin ni Juan na nakikinig ang sanlibutan sa masasamang espiritu, na nagpapakitang ang masasamang espiritung iyon ay nagsasalita. Alam natin na hindi sila nagungusap nang malakas, kundi nagtatanim sila ng kasinungalingan sa isipan ng mga tao.
Bilang tagasunod ni Cristo, hindi tayo dapat nakikinig sa kasinungalingan ng masasamang espiritu, at ipinapahayag ni Juan na ang mga nakakikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin, dahil nasa atin ang katotohanan; nasa atin ang Salita ng Diyos.
Muli, pansinin na ang estratehiya ni Satanas ay kumbinsihin ang mga tao upang paniwalaan ang kanyang kasinungalingan. Hindi tayo magagapi ni Satanas kung alam natin at paniniwalaan ang katotohanan. Iyan ang espiritwal na paghahamok ayon sa kasulatan.
Pananampalataya ang Susi (Faith is the Key)
Ang pag-alam sa Salita ng Diyos ay hindi sapat upang manalo sa espiritwal na labanan. Ang susi ay tunay na paniniwala sa sinabi ng Diyos. Totoo ito sa paglaban sa diyablo at sa pagpapalayas ng mg demonyo. Halimbawa, muling isaalang-alang ang halimbawang nasiyasat na, nang ibigay ni Jesus sa Kanyang labindalawang alagad ang “kapangyarihang magpalayas sa mga masasamang espiritu” (Mt. 10:1). Makikita natin sila, makaraan ang pitong kabanata, na hindi makayanang palabasin ang demonyo sa isang epileptic na batang lalaki. [9] Nang malaman ni Jesus ang kanilang kabiguan, nalungkot Siya:
“Lahing napakasama at walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat manatiling kasama ninyo?” (Mt. 17:17, idinagdag ang pagdidiin).
Ang kanilang kawalan ng pananampalataya ang ikinalungkot ni Jesus. Dagdag pa, nang sa huli ay tinanong Siya kung bakit hindi nila napalayas ang demonyo, sumagot si Jesus, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya” (Mt. 17:20). Kung gayon ang kapangyarihan nilang magpalayas ng demonyo ay hindi hiwalay sa kanilang pananampalataya.
Ang tagumpay natin sa pagpapalayas ng demonyo at paglaban sa diyablo ay nakadepende sa ating pananampalataya sa Salita ng Diyos. Kung tunay na naniniwala tayo sa sinabi ng Diyos, magsasalitaa at kikilos tayong ganoon. Hinahabol ng mga aso ang mga taong tinatakbuhan sila, at ganito rin ang sa diyablo. Kung tatakbo ka, hahabulin ka ng diyablo. Bagama’t kung paninindigan mo ang iyong pananampalataya, lalayasan ka ng diyablo (tingnan ang San. 4:7).
Walang dudang ang kawalan ng pananampalataya ng mga alagad ay lantad sa sinumang tumitingin, habang sinubukan nila, nguni’t nabigo, na iligtas ang batang lalaking iyon mula sa isang demonyo. Kung “pinangisay” na naman ng demonyo ang bata sa harap ng mga alagad na tulad noong nakaharap si Jesus (Lu. 9:42) at pabubulahin ang bibig nito (tingnan ang Mc. 9:20), posibleng naging takot ang pananampalataya ng mga alagad. Marahil ay naparalisa sila sa kanilang nasaksihan.
Nguni’t ang isang taong may pananampalataya ay hindi natitinag sa nakikita niya, kundi natitinag sa sinabi lamang ng Diyos, “Sapagka’t namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita” (2 Cor. 5:7, idinagdag ang pagdidiin). Hindi makapagsisinungaling ang Diyos (tingnan ang Tito 1:2), kaya kahit na mukhang sinasalungat ng ating kalagayan ang sinabi ng Diyos, kailangan nating manatiling matibay sa pananampalataya.
Pansinin na iniligtas ni Jesus ang batang lalaki sa loob lamang ng ilang saglit. Ginawa Niya iyon sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi Siya nagsayang ng panahon sa paggawa ng “pagpapalayas”. Ang mga nananampalataya sa kanilang kapangyarihang galing-sa-Diyos ay hindi nangangailangan ng maraming oras upang magpalayas ng demonyo.
Dagdag pa, walang nakasulat na sinigawan ni Jesus ang demonyo. Ang mga nananampalataya ay hindi kailangang sumigaw. Ni hindi inulit-ulit ni Jesus ang pag-uutos sa demonyo upang lumayas. Sapat na ang isang utos. Ang isa pang pangalawang utos ay pag-amin ng pagdududa.
Sa Pagbubuod (In Summary)
Itinuturo ng ministrong tagalikha-ng-alagad, sa pamamagitan ng halimbawa at salita, ang biblikal na espiritwal na pakikihamok, upang matibay na makapanindigan ang kanyang mga alagad laban sa mga balak ni Satanas at makapamuhay na sumusunod sa mga utos ni Cristo. Hindi niya inaakay ang kanyang mga alagad upang sundin ang umiiral na “hangin ng doktrina” na nagsusulong ng mga metodong ng espiritwal na pakikihamok na hindi naaayon sa kasulatan, dahil alam niyang ang mga metodong iyon ay mali ang pokus at talagang dinaya ni Satanas, ang siyang inaangkin nilang matagumpay na hinaharap.
[1] Translator’s note: the terms pagbabawal and pagpapahintulot are enclosed in parentheses, because these are similar terms with the words used—paggapos and pagpapakawala. These latter words are retained due to their previous usage in the text (Mark. 3:22-30, p. 576).
[2] Higit na lubusang natalakay ang konseptong ito sa aking aklat na God’s Tests, na maaaring mabasa sa Ingles sa ating website, [3] Ang eksepsyon sa tuntuning ito ay mga taong lubhang pinamahalaan ng mga demonyo kaya wala silang paraan upang ipahayag ang kanilang pagnanasa sa kalayaan. Sa mga kasong iyon, kailangangan ng natatanging kaloob ng Espiritu upang magdulot ng kaligtasan, at iiral ang mga kaloob ng Espiritu kung kalooban ng Espiritu.
[4] Ang mga paglalarawan ni Pablo sa di mananampalataya sa Roma 1:18-32 ay sumusuporta rin sa konseptong ito.
[5] Totoo, siyempre, na sa iba-ibang heograpikal na lugar, may higit na malaki o maliit na bahagdan ng mga tao sa bawa’t kaharian.
[6] Sa mga naninindigan sa posisyong “kapag naligtas, laging ligtas” ay maaaring hindi aayon. Hinihikayat ko silang basahin ang Ro. 11:22; 1 Cor. 15:1-2; Fil. 3:18-19; Col. 1:21-23 at Heb. 3:12-14, at tingnang mabuti ang salitang “kung”saanman ito makita.
[7] Ang “espiritu ng selos” na binanggit sa Bilang 5:14-30 at ang “espiritu ng kayabangan” ng Kawikaan 16:18 ay mahuhusay na halimbawa ng salitang espiritu na ginagamit upang iparating ang tanging uri ng umiiral na saloobin, sa halip na isang demonyo. Sa Bilang 14:24 mababasa natin na may “ibang espiritu” si Caleb, na malinaw na tumutukoy sa magandang saloobin ni Caleb.
[8] Hindi ibig sabihin nito na hindi nahihirapan ang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang mga magulang, dahil tunay na nahihirapan sila. Nguni’t kapag nangyari iyon, hindi pagpapakitang pinarurusahan ng Diyos ang mga batang iyon dahil sa kasalanan ng kanilang magulang, kundi indikasyon na napakasama ng mga taong gumagawa ng kasalanan kahit alam nilang pahihirapan ang kanilang mga anak. Malinaw din sa Kasulatan na hindi igagawad ng Diyos ang paghatol sa isang tao na ibibigay Niya sa susunod at karapat-dapat ding anak. Gayundin, maaari Niyang kahabagang iantala ang paghatol sa isang masamang henerasyon nguni’t ibubuhos sa susunod at karapat-dapat na henerasyon (tingnan ang Jer. 16:11-12). Ibang-iba iyan sa pagpaparusa sa isang tao dahil sa kasalanan ng kanyang mga ninuno.
[9] Kailangan nating mag-ingat sa pagpapalagay na ang lahat ng pangingisay ay sanhi ng nananahang masamang espirtu.